The Monologue

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tinatawag akong baliw pero wala akong pakialam kung ano ang tingin ng iba sa akin, dahil mas

marami
akong alam sa kanila at sila’y mga walang pag-asa. Mahirap ako, at wala akong pamilya. Ako’y matanda
na, kaya napagdaanan ko na ang lahat! Alam mo ba na ako ay mayaman dati? Magaling na mag-aaral,
ngunit pinatigil ako ng aking ina dahil makalilimot daw ako sa Panginoon. Nag-asawa rin ako ngunit
pagkalipas ng isang taon lamang, ang aking mahal ay namatay, pati ang aking nanay din. Sa isang taon!
Pagkatapos noon, ako’y nag iisa na at ang kasama ko ay mga aklat at kaalaman.

Inialay ko ang aking buhay sa katalinuhan at katarungan, at marami akong natutuhan. Gamit ang aking
kaalaman, hinamon ko ang iba’t-ibang mga kaisipan, nag-isip ako ng iba! Nagkaroon ako ng kakaibang
personalidad dahil sa aking mga pananaw sa lipunan at pulitika. Ako’y naging matalino, hindi baliw! Ang
mga tao ay tatawagin kang baliw dahil lamang sila ay hindi sumasang-ayon sa iyo.

May isang binata na pumasok sa aking buhay, si Crisostomo Ibarra. Hindi siya katulad ng iba dahil
katulad niya ako na nakikita ang nakalulungkot na sitwasyon ng ating bansa dahil sa mga tiwaling
opisyal. Aba! Humingi pa siya ng payo sa akin para sa proyekto niya na magtayo ng isang paaralan para
sa mga Indio. Sinabi ko na kailangan niyang itago ang kanyang pagmamalaki, konsultahin at humingi ng
suporta galing sa mga maimpluwensyang may kapangyarihan. Sinabi ko na humingi ng payo sa kanila, na
sumuko siya sa kanila.

Ito ay masamang tagubilin, pero ito ay matalino dahil maiiwasan ang panganib. Ang paghihiganti ay hindi
daan sa tagumpay, kundi ang pagpaplano at pag-iisip nang maingat. Upang makamit ang kanyang nais,
kailangan niyang gamitin ang kanyang mga kalaban. Gamitin ang tulong na ibibigay ng mga ito upang
siya ay makalamang sa kanila. Sinabi ko ito sa kanya sa paraan na inihahalintulad ko ito sa tangkay dahil
kailangan nitong yumuko sa ihip ng hangin. Dahil kung hindi, ito ay mababali at masisira. Hindi parating
maaaring magmatigas at kailangang minsan ay sumabay sa hangin. Ang aking payo ay naging tulong kay
Ibarra.

Nag-iisa nga ako ngayon at walang nakaiintindi sa akin, ngunit ito ay nagbibigay sa akin ng kalayaan!
Kung mabubuksan lamang ng mga Pilipino ang kanilang mga mata at magsikap sa pag-unawa ng
dinastiyang nagaganap ngayon, mayroon sanang pag-asa ang bayan.

You might also like