Professional Documents
Culture Documents
AP8 Q3 Week7 Final
AP8 Q3 Week7 Final
Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 7
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: _____________________________ Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo
Pangkat and Seksyon: ____________________ Petsa: __________________
Himagsikang Ruso
Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa
mundo. Kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa lupa ang apat
sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa utang. Maging ang mga
industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar.
Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan- sina Josef Stalin at Leon Trotsky-
tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin ng Russia. Si Trotsky
ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong
pandaigdig.
Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon dahil mahina pa ang
Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa Mexico at
doon namatay noong 1940.
Nasyonalismo sa Latin America
Pagkatapos makamit ng Estados Unidos ang kanilang kalayaan sa Great Britain, nag-
alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain. Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang
pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang
magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal.
Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng makabansang
damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling tawaging bansa ang Latin America.
2
Hindi ito nakapagtataka. Maraming mga Latin Americans ang nagsasalita ng Espanyol
at Katoliko Romano ang pananampalataya. Pagtapos makamit ng Estados Unidos ang
kanilang kalayaan sa Great Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa
Spain.
Pagkakaiba ng Lahi bilang Salik ng Nasyonalismo
Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America tulad ng
Argentina, Uruguay, Costa Rica at Chile. Ang populasyon ng iba- Ecuador, Peru, Bolivia at
Paraguay ay halos American Indians. Sa Dominican Republic,itinuturing ang ibang lahi na
mababang uri. Ang populasyon ng Brazil ay lahing Aprikano, Indian at mga nanggaling sa
Portugal, France, Spain, Germany at Italy. Maraming Europeo ang naninirahan sa ibang
bansang Latin America ngunit sa Brazil lamang nagkaroon ng pag-aasawa ng iba’t ibang lahi
at nasyonalidad.
Hindi tulad ng 13 kolonya sa Estados Unidos, nag-alsa ang mga kolonya ng mga
Espanyol sa iba’t ibang panahon at sa ilalim ng iba’t ibang pinuno. Nais ng mga bagong
republika na mabigyang –halaga ang kanilang naiambag gayundin ang kanilang mga bayani.
Sa Latin America gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiya
laban sa republika. Nagbigay-diin ito sa mga pagkakaiba ng mga Latin Amerikanong bansa.
Maraming himagsikan ang nagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi.
3
peones ang mga taong ito. Ito ang uri ng piyudalismong umunlad sa Latin America at
nakasagabal sa kanilang nasyonalismo.
Sa mga bansang Latin America, napabayaan ang nasyonalismo sapagkat matagal na
panahon bago nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan. Itinuturing na mababang uri ng
gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na mahalaga sa kanila ang pag-aari ng
lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap.
4
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa
Ang Sahara ang naghihiwalay sa Black at Caucasoid Africa. Ang mga kayumangging
Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang sinasabing unang tao sa Africa. Naitaboy sila
ng mga higit na maunlad na mga lahing Itim sa kanluran at mga Bantu sa silangan. Hindi
naglaon, nakipamuhay sila sa mga Bushman at Pygmy.
Binuo ang mga lahing Puti ng mga mangangalakal na Arab, mga Asyano at mga
Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot. Samantalang ang Puting
minorya (dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa, ang
nakararaming lahing Itim (98 bahagdan ng populasyon) ay naghihirap.
Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa- Ethiopia,
Liberia at Republika ng South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa pamamahala ni Haring
Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong 1810 sa tulong ng America at
ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera na Monrovia.
Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang ikatlo noong 1910.
Kasanayang Pampagkatuto:
Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at
iba’t ibang bahagi ng daigdig. AP8PMD-IIIi-10
Mga Layunin:
1. Nasusuri ang pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa.
2. Naipaliliwanag ang naging implikasyon ng nasyonalismo na naging daan sa
pagbabago ng pananaw sa Europa at iba't-ibang bahagi ng daigdig.
5
Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang personalidad sa bawat bilang. Ayusin ang mga jumbled letters upang
mabuo ang pangalan. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Siya ang tinaguriang “Tagapagpalaya ng South America.”
SMNIO OLIBVAR ______________________________
2. Ito ang tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo.
CEORLE ______________________________
3. Ito ang pinakamalaking bansa sa daigdig.
USRSIA ________________________
4. Isang Venezuelan na nag – alsa laban sa mga Espanyol noong 1811.
FANRCCISO DE RAMIDNA ______________________________
5. Isang pinunong Argentinian, na naging tagapagtaguyod ng edukasyon.
VANIDAVIA ______________________________
6. Pinaghalong lahi ng Espanyol at Indian.
MESITOZ ______________________________
7. Naniniwala siyang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng
rebolusyong pandaigdig. SKYTROT ______________________________
8. Pinamunuan niya ang grupo sa Andes na nagtapos sa mga Espanyol sa
Argentina. SEJO ED ANS MTAINR ______________________________
9. Siya ang namuno sa Argentina hanggang 1852.
AUJN NAUMEL ED RSSAO ______________________________
10. Pinalaganap niya ang Kristiyanismong Griyego sa Russia.
LVADRIMI I ______________________________
Pagsasanay 2
Panuto : Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ito ay di-
wasto. Isulat ang sagot sa patlang.
Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin kung saang pag – unlad ng nasyonalismo naganap ang isinasaad ng bawat
bilang. Isulat ang SU kung ito ay sa SOVIET UNION, LA kung ito ay sa LATIN AMERIKA at
A kung ito ay mula sa AFRICA. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_____1. Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan- sina Josef Stalin at Leon Trotsky.
_____2. Naitaboy ang mga Bushman at Pygmy ng mga higit na maunlad na mga lahing Itim
sa kanluran at mga Bantu sa silangan.
_____3. Nag-alsa ang mga kolonya ng mga Espanyol sa iba’t ibang panahon at sa ilalim ng
iba’t ibang pinuno.
_____4. Ang tagumpay niya ay humantong sa pagtatatag ng Great Colombia.
_____5. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I, ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox)
kaya tinawag siyang Vladimir the Saint.
Pagsasanay 4
Sumulat ng isang maikling tula na mayroong malayang taludturan, gamitin ang
temang “ Nasyonalismo”
7
Pamantayan sa Pagsulat ng Tula:
Kategorya Puntos Marka ng Guro
Kaangkupan sa tema 25
Malinaw ang pagkakalahad 15
Nakakaaliw basahin 10
Kabuuan 50 puntos
Pangwakas
Bilang isang mag aaral, paano mo maipakikita sa ibang lahi ng daigdig ang
iyong pagmamahal sa bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis.
2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag – aaral. Pasig City,
Pgilippines: Vibal Group Inc. and Department of Education Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS) 413 - 420
Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 3. 1. SU 2. A 3. LA 4. LA 5. SU
Inihanda ni :
HAZEL B. NUNAG
Teacher I