Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mga Salik, Pangyayari at
Kahalagahan ng Nasyonalismo sa
Silangan at Timog-Silangang
Asya
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 2: Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Nonita A. Adubal
Editor:
Tagasuri: Jeovani U. Amolata, Angel Rose L. Suansing
Tagaguhit: Izar Graham A. Gumanid
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mga Salik, Pangyayari at
Kahalagahan ng Nasyonalismo sa
Silangan at Timog-Silangang
Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan
mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahanang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod
na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan naming nasa pamamagitan ng
modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya
mo yan!

to

ii
Alamin Natin
Kumusta ka mag-aaral? Handa ka na bang pag-aralan ang modyul na ito?
Matapos mong masuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin, mauunawan mo ngayon sa modyul na ito ang
nagpatuloy at nagbago sa mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya na
nasakop ng mga Kanluranin.

Ang araling ito ay may layuning nakabatay sa Most Essential Learning


Competency para sa Baitang 7 na: Nasusuri ang mga salik, pangyayari at
kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na


mga paksa:

1. Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Silangang Asya;


A. China
B. Japan

2. Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang


Asya
A. Burma (Myanmar ngayon)
B. Indonesia
C. Pilipinas
D. Vietnam

Mula sa mga nabanggit na paksang aralin, ikaw ay inaasahan na:

• natatalakay ang mga salik sa pag-usbong ng nasyonalismo sa


Silangan at Timog-Silangang Asya;

• nailalarawan ang mga kaganapan na humantong sa pagpapamalas


ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano sa Silangan at Timog-
Silangang Asya; at

• nailalahad ang kahalagahan ng damdaming nasyonalismo sa


pagbuo ng mga bansang Asyano.

1
Subukin Natin
Bago mo tuluyang pag-aralan ang paksa ay subukan mo munang sagutin ang mga
katanungan sa ibaba upang malaman ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Maaari
ka nang magsimula!

I. Maramihang Pagpipili: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat


bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong
sagutang papel.

1. Kakaiba ang pamamaraang ginawa ng Japan bilang tugon sa pananakop


ng mga dayuhan, sino ang namuno sa modernisasyon ng Japan?
A. Sukarno C. Mao Zedong
B. Mutsuhito D. Ho Chi Minh

2. Ano ang konseptong tumutukoy sa pagkakaroon ng pambansang


kamalayan kagaya ng pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili para
sa bayan at pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambahayan?
A. Ideyalismo C. Nasyonalismo
B. Kapitalismo D. Neokolonyalismo

3. Paano ipinamalas ng mga Hapon ang kanilang damdaming Nasyonalismo


noong iginiit ng US ang Open Door Policy?
A. Nakipagdigma sila sa mga Kanluranin
B. Sumabak ang Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
C. Pumayag sila ngunit may mga kondisyong inilatag sa mga dayuhan
D. Pumayag ang Japan na ito’y ipatupad at pinasimulan ang Meiji
Restoration

4. Anong kaganapan sa bansang Burma ang pangunahing salik upang


sumiklab ang kanilang hangaring lumaya?
A. Binago ng mga British ang kultura ng Burma
B. Kinontrol ng mga British ang teritoryo ng Burma
C. Nang gawing lalawigan lamang ng India ang Burma
D. Nang matalo ang Burma ng mga British sa digmaan

5. Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang


Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng nasyonalismo. Ano ang kahalagahan
ng pangyayaring ito?
A. Nagkaroon ng iba’t ibang ideolohiya ang mga bansa
B. Naipakita natin ang pagkamuhi sa ating mga dinanas
C. Napabilis ang paglaya ng mga bansang dating sinakop
D. Dahil sa mga nasyonalista, nabago ang ating kapalaran

2
6. Naganap ang Rebelyong Taiping upang mahinto ang pamumuno ng mga
dayuhan sa kanilang bansa. Ano ang epekto ng rebelyong ito sa China?
A. Ang pagyakap ng relihiyong Kristiyanismo ay lumaganap
B. Nagkaroon ng maraming pagbabago sa lipunan ng mga Tsino
C. Namatay ang mahigit sa dalawampung milyong Tsino sa rebelyon
D. Nagkaroon ng pagkakapantay-pantay ng karapatan sa mga
kababaihan

7. Ipinakita ng mga Vietnamese ang damdaming nasyonalismo sa


pamamagitan ng pakikidigma sa mga Kanluranin. Paano nito
naapektuhan ang kanilang bansa?
A. Nakamit ng Vietnam ang kalayaan
B. Nahati ang Vietnam sa 17th parallel
C. Nagkaisa ang buong bansa ng Vietnam
D. Umalis ang mga Kanluranin sa Vietnam

8. Pagkatapos ng mahabang panahon ay napagtanto ng bansang Japan na


buksan na ang kanilang bansa sa mga Kanluranin at yakapin ang
modernisasyon. Paano ito nakaapekto sa kanila?
A. Nagalit ang mga Hapones sa kinahinatnan ng kanilang bansa
B. Nawala sa kamay ng Shogunato ang kapangyarihang mamuno
C. Napalitan ng bagong tatag na pamahalaan sa pamumuno ng US
D. Umunlad ang Japan dahil sa makabagong kagamitan at paraan ng
pamumuhay
9. Paano winakasan ng nasyonalismo ang imperyalismo sa mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Pagtangkilik sa mga produktong ibenenta ng mga dayuhan
B. Pagtago sa malalayo at liblib na mga lugar upang hindi makita at
makaiwas sa digmaan
C. Pakikipagtulungan sa mga dayuhang mananakop sa pagkakaroon nila
ng kapangyarihan sa pamumuno sa mga bansang sinakop
D. Pagbuwis ng buhay sa pagtanggol ng demokrasya, kalayaan at
karapatan ng mga mamamayang pinanghihimasukan ng mga
kanluranin

10. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa


kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. Naipakita nila ito sa iba’t
ibang paraan, may gumamit ng rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya,
pagtanggap sa mga pagbabagong dala ng mga dayuhan at pagtatag ng mga
makabayang samahan. Bilang mag-aaral sa kasalukuyang panahon, paano
mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan?
A. Mag-aaral ng mabuti upang buhay ay bumuti
B. Magmasid sa mga pangyayaring nagaganap sa bansa
C. Makiisa sa mga samahan na tumutulong sa pangangalaga sa kalikasan
D. Makilahok sa mga gawaing pangkomunidad at maging mabuting mag-
aaral

3
Aralin Natin

Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Silangan at


Timog-Silangang Asya

Binabati kita sa masigasig mong pagsagot sa bahaging subukin. Alam kong


nais mong malaman ang mga kaganapan sa Asya pagkatapos ng kolonyalismo at
imperyalismo sa nabanggit na kontinente. Ngayon nais kong iyong malaman na
malaki ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga Asyano sa Silangan at
Timog-Silangang Asya dulot ng kolonyalismo at imperyalismo. Nasaksihan sa
nabanggit na mga rehiyon ang iba’t ibang paraan ng pagkontrol ng mga mananakop
sa pamumuhay ng mga Asyano.

Dahil sa kalagayang ito, ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan


at pagsasamantala ng mga bansang kanluranin sa mga bansang Asyano ang
nakaimpluwensiya sa pagkabuo ng nasyonalismong Asyano.

Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding


pagmamahal at pagpapahalaga sa ating Inang-bayan. Sa araling ito, susuriin mo
ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Handa ka na ba?

Binabati kita, dahil nasagutan mo ang mga panimulang gawain. Ngayon ay


handa ka na upang pag-aralan ang panibagong aralin, suriin mo ang mga salik,
pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan
at Timog-Silangang Asya.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya

Mga kilalang lider ng China at Japan na nagpaunlad ng damdaming


nasyonalismo sa kani-kanilang mga bansa.

Nagsulong ng komunismo Nagsulong ng demokrasya Nagbigay daan sa


modernisasyon

Mao Zedong Sun Yat-sen Mutsuhito

4
Mga salik at pangyayari sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Silangang Asya

China Japan
² Ipinatupad ang sphere of ² Iginiit ng United States sa Japan
influence kung saan ang isang ang Open Door Policy, ito ay
bansang Kanluranin ay may patakaran na papayagan ng mga
karapatang mangalakal sa mga bansang may sphere of influence ang
lupain sa China. Kahit na mga mangangalakal ng ibang bansa
isinara nila ang kanilang bansa na magnegosyo sa pantay na
at mga daungan sa mga katayuan.
Kanluranin. ² Dahil iginiit ng United States ang
² Ang sunod-sunod na pagkatalo Open Door Policy, noong 1853,
ng China sa digmaan ang pumayag ang Japan na ito ay
dahilan ng pagsisimula ng ipatupad sa kanilang bansa.
kawalan ng kontrol nito sa ² Habang nananatili ang mga
kanilang bansa. Kanluranin sa Japan ipinakita ng
² Ang 1839-1842- Naganap ang mga Hapones ang pagmamahal sa
Unang Digmaang Opyo kung bayan.
saan natalo ang China laban sa ² Pinasimulan ng namuno sa bansa
Great Britain. na si Emperador Mutsuhito noong
² 1856-1860- Ang Ikalawang 1868 ang kilala sa tawag na Meiji
Digmaang Opyo ay naganap, Restoration na nangangahulugang
natalo ang bansa laban sa Great sa panahong ito, ang pagyakap sa
Britain at France. Kristiyanismo ay naging bukas sa
² 1843- Nilagdaan ng China ang imperyo at ang pagpasok ng mga
Kasunduang Nanking. impluwensiyang Kanluranin ay
² 1858- Nilagdaan naman ang maluwag na tinanggap.
Kasunduang Tientsin. ² Nagsimula ang modernisasyon ng
² Ang dalawang kasunduan ay Japan.
parehong naglalaman ng mga ² Pinagtibay ang Konstitusyong Meiji
probisyon na hindi patas sa noong 1889 kung saan may
kapakanan ng mga Tsino. limitasyon ang kapangyarihan ng
² Bilang resulta naganap ang emperador.
Rebelyong Taiping (Taiping ² Sumabak sa Ikalawang Digmaang
Rebellion) noong 1850 at Pandaigdig ang Japan.
Rebelyong Boxer (Boxer ² Naging haligi ng tinaguriang Axis
Rebellion) noong 1900. Powers – isa sa dalawang
nagtunggaliang alyansa noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ang Japan.

5
Mga Rebelyong Naganap sa China Bilang Protesta sa mga Dayuhan

Rebelyong Taiping Rebelyong Boxer


§ Ito’y pinamunuan ni Hung Hsiu § Ito ay rebelyon ng mga
Ch’uan laban sa dinastiyang naghimagsik na miyembro ng
Qing na pinamunuan naman ng samahang I-ho Chu’an o
mga dayuhang Manchu. Righteous and Harmonious Fists.
§ Layunin nito na mapabagsak ang Sila ay may kasanayan sa
dinastiyang Qing upang hindi na gymnastic exercise.
sila pamunuan ng mga dayuhang § Ang pangunahing layunin nito ay
ito. patalsikin ang lahat ng mga
§ Hangarin nitong isulong ang dayuhang nasa bansa, kabilang
pagbabago sa lipunan katulad ng dito ang mga Kanluranin.
pagkakapantay-pantay ng § Ito’y pagpapahayag din sa
karapatan para sa mga babae at pagtuligsa sa korupsiyon sa
ang pagpapalit ng mga relihiyong pamahalaan.
Confucianism at Buddhism sa § Ito’y marahas na pagkilos dahil
Kristiyanismo. sa pagpatay ng mga misyonerong
§ Ito ay itinuturing na isa sa mga Kristiyano at mga Tsino na
madugong rebelyon sa naging deboto ng relihiyong
kasaysayan ng China kung saan Kristiyanismo.
mahigit 20 milyong Tsino ang
namatay.

Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Silangang Asya

China Japan
ü Nakamit ang ganap na kalayaan ü Naganap ang modernisasyon sa
mula sa mga dayuhan sa kabila ng pamamagitan ng pagyakap ng
maraming pagsubok at impluwensiya ng mga dayuhan,
pakikipaglaban sa kapwa Tsino at ito ang tinawag na Meiji
Asyano. Restoration.
ü Malaki ang naging impluwensiya ng ü Pinairal sa bansa ang Greater
paglaganap ng demokrasya at East Asia Co-Prosperity Sphere,
komunismo. ang pagsakop ng mga karatig-
ü Sun Yat-sen - ang “Ama ng bansa sa Asya upang mapalaya
Republikang Tsino”. Itinatag niya mula sa paghihirap sa kamay ng
ang Partido Kuomintang o mga Kanluranin.
Nationalist Party noong 1912. ü Napatupad ang mga pagbabago
ü Isa sa mga kalaban na hinarap ng sa pamahalaan sa ilalim ng US
Kuomintang ay ang pagpasok ng habang pinanatili nito ang
katunggaling ideolohiyang sariling tradisyon.
komunismo na ipinalaganap ni Mao ü Kahit na nakaranas ang bansa ng
Zedong, - Ang “Ama ng komunismo digmaan, nakabawi naman ito at
ng Tsina”, nagmula sa pamilya ng naging isa sa pinakamaunlad na
magbubukid sa probinsya ng bansa sa daigdig.
Hunan.

6
ü Nagkaisa ang mga nasyonalista at ü Nagpatupad ng compulsory
komunista laban sa isang kaaway, education sa elementary.
ang Japan. Ito’y isang pambihirang ü Nag-imbita ng mga mahuhusay na
pagkakataon na naganap noong mga guro mula sa ibang bansa.
1937. ü Nagtungo sa United States at
ü Ipinagpatuloy ng Red Army ang Europe upang matutunan ang
pakikipaglaban hanggang natalo paraan ng pagnenegosyo at
nila ang mga Hapones. pagpapaunlad ng iba’t ibang
ü Nagtatag ng sariling pamahalaan sa industriya.
Taiwan ang mga nasyonalistang ü Nagpagawa ng mga kalsada, tulay,
tumakas mula China nang nanalo linya ng kuryente na nagpaunlad ng
ang mga komunista sa digmaan komunikasyon at transportasyon.
noong 1949. ü Pinalakas ang sandatahang lakas sa
ü Idineklara ni Mao Zedong noong pamamagitan ng pagpapagawa ng
Oktubre 1, 1949 ang pagtatatag ng makabagong barko at kagamitang
People’s Republic of China. Ito ang pandigma.
hudyat ng ganap na paglaya ng
bansa mula sa kontrol at pananakop
ng mga dayuhan.

Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo


sa Timog-Silangang Asya

Mga Namuno sa Pagpapaunlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya

Sukarno Ho Chi Minh Jose Rizal Andres Bonifacio

Mga Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya

Ø Ang mga patakaran at pangyayaring kaugnay ng kolonyalismo ang tuwirang


nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo at pagnanais na lumaya
mula sa mga mananakop.

Ø Pagbabago sa pamumuhay ng mga katutubo dahil sa pagbabago sa


larangan ng politika, ekonomiya, buhay-lipunan at kultura na makikita sa
diyagram sa ibaba.

7
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya

Nagdulot ng mga pagbabago sa mga nasakop na lupain sa larangan ng;

Politika Buhay-panlipunan

Ekonomiya Kultura

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Burma (Myanmar ngayon)

v Nagsimulang mawalan ng kalayaan ang Burma bunsod ng pagkatalo nito sa


digmaan sa mga British. Ganap ang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo
ng Burma nang nilagdaan nila ang Kasunduang Yandabo.

v Ginawang lalawigan na lamang ang Burma ng India, isa ito sa mga hindi
matanggap ng mga Burmese kaya ninais nila na mahiwalay ang kanilang
bansa mula sa India, hangaring maisakatuparan kung sila ay malaya na sa
pananakop ng mga British.

Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Burma

ü Nagkaroon ng bahagi sa lehislatura ang mga Burmese nang namuno ang


kanilang mga propesyonal na nakapag-aral sa loob at labas ng bansa.
ü Naglunsad ng rebelyon at nakapagtatag ng mga makabayang samahan ang
mga Burmese bilang pagpapatuloy sa kanilang pakikibaka.
ü Naitatag ang General Council of Burmese Associations noong 1921 na
nagsilbing umbrella organization ng mga kilusang nasyonalista sa Burma.
ü Nagkaroon ng unang punong ministro ang Burma, si Aung San subalit bago
makamit ang kasarinlan, pinaslang siya at ilan niyang kasamahan ng mga
armadong militar ng katunggali at dating ministro U Saw.

Mga Pangyayari sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Indonesia

v Ipinatupad ng mga Dutch ang mga patakarang pang-ekonomiya na lubhang


nakaapekto sa kanila tulad ng culture system, isang alituntunin na
kailangang ilaan ng bawat isang magsasaka ang sanglimang (1/5) saklaw ng
kanyang bukid o 66 na araw ng pagtatanim para sa produksyon ng mga
tanim na iluluwas, at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan.
v Ang edukasyon ng mga Indones ay napabayaan ng mga Dutch.

v Noong 1825, nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones, sa pamumuno ni


Diponegoro ng Java. Isang malawakang pag-aalsa ang naganap. Hangad

8
nilang mahinto ang mga di makatarungang patakaran ng mga mananakop na
Dutch.
v Noong 1930, ang puwersa ni Diponegoro ng Java ay nalupig ng mas malakas
na puwersa ng mga Dutch.
v Noong ika-20 siglo, nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Indones para sa
kanilang kalayaan. Ito ay kanilang isinagawa sa pamamagitan ng pagtatag ng
mga makabayang samahan tulad ng Sarekat Islam na itinatag noong 1911 na
ang layunin ay isulong ang kabuhayan ng mga Indones at ang Indonesian
Nationalist Party noong 1919 ni Sukarno na naglalayong labanan ang mga
mapaniil na patakaran ng mga Dutch.

Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Indonesia

ü Naipamalas ng mga samahang makabayan ang hangaring maging malaya.


ü Ganap na nakamit nila ang kalayaan. Ito ay naisakatuparan dahil sa
matagumpay na rebolusyon na inilunsad nila matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
ü Noong Agosto 17, 1945 nagpalabas si Sukarno ng dekreto na nagsasaad ng
kasarinlan ng Indonesia.

Mga Pangyayari sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Pilipinas

v Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Español sa loob ng 333 taon. Nagpatupad


sila ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika, at pangkultura na
nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Makikita sa talahanayan ang
mga pagbabagong dulot ng pananakop.
v Ang mga paring Pilipino ay nagsimulang mangampanya para sa
sekularisasyon ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Ginusto nilang
mapabilang sa ordeng relihiyoso tulad ng Jesuit, Dominican, at Franciscan
na sa panahon ng kolonyalismong Espanyol ay para lamang sa mga prayle o
paring Español.
v Ninais din ng mga paring Pilipino na mangasiwa sa parokya. Ito ay
humantong sa paggarote sa tatlong paring martir na kilala sa tawag na
GomBurZa noong 1872.
v Ang kampanya sa reporma ay nalipat sa mga propagandista. Sila’y
kinabibilangan ng mga ilustrado o “naliwanagan” ng edukasyong Kanluranin.
Sila ay sumulat ng mga tula, nobela, at lathalain; bumigkas ng mga talumpati
at nagpinta bilang pakikipaglaban para sa pagbabago sa kalagayan ng mga
Pilipino.
v Noong 1892, si Joze Rizal na pangunahing tagapagtaguyod ng propaganda ay
ipinatapon sa Dapitan. Dahil dito, ang kilusan ay unti-unting nabuwag at
nawala ang pag-asa ng mga Pilipino na isulong ang pagbabago sa
pamamagitan ng reporma o pagbabago.
v Noong 1896, itinatag ang isang radikal na kilusang magtataguyod ng
kasarinlan ng Pilipinas mula sa pananakop ng Spain. Ito ay ang Katipunan,
na pinamumunuan ni Andres Bonifacio.

9
Mga Pagbabagong Dulot ng Pananakop ng mga Español sa Iba’t ibang Larangan

Iba’t ibang Mga Pagbabagong Dulot Ng Pananakop


Larangan
Politika - Pagkawala ng karapatan ng mga lokal na pinuno na
mangasiwa sa sariling teritoryo
- Pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa
ilalim ng Español
Ekonomiya - Pagkontrol ng mga Español sa kalakalan
- Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon
- Pag-usbong ng panggitnang uri na tinatawag na
principalia
Kultura - Paglaganap ng Kristiyanismo
- Paglaganap ng impluwensiya sa pag-uugali,
pananamit, wika, at mga pagdiriwang
Buhay- - Mababang pagtingin ng mga Español sa mga Pilipino
Panlipunan na tinawag nilang Indio
- Paglilimita sa karapatan at kalayaan ng mga Pilipino

Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pilipinas

ü Nadeklara ang kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898, bilang


resulta ng himagsikang 1896.
ü Nagwakas ang pananakop ng Japan na sumalakay at sumakop sa Pilipinas
habang ang bansa ay sakop ng mga Amerikano na itinuring ng Japan bilang
kaaway noon.
ü Ganap na nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan noong Hulyo 4, 1946 dahil
sa pagpapamalas ng kakayahang pamahalaan ang sariling bansa sa ilalim ng
mga Amerikano.

Mga Pangyayari sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Vietnam

v Noong 1920, sumali sa Communist Party of France si Ho Chi Minh na isang


Vietnamese. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nanirahan siya sa
France at pumunta rin sa Russia at China. Binuo niya ang Indochinese
Communist Party noong 1930 at sinubukang pag-isahin ang lahat ng
nasyonalistang Vietnamese sa pamamagitan ng Viet Minh, or League for
Independence of Vietnam.
v Napahinto ng mga French ang maraming nagtutunggaliang kilusang
nasyonalista sa Vietnam pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
subalit naging matatag pa rin ang Viet Minh.
v Dumaan sa matagalang digmaan ang mga Vietnamese.
v Bumalik ang puwersang French sa Vietnam at tumangging kilalanin ang
kasarinlang idineklara ni Ho Chi Minh pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
v Sumiklab ang labanan at sumuporta ang US sa mga French laban sa mga
Vietnamese.

10
Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Vietnam

ü Pumayag ang French na lisanin ang Vietnam, Laos at Cambodia noong 1954.
ü Sa bisa ng Geneva Agreements, hinati ang Vietnam sa 17th parallel kung saan
nagtakda ng demilitarized buffer zone sa magkabilang bahagi ng hangganan
at nagtakda sa pagkakaroon ng halalan upang tiyakin ang pag-iisa ng North
Vietnam at South Vietnam.
ü Noong 1975, muling nagkaisa ang dalawang Vietnam at naging isang bansa
na lamang.

Gawin Natin

Magaling! Tapos mo nang basahin ang mga mahahalagang konsepto tungkol


sa nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Ngayon handa kana sa
panibagong gawain upang iyong mailapat ang iyong mga natutunan. Maaari kanang
magsimula.

Gawain 1: Suriin Mo! Kaalaman mo!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap o talata. Iguhit ang sa


sagutang papel kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang impormasyon at

naman kung hindi.

___________1. Ipinatupad sa China ang sphere of influence ng mga dayuhang


mananakop kung saan ikinumpara sa isang hinog na melon ang
bansa dahil ito’y pinaghati-hatian ng mga kanluranin.

___________2. Nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, at kultura


ng mga Asyano ang imperyalismong kanluranin sa silangang asya.

___________3. Ang pangunahing layunin ng Rebelyong Boxer ay patalsikin ang lahat


ng mga dayuhan sa China.

___________4. Si Mao Zedong ang kinilalang “Ama ng Republikang Tsino”.

___________5. Ang nasyonalismo sa Japan ay kanilang ipinamalas sa pamamagitan


ng patuloy na pagsara ng kanilang mga daungan upang di makapasok
ang mga impluwensiyang kanluranin.

___________6. Ang di makatarungang ipinatupad na mga patakaran na nagdulot ng


kahirapan, kawalan ng kalayaan at dignidad at pagbabago ng kultura
ng mga Asyano ang nagbigay daan sa pag-usbong ng damdaming
nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya.

___________7. Ang Sarekat Islam ay isa sa makabayang samahan sa Indonesia na


ang layunin ay isulong ang edukasyon at relihiyon ng mga Indones.

11
___________8. Ang pagkawala ng karapatan ng mga lokal na pinuno na mangasiwa
sa sariling teritoryo ay isa sa pagbabagong dulot ng pananakop ng
mga Espanyol sa Pilipinas.

___________9. Lahat ng mga paring Pilipino ay di nakialam sa mga gawaing simbahan


sa panahon ng mga Espanyol dahil nanganganib ang kanilang buhay.

___________10. Isinulong ng mga Pilipino ang nasyonalismo sa pamamagitan ng


pagpapamalas ng kakayahang pamahalaan ang sariling bansa sa
ilalim ng mga Amerikano.

Sanayin Natin

Binabati kita mahal kong mag-aaral dahil sa patuloy mong pagpapalalim ng


iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot ng mga gawain. Ngayon, patunayan
mo na naman ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri sa larawan at
ilagay ang sarili sa kanilang sitwasyon. Sundin ang panuto sa ibaba kasunod sa
rubriks na ibinigay dito.

Gawain 2: Larawan ng Nakaraan: Isabuhay Ko!

Panuto: Pagmasdang maiigi ang larawan. Kung ikaw ay nabubuhay sa panahong


iyon ano ang iyong gagawin? Bilang isang mamamayan, sasali ka ba sa kanilang
kampanya? Bakit? Isulat ang iyong sagot sa papel. Gawing gabay sa pagsagot ang
pamantayan sa ibaba.

12
Rubriks sa Pagmamarka

Puntos 10 7 5 2

Pamantayan Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin Hindi


paliwanag ay paliwanag ay o paliwanag masyadong
naglalaman ng naglalaman ng ay malinaw ang
malalim, sapat sapat at naglalaman mga ideyang
at makabuluhang ng simpleng inilahad
makabuluhang patunay o patunay o
ideya na ideya na ideya na
ginagabayan ginagabayan ginagabayan
ng matalinong ng matalinong ng matalinong
pagpapasya. pagpapasya. pagpapasya.

Tandaan Natin

Huwag mong kalimutan ang mahahalagang aral na iyong natutunan.


Ito ang dapat mong tandaan.

Mga Dapat Tandaan

• Ang imperyalismong Kanluranin ay nagdulot ng


epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, at
kultura ng mga Asyano.
• Ang mga patakaran na ipinatupad sa mga nasakop
nilang mga lupain ay nagdulot ng paghihirap, kawalan
ng kalayaan at dignidad, pagbabago ng kultura at
pagkakawatak-watak ng mga Asyano.
• Ang mga karanasang ito ang nagbigay daan sa pag-
usbong ng damdaming nasyonalismo sa mga rehiyon
ng Asya. Kahit na nagkaiba ng pamamaraan ng
pakikibaka at humantong pa sa pagkakaroon ng
hidwaan sa pagitan ng mga katutubong mamamayan,
ang nasyonalismong Asyano ay nabuo dahil sa
hangaring makamit ang kalayaan mula sa mga
mananakop. Malaki ang naitulong nito sa pagbuo ng
mga bansa sa Asya.

13
Suriin Natin
Kumusta ka mag-aaral? Binabati kita nang husto dahil natapos mo nang pag-aralan
ang modyul na ito. Ang bahaging ito ng modyul ay susubukin ang iyong kagalingan
tungkol sa mga nabanggit na aralin.

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang. Piliin ang titik
na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel. Handa ka na
ba? Maari mo nang simulan ang pagsagot.

1. Anong patakaran ang iginiit na pinatupad ng United States sa Japan?


A. Culture System C. Open Door Policy
B. Extraterritoriality D. Sphere of Influence

2. Alin sa mga sumusunod na makabayang samahan ang itinatag sa Indonesia


upang isulong ang kabuhayan ng mga Indones?
A. Budi Utomo C. Indonesian Nationalist Party
B. Sarekat Islam D. Indonesian Communist Party

3. Kakaiba ang pamamaraang ginawa ng Japan bilang tugon sa pananakop ng


mga dayuhan, sino ang namuno sa modernisasyon ng Japan?
A. Sukarno C. Mao Zedong
B. Mutsuhito D. Ho Chi Minh

4. Sino ang binansagang mga ilustrado na sumulat ng mga tula, nobela at


lathalain, bumigkas ng mga talumpati at nagpinta bilang pakikipaglaban
para sa pagbabago ng kalagayan ng mga Pilipino?
A. Artista C. Manunulat
B. Makata D. Propagandista

5. Hinangad ng mga Asyano na makawala mula sa imperyalismong


Kanluranin. Paano napahahalagahan ang hangaring ito?
A. Nabago ang kapalaran ng mga Asyano
B. Nagbigay daan ito sa pag-usbong ng nasyonalismo
C. Nawalan ng kontrol ang mga Asyano sa kanilang bansa
D. Nagdulot ito ng malaking epekto sa kabuhayan, pamahalaan at lipunan ng
mga Asyano.

6. Isa ang bansang Burma (Myanmar ngayon) sa mga nagpamalas ng


nasyonalismo upang makamit ang kalayaan. Anong kaganapan sa kanilang
bansa ang pangunahing salik upang sumiklab ang kanilang hangaring
lumaya?
A. Kinontrol ng mga British ang teritoryo ng Burma
B. Nang gawing lalawigan lamang ng India ang Burma
C. Nang matalo ang Burma ng mga British sa digmaan
D. Pinilit ng mga British na baguhin ang kultura ng Burma

14
7. Paano umusbong ang damdaming nasyonalismo sa mga bansa sa Silangan
at Timog-Silangang Asya?
A. Naghimagsik ang mga Asyano sa pamamagitan ng mga rebelyong tulad ng
Rebelyong Boxer at Taiping ng China
B. Nanalangin sila sa Poong Maykapal na matapos na ang pananakop ng mga
dayuhan upang makamtan ang kapayapaan
C. Naging sunod-sunuran sila sa mga naisin ng mga mananakop upang
maiwasan ang pagpapahirap at pangigipit sa kanila
D. Umusbong ito dahil sa pagkanta ng mga makabagong awitin tulad ng
“Bayan Ko” na nagpakita ng pagmamahal sa kalayaan

8. Ginamit ng mga Indones ang rebolusyon upang makamit ang kalayaan ng


kanilang bansa. Sa tingin mo, anong mga kaganapan ang nagbigay-daan sa
pangyayaring iyon?
A. Namayagpag ang mga patakarang pang-ekonomiya ng mga Dutch
B. Nabago ang kultura ng mga Indones dahil sa impluwensya ng mga
dayuhan
C. Nawalan ng pakinabang ang mga Indones dahil sa mga patakarang
ipinatupad
D. Paghahangad na matigil ang hindi makatarungang patakaran ng mga
mananakop

9. Suriin ang sumusunod na balangkas ng pamamahala, alin ang ginamit ng


Pilipinas sa pagkamit ng kalayaan laban sa mga Español?
A. Pinalakas ang hukbong-militar na naging depensibong nasyonalismo sa
bansa
B. Pinatupad ang ideolohiyang komunismo upang madaling mapasunod ang
mga mamamayan
C. Nagtatag ng katipunan bilang pagsasakatuparan ng paglaya mula sa
kapangyarihan ng Espanya
D. Bumuo ng reporma at makabayang organisasyon at nang lumaon gumamit
ng karahasan sa nga mananakop

10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng mga pagbabago sa pamumuhay ng mga


tao sa Silangan at Timog-Silangang Asya dulot ng kolonyalismo at
imperyalismo, ano ang iyong nararapat na maging tugon sa pagbabagong
ito?
A. Mag-aaral nang mabuti at maging responsable
B. Magkaroon ng tiwala at mataas na pagkilala sa sarili
C. Magpasalamat dahil umunlad ang sistema ng transportasyon at
komunikasyon kaya napabilis ang pagluwas ng mga produkto sa pamilihang
pandaigdig
D. Magsagawa ng mga protesta sa daan dahil may karapatan tayong
magpahayag ng saloobin at nawalan tayo ng karapatan bilang mga Asyano
na pamahalaan ang sariling bayan

15
Payabungin Natin
Kumusta ka mag-aaral, binabati kita sa sipag na iyong ipinamalas sa pag-aaral sa
mga aralin at sa tiyaga mong nasagot ang mga gawain. Ngayon, nais kong
madagdagan pa ang lalim ng iyong pang-unawa sa aralin sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng pagpapahayag ng
damdaming nasyonalismo sa kasalukuyang panahon. Simulan mo na!

Gawain 5. Pagsulat ng Repleksiyon

Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon na sasagot sa katanungang, Ano


kahalagahan ng pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa kasalukuyang
panahon? Bakit ito mahalaga? Isulat mo ito sa iyong sagutang papel. Gawin mong
gabay ang rubric sa iyong pagsulat.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG REPLEKSIYON


Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan Pang
5 3 2 Magsanay
1
Nagpakita ng Nagpakita ng Nakakitaan ng Walang naipakitang
Paglalahad ng lubos na pag- pag-unawa sa mahinang pag-unawa sa mga
Gawain unawa sa mga mga datos na pagkaunawa sa datos na pinag-
datos na napag- napag-aralan mga datos na aralan
aralan napag-aralan
Kalinawan ng Napakalinaw ng Malinaw ang Kakaunti ang Walang malinaw na
mga Datos, lahat na datos, marami sa malinaw na datos, ebidensiya,
Ebidensiya at edidensiya at inihayag na datos, ebidensiya at kasanayang
Kasanayan kasanayan datos, ebidensiya at kasanayang ipinakita
at kasanayan inihayag
Pagkaayon sa Nakaayon ng Nakaayon ang May ilang datos Hindi nakaayon sa
Itinakdang lubos sa layunin presentasyon sa ang hindi layunin ang
Layunin ng presentasyon mga layunin nakaayon sa presentasyon
layunin

Pagnilayan Natin

Ang ating mga bayani ay may napakahalagang papel na ginampanan sa


pagkamit ng ating kalayaan. Kaya ipagpapatuloy mo ang pagpapahayag ng
pagmamahal sa ating bansa sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti, pagsunod
sa mga alituntunin at batas upang hindi maging suliranin ng pamilya at ng
lipunan. Tumulong ka sa ating pamayanan tulad ng paglilinis sa kapaligiran
upang mabawasan ang suliranin nang sa ganon ay maging bahagi tayo sa pag-
unlad ng ating bayan. Tangkilikin ang sariling atin at gawin kung ano ang tama
at nararapat. Sa pamamaraang ito, maipapahayag mo ang pagmamahal sa ating
bayan ito ang diwa ng nasyonalismo.
Bilang isang mag-aaral, gawin mong panata sa iyong buhay na
pahalagahan ang nasyonalismo upang maisulong ang kaunlaran at
maprotektahan ang kalayaan ng ating bansa.

16
17
Gawin Natin Suriin Natin Subukin Natin
1. C 1. B
2. B 2. C
1. 7. 3. B 3. D
4. D 4. C
5. B 5. C
2. 8. 6. B 6. C
7. A 7. B
8. D 8. D
9. C 9. D
3. 9. 10. C 10. D
4. 10.
5.
6.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando et. al (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.Pasig City.


Eduresources Publishing, Inc. p. 348-354, 356-357, 359

Cruz et. al (2015). Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan.Quezon City,


Vibal Group, Inc. p. 430-438, 440-444, 451

Mateo et. Al (2008). Asya Pag-usbong ng Kabihasnan.Quezon City, Vibal


Publishing House Inc. p. 284-285
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like