Affidavit Tiratira

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

CITY/MUNICIPALITY __________) SS.

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO, si HUBITO AQUINO TIRATIRA, a.k.a. “MASAY”, Filipino, may sapat na


gulang at kasalukuyang naninirahan sa Kay Bitang Street, Brgy. Lagundi, Morong, Rizal,
matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagpapahayag ng mga
sumusunod:

1. Ako po ay kinasal kay Remedios __ Tira Tira noong December 13, 1981. Ako ay
dating naninirahan at katiwala sa lupain na pagmamay-ari ni Pablo Aquino na
nakapwesto sa Sitio Pugala, Pansaro, Lagundi, Morong, Rizal. Si G. Pablo Aquino ay
pinsan-buo ko kaya ako ang kaniyang kinuhang katiwala.

2. Ang isa pa sa dahilan kung bakit ako ang naging katiwala ng lupaing pagmamay-ari
ni G. Pablo Aquino ay sapagkat kalapit lamang noon ang lupang dating sinasaka ng
aking mga Inang.

3. Ako po ay sampung (10) taong gulang pa lamang na aming sakahin ang lupang katabi
ng lupa na pagmamay-ari ni G. Pablo Aquino. Ito ay mahigit kumulang isang (1)
hektarya.

4. Sa halos tatlumpung (30) taon ko nang pag-aalaga ng lupain na yaon ay wala akong
alam na may nagmamay-ari ng lupang aking sinasaka. Napagpasyahan ng aking
pamilya na ibenta ang lupang iyon kay G. Dominador Padang.

5. Ang aming lupang dating sinsasaka ay kalapit lamang din ng lupa ni G. Dominador
Padang kaya naibigan ding bilhin ni G. Dominador Padang ang aming lupa.

6. Noong mga panahong iyon, si G. Dominador Padang ay may sariling lupang


sinasaka. Dati siyang sundalo at nang magretiro ay ginugol ang kanyang panahon sa
paglilinang ng kaniyang lupa. Sari-sari ang mga naitanim ni G. Dominador Padang sa
kaniyang lupain, puno ng Mahogany, langka, saging, avocado, rambutan at iba pa.
Nakita ko rin na madami siyang alagang hayop sa kaniyang bakuran.
7. Sa ngayon po ay malalaki na ang mga punong itananim ni G. Dominador Padong at
tunay pong siya ang naglinang at nagpayabong ng mga nakatanim doon. Hindi
maikakaila ang dedikasyon ni G. Dominador na pagyamanin ang lupang kaniyang
nasasakupan.

8. Sa akin pong pagkakaalam si G. Dominador Padang ay namayapa na at ang kaniyang


asawa at anak na lamang ang nag-aalaga ng nasabing lupain.

9. Aking ginawa ang salaysay na ito upang patunayan at patotohanan ang mga nabanggit
ko sa itaas at sa kung anuma pa mang legal na layunin magagamit ang salaysay na ito.

PINATOTOHANAN at NILAGDAAN ngayong ika-27 ng Abril 2021 dito sa Morong,


Rizal.

HUBITO A. TIRATIRA
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _____ day of April 2021 at


__________________, affiant exhibited to me his government issued identification card
_________________________________________ as competent evidence of his identity.

Doc. No. ______;


Page No. ______;
Book No. ______;
Series of 2021.

You might also like