Q2 HE EPP5.w1 TUNGKULIN SA SARILI

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Learner’s Activity Sheet 1

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (Home Economics)

Pangalan:Alraffie B. Gubat Petsa:_____________ Iskor:_____


Lebel:v Seksiyon:padolina Guro: Gng. Rosa Maria H. Grueso

GAWAING PAGKATUTO:

1. Naiisa-isa ang mga pisikal na pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata,


2. Natatalakay ang mga pisikal na pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata,
3. Napapahalagahan ang mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata,
4. Naipapaliwanag kung paano maiiwasan ang panunukso dahil sa mga pagbabagong pisikal.

Aralin: TUNGKULIN SA SARILI

Balik-aral: Mula sa iyong natutuhan ng ikaw ay nasa ika-apat na baitang. Ano-ano ang mga
kagamitang ginagamit upang maging malinis ang iyong katawan?
Ayusin ang JUMBLED WORD at sabihin kung para saan ang mga ito.
1. ABONS -sabon – para malinis ang katawan
2. POMOSHA - shampoo – para malinis at mabango ang buhok
3. LAYKUS -suklay- para maayos ang buhok
4. BHTOSOTHRU – toothbrush – para malinis ang ngipin
5. NOPAY – panyo – para matuyo ang katawan o kahit ano
Alamin:
Sa pagdaan ng panahon, may mga pagbabagong mararanasan sa pangangatawan.
Nadadagdagan din ang ating mga tungkulin hindi lamang sa sarili kundi sa ibang kapamilya at
pati na rin sa tahanan. Kasabay ng pagbabagong pisikal ang mga gawaing kailangang
gampanan tulad ng pag-aalaga sa sarili.
Ang bawat isa ay espesyal. Ang karanasan ng bawat isa ay magkakaiba. Bagama’t lahat ay
makararanas ng mga pagbabagong pisikal, hindi ito palaging nangyayari sa parehong edad. Mahalagang
bukas ang pag-iisip at kalooban sa mga pagkakaiba nito.
Maraming pagbabago ang nagaganap sa pangangatawan mula sa gulang na 10 hanggang16.

Paghambingin ang mga larawan. May pagkakaiba ba ang nakalarawan?


Ano-ano ang pagbabagong napansin mo? Ano-ano ang kaibahan sa pisikal na kaanyuan.

Suriin:
PUBERTY STAGE
 Ang isang yugto ng buhay na may maraming nagaganap na pagbabago ay ang
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata o ang puberty stage. Ito ay mula sa 10-16 na
taong gulang kung saan nagaganap ang mga pisikal na pagbabago sa nagdadalaga at
nagbibinata.
PITUITARY GLAND
 Ang glandulang naghuhudyat sa iba pang bahagi ng katawan. Ito ay tumutulong sa
paglaki ng katawan at pag-unlad ng kaisipan.
Ang isang yugto ng buhay na may maraming nagaganap na pagbabago ay ang
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata o ang puberty stage. Ito ay mula sa 10-16 na
taong gulang.

Ang mga nagaganap na pagbabago ay nagsisimulang mapansin sa kaanyuan,


pangangatawan at pagkilos. Ito ang panahon na dapat makita at makilala ang iba’t
ibang bahagi ng katawan upang lubusang mapahalagahan ang mga ito. Isang normal
na pangyayari sa nagdadalaga o nagbibinata na maramdaman ang iba’t ibang
pagbabago na hindi dapat ikahiya. Kailangang unawain ng may sariling katawan at
mga kaanak ang mga pagbabagong nagaganap upang mapagtulungang subaybayan,
mapalawak at mapaunlad ang isipan at damdamin sa panahong ito ng pagbabago.

Ilan sa mga Pisikal na Pagbabagong Nagaganap sa Nagdadalaga


1. paglapad ng balakang
2. pagkakaroon ng buwanang dalaw
3. paglaki ng ari
4. pagtubo ng buhok sa ibabaw ng ari at kilikili.
5. pag- umbok ng dibdib
6. pagkakaroon ng tigyawat
7. pagkinis at paglambot ng kutis
Ilan sa mga Pisikal na Pagbabagong Nagaganap sa Nagbibinata
1. paglawak ng balikat at dibdib ng lalaki
2. pag-unlad ng kalamnan
3. pagkakaroon ng adam’s apple o lalagukan
4. pagtubo ng buhok sa ibabaw ng ari at kilikili
5. pagkakaroon ng tigyawat
6. pabilis na pagtaas at pagbigat ng timbang
7. pagtubo ng bigote at buhok sa mga binti at dibdib
8. pagbabago ng boses na minsan ay bumababa at pumipiyok

Wastong Pag-uugali
Ang pagbabagong pisikal ay naghahatid ng iba’t ibang epekto sa sarili ng mga
tinedyer na babae at lalaki. Tulad ng nabanggit sa umpisa ng aralin, mahalaga na
maunawaan ang pagkakaiba ng bawat isa. May iba na hindi sasapat ang pang-unawa
at humahantong sa panunukso ng ibang bata. Kung ikaw ay biktima ng panunukso o
may kakilala kang tinutukso dahil sa kakaibang pagbabago sa katawan. Maaring
kausapin, paliwanagan ang nanunukso o iwasan ang mga ito. Kung labis na ang
panunukso, kausapin ang magulang o guro tungkol dito.
Tandaan:
 Ang mga pagbabagong nagaganap sa mga nagdadalaga at nagbibinata ay may
epekto sa katawan, pag-iisip, pag-uugali, damdamin at pakikitungo sa kapuwa.
 Kailangan pahalagahan at pangalagaan nang wasto ang sarili sa panahong ng
pagdadalaga at pagbibinata.

Pagyamanin
Unang Gawain
Panuto: Itala ang mga pisikal na pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at
nagbibinata, maaaring magdagdag pa ng kahong paglalagyan ng inyong sagot.

Nagdadalaga Nagbibinata
1. paglapad ng balakang 1 paglawak ng balikat at dibdib ng lalaki
2. pagkakaroon ng buwanang dalaw 2 pag-unlad ng kalamnan
3. paglaki ng ari 3 pagkakaroon ng adam’s apple o
lalagukan
4. pagtubo ng buhok sa ibabaw ng ari at 4 pagtubo ng buhok sa ibabaw ng ari at
kilikili. kilikili
5 pag- umbok ng dibdib 5 pagkakaroon ng tigyawat

Pangalawang Gawain
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, itala ang mga pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at
nagbibinata at ang parehong pisikal na nararanasan ng isang nagdadalaga at nagbibinata.

pagkakaroon ng
tigyawat

1. paglawak ng
1. paglapad ng
balikat at
balakang
dibdib ng lalaki

Isaisip
Ang pagbabago sa pisikal na anyo ng mga nagbibinata at nagdadalaga ay isang normal na pangyayari sa
buhay ng isang tao. Walang dapat ipag-alala bagkus ito ay ipagpasalamat sapagkat ang ating katawan ay
umuunlad ng normal bilang paghahanda sa pagiging isang ganap na lalaki at babae.

Gawin:
1. Kumuha ka ng iyong larawan na nagpapakita ng mga pagbabago sa iyong pisikal na anyo.

2. Isulat sa iyong kwaderno ang mga pagbabagong napansin sa iyong katawan.

3. Isulat kung paano mo pangangalagaan ang iyong sarili sa panahong ikaw ay nagdadalaga o nagbibinata.

Pagtataya:
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin kung ito ay tumutukoy sa pagbabagong
nagaganap sa babae lagyan ng B at L kung ang tinutukoy ay pagbabagong nagaganap sa
lalaki, LB naman kung parehong nagaganap ang pagbabago sa babae at lalaki. Ilagay ang
iyong sagot bago ang bilang.
L 1. Tinutubuan ng bigote at mga balahibo sa binti.
B 2. Nagsimulang magkaroon ng hugis ang dibdib o umumbok.
B3. Nagkakaroon ng buwanang daloy o regla.
LB4. Tinutubuan ng mga balahibo sa kilikili at ibabaw ng ari.
B 5. Lumalabas ang adam’s apple at bumababa o pumipiyok ang boses.
LB6. Pag-unlad ng kalamnan na nagdudulot sa kanilang gumawa ng mabibigat na gawain.
B7. Nagiging makinis at malambot ang kutis.
L8. Lumalapad ang balikat.
B9. Paglapad ng balakang.
L10. Mabilis na pagtaas at pagbigat ng timbang.
Karagdagang Gawain
Panuto: Dugtungan ang mga salita sa ibaba upang makagawa ng isang maikling talata.
Ang mga pagbabago sa aking sarili ay katanggap-tangap sapagkat ito ay importante at magaganap na
magaganap din ito kaya wala na tayong magagawa dito.

You might also like