Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Perpektong Sampu: Sumasaludo sa Istoryang Awanggan ang Karunungan sa Kinabukasan

Sampung taon. Sampung taon ng paghihirap, kasiyahan, kalungkutan, pagbibigay karunungan, sakripisyo,
pagkakayod, pagkatalo, pagtatagumpay, pagtanggap, pag alis, pagpupugay, selebrasyon, mga bagong
simula at mga wakas... Ito ang mga nalipasang kasaysayang mananatiling atin na walang sinuman ang
nakaka-alam na sa paglipas ng panahon, itong mga nakaraang ito ang nagsisilbing pundasyon at haligo ng
Eskuwelang bibitbitin hindi ang mga nakamit at destinasyon ng mga bagay, ngunit ang mismong proseso
ng pagkamit at paglalakbay dahil ito lamang ay nagpapatunay na hindi ang destinasyon at mga medalya
ang mahalaga ngunit ang mga leksyon at mga binabaybay sa gitna ng pagkamit ng iyong destinasyon. It is
the journey, not the destination.
Guro. Isang salita, Isang bulto, Isang buhay sa mundong ito ngunit bakit napakaraming buhay ang
binigyang liwanag? Kung ang ina ang ilaw ng tahanan, ang mga guro ang liwanag sa daan ng magandang
kinabukasan. Hinuhugis and prinsipyo at paniniwala ng mga batang sa hinaharap ay dadalhin at babaunin
ang mga ito
Ang mga gurong hindi lamang sa pagtuturo nagbigay talento, ngunit sa pag perporm ay naglahad din ng
istoryang hindi lang basta basta nakikita ng hubad na balintataw. Ito ng mga presentasyong pagkukwento
ng kanilang mga buhay. Bawat indibiduwal na pag-apak sa entablado ay pagpapahayag at pagsasadula ng
mga taong ngayo'y nagbibigay inspirasyon at pag-asa saatin ngayon. Ang mga napanood at binahahing
presentasyon ng mga guro, staff, ay isinapuso, pinaghirapan at pinaglaanan ng oras, gumugol ng talento at
kasiya-siya dahil ang dugo't pawis nila'y namulaklak dahil sa mga nakamit nitong papuri at kasiyahan.
Sa bawat paghampas ng kamay; kamay na nagbibigay dereksyon sa daang tinatahak na nagawang
maghatid ng kasiyahan, leksyon at karunungan sa mga walang muwang batang sa paglisan sa eskuwela'y
mayamang kaalaman ang babaunin saan man magpunta. Paggalaw at ikot ng mga paa; paglalakbay ng
mga paang itong araw-araw kinakalaban ang hamon ng buhay na walang sawang pinapadyak at nilalakad
ang kinabukasan ng mga mag-aaral. Pag-ugoy ng baywang; minsa'y mapapahawak nalang sa baywang
dahil sa hirap at hamon na nagaganap sa kuwartong may apat na tatsulok, ngunit kahit kailan ang
paghawak sa baywang na ito ay hindi naging hadlang sa pagtuloy at paglaban sa pagbibigay karunungan.
Pagtagaktak ng pawis; bunga ng hirapat sakit, dugo't pawis and nagsisilbing patunay ng matagumpay na
kinabukasan. Pag-rolyo ng kagamitan sa pagsasayaw; libro, kuwaderno, pisara at tsalk ang mga
aksesoryang nagpapadali at nagbibigay kulay sa proseso ng karunungan. Ngiti sa labi ng bawat indibidual
na nasa entablado; balik na biyaya, ito ang emosyon at pagmamahal ng mga guro sa estudyanteng hindi
mapapantayan.
Pagbitaw ng salita sa kinakantang awitin, pag-ugoy ng ulo sa himig na nadidinig na sa pagkanta'y
inilalantad ang lamig ng boses ngunit sa manonood ay init ng talento at emosyon ang hinahatid. Kantang
siya ring nagsisilbing himig sa konstektong leksyon ang inaawit ng gurong walang sawa at pagod na
hinihimig ang karunungan na tenga nga mga estudyante.

Ang selebrasyong ito ay nagpaatunay na sa paglipas ng panahon, mananatiling matatas at mas


malakas ang samahang ito. Ito rin ang nagbubukas sa ideyang simula pa lamang ito ng mga bagay na
pagtatagumpayang magkakasama ng Taps community. And mga pangyayare sa sandaling pagsasalo
na ito ay nagpakita ng matinding pundasyon noon pa man hanggang sa ngayon at magpakailanman.
Ang pagkakaisa at pagtutulungan sa event na ito ay isang malaking inspirasyon para sa lahat ng
manonood.
Itong kaganapang ito ang nagsisilbing pantablay sa nauubos na pag-asa at enerhiya ng bawat isang
dumadanas ng lungkot, pagod at pagsuko. Dahil ang selebrasyong ito ay nagsisilbing pahinga sa
lahat maging sa guro, staff, estudyante at mga teknolohiyang gamit na gamit ngayon. Ito ay
magandang halimbawa dahil bagong bago at ibang iba ang nga nangyare ngayon. Kung dati ay mga
talento ng mga estudyante ang naibabahagi, ngayon ay numingning ang talento ng mga guro at staff.
Ito ay magandang oportunidad dahil ito ay para sakanila at nararapat para sakanila bunga ng pagod at
hiral sa loob ng sampung taon.
Sa panood ay natutunan kong maging kuntento sa paraang panood ng pinaghirapang
presentasyon. Marami ring reyalisasyon na aking naisip tulad na lamang ng pagpapasalamat
dahil sa kabila ng pandemya ay nagawa nating magbigay pugay at makapag isa sa pamamagitan
ng selebrasyon ito. Pasasalamat na rin dahil nabigyang tsansa tayong maipahayag at sa ibang tao
pa ang sayang natamo natin sa selebrasyon ng ating komunidad.

You might also like