Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SANCHEZ, ELLA PATRICE D.

MEB22
a. Sino ang kapatid ni Jose Rizal na hindi nabanggit sa video presentation?
Ano ang mahalagang ginampanan niya sa pagkamatay ni Jose Rizal?
Ipaliwanag.
- Ang kapatid ni Jose Rizal na hindi nabanggit sa video presentation ay si Narcisa Rizal
na pinanganak noong taong 1852 na may palayaw na “Sisa”; ang pangatlo sa sa
kanilang magakapatid na siyang kinilala bilang pinakamatulunging kapatid ni Rizal. Siya
ang isa sa mga tumustos sa pagaaral ni Rizal, kung saan lahat ng kanyang ma
personal na alahas ay sinasangla para sa kapatid. Dagdag pa rito, siya din ang
kumupkop sa kanyang mga magulang ng sila ay pinalayas sa kanilang tirahan;
kinupkop niya din si Josephine Bracken na siyang kasintahan ni Rizal ng mga panahon
na iyon. Dahil sa pagkupkop sa kanyang magulang at kay Josephine Bracken, nalagay
sa pamganib ang buhay ng kaniyang pamily dahil sa mga banta ng mga Espanyol. SI
Sis ay sumakabilang buhay noong taong 1939. Si Sisa ay may malaking ginampanan
na tauhan ng mamatay si Jose Rizal; siya ang matiayagang naghanap sa lugar kung
saan ninilibing ng basta basta ang labi ng kanyang kapatid na si Rizal. Siya ang
nagsipag na hanapin kahit saang lugar ang labi ng kanyang kapatid; ng matuklasan ay
kanyang ntinarakan ito ng palatandaan na may titik “RPJ” na siyang mga inisyal ng
pangaln ni Rizal upang kanilang maalala na iyon ang kanyang kinalagian. Matapos ang
ilang taon ay kanila itong hinukay at binigyan ng aayos na libingan.

b. Ipaliwanag kung bakit sadyang inalagaan si Jose Rizal ng kanyang mga


magulang at kapatid.
- Bilang bunsong lalaki sa labing-isa na magkakapatid, naging espesyal ang turing sa
kanya ng kanyang mga kapatid; lalo na sa kadahilanang noong bata si Jose Rizal ay
killa siya sa pagiging sakitin. Noong panahon ng kanyang kabataan, si Rizal ay
patpatin, may mahinang resistensiya, at sakitin, dahil sa kondisyong ito, binigyan siya
ng mas atensyon ng kanyang pamilya at tinutukan ang kanyang pagpapalakas.
Nasambit noon na sa hapagkainan, si Rizal ang unang binibigyan ng pagkain kung
saan ang pinakamagagandang parte ng ulam ang binibigay sa kanya, Dagdag pa na
dinadamihan din ang bigay ng pakain sa kanya upang mapunan ang lakas na kulang sa
kanynag paglaki. Bawat miyembro ng pamilya ay tutok sa kanya upang masiguro na
mapanatiling malakas si Rizal o kaya’y mapabuti ang lagay nito kapag nagkakasakit.
SANCHEZ, ELLA PATRICE D.
MEB22
Nadagdag pa ang pangyayari ng pagkamatay ng kaniyang kapatid na si ‘Concha’, mas
naging mahigpit at tutok ang kanyang pamilya sa pag-aalaga sa kanya at umabot sa
punto na siya ay kinuhaan ng ‘yaya’ na siyang maag-aalaga sa kanya.

REFERENCES:

Pamily Rizal. (n.d.). Bayaning Bayan. Retrieved on June 19, 2021. Retrieved from
https://bayaningbayan.weebly.com/pamilya.html.

Ang MGA Huling Araw ni Rizal at ang paglilibing sa Kanya.(n.d.) Presidential museum
and Library. Retrieved on June 19, 2021. Retrieved from
http://malacanang.gov.ph/75792-ang-mga-huling-araw-ni-rizal-at-ang-paglilibing-sa-
kaniya/

You might also like