Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FORT BONIFACIO HIGH SCHOOL

J.P Rizal Extension, West Rembo, Makati City

IKATLONG MARKAHAN
GAWAING PAGGANAP SA FILIPINO 7

Modyul 1 TULANG PANUDYO, TUGMANG DE GULONG AT PALAISIPAN


F7PU-IIIa-c-13
MELCS: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa
itinakdang mga pamantayan
PAGBUO NG SARILING TULANG PANUDYO, TUGMANG DE GULONG AT
Gawaing Pagganap Blg. 1
PALAISIPAN

Panuto sa Pagsasagawa ng Gawaing Pagganap (Blended)


Ang mga mag-aaral ay nakalilikha o nakabubuo ng sariling tulang panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan.
Ito ay sa paraang malaya, maaaring gawin ito sa bondpaper at lalagyan ng mga makukulay na
disenyo o di kaya sa pamamagitan ng powerpoint presentation.
Ito ay sa paraang pangkatan (limahan).
Narito ang mga gampanin ng bawat miyembro upang maayos na mahati ang itinakdang gawain:
 Isang bubuo ng sariling tulang panudyo
 Isang bubuo ng sariling tugmang de gulong
 Isang bubuo ng sariling palaisipan
 Isang gagawa ng powerpoint presentation
 Isang tagapag-ulat
Matapos makabuo ang miyembro ng sariling tulang panudyo, tugmang de gulong at palaisipan,
ipapasa ito sa gagawa ng powerpoint presentation at pagsasama-samahin ang mga ito.
Iuulat ito sa klase upang maipaliwanag ang pagkakaunawa sa kanilang ginawa.
Pamanatayan sa Pagmamarka:
Nilalaman 5 puntos
Orihinalidad 5 puntos
Kaangkupan ng mga salita 5 puntos
Presentasyon (Pag-uulat at Pakikiisa ng kapangkat) 5 puntos
Kabuoan 20 puntos
Panuto sa Pagsasagawa ng Gawaing Pagganap (Full Offline)
Ang mga mag-aaral ay malayang nakalilikha o nakabubuo ng anuman sa mga sumusunod:
 sariling tulang panudyo
 tugmang de gulong
 palaisipan
Ito ay gagawin sa bondpaper at lalagyan ng mga makukulay na disenyo.
Ipaliliwanag nila ito batay sa kanilang sariling pang-unawa.
Pamanatayan sa Pagmamarka:
Nilalaman 5 puntos
Orihinalidad 5 puntos
Kaangkupan ng mga salita 5 puntos
Sukat at tugma 5 puntos
Kabuoan 20 puntos
KATANGIAN AT ELEMENTO NG MÍTO, ALAMÁT, AT KUWÉNTONG-
Modyul 2
BAYAN: SURIIN
F7PB-IIId-e-15
Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,alamat, kuwentong-bayan, maikling
MELCS: kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan,
tagpuan, kaisipan at mga aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng
pamumuhay, at iba pa)
Gawaing Pagganap Blg. 2 TALA-SURI: PAGSUSURI SA AKDA

Panuto sa Pagsasagawa ng Gawaing Pagganap (Blended & Full Offline)


Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng alinman sa mga panitikan ito: mito, alamat at kuwentong-
bayan sa kanilang modyul o kaya sa internet.
Maaaring kumuha ng akdang pampanitikan sa Una hanggang Ikatlong Markahan.
Susuriin ito batay sa katangian at elemento nito batay sa pormat na ilalaan ng guro.

Mga Aspeto
Pamagat ng Akda
PAKSA
(Tungkol saan ang kuwento?)

TAUHAN
(Sino-sino ang tauhan? Ilarawan.)

TAGPUAN
(Saan at Kailan naganap?)

KAISIPAN
(Ano ang pangunahing mensaheng inihatid?)

ASPETONG PANGKULTURA
(Paano ipinakita ng akda ang katutubong
pamumuhay ng pangkat na pinagmulan nito?)
Ito ay sa paraang indibidwal.
Ipo-post ito sa Stream ng google classroom.
Paraan ng pagmamarka:
Nilalama 5 puntos
Pagsusuri ng akda 5 puntos
Gamit ng Wika 5 puntos
Pangangalap ng kopya ng akda 5 puntos
Kabuoan 20 puntos
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN, GAMITIN SA
Modyul 4 PAGBUBUOD, KAHULUGAN NG MGA SALITA, IBIGAY SA IBA’T IBANG
PARAAN
F7-PT-IIIa-c-13, F7PT-IIIH-II-16, F7PT-IIi-11
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa
MELCS:
konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at
kasalungat nito.
Gawaing Pagganap Blg. 3 #ISLOGAN (TALAS NG WIKA, MENSAHENG MABISA)

Panuto sa Pagsasagawa ng Gawaing Pagganap (Blended & Full Offline)


Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang islogan tungkol sa tamang paggamit ng internet ng mga
kabataan.
Inaasahan ang pagiging malikhain ng bawat mag-aaral.
Isaalang-alang ang paggamit ng mga salitang may denotasyon at konotasyon na pagpapakahulugan.
Ipaliliwanag ang ilan sa mga salita na ginamit sa ginawang islogan.
Ipo-post ito sa Stream ng Google Classroom.
Paraan ng pagmamarka:
Kahusayan ng Islogan 5 puntos
Mensahe ng Islogan 5 puntos
Pagpapaliwanag 5 puntos
Kasiningan at Pagkamalikhain 5 puntos
Kabuoan 20 puntos

Inihanda nina:

Jocelyn P. Abrenica
Madona D. Acedera
Jhoanna Marie D. Aliban
Ma. Aurora G. Cancillar
Jennifer V. Palma
Mary Dianne Villa
Mga Guro sa Filipino 7

Binigyang-pansin ni:

DELIA T. SANCHO
Koordineytor, Kagawaran ng Filipino

You might also like