SUCESOS DELAS ISLAS FILIPINAS NI ANTONIO MORGA AT MGA
ANOTASYON NI JOSE RIZAL
Ang Sucesos de las Islas Filipinas na isinulat at inilathala ni Antonio Morga ay sinasabing isa sa mahahalagang aklat ng kasaysayan sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang librong ito ay tumatalakay sa pulitikal, sosyal at ekonomikal na aspeto ng mga mananakop na Espanyol at sinasakop na mga Pilipino. Ang akda naman ng ating pambansang bayaning Jose Rizal na mga anotasyon sa naunang akda makikita ang kasaysayan ng bansa at kalagayaan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol at sa panahon na tayo ay nasakop ng Espanya. Nagbigay liwanag si Rizal sa mga detalye ng libro sa pamamagitan ng hindi pagsang-ayon at pagkumpirma sa mga parte ng kasaysayan na isinulat ni Morga. Ang pagbasa ng bahagya sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio Morga at mga anotasyon ni Jose Rizal dito ay makasaysayan. Hindi lamang dahil ito ay nagsasaad ng mga naging kaganapan sa ating bansang Pilipinas. Makasaysayan sa buhay ng mambabasa sa pamamaraan na naimulat natin ang ating mga mata sa mga bagong impormasyon na nadagdag sa ating kaalaman para sa kasaysayan ng bansa. Ang dalawang akda ay magbubukas sa iyong isipan kung paano ang mga Pilipino noon sa mata ng banyaga at mananakop sa katauhan ng banyagang manunulat na si Morga at sa mata ng kapwa Pilipinong hindi pa namumuhay sa panahon na iyon at nasakop sa katauhan ni Rizal. Mas naging malinaw at malawak ang aking kaalaman sa kung ano ang mga pangyayari sa mga Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop partikular na sa sistema ng pamamahala ng mga Pilipino noon. Ang paglahad ni Morga na walang hari ang namumuno sa buong bansa at pagklaro ni Rizal kung bakit ito ay malabong mangyari sa panahon na iyon ay talaga namang makabuluhan. Mahalaga ang ginampanang parte ni Rizal sa pagbibigay anotasyon sa aklat na isinulat ni Morga dahil nararapat lamang na klaruhin ng isang mamamayan ang nangyari sa kanyang bansa.