SDAS Sa Filipino 3 W2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

ALEJANDRO DELOS

REYES INTEGRATED
SCHOOL
Barangay Cagay,
Masbate City

Self-Directed
Activity Sheet
(SDAS) sa
Filipino
Nagagamit ang pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa mga
tao, lugar at bagay sa paligid.
(Quarter 1 Week 1)

NOVE D. BUETA
Author
I. Lesson: Paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay
tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid.

Isang napahalagang bagay para satin ang komunikasyon. Sa


pamamagitan nito, maiintidihan natin ang bawat isa. Kaya naman, ang
aralin na ito ay makatutulong saiyo upang magamit mo ang mga
panggngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay sa
iyong paligid. Handa ka na ba? Simulan na natin!

II. Most Essential Learning Competency

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao,


lugar at bagay sa paligid. F3WG-Ia-d-2
Vocabulary
List

III. Vocabulary List

Pangngalan – tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o


pangyayari.

dayuhan - isang tao na hindi katutubo o likas sa isang pook;


nagmula sa ibang bayan o bansa.

karosa – karwahe na ginagamit sa parada.


pandemya - pagkalat ng nakakahawang sakit sa mga
populasyon ng

isang malawak na rehiyon tulad ng buong mundo.

quarantine – pananatili sa loob ng isang bahay o kuwarto upang

maiwasan ang pagkahawa ng isang sakit sa pamamagitan ng

pakikihalubilo.
IV. Pre-Test

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga pangngalan sa loob ng kahon.


Isulat ang pangungusap sa angkop na hanay ng pangngalan.
Tao Lugar Bagay

Dr. Acuesta Ambulansya Ospital Pulis Alcohol

V. Learning Activities

Ang Bagong Normal

Nakaugalian na ng pamilya namin na magsimba sa tuwing araw


ng linggo. Marami sa Barangay namin ang dumadalo sa misa
tuwing ganitong araw. Subalit sa pagkakataong ito parang
madalang lang ang dumadaan sa bahay namin. Wala akong
nakikita ni isang bata at matanda na nasa labas. Lahat ng
dumadaan ay may takip ang mukha. Parang nakakapanibago.

“Maganda Umaga sa inyong lahat! Ipinapaalam ng ating


Barangay na simula sa araw na ito hanggang sa susunod na
buwan tayo ay nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine
(ECQ) dahil sa lumalaganap na virus na dala ng Covid-19. Kung
saan ipinagbabawal ang paglabas na mga may edad na 20
pababa at 60 pataas. Papayagan lamang na lumabas ang
magulang o nasa tamang edad kung may importanteng bibilhin
sa palengke o botika. Kayo ay hahanapan ng Quaratine Pass at
siguraduhing nakasuot kayo ng facemask kapag lumalabas.
Ugaliing dumistansya ng isang metro at maghugas ng kamay.
Sinuman ang lumabag ditto ay may karampatang parusa.” Saad
ng isang lalaki na nakamikropono na sakay ng motor.

Kaya pala! Tugon ni Klara. Kaya pala hindi kami pinapayagang


lumabas nila mama at papa. Ito na pala ang sinasabi sa TV na
bagong normal. Simula ngayon, susundin ko ang mga dapat at di
dapat gawin at tuturuan ko rin ang aking mga nakababatang
kapatid upang maging ligtas kaming pamilya sa virus nayan.

Sagutin mo.

1. Bakit hindi pinapayagang lumabas sila Klara sa bahay?

2. Ano-ano ang mga dapat gawin upang hindi mahawaan ng Covid-


19?

3. Sino ang tuturuan ni Klara ng bago niyang natutunan?


Talakayan:

Ang pangngalan ay salitang


tumutukoy sa ngalan ng tao,
hayop, bagay, lugar o pangyayari.

Paano nakakatulong ang paggamit


ng pangngalan sa pang araw-araw
na pakikipag usap?

Nakatutulong ito sa mahusay na


pagsasalaysay. Madali ring
maiintindihan ang iyong
pagsasalaysay kung gagamit ka
ng mga pangngalan.

VI. Practice Tasks

Task 1:

Panuto: Hanapin ang pangngalan sa bawat pangungusap. Uriin

kung ito ay tao, lugar, o bagay. Isulat ang sagot sa larawan. Iguhit ito
sa iyong sagutang papel o kwaderno. Alam ko, kayang-kaya mo ito!

Simulan na natin!

bagay

lugar

tao
Pangngalan

1. Madalas kaming gumagamit ng alcohol sa bahay.


2. Si ate nalang ang lumalabas at pupumunta sa palengke para bumili ng
aming pagkain.
3. Maraming inaalagaan na halaman si Nanay.
4. Pumupunta si Tatay sa bukid para kumuha ng gulay.
5. Maraming pulis ang nagbabantay sa daan.

Task 2:

Lagyan ng salungguhit ang mga pangngalan na iyong makikita sa


bawat pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Sinabi ni Pangulong Duterte na wala pang gamot o vaccine na


nadidiskubre panlunas sa Covid-19.
2. Ang panonood ng TV ay isa sa mga libangan namin ngayong
Enhanced Community Quarantine (ECQ)
3. Importanteng may suot na mask o face shield tuwing lalabas ng
bahay.
4. Si DepEd Secretary Leonor Briones ang namamahala sa mga
programang pang edukasyon.
5. Maraming frontliners na ang namamatay dahil sa Covid-19.
Task 3
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglagay ng
pangngalan na naaayon dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nagluto si Nanay ng paborito kong ___________.


2. Ang palagiang pagsuot ng ____________ ay makatutulong upang
hindi mahawaan ng Covid-19.
3. Ang mga __________ang nagbabantay sa mga daan para mapanatili
ang kaayusan at kapayapaan sa isang lugar.
4. Sa ___________ kami bumibili ng pagkain.
5. Maraming pasyente na ang kasalukuyang nasa ____________.

VII. Post Test

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga pangngalan sa loob ng kahon.


Isulat ang pangungusap sa angkop na hanay ng pangngalan.
Tao Lugar Bagay

Pangulong Duterte Face Mask Vaccine Nurse Sabon

VIII. Additional Activities

Panuto: Isalaysay ang iyong mga nakita sa paligid ngayong araw.


Huwag kalilimutang gumamit ng mga pangngalan sa iyong pagsasalaysay.
Kayang-kaya mo yan!
COPYRIGHT 2020

You might also like