Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 7– PABULA

FILIPINO 7 Modyul
(Unang Markahan, Ikalawang Linggo)
Mga Layunin:
Sa katapusan ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.
b) Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod,pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento,
mito, alamat, at kuwentong-bayan.
c) Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan.
d) Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka, at iba pa)

Mga Nilalaman:
Pabula
Kasaysayan ng Pabula
Kaligirang Pangkasaysayan ng Bagobo
Ang Alimaung at ang Usa (Bagobo)
Ekspresong naghahayag ng posibilidad; Katiyakan, Pag-aalangan o Posibilidad)

Aralin 1: Pabula
Ang Pabulaay isang maikling katha na ang layunin ay magbigay ng magandang aral. Ang mga pangyayari rito
ay bunga ng malikhaing pag-iisp ng may-akda. Mga hayop ang mga tauhan sa pabula at masasalaman sa mga tao ang
mga ugaling taglay ng mga tao. Kadalasang itinuturo nito ang pagiging mabuti, makatarungan at mapagkumbaba.

Kasaysayan ng Pabula
Ipinalalagay na nagsimula ang pabula kay Esopo, isang aliping Griyego sa taong 400 B.C. Siya ay pangit, tuso
at matalino ngunit sa kanyang kahusayan sa pagkukuwento ng pabula, siya’y pinalaya at nagkaroon ng tungkulin. May
paniniwala rin na ang pabula ay nanggaling sa Indya at hinango sa Panchantara at Jatakas. Ang Panchantara (limang
aklat) ay sinulat sa Kashmir noong 200 B.C. at ito’y itinuturing na pinakamatandang katipunan ng mga pabula sa
Indya. Ang pamagat ng dalawang aklat ay buhat sa pangalan ng dalawang Lobo (Jackals), Kalilab at Dimab o mga
pabula ni Bidpai. Ito’y isinalin sa Persya, Arabik at Latin at nagtamo ng katanyagan sa Europa. Isa pang katipunan ng
mga pabula sa Indya ang napatanyag, ito’y tinawag na Jatakas.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Bagobo


Ang mga bagobo ay nananahan sa bulubunduking rehiyon ng Pulangi at Davao. Ang pangunahing
pingkukunan nilang kabuhayan ay pagsasaka ng palay, mais, kamote, at patatas. May mangilan-ngilan din naman na
nangangaso at nangingisda. Kalat-kalat ang kanilang mga tirahan subalit malapit naman ito sa kanilang
pinagsasakahan. Ang mga pagkakahiwalay na ito ay pinaggbubuklod-buklod ng kanilang datu na namumuno sa
kanilang lugar. Ang bahay ng datu ang karaniwang pinakamalaking tahanan at nagsisilbing tanggulan kapag may
nagbabantang panganib sa kanilang komunidad.

Ang Alimaung at ang Usa (Basahin ang buong akda sa pahina 16-18)

Noong unang panahon, may isang alimaung at isang usa na nagkasalubong aa gubat. Tinawag ng
alimaung ang usa upang sabihin ang kanyang napanaginipan.

Tugon ng usa, “Hindi ako lalapit sa iyo.”

''Sabi sa aking panaginip na masarap daw kainin ang iyong atay," agad namang sagot ng alimaung
Natakot ang usa sa sinabi ng alimaung kaya't nagmamadali itong tumakbo palayo sa alimaung. Nakarating siya sa
bahay ng isang datu "Maaari ba akong manatili rito sandal?” tanong ng usa sa datu.
FILIPINO 7– PABULA
"Hindi maari maghanap ka na ng ibang matutuluyan," tugon naman ng datu. Naglakad muli ang usa hanggang
makaharap niya ang isang kalabaw ''Saan ka patungo?" tanong ng kalabaw. “Saaan ka patutungo tanong ng kalabaw?”
“Tulungan mo naman ako. “ sabi ng usa. “Sige magtago ka muna sa banda riyan kapag mo ang aking unga, ibig
sabihin, parating na ang alimaung," sagot ng kalabaw. Pagkalipas ang ilang sandali dumating ang alimaung.
Nagpanggap ang kalabaw na hindi niya nakita ang usa. Umungaw nang malakas ang kalabaw at narining ito ng usa.
Kumaripas ng takbo ang usa hanggang sa makarating siya kay kabayo ngunit tinaboy siya nito. Pagkalipas ng ilang
sandali dumating na ang alimaung at tinanong ang kabayo at agad naming nagkunawi ng kabayo na hindi niya ito
napansin.
Nagmamadaling tumakbo palayo ang usa hanggang sa nakasalubong niya ang isang kambing. Pinatago ng kambing
ang usa sa bandang sulok. Nakarating din sa kinaroroonan ng kambing ang alimaung.
“Nakita mo ba ang usa na dumaan dito?” tanong ng alimaung. “Hindi” tugon naman ng kambing. "Ituro mo na sa
akin ang usa dahil nais ko nang kamin ang atay niya” sambit ng alimaung.
"Puntahan mo riyan sa balon," mahinahong tugon ng kambing. Ngunit nabigla ang almaung sa kanyang nakita na
isa pang ulo ng alimaung. Sinabi ng kabing na iyang ang alimaung na kanyang pinatay sa ilalim. Sinabi ng kambing
kung nais niyang kaining ang atay ng usa ay kakainin rin niya ang atay ng alimaung.
Sa takto ng alimaung, kumaripas ito ng takbo. Nakasalubong nito ang isang unggoy. Tanong ng unggoy sa kanya,
“Bakit ka nagmamadali?” Sinabi ng alimaung na nais niyang kainin ang atay ng usa ngunit pinoprotektahan siya ng
isang kambing.
“Niloloko ka lang ng kambing na iyon. Halika sasamahan kta uli roon.” Sambit ng unggoy. Ngunit sinabi ng
unggoy na kailngang itali ang kanilang mga buntot upang mabawasan ang kanilang takot. Nagtungo ang dalawa
ngunit silay natakot kaya kumarips ng takbo ang alimaung at dahil nakatali ang kanilang mga buntot, nahilo ang
unggoy at tumama ang ulo nito sa mga puno na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nagpakalayo-layo ang alimaung at nagtago. Samantala ang usa ay ligtas at nagsasaya na.
Ekspresong naghahayag ng posibilidad; Katiyakan, Pag-aalangan o Posibilidad

Ang estruktura ng maari at puwede ay parang estruktura ng pang-uring panaguri: pandiwa + pangalan
na may pokus + (pang-abay).

Halimbawa:
 Maaari akong dumaan sa inyo mamaya.
 Puwede akong magbantay sa tindahan bukas.

May katiyakan ang kahulugan sa pagkakagamit ng mga salitang maari at puwede sa mga ibinigay na
halimbawa. Madalas itong matatagpuan sa paturol o deklaratibong pangungusap.

Pag-aalangan Maraming pagkakataon na nagsasalitan ang paggamit ng maari at puwede. Subalit,


kailangang bantayan ang mga pagkakataong sa tulong ng ilang salita katulad ng kung at pagbabago ng
anyo ng pangungusap (pangungusap na patanong), nagbabago ang diwa ng paggamit ng maaari at
puwede.

Halimbawa:

 Maari mo ba akong pahiraman ng sapatos mo?


 Ako n asana ang dadalo sa pulong, kung pupuwede sa iskedyul ko.

Posibilidad kabilang ang panagano sa kategoryang pang-abay. Isa itong panturing. Karaniwang ang
tinuturingan ng panagano ay sugnay. Ang mga panagong ito ay nagdaragdag ng pananaw o sinasaloob
ng nagsasalita tungkol sa ipinahahayag ng mga sugnay (posibilidad, kahilingan, obligasyon,
kasiguraduhan at iba pa).Ang baka ay panaganong naghahayag ng posibilidad.

Halimbawa:
FILIPINO 7– PABULA
 Baka manalo ka sa timpalak.
 Baka umaraw na bukas.

GAWAIN:
A. Direksyon: Kasabay ng pagtakas sino-sino ang hiningan ng tulong ng usa? Nakatulong nga ba sila? Ano ang
kanilang naibigay na tulong?

Nagbigay ng tulong Tulong na naibigay

B. Sagutin ang Pagsasanay mula sa inyong aklat bilang 1-10 mula sa pahina 21. Isulat ito sa malinis na papel.

TAKDANG ARALIN:

Sa isang buong papel, sumulat kayo ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng pabula sa
pamamagitan ng mga ekspresyong may katiyakan, pag-aalangan at posibilidad.

You might also like