Module 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Module 10

III. Panimulang Gawain

A. Panimulang Ebalwasyon

1. Katotohanan
2. Opinyon
3. Katotohanan
4. Opinyon
5. Katotohanan

V. Pagsasanay
1. Alin sa apat na makrong komunikasyon ang naisatitik ng ating isip o nadarama?
- Pagsulat

2. Ano ang isinasaad sa pamaksang pangungusap ng talata?


- Ang pamaksang pangungusap ay ang mga detalyeng nakakatulong sa isang pangungusap na kung saan
ito ay nagpapaliwanag kung ano ba ang nilalaman ng isang sulatin sa isang talata. Sa pamamagitan nito,
magkakaroon ng ideya ang mambabasa sa nais ipabatid ng manunulat habang ito ay binabasa.

3. Anong uri ng paksa ang isinusulat sa patnubayang pagsulat?


-Ang paksang isinusulat dito ay patungkol sa kontrolado at malayang pagsulat. Halimbawa nito ay ang
input ng mga mag-aaral ay higit kanilang guro sapagkat silang mga mag aaral ang magtatakda ng
konteksto ay anyo ng pangungusap ng isang sulatin.

4. Ano ang unang hakbang sa pagsulat ng sulating pananaliksik ang nakatutulong upang hindi na
makuha pa ang mga talang hindi magagamit sa pagsulat?
-Ang unang hakbang ay magkaroon ng paksang diwa upang sa una pa lamang ay nagsasaad na ito ng
impormasyon sa kung ano ang nilalaman ng isang sulatin.

5. Ano ang karaniwang bumubuo sa talata?


-Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na kung saan ito ay
naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa. Ito din ay nauuri ayong sa
lokasyong katatagpuan nito sa loob ng isang komposisyon. Nakauri ito sa Panimulang talata, talatang
ganap, talata ng paglilipat-diwa at talatang pabuod.

VI. Pangwakas na Ebalwasyon


1. Bakit mahalaga ang pagsulat?
- Mahalaga ang pagsulat sapagkat ito ay nakakatulong sa iba’t ibang paraan ng ating pamumuhay.
Kabilang na rito ang kahalagahang panterapyutikal na kung saan ito ay nagsisilbing daan ng isang
inidibidwal upang maipahayag nito ang kanyang saloobin at nararamdaman sa pamamagitan ng
pagsulat. Ang pagsulat din ay nagkakatulong upang ating makausap ang mga taong nasa malayong
lugar, naipapabatid pa din ang ating gustong sabihin sa pamamagitan ng sulat papel man o sa
kasalukuyang panahon ay ginagamitan na ng teknolohiya. Hindi lamang napakahalaga ng pagsulat sa
pansarili lamang , kundi ito din ang paraan upang makipag interaksyon tayo sa ating kapwa sa
pagpapahayag ng mga ideya at saloobin.

2. Ipaliwanag ang dalawang uri ng pagsulat


- Ang pagsulat ay mayroong dalawang uri, una ang akademik na kung saan ito ay tumutukoy sa paraan
ng pagsulat na may layuning pataasin ang antas ng kaalaman ng isang tao. Sa kabilang banda, ang
teknikal na pagsulat ay ang paggamit ng komersyal at propesyunal na tao upang maipabatid ang nais
iparating na ideya o mensahe ng isang manunulat.

3. Ipaliwanag ang figure na nagpapakita ng proseso sa pagbuo ng isang sulatin o akda


- Ang proseso sa pagbuo ng isang sulatin o akda ay ang “Pre-writing activities” o mga gawain bago
simulan ang pagsusulat at ang “Writing stage” o ang aktwal na pagsusulat. Ang unang proseso ay
tungkol sa pinagmulan ng motibasyon o pinaghanguan nito ng ideya na kung saan nagiging dahilan
kung bakit may sulatin itong sisimulan. Ang ilang halimbawa nito ay pagsusulat sa dyornal,
pagtatanong, pananaliksik at pagbabasa. Ang isang proseso naman ay ang aktwal na pagsusulat na
tumutukoy sa panahong mayroon ng ideya at kaalaman ang manunulat sa paksang kanyang tatalakayin
at ibabahagi sa magbabasa nito. Sa puntong ito, nailalapat na ng tagasulat ang kanyang nais ipabatid sa
mga mambabasa ng kanyang akda at naipapahayag na nito nilalaman ng paksang itatalakay.

4. Sumulat ng isang halimbawa ng masining na pagsulat


“Solusyon”
Bawat gabing isipan ay magulo
Walang sagot sa mga katanungan ng mundo
Bakit nangyayari lahat ng ito?
Ganito nga siguro ang kapalaran ko

Sinisimulan ang araw ng walang gana


Ang bubungad sa aking umaga
Pagdilat ng mga mata sa aking paggising
Problema agad ang dumarating

Halos mawalan na ng pag-asa


Ngunit nadama ang iyong prisensya
Paggabay mo at pagpapahalaga
Rason upang ako’y magpatuloy pa

Walang kang ibibigay na hindi kayang lampasan


Mga problema’y laging masosolusyunan
Basta ang mga plano mo lamang
Ang aming pagkakatiwalaan.
5. Magbigay ng iyong repleksyon sa mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
Ang modyul na ito ay nagsilbing instrumento upang aking lubos na maunawaan na ang
pananaliksik ay hindi lamang biglaang pagsulat, bagkus ito ay nangangailangan ng mga hakbang o
proseso upang maging kapakipakinabang ang magiging nilalaman ng sulatin.
Napakahalagang bigyang pansin ang proseso nito upang maging matagumpay at maayos na
nailalapat ang mga impormasyon ukol sa isang paksang tinatalakay sa isang paksa. Higit na mahalagang
isaisip ang mga ito sapagkat ang sulating pananaliksik ay makakaapekto sa pananaw ng mambabasa.
Ang pagbabasa ay isang makrong kasanayan na kailangang taglayin ng isang tao upang magkaroon ng
pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa mga bagay sa ating paligid. Makakatulong na higit na
pahalagahan ang mga proseso at kaparaanan sa paggawa ng isang sulating pananaliksik sapagkat
malaki ang magiging ambag nito sa ating lipunan.

You might also like