Script

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gagawa ka ng bidyo na may habang 3-5 minuto

Tatalakayin mo kung ano ang mga dapat isaalang-alang para magawa ito ng maayos

gayundin ang mga hakbang kung paano ito isulat.

liham-aplikasyon

Kalakip ng iyong resume, biodata, ay ang liham-aplikasyon sa trabaho ay

napakaimportante na maipadala sa mga kompanya para mabigyang halaga ka ng mga

employer. Ito ay isang pangkaraniwan at maikling sulat na kung saan ipinakikilala mo

ang iyong sarili sa pamamaraan ng pagbabahagi ng iyong mga kakayahan at karanasan

sa trabaho.

Napakaimportante ang pagbuo ng liham-aplikasyon sa pag-aaplay ng trabaho para

tumaas ang posibilidad na makakuha ng panayam.

Sa pagsasaalang-alang para makabuo ng liham-aplikasyon ng maayos, kinakailangan na

magbahagi ng katotohanan. Ito ay dahil madami na ang mga nag-aaplay ngayon na

halos ang lahat ng kanilang ibinabahagi sa liham-aplikasyon ay galing sa Internet, at

ang Internet ay kilala bilang isang hindi kapani-paniwalang plataporma. Nagsusulat

ng liham-aplikasyon upang maibahagi sa employer na nais mong magtrabaho at

makuha ang posisyong inaaplayan mo, at ang nais na makatulong sa kompanyang

papasukan. Sa pagbabahagi nito, kinakailangan na sa paraang impormatibo at may

kababaang loob at paggalang sa employer.

MGA TIPS SA PAGSULAT NG LIHAM-APLIKASYON

- Katulad ng pagsulat sa resume, kinakailangan na nasa henerikong pagsusulat ang

liham-aplikasyon, at gayun din ang pagbuo ng isang tiyak sa posisyong inaaplayan.


Gusto mong mag-aplay bilang isang call center agent pero ang ibinabahagi mo sa

iyong liham-aplikasyon ay pumapatungkol naman sa pagkahilig mo sa panonood ng

telebisyon.

- May mga ibang kompanya na hindi na nangangailangan ng liham-aplikasyon o hindi

nila ito inaanunsiyo. Para makasigurado, dapat ka parin magsumite ng liham-

aplikasyon. Ang pagsusumite nito ay nagpapakita na ikaw ay maalam sa pormalidad at

kalakaran ng pag-aapalay ng trabaho.

- Sa pagbuo nito, gumamit ka ng pangkaraniwang anyo ng pagsulat ng liham-

aplikasyon. Ang liham-aplikasyon ay may petsa, pangalan (o posisyon) at tiyak na

lugar ng padadalhan, bating panimula, katawan, pagsasara, at lagda.

- Gumamit ng pormal na lengguwahe at tono. Laging tandaan na ang potensiyal na

employer ang iyong kausap.

- Gawing maikli at malaman sa impormasyon ang liham-aplikasyon. Sikaping magkasya

ito sa isang pahina.

- Sa simula pa lamang ay linawin na ang intensiyon. Banggitin ang posisyong

inaaplayan at kung saan nakita o nabasa ang anunsiyo.

- Sa katawan ng luham-aplikasyon, ilahad ang mga dahilan kung bakit nag-aaplay at

kung ano ang mga maitutulong sa kompanya. Maaari ring linawin ang ilang bagay na

mababasa sa resume.

- Sa pagtatapos ng liham-aplikasyon, hilingin na makapanayam. Tanggap na ngayon

kung sasabihing tatawagan sila upang i-set ang petsa at oras ng panayam.

You might also like