Ang Pamagat Pampananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNIVERSITY OF ANTIQUE

Sibalom, Antique
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

TOPIKO: ANG PAKSA AT PAMAGAT-PAMPANANALIKSIK


KURSO: INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK-WIKA AT PANITIKAN
GURO: ARIES B. CABAHIT
TAGAPAG-ULAT: ELME ROSE S. SIASOL
LENNIE ROSE ARGUELLES
ANGELICA REMEGIO
JERICHO DALUMPINES

-------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG PAKSANG PAMPANANALIKSIK
 Ang paksang pampananaliksik ay isang interes na ipinahayag ng tiyak ,upang iyong ma-
imagine ang iyong sarili bilang isang local na eksperto hinggil sa paksa.
-Booth,et al. (2008)

 Sa akademya, ang pananaliksik ay isang mahalagang gawain na hindi maiiwasan ng sino


mang mag-aaral.Karaniwan na ang pagpapagawa ng mga pamanahong papel sa iba’t
ibang subject bilang isa sa mga pangangailangan akademiko.
 Ilan pang halimbawa ng papel pampanaliksik ang tisis at disertasyon.
 Sa kasalukuyan ,hindi na dapat maging problema ang pagsisimula ng pnanaliksik para sa
mga mag-aaral dahil sa marami na ngayong mapagpipiliang paksa.Maiuugnay rin ito sa
pag-unlad ng teknolohiya na nagpapagaang sa mga gawaing kaugnay ng pananaliksik.
 Sa pag-iisip ng paksa ay ang pagpasok ng konstelasyon ng mga ideya sa ating isipan.
 Una,isipin ang mga konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ;
 Pangalawa,mga maaring paghanguan ng paksa
 Pangatlo,ay ang paglilimita ng paksa

Pagdidisenyo ng pamagat pampananaliksik


 Ang pamagat ay kailangang maging malinaw (hindi matalinghaga),tuwiran (hindi
maligoy) at tiyak hindi masaklaw.
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 May mga iminumungkahi ring bilang ng mga salita sa pamagat,hindi kasama ang mga
salitang pangkayarian tulad ng pantukoy,pananda,at pang-ugnay.Hanggat maari ang mga
salita ay hindi kukulangin sa sampu(10) at hindi hihigit sa dalawampu.

Halimbawa
 Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang Ginagamit sa Pagsasalin sa Filipino ng mga
Katawagang Legal sa Bagong Konstitusyon ng Pilipinas.

MGA HANGUAN NG PAKSA


Mga Maaaring Paghanguan Ng Paksang-Pampananaliksik:
1. SARILI- Maaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga
nabasa,napakinggan, napagaralan at natutunan. Nangangahulugang Ito na maaring
simulan sa sariling pag-iisip ng mga paksang pagpipilian.
2. DYARYO AT MAGASIN- Maaring paghanguan ng paksa ang mga
napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at Magasin o sa
mga kolum, liham sa editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at Magasin tulad
ng lokal na balita, bisness, entertainment at isports.
3. RADYO, TV AT CABLE TV- Maraming uri ng programa sa radyo at tv ang
mapagkunan ng paksa. Marami na ring bahay, Hindi lamang sa metro manila,
kundi maging sa probinsya, ang may cable tv. Mas maraming programa sa cable
dahil sa 24 na oras na balita, isports at programang edukasyonal.
4. MGA AWTORIDAD, KAIBIGAN, GURO- Sa pamamagitan ng pagtanong-
tanong sa ibang tao, maaring makakuha ng mga ideya upang mapaghanguan ng
paksang pampananaliksik. Makakatulong Ito upang makakuha ng paksang hindi
lamang napapanahon kundi kawiwilihan din ng ibang tao.
5. INTERNET - Isa Ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong paraan
ng pahahanap ng paksa. Maraming mga web site sa internet na tumutugon sa ibat
ibang interes at pangangailangan ng ibat ibang uri ng tao.
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

6. AKLATAN - Bagama't tradisyonal na Hanguan Ito ng paksa, hindi pa rin


mapasusubalian ang yaman ng mga paksang maaring mahango sa aklatan. Sa
aklatan matatagpuan ang ibat ibang paksa nauuganay sa ano mang larangan pang-
akademya.

 Sa puntong ito, kapaki-pakinabang marahil na pansinin ang naging obserbasyon


nina Atienza et al. (1996)

 Madalas, kapag nag-iisip na ang mananaliksik ng kanyang susulatin, papasok na


ang aborsyon,prostitusyon, paninigarilyo, drug addiction, faith healing, fiesta at
marami pang gasgas at gastado nang mga paksa.
 Para maiwasan na ang inilahad na obserbasyon, kailangang maghanap at mag-isip
ng mga paksang wika nga nina Atienza ay hindi gasgas at gastado na hango sa
alin man sa natukoy na hanguan.

PAGLILIMITA NG PAKSA

 Matapos makapili ng paksa, kailangang iyong ilimita upang maiwasan ang masaklaw na
pag-aaral.

Batayan sa paglilimita ng paksa:

1. Panahon 6. Propesyon o Grupong


Kinabibilangan
2. Edad
7. Panahon
3. Kasarian
8. Edad
4. Perspektibo
9. Kasarian
5. Lugar
10. Perspektibo
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

11. Lugar 12. Propesyon o Grupong


Kinabibilangan

MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA

Ilang konsiderasyon din ang dapat isaalang- alang sa pagpili ng paksang pampananaliksik,
gaya ng mga sumusunod:

• KASAPATAN NG DATOS – Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang


pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan ngilan pa
lamang ang mga abeylabol na datos hinggil doon.

• LIMITASYON NG PANAHON –Tandaan, ang kursong ito ay para sa isa o dalawang


markahan lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May
mga paksa kasing mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa dalawang
markahan, upang maisakatuparan.

• KAKAYAHANG PINANSYAL – Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga
paksang nangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring
maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Samakatuwid, kailangang pumili ng paksang
naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik.

• KABULUHAN NG PAKSA – Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang


walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan.
Samakatuwid, kailangan pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaari
ring pakinabangan ng mananaliksik at iba pang tao.

• INTERES NG MANANALIKSIK – Magigigng madali para sa isang mananaliksik ang


pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o
interes. Hindi niya na rin kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang
ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

You might also like