Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

UCCP RENEWAL OF VOW SUNDAY

Jay: Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Bago po kami magsimula ay nais po
munang bumati ng isang Maligayang Araw ng mga puso sa inyong lahat.

Josette: Yes, Happy Valentines Day po sa lahat and I’m sure lahat tayo ay feeling in-love
ngayong araw.

Jay: Of course, but for me, everyday is a valentines day kasi araw-araw kitang kasama…
Anyways, we are here today, to give our testimony for the Renewal of Vow Sunday.
Josette and I been married for 8 years and 8 months. May 20, 2012 became the most
memorable part our lives since it was also the beginning of journey to forever. We now
have 2 kids, our lovely Xanthea and adorable baby Xyndrix.

Josette: At masasabi ko sa loob ng almost 9 years nagsasama kami, masaya ako bilang
asawa nya at syempre ganun din sya sa akin happy din sya dahil hindi namn po kami
tatagal ng ganito kung hindi kami HAPPY & CONTENDED with each other.

Jay: Yes I am so much happy and contented. Ang pagdating sa buhay ng bawat isa sa
amin at isang blessing from God. She is a blessing to me and I am a blessing to her. And
we are blessed to be a blessing to each other. When we got married, we our bonded
together by God, kaya wala pong makapag-hihiwalay sa amin. Sabi nga po sa Matthew
Chapter 19, verse 6; “So they are no longer two, but one flesh. Therefore, what God has
joined together, let no one separate.”

Josette: In our relationship, we really value the love and faithfulness. Proverbs Chapter 3
verses 3-4 state that "Let love and faithfulness never leave you; bind them around your
neck, write them on the tablet of your heart. Then you will win favor and a good name in
the sight of God and man." We have the love, faith and trust with each other the same
as we have the love, faith and trust to God. Our relationship is not perfect. Katulad ng sa
karamihan, may mga challenges and trials na darating at dumarating din sa amin. We
have ups and downs. Para po sa amin haharapin po namin ito sa pamamagitan ng faith
& trust ky God na kahit anumang laki ng pagsubok na ibigay sayo ni Lord always natin
isipin na hindi ito ibibigay ni Lord kung hindi natin kaya. So far naman sa loob ng almost
9 years ng pagsasama namin never pa po na nagkaroon kami ng malaking pagsubok
bilang mag-asawa. At wala pa namn kami na experience na dumating sa point na hindi
namin kinaya yung problema dahil sa totoo lng po wala pa naman po kami naranasan
na nagkaroon ng malaki pagsubok sa amin pagsasama bilang mag-asawa. Kaya ma
aadvice ko lang po pray lang tayo kay Lord. Siya yung gawin nating center ng
relationship natin at ng buhay natin. Sa kanya natin ipagkatiwala ang mga bagay na
nagyayari sa atin although bad or good man isipin natin walang ginawa pangit si Lord
para sa atin. At bilang mag asawa kayo, always remember that the best weapon ng
pagsasama 1st LOVE, 2nd TRUST and last RESPECT to each other.
Jay: Very well said, my dear,. God - being the center of every relationship. If we do
that, araw-araw nating mararamdaman ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay. Sa
bawat araw na kami ay gumigising, sa panibagong umaga na binibigay niya sa amin,
sa kalakasan ng katawan at kalusugan para magamit namin sa amin paghahanap-
buhay. For the everyday blessings that our family is receiving, for the happy family, for
our stable jobs, for providing the everyday needs of my family, we can really feel that
God is really with us. For every trials, for every challenges, God is always there to help us
to overcome it all. Tunay nga pong walang hanggang pasasalamat dahil ramdam na
ramdam namin na nandyan lagi ang Panginoon sa kahit ano mang oras.

Josette: Ang pag-aasawa ay isang walang hanggang pagsasamahan, Ang pag-


aasawa ay pag-uugali na natututunan. Ang ating pagpupunyagi, hindi likas na ugali,
ang magdudulot ng tagumpay. Lubos na makakatulong ang kabaitan, tunay na
pagmamahal, at pagsasaalang-alang para sa kaligayahan at kapakanan ng isa’t isa.

Jay: Bago tayo mag-asawa tinitingnan natin ang buhay ayon sa sariling pananaw,
ngunit kapag pinasok na natin ang pag-aasawa, isinasaalang-alang na rin natin dito
ang pananaw ng iba. Kailangan ang pagsasakripisyo at pakikibagay upang maipakita
ang pagtitiwala at pagmamahal. Nauunawaan natin na sa mag-asawa hindi perpekto
ang bawat isa; naghahangad tayo ng perpeksyon at tumatahak tayo sa landas na
umaasang makahahanap tayo ng perpeksyon, ngunit dapat ay maunawain tayo,
ibinibigay ang pinakamainam nating magagawa, at pinagaganda ang buhay. Sabi
nga, when finding your partner – Don’t look for the perfect one, Look for the right one.

Josette: LOVE, TRUST and RESPECT to each other - ito ang pillar or foundation natin para
tumagal ang pagsasama natin bilang mag asawa. At syempre yung faith natin ky God
huwag na huwag mawawala. Any trials na dumating sa buhay, lakas lang ng loob,
always think nandyan si God, si husband or si Mrs., at ang mga anak natin sila yung
magiging lakas natin para malampasan lahat ng trials na darating sa buhay natin. At
syempre sa mga lalaki advice ko maging responsible tayo sa pamilya natin, at huwag
na huwag gagawa ng kalokohan. Iwasan ang tukso at bisyo para makamit ang masaya
at buo ang pamilya. Pagmamahalan - yun lagi ang iparamdam at ipadama sa mga
mahal mo sa buhay.LIFE is too short, so show your love to your love one! Un lang po at
maraming salamat po.

Jay: Maraming Salamat po at muli Happy Valentines Day sa ating lahat.

You might also like