Professional Documents
Culture Documents
Ang Talambuhay Efren
Ang Talambuhay Efren
Mga Ugat
Isinilang si Reyes noong 26 Agosto 1954 sa Mexico, Pampanga at panlima sa siyam
na magkakapatid. Nagmula siya sa dukhang pamilya, at ang kaniyang ama ay
barbero ang trabaho. Dahil sa kahirapan, si Reyes ay ipinadala ng kaniyang ama sa
Lungsod Maynila upang magtrabaho sa kaniyang tiyo. Mulang edad walo ay naging
laman ng bilyaran si Reyes, at nagsimulang humawak ng tako pagtuntong ng edad
siyam. Hindi maglalaon ay matututo si Reyes, at gaya sa bilyar, ay sasarguhin ang
mga kalaban at uuwing hitik sa salapi ang bulsa makaraang magwagi sa mga
pustahan.
Mga Tagumpay
Nagsimulang magbago ang karera ni Reyes nang magtungo siya sa Estados Unidos
upang lumahok sa mga paligsahan doon. Noong una'y ginamit niya ang pangalang
“Cesar Morales” sa pagnanais na ikubli ang tunay na katauhan. Hindi maglalaon ay
gagapiin niya ang mga kalaban, at mag-uuwi ng 8 libong dolyar mula sa
pagwawagi. Mulang 1985 hanggang 2007, nakalikom si Reyes ng 75 kampeonato.
Higit pa rito, ginawaran siya ng Philippine Legion of Honor, Philippine Order of
Lakandula “Champion for Life Award,” Outstanding Filipino Awardee of the
Jaycees, Philippine Sportswriters Association “Atleta ng Taon,” Billiard Congress
America Hall of Fame (2003), at One-pocket Hall of Fame (2004).
Naging kabalikat ni Reyes si Jose Puyat na naging isponsor niya sa mga paligsahan
sa iba't ibang bansa. Nakatulong naman si Reyes upang maipakilala ang mga
negosyo ng pamilyang Puyat mulang Filipinas hanggang ibayong dagat. Ang
gayong samahan, wika nga, ay pambihira't tila pinagtagpo ng tadhana upang umugit
ng sobrenatural na tagumpay.