Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.

Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

AP 10
Name: _________________________________________ Level and Section: Grade 10 - Beacon
Time: Quarter / Week: First / Week 1

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topics: Naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu


Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan
at daigdig

References: Ugnayan at Kaunlaran (Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan 10)


Marielyn C. Quintana Ph.D
Jeffrey U. Consignado D.B.A
Pahina 2 -12

Short Discussion

Nakababahala ang panahon natin sa ngayon. Maraming isyu, hamon, at suliraning kinakaharap ang ating
bansa. May mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Mga ito ay kagagawan ng tao at mga pangyayaring bunga
ng agham at makabagong teknolohiya na nagiging sanhi ng pagka-abuso sa kalikasan. Nagdudulot din ang mga
ito sa pagbabago sa ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang iyong matatanto ang
kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Ang mga kaalaman na iyong matututuhan ay
makatutulong sa iyo upang higit mong maunawaan ang mga pangyayari sa lipunang iyong kinabibilangan

Ang salitang “kontemporaryo” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring


nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. Ito ay mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng
pagkakabagabag ng mga tao. Maaari rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas na nakaaapekto
hanggang ngayon sa lipunan.

Ang salitang “isyu” naman ay mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at maaaring
dahilan o batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong magdulot ng positibo o negatibong epekto sa
pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Uri ng Kontemporaryong Isyu

Panlipunan

Kontemporaryong Isyu
Pangkalakalan Pangkalusugan

Pangkapaligiran

1.Kontemporaryong Isyung Panlipunan- ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto
sa iba’’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan, at ekonomiya. Halimbawa:
pag-aasawa ng mga may parehong kasarian (same sex marriage), terorismo, rasismo, halalan, kahirapan
2. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan – ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring
nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan. Halimbawa: COVID-19, sobrang katabaan, malnutrisyon,
Drug Addiction, HIV / AIDS
3. Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at
mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.
Halimbawa: global warming, paglindol, baha, bagyo, El Niño, at La Niña

4. Kontemporaryong Pangkalakalan -mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo, kasama dito
ang mga usapin o isyung pang-ekonomiya.
Halimbawa: import/export, online shopping, free trade, samahang pandaigdigan

Gawain:
Sagutan sa libro ang “Tuklasin Natin” pahina 2
Sagutan sa libro ang “Pagsasanay 1.1” pahina 4-5
Sagutan sa libro ang “Pagsasanay 1.3” pahina 7
Sagutan sa libro ang “Pagsasanay 1.4” pahina 8-9
Sagutan sa libro ang “Pagsasanay 1.5 and Pagsasanay 1.6” pahina 12 – 13
Sagutan sa libro ang “Sanayan Natin” pahina 16-18

Prepared by:

Elle Cruz
Subject Teacher

“You can do all things through Christ who strengthens you”


*Note: Practise Personal Hygiene Protocols at all times.
BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.
Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

AP 10
Name: _________________________________________ Level and Section: Grade 10 - Benoni
Time: Quarter / Week: First / Week 2

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topics: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad/sakuna na nararanasan sa komunidad at sa bansa

References: Ugnayan at Kaunlaran (Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan 10)


Marielyn C. Quintana Ph.D
Jeffrey U. Consignado D.B.A
Pahina 19 - 53

Short Discussion
Kalamidad
• Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan
sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.
• Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang mga tao sa madalas at sa hindi
maipaliwanag na pagtama nito.
• Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima.
• Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge, paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La
Nino, at La Nina.
• Iba’t ibang uri na ng kalamidad ang tumama sa Pilipinas. Labis na humahanga sa mga Pilipino ang ibang lahi
dahil sa kakayahan nitong makabangon agad mula sa dagok ng matitinding kalamidad.

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad:

Pagbagyo Paglindol
Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, Ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig
may isang pabilog o spiral na sistema ng marahas o pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at
at malakas na hangin at may dalang mabigat na pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa
ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naipon
diyametro ang laki. sa mahabang panahon.

Pagbaha Tsunami
Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng Ang tsunami o mga seismic sea wave ay serye ng
tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag- malalaking alon na nililikha ng pangyayari sa
ulan sa komunidad. ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng
lupa, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliit
Pagdaluyong-bagyo o Storm Surge na bulalakaw. Ito ay maaaring kumilos ng daan-
Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi daang milya kada oras sa malawak na karagatan at
pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot
habang papalapit ang bagyo sa baybayin. ng 100 talampakan o higit pa.
Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim
at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng Pagputok ng Bulkan
bagyo at ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang
dagat). magma (nagbabagang tunaw na mga bato at iba
pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa
ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan
dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa
ilalim ng lupa.

Gawain:
A. Sagutan sa libro ang “Sanayin Natin, ” sa pahina 51-53

Prepared by:
Elle Cruz
Subject Teacher
“You can do all things through Christ who strengthens you”
*Note: Practise Personal Hygiene Protocols at all times*
BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.
Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

AP 10
Name: _________________________________________ Level and Section: Grade 10-Beacon
Time: _______________ Quarter / Week: 1st/ Week 3

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topics: Naipaliliwanag ang aspektong politikal, pang-ekonomiya, at panlipunan ng Climate Change

References: Ugnayan at Kaunlaran (Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan 10)


Marielyn C. Quintana Ph.D
Jeffrey U. Consignado D.B.A
Pahina 19 – 53
Short Discussion

Climate Change
• Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ang pagbabago ay
naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at nagpapatuloy. Iniuugnay ito sa paggamit ng fossil
fuels.
• Ang patuloy na paggamit ng fossil fuels ay naghahatid ng carbon dioxide at iba pang greenhouse
gases sa atmospera.
• Ilan sa mga epekto ng climate change ay ang malubhang tagtuyot, matitinding pagbagyo, pag-ulan,
pagbaha, wildfires, heat waves, at iba pa

Climate Change: Aspektong Panlipunan


Sa kabila ng mga nakalatag na polisiya tungkol sa climate change, tila hindi nito natutugunan ang marami
pang suliraning panlipunan.

• Ang mga pansarili, pangkapaligiran, at panlipunang salik ay nakaiimpluwensiya kung paanong ang
mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakaaapekto sa kapakanan at kaligtasan ng mga tao.
• Ang polisiya ng pakikibagay (adaptation policy) ay nakatuon sa mga personal na salik (gaya ng
kalusugan at edad), sa mga katangiang pangkapaligiran (gaya ng pag-iwas sa baha), at sa panlipunang salik
(gaya ng hindi pagkakapantay-pantay ng kita, ang pagkakaroon ng social networks, at panlipunang
katangian ng mga kapitbahay).

Climate Change: Aspektong Pang-ekonomiya


Maraming teoretikal at empirikal na tanong ang nananatiling masalimuot. Iminumungkahing magkaroon ng
ibayo pang pag-aaral ng integrasyon sa mga polisiya upang mapagtuonang-pansin ang mahahalagang
gawain at mapanatili ang pandaigdigang pagkakaisa.

Mahahalagang Gawain:
A) Lumilikha ng mga bagong metodo para sa:

• pagbibigay-halaga (evaluate) sa mga benepisyong pangkapaligiran


• pag-alam at pagtataya ng mga gastusin sa kabila ng masalimuot na mga plano at proyekto
• paggawa ng pagpipiliang polisiya kahit walang katiyakan
• pagpayag sa pagiging flexible sa mga tugong pampolisiya

B) Lumilikha ng mahahalagang gabay para sa pagpili ng polisiyang nanatiling may bisa sa praktikal na
kondisyon

C) Tumututok sa mga praktikal na gawain sa pamamagitan ng paglikha ng mas kapaki - pakinabang, na


kung saan ang mahusay na impormasyon ay pahahalagahan.

Climate Change: Aspektong Pampulitika


Ang climate change ay isang napapanahong isyung pulitikal. Gayunman, wala pang makabuluhang
balangkas para sa polisiya na nag-aalok nang buo at matibay kung paano dapat kayanin ng mga
pamahalaan ang mahabang panahong hamong pulitikal ng climate change.

Mga Hamong Pulitikal:

Peligro ng Pangasiwaan

Ang nananaig na siyentipikong pangkalahatang kasunduan (scientific consensus) sa epekto ng


climate change ay laging pinagdududahan ang antas ng urgency at severity ng ginagawang pagtataya.

Pagrepaso sa Plano

Ang epektibong aksiyon sa climate change ay nangangailangan ng pagrepaso sa ibang paraan


tungo sa pangmatagalang plano ng mga pamahalaan.

Paglikha ng Pampulitika at Pampublikong Consensus para sa Aksiyon


Bumabangon ang tanong na ito: Ano ang magagawa ng mga pamahalaan upang makahikayat ng
suporta para sa climate change?

Implikasyon para sa Hustisyang Panlipunan


Ang gastusing panlipunan at pang-ekonomiya ay magiging malaki.

GAWAIN :
a. Sagutan sa libro ang “Pagsasanay 33.3” sa pahina 61
b. Sagutan sa libro ang “Sanayin Natin” sa pahina 78 - 79

I. Gumawa ng mga bagay na kapaki- pakinabang mula sa mga bagay na hindi na ginagamit o galling sa
basura o ang tinatawag nating “RECYCLED MATERIALS”. Ipakita ang ginawa mong proseso sa iyong
obra. Ito ay tulong para sa ating kapaligiran upang maibsan ang napag-aralan natin sa “CLIMATE
CHANGE”.
PAKI-USAP: Maaaring magpatulong NGUNIT hindi ang tumulong sayo ang siya na lamang gagawa para
sayo.

Rubric of Scoring

Activity
Clarity of Illustration 20%
Creativity 20%
Neatness 10%
---------------------------------------
Total 50

Prepared By:/Inihanda ni:

Ms. Elle Cruz


Subject of Teacher

“You can do all things through Christ who strengthens you” ♥

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.


(Please this in All Learning Activity Sheet)
BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.
Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

AP 10
Name: _________________________________________ Level and Section: Grade 10-Beacon
Time: _______________ Quarter / Week: 1st/ Week 4

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topics: Natutukoy ang mga suliraning pangkapaigiran sa sariling pamayanan


Nailalarawan ang mga suliraning pangkapaligiran sa sariling pamayanan

References: Ugnayan at Kaunlaran (Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan 10)


Marielyn C. Quintana Ph.D
Jeffrey U. Consignado D.B.A
Pahina 81
Short Discussion
Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari, kalagayan, o problemang
may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa balanseng ekolohikal.

Mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:


• waste management
• mining
• quarrying
• deforestation
• flash flood

Waste Management
Ang waste management ay ang akmang termino sa wastong pangungolekta, paglilipat, pagtatapon o paggamit,
at pagmo-monitor ng basura ng mga tao. Isinasagawa ito upang mapangasiwaan nang maayos upang makaiwas
sa masasamang epekto ng basura sa kalusugan at kapaligiran.

Pagmimina o Mining
Ang pagmimina o mining ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga metal, di-metal, at mineral mula
sa lupa katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso, bakal, langis, likas na gas, at iba pa.
Pagku-quarry o Quarrying
Ang pagka-quarry o quarrying ay isang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at iba pang materyales sa
pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay, o pagbabarena.
Deforestation
Ang paghahawan ng kagubatan o deforestation ay tumutukoy sa pagpuputol ng mga puno, pagtatabas ng mga
damo, at pag-aalis ng anumang sagabal. Ang pangunahing dahilan ng deforestation ay agricultural.
Flashflood
Ang biglaang pagbaha o flash flood ay isang mabilis na pagragasa ng tubig hanggang sa bumaha o umapaw ito
at makapaminsala sa mabababang lugar.
GAWAIN :
a. Sagutan sa libro ang “Tandaan Natin” sa pahina 101-103
b. Sagutan sa libro ang “Sanayin Natin” sa pahina 104-105

Prepared By:/Inihanda ni:


Ms. Elle Cruz
Subject of Teacher
“You can do all things through Christ who strengthens you” ♥
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.
(Please this in All Learning Activity Sheet)
BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.
Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

AP 10
Name: _________________________________________ Level and Section: Grade 10-Beacon
Time: _______________ Quarter / Week: 1st/ Week 5

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topics: Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment


Natataya ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa

References: Ugnayan at Kaunlaran (Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan 10)


Marielyn C. Quintana Ph.D
Jeffrey U. Consignado D.B.A
Pahina 81
Short Discussion

Ang Unemployment at Full Employment


• Ang kawalang hanapbuhay o unemployment ay tumutukoy sa kalagayang kapag ang isang tao ay
pursigidong naghahanap subalit walang makita o makuhang trabaho o pagkakakitaan.
• Ang isang ekonomiya ay nasa pinakamaunlad na kalagayan kung mayroon itong full employment.
Ibig sabihin, kung ang lahat ng gusto at maaaring magtrabaho, dalubhasa man o hindi, ay may marangal na
hanapbuhay.
• Hindi ibig sabihin nito na kapag may suliranin sa unemployment ang bansa, hindi na maaaring
magkaroon ng full employment. Mawawala lamang ang posibilidad

ng full employment kapag ang uri ng unemployment ay hindi na nagbibigay ng pagkakataong muling
makapagtrabaho ang mga tao, kahit na mag-aral pa ng ibang gawain o trabaho ang bawat indibidwal .

Mga Uri at Dahilan ng Unemployment


Isa sa mga suliranin ng mga umuunlad pa lamang na bansa ang kawalang hanapbuhay o unemployment. May
kinalaman ang sumusunod sa suliraning ito.
1.Voluntary -Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtatrabaho
2.Frictional- Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang ipinatigil ang trabaho dahil
sa ibang gawain katulad ng pagwewelga
3.Casual-Nangyayari sa mga may trabahong arawan o lingguhan, katulad sa construction at
sakahan
4.Seasonal -Nangyayari kapag ang trabaho ay pana-panahon o para lamang sa tiyak na panahon (Halimbawa,
tuwing magpa-Pasko)
5.Structural - Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa ekonomiya, kaya, hindi na
rin kailangan ang mga nagtatrabaho at namumuhunan
6.Cyclical -Nagakakaroon nito kapag ang industriyang kinabibilangan ng mga manggagawa ay nakararanas ng
business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng unemployment.
7.Technological -Nangyayari kapag ang trabahong ginagampanan ng tao ay nagagawa na ng makina o ng
makabagong teknolohiya
GAWAIN :
a. Sagutan sa libro ang “Tuklasin Natin” sa pahina 106
b. Sagutan sa libro ang “Pagsasanay 5.1” sa pahina 108
c. Sagutan sa libro ang “Tandaan Natin, Isapuso Natin, Sanayin Natin at Gawin Natin” sa pahina 119-122

You might also like