Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Paghambingin ang mga katangian ng salawikain at bugtong.

● Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magandang aral at


gabay sa pamumuhay, asal at sa pakikipagkapwa sa mga tao samantalang ang
bugtong ay mga pangungusap na may nakatagong kahulugan o sagot at isang
palaisipan.

Ano-ano ang kahalagahang gamit ng mga salawikain at bugtong sa ating mga ninuno at
sa kasalukuyang panahon? (10 puntos)
● Bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila ay mayroon nang mayamang
panitikan ang ating mga ninuno, halimbawa dito ang mga salawikain at bugtong.
Ipinahahayag ang mga anyong ito ng panitikan sa paraang pabigkas o pasalita at
walang itinuturing na may-akda dahil nagpasalin-salin ang mga ito sa bawat
henerasyon. Sa pamamagitan nito nasasalamin ang kultura’t tradisyon ng ating lahi. Ang
salawikain ay ginagamit ng matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin
ang kabataan tungo sa kabutihan at kagandahang asal. Nakaugalian na nating mga
Pilipino na sundin ito at nagsisilbing tuntunin at batas.

You might also like