Professional Documents
Culture Documents
Satirika
Satirika
Mga kartun na pinapalabas sa Cartoon Network, Nickolodeon, Disney, atbp.ay talagang bumuo
at tumatak sa isip at puso ng mga kabataan noon at hanggang ngayon ngunit may mga kartun na
nagbibigay aliw lamang para sa taong nasa sapat na gulang na tulad ng Family Guy, American
Dad at South Park. Ang South Park ay isang serye ng kartun para sa mga Amerikanong nasa
sapat na gulang na umere sa istasyon ng telebisyong Comedy Central noong 1997. Ang
kontrobersyal na palabas ay nanalo ng Emmy Awards bilang namumukod tanging animado na
programa sa taong 2005, 2007, 2008, 2009 at 2012. Ito ay isang kathang-isip na
pinapangyarihan sa bayan ng Colorado na nagbibigay-pansin sa mga kalokohan ng apat na
batang lalaking nasa elementaryang baitang pa lamang. Ang katatawanan sa palabas ay
nagmumula sa mga patok na kultura, saynete, at malalaswang biro (Augustyn et. al., 2020). Mga
kantang naglalaman ng masangsang na mga salita ngunit nagbibigay-aliw, kabalintunaan at
pagmamalabis upang kutyain ang mga kasamaan at bisyo ng mga tao o grupo. Isa na dito ay ang
It’s Easy, M’kay, na kung saan ang guro na si Mr.Mackey ay nagsikap na turuan ang kanyang
mga estudyante sa South Park Elementary kung paano gumamit ng ibang salita upang palitan
ang mga leksikon na naglalaman ng bastos na kahulugan. May nakakaaliw itong tono at may
mga lirikong nagbibigay tampok sa mga nakakatawang mga salitang pamalit nila sa
pagmumura, tulad ng “buns-hole” (Sherlock, 2o2o). Ang “Blame Canada” na kinanta ng mga
magulang sa palabas na South Park ay isang uri ng Satirikang Menippean na nagbibigay-diin sa
mga kaugalian ng mga amerikano sa bansang Canada (Greaves, 2012). Mga lirikong tulad ng
“They’re not a real country anyway!”, “We must blame them and cause a fuss, before
somebody thinks of blaming us!”, na nagpapakita ng diskriminasyon ng mga Amerikano sa mga
Canadian dahil sila’y kontrolado ng U.K at mga gawain ng mga magulang na pabaya sa kanilang
anak upang isisi sa gobyerno ang rason ng pagiging rebelde ng kanilang anak. Mga satirikang
kanta na nilikha ni Terrence at Philip ng South Park ay talagang nagbibigay kasiyahan na hindi
na natin napapansin ang totoong kahulugan ng bawat salita sa liriko kahit man ito’y naglalaman
ng malalapastangang pananalita at kalaswaan.
Maraming mga banda sa Amerika ang sumikat ng ika-21 siglo, kabilang na dito ang My
Chemical Romance, Paramore, Foo Fighters, Panic at the Disco, System of a down, Linkin
Park at marami pang iba ang talagang tinangkilik ng mga tao sa buong mundo. Subalit, may
isang rock na banda na ang layunin ay magbigay salamin sa mga katulad niyang mamamayan
noong panahon ng Administrasyon ni Pres. George Bush. Ang Green Day na nabuo ng taong
1987 at pinamunuan ng punong mang-aawit at guitarista na si Billie Joe Armstrong. Nilikha
niya ang isang pampulitikang kanta na “American Idiot” na naglalaman ng takot o galit sa mga
banyaga ng mga Amerikano at tuligsain ang midyang pangmasa sa paggamit ng propaganda
upang mabahala ang mga mamayaman at magkaroon ng histerya sa bansa. Ang kanta ay sinulat
sa ilalim ng pamumuno ni Pres. George Bush, na nagpasimuno sa digmaan ng bansang Iraq at
Amerika na humantong sa 9/11 na atake ng mga terorista sa Twin Towers na nagresulta sa
daan-daang pagkamatay ng mga Amerikano. Binibigyan-pansin ng bandang Green Day ang
rasismo, pang-aabuso, seksismo, pagkapanatiko, katangahan at pakikipag-digmaan ng mga
Amerikano sa ibang bansang mahihina sa kanila. Sa bawat hampas sa drums, pagtugtog ng mga
gitara at nakaka-akit na musika ng kantang American Idiot ay talagang magpapahumaling sa
mga taong mahilig sa rock na klase na kanta. Mga kanta ng Green Day na lantarang umaatake
sa gobyerno ay talagang nagbibigay kasiyahan sa mga tao ngunit napapawalang-saysay ito dahil
kaunti lang ang sumeseryoso sa mensahe at taong gumaganap sa kanta. Isang araw, tinanong
ang punong mang-aawit ng Green Day na si Billie Joe Armstrong ng isang tagapanood, “kung
ang mga bumoto ba kay George W, Bush ay isang American Idiot”. Sumagot si Billie Armstrong
at sinabi, “Hindi, sila ay mga tangang nakinig lamang sa maling impormasyon” (Rolli, 2018).
Karamihan sa ating mga Pinoy, kapag nasa loob ng simbahan, napakababait at tila banal na
nilalang. Nakikinig sa salita ng Diyos at sermon ng pari sa simbahan. Ipinagpapalagay na tama
ang mga gawi na ginagawa sa loob, katulad na lamang ng pagpupunas gamit ang panyo sa mga
santong estatwa at minsanang paghalik dito. Humihingi ng patawad sa Diyos sa mga kasalanang
nagawa at paghingi ng tulong sa mga problema. Nangungumpisal sa pari dahil sa mga
kasalanang nagawa at marami pang ibang relihiyosong gawi. Ngunit sa paglabas ng simbahan,
tila walang nangyari sa loob. Magsisimula na naman ang paggawa nang masama at pagsasalita
nang hindi kaaya-aya. Walang tigil ang paghingi ng tulong ngunit hindi naman napa-uunlad ang
sarili. Isa itong kaugalian na naipapamalas ng mga Pilipino lalo na ng mga kristiyano noon pa
man. Itong ugali na relihiyoso ngunit kulang sa pagiging maka-Diyos. Ayon nga sa kanta ng
bandang Yano na “Banal na Aso, Santong Kabayo”
Maging ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal ay naglabas ng kaniyang paliwanag
ukol dito. Tanong nga ni Rizal: “ Ano ang magiging anak ng mga inang walang ginawa kung
hindi magbulong ng dalangin; ang kaalaman ay hango sa awit, nobena, librong dasalan at mga
kuwentong kababalaghan na panloloko sa mga tao; panguingue ang libangan … ang mga inang
walang maituturong kabutihan sa mga anak ay huwag nang umasa ng mga supling maliban sa
mga tanga at api-apihan.” Isa pang pahayag niya sa pamamagitan ni Don Rafael Ibarra sa Noli
Me Tangere: “ Inaakala baga ninyong ang Diyos ay nagpapatawad ng isang pagkakasala, gaya
halimbawa ng pagpatay ng kapwa, sa pamamagitan ng pangungumpisal lamang dahil sa takot
na mapuntang impyerno ang nagkasala? Iba ang pagkakakilala ko sa Diyos. Hindi nagagamot ng
isang mali ang kapwa mali.. kung ako ay pumatay ng isang ama ng mag-anak.. ang budhi ko’y
naguutos na maglingkod ako nang lubos sa buong buhay sa mag-aanak na ako ang sanhi ng
kanilang kasawian.”
Ang unang pag-gamit ng salitang meme ay nagmula sa librong “The Selfish Gene” ni
Richard Dawkins noong 1976. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, ang salitang ito ay mabilis
nalumaganap. Ang kilusang pang-kultura ng internet na tinatawag na meme ay isang uri
ngideolohiya, kaalaman, at pag-uugali na mabilis na kumakalat sa pamamagitan ng social
media. Ayon kay Bauckhage (2011), sa kanyang pag-aaral na may pamagat na “Insights into
internet memes”, mula sa datos ng pagkalat ng 150 na memes na kanilang sinundan satulong ng
mga datos mula sa Google Insights, Delicious, Digg, at StumbleUpon, ay tiningnan nila kung
paano sumisikat at nalalaos ang isang meme sa pamamagitan ngestadistika. Nalaman nila rito
na ang mga memes ay pinakamadaling sumikat sa mga social media sites katulad ng Facebook,
Twitter, at iba pa (Santos, 2018).
Maraming nahahatid na tulong at layunin ang meme, ang memes ang nagsisilbing
pagpapahiwatig ng damdamin at opinyon ng tao na nagbibigay rin ng kasiyahan sa maraming
taong nakakakita nito. Ang nilalaman ng mga memes na ito ay sumasaklaw sa mga reklamo ng
estudyante sa kanilang paaralan hanggang sa kahirapan ng tao sa isang bansa na maiuugnay sa
mga karanasan natin sa ating buhay. Subalit, maraming negatibong epekto ang memes sa
katulad nating mga pilipino dahil ang pagbibigay katatawanan ay may limitasyon at ginagawa sa
tamang oras at lugar. Isang halimbawa nito ay ang karanasan ng mga bata sa ilog pasig na
naging popular dahil ito’y naging sikat na memes at binalita pa ito sa telebisyon sapagkat
kaawa-awa ang sinapit ng isang bata na tumalon sa bidyo na hindi pala marunong lumangoy at
natagpuan ng bangkay kinabukasan.
Ang “Sige Talon, Una Ulo” at “Par, asan na kasama niyo par” na naging popular na meme sa
social media ay nagpapawalang-saysay sa sinapit ng batang namatay dahil hindi nila pinapansin
ang nangyari sa bata at patuloy na ginagamit sa paaralan upang magbigay kalokohan. Makikita
natin dito na hindi lahat ng pagkakataon ay ginagawa ng pagkakatawanan ang lahat ng bagay na
naging kultura at nakasanayan na ng mga Pilipino ngayon. Marami na ngayong mga pilipino
ang gumagawa ng katarantaduhan upang sumikat sa internet na kahit pa ito’y kahihiyan at
kabastusan sa kanilang pagkatao ay nanatili pa rin ang mga uhaw sa pera na gumawa ng
ganitong mga klaseng kalokohan. Ang pang-aliw at kasiyahang taglay ng Satirika ay nagiging
positibong tagapamagitan ng panghihimok na naglilingkod upang wakasan ang pang-aabuso at
diskriminasyon na nangyayari sa ating lipunan sa pamamagitan ng kalidad na mensahe na
nilalaman ng argumentong kanilang inihahatid sa madla.
Sherlock, B. (2020, March 07) South Park: Every Song From Bigger, Longer & Uncut,
Ranked Retrieved July 10 2020, from
https://screenrant.com/south-park-every-song-bigger-longer-uncut-ranked-musical/
Augustyn, A., Eldridge, A., Gaur, A., Nirala, S. & Wallenfeldt, J. (2020, April 16). South Park.
https://www.britannica.com/topic/South-Park-television-series
Greaves, S. (2020, January 12). Blame Canada. Retrieved July 10, 2020, from
https://southpark.fandom.com/wiki/Blame_Canada
Fisher, M. (2012, August 25). Gangnam Style, Dissected: The Subversive Message Within South
Korea's Music Video Sensation. Retrieved July 11, 2020, from
https://www.theatlantic.com/international/archive/2012/08/gangnam-style-dissected-the-
subversive-message-within-south-koreas-music-video-sensation/261462/
Rolli, B. (2018, July 17). American Idiot Songfacts. Retrieved July 11, 2020, from
https://www.songfacts.com/facts/green-day/american-idiot
Kenney, E. (2018, June 11). The Meaning Behind 'Take Me to Church'. Retrieved July 11, 2020,
https://medium.com/@elskenney/hoziers-take-me-to-church-b27663bc516f
Reynante, R. (2016, May 11). Banal Na Aso, Santong Kabayo. Retrieved July 11, 2020, from
https://www.onemusic.ph/news/in-other-words-the-hypocrisy-of-faith-703
Migue, B. (2013, May 01). Banal na aso, Santong kabayo. Retrieved July 11, 2020, from
https://walaakongmaitutulong.wordpress.com/2013/05/01/banal-na-aso-santong-kabayo/
https://www.academia.edu/36178314/MEMES_BILANG_MIDYUM_NG_PAMBUBULAS_SA_M
ATAAS_NA_PAARALANG_PANG-AGHAM_NG_MARIKINA_KABANATA_1_