Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

PULO ELEMENTARY SCHOOL

3rd QUARTER ACTIVITY SHEET IN MATHEMATIC 1

Week 7
NAME:_________________________________________ GRADE & SECTION: _______________________

TEACHER: _____________________________________ DATE: ____________________________________

Pagtukoy o Pag-alam sa Nawawalang Kasunod na Ibinigay na Pagsunod-sunod


(Repeated) Pattern

BRIEF DISCUSSION:

Day 1: (_________________)
Panuto: Tukuyin ang nawawalang kasunod sa ibinigay na pattern sa
Kolum A. Hanapin ito sa Kolum B. Bilugan ang tamang sagot.

Page 1 of 16
Day 2: (_________________)
Panuto: Isulat sa patlang ang nawawalang kasunod sa ibinigay na
pattern.

1. 10, 11, 12, 13, ______, 15

2. ______

3. ______

4. ______

5. _____, L, M, N, O
Day 3: (_________________)

Pagbuo ng Equivalent Number Expression Gamit ang Pagdaragdag at


Pagbabawas

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Tama kung wasto ang equivalent
expression at Mali kung ito ay di wasto.

___________1. 12 + 2 = 17 - 7

___________2. 9 + 9 = 20 - 2

___________3. 15 – 5 = 5+5

___________4. 12 – 2 = 10 + 2

___________5. 20 + 8 = 14 - 6

Page 2 of 16
Day 4: (_________________)
Panuto: Tukuyin ang equivalent number expression ng bawat pamilang
na expression na nasa Hanay A. Piliin ang tamang equivalent expression
sa Hanay B. Isulat letra ng tamang sagot.

_____1. 18 – 6 a. 2 + 2

_____2. 20 – 10 b. 3 + 2

_____3. 7 – 2 c. 6 + 4

_____4. 33 – 11 d. 4 + 8

_____5. 13 – 9 e. 10 + 12

FILIPINO 1
MAIKLING PAGTALAKAY:
a. Sa pamamagitan ng mga larawan ay nagiging kawili-wiling basahin ang mga teksto.
Nakakatulong din ang mga larawan upang mapalalim ang pang-unawa ng mga
mambabasa sa teksto.
b. Ano ang babala- Ito ay nagsasaad ng mga dapat at di dapat gawin sa isang lugar
lalo na sa mga pampublikong lugar. Ginagamitan ito ng mga simpleng simbolo ngunit
ang ilan ay pasalita. Ang babala ay inilalagay upang mapalayo ang sakuna o pinsala
na maaring maidulot ng isang bagay o pangyayari. Kadalasan, ito ay makikita sa mga
lugar na ipinapatayong gusali, kung ang sahig sa pook pasyalan ay basa, o kung
marami nang nangyaring aksidente sa isang daan.
Mga Halimbawa:
1. Basa ang sahig.
2. Tumawid sa tamang tawiran.
3. Huwag masyadong mabilis sapagkat lapitin sa disgrasya ang daan na ito.
4. Bawal tumambay dito.
5. Mag-ingat sa aso.
Ano ang paalala - Ang paalala ay ginagamit upang bigyang-diin ang mga
mahahalagang impormasyon na ipinapatupad. Ito ay paalala ng dapat gawin ng tao.
Mga Halimbawa:
1. Panatalihin ang katahimikan sa loob ng bahay aklatan.
2. Bawal pumasok ng hindi naka uniporme.
3. Mag-ingat sa pakurbadang daan.
4. Bawal pumasok ang walang ID.
5. Bumili muna ng ticket bago pumasok sa sinehan.

IV. PAGSASANAY:
Day 1: ( , 2021 / Day 1 - )
Panuto: Mula sa awiting “Sitsiritsit, Alibangbang, bilugan ang tamang pangalan ng
mga larawan.

1. langgam salagubang

2. puto seko bagoong

Page 3 of 16
3. salagubang langgam

4. sanggol bangka

5. Sto.nino manika

Day 2: ( , 2021 / Day 2 - )


Panuto: Buuin ang kanta sa tulong nang mga larawan. Isulat ang ngalan ng larawan
sa patlang.

Sitsiritsit alibangbang

Salaginto at 1. ________________

Ang 2. _____________ sa lansangan kung

Gumiri’y parang 3. _______________

Santo Nino sa Pandakan, 4. ___________

Sa 5. ____________________

Day 3: ( , 2021 / Day 3 )


Panuto: Narito ang mga babalang palagi ninyong nakikita. Ano ang inyong
ginagawa tuwing makikita ang mga ito? Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.

This Photo by Unknown Author is


A. Basta-basta lang itinapon ni Juan ang basura.
B. Pinaghiwa-hiwalay ni Juan ang mga basura at inilagay sa tamang basurahan.
C. Walang pakialam si Juan.

2.

A. Si Juan ay hindi tumatawid dahil bawal.


B. Si juan ay tumatawid kahit saan niya gustuhin.
C. Si Juan ay tumatawid nang mabilis para hindi mahuli.

3.

Page 4 of 16
A. Bumababa at sumasakay kahit saan si Juan.
B. Bumababa at sumasakay kung saan naisin ni Juan.
C. Bumababa at sumasakay sa tamang lugar si Juan.

4.

A. Pipitas nang kaunti lamang si Juan.


B. Patago siyang pipitas ng bulaklak.
C. Hindi siya pipitas ng bulaklak.
5.

A. Itinatapon sa daan ni Juan ang kanyang mga kalat.


B. Itinatapon ni Juan ang kanyang kalat sa tamang basurahan.
C. Itinatapon sa kanal ni Juan ang kanyang mga kalat.

Day 4: ( , 2021 / Day 4 - )


Panuto: Ano ang nais na ipahiwatig ng mga sumusunod na paalala. Isulat ang titik
ng wastong sagot na inyong makikita sa kahon.

1. ______

2. ______

3. ______

4. ______

5. ______

a. Manatili sa loob ng bahay o tahanan.


b. Panatilihin ang isang metrong distansya.
c. Palaging magsuot ng faceshield.
d. Hugasan ang mga kamay hanggat maaari.
e. Huwag kalimutang isuot ang facemask.

Page 5 of 16
ARALING PANLIPUNAN 1

II. MAIKLING TALAKAYAN:


May iba’t ibang alituntunin na dapat nating sundin sa loob at labas ng ating paaralan.
Sa araling ito, matutukoy mo ang mga alituntunin sa silid-aralan at sa paaralan. Tulad
sa ating tahanan, may mga alituntunin tayong kailangang sundin sa paaralan. Ang mga ito
ay binuo upang mapanatili ang kaayusan sa paaralan.

Para sa mabuting pag-aaral, karaniwang dapat sundin sa isang silid-aralan ang sumusunod:
Pagsunod sa mga itinakdang oras tulad ng oras ng pagpasok at recess.
Pakikibahagi sa mga aralin at talakayan.
Pagtupad sa iniatas na gawain
Pagpapanatili sa katahimikan
Pagpapaalam kung lalabas ng klase
Sa loob o labas ng silid-aralan, karaniwangalituntunin sa isang paaralan ang mga sumusunod:
Pagpapakita ng kagandahang asal
Pagsusuot ng angkop na uniporme
Pagpapanatili ng kalinisan
Ang mga alituntunin na ito ay dapat sundin upangmapanatili ang kaayusan sa ating
paaralan.

PAGSASANAY:
Unang Araw: (Date:____________________________________/Miyerkules)
Isulat ang salitang “opo” kung ang pangungusap ay alinsunod sa alituntunin sa loob ng silid-
aralan at “hindi po” naman kung ito ay hindi alinsunod sa alituntunin sa loob ng silid-aralan.

_____________1. Kumakain si Jeff sa itinakdang oras ng recess.


_____________2. Nakikipagkwentuhan si Nena habang nagtuturo ang kanilang guro.
_____________3. Lumabas si Erica sa silid-aralan nang walang pahintulot ng kanilang guro.
_____________4. Hindi ginawa ni Andrei ang kanilang takdang aralin.
_____________5. Nakikilahok si Marie tuwing oras ng talakayan.

Page 6 of 16
Ikalawang Araw: (Date: ____________________________________/Huwebes)
Pag-aralan ang mga larawan sa baba, piliin ang tamang letra na dapat mong gawin sa
pagsunod sa alituntunin ng inyong paaralan.

A. Sisipain ang papel palayo


B. Dadamputin ang papel at itatapon sa
______________ tamang basurahan

A. Babatiin ang guro ng magandang araw


B. Dederetso ng lakad
______________

A. Uuwi agad sa bahay


B. Tutulong sa paglilinis ng silid- aralan
______________

A. Ibubutones ang uniporme


B. Hahayaang nakabukas ang uniporme 5.
______________

A. Lalabas ng silid-aralan at maglalaro


B. Hihintayin hanggang makabalik ang
kanilang guro
______________

Ikatlong Araw: (Date: ____________________________________/Biyernes)


Iguhit ang kung dapat gawin sa paaralan ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit
naman ang kung hindi dapat gawin.

_____ 1. Makikilahok ako sa mga pangkatang gawain.


_____ 2. Aalisin ko ang aking name plate at identification card kung wala namang gurong
nakatingin.
_____ 3. Makikinig ako sa mga itinuturo sa amin ng aming guro.
_____ 4. Pupulutin ko ang kalat na makikita ko sa pasilyo.
_____5. Babatiin ko ang aking guro tuwing makakasalubong ko siya sa labas ng silid-aralan.

Ikaapat na Araw: (Date: ____________________________________/Lunes)


Isulat sa bilog A ang dapat mong gawin upang makasunod sa alituntunin ng inyong silid-
aralan. Isulat naman sa bilog B ang mga hindi dapat ginagawa dahil labag sa alituntunin ng
silid-aralan.

A B

Page 7 of 16
MOTHER TONGUE 1
BRIEF DISCUSSION:

Ano-anong kilos ang kaya mong gawin? Alam mo ba kung ano ang tawag sa mga ito?

An g pandi wa ay sal itan g


nagpapahiwatig ng kilos o galaw.

Sa tulong pandiwa, malalaman kung ginawa na, ginagawa o gagawin pa


lamang ang isang aksiyon o kilos. Mauuri sa tatlo ang tinatawag na
panahunan o aspekto ng pandiwa.
Pangnagdaan - kung naisagawa na o natapos
na ang kilos o aksiyon.
Halimbawa:
Nagbasa si Eugene ng tula. Naglakad si Jane nang mas mabilis.
Pangkasalukuyan – kung ngayon ginagawa o nangyayari pa lamang ang isinasaad
na kilos o aksiyon.
Halimbawa:
Nagbabasa si Eugene ng tula. Naglalakad si Jane nang mas mabilis.

Panghinaharap–kunggagawinomangyayaripa lamang ang kilos o aksiyon.


Halimbawa:
Magbabasa si Eugene ng tula. Maglalakad si Jane nang mas mabilis.
Mula sa mga halimbawa ay nakita mo na naiiba ang anyo ng
pandiwa ayon sa kung kailan naganap o magaganap ang kilos.
Tingnan ang talahanayan:

Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap

Nagbasa Nagbabasa Magbabasa

Naglakad Naglalakad Maglalakad

Page 8 of 16
PAGSASANAY:

UNANG ARAW: Petsa:_________ Araw:_________

Tukuyin ang angkop na pandiwa sa pangungusap. Bilugan ang letra ng


tamang sagot.

1. Kanina (A. nagising, B. nagigising, C. gigising) ako dahil sa ingay ng


aso.
2. Kasalukuyan niyang (A. binuksan, B. binubuksan,
C. bubuksan) ang pinto ng kanilang kuwarto.

3. Kaarawan ko bukas kaya (A. nagluto, B. nagluluto,


C. magluluto) si Lola ng masarap na pansit.

4. (A. Basahin, B. Babasahin) mo ang mga panuto.

5. (A. Tinulungan, B. Tinutulungan) ni Analiza kahapon ang matanda sa


pagtawid sa kalye.

IKALAWANG ARAW: Petsa:_________ Araw:_________

Punan ng salitang kilos ang patlang upang mabuo ang panuto. Isulat
ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno.

1. _________ng isang puno. (A. Kulayan B. Gumuhit)


2. _________ang bilang na 1, 2, at 3. (A. Isulat B. Kulayan)
3. _________ng tatlong ulit ang kanang paa. (A. Ipadyak B.Itago)
4. _________nang malakas ang tula. (A. Awitin B. Basahin)
5. _________ang palad o kamay. (A. Ibuka B. Ipikit)

IKATLONG ARAW: Petsa:_________ Araw:_________

Pagsunud- sunurin ang pamamaraan sa pagtitimpla ng kalamansi juice. Isulat ang


bilang na 1,2,3 sa patlang.
_____a.Lagyan ng asukal at tubig ang baso.
_____b.Hiwain ang mga kalamansi at pigain.

_____c.Haluin at ihiwalay ang mga buto.


4. Bilugan ang mga pandiwang ginamit sa mga panuto ng pagtitipla ng kalamansi
juice.
5. Iguhit ito ang tinimplang juice sa loob ng kahon.

Page 9 of 16
IKAAPAT NA ARAW: Petsa:_________ Araw:_________

Gawin ang mga sumusunod.


1. Gumuhit ng malaking bilog. Gumuhit ng malaking bilog sa kaliwa ng malaking bilog.
2. Gumuhit ng isang kahon. Gumuhit ng isang bituin sa gitna nito.
3. Isulat ang iyong buong pangalan. Bilugan ang iyong apelyido.Guhitan ang iyong
pangalan.
4. Gumuhit ng isang malaking bilog. Isulat sa loob ng bilog ang iyong palayaw.
5. Gumuhit ng bulaklak. Kulayan ito ng pula.

ARTS

I. BRIEF DISCUSSION: Napakaraming bagay ang maaaring gamitin


upang lumikha ng sining. Ang mga karaniwang
kasangkapan ay ng lapis, papel, pangkulay, gunting, at
pandikit.

Page 10 of 16
Narito naman ang ilang halimbawa ng mga bagay na hindi karaniwang ginagamit sa sining,
ngunit maaari ring gamitin sa paglikha nito.

IV. Activity: Week 7


Day 1: (Date________ / Day_____)
Panuto: Ihanay ang sumusunod na mga kagamitang pansining. Isulat sa kaliwang hanay
ang mga karaniwang kagamitang pansining at isulat naman sa kanan ang mga hindi
karaniwan.
Lapis Basura Krayola Bakal Pandikit
Salamin Papel Apoy Gunting Kuryente

Karaniwang kagamitang pansining Hindi karaniwang kagamitang pansining

Day 2: (Date________ / Day_____


Panuto: Basahin ang bawat bagay o kasangkapan sa kaliwa. Hanapin sa kanan ang mga
paraan nito sa paglikha ng sining.

Page 11 of 16
Day 3: (Date________ / Day_____)
Panuto: Bumuo ng isang larawan gamit ang iba’t ibang bagay sa iyong paligid. Tignan ang halimbawa sa
sumusunod na larawan.

Day 4: (Date________ / Day_____)


Panuto: Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang
kaisipan tungkol sa aralin.
Halos lahat ng bagay ay maaaring gamitin bilang kagamitang pansining. Hindi
kinakailangang bumili ng mga bagong __________ upang makabuo ng magandang obra
maestra. Ang mahalaga ay ang pagiging malikhain, ____________ , mapanuri, at may
orihinalidad sa paglikha. Tandaan din na sa paggamit ng mga kagamitang pansining,
kinakailangan ang gabay ng mas ____________, lalong -lalo na sa paggamit ng mga
mapanganib na bagay tulad ng__________ o salamin.

mapamaraan gamit nakakatanda gunting

PHYSICAL EDUCATION

BRIEF DISCUSSION: May mga aktibidad o laro na may kapareha upang manalo o
maisagawa ang layunin ng gawain. Kinakailangan na magkasundo at magkaisa ang
inyong mga kilos upang manalo. Halimbawa sa mga ganitong aktibidad ay ang mga
larong may kapareha. Ito ay ilang gawain, aktibidad, o laro na mayroon kang kapareha
upang maisagawa ang layunin. Narito ang ilang halimbawa ng warm-up na ehersisyo.

Sapuhang Bola. Kailangan gumamit dito ng bola, o kung


wala ay maaaring gumamit ng ibang bagay na kaya
mong ibato at sapuhin tulad ng unan, binilog na mga
papel at iba pa. Ang gagawin lamang ay ipasa sa iyong
kapareha ang bola o kung anumang gamit ang
gagamitin para sa gawain. Sasaluhin ito ng iyong
kapareha at ipapasa niya din ito pabalik sa iyo. Gawin
ito ng paulit-ulit. Bilangin kung ilan ang magagawa ninyo
sa loob ng isang minuto.
Pagbanat ng mga Hita. Ito ay maaaring gawin nang
kasama para sa mas maayos na balanse. Ilagay ang
kanang kamay sa balikat ng kapareha. Pagkatapos ay
hawakan ang iyong kaliwang paa at
itupi ang iyong kaliwang paa patalikod papunta sa
iyong likod. Mas malapit sa may likod ay mas
maganda at mas maayos. Gawin ito sa loob ng walong
(8) segundo. Matapos itong gawin sa kaliwang paa ay
Page 12 of 16
gawin naman ito sa kabila. Gawin ang parehong
gawain sa kanang paa habang ang kaliwang kamay
naman ang nakalagay sa balikat ng iyong kapareha.
Figure 8 Ball Passes. Sa pagkakataong ito ay kinakailangan niyong gumamit ng maliit na
bola, kung wala ay maaaring gumamit ng ibang bagay tulad ng binilog na mga papel o
mga damit na maaaring kumatawan bilang bola. Tumayo sa tabi ng iyong kapareha. Iabot
ang bola sa iyong kapareha pagkatapos ay iikot niya ang bola sa likod patungo sa harap
ng kanyang katawan. Matapos ito ay iaabot niya sa ‘yo ang bola at ikaw naman ang
gagawa ng naturang kilos. Gawin muna ito nang mabagal sa loob ng isang minuto.
Matapos nito ay gawin na nang mas mabilis sa naunang ginawa sa loob din ng isa pang
minuto. Ito ay isinasagawa na animoy gumagawa kayong dalawa ng bilang walo (8) gamit
ang bola at ang inyong katawan.
Unang Araw: (Petsa:___________ __, 2021/_______)
Panuto: Tukuyin kung alin sa mga warm up na ehersisyo ang inilalarawan sa bawat
pangungusap. Pumili ng sagot sa mga salita sa loob ng kahon sa ibaba.

Figure 8 Ball Passes Sapuhang Bola Pagbanat ng Hita

_________________________1. Ito ay maaaring gawin nang kasama para sa mas maayos na


balanse. Ilagay ang kanang kamay sa balikat ng kapareha. Pagkatapos ay hawakan ang
iyong kaliwang paa at itupi ang iyong kaliwang paa patalikod papunta sa iyong likod.
_________________________2. Tumayo sa tabi ng iyong kapareha. Iabot ang bola sa iyong
kapareha pagkatapos ay iikot niya ang bola sa likod patungo sa harap ng kanyang
katawan. Matapos ito ay iaabot niya sa ‘yo ang bola at ikaw naman ang gagawa ng
naturang kilos. Ito ay isinasagawa na animoy gumagawa kayong dalawa ng bilang walo (8)
gamit ang bola at ang inyong katawan.
_________________________3. Ang gagawin lamang ay ipasa sa iyong kapareha ang bola o
kung anumang gamit ang gagamitin para sa gawain. Sasaluhin ito ng iyong kapareha at
ipapasa niya din ito pabalik sa iyo. Sasaluhin ito ng iyong kapareha at ipapasa niya din ito
pabalik sa iyo. Gawin ito ng paulit-ulit. Bilangin kung ilan ang magagawa ninyo sa loob ng
isang minuto.
Ikalawang Araw: (Petsa:___________ __, 2021/_______)
Panuto: Gawin ang mga warm-up na ehersisyo na nasa aralin. Maaari kang humingi ng
tulong sa mga mas nakatatanda na kasama mo sa bahay.
Mga Tanong:
1. Alin sa mga ehersisyong gawain ang pinakamadali mong isinagawa?

_________________________________________________________________________________________
2. Alin sa mga ehersisyong gawain ang pinakamahirap mong isinagawa?

________________________________________________________________________________________
3. Paano mo at ng iyong kasama naisagawa nang wasto ang mga gawain?

Page 13 of 16
Ikatlong Araw: (Petsa:___________ __, 2021/_______)
Panuto: Iguhit ang iyong paboritong ehersisyo na gawin mula sa aralin.

Ikaapat na Araw: (Petsa:___________ __, 2021/_______)


Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang hanay na may nakangiting mukha kung naisagawa nang
wasto ang gawain. Lagyan ng tsek ang malungkot na mukha kung hindi ito naisagawa
nang wasto.

Performance Task #4: Gumawa ng sariling routine o gawain na makagagamit ka ng isang


bagay na maaari mong gamitin upang maisagawa ang isang kilos na tulad ng ginawa sa
aralin. Seguraduhin na maisasagawa ang routine na ito na may kapareha.
Ivideo ang ginawang sariling routine
Sagutin ang mga tanong
1. Ano ang itatawag mo sa gawain o routine na ito?
2. Ano ang mga hakbang sa pagsasagawa ng routine
na ito?

HEALTH

BRIEF DISCUSSION:

Paano mo mailalarawan ang pamilya sa larawan?


Ang kalagayan ng ating kapaligirang pantahanan ay may malaking epekto sa ating
pangkabuoang kalusugan. Kapag malinis at maayos ang tahanan ang pamilya ay nagiging
mas malusog at malayo sa sakit. Samantalang ang pamilyang nakatira sa maduming
kapaligirang pantahanan ay maaaring maging masakitin.
Sa araling ito, matututuhan mo ang epekto ng kapiligirang pantahanan sa kalusugan
ng pamilya.
Page 14 of 16
Epekto ng Malinis na Kapaligirang Pantahanan
1. mas maluwag na paghinga
2. nagiging malayo sa sakit
3. mas maayos ang tulog
4. mas masigla sa pag-aaral at pagtatrabaho ang pamilya.
5. nagiging malayo sa aksidente o disgrasya.

Ang malinis at maayos na kapaligiran ay nakatutulong upang ang mga nakatira dito
ay maging malusog, ligtas, at masaya.

ACTIVITY:
Day 1: Date: ______________ Day: ____________
Panuto: Isulat ang MK kung ito ay nagpapakita ng epekto ng malinis na kapaligirang
pantahanan. DK kung hindi. Isulat ang sagot sa papel
_____1. Nakakapag-aral nang maayos si Tessa dahil maayos ang kaniyang pagtulog.
_____2. Laging nadadala sa ospital ang kapatid ni Marco dahil sa hika.
_____3. Hindi nagkakasakit si Jose kaya nakakuha siya ng perfect attendance sa klase.
_____4. Madalas inuubo si Mikaela dahil sa alikabok at dumi sa kanilang bahay.
_____5. Sabi ng doktor, malusog daw ang puso ni Ethan.

Day 2: Date: ______________ Day: ____________


Panuto: Kulaya ang buong parirala ng dilaw kung ito ay nagpapakita ng epekto ng malinis
na kapaligiran.

1. maluwag na paghinga
2. pagkakasakit
3. malayo sa aksidente
4. pagiging matamlay
5. maayos na pagtulog

Day 3-4: Date: ______________ Day: ____________


Panuto: Performance Task: (10 pts.)
Gumawa ng isang slogan sa 1 short bond paper na nagpapakita ng kalinisan at kaligtasan
sa loob ng inyong bahay/tahanan. Gawing makulay at malikhain.

Page 15 of 16
Page 16 of 16

You might also like