Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Impeng Negro

May akda: Rogelio R. Sicat

Mga Elemento/ Sangkap ng Maikling Kuwento:

1.       Paksa- tungkol sa isang batang lalaki na maitim ang kulay, kulot ang buhok at
anak ng babaeng sinasabing iba’t iba ang asawa. Dito umiikot ang buong kuwento, kay
Impen na rtalagang nakakarnas ng diskriminasyon.

2.  Tagpuan- Sa bahay nila Impen na baru-barung kung saan narooon ang kanyang
Ina at 3 na kapatid. Sumunod ay sa igiban.

3.   Tauhan:
-          Impen, batang lalaki na nakaranas ng diskriminasyon.
-          Ogor, ang kaaway ni Impen sa kuwento.
-          Kano, Boyet at Diding, kanyang mga kapatid.

4. Panauhan – Pangatlong Panauhan

5. Banghay

a.       Panimula- Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen ng siya’y kausapin ng


kanyang Ina upang pangaralan. Binalaan siya nito na huwag ng makipag-away at
umuwi na basag ang mukha.

b.      Saglit na Kakintalan- Nang siya naglalaakad sa labas patungo sa iigiban niya at
napapansin nyang dumudungaw ang bata sa kani-kanilang mga barung-barong at
pinag-titinginan at ma matanda’y nagbubulungan at sinasambit na siya ay isang negro,

c.       Papataas na Aksyon- Naroon nasi Impen sa igiban, at inaasar nanaman ni


Ogor siya. Tinatawag na negro. Hinahayaan na lamang ni Imppen yun.

d.      Kasukdulan- Si Impen na ang sumasahod sa gripo’y bigla syang hinawakan ni


Ogor sa balikat. May kaba na naramdaman si Impen. Pinaalis niya si Ogor sa pilahan at
sinaktan na nga ni Ogor ni Impen dahil ayaw nyang umalis sa pila. Agad nang gumanti
rin si Impen dahil sa sakit na kaniyang nadama. Pumasok sa isip nya ang mga tsismis
tungkol sa kanyang ina at gumanti na rin sya kay Ogor.

e.      Pababang Aksyon- Nagpatuloy nga ang kanilang pag-aaway at sa di-


inaasahann ay unti-unting napasuko ni impen si Ogor dahil na rin sa mga suntok nito sa
kanya.

f.        Wakas- Napasuko na nga ni Impen si Ogor at hinang-hina nya. Napatungin sa


kanya ang mga tao na tila hangang0hanga sa kanyang nagawa.

g.       Tunggalian- Tao laban sa lipunan, dahil si Impen ay nakikipaglaban sa mga tao
nangaapi sa kanya.

6. Simbolismo:
Balde – Sumisimbolo ito ng kahirapan… Pero kahit na mahirap ang buhay dapat ay
maging patas parin ang labanan.
Dugo – Sumisimbolo ito sa kwento nang pagiging malakas na loob o pagiging
matapang. Na kapag nakita nang may dumanak na dugo o nasugatan ay lumalabas din
ang tapang nang isang tao.

7. Tono: Seryoso

8. Uri ng Maikling Kuwento: Kuwentong pangkatauhan


Ang Wheelchair

May akda: Nikki Shann V. Casas

Si Wendy Valderama, isang estudyante ng Princeton Academy at nasa senior high.


Gusto ko lamang makapagtapos na matiwasay, pero para sa isang katulad niya na nasa
wheelchair, mahirap makuha. Mabilis siyangng makakuha ng atensyon dahil sa kanyang
kalagayan at madalas na tinutukso. Kaya naman binibilang niya na lamang ang mga
araw para makatapos at makaalis na sa paaralang ito.

Isang kakaibang araw para kay Wendy:

Nasa hallway siya papunta sa kanyang locker. Randam niya sa buong paligid niya ang
kasiyahan and excitement ng mga estudyante ng senior high sa darating na prom dahil
naririnig niya ang kanilang mga usap-usapan at iilan sa kanila ay maaga ng
nakapaghanda sa naturang event.

“ My Gosh! Nakikita mo ba yun?” Si Eron, ang hot niya! Rinig ko na magpropropose siya
sa date niya ngayon sa prom! Ni reject niya si Melissa dahil may iba itong gustong
mkasama.”. Sabi ni Tanya , ang tanyag na lider ng cheerleading squad at hinahanggaan
ng lahat estudyante sa school. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na nag-uusap
habang papunta sa center gym.

“Ang swerte naman ng babaing yun! Ang sikat na lider soccer team ang kanyang
makakadate! Sino kaya yun?” sagot ng isang kaibigan niya.

“Siyempre! Ako! Ako lang naman ang best choice niya, ang tanging magiging dapat na
kasama niya sa prom! Ang cheerleader at ang MVP soccer player!” Nkakasigurong
niyang sagot.

Dumaan si Wendy sa harapan nila at di niya sinasadyang mabangga si Tanya.

“Sorry!” sabi niya agad dito.


“Ano ba yan? Tumingin ka naman si dinadaanan mo! Hahaharang harang ka kasi
Wheelchair Wendy! Wala bang ibang daan dito para sa mga katulad mo? Sabay tawa
nina Tanya at ng mga kaibigan nito. Tumalikod na ito at iniwan nila.

Nilapitan ni Tanya si Eron sa locker nito habang kumukuha ito ng gamit para sa
kanilang suusunod na klase. Si Wendy naman ay dumiretso sa kanyang locker para
palitan ang kanyang dalang libro.

“uhm, Hi Eron! Ganda naman ng Jacket mo!” Sabi ni Tanya habang nakangiti kay Eron.

“Salamat, Tanya!” Simpleng sagot naman ni Eron.

“Malapit na pala ang prom, may naisip ka na ba kung sino ang isasama mo?” sabik na
sabi ni Tanya.

“Hmmn..wla pa nga eh,pero may napili na akong isasama ko” .

Rinig ito ni Wendy dahil halos magkalapit lang ang mga locker niya at ni Eron. Nakikita
niya rin ang mga simpleng galaan ni Tanya at natatawa na lamang siya.

“ Talaga,! Ako din! Wala pa, baka naman gusto mong ako---“

Naputol ang pag-uusap nila dahil nahulog ang mga librong dala ni wendy sa sahig na
ilalagay niya sana sa kanyang locker. Nainis naman si Tanya sa kanya sa pagputol nito
sa kanilang pag-uusap ni Eron.

“ Wala ka na bang tamang gagawin?” inis niyang sigaw kay Wendy.

“ Sorry Tanya, ang bigat kasi kaya nahulog. Pwede bang isa sa inyo natulungan akong
maabot ang mga nahulog kong libro?” Pakiusap ni Wendy sa kanya.

“Hindi! Di porke’t di gumagana ang mga paa mo, ay wala kana ring kamay!” Sigaw niya
rito.

Nagulat naman si Eron sa inasal ni Tanya kay Wendy. Agad naming tinulungan ni Eron
si Wendy sa pagkuha ng mga libro nito sa sahig.
“Akon na Wendy! Tutulungan kita”.

“Salamat Eron!” pasalamat ni Wendy habang tinatanggap ang mga librong pinulot ni
Eron. “ Wala iyon”. Sagot ng binata sabay ngiti sa kanya.

“Teka lang Eron, itatanong ko lang sana kng may date ka na sa prom, baka gusto mong
tayo nalang ang magkasama?” Lakas loob na tanong ni Wendy kay Eron.

Malakas ang tawa ni Tanya sa nadinig! “ Talaga! Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo


talaga sasama si Eron sa iyo sa lagay mo na yan?Napaka ambisyosa mo naman!”
Sarkastikong sabi ni Tanya sa kanya.

“Pero,Gusto ko—“ Di niya na natapos ang sasabihin dahil sa hiya at umalis na lamang si
Wendy.

“Tanya, sobra ka naman ! ang sama non!” Sabi ni Eron.

“Totoo naman yung mga sinasabi ko ah!” pinanindigang sagot nya.

“Pano mo nasasabi lahat ng iyan ha Tanya?”

“Teka nga, Bat mo ba pinagtatanggol ang lumpong yun?”

“Dahil alam ko ang nararamdaman niya sa kalagayan niyang yun Tanya! Napagdaanan
ko din yun!” Alam mo ba nabago ko narating ang kalagayan ko ngayon, dati rin akong
nalumpo! Dahil sa kagustuhan ko makapasok sa varsity team, napasobra ako sa
pagpapractice! Naospital ako dahil di ako makatayo! Sabi ng doctor, matagal akong
makakalad ulit Nagkaroon ako ng injury at dahil don kailangan kong gumamit ng
wheelchair.Pero alam mo kung ano ang masakit, ang maranasan kong matukso at
pagtawanan ng mga tao sa kalagayan ko, kung paano ako tratuhin ng mga ibang
tao.Kung paano oko nila tingnan ng mas mababa sa kanila. Kaya alam mo, alam na
alam ko ang nararamdaman ng taong nasa wheelchair Tanya! At si Wendy, di siya
dapat tratuhin ng ganun.
Napatigil si Tanya sa kanyang nadinig. Di niya alam kung ano ang kanyang
mararamdam, nakokonsensya at nahihiya siya sa kanyang mga nagawa at nasabi kay
Wendy. Di niya inaasahan yun.

“ Woah! Wala akong alam na ganun ang naranasan mo lahat yun, patawad Eron.”
Pakumbaba namang sabi ni Tanya.

“Di ka dapat sa akin humihingi ng tawad, wala kang kasalanan sa akin. Kay Wendy ka
mag sorry,sa kanya ka nakagawa ng mali. Basta’t sa susunod, bago mo husgahan at
tratuhin ang mga naka wheelchair, subukan mong umopo sa isa.” Sagot ni Eron. Umalis
agad si Eron at iniwan si Tanya. Padabog niyang sinara ang locker niya. Naiwang di
makapaniwala at napahiyang si Tanya.

Sa araw ng Prom:

“Salamat sa pagsama mo sa akin sa prom” ngiting sabi ni Tanya sa kaibigan niya.

Habang naglalakat ito papunta sa entrance, nakita nito si Wendy at nilapitan.

“ Hi Wendy!” bati ni tabya sa kanya. “ Ang ganda mo sa suot mo!”

“Ha,Ah eh..Salamat Tanya, kayo din” Nagulat niyang tugon din kay Tanya.

“ Wendy, gusto talaga kitang makausap tungkol don sa nangyari nung nakaraang
linggo. At gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga nasabi at s pagtrato ko sayo.
Hindi ko dapat ganun tratuhin ang mga nasa wheelchair at wala akong karapatang
sabihin yun dahil di ko naman naaranasan yun. Sana mapatawad mo ako?!”
Pakumbabang sinabi ni Tanya kay Wendy.

“ Hm, Wala iyon, Tanya. Sanay na ako dun. Oo naman, mapapatawad kita”
nakangiting si Wendy.

“ Salamat Wendy, teka, baka gusto mong sa amin kana sumabay sa prom-“

Dumating ang date ni Wendy.


“Hi Wendy, bulaklak para sa iyo.” Ang sabi ni Eron at binigay ang bulaklak sa kanya.
Nagulat siya na kausap ni Wendy si Tanya.

“ Okay na kami” ang tanging nasabi ni Wendy. Naintindihan naman ni Eron at napangiti
siya. “

“Siya Tanya, mauna na muna kami ng Date ko na si Wendy” sabi ni Eron.

“Oo naman! Sige mauna na kayo at susunod kami” nakangiting sabi ni Tanya at inaya
na rin ang kaniyang kaibigan na pumunta sa entrance ng hall para sa prom.

- The End_
Nobela

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga


pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng
hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.Ang layunin ng nobela ay gumising sa diwa
at damdamin,nananawagan sa talino ng guni-guni, mapukaw ang damdamin ng
mambabasa, magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan nagsisilbing
daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan ,nagbibigay inspirasyon sa
mambabasanapupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela.

Ang katangian naman ng nobela ay maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at


kaisipan, pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay, dapat maging malikhain at
maguni-guni ang paglalahad, pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito
nagiging kawili-wili, kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan, maraming ligaw na
tagpo at kaganapan, ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig
mangyari, malinis at maayos ang pagkakasulat, at maraming magagandang tagpuan
kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan. Ang nobela ay sumasalamin sa
kasaysayan dahil nagbibigay ito ng aral tungko sa realidad na karanasan. Kaya habang
may nagsusulat, buhay ang nobela. Mahalaga itong pag-aralan dahil ito ang daan tungo
sa pagbabago ng sarili at lipunan, upang gisingin ang iyong diwa at damdamin, marami
ka ring mapupulot na aral tungkoy sa kabayanihan at higit sa lahat nagbibigay ito ng
inspirasyon sa ating mga mambabasa. Ang mga nobela, katulad ng iba pang mga uri at
porma ng literatura ay nagsisilbing tulay natin sa ating mga ninuno at sa uri ng kanilang
pamumuhay noon. Bukod pa dito, ang mga nobela ay nagbibigay din sa atin ng mga
aral tungkol sa buhay.

You might also like