Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAMPAMAYANANG KOLEHIYO NG SAN JOSE

San Jose Malilipot, Albay


Samahan ng Mag-aaral sa Filipino
(SAMAFIL)

Paggawa ng Poster
Panuntunan:

1. Ang paligsahang ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral na kumukuha ng asignaturang


Filipino sa Pampamayanang Kolehiyo ng San Jose. Isang kalahok ang inaasahang
kakatawan sa bawat klase.
2. Ang mga interasadong mag-aaral ay maaaring makipag ugnayan at magpalista kina Bb.
Mabel Barcenas at Bb. Analou Banzuela, magpadala lamang ng mensahe sa kanilang
Facebook Account.
3. Kailangang naka like at follow sa Facebook Group ng SAMAFIL ang bawat kalahok.
(Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino - SJCC)
4. Ang mga kalahok ay nararapat na naka-video habang ginagawa ang poster mula simula
hanggang matapos. Nararapat na kita ang iyong mukha at ang ginagawang poster. I-edit
ito sa paraang time lapse upang maliit lamang ang file na ipapadala.
5. Dapat angkop sa temang "Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-
iisip ng mga Pilipino" ang nilikha.

6. Gawin ito sa oslo paper lamang, nararapat na may kulay at disenyo.

7. Ang mga kalahok ay inaasahang mag susumite ng kanilang video at larawan ng kanilang
likha sa Messenger ni Mabel Barcenas o sa Gmail: mabelbarcenas74@gmail.com
dalawang
araw bago sumapit ang ika-2 ng Agosto 2021.
8. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na maaaring baguhin.

Pamantayan:

Kaugnayan sa Paksa - - - - - - - - - - 30%

Sining ng Paglikha - - - - - - - - - - 30%

Kalinisan at Kaayusan - - - - - - - - - - 20%

Orihinalidad ng ideyang biswal - - - - - - - - - - 20%

Kabuuan 100%
PAMPAMAYANANG KOLEHIYO NG SAN JOSE
San Jose Malilipot, Albay
Samahan ng Mag-aaral sa Filipino
(SAMAFIL)

PAGSULAT NG TULA
Panuntunan:

1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga mag-aaral na may asignaturang Filipino. Isa hanggang
dalawang kalahok ang inaasahang kakatawan sa bawat klase.
2. Ang mga interesadong mag-aaral ay maaring makipag-ugnayan kay Bb. Rose Ann Bonto sa kaniyang
Facebook account na Rose Ann Bonto.
3. Kailangang naka-like at follow ang mga kalahok sa patimpalak na ito sa Facbook page ng SAMAFIL na
Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino-SJCC.
4. Gaganapin ang paligsahan sa ika-______ ng Agosto, 2021 sa ganap na ika-____ ng umaga.
5. Bubuuin ng apat na taludtod na may lima hanggang anim na saknong ang tulang gagawin. Ito ay nararapat
na may tugma at may sukat na lalabindalawahin.
6. Isusulat at gagawin lamang ito sa loob ng isang oras.
7. Nararapat na ito ay sariling likha at naaayon sa temang “Filipino at mga Wikang Katututbo sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Piipino”.
8. Ang pagsulat ng tula ay gagawing virtual at isusumete sa gmail na bontoroseann920@gmail.com ang
nagawang tula.
9. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
Krayterya

Nilalaman at pamamaraan 50%

Istilo ng pagsulat 25%

Orihinalidad 15%

Dating sa mga mambabasa  10%

Kabuuhan 100%
PAMPAMAYANANG KOLEHIYO NG SAN JOSE
San Jose Malilipot, Albay
Samahan ng Mag-aaral sa Filipino
(SAMAFIL)

MADAMDAMING PAGBASA

PANUNTUNAN:
1. Ang paligsahang ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral na kumukuha ng
asignaturang Filipino sa Pampamayanang Kolehiyo ng San Jose. Isang kalahok ang
inaasahang kakatawan sa bawat klase.
2. Ang mga interesadong mag-aaral ay maaaring makipag-uganayan kina Bb. Mabel
Barcenas at Bb. Analou Banzuela, magpadala lamang ng mensahe sa kanilang
Facebook account.
3. Kailangang naka like at follow sa Facebook Group ng SAMAFIL ang bawat kalahok.
(Samahan ng Mag-aaral sa Filipino-SJCC)
4. Isang piyesa lamang ang gagamitin sa madamdaming pagbasa na sariling pagpili ng
babasahin tungkol sa buwan ng wika lamang.
5. Mahalaga sa madamdaming pagbasa ang tinig, bigkas, pormasyon, ekspresyon,
interpretasyon, damdamin, at tamang pagbigkas.
6. Lima hanggang anim na minuto lamang ang oras ng pagtatanghal o video ng
madamdaming pagbasa.
7. Ang bawat kalahok ay magsusumite ng kanilang video sa messenger ni Bb. Analou
Banzuela sa ikatlong araw bago sumapit ang ika -__ ng Agosto 2021.
8. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi maaaring baguhin.

PAMANTAYAN
 Pagpapalutang sa diwa ng binabasa 30%
 Kalidad,indayog at kaisahan ng tinig sa pagbibigkas 20%
 Makabuluhang galaw sa tanghalan 25%
 Kasuotan,props at musika 25%
Kabuuan 100%
PAMPAMAY
ANANG
KOLEHIYO
NG SAN
JOSE

PAGSULAT NG DAGLI
PANUNTUNAN:
9. Ang paligsahang ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral na kumukuha ng
asignaturang Filipino sa Pampamayanang Kolehiyo ng San Jose. Isang kalahok ang
inaasahang kakatawan sa bawat klase.
10. Ang mga interesadong mag-aaral ay maaaring makipag-uganayan kina Bb. Mabel
Barcenas at Bb. Analou Banzuela, magpadala lamang ng mensahe sa kanilang
Facebook account.
11. Kailangang naka like at foolow sa Facebook Group ng SAMAFIL ang bawat kalahok.
(Samahan ng Mag-aaral sa Filipino-SJCC)
12. Ang paksa para sa susulating dagli ay dapat na may kaugnayan sa paksa ng buwan ng
wika ngayong taon “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-
iisip ng mga Pilipino”. Ang bawat kalahok ay maaaring magpasa ng isang dagli
lamang at hindi lalagpas sa dalawang pahina ang dagling ipapasa.
13. Dapat ay orihinal na akda ang ipapasang dagli ng bawat kalahok. Hindi maaaring
kumuha o sumipi mula sa internet o ibang akda. Ang mapapatunayang lahok na
kinopya mula sa iba ay awtomatikong diskwalipikado sa patimpalakng pagsulat ng
dagli.
14. Ang dagling ipapasa ay maaaring nakalimbag sa bond paper at walang format na
susundin.
15. Ang mga kalahok ay inaasahang mag sumite ng kanilang likha o dagli sa Gmail:
analoubanzuela8@gmail.com dalawang araw bago sumapit ang ika -__ ng Agosto
2021.
16. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi maaaring baguhin.

PAMANTAYAN
 Pagkamalikhain sa paggawa/nilalaman 40%
 Kaugnayan sa tema/paksa 20%
 Pagkamalikhain sa paggamit ng wika 20%
 Wastong gamit ng mga bantas at salita 20%
Kabuuan 100%

You might also like