Special Exam 4th Grading - ALL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IBONG ADARNA

GRADE 7

1. Ano, saan, kailan nagsimula ang Ibong Adarna? Kung papipiliin ka sa mga tauhan ng akda, sino ka? Bakit? 10 puntos.

2. Magbigay ng 5 mabubuting asal na makukuha sa Ibong Adarna. (5 puntos)

3. Sa akdang Ibong Adarna, pinalaki ni Haring Fernando at Reyna Valeriana nang mabuti ang kanilang mga anak ngunit
si Don Juan ay kaisa-isang anak na lumaki ng matuwid at nagmana ng pagiging makatarungan at makatuwiran,
likas sa puso ang kabutihan sa amang hari. Ngayon, sa sitwasyon natin na mayroong pandemic, paano mo
mapapatunayan na isa kang mabuting tao? (Patunayan sa pamamagitan ng isang talata na magkakaroon ng
hindi kumulan sa 5 panugungusap at hindi sobra sa 10 pangungusap.) 15 puntos.

4. Sumulat ng isang Liham Kapatawaran o Pasasalamat para sa Panginoon na naglalaman kung ano na ang
sitwasyon ng bayan at mundo ngayon. 10 puntos

FLORANTE AT LAURA
GRADE 8

1. Magbigay ng impormasyon sa akdang Florante at Laura. (10 puntos)


a. Introduksyon
b. Sino ang may akda?
c. Iba pang impormasyon sa akda.
2. Hahamakin mo rin ba ang lahat para sa pag-ibig? Ipaliwanag. (5puntos)
3. Aral na nakuha sa akda na maaari mong gamitin sa pagsuporta at sansalain ang pandemic na lumalaganap sa mundo?
(5puntos)
4. Katulad ng ginawa ng mga Estrawnghero na gumawa ng face shields para maibigay sa ating frontliners, paano mo
mahihikayat ang kapwa mong estudyante na tumulong para mapuksa ang COVID-19 na ito? (10 puntos)
5. Dr. Raul Diaz Jara, Dr. Israel Bactol, Dr. Greg Macasaet, Dr. Rose Pulido, lahat ng doktor at nars, mga pulis, militar,
mga frontliners, kaya mo bang magsakripisyo at ialay ang iyong buhay para makatulong na mapuksa ang sakit na
lumalaganap? Ipaliwanag. (5puntos)

NOLI ME TANGERE
GRADE 9

1. Magbigay isang sitwasyon sa akda na maikukumpara mo sa sitwasyon ng lipunan ngayon na mayroon


COVID-19. (10puntos)

2. Crisostomo Ibarra, Padre Damaso, Sisa; kani-kanino mo maikukumpara ang mga tauhang ito sa nangyayari
ngayong kalagayan ng pandemic? Isa-isahin. (5puntos bawat isa)

3. Sa ibabang parte ng tatsulok ng pabalat ng aklat ng Noli Me Tangere naroroon ang mga simbolo na
kumakatawan sa kasalukuyang nangyayari noon. Ano-ano namang simbolo ang maaari mong maikumpara sa
ngayong panahon? Magbigay ng 5 halimbawa. Ipaliwanag. (5puntos)
GRADE 11

Basehan sa pagsulat: Bawat bilang ay isang talata (paragraph) na magkakaroon ng hindi kumulang sa 5
pangungusap.

1. Sa mga nabasa at napanood na balita tungkol sa COVID-19, ibigay ang mga hinuha dito. (10puntos)
a. Introduksyon
b. Katawan
c. Konklusyon
2. Gaano kahalaga ang Pagbasa at Pagsulat sa paglaban sa pandemic na lumalaganap ngayon? Magbigay ng
isang particular na sitwasyon.(10puntos)
3. Sa isang malikhaing pagsulat, magsulat ng isang maikling kwento o tula na naglalaman kung paano mapuksa
ng sakit na Corona Virus. (15puntos)

You might also like