Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Nailalarawan ang mga Lugar na Kinatatayuan ng Sariling Paaralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig


Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Joana Jay R. Quiñones
Editor: Edna P. Obias
Tagasuri: Ma. Cecilia L. Atuan
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
1
Ikatlong Markahan
Pansariling Kalinangang Modyul
Nailalarawan ang mga Lugar na
Kinatatayuan ng Sariling Paaralan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1Baitang I ng
Modyul 5 para sa araling Nailalarawan ang mga Lugar na Kinatatayuan ng
Sariling Paaralan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan –Baitang I Modyul 5 ukol


sa Nailalarawan ang mga Lugar na Kinatatayuan ng Sariling Paaralan

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng


unang baitang. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makatutulong ito sa pag-aaral mo upang iyong
mailarawan ang mga lugar na kinatatayuan ng iyong
sariling paaralan.
May mga pagsasanay kang sasagutan upang
masukat mo ang iyong kaalamang malinang sa modyul
na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot.


1. Ang iyong paaralan ay nakatayo malapit sa
palengke. Sa iyong palagay paano ito
makakaapekto sa iyong pag-aaral?
A. Maingay sa palengke dahil dito ay maaari akong
magambala sa aking pag-aaral.
B. Sa palagay ko ay di ako magagambala kahit
malapit ang paaralan sa palengke.
C. Hindi ako pamilyar sa palengke.
2. Kung ang isang paaralan ay malayo sa mga
kabahayan, palengke at iba pang istraktura paano
mo ito mailalarawan?
A. maingay ang kapaligiran
B. tahimik ang kapaligiran
C. lahat ng nabanggit
3. Si Ana ay nakatira sa probinsya at ang kanyang
paaralan ay malapit sa mga bundok. Paano mo
mailalarawan ang lugar na kinatatayuan ng
kanyang paaralan?
A. marahil ay madaming puno at nakatayo ito sa
kabundukan
B. marahil ito ay nakatayo malapit sa kalsada
C. marahil ay walang nag-aaral sa kanilang
paaralan
4. Paano mo mailalarawan ang lugar na kinatatayuan
ng iyong paaralan kung walang trak ng basura
ditong pumupunta araw-araw?
A. malinis at mabango ang kapaligiran ng paaralan
B. maaaring mapuno ng basura ang aking paaralan
at magkaroon ng di kaaya- ayang amoy
C. maaaring hahayaan na lng ang mga basura dito
5. Si Robin ay nakatira sa malayong lugar kaya araw
araw ay gumigising sya ng maaga. Tama ba ang
ginagawa ni Robin?
A. Opo. Upang hindi sya mahuli sa klase dahil ang
paaralan ay malayo sa kanilang tahanan.
B. Mali. Dahil dapat na lamang sya lumpat ng
bahay.
C. Wala sa nabanggit
BALIK-ARAL
Panuto: Lagyan ng T kung tama ang iyong sagot at isulat
ang M kung ikaw ay hindi sang-ayon. Isulat sa
patlang ang sagot.

_____1. Kapag ang isang paaralan ay nakatayo sa lugar


na madaming kabahayan ay hindi maiiwasan
ang mga iba’t- ibang ingay na maaaring
manggaling sa mga bahay.
_____2. Ang paaralan na nakatayo sa mga iilang
probinsya ay karaniwang napapalibutan ng
bundok at mga puno.
_____3. Si Danny ay may malapit na bahay sa paaralan
kung kaya maaari syang maglakad lamang
papasok.
_____4. Ang lugar na kinatatayuan ng isang paaralan ay
dapat malinis at kaaya- aya.
_____5. Ang mga lugar na kinatatayuan ng isang
paaralan ay dapat isaalang alang dahil maaari
itong makaapekto sa iyong pagkatuto.
ARALIN

Tingnan ang dalawang larawan ng paaralan.


Ano ang mapapansin mo sa mga ito? Mayroon ba silang
pinagkaiba? Anu- ano ang mga ito?

Ang unang larawan ay nagpapakita ng malinis na


kapaligiran ng isang paaralan. Habang ang ikalawa
naman ay nagpapakita ng maruming kapaligiran na
kinatatayuan ng isang paaralan.
Alin sa dalawa ang nais mong pasukan na paaralan?
Bakit?
Tignan mo naman muli ang sumusunod na mga
larawan. Ibigay ang ngalan at ilarawan mo ang bawat
isa.
Ano ang masasabi mo sa mga sumusunod na larawan
Ito ang mga iba’t- ibang istraktura na maaaring
malapit sa lugar na kinatatayuan ng iyong paaralan.
Maaaring nakikita mo din ang mga ito habang ikaw ay
papasok ng eskwelahan o pauwi sa inyong bahay.
Ang pabrika, kabahayan, ospital, barangay hall at
palengke ay mga lugar na matatao at maingay.
Samantalang ang kalsada naman ay may ingay na
galing naman sa mga sasakyan.
Ang isang paaralan ay maaari ding nakatayo sa isang
lugar na may malinis at maayos na kapaligiran. Maaari din
namang magulo at madumi. Bilang isang mag- aaral
saang lugar mo nanaisin at bakit?
Bawat mag- aaral ay may kanya- kanya ding lugar ng
bahay na iniuuwian. Ang ibang bata ay malapit lang sa
paaralan at ang iba naman ay malayo.
May paaralan din na nakatayo sa mga kabundukan na
napapalibutan ng madaming puno gaya ng mga nasa
probinsya at meron din namang nasa lugar na
pinapalibutan ng mga bahay at iba’t- ibang istraktura.
Maaari din na ang isang paaralan ay malaki o maliit
depende sa laki ng lupa na kinatatayuan nito.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit mo ang iyong paaralan sa loob ng puso at
ilarawan mo ang lugar na kinatatayuan nito.

Paglalarawan:

___________________________________
___________________________________.
Pagsasanay 2
Panuto: Ilarawan ang mga sumusunod na lugar na
kinatatayuan ng isang paaralan. Isulat sa patlang
ang iyong sagot.
PAGLALAHAT

Bilang isang mag- aaral, mahalaga na kaya mong


ilarawan ang mga lugar na kinatatayuan ng iyong
paaralan dahil ito ay makakatulong upang
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Ang isang mag- aaral na gaya mo ay mahalaga na


kayang ilarawan ang mga lugar na kinatatayuan ng
iyong paaralan.
Bilugan ang angkop na larawan na nagpapakita ng
paglalarawan na kinatatayuan ng iyong paaralan.

Malapit ang paaralan sa Malayo sa palengke na


aming tahanan May malinis at maayos pwedeng pagmulan ng
na kapaligiran. ingay
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang letra ng


wastong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nais mong katangian na
kinatatayuan ng iyong paaralan.
A. malayo sa tahanan
B. malinis at maayos
C. lahat ng nabanggit

2. Kung ang iyong paaralan ay malapit sa kalsada, ano


kaya ang maaaring dulot nito?
A. maingay na ingay mula sa mga sasakyan
B. mas lalong tatahimik sa aming paaralan
C. wala sa nabanggit

3. Paano mo ilalarawan ang ilang paaralan na


nakatayo sa mga probinsya o mga nasa rural na
lugar?
A. malapit sa mga bundok at napapaligiran ng mga
puno
B. malapit sa bayan o palengke
C. wala sa nabanggit

4. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang


paaralan na nakatayo sa isang lugar na hindi kaaya-
aya?
A. madumi
B. madaming kalat
C. lahat ng nabanggit
5. Bakit dapat mong malaman ang mga katangian ng
lugar na kinatatayuan ng isang paaralan?
A. dahil pwede itong makaapekto sa aking
pagkatuto
B. dahil kailangan lng pag- aralan sa eskwelahan
C. wala sa nabanggit

SUSI SA PAGWAWASTO

ng mga bata. A 5.
Iba-iba ang sagot C 4.
A 3.
Sagot:
A 2.
Pagsasanay 1 B 1.

Panapos na Pagsusulit
A 5.
B 4. mga bata.
A 3. Iba-iba ang sagot ng
B 2.
A 1. Sagot:

Paunang Pagsubok Pagsasanay 2


Sanggunian

Miranda, Ocampo, Amita, Reyes, De Ramos, Tiamzon, Adriano, Quintos. Araling


Panlipinan 1. 1ST Ed. Republika ng Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54 Gansanro 9gil,
Geumcheongu, South Korea 2017

https://images.app.goo.gl/wganfHDctiYzsUgh6

https://images.app.goo.gl/4Map1FqGfy4ht4aC7

https://images.app.goo.gl/3YWsCVzCQaYH3UYW6

https://images.app.goo.gl/S7wXBsEFoRsr1a5ZA

https://images.app.goo.gl/wGoTkkGmso5AQekcA

https://images.app.goo.gl/Xr4AhQCSoqUJoxfa6

https://images.app.goo.gl/W5WhR9Tf9fTDg9oK7

https://images.app.goo.gl/Q2j2maEoGeaSBgj49

https://images.app.goo.gl/sqCvn3yqznKSoZDz7

https://images.app.goo.gl/wganfHDctiYzsUgh6

https://images.app.goo.gl/4Map1FqGfy4ht4aC7

https://images.app.goo.gl/3YWsCVzCQaYH3UYW6

https://images.app.goo.gl/S7wXBsEFoRsr1a5ZA

https://images.app.goo.gl/wGoTkkGmso5AQekcA

https://images.app.goo.gl/Xr4AhQCSoqUJoxfa6

https://images.app.goo.gl/W5WhR9Tf9fTDg9oK7

https://images.app.goo.gl/Q2j2maEoGeaSBgj49

https://images.app.goo.gl/sqCvn3yqznKSoZDz7

You might also like