Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Kahalagahan ng Akademikong Pagkilala sa Produktibidad ng mga

Mag-aaral sa Baitang 11 ng Labas Senior High School

Introduksyon

Sa panahon kung saan sinusubok ang mentalidad at kahusayan ng mga


estudyante sa pakikipagsabayan sa agos ng makabagong paraan ng pag-aaral,
mas higit pang kinakailangan ang kasiguruhan na ang mga pawis at luha na
dumanak mula sa mga estudyante ay nasusuklian ng pansin at para na
maging determinado pa na ituloy ang kanilang sinimulan at gustong abutin.

Statement of the problem

Sa makabagong paraan ng pag-aaral na hatid ng pandemyang ating


nararanasan, maraming estudyante ang nakakaranas ng hirap kaugnay dito.
Dahil sa pagkakaroon ng iba’t-ibang kasanayan ng isa’t-isa, malamang ay
piling estudyante lamang din ang mabigyan ng parangal. Maaari din na
magbunga sa demotibasyon ng iba pang mag-aaral na hindi nakaabot sa
pamantayan ng pagpili. Kahit na sinamahan din ng sipag at tyaga ang
kanilang ginagawa, hindi pa din sapat na mabigyan ng pansin. Sa kabilang
banda, ano-ano ang epekto ng akademikong pagkilala sa produktibidad ng
mga mag-aaral sa baitang 11 ng Labas Senior High School.

Research Question
1. Sa paanong paraan nakakaapekto ang gawad na pagkilala sa produktibidad
ng mga estudyante?
2. Paano maiiwasan ang demotibasyon ng mga estudyanteng hindi kabilang sa
nasabing pagkilala?
3. Ano ano ang krayterya sa pagpili ng mga gagawaran ng parangal?
4. Sa paanong paraan masusukat ang akademikong kasanayan ng mga
estudyante sa pamamagitan ng gawad pagkilala?
Scope and Delimitation

Ang sakop ng pananaliksik na ito ay ang kahalagahan ng akademikong


pagkilala sa produktibidad ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng Labas Senior
High School mula sa dalawang modality, ang online at modular modality.

Paano malulutas ng pananaliksik na ito ang problema/resolba ang


konteksto?
Sa pamamagitan ng mga impormasyon na aming makakalap, kami ay
matutulugan nitong intindihin pa nang mas malalim ang sitwasyon at
karanasan ng bawat isang mag-aaral. Aming mapag-aaralan kung ano ano nga
ba ang epekto ng pagkakaroon ng gawad pagkilala sa mga estudyante, at kung
paano nga ba maiiwasan ang pagkakaroon ng negatibong kaisipan na naka-
angkla dito.

Konklusyon:

Sa panahon kung saan kayhirap ng mga makabagong pamamaraan sa


pagkatuto, isang simpleng pagkilala lamang ay higit na nitong mapapataas ang
tingin sa ating sarili. Hindi gugustuhin ng kung sino ang kawalan ng pagkilala
sa kanilang pinaghirapan, lalo na’t naninibago pa rin tayo sa sistemang ating
kinakaharap ngayon. Ang pagharap sa mga problemang kaakibat nito ay
mahalaga sapagkat dito nakasalalay kung paano tayo makakahanap ng
solusyon.

You might also like