Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Seniors hinampas ang Juniors, 3-0

BUTUAN CITY- Hinampas ng Seniors (unit 4) and Juniors (Unit 3)


gamit and sidespin ng lefthanded na si Garzon Gavine at drivespin ng
righthanded na si Eden Mae gabelan sa kanilang Intramural Meet ng Table
Tennis (3 out of 5 win Mix Double Category) na ginanap sa Butuan City
Schools of Arts and Trade kanina, sa dako ng alas dyes ng umaga, kasabay
ang makulimlim na panahon.

Ipinamalas ng bawat koponan ang kani-kanilang opensa ngunit


namayagpag ang Seniors nang bumulusok ang nagliliyab na drivespin ni
eden Mae Gabelan at sinundan ng rolling ni Garzon Gavine, kung saan
nahirapang ibalik ito ng kalaban sa kanila sa unang set ng laro, 11-2.

Kinontrol na ng Seniors ang laro at hindi na hinayaang makaporma


pa ang Juniors nang naglalagablab na block. Ipialasap din ni Garzon ang
kanyang nakakamanghang backhand chop na talaga namng nahirapan ang
juniors na ibalikang bola sa kanila, dahilan kaya sila nagniningning sa
ikalawang set ng laro, 11-6.

Di maiguhit ang mukha ng mga manonood dahil sa sabik na


nararamdaman kung ano ang kahahantungan ng laro. Mas itinutok nila ang
kanilang mga mata sa laro lalo na sa pangatlong set.

Ibinuhos na ni Nathan Rey Laag at Jeaurine Robles ng Juniors ang


buong lakas ng kanyang kamay pang-opensa upang manalo ngunit hindi
ito sapat para mangibabaw.

Tuluyang inilugmok ng nagbabaganag seniors ang naghihikahos na


Juniors gamit ang nakamamanghang sidespiun ni garzon at sinundan ng
drivespin ni eden sa pangatlong set ng larodahilan kayanila nakamit ang
tugatog ng tagumpay, 11-6.

“Mas labaw among experience kay 4th year nami unya sila 3rd year
pa. Kulang pa sila sa practice ug technique,’ bulalas ni Eden Gabela.#

You might also like