Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at
Bunga mula sa Tekstong Napakinggan.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Melvin V. Fernandez
Editor: Dr. Victor M. Javeῆa
Tagasuri: Miriam V. Cencil
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:Rona C. Almazan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang
Sanhi at Bunga mula sa Tekstong
Napakinggan.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Ikalimang Baitangng
Modyul para sa aralingPaggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga mula
sa Tekstong Napakinggan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin,sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Ikalimang Baitang Modyul ukol sa


Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga mula sa Tekstong
Napakinggan!

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito,ang mag-aaral ay


inaasahang :
A. nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi
at bunga mula sa tekstong napakinggan
; at
B. nasasagot nang wasto ang mga tanong at
pagsasanay.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na SANHI ng
sumusunod na BUNGA sa bawat bilang. Isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.
_____1.Malulusog ang mga tanim na halaman ni Mang
Aldo.
_____2.Umiiyak ng malakas ang bunsong anak ni Layla.
_____3.Napapatawa ang bawat masalubong ni Karina.
_____4.Pinuri ng guro at pinalakpakan ng mga kamag-
aral si Miya.
_____5.Malungkot na malungkot nang umuwi mula sa
pabrika si Mang Franco.

a. Mataas na mataas ang kanyang lagnat.


b. Tinanggal siya sa trabaho.
c. Alaga niya sa dilig at pataba ang mga halaman.
d. Tamang lahat ang mga sagot niya sa pagsusulit.
e. Magkaiba ang kulay ng suot niyang pares ng sapatos.
BALIK-ARAL

Isulat sa patlang ang salitang SIMUNO kung ang may


salungguhit ay tumutukoy sa paksa ng pangungusap.
Isulat naman ang salitang PANAGURI kung ang may
salungguhit ay ang bahaging nagsasabi ng tungkol sa
paksa.
___1.Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang
Lupang Hinirang.
___2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Ana at Lina.
___3.Napansin ng guro ang mabubuting asal na
ipinamalas ng mga mag-aaral.
___4. Sina Allan, Patrick, at Joshua ay naghanda ng
masarap na meryenda para sa mga panauhin.
___5. Si Ginoong Ramos ang nahalal bilang pangulo ng
samahan.

ARALIN

Basahin ang kuwentong inihanda ng guro para sa


iyo.Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

“Ang Batang Pulubi”


Sa Panulat ni: Margarita Andrea Mahor
Malakas ang pag-ihip ng hangin kaya maraming
natangay na mga sanga ng puno. Baha na rin ang mga
daan dahil sa sobrang daming nakabara na basura sa
mga kanal. Hindi natatanaw ang pagsikat ng haring
araw dahil sa dami ng ulap na tumatakip dito.
Gumising ang isang bata na natutulog sa tabi ng
kalsada. Inayos niya ang kanyang pinaghigaan na gawa
lamang sa karton ng mga “tetrapack juice”. Pagkatapos,
nagsimula na siyang maglakad habang hindi pa
umuulan. Nakakita siya ng isang tambak ng basura sa
isang tabi. Nagsimula siyang maghanap ng plastic na
baso para gawing lalagyan ng perang mapanlilimusan at
nagbabakasakali ring may pagkain na makita. May
nakita siyang isang “take-out” na lalagyan. Binuksan niya
ito at nakita niya ang mga buto ng manok. Naghanap
pa siya, hindi alintana ang masangsang na amoy ng
basura. Pagkatapos ng pagbukas ng ilan pang lalagyan,
nakakita siya ng isang lalagyan na may tira pang
spaghetti. Napangiti ang bata sapagkat may almusal na
siya. Kinuha niya ito at umupo sa tabi ng poste, doon niya
nilantakan ang nakuhang pagkain.
Hindi pa rin bumubuti ang panahon.Malakas pa rin
ang hangin at makulimlim ang kalangitan.Nagsimula
nang maglakad ang bata at nakita niya ang estasyon ng
tren. Naisip niya na maraming tao doon, baka maraming
maawa sa kanya at bigyan siya ng mga barya.
Naghanap siya ng magandang puwesto at nilabas ang
plastic na baso.
Makalipas ang apat na oras, nagising ang bata.
Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Nang
tingnan iya ang kanyang baso, isang limampiso at
dalawampiso ang laman. Natuwa siya sapagkat
makabibili na ito ng murang pagkain. Nanatili siya
sakanyang puwesto, umaasang baka mayroon pa siyang
makuhang dagdag na barya. Naagaw ang pansin niya
ng isang pamilyang masayang naglalakad. Ang ama, ina
at ang kanilang anak na hawak-hawak nila sa
magkabilang kamay. Nainggit siya. Kung hindi sana
namatay ang kanyang ama’t ina, baka wala sana siya sa
sitwasyon ngayon. Sana may nagbibigay ng gabay at
pagmamahal sa kanya. Yinakap na lamang niya ang
kanyang mga paa, at nakatulog muli.
1. Sino ang pangunahing tauhansa kuwento?_________
2. Ano ang hinahanap niya sa basurahan?____________
3. Ano ang dahilan kung bakit naging palaboy ang bata?
______________________________
4.Ayon sa kuwento, sino ang nagbibigay sa atin ng
gabay at pagmamahal? ____________________________
5.Ano ang gagawin mo sakaling may madaanan kang
batang tulad ng nasa kuwento?_________________

Basahin mo ang mga pangungusap na nabanggit sa


kwento.

Malakas ang pag-ihip ng kaya maraming natangay


hangin na mga sanga ng puno.
Dahil sa sobrang daming baha na ang mga daan.
nakabara na basura sa
mga kanal,
Dahil sa dami ng ulap na hindi natatanaw ang
tumatakip, pagsikat ng haring araw.
Sapagkat may almusal na napangiti ang bata.
siya
Kung hindi sana namatay wala sana siya sa sitwasyon
ang kanyang ama’t ina, ngayon.

Mapapansin na ang mga parirala sa unang kolum


ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Ito ay ang tinatawag na SANHI. Ang sanhi ay tumutukoy
sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Ginagamitan ito ng mga pangatnig na nagpapahayag
ng sanhi o tinatawag na pananhi: dahil/ dahil sa,
sapagkat, palibhasa, kundangan, mangyari, at kasi.
Ang mga parirala naman sa ikalawang kolum ay
ang mga epekto ng kadahilanan ng mga pangyayari. Ito
ay tinatawag na BUNGA. Ang bunga ay ang resulta o
kinalabasan ng pangyayari. Ginagamitan naman ito ng
mga pangatnig na nagpapahayag ng bunga o
tinatawag na panlinaw: kaya/ kaya naman, kung kaya,
bunga nito/ng, sa gayon, sa ganitong dahilan.
Ang paggamit ng ugnayang sanhi at bunga ay higit
na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung
bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang
naging epekto nito. Upang mas madaling maunawaan
ang uganayang ito, mas mainam na gamitan ito ng
dayagram. Ang dayagram ay isang paglalarawan o
drawing para maipakita ang presentasyon o ugnayan sa
pagitan ng mga bahagi ng isang sistema. Halimbawa ay
Venn Diagram, Fishbone Diagram, Tree Diagram,
Flowchart at marami pang iba.

MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang sanhi at bunga
gayundin ang pangatnig na ginamit sa mga
pangungusap sa ibaba.
1. Nag-aral ng mabuti si Alex kaya matataas ang marka
niya sa pagsusulit.
2. May sugat si Lani kaya iyak siya ng iyak.
3. Bumaha sa EDSA dahil sa malakas na ulan.
4. Dinala sa ospital si Sam sapagkat mataas ang kanyang
lagnat.
5. Hindi siya kumain ng almusal kaya sumasakit ang
kanyang tiyan.

SANHI BUNGA

PANGATNIG

PAGSASANAY 2
Gamit ang tsart, piliin sa ibaba ang wastong parirala
na bubuo sa ugnayang sanhi at bunga.
Sanhi Bunga
1. kaya mababa ang
kanyang marka
Palaging nagtutulungan 2.
ang pamilya ni Mang Luis
Huwarang mag-aaral si 3.
Pedro
4. kaya napunit ito.
5. nasisiyahan ang mga
magulang ni Lito sa kanya.
 Dahil mabuti siyang anak
 kaya nakakaraos sila
 Nagsawalang bahala si Beth sa pagsususlit
 kung kaya pinarangalan siya
 Pinabayaan ni Annie na paglaruan ng kanyang aso
ang kanyang aklat

PAGSASANAY 3
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Gamit ang
Fishbone Diagram tukuyin ang Sanhi at Bunga. Isulat ang
inyong sagot sa dayagram.
1. Lumawak ang kaalaman ni Pablo dahil sa
pagbabasa niya ng sari-saring aklat.

2. Unti-unting naglalaho ang mga isda at iba pang


lamang dagat dahil sa polusyon.

3. Nakatulog ng mahimbing ang guwardiya ng grocery


store kaya nakapasok ang mga magnanakaw.

4. Laging napaglilipasan ng gutom si Rona kaya


nagkasakit siya.
5. Naging marumi ang ilog dahil tinambakan ito ng
mga basura ng tao.

SANHI
1 2 3 4 5
1 1 1 1

. . . . .

. . . .

BUNGA

PAGLALAHAT

Punan ng tamang salita ang bawat pangungusap upang


mabuo ang ibig ipakahulugan ng bawat
pangungusap.Piliin ang sagot sa kahong nasa ibaba.

pananhi Bunga
Dayagram
Sanhi panlinaw

1. Ang _____ ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng


isang pangyayari..
2. Ang _____ ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari.
3. Ginagamitan ang sanhi ng pangatnig na
nagpapahayag ng sanhi o tinatawag na ______.
4. Ginagamitan naman ang bunga ng pangatnig na
nagpapahayag ng bunga o tinatawag na ______.
5. Ang ________ ay isang paglalarawan o drawing para
maipakita ang presentasyon o ugnayan sa pagitan ng
mga bahagi ng isang sistema.

PAGPAPAHALAGA

Lagyan ng tsek (/) kung tama ang ugnayang sanhi at


bunga at ekis (X)kung mali.
__1.Palaging nalilipasan ng gutom si Marie kaya sumigla
ang kanyang katawan.
__2.Laging nahuhuli sa pagpasok sa klase si David kaya
pinuri siya ng kanyang guro.
__3.Madalas magsunog ng kilay si Lina dahil dito,
matataas ang kanyang marka.
__4.Nahulog si Efren sa kanal dahil hindi niya tinitignan
ang kanyang dinaraanan.
__5.Masaya si Aling Mila sapagkat suwail ang kanyang
mga anak.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin saibaba ang angkop na sanhi at bunga upang


mabuo ang pangungusap sa bawat bilang na nasa tsart.
SANHI BUNGA

1. Sapagkat matindi ang


sikat ng araw
2. bumalik siya sa bahay.
3. kaya napatigil siya sa daan.
4. Dahil basa ang sahig
5. Naiwan na nakabukas
ang gate

a. kaya nakalabas ang tuta


b. agad na natuyo ang mga damit sa sampayan
c. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Ling
d. nadulas at nasaktan si Aurora
e. dahil nakalimutan ni Esme ang kanyang I.D.
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Pagsasanay 3


1. c 1. Sanhi: Dahil sa pagbabasa niya ng
sari-saring aklat
Bunga: lumawak ang kaalaman ni
Pablo
2. a 2. Sanhi: Dahil sa polusyon
Bunga: unti-unting naglalaho ang
mga isda at iba pang lamang
dagat
3. e 3. Sanhi: Nakatulog ng mahimbing
ang guwardiya ng grocery store
Bunga: kaya nakapasok ang mga
magnanakaw
4. d 4. Sanhi: Laging napaglilipasan ng
gutom si Rona
Bunga: kaya nagkasakit siya
5. b 5. Sanhi: dahil tinambakan ito ng mga
basura ng tao
Bunga: nagging marumi ang ilog
Balik-Aral Paglalahat
1. simuno 1. sanhi
2. panaguri 2. bunga
3. simuno 3. pananhi
4. panaguri 4. panlinaw
5. simuno 5. dayagram
Pagsasanay 1 Pagpapahalaga
1. Sanhi: Nag-aral ng mabuti si Alex 1. X
Pangatnig: kaya
Bunga: matataas ang marka niya sa pagsusulit.
2. Sanhi: May sugat si Lani 2.X
Pangatnig: kaya
Bunga: iyak siya ng iyak
3. 3. Sanhi: malakas na ulan 3./
Pangatnig: dahil sa
Bunga: bumaha sa EDSA
4. Sanhi: mataas ang kanyang lagnat 4. /
Pangatnig: sapagkat
Bunga: dinala ospital si Sam
5. Sanhi: Hindi siya kumain ng almusal 5.X
Pangatnig: kaya
Bunga: sumasakit ang kaniyang tiyan
Pagsasanay 2 Panapos na Pagsubok
1. Nagsawalang bahala si Beth sa 1. b
pagsusulit
2. kaya nakaraos sila 2. e
3. kung kaya pinarangalan siya 3. c
4. Pinabayaan ni Annie na paglaruan 4. d
ng kanyang aso ang kanyang aklat

5. Dahil mabuti siyang anak 5. a


ARALIN
1. Ang pangunahing tauhan sa kuwento ay ang batang pulubi.
2. Ang kaniyang hinahanap ay plastic na baso at pagkain.
3. Naging palaboy ang bata sapagkat maaga siyang naulila sa mga
magulang.
4. Ang mga magulang ang nagbibigay sa atin ng gabay at pagmamahal.
5. Tutulungan ko po sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at inumin.

Sanggunian
A. Aklat
Alab Filipino-Ikalimang Baitang
Vibal Group, Inc. 2016
ISBN: 978-971-07-3886-1
B. Online o Elektronikang Pinagmulan
https://www.google.com.ph

You might also like