Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS

GRADE 4 ARTS – WEEK 6


ARALIN 6: PAGBUO NG ISANG DISENYO GAMIT ANG TRADISYON NG
PAGLALALA SA PILIPINAS
INAASAHAN:
1.Natutukoy at naipapakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng disenyo sa paglala.
2.Napahahalagan ang lokal na kultura at tradisyon ng paglala sa Pilipinas.
3.Naibabahagi ang talento sa paglalala, at nakakagawa ng mga bagay na kapakipakinabang.

Pumili sa kahon ng mga kagamitan na maaaring gamitin sa pagbuo ng placemat. Biilugan ang
tamang sagot.

buri nylon dahon ng niyog tsinelas gunting baso

Ang paglala ay bahagi ng tradisyong Pilipino. Ito ay isang uri ng sining na nagpapakilala
at nagpapatanyag sa ibat-ibang rehiyon sa Pilipinas.Dito naipapakita ang pagiging malikhain.
Ang paglalala ay isang paraan pagsasalit salit ng materyal gaya ng buli o pira-pirasong
papel na inaanyo pahaba at pabalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo. Ang
paglala ng banig ay kahalintulad din ng iba’t ibang sining na may pag kakaiba ng kulay,
materyales at disenyo. Karaniwang gawa sa dahon ng buri ang banig ng mga taga Samal at
Sulu.
Paggawa ng Banig na Papel
Kagamitan: magasin, gunting at pandikit
Hakbang Sa Paggawa
1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw (light) na kulay.
2. Pagdikit-dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso ng papel habang naglalala.
3. Upang maipantay ang paggupit sa papel maaaring gumawa ng patnubay na linya ang mga
bahaging gugupitin.
4. Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga kagamitan. Sundin ang sumusunod na
hakbang:

a. Gupitin ang papel na lalalahin.

b. Gawing mahaba at makitid ang mga piraso ng papel.


Maaaring isa o dalawang sintemetro ang lapad bawat isa.
c. Lalahin nang salitan ang mga papel.
d. Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong
papel pagkatapos ng paglalala.
e. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na
pinagagawaan.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
GRADE 4 ARTS – WEEK 6
__________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin ang mga hakbang sa paglalala at gumawa ng tissue holder na gawa sa banig
gamit ang buri o anumang lokal na materyales na ginagamit sa paglala. Maaari na ang
gagawing paglala ay gagamit ng magazine o colored paper.
Paalala: Maging maingat sa paggamit ng gunting at iba pang matutulis na bagay.
Kagamitan: dahon ng niyog o buri o anumang lokal na materyales na maaring gamitin sa
paglalala, gunting, kahon ng sapatos at pandikit.
Mga Hakbang sa Paggawa
1. Ihanda ang mga linas (strip) ng dahon ng buri o niyog na gagamitin sa paglalala.
2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas (strip) na naging pusod ng banig.
3. Tupiin ang isang linas at isiningit ang isang linas nang pasalit-salit sa dalawang linas.
4. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo at lapad.
5. Gupitin ang sobrang buli sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
6. Idikit sa kahon ng sapatos ang nilalang banig para gawing Tissue Holder at mabuo ang
isang likhang sining.
7. Iligpit ang mga materyales na hindi ginamit at linisin ang lugar na pinaggamitan.
Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan nang pamantayan subalit nakasunod
higit sa inaasahan may ilang sa
(3) pagkukulang pamantayan
(2) (1)
Naisagawa ko ang disenyong
nais bilang batayan sa paglala
ng banig.
Nakagawa ako ang disenyo
batay sa mga disenyong
napag-aralan.
Naisagawa ko ng buong husay
at malinis ang Tissue Holder
na gawa sa banig.
Kabuuan

Learning material Mapeh 4, Ikaapat na Markahan sa pahina 254-266.


Teachers Guide in ARTS 4
GAWAIN 1
Ang iskor o marka ng magaaral ay nakabatay
sa rubriks.
BALIK TANAW PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Buri 1. X 4. X
Dahon ng niyog 2. / 5. /
gunting 3. /

(This is a Government Property. Not For Sale.)


2

You might also like