Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Samakatuwid, ang mga mananaliksik ay naniniwalang ang mga bansang Myanmar, Liberia at Pilipinas, na

kabilang sa mga tinaguriang “third world countries”, ay humaharap sa mga magkakamukhang suliranin
kaugnay ng pananaliksik na pinamagatang MGA SULIRANIN SA ASYA AT AFRICA NA MAY RELASYON SA
KASAYSAYAN NG PILIPINAS: ISANG PAGSUSURI patungkol sa dalawang dokyumentaryong tumatalakay sa
ilang mga sukiraning hinaharap ng mga nasabing bansa.

Ilan sa mga suliraning kinakaharap ng Pilipinas, Liberia, at Myanmar ay ang kahirapan, diskriminasyon sa
mga etnikong pangkat at maruming kapaligiran. Ang mga ito ay naging salik sa pag-usbong ng mga mas
malalang problema katulad ng paglaganap ng “Ebola virus” sa Liberia at karahasan at pagmamalupit ng
militar ng Myanmar sa pangkat etnikong Rohingyan. Sa katunayan, may pagkakahawig ang mga ito sa
mga nagdaang kaganapan sa ating bayan katulad ng paglaganp ng “Bird Flu” at pagpatay sa mga Lumad.
Dagdag pa rito ang mistulang pagkakapare-pareho ng mga bansa sa ilang aspetong politikal. Laganap ang
kurapsyon sa myanmar kung kaya't nahihirapan ang mga mamamayan na magtiwala sa kanilang
pamahalaan. Ang ilang mga mamamayan ng South Africa ay naniniwala pa din na ang Ebola virus ay
nilikha lamang ng mga politiko upang mas mapadali ang pagkontrol ng gobyerno sa kanila bilang
mamamayan, ito ay sa kabila ng kaliwa't kanang kaso ng naturang sakit. Ganito na kalala ang bahid sa
gobyerno kung kaya't mismong mga mamamayan na ang lumalayo at tila naglalagay ng pader sa pagitan
nila at ng pamahalaan. Makikita ang ganitong senaryo ng hindi na magtiwala ang ilan sa mga Pilipino sa
bakunang ibinibigay ng gobyerno matapos ang malaking kontobersya sa Dengvaxia.

Higit pa rito, sinasalamin din mga kaganapang ito ang paghihirap ng marami pang bansang kabilang sa
“third world countries” na kinapapalooban ng Pilipinas. Ang ating bansa, katulad ng mga nasabing
nasyon, ay patuloy na sumasailalim sa mga mabibigat na suliraning tulad ng kahirapan, polusyon,
korapsyon, diskriminasyon at marami pa, na maliwanag na hindi nalalayo sa iba pang kapangkat na
bayan. Pare-pareho tayong nagiging biktima ng kapabayaan at kawalang-bahala hindi lamang ng
gobyerno ngunit parte din ang ating mga sarili. gayunpaman, hindi makatarungan na lahat ng
kabaluktutan ng sistema ay isisisi sa mga taong namamahala sa ating komunidad, bilang kabahagi ng
kapaligirang ginagalawan, tayo bilang tao ay may responsibiliad din na ginagampan dito.

Sa wakas, ang mga mananaliksik ay naniniwalang magkakaiba man ang kultura at topograpiya ng mga
nasabing bansa, ito ay may kaugnayan pa rin sa kasaysayan ng Pilipinas.

You might also like