Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Peter St.

, Zone III, Socorro, Oriental Mindoro 5207,


Philippines

“Parochial Schools: Evangelized and Evangelizing Communities where Minds and Heart meets”

KPUP ASSESSMENT I
FILIPINO 9

Name: Grade & Section:


Subject Teacher: MS. SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO Date:_________________________
Learner’s Reference No.:
I. KNOWLEDGE
A. MULTIPLE CHOICES
PANUTO: Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang sumusunod ay halimbawa ng tao vs. sarili, maliban sa_____________.
A. bagyo B. selos C. inggit D. kawalan ng tiwala
_____2. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
A. tulang pag-ibig B. tulang pangkalikasan C. tulang pastoral D. tulang makabayan
_____3. Ang ganitong uri ng tula ay punumpuno ng damdamin, tumutukoy sa pagmamahalan ng dalawang magsing-irog.
A. tulang pag-ibig B. tulang pangkalikasan C. tulang pastoral D. tulang makabayan
_____4. Anong uri ng akdang pampanitikan ang sikat na akdang “Takipsilim sa Dyakarta”.
A. nobela B. alamat C. dula D. maikling kwento
_____5. Akdang pampanitikan na binubuo ng maraming tauhan, maraming tagpuan at masalimuot na mangyayari.
A. nobela B. maikling kwento C. tula D. dula
_____6. Ito ang tunggalian sa pagitan ng tao laban sa mga elemento at pwersa sa kalikasan.
A. tao laban sa tao B. tao laban sa kalikasan C. tao laban sa sarili D.tao laban sa lipunan
_____7. Ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng kanyang kapwa.
A. tao laban sa tao B. tao laban sa kalikasan C. tao laban sa sarili D.tao laban sa lipunan
_____8. Tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita.
A. denotasyon B. diksyunaryo C. konotasyon D.opinyon
_____9. Tumutukoy sa pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa
karaniwang kahulugan.
A. denotasyon B. diksyunaryo C. konotasyon D.opinyon
_____10. Akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay
A. nobela B. maikling kwento C. tula D. dula

B. OPINYON/KATOTOHANAN
PANUTO: Isulat sa patlang ang O kung ang pangungusap ay nagsasaad ng opinyon at K naman kung katotohanan.
_____11. Sadyang mahigpit ang pagkakabigkis ng pamilyang Pilipino.
_____12. Ang Dekada ’70 ay isang nobela na sinulat ni Lualhati Bautista.
_____13. Ang Sahara ang isang malawak na disyerto sa Africa.
_____14. Talagang masarap ang Adobo ng mga Pinoy.
_____15. Lubos kong pinaniniwalaan na walang taong maghihirap kapag nagsusumikap.

C. MATCHING TYPE
PANUTO: Kilalanin ang emosyon o damdaming ipinapahayag ng sumusunod na mga pangungusap. Pillin ang titik ng tamang sagot sa
kabilang hanay.
__________16. Salamat sa ginawa ninyong pagmamalasakit sa a. Pagkagalit
kababaihan. b. Pagkatuwa
__________17. Sayang, kung alam ko lang na ganito ang tingin c. Pagtatampo
nila sa amin, di na sana ako umalis ng bansa. d. Panghihinayang
__________18. Bakit hindi mo naman ako tinulungan sa gawain eh e. Pasasalamat
wala ka namang ginagawa? f. Paghihinagpis
__________19. Wow, ngayon ko napatunayang iba ang mga
babaeng Pilipino sa mundo!
__________20. Grabe, di ko mapapatawad ang ginawa mong
pananakit sa akin!

II. PROCESS
A. FILL IN THE BLANKS
PANUTO: Suriin ang mga salita sa pamamagitan ng pagkompleto sa talahanayan. Isulat ang sagot sa bawat bilang.
Salita Salitang-ugat Kahulugan Kasalungat

Katiyakan Tiyak (21)_______________ (22)_______________

Lakbayin (23)________________ libutin (24)__________________

Naghihinala (25)________________ (26)___________________ tiwala

B. WASTONG GAMIT NG SALITA


PANUTO:  Piliin at bilugan ang wastong salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

27. Ang tumatakbo (ng, nang) matulin kung matinik ay malalim


28. Ang palad (ng, nang) mayayaman ay tila napakanipis.
29. (Pahiran, Pahirin) mo ang dumi sa sahig.
30. Hahara- hara sa (pinto, pintuan) si Caloy kung kaya nabangga si Pao.
31-32. (Walisin, Walisan) natin ang dumi sa sahig. Bukas (walisin, walisan) mo ang hardin dahil may mga bisitang darating.

III. UNDERSTANDING

A. MULTIPLE CHOICE
PANUTO:  Bilugan ang titik ng iyong hinuha para sa bawat pangyayaring nakalahad.

______33. Nang dapithapong iyon, puno-puno ang restawran. Dumating ang isang bagong-bagong Cadillac na pulang-pula ang kulay,
naghahanap ng mapaparadahan ngunit okupado lahat ang mga paradahan sa bangketa. Mahihinuha mula sa sitwasyong ito na:
a. Maliit lang ang paradahan ng restawran.
b. Sikat at dinarayo ang restawran na ito kaya’t laging maraming parokyano.
c. Gusto ng may-ari na sa bangketa lang iparada ang bagong sasakyan para mas marami ang makakita.
d. Ang sasakyan ay bagong bago kaya ayaw itabi ng may-ari sa mga lumang sasakyan.
_____34. Umorder ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista sa menu sa tapat ng pangalan ng mga
pagkain at inumin. Mahihinuha mula sa sitwasyong ito na:
a. Alam na niya ang mga presyo ng pagkain sa menu.
b. Suki siya ng restawran kaya’t sanay na siya rito.
c. Wala siyang balak umorder ng maraming pagkain.
d. Hindi problema sa kanya kung magkano man ang halaga ng mga pagkain sa menu.
_____35. Kusang himihinto ang kabayo kapag may pumaparang pasahero, at magigising ang kutsero sa biglang paghinto. O kaya kapag
pinapatigil ng pulis trapiko ang mga sasakyan. Mahihinuha mula sa sitwasyong ito na:
a. Matagal nang ginagawa ng kabayo ang ganito kaya alam na niya ang routine sa bawat biyahe.
b. May mahika o hiwaga si Pak Idjo kaya’t nag-iisip tao ang kanyang kabayo.
c. Guni guni lang ni Pak Idjo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa husay na taglay ng kanyang kabayo.
d. Nagawa-gawaan lang si Pak-idjo ng kwento para paniwalaan siya ng mga tao.
_____36. Nagpapalipat-lipat ang tingin ng pulis kay Pak Idjo, kay Raden Kaslan at kay Fatma, na mukhang napakarangya.
a. Tinitingnan ng pulis kung sino ang nagsasabi ng totoo.
b. Nalilito ang pulis kung paano lulutasin ang suliraninng kinasasangkutan ng tatlo.
c. Nais pumanig ng pulis kayna Raden Kaslan dahil alam niyang may pera ang mga ito.
d. Tumitingin ang pulis ng ebidensyang magdidiin sa may kasalanan.
_____37. Binalingan ni Raden Kaslan ang pulis, itinaas ang kamay at nagsalitang parang mawawalan ng bait. “Anong gagawin mo sa
ganitong kaso, Inspektor? Sinong magbabayad sa akin? Sinong may kasalanan?”
a. Desperado si Raden dahil alam niyang wala siyang mahihita sa usapan at hindi siya kayang bayaran ni Pak Idjo, pigain man niya
ito.
b. Gusto ni Raden na ang pulis na lang ang magpaluwal sa kinakailangang kabayaran para sa nasira.
c. Gusto ni Rden na parusahan ng pulis si Pak Idjo dahil sa nagawa nitong kasalanan na nagresulta sa pagkakasira ng kanyang
sasakyan.
d. Desperado si Raden dahil alam niyang maaawa ang pulis kay Pak Idjo at hindi na ito pagbabayarin sa pagkakasala.

Sa mga pangyayaring walang katiyakan,


Kung saan ang tao’y naghihinala’t tuwina’y may agam-agam
_____38. Mula sa tulang Puting Kalapati, Libutin Iyong Sandaigdigan ni Usman Awang (malayang isinalin ni A.B Julian) Ano ang
damdaming ipinapakita sa tula?
A. mapanlinlang B. pag-asa C. walang katiyakan D. sigurado
_____39. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw,
Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw…”
Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng _______.
A. pagdurusa B. kalutasan C. kaligayahan D. kalungkutan
_____40. “Nang Tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay”. Batay sa pahayag, ano ang karanasang dinanas
ng nagsasalaysay?
A. malaya B. walang kalayaan C. masaya D. takot

“Kung iniisip mong kaya mo ay kakayanin mo. Walang mahirap na bagay sa taong positibo ang pananaw.”
- G. Giluel E. Basierto

You might also like