Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Week 1

Gawain sa pagkatuto 1:
Virtue of Wheel
Matulungan – Tumutulong sa nangangailangan.
Mapag tiis – Nag titiis sa hirap ng buhay.
Mapagbigay – nag bibigay sa mga taong nangangailangan.
Mapag unawa – inuunawa ang mga bagay sa paligid pati narin ang mga emosyon ng
mga taong nakapaligid.
Masunurin – sumusunod sa mga utos, at itinakdang gawain.
Mapag tiwala – nagtitiwala sa mga taong naka paligid.
Mapag timpi – nagtitimpi sa mga taong nakaka sira ng araw mo.

Gawain sa pagkatuto 2: Mga katangian na aking taglay – Paano nakakatulong


1. Pag bibigay ng donasyon sa mga taong nasalanta ng bagyo - pagtulong sa mga
nangangailangan.
2. Pagsasabi ng totoo - nalalaman ang kahalagaan ng katotohanan.
3. Sinasabi kung ano ang tama sa mali - makakatulong ito upang maging isang
mabuting tao.
Gawain sa pagkatuto 2: Pagpapahalaga – Birtud
-Pagpapahalaga sa pangaral nang aking mga magulang-birtud ng PAG UNAWA
-Paggamit nang aking talento sa pagguhit-birtud ng SINING
-Pagharap sa mga pagsubok sa buhay-birtud ng KATATAGAN
-Pagsasabi nang katotohanan-birtud ng KATARUNGAN

1. Ang birtud ay mula sa salitang Latin na virtus na ang ibig sabihin ay pagiging tao,
pagiging matatag, at pagiging malakas. Ito ay nararapat lamang sa tao. Ito ay
laging nakaugnay sa pag – iisip at pagkilos ng tao. Ito ay hindi taglay ng tao sa
kaniyang kapanganakan.
2. Ang birtud ay nalilinang sa tao sa pamamagitan ng gawi. Ang gawi ang unang
hakbang sa paglinang ng mga birtud sapagkat ito ay ang paulit – ulit na
pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos. Makakamit lamang ito kung
lalakipan ng pagsisikap. Ayon kay Aristotle, kailangang gumawa ang tao ng
makatarungang kilos dahil sa pamamagitan nila magiging makatarungan ang
tao. Mahalagang malinang ang mabuting gawi upang masanay ang tao sa
paggawa ng mabuting kilos.
3. Mahalagang taglayin ito ng isang tao upang maging tunay na maligaya. Ang
pagiging kontento ay ang pagiging masaya sa mga bagay na tinataglay mo na.
Makakaiwas ka sa pagiging mainggitin o paghahangad ng mga di-
kinakakilangang mga bagay. Kapg simple ang pamumuhay, mararanasan mo
ang ang panatag na pamumuhay.
Gawain sa pagkatuto 3
Lasapin mo ang kasarapan ng pagiging bata. Isantabi ang mga problemang sanhi ng
kung anu-anong dahilan. Oo, may mga sugat na kailangan tayo mismo ang gumawa ng
paraan upang hulasan ito, kahit na tayo’y musmos pa, pero tulad ng isang sugat,
hihilom din ito sa takdang panaho.

Week 3 – 4
Gawain sa pagkatuto 1
1. A. Pagkain – Dahil nasa gitna parin tayo ng pandemya, ang pagkain ang pinaka
mahalagang kailangan ng tao.
2. B. Kaibigan/ Barkada - dahil sa panahon ngayon delikado na ang sumama sa
barkada. dahil pwede kang ipahamak dahil pwede ka nilang yayain sa maling
gawain.

3. Ang natuklasan ko sa aking pagpapahalaga ay dapat lahat ng bagay ay ingatan


at pahalagahan dahil para din ito sa ating kabutihan.
4. Masaya at kampante. dahil natuto akong pahalagahan at ingatan yung
pinahahalagahan ko.

Gawain sa pagkatuto 2

1.Oo.Dahil nag iisa lamang ang ating pinapahalagahan at yun ay walang iba kundi si
lord dahil pwede tayong makipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng pagdadasal at
pagpapasalamat.

2.Natuklasan ko na mas mahalaga ang diyos sa lahat ng bahay dahil sya lang namang
ang nag iisa nating tagapaglikha.

3.Masaya.Dahil nagagawa ko ito ng maayos

Week 5 – 6

Gawain sa pagkatuto 1
1. Kailangan ko mangarap upang mas lalo ko matupad ang aking gustong marating
sa buhay.
2. Ang ibig sabihin ay mag sisimula ka muna sa una at pag makakamit mo rin ito
pag ikaw ay nag sikap
3. Ang hamon nito ay madami, dahil sila ay walang tiwala sa sarili nila na sa balang
araw ay sa tingin nila hindi nila matutupad ang mga pangarap nila.
4. Oo, dahil ibig sabihin nito ay pakinggan natin ang ating sariling saloobin o ang
gusto natin makamit sa buhay.
5. Ang ibig sabihin naman nito ay kahit ito ay panaginip lamang ay hindi ibig sabihin
hindi mo mararating ang gusto mo.

Gawain sa pagkatuto 3

‘’PAGSISIKAP PARA SA TAGUMPAY’’

Nais kong magsikap

Upang matupad aking pangarap

Ngunit tila sagabal aking kalagayan

Dahil sa dinaramdam na kahirapan

Akoy isang simpleng mamamayan

Ang bahay ay nsa tabi ng daan

Bahay ay kay liit at laging siksikan

Kahit aking mga magulang sakiy walang pampaaral

Akoy patuloy at patuloy na mag aaral

Papasok sa umaga sa paaralan

At sa gabi naman ay sa tindahan

Sa paaralan akoy laging kinukutya

Sapagkat ako raw ay hampas lupa

Kahit masakit wika nilay diko pinansin

Tanging nasa isip aking pag aaral ay pagbubutihin

At ng dumating araw na inaasam

Sobrang kagalakan aking pakiramdam


Salamat aking mga magulang sa patuloy na paggabay

Sapagkat ito na ng diplomang pinakahinihintay

Na ang aking pagsisikap ay magbunga ng tagumpay

Kayo aking mga magulang ang naging inspirasyon

Upang makamit tagumpay ng tamang panahon

Sertipiko at diploma sa inyo iniaalay

Mahal ko kayo habang akoy nabubuhay

Para sa inyo aking tagumpay

Week 7 – 8

Gawain sa pagkatuto 3

2. KAKAYAHAN

Ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao. Ito ay makakatulong sa isa na magawa o


matapos ang mga gawain na may kaugnayan sa mithiin ng isang tao.

KAHINAAN

Kung ang mga tao ay may kakayahan, mayroon din naman itong kahinaan. At dahil
dito, nagkakaroon ang damdamin ang isa na sumuko na lamang at huwag ng tuparin
ang mga pangarap o mithiin. Ito ang magtatak sa isip ng isa ng salitang “Hindi ko kaya”.
Sa kabilang banda naman, maaari rin itong maging daan upang magsikap ang isa, ang
kanyang sarili para patibayin at maabot ang kanyang mithiin.

PAGPAPAHALAGA

Kapag ang isa ay nagpapahalaga sa mga mithiin na nais abutin, nagbibigay siya ng
pansin rito at pinananatili nyang positibo ang kanyang sarili sa kabila ng mga hadlang
na mangyayari at dahil dito mas napagpapatibay na maabot ang mga tunguhin sa
buhay.

HILIG O INTERES

Kapag ang isa ay interesado sa kanyang ginagawa at hilig nya ito, makatutulong ito sa
pagabot ng kanyang mithiin. Sapagkat kapag ang isang bagay ay hilig ng isa na gawin,
nagiging kumportable sya at hindi nagiging pabigat ang mga pangarap niya sa kanya.
Ang pag-abot sa mga tunguhin sa buhay ay mahirap gawin. Pero kung magkakaroon ng
pagsisikap at magiging positibo ang isa, lalo na at taglay ang pagkakaroon ng
kakayahan, pagpapahalaga, at interes, sigurado, ito ay makakamtan ng bawat isa.

3 . Oo , malaki ang ginagampanang papel nito sa pagkamit ng mithiin sa buhay.

Ang kaalaman ang tutulong sa isang tao upang mahusay itong gumawa, at ang
kanyang kakayahan ay higit na mahasa at malinang. At habang nalilinang ang
kakayahan, ang mga kahinaan naman ay unti-unting mabago tungo sa mahusay na
paggawa.

Dahil sa kaalaman, ang pagpapahalaga at hilig sa mga bagay-bagay na gusto mo ay


lalo mong lilinangin at pahuhusayin pa ng higit.

4 . Ang isang mahalaga ay ang pagkakaroon ng feasiblity study. Ano ito? Hindi mo
kailangang maging isang bihasang analyst upang magawa mo ito. Sa simpleng
pananalita, ang feasibility study ay ang paraan upang matiyak kung praktikal pa ba na
gawin ang isang plano o ang mismong pamamaraan.

Sa pinipiling mong karera o negosyo, magtanong kung ang posibilidad na makakuha ka


ng trabaho na inaasahan mo pagkatapos pa ng ilang panahon na matapos mo ang
kurso. Paano kung napakarami ng mga katulad mo at iilan na lamang ang suplay ng
trabaho? Di ba’t katalinuhang pumili ng isang kurso na in demand hindi ngayon, kundi
sa panahong mayroon ka ng sertipiko o bihasa ka na.

You might also like