Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KASANAYAN SA PAGKATUTO

ARALING PANLIPUNAN 2
Quarter 3 Week 5

Pangalan_________________________________Baitang_________________
Paaralan__________________________________Petsa______________Iskor_________

GAWAING PAGKATUTO

I. KASANAYANG PAGKATUTO
Natatalakay ang konsepto ng pamamahala at pamahalaan.

II. PANIMULA ( Susing Konsepto)


Ang bawat pamayanan ay mayroong pinipili at kinikilalang pinuno:
Ang pamumuno o pamamahala ay pambihirang karapatan at mahalagang katungkulan. Ang
pinuno ang nagunguna at nangangasiwa sa gawaing itinakda ng isang pangkat ,samahan o kalipunan
ng mga tao.Ang mga namumuno ay pinipili sa pamamagitan ng isang halalan.
Ang kaunlaran at katahimikan ng isang komunidad ay nakabatay sa uri ng paglilingkod na
nakaatang sa isang pamahalaan.
Dapat taglayin ng isang pinuno ang katangian ng pagiging maka-Diyos, makatao , makabansa
at makakalikasan.
Ang tagumpay ng pamumuno sa isang komunidad ay nakasalalay sa talino at kaahusayan ng
pinuno nito sa pamamahala. Kailangang marunong siyang makiisa at makisalamuha sa bawat
naninirahan dito.
Kailangan din ang pakikipagtulungan ng mamamayan upang maging matagumpay ang mga
proyekto ng isang komunidad, organisasyon, o samahan.
III. MGA GAWAIN
a. Panuto: Gumuhit ng isang masayang mukha kung ang sinabi sa bawat pangungusap ay
tama, isang malungkot na mukha kung ito ay mali.

______1. Mayroong kinikilalang pinuno ang isang pangkat.


______2. Inuutusan lamang ng pinuno ang kanyang mga kasapi
______3. Tungkulin ng pamahalaan ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan
______4. Tutulong sa kanyang mga kasapi ang isang mabuting pinuno.
______5. Pinanatili ng pamahalaan ang kapayapaan, kaayusan at katahimikan.

b. Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot


1. Sino ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas?
a. Benigno S. Aquino III
b. Gloria M. Arroyo
c. Joseph E. Estrada
d. Rodrigo R. Duterte
2. Sa iyong barangay, sino ang gumagawa ng batas?
a. Bise Mayor
b. Kapitan
c. Konseho
d. Mayor
3. Bakit kinakailangan ang isang lider sa komunidad?
a. Ang pagpili ng lider ay kailangan para sa kaunlaran
b. Ang lider ang nangungun sa mga kasapi sa lahat ng Gawain
c. Mahalaga an glider para sa kaligtasan , kaayusan, at katahimikan ng pamayanan o samahan
d. Kinakailangan na ang lider ang mangunguna sa pagpapakita ng magandang katangian upang
tularan ng mga miyembro
4. Isaayos ang sumusunod na mga opisyales mula sa may pinakamataas hanggang sa pinakababang
katungkulan.
I. Mayor
II. Sangguniang Panglungsod
III. Bise Mayor
IV. Kapitan
a. I,II,III,IV
b. II, III, IV, I
c. I, III, II, IV
d. II, III,I, IV
5. Sino ang kinikilalang pinuno ng iyong barangay?
a. Gobernador
b. Kapitan
c. Konsehal
d. Mayor

IV. REPLEKSYON
Panuto: Tapusin ang pangungusap
Kailangan ng isang komunidad ang isang mabuting pinuno upang
_______________________________________________________________

________________________________________________________________.

Inihanda ni :

GEMIMA A. AMORADO
DUMPILAS ELEMENTARY SCHOOL

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

SUSI SA PAGWAWASTO:
A
1.
2.

3.

4.

5.

B
. 1. D
2.C
3 .C
4 .C
5.B

You might also like