Q4 Las

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI - Kanlurang Visayas
JARO NATIONAL HIGH SCHOOL
Fajardo Ext., Jaro Iloilo City

FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan
Karagdagang Kagamitan sa Pagkatuto

“ANG IBONG ADARNA”

IKAAPAT NA MARKAHAN
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Ang Paglaganap ng Korido sa Panahon ng mga Espanyol

 Marso 16, 1521, dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna ni Ferdinand Magellan.
 1561, dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa bansa at nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu.
 Layunin ng mga Espanyol sa kanilang pananakop ay ang sumusunod:
- Una, upang palaganapin ang katolisismo;
- Ikalawa, ang pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop na mga bansa;
- Ikatlo, ang paghahanap ng mga pampalasa, masaganang likas-yaman, at mga hilaw na materyales upang
matustusan ang kanilang mga pangangailangang pang-ekspedisyon.
 Ayon kay Jose Villa Panganiban, et al (Panitikan ng Pilipinas), may tatlong katangian ang panitikan sa panahon ng mga
Espanyol:
- May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan,
komedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-wika.
- Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
- Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong Espanyol.
 Ang tulang romansa ang pinakatanyag na uri ng panitikan na nagbibigay-halaga sa diwa ng Kristiyanismo. Ito ay may
dalawang anyo – ang “awit” at ang “korido”. Ang mga ito ay nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o sa
isang santo. Pumapatungkol din ito sa pakikipagsapalaran at kabayanihan, kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa, at
mga Maharlika. Ang pangunahing tauhan ang siyang laging nagtatagumpay dahil sa mataimtim niyang pananalig at
matiyagang pagtawag sa Diyos.
 Ayon kay Arthur Casanova (Panitikang Pilipino), ang awit at korido ay maaaring uriin gamit ang sumusunod na pamantayan:

Pagkakaiba ng Awit at Korido


Pamantayan Awit Korido
Binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludtod, Binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang taludtod, at
Batay sa Anyo
apat na taludtod sa isang saknong. apat na taludtod sa isang saknong.
Musika Ang himig ay mabagal o “andante” Ang himig ay mabilis o “allegro”
Paksa Tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng Tungkol sa pananampalataya, alamat at
buhay kababalaghan
Katangian ng mga Tauhan Ang mga tauhan ay walang taglay na Ang mga tauhan ay may kapangyarihang
kapangyarihang supernatural ngunit siya ay supernatural o kakayahang magsagawa ng mga
nahaharap din sa pakikipagsapalaran. Higit na kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao
makatotohanan o hango sa tunay na buhay.
Mga Halimbawa Florante at Laura, Pitong Infantes De Lara, Doce Ang Ibong Adarna, Kabayong Tabla, Ang Dama
Pares ng Pransya, Haring Patay Ines, Prinsipe Florinio

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

 Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino ang sumulat ng koridong “Ibong Adarna”
 Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hinango sa kuwentong-bayan mula sa mga
bansa sa Europa tulad ng Romania, Denmark, Austria, Alemanya at Finland.
 Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang ito, sinabi ng maraming kritikong umaangkop naman sa
kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito kung saan masasalamin sa akda ang natatanging kaugalian at
pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng mga sumusunod:
- Ang pagkakaroon ng matibay na pananampalatay sa Poong Maykapal
- Mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
- Paggalang sa mga nakakatanda
- Pagtulong sa mga nangangailangan
- Pagtanaw ng utang na loob
- Mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng mga kababaihan
- Pagkakaroon ng lakas ng loob sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay
 Ito ay kilala sapagkat bukod sa ang mga sipi nito ay ipinagbibili sa mga perya at karaniwang isinasagawa tuwing kapistahan
sa mga bayan-bayan, ito rin ay itinatanghal sa mga entabladong tulad ng Komedya at Moro-moro
 Ang pagsalin-saling pagsipi, ang mga sulat-kamay at maging ang mga nakalimbag na kopya ng akda ang dahilan kung bakit
nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa gamit at sa baybay ng mga salita.
 Si Marcelo P. Garcia (taong 1949) ay matiyaga at masusing pinag-aralan ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda particular ang
mga sukat at tugma ng bawat saknong at sa kasalukuyan, kanyang isinaayos na sipi ang karaniwang ginagamit sa mga
paaralan at palimbagan.

Mga Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna - Ito ay napakagandang ibon na may makulay at mahabang balahibo. Matatagpuan itong
nakadapo sa Puno ng Piedras Platas na nasa bundok ng Tabor. Ang ibon ay makapitong ulit
na nagpapalit ng kulay ng balahibo sa tuwing umaawit. Nagdudulot ng panibagong buhay
ang malamyos na tinig ng ibon.
- Ang butihing hari ng Kahariang Berbanya. Kinikilala bilang isang haring makatuwiran.
Haring Fernando
Makatarungan ang kanyang pamumuno dahilan upang higit na maunlad ang kaharian.

- Ang reyna ng kahariang Berbanya. Ang taglay niyang kabutihan sa puso ang nagtulak kay
Reyna Valeriana
Haring Farnando upang higit na maging makatarunagn sa paghahari.
- Ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay magiting na
Don Pedro mandirigma, may angking galing at talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng
korona ngunit namamayani ang kabuktutan ng puso.
- Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay sunud-sunuran sa
Don Diego panganay na kapatid kaya nalilihis ng landas, mahina ang kanyang loob at natatalo ng
kabuktutan ni Don Pedro.

- Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang pinakanatatangi sa
lahat dahil minana niya ang pagiging makatarungan at makatuwiran ng ama. Makisig,
Don Juan
matapang, at may mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok
Tabor at nakapagligtas sa kanyang dalawang kapatid.
- Ang mahiwagang matandang leproso o ketongin na humingi ng tulong at ng huling tinapay
Matandang Sugatan o ni Don Juan habang patungo siya sa Bundok ng Tabor. Siya ang nagsabi ng mga bagay na
Leproso dapat gawin ni Don Juan sa pagdating niya sa Bundok Tabor.

- Ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang tumulong kay
Ermitanyo
Don Juan upang mahuli ang mailap na Ibong Adarna.

Matandang Lalaking - Ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang
Uugod-ugod pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.

- Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang nagbabantay sa
Prinsesa Juana
prinsesa na kinailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga.

- Mabagsik, malakas, at malupit na tagabantay ni Donya Juana. Nakatakas lamang si Donya


Ang Higante
Juana mula sa pagiging bihag niya ng matalo at mapatay siya ni Don Juan.

- Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente. Nang
Prinsesa Leonora
makilala siya ni Don Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga.

- Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Nakipaglaban
Serpiyente
dito si Don Juan at nang matalo niya ang serpiyente ay nakalaya na si Donya Leonora.

- Ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya’y nahulog sa balon dahil
Lobo
sa pagtaksil na pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali sa kanyang beywang.

- Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay na kapangyarihan ang dalagang
ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ang binata upang
Donya Maria Blanca
malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng ama niyang si Haring Salermo. Sa huli ay
sila rin ni Don Juan ang nagkatuluyan. Taglay niya ang kapangyarihang, “mahika blanca”.

- Ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming pagsubok na kinailangang


Haring Salermo malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga. Taglay niya ang
kapangyarihang, “mahika negra”.

Arsobispo - Ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.

MAIKLING KABUUAN NG IBONG ADARNA

Ang kahariang Berbanya ay pinamumunuan ni Haring Fernando. Ang kanyang asawang si Reyna Valeriana ay isang butihing
maybahay, mabait at uliran. Sila’y may tatlong anak: Si Don Pedro ang panganay, sinundan ni Don Diego at ang bunso na si Don
Juan. Mahusay mamuno ang hari kung kaya ang mga nasasakupan ay masaya, walang alitan, at tigib ng kaligayahan. Subalit hindi
lahat ng araw ay pawang kaluwalhatian, may pagkakataong nagkakaroon din ng kalungkutan at suliranin ang bawat tao.

Isang gabi ay nanaginip ang hari na ang kanyang bunsong anak ay pinaslang ng magkapatid. Naging dahilan ito upang ang
hari hindi na makakain at makatulog hanggang sa siya ay magkasakit. Ayon sa medikong tumingin sa kanya, ang sanhi ng kanyang
karamdaman ay ang kanyang napanaginipan at ang lunas ay isang adarna na matatagpuan sa bundok ng Tabor at naninirahan sa puno
ng Piedras Platas. Ayon sa mangagamot, pag narinig ng hari ang awit nito, siya’y gagaling sa kanyang karamdaman.
Lumakad si Don Pedro upang hanapin ang lunas sa karamdaman ng hari. Tatlong buwan siya naglakad bago natagpuan ang
kabundukan ng Tabor. Nagtataka ang prinsipe kung bakit walang dumadapong mga ibon sa punongkahoy na pagkaganda-ganda. At
dahil sa matinding pagod ay nakatulog siya nang mahimbing. Nagkataon namang siyang pagdating ng ibon. Sinimulan ng ibon ang
pag-awit at sa bawat pag-awit ay pitong bihis o pagpapalit ng balahibo ang ginagawa. Ugali na ng ibon na pagkatapos ng awit ay
nagbabawas bago matulog. Sa masamang kapalaran ay napatakan si Don Pedro at naging bato. Nag-alala ang hari dahil sa hindi
pagdating ng prinsipe kaya si Don Diego naman ang sumunod na nagbabakasakali. Limang buwan itong naglakbay. Katulad ni Don
Pedro, nagtaka rin ito kung bakit walang dumadapong ibon sa punong kaakit-akit. Hinintay niyang dumating ang ibon at kitang-kita
niya ang pagdating nito, ang pag-awit at ang pagpapalit ng balahibo. Dahil sa tamis ng pagkanta ay nakalimot sa sarili ang prinsipe at
katulad ni Don Pedro ay napatakan din si Don Diego sa pagbabawas ng ibon at siya’y naging bato.

Nagulo ang kaharian at lumubha ang karamdaman ng hari. Nagpaalam si Don Juan upang hanapin ang dalawang kapatid at
ang ibong Adarna. Nagbaon siya ng limang tinapay at sa kanyang paglalakbay ng apat na buwan ay iisa na lamang ang natitira. Sa
kanyang patuloy na paglalakbay ay may isang matandang sugatan at tila lumpo pa ang humingi ng makakain. Palibhasa’y may
magandang kalooban si Don Juan kaya ang natitira niyang tinapay ay ipinagkaloob niya sa matanda. Bilang ganti, pinagbilinan niya
ang prinsipe na huwag mararahuyo sa ganda ng punongkahoy. Sinabi rin ng matanda na sa paanan ng bundok ay may nakatirang taong
siyang magtuturo kung saan nakatira ang Adarna. Pinakain at pinagbilinan siya ng ermitanyo ng mga gagawin. Binigyan siya ng
labaha at pitong dayap at upang hindi siya makatulog kapag narinig ang awit ay hiwain ang palad at patakan ng dayap. Iwasan ding
mapatakan sa pagbabawas ng ibon.

Tumungo na si Don Juan at inabangan niya ang ibon na dumapo sa Piedras Platas. Napakinggan niyang umawit ang ibon,
iniwasan niyang mapatakan sa pagbabawas nito. Nang inakala ng prinsipe na tulog na ang ibon, agad siyang umakyat sa puno,
sinunggaban niya ito at dali-daling tinalian ng sintas. Nagtungo siya sa ermitanyo upang ipakita ang ibon. Inutusan siya ng matanda na
kumuha ng banga at punuin ito ng tubig upang ibuhos sa dalawang bato. Nang mabuhusan niya ng tubig sina Don Pedro at Don Diego
ay kapwa nagtindig at niyakap si Don Juan.

Pauwi na ang tatlong magkakapatid at dala na ang Adarna. Samantala, ito palang si Don Pedro ay may masamang iniisip.
Nakiisa na rin si Don Diego sa balak na kataksilan. Pinagtulungan nilang bugbugin si Don Juan ang nang inaakala nilang hidi na ito
humihinga ay kinuha ang Adarna at umuwi sa Berbanya. Ipinagparangal nila ang ibon sa hari ngunit ang dala nilang ibon ay ayaw
magparinig ng awit sa hari.

Wala nang pag-asa si Don Juan na makikita pa ang mga magulang ngunit sa sisipot ng isang matanda. Pinagyaman niya ang
prinsipe hanggang sa ito’y gumaling. Umuwi na ito sa Berbanya at laking galak ng hari at reyna pati na ng ibon nang makita siya.
Nagsimula nang umawit ang ibon. Ang pangit na balahibo ay napalitan ng maganda at sinimulan nang isalaysay ang ginawang
kataksilan ng magkapatid. Dahil sa kahali-halinang awit ay gumaling ang hari. Pinabantayan ng hari sa magkakapatid ang Adarna
ngunit may naisip na naman si Don Pedrong kataksilan laban kay Don Juan. Isang gabi samantalang si Don Juan ang bantay sa ibon ay
naisipan nilang magkapatid na pakawalan ito. Upang hindi malapatan ng parusa ang may kasalanan ay binalak ni Don Juan na
pumunta sa ibang kaharian, sa Armenya.

Nagpaalam ang magkapatid sa hari upang hanapin nila si Don Juan. Nakita naman nila ito at hinimok na magsama-sama na
sila. Pumayag naman si Don Juan. Anupa’t namuhay sila nang payapa sa Armenya. Isang araw ay naisipan nilang tuklasin kung ano
pa ang napapaloob sa kabundukang kanilang tinatahanan. Nakakita sila ng isang balon. Binalak ni Don Pedro na tuklasin kung ano
ang napapaloob dito ngunit hindi siya nakatagal dahil sa dilim ng loob. Sumunod si Don Diego at natakot din siya sa dilim na
bumabalot sa balon. Si Don Juan naman ang sumubok. Nilakasan niya ang loob hanggang sa makarating siya sa palasyong
kinaroroonan ni Prinsesa Juana na alaga ng isang higante. Nakipaghamok ang prinsipe hanggang sa mapatay niya ito. Sinabi pa ni
Prinsesa Juana na may isa pang palasyong tahanan ng kanyang kapatid na si Prinsesa Leonora ngunit ito raw ay alaga ng sirpyente na
may pitong ulo.

Nang makita ni Don Juan ang prinsesa ay nabighani siya rito hanggang sila’y nagkaibigan. Napatay rin ng prinsipe ang ahas
at inihaon na ang dalawang prinsesa sa balon. Laking gulat ng magkapatid nang makita ang magagandang prinsesa. Paalis na sila
subalit naalaala ni Leonora na naiwan ang singsing na pamana ng magulang. Hindi nakatiis sa dinadalang kalungkutan ng prinsesa
kaya nagprisinta si Don Juan na bumalik sa balon. Tinalian na siya ng lubid ngunit sampung metro pa lamang ang naaabot, pinatid na
nang buhong na si Don Pedro ang lubid kaya lumagpak sa balon at nagkalasug-lasog ang mga buto ni Don Juan. Laking dalamhati ni
Prinsesa Leonora ngunit inutusan niya ang kanyang alagang lobo na puntahan ang prinsipe at pagyamanin ito. Kahit na ayaw ng mga
prinsesa na sumama sa dalawa ay kinaladkad sila ng magkapatid pauwi sa Berbanya. Hiniling ni Don Pedro sa hari na makasal kay
Leonora ngunit nakiusap ang prinsesa na pagkalipas na ng pitong taon.

Samantala, gumaling naman si Don Juan sa tulong ng Lobo. Samantalang natutulog ang prinsipe ay dumating ang Adarna at
ibinalita nito na may magandang prinsesang matatagpuan sa Reino de los Cristal. Nagpatulong ang prinsipe sa ermitanyo kung saan
matatagpuan ang Reynong ito. Sa tulong ng ibong agila ay dinala ang prinsipe sa de los Cristal. Gaya ng nakagawian ng prinsipe,
iniluhog na naman ang kanyang pag-ibig at tinanggap naman ito ni Donya Maria. Maraming sekreto ng kanyang ama ang ipinagtapat
nito sa prinsipe upang hindi mapares sa ibang manliligaw na naging bato. Katulad ng inaasahan, makalimang humiling si Haring
Salermo ng mga imposibleng bagay at sa tulong ng mahika blanca ng Donya ay nakapasa naman si Don Juan sa mga pagsubok.
Dumating ang araw na pinamili na si Don Juan ng hari sa kanyang tatlong anak nagkataon naman ang napili ng prinsipe ay si Donya
Maria. Anong lungkot ng hari kaya upang hindi matuloy ang kasal binalak nitong ipadala ang prinsipe sa Inglatera o ipapatay.
Natunugan nito ng prinsesa kaya tumakas silang dalawa patungo sa Berbanya. Hinabol sila ng hari at sa tulong ng mahika blanca ng
prinsesa ay hindi nagtagumpay ang hari at sa galit ay isinumpa ang anak na sanay huwag itong pakasalan ng prinsipe at magdanas ng
kahirapan. Binalak ni Don Juan na iwan muna si Donya Maria sa isang nayon at kausapin ng hari tungkol sa pagsalubong sa kanila ng
kaharian. Bagama’t ayaw ni Donya Maria ng ganitong balak, sumang-ayon na rin siya at ibinilin sa prinsipe na huwag lalapit sa ibang
babae. Nagkita sina prinsesa Leonora at Don Juan at nakalimutan ng prinsipe ang naiwan sa nayon. Sa tulong ng mahika ni Donya
Maria ay nalaman niya ang nangyayari sa palasyo kaya hiniling niya sa engkantadang singsing na bigyan siya ng karwahe upang
dumalo sa kasal. Nakiusap siya sa hari na magtanghal ng isang dula. Ang dula sa tulong ng negrito at negrita ay tungkol sa
pinagdaanang buhay nina Donya Maria at Don Juan sa kaharian ng de los Cristal. Waring hindi naaalala ng prinsipe ang itinatanghal
sapagkat abala siya sa pakikipag-usap kay Leonora.

Nagkaroon ng pagkakataon si Leonorang isalaysay ang tungkol sa pinagdaanang hirap alang-alang sa pag-ibig niya kay Don
Juan. Dahil sa napakinggan ng hari ipinasyang ikasal ang prinsipe at prinsesa. Hiningan din ng opinion ang Arsobispo at ayon dito ang
unang kasintahan ay siyang may karapatan sa pagtatangi ni Don Juan. Hindi pumayag si Donya Maria. Sinabi niya ang palabas na
ginampanan ng negrito at negrita ay ang totoong nangyari sa kanila ni Don Juan. Nanaig ang opinion ng arsobispo at dahil sa palagay
ni Donya Maria ay totoong nakalimot na ang prinsipe, ibinuhos niya ang dala niyang tubig na nakalagay sa prasko at naging sanhi ng
pagbaha sa palasyo. Noon lamang natauhan si Don Juan at nakiusap sa Donya na siya namang kanyang mahal. Hiniling din sa hari na
si Donya Maria ang nais niyang pakasalan at si Leonora naman ay ikasal kay Don Pedro. Balak ng hari ay isalin kay Don Juan ang
korona at setro ngunit hiniling ni Donya Maria na isalin na lamang ito sa panganay. Noon din ay nangyari ang kahilingan. Sina Don
Juan at Donya Maria ay umuwi naman sa de los Cristal. Nang datnan nila ang kaharian ay walang namumuno sapagkat ang kanyang
mga magulang ay nangamatay pati ang kanyang dalawang kapatid. Pinulong niya ang mga tao at naghandog siya ng piging at dito
niya ipinahayag na ang bagong hari ay si Don Juan. Nagalak naman ang buong reyno naging payapa naman ang kanilang pamumuno,
kontento ang mga mamamayan, walang alitan, may pagkakaisa at ang mga mamamayan ay sagana sa lahat ng bagay. (Ang Ibong
Adarna, C.G. Magbaleta)

------------------------------------------------------------------------------------------

ARALIN 1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

LAYUNIN: Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda. F7PB-IVa-b-
20

PAUNANG PAGSUSULIT:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang _____________ ay salamin ng buhay kung saan kinapapalooban ito nga mga karanasan, kaisipan damdamin at pamumuhay
ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
a. panitikan b. wika c. lipunan d. adhika
2. Ito ay binubuo ng mga taludtod o saknong na maaaring may sukat, tugma, talinghaga at maaari namang wala.
a. pabula b. maikling kuwento c. tula d. parabula
3. Ang mga sumusunod ay mga akda na nasa anyong patula maliban sa isa.
a. bugtong b. salawikain c. epiko d. alamat
4. Ang awit at korido ay halimbawa ng anong uri ng panitikang patula?
a. pasalaysay b. liriko o damdamin c. pandulaan d. pantanghalan
5. Alin sa mga sumusunod ay paksain o tema ng mga tulang pasalaysay na awit at korido?
a. pakikipagsapalaranb. kabayanihan c. kataksilan d. lahat ng nabanggit

GAWAIN SA PAGKATUTO:

Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito ay repleksiyon ng mga karanasan, kaisipan, damdamin, at buhay sa lipunang
kinabibilangan o kinasasangkutan kabilang na ang mga bagong kalakaran at kultura ng ibang bansa na ating inaasamila at humuhubog
sa ating kaasalan at pagkatao.

Tunay na isang mahalagang bahagi ng kultura ng isang lahi ang nasabing panitikan sapagkat ang mga pangyayaring
naganap at patuloy na nagaganap sa isang bansa o lahi ay malikhaing nailalahad at inilalarawan dito pati na ang mga impormasyong
may kaugnayan sa buhay, kaugalian, tradisyon at mga uri ng pamumuhay ng iba’t ibang lahi sa daigdig ay ating nababatid at
naiintindihan sa pamamagitan nito. Naisatitik din sa panitikan ang mga adhikain at hangarin ng mga tao, personal man o
pangkahalatan.

Sa pangkalahatan, ang panitikan ang siyang nag-uudyok sa mga mambabasa na lakbayin at tuklasin ang mga samu’t
saring mga karanasang nagdudulot sa malawak na kaalaman upang lalong magiging masaklaw ang ating pag-unawa sa buhay. Isang
uri ng lakas na nagtutulak sa atin para kumilos. Nag-uugnay sa damdamin ng tao upang makita ang katuwiran at katarungan.

Ang panitikan, nakasulat man o di nakasulat ay may dalawang anyo : patula at tuluyan. Bigyang pansin ang isang bahagi
ng akdang pampanitikan patula ang “korido”, na isa sa mga tanyag na akda at patuloy na ginagamit at tinalakay sa kasalukuyan sa
paaralan at palimbagan, “Ang Ibong Adarna” kung saan ang mga pangyayari ay hango sa buhay ng hari, reyna, prinsipe at iba pang
dugong mahal at ang tagpuan ay sa ibang bansa.

“Ang Ibong Adarna”


(Unang bahagi)

“Ang kahariang Berbanya ay pinamumunuan nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Ang bunga ng kanilang
pagmamahalan ay sina Don Pedro (panganay), Don Diego (pangalawa) at Don Juan (bunso). Naging matiwasay ang kanilang
pamumuhay sapagkat ang kaharian ay puno ng pagkakaintindihan at pagmamahalan. Ngunit isang araw ay nagkasakit ang hari at ayon
sa mediko ang tanging lunas sa karamdaman nito ay ang Ibong Adarna na nakadapo sa Puno ng Piedras Platas na matatagpuan sa
Bundok Tabor. Hindi madali ang paghanap at paghuli sa nasabing ibon ngunit ganoon pa man ay sinubukan at hindi nag-alinlangan
ang tatlong magkakapatid na hanapin at hulihin ang nasabing gamot para sa karamdaman kanilang amang hari”.

PAGLALAPAT:
Panuto: Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa motibo o dahilan ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda.
1. Ang buong kaharian ay nagdamdam dahilan sa nagkasakit ang kanilang haring makatuwiran at mapagmahal.
Sa aking palagay, ang motibo ang may-akda sa paglalahad ng bahaging ito ay
____________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

2. Naging matapang sa pagsuong sa panganib tatlong magkakapatid para lamang mahanap ng lunas sa karamdaman ng kanilang
amang hari.
Sa aking palagay, ang motibo ang may-akda sa paglalahad ng bahaging ito ay
____________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

3. Si Don Juan ay ipinabilinan ng matanda na huwag maharuyong sa kagandahan ng puno upang maiwasan ang kapahamakan.
Sa aking palagay, ang motibo ang may-akda sa paglalahad ng bahaging ito ay
____________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

PAGTIYAK SA PAG-UNAWA:
Panuto: Mula sa nabasang akda ng Ibong Adarna, ilalahad sa loob ng kahon ang iyong sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng
may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda (Unang bahagi).

------------------------------------------------------------------------------------------

ARALIN 2 Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

LAYUNIN: Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” F7PT-IVa-b-18

PAUNANG PAGSUSULIT:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang korido at binubuo ng ____ pantig sa bawat taludtod?


a. 12 b. 16 c. 8 d. 4
2. Ang mga sumusunod ay paksain ng korido maliban sa isa.
a. pananampalataya b. alamat c. kababalaghan d. bayani
3. Ang musika ng nasabing akda (korido) ay mabilis na tinatawag na ____________?
a. Alejandro b. allegro c. andante d. amante
4. Ang mga pangyayari sa korido ay hango sa buhay nga mga _____________?
a. hari b. reyna c. prinsipe d. lahat ay nabanggit
5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng korido, maliban sa isa?
a. Ang Ibong Adarna b. Florante at Laura c. Kabayong Tabla d. Ang Dama Ines

GAWAIN SA PAGKATUTO:

Ang Korido
 Ito ay mula sa salitang Kastila na “Correr” na ang ibig sabihin ay “dumadaloy”
 Tulang pasalaysay ang ang tema’y pinagsama-samang romansa, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan.
 Ang mga pangayayari ay hango sa buhay ng hari, reyna, prinsipe at iba pang dugong mahal at ang tagpuan ay sa iban bansa.
 Binubuo ng 8 pantig sa isang taludtod at may apat na taludtod sa isang saknong
 Ang himig ay mabilis na tinatawag na “allegro”
 Ang paksa ay tungkol sa pananampalataya, alamat at kababalaghan
 Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng
karaniwang tao lamang.
 Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng korido: Ang Ibong Adarna, Kabayong Tabla, Ang Dama Ines, Prinsipe
Florinio.

PAGLALAPAT:
Panuto: Makikita sa loob ng kahon ang ilan sa mga kahulugan at katangian ng isang “korido”. Tukuyin, piliin at isulat sa loob ng
kahon na makikita sa ibaba ang tamang sagot. Sundin ang pormat sa ibaba.

- Ito ay halimbawa ng tulang romansa


- Ang mga tauhan ay walang taglay na kapangyarihang supernatural.
- Ito ay mula sa salitang Kastila na “correr” na nanganaghulugang “dumadaloy”.
- Ito ay binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod at may apat na taludtod sa isang saknong.
- Ang himig ay mabilis na tinatawag na “allegro”.
- Ito ay pumapaksa sa pananampalatay, alamat at kababalaghan.
- Taglay ng mga tauhan ang kapangyarihang supernatural.
- Isa sa mga halimbawa nito ay ang akdang, “Ang Ibong Adarna”.
- Tungkol sa bayani, mandirigma at larawan ng buhay ang paksa nito.
- Higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang katangian ng mga tauhan.

PAGTIYAK SA PAG-UNAWA:

Ang korido…
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang katangian
(Isulat ang sagot)at kahulugan ng Korido?
____________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________ .

2. Ano sa palagay mo ang pagkakaiba ng korido sa iba pang akdang pampanitika?


___________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________ .

ARALIN 3 Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

LAYUNIN: Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna. F7P SIVa-b-18

PAUNANG PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Tawag sa kaharian ng hari at reyna sa Ibong Adarna?


a. alemanya b. berbanya c. armeya d. ardenya
2. Ang __________ ng ibon ang siyang gamot sa karamdaman ng hari?
a. balahibo b. dumi c. awit d. pakpak
3. Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa bundok _____________?
a. habor b. tabor c. labor d. hator
4. Ito ay nakadapo sa puno ng Piedras ____________?
a. platas b. puertas c. plantas d. piedas
5. ________ beses na umawit ang ibon at sa bawat pag-awit ay nagpapalit ang kulay ng balahibo nito?
a. sampu b. siyam c. walo d. pito

GAWAIN SA PAGKATUTO:
 Ang Ibong Adarna ay isa sa pinakatanyag na Obra Maestra
 Ito lumaganap sa panahon ng mga Espanyol
 Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin mabatid kung sino ang sumulat nito at magpahanggang ngayon ay patuloy pa
rin itong binabasa at pinag-aaralan ng mga kabataang Pilipino
 Taglay nito ang mga pagpapahalagang maaaring kapupulutan ng mga aral sa buhay maging ng kabataan sa
makabagong panahon.
 Taglay din ng akda ang mga sumusunod na katangian at pagpapahalaga ng mga Pilipino:
- Ang pagkakaroon ng matibay na pananampalatay sa Poong Maykapal
- Mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
- Paggalang sa mga nakakatanda
- Pagtulong sa mga nangangailangan
- Pagtanay na utang na loob
- Mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng mga kababaihan
- Pagkakaroon ng lakas ng loob sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay
 Talagang napakahalagang pag-aralan ang akdang ito pagkat napupukaw nito ang damdamin ng mambabasa
 Nagsisilbing tulay upang maipalam kung gaano kaganda, kakulay at kayaman ng panitikan hindi lamang sa Pilipinas
bagkos sa buong mundo.

PAGLALAPAT:
Panuto: Gamit ang concept map. Magbahagi ng sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna. Sundin ang
pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kahalagahan ng pag-
aaral ng Ibong Adarna

PAGTIYAK SA PAG-UNAWA:

1. Bilang isang mag-aaral, ano sa palagay mo ang papel na ginagampanan ng mga akdang pampanitikan at gaano kahalaga ang pag-
aaraal ng akdang Ibong Adarna?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

You might also like