Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Kumbensiyon sa Pagsulat ng Awitin

1. Sukat -Isa sa mga mahahalagang elemento ng tula ang sukat. Ito ay tumutukoy sa
bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang bilang ng pantig sa isang tula
ay labindalawa, labing-anim at labinwalo.

Halimbawa:
or / ga / nong / sa / lo / ob ng i / sang / sim / ba / han
1 2 3 4 5 6 78 9 10 11 12

ay / na / na / na / la / ngin sa ka / pig / ha / ti / an
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Ang halimbawang mababasa sa itaas ay mula sa tulang “isang Punongkahoy” na


may sukat na lalabindalawahing pantig. Kapag binasa ang bawat taludtod ay
nagkakaroon ng saglit na tigil sa gitna o sa ikaanim na pantig. Ang saglit na tigil na
ito ay tinatawag na sesura.

2. Tugma -Isang mahalagang elementong nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa


isang tulang may sukat at tugma ay ang pagkakaroon ng magkakapareho o
magkakasintunog na dulumpantig na tinatawag ng tugma. Ang tugma ay mauri sa
dalawa:

a. Tugmang di ganap -may magkakaparehong patinig sa huling pantig o


dulumpantig subalit nagkakaiba ang huling katinig sa bawat taludtod.
(b,k,d,g,p,s,t) (l,m,n,ng,r,w,y)
Halimbawa:
Pinipintuho kong bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
Mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.
Mula sa “Pahimakas” ni Jose P. Rizal

b. Tugmang Ganap -may magkakaparehong tunog ang huling pantig o


dulumpantig ng bawat taludtod.
Halimbawa:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisa’y at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Mula sa “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio

3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay o Idyoma) -Ito ang paggamit ng masining na


salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula. Dito’y sadyang inilalayo ang
paggamit ng mga karaniwang salita upang higit na maging mabisa at kaakit-akit
ang tula. Mga tayutay ang isa sa karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng
talinghaga sa tula:

a. Pagtutulad (Simili) -paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may


pagkakaugnay na mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris
ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Halimbawa:
Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan upang pag
nagbalik, ito’y sadyang sa iyo nakalaan.

b. Metapora (Metaphor) -tulad ng pagtutulad, ang metapora ay naghahambing


din subalit direkta ang pagha-hambing ng dalawang bagay at hindi na
ginagamitan ng mga panlapi at salitang naghahambing.
Halimbawa:
Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.

c. Personipikasyon (Personification) -pagsasalin ng mga katangian ng isang tao


tulad ng talino, gawi at kilos sa mga ba-gay na walang buhay.
Halimbawa:
Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.

d. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) -dito ay sadyang pinalalabis o


pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng mga tao o bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang
buhay ng kanyang ama.
e. Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche) -sa pagpapahayag na ito, maaaring banggitin
ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuo-an at maaari naming ang isang tao ay
kumakatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
Ninanais ng binatang hingin na ang kamay ng dalaga.

f. Pagtawag (Apostrophe) -ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang


dinaramang kaisipang para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang
gayong wala naman ay parang naroo’t kaharap.
Halimbawa:
Pag-ibig, tingnan moa ng ginawa mo sa puso kong sugatan.

g. Pagtanggi (Litotes) -gumagamit ito ng panangging hindi upang magpahiwatig


ng isang makabuluhang pagsang-ayon.
Halimbawa:
Hindi ko sinasabing matigas ka, subalit nadarama kong pinatigas na ng
panahon ang iyong puso at damdamin.

Ang “Dandansóy” ay isang awiting-bayan sa Kabisayaan partikular na sa isla


ng Panáy. Ang awiting ito ay nása wikang Hiligaynon.

May apat na saknong na tig-aapat na taludtod ang kanta. May bilang na walo (8) at
siyam (9) na pantig ang bawat linya.

Ikinukuwento ng kanta ang pamamaalam kay Dandansoy ng kasintahan na uuwi sa


Payaw. Gayunman binibigyan ng babae si Dandansoy ng pagkakataón upang
patunayan kung wagas ang pag-ibig. Nása unang saknong ang pamamaalam at
pagbibilin kay Dandansoy na kung ito ay mangulila o ‘hidlawon’ ay maaari siyáng
makita sa Payaw.

Dandansoy, bayaan ta ikaw,


Pauli ako sa Payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang Payaw, imo lang lantawon.

Sa pangalawang saknong, binabalaan ng mang-aawit si Dandansoy na kung ito ay


susunod (“apason”), huwag magbabaon ng tubig. Subalit kung ito ay mauuhaw, sa
daan ay may maiinumang balon (“magbubon-bubon”). Ang mga saknong ay may
tugmang aabb bbbb cccc dddd.

Dandansoy, kung imo apason


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kung ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon.

Sa pangatlong saknong, itinatanong kung nasaan ang kura sa kumbento at nasaan ang


hustisya sa munisipyo dahil magsasampa ng kaso (“maqueja”) si Dandansoy – kaso sa
pag-ibig.

Convento, diin ang cura?


Municipio, diin justicia?
Yari si dansoy maqueja.
Maqueja sa paghigugma.

Sa hulíng saknong, sinasabi ng mang-aawit kay Dandansoy na dalhin ang


kaniyang panyo upang maikumpara (“tambihon”) nitó sa kanyang sariling panyo. Kapag
nagkatugma ang mga panyo, ang ibig sabinin ay bana nitó si Dandansoy. Bilang
awiting-bayan, walang kinikilálang sumulat sa kanta at wala ring kinikilálang mang-
aawit, ngunit inawit na ng mga sikat ng mang-aawit gaya nina Nora Aunor at si Pilita
Corales. Itinuturing din itong isang ili-ili o panghele sa batà upang makatulog.

You might also like