Magtanong sa nakatatandang kapamilya/kasama sa bahay ng dalawang salawikaing
isinasabuhay nila magpahanggang ngayon. Ipaliwanag kung paano nito ginagabayan ang kanilang buhay.
Ang unang salawikain na isinasabuhay ng aking kapamilya ay “Ang kalusugan
ay Kayamanan”. Ito ay kilalang-kilalang kasabihan sa mga nakakatanda dahil lubusan nilang pinapahalagahan ang kanilang kalusugan. Para sa kanya, dapat papahalagahan natin ang ating kalusugan upang mabuhay tayo ng mas matagal. Ika pa niya na sana’y mas pinahalagahan niya ang kaniyang kalusugan noon siya’y bata pa sapagkat siya ay nagkakaroon na rin ng mga panghihina gaya na lamang ng mababang immune system pagdating sa mga simpleng sakit at minsan nakakaranas ng pagkahilo. Kung inalagaan niya daw ang kalusugan niya noong siya ay bata pa, maganda pa rin daw sana ang kaniyang pakiramdam at kayang – kaya niya pa rin gawin ang mabibigat na trabaho kahit siya ay may edad na. Sa ngayon, maingat na siya sa lahat ng kaniyang kinakain at pinapahalagahan niya nang lubusan ang kaniyang kalusugan
Ang sumunod naman sa salawikain na kanyang isinasabuhay ay ang “Aanhin
pa ang damo, kung patay na ang kabayo” dahil noonng panahon niya, mahirap talaga ang buhay at kapag hindi ka masipag kumilos at maghanap ng trabaho, ika’y lubusang mahihirapan at hindi mo maitataguyod ang iyong sarili lalo na kung ika’t nagka-pamilya. Kailangan maging matalino tayo sa pagkonsumo ng ating oras dahil ito ay hindi na natin maibabalik pa at lagi nasa huli ang pagsisisi. Hindi lamang ito nababagay sa mga gawain, ito ay maaari din itukoy sa ating mga mahal sa buhay. Ayon sa kanya, pahalagahan natin ang mga taong malapit sa atin at mga mahal natin sa buhay dahil hindi natin matutukoy kung kalian tayo mapapawalay sa kanila o kung kalian sila mawawala sa mundong ito. Lahat at limitado lamang ang oras at lahat ng bagay ay dapat natin gawin bago pa ito’y umabot sa itinakdang oras at tayo ay magsisisi dahil sa ating kakulangan.