Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DETALYADONG BANGHAY ARALIN

SA FILIPINO II

I. Layunin: Sa loob ng 60 minuto ang mag-aaral ay;

a. makakakilala sa mga uri ng teksto


b. napapatalas ang isip sa paghuhula sa mga larawan na ipapakita at;
c. nakakasulat ng halimbawa ng tekstong deskriptibo

II. Paksang Aralin

1.Paksa:

 Tekstong Deskriptibo

2. Sanggunian

3. Materyal/Kagamitan

 Mga larawan, bolpen at papel, visual aid

III. Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
(Magpapalinis muna ng silid)
1. Panalangin(Tuturo ng isa para Opo, ma’am!
manguna) Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos at Espiritu
Pangunahan mo ang panalangin.) Santo. Amen!

2. Pagbati Magandang umaga po, ma’am!


(Magandang umaga mga bata!)

3. Pag tsek ng Attendance (Magsi-upo)


Magsi-upo ang lahat. Wala po!
Sino ang lumiban ngayon sa klase?

Mabuti’t kumpleto kayo ngayon!

4. Drill (Pagpapakilala sa katabi) (Tatayo ang magpapakilala)


Bago tayo magsimula sa ating
talakayan ngayong araw, gusto ko
munang magsitayo ang lahat at
humarap sa katabi.
Kilalanin ninyo ang inyong katabi at (Magbabahagi ang lahat)
ilarawan ninyo base sa inyong nakikita
at pagkakakilala. Ibahagi ninyo ito sa
buong klase.

5. Pagganyak (Pagtatanong) (Magsi-upo)


Okay, magsi-upo ang lahat.
Tapos na ninyong ipakilala sa inyong
kaklase ang inyong katabi. Ngayon
tumungo na tayo sa ating talakayan.
Ang ating paksa ngayong araw klas ay
tungkol sa Teksto.

Sino ang makapagbigay kung ano ang (May tataas ng kamay)


ibig sabihin ng teksto? Ang teksto ay isang babasahin na naglalaman ng
mga ideya tungkol sa iba't ibang tao o
impormasyon tungkol sa mga bagay bagay.

Tama! Ngayon sino ang nakaka-alala (Magtaasan ang mga kamay)


sa mga uri ng teksto? (Tuturo ng mga
mag-araral) Tekstong naratibo,

Tekstong deskriptibo,

Tekstong prosidyural!
Argumentatibo!
Persweysiv ma’am!

Magaling! Saan kaya sa mga (Sabay na sasagot)


nabanggit ninyo ang inyong ginawang
paglarawan sa inyong mga katabi? Deskriptibo, ma’am!!!

Tama!! Ano ba ang tekstong


Deskriptibo mga bata?

6. Paglalahad (Maglalagay ng visual aid) (Babasa)

Basahin ang nasa pisara. Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag


ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig
at pansalat, itinatala ng sumusulat ang
paglalarawan ng mga detalye na kanyang
nararanasan. Ito ay naglalayong magsaad ng
kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari, o
kaya naman ay magbigay ng isang konseptong
biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o
pangyayari.
Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay
nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang
bagay, lugar at maging ng mga katangiang
taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,
kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

Paraan ng Paglalarawan:
Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon
ng mga nagyayari.
Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng
damdamin o personal na saloobin ng
naglalarawan.
Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan,
nahawakan, at naririnig.

Okay! (Babasahin ulit ang nasa pisara


at ipapaliwanag sa mga bata.)

Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng


Ano ba ang dalawang uri ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin
paglalarawan, klas?(Maglalagay ng o pangmalas. 
visual aid at tuturo ng babasa) Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang
buhay na larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang
mga ginagamit na salita sa paglalarawan,
kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri,
pang-abay, tayutay, at idyoma.

(Ipapaliwanag pagkatapos basahin)

7. Generalisasyon (Pagtatanong)
Naintindihan ba class ang ibig sabihin
ng tekstong deskriptibo?
(Magsitaasan ng kamay)
Ano nga ulit ang tekstong deskriptibo?
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag
ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig
at pansalat,

Karaniwan at Masining, ma’am.(Sasagot lahat)


Tama! E, ano naman ang dalawang uri
ng Paglalarawan?
(May magtataas ng kamay)
Ano naman ang mga paraan ng Batay sa OBSERBASYON, Batay sa
paglarawan, klas? NARARAMDAMAN at Batay sa PANDAMA.
(Sasagot lahat)
Tama! So alam na alam na ninyo ang Opo, ma’am!
ibig sabihin ng tekstong deskriptibo.

8. Aplikasyon(Magpapaskil ng larawan)
Ngayon, may mga larawan akong
ipapakita sa inyo. Ilarawan ninyo ito
batay sa inyong pananaw.

Ididikit ang larawan nga batang pulubi.


(Sabayang sasagot)
Ano kaya sa inyong palagay ang Isang batang nanlilimos, ma’am!
ipinapahiwatig sa larawan, klas?
Isang batang masaya, ma’am!
Tama! E, ito?
Magdidikit ng larawan ng isang
masayahing bata.
Tama!! E, ito?
Isang marumi at mukhang mabahong kapaligiran,
Magpapaskil ng larawan ng isang ma’am!
maruming paligid.

Okay! So bihasa na kayo sa pagkilala


ng bagay at tao.
(Kukuha ng papel at bolpen at sasagotan ang nasa
9. Pagsusuri (Magbibigay ng pasulit) pisara)
Kumuha ng isang kalahating papel. At Opo, ma’am!
sagotan ang nasa pisara.
Mga katanungan:
1. Ito ay isang babasahin na (Makikinig sa mga tanong at magsasagot.)
naglalaman ng mga ideya tungkol
sa iba't ibang tao o impormasyon
tungkol sa mga bagay bagay.
2-6 Anu-ano ang mga uri tekstong?
7-11 Anu-ano ang mga limang
pandama?
12-13 Dalawang uri ng paglalarawan?
14-16 Mga paraan ng paglalarawan?
17-20 Magbigay ng apat na halimbawa
ng tekstong deskriptibo. (2 karaniwan,
2 masining)
(5 points) Ano ang ibig sabihin ng
Tekstong Deskriptibo?

10. Takdang Aralin


Gumawa kayo ng isang sanaysay o
halimbawa ng tekstong deskriptibo.
Dapat gamitin ang limang pandama.
Isulat ito sa isang buong papel.

You might also like