Araling Panlipunan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

7

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan–Modyul 2

Mga Salik, Pangyayari at


Kahalagahan ng Nasyonalismo
sa Pagbuo ng mga Bansa sa
Silangan at Timog-Silangang
Asya

Subukin 1
Panuto: Piliin ang angkop na sagot ayon sa mga sumusunod na tanong o pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang kataas-taasang pinuno ng imperyo.
A. Emperador B. Sultan C. Hari D. Shogun
2. Malaking pagbabago at adhika na patalsikin ang pamahalaan.
A. relihiyon B. kolonisasyon C. rebolusyon D. tradisyon
3. Patakaran ng panghihimasok at pamamahala sa pagpapatakbo ng ibang bansa.
A. nasyonalismo B. imperyalismo C. komunismo D. kolonyalismo
4. Patakaran ng pagbuo at pananatili ng imperyo sa pamamagitan ng pagtatatag ng kolonya.
A. komunismo B. imperyalismo C. kolonyalismo D. nasyonalismo
5. Ang relihiyong pinalaganap ng mga misyonaryong kolonyal sa Silangang-Asya at Timog-Silangang Asya.
A. Kristiyanismo B. Budismo C. Islam D. Confucianismo
6. Pagmamahal sa bayan at pagtataguyod sa bansa laban sa mga dayuhan.
A. kolonyalismo B. nasyonalismo C. komunismo D. imperyalismo
7. Ang taon kung saan naganap ang Kasunduang Kanagawa ng Japan at United States.
A. 1854 B. 1844 C. 1864 D. 1834
8. Ang tawag sa panahon ng pamumuno ni Emperador Mutsuhito ng Japan.
A. meiji era B. resident system C. culture system D. protektorado
9. Isang polisiya na pinaiiral ng mga Hapones para sa pagpasok ng mga kanluranin.
A. open door policy B. barter C. culture system D. protektorado
10. Alin sa mga bansang ito ang HINDI napapabilang saTimog-Silangang Asya?
A. Myanmar B. Pilipinas C. Vietnam D. China
11. Ang Burma ay lumang pangalan ng anong bansa sa Asya?
A. Myanmar B. Indonesia C. Japan D. Vietnam
12. Ilang taon nasakop ng Espanya ang Pilipinas?
A. Sa loob ng 300 taon B. Sa loob ng 233 taon C. Sa loob ng 400 taon D. Sa loob ng 333 taon
13. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagkabigo ng pag-aalsa ng mga Pilipino maliban sa
A. Mas malakas na armas ng mga kanluranin
B. Kawalan ng damdaming makabansa na mag-uugnay at mag-iisa laban sa mga mananakop
C. Pagbuwis ng buhay sa bayan sa pamamagitan ng pag-aalsa laban sa mga kanluranin
D. Pagtataksil ng ilang Pilipino
14. Ang bansang Asyano na nagkaroon ng sphere of influence sa China.
A. Vietnam B. Singapore C. Japan D. Korea
15. Anong kanluraning bansa ang nakasakop ng Indo-China?
A. France B. England C. Spain D. United States

Aralin Mga Salik, Pangyayari, at Kahalagahan ng


Nasyonalismo sa Pagbuo Ng Mga Bansa sa
1 Silangan at Timog-Silangang Asya
Ano kaya ang maaaring maging epekto ng patuloy na pagdanas ng pang-aabuso at pagmamalupit sa mga Asyano? Paano
kaya tutugunan ng mga Asyano ang mga patakarang ipinatupad ng mga kanluranin sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismo noong ika-
16 hanggang ika-20 siglo? Sa kasalukuyan, may mga isyu sa pagitan ng mga bansa sa Asya na may kaugnayan sa pag-aagawan ng
mga teritoryo. Maituturing pa rin ba itong imperyalismo? Ano kaya ang maging sanhi at epekto ng suliraning ito? Paano ipinakita ng mga
mamamayan ang damdaming nasyonalismo?

Balikan

Bago tayo tumungo sa ating panibagong paksa, subukan muna natin ang iyong kaalaman sa napag-aralan natin noong nakaraang
modyul.
Gawain 1: TANONG AT SAGOT!
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakalimbag nang bold. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong ng Oo o Hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
15. Ang siglo ba ay sampung taon?
2. Ang kalakal ba ay produkto na ipinagbibili?
3. Ang pampalasa ba ay gamit na palamuti?
4. Ang merkantilismo ba ay uri ng pamahalaan?

Tuklasin 2
Gawain 2: Chart Analysis
Panuto: Suriin ang mga bansang nakalista sa hanay A at B. Ihambing ang dalawang hanay at sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
CHINA FRANCE
JAPAN SPAIN
BURMA (MYANMAR) ENGLAND
INDO-CHINA NETHERLANDS
PILIPINAS PORTUGAL
MALAYSIA UNITED STATES
1. Ano ang iyong napuna sa mga magkakasamang bansa sa hanay A at hanay B?
2. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkakasama ang mga bansa sa iisang hanay? Ipaliwanag.

Suriin

Matapos pag-aralan ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto
(ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya, tunghayan naman natin ang mga salik, pangyayari at
kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Sa araling ito, may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga Asyano ang pananakop ng mga kanluranin. Ano ang
nasyonalismo? Ano-ano ang mga salik at pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo? Bakit lumawak ang
damdaming makabansa? Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay ipaliliwanang sa susunod na paksa.

Mga Bansa sa Mga Salik na Nagbigay Daan sa Mga Pangyayari na Nagbigay Kahalagahan ng Nasyonalismo
Silangang Asya Pag-usbong ng Nasyonalismo Daan sa
Pag-usbong ng Nasyonalismo

1. China Pagpasok ng opyo (isang halamang Digmaang Opyo (naganap sa Pakikidigma ng mga Tsino sa mga
ilit na kapag inabuso ay nagdudulot pagitan ng China at England) Bitish para ipagtanggol ang karapatan
ng masamang epekto sa kalusugan) bilang mamamayan sa China
ng mga British sa daungan ng China
kung saan mas marami na ang
produktong inaangkat ng mga Tsino
mula sa mga British kaysa
iniaangkat mga British mula sa
China.
Pangingibabaw ng karapatang Sphere of Influence (paghahati Napanatili ng China ang kanilang
kanluranin na kontrolin ang ng mga kanluranin sa ilang kalayaan subalit nanatiling control ng
ekonomiya at pamumuhay ng mga teritoryo ng China upang mga mananakop ang kaniyang
tao maiwasan ang digmaan sa ekonomiya.
pagitan ng mga kanluranin)
Gumuho ang dating matatag na Open Door Policy ng United Napanatili ng China ang kanilang
pamamahala ng mga emperador States na iminungkahi ni John kalayaan
Hay, Secretary of State kung at pumasok ang iba’t ibang
saan ay magiging bukas ang impluwensiya ng mga kanluranin sa
China sa pakikipagkalakalan sa kanilang kultura.
ibang 8ans ana walang sphere
of influence.
Kasunduang Shimonoseki Digmaang Sino-Japanese noong Pakikidigma ng mga Tsino sa mga
(kasunduang naganap sa pagitan ng 1894 (nakuha ng bansang Hapones para sa kalayaan ng mga
China at Japan resulta ng pagkatalo Japan ang karapatan sa mga lupain nito
nito sa digmaan) isla ng Formosa, Pescadores, at
Liadong Peninsula sa pagkatalo
ng China sa digmaang ito)

2.Japan Commodore Matthew Perry ng Kasunduang Kanagawa noong Pag-iwas sa pakikidigma upang
United States nagbabala na gamitin 1854 (binuksan ang mga maiwasan ang malaking pinsalang
ang puwersa kung hindi bubuksan daungan ng Hakodate at maidudulot nito sa bansa at sa mga
ng mga Hapones ang kanilang Shimoda para sa mga barko ng mamamayan.
daungan United States na nagresulta sa
pagkawala ng kapangyarihan sa
kamay ng3 Shogunato ng
Tokugawa
Pakikitungo sa mga kanlurann at Pamumuno ni Emperdador Ang makabagong mga kagamitan,
pagyakap sa modernisasyon Mutsuhito sa edad na 15 na teknolohiya, at paraan ng pamumuhay
tinaguriang Meiji Era na natutuhan ng mga Hapones mula sa
(enlightened rule) mga dayuhan ay nakatulong upang siya
ay umunlad
Mga Bansa sa Mga Salik na Nagbigay Daan sa Mga Pangyayari na Nagbigay Kahalagahan ng Nasyonalismo
Timog-Silangang Pag-usbong ng Nasyonalismo Daan sa Pag-usbong ng
Asya Nasyonalismo
1. Pilipinas Mahigit tatlong daang taong Pagkamkam sa mga likas na Pagkamit ng kalayaan nito noong
pagsakop ng mga Espanyol sa yaman at pagiging malupit sa Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni
Pilipinas mga mamamayan Heneral Emilio Aguinaldo
Pagsalin ng pananakop sa Pilipinas Kasunduan sa Paris (isang lihim Pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga
ng mga Espanyol sa mga na kasunduan na nilagdaan ng Amerikano
Amerikano United States at Spain noong
Disyembre 10, 1898) 20 milyong
dolyar ang ibinayad ng United
States sa Spain kapalit ng
pagpapaunlad na ginawa ng
Spain sa Pilipinas
Pagpapalabas ng batas na Sumiklab ang Digmaang Pagnanais na makalaya sa mga
nagpipigil sa pagpapamalas ng mga Pilipino-Amerikano noong 1902 mananakop na Amerikano
Pilipino ng damdaming kung saan natalo ng puwersang
nasyonalismo sa Pamahalaang Sibil Amerikano ang mga Pilipino

Pagpapanatili ng impluwensiya ng Naitatag ang Pamahalaang Pagkakaroon ng ganap na kalayaan sa


mga Amerikano sa pamahalaan ng Commonwealth kung saan pamumuno at demokratikong
Pilipinas upang maprotektahan ang sinamay nila ang mga Pilipino sa pamamahala
kaniyang mga interes sa bansa pagpapatakbo ng isang
pamahalaang demokratiko
2. Indonesia Mataas na paghahangad ng mga Pagpapatupad ng mga Dutch sa Pag-aalsa ng mga Indones laban sa
taga-Europe sa mga pampalasa at culture system o kilala rin sa mga Dutch
produktong ilitary al tawag na cultivation system na
iminungkahi ni Johannes Van
den Bosch upang matugunan
ang pangangailangan nito sa
pagbebenta ng mga pampalasa
sa pandaigdigang kalakalan
3. Malaysia Pagkontrol ng mga British sa Hinikayat ng mga British ang Pagiging melting pot ng bansa kung
pagluluwas ng mga goma (rubber- mga Tsino na mandayuhan sa saan nagtatagpo ang iba’t ibang mga
orihinal na matatagpuan sa South Malaysia para mapabilis ang kultura at pangkat-etniko. Ang
America na dinala ng mga British sa produksiyon at mas kumita ng populasyon nito ay binubuo ng
Malaysia) at lata (tin) malaki. katutubong Malay, malaking bahagdan
ng mga Tsino, Tamil, Pilipino at mga
Nepalese.
4. Singapore Pagkontrol ng mga British sa Naging angkop na daungan ang Nakilala ang Singapore bilang isa sa
Ito ay mula sa daungan ng Singapore Singapore sa kanilang mga pinakamaganda at pinakamaunlad na
salitang barkong pangkalakalan mula daungan sa Timog-Silangang Asya.
Singapura na India patungong China kung
ang ibig sabihin kaya kumita ng malaki ang mga
sa English ay Birtish sa pakikipagkalakalan
Lion City
5. Burma Sinakop ng England ang Burma Sumiklab ang mga labanan sa Paglusob ng Burma sa mga estado ng
(ngayon ay dahil ito ay magagamit niya upang pagitan ng mga British at Assam, Arakan, at Manipur, hidwaan sa
Myanmar) mapigilan ilitar mga Burmese na tinawag na kalakalan at pakikipagkasundo ng mga
magtatangkang sumakop sa Digmaang Anglo-Burmese (a. haring Burmese sa bansang France.
silangang bahagi ng India at isinama Unang Digmaang Anglo-
ito bilang probinsiya ng India 4
Burmese-1842-1856, b.
Ikalawang Digmaang Anglo-
Burmese-1852-1853, c. Ikatlong
Digmaang Anglo-Burmese-
1885-1886)
Nabawasan ang kapangyarihan ng Ipinatupad ng mga British ang Nagsagawa ang mga Burmese ng ilang
hari ng Burma at nawala sa resident system sa Burma at pag-aaklas para mapalaya ang kanilang
kaniyang kamay ang karapatan na ang British Resident ay bansa laban sa pagpapahirap ng mga
magdesisyon kung kaninong kumatawan sa pamahalaan ng British.
dayuhan makikipagkaibigan at England sa Burma na may
makikipag-ugnayan. tungkuling makikipag-ugnayan
sa mga dayuhang bansa.
Indo-China-Ito ay binubuo ng tatlong bansa: Laos, Cambodia at Vietnam. Nanggaling ang pangalang Indo-China sa pinagsamang India
at China na nakaimpluwen-siya sa kultura ng rehiyong ito.
a. Laos Hiningi ng French ang kaliwang Isinama ang Laos bilang Pagpapatalsik sa mga misyonerong
pampang ng Mekong River na protektorado ng France at French.
magagamit bilang daungan at lumaganap ang kagutuman dahil
pagkontrol sa mayamang kalikasan. halos lahat ng inaaning palay ay
kinukuha ng mga French upang
iluwas.
b. Cambodia Pagkuha ng France sa Cochin Naging protektorado ng France Pakikipaglaban sa puwersa ng mga
China ang Cambodia dahil sa lakas ng French
puwersa nito noong 1862.
c. Vietnam Ang mga French ang humawak sa Sa pamamagitan ng puwersang Pakikidigma sa mga French
iba’t ibang posisyon ng pamahalaan pang-militar, napabilang din sa
at ipinag-utos din ang pagtatanim ng protektorado ng French ang
palay dahil mahalaga ito sa Vietnam sa kabila ng pagtutol ng
pakikipagkalakalan ng mga French. China.
Gawain 3: Data Retrieval Chart
Panuto: Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karanasan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya na sinakop ng
mga kanluranin noong ikalawang yugto ng imperyalismo. Punan ng tamang ilitary chart. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Nasakop na Kanluraning Bansa Dahilan ng Paraan ng Patakarang Epekto
Bansa na Nakasakop Pananakop Pananakop Ipinatupad

China Hal. England Pagpasok ng Pakikipagdigma ng Spheres of Influence Pag-bagsak ng


opyo sa China England sa China ekonomiya ng China
Japan
Pilipinas
Indonesia
Indo-China
Myanmar

Pagyamanin

Gawain 4: Tama o Mali: Sagutin Mo!


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung ang pahayag ay Tama at M kung ang pahayag ay Mali.
1. Ang open door policy ay ipinatupad ng mga British sa China.
2. Dahil sa opyo naging baliktad ang sitwasyon sa kalagayan ng ekonomiya ng mga British at Tsino.
3. Si Emperador Mutsuhito ng Japan ay nagsimulang manungkulan sa edad na 20.
4. Dahil sa pagbubukas ng Japan sa mga kanluranin, umigting ang kapangyarihan ng Shogunato ng Tokugawa.
5. Ang Meiji era ay panahon ng modernisasyon ng Japan.
6. Lumaya ang mga Pilipino sa Espanyol dahil sa tulong ng mga Amerikano.
7. Umusbong ang Kristiyanismo, sistema ng edukasyon, sentralisadong pamahalaan at pandaigdigang kalakalan sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
8. Ginawang probinsiya ng India ang Burma ng mga British.
9. Mahalaga ang papel ng mga mamamayan para sa kalayaan ng bansa.
10. Isa si Emilio Aguinaldo sa mga namuno sa rebolusyonaryong Pilipino upang mapatalsik ang mga Espanyol sa Pilipinas.
11. Nasakop ng Netherlands ang bansang Indonesia.

12. Mabuti ang naging epekto ng culture system sa mga Indones5 na ipinatupad ng mga Dutch.
13. Ang rubber ay orihinal na matatagpuan sa South Africa,
14. Ang melting pot ay ang lugar o rehiyon kung saan iisang kultura at pangkat-etniko ang naninirahan.
15. Ang Singapura ay salitang Malay na ang ibig sabihin sa English ay Lion City.

Isaisip
Gawain 5: MAG-LEVEL-UP KA!
Panuto: Isulat ang SA kung ikaw ay sang-ayon na tama ang pahayag at HSA naman kung hindi sang-ayon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Naimpluwensiyahan ng mga kanluranin ang ekonomiya, politika, lipunan, at pamumuhay ng mga bansang Asyano na kanilang
nasakop.
2. Hindi nagkaroon ng kumpetisyon ang mga kanluranin sa pananakop ng mga lupain at pagkontrol sa kalakalan.
3. Napabilis ang antas ng produksiyon dahil sa naimbentong makinarya at kagamitan noong panahon ng industriyalisasyon.
4. Mataas ang pangangailangan ng mga kanluranin sa mga hilaw na materyales.
5. Ang nasakop na bansa ng mga kanluranin ay ginawang mapagdadalhan ng sobrang produkto.
6. Hinayaan ng mga kanluranin na pamahalaan at kontrolrolin ng mga Asyano ang ekonomiya na nasakop nila.
7. Ginamit ng mga kanluranin ang mga likas na yaman ng mga nasakop na bansa upang makagawa ng mas maraming produkto.
8. Kinontrol ng mga kanluranin ang kalakalan at pinagtanim ang mga Asyano ng mga produktong kailangan sa kalakalan.
9. Kumita ang mga Asyano sa mga kanluranin dahil sa ipinagbili nila ang mga sobrang produkto sa kanilang mga kolonya sa Asya.
10. Ang makabagong mga kagamitan, teknolohiya, at paraan ng pamumuhay na natutuhan ng mga Asyano mula sa mga dayuhan ay
nakatulong upang siya ay umunlad sa kabila ng panghihimasok ng mga kanluranin.
11. Upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga kanluranin, hinati nila ang China sa mga spheres of influence.
12. Ang lokasyon ng Burma sa India, na sakop ng mga England ang dahilan kung bakit sinakop din ito ng mga British.
13. Ang mga ulat na pang-aapi sa mga misyonerong Katoliko na kanilang ipinadala ang pangunahing layunin sa pananakop ng France
sa Indo-China.
14. Dahil sa resident system na ipinatupad ng mga British, nadagdagan ang kapangyarihan ng hari sa Burma at nanatili ang karapatan
nito na magdesisyon kung kaninong dayuhan makikipagkaibigan at makikipag-ugnayan.
15. Sa pamamagitan ng puwersang ilitary ng France, napabilang ang Laos, Cambodia at Vietnam sa protektorado nito.

Isagawa

Gawain 6: PAGBUO NG COLLAGE


Panuto: Gumawa ng collage sa mga larawan na nagpapakita o nagpapamalas ng nasyonalismo sa bayan at lagyan ito ng slogan. Gawin
ito sa isang legal size bondpaper.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos
1. Nilalaman Naipakita ang mga bumubuo, gamit, at kahalagahan ng nasyonalismo
10
sa bayan
2. Presentasyon Maayos at malinis ang presentasyon 10
3. Malikhaing Pagbuo Gumamit ng recycled materials at angkop na disenyo ayon sa
10
pagpapamalas ng nasyonalismo
4. Slogan Naglalaman ang slogan ng angkop na paliwanag ukol sa gamit at
10
kahalagahan ng nasyonalismo
Halimbawa:
“MGA BAGONG BAYANI KARANGALAN NG ATING LAHI” “MAG-ARAL NG MABUTI AT MAGING HUWARANG BAYAN

6
Tayahin

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa patlang para mabuo ang pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Si ______________ ang nagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas sa mga Espanyol noong 1898.
A. Emilio Aguinaldo B. Jose Rizal C. Andres Bonifacio D. Apolinario Mabini
2. Nagbayad ng ____________ ang United States sa Spain kapalit ng pagpapaunlad na ginawa ng Spain sa Pilipinas.
A. 30 milyong dolyar B. 10 milyong dolyar C. 20 milyong dolyar D. 40 milyong dolyar
3. Ang culture system ay kilala rin sa tawag na _________.
A. planting system B. water system C. sewerage system D. cultivation system
4. Si ______________ ang nagmungkahi ng open door policy sa China.
A. John Hay B. Matthew Perry C. Milliard Filmore D. Douglas Mac Arthur
5. Ang kanluraning bansang __________ ang nakasakop ng Pilipinas sa loob ng 333 taon.
A. United States B. Spain C. France D. Germany
6. Ang Malaysia ay kilala sa malawak na plantasyon ng __________.
A. palay at mais B. goma at lata C. saging at pinya D. niyog at abaka
7. Ang French Indo-China ay binubuo ng mga bansang ________________.
A. Laos, India at Burma B. Vietnam, Laos at Nepal C. Burma, Cambodia at India D. Laos, Cambodia at Vietnam
8. Ang bansang _________ ang unang tumutol sa pagiging protektorado ng Vietnam sa France.
A. China B. India C. Japan D. Korea
9. Ang _____________ ay tawag sa kinatawan ng pamahalaan ng England sa Burma.
A. Hari B. Emperador C. Shogunato D. British Resident
10. Ang kanluraning bansang _______ ang nakasakop sa Vietnam.
A. United States B. France C. England D. Netherlands
11. Si _____________ ang namuno sa panahon na kilala bilang Meiji Era sa bansang Japan.
A. Emperador Mutsuhito B. Emperador Hung Hsiu Ch’uan C. Empress Dowager Tzu Hsi D. Emperador Puyi
12. Naging protektorado ng France ang Cambodia matapos nitong makuha ang Cochin China noong ________.
A. 1862 B. 1872 C. 1852 D. 1842
13. Ang Unang Digmaang Anglo-Burmese ay naganap noong ________.
A. 1852-1853 B. 1885-1886 C. 1842-1856 D. 1832-1840
14. Sa huling pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas, itinatag nila ang _______________.
A. Pamahalaang Commonwealth B. Pamahalaang Rebolusyonaryo C. Pamahalaang Militar D. Pamahalaang Sibil
15. Ang ____________ ay ang paghahati ng mga kanluranin sa ilang rehiyon ng China upang maiwasan ang digmaan.
A. open door policy B. resident system C. protektorado D. spheres of influence

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Positibo at Negatibo!


Bumuo ng positibo at negatibong epekto ng pananakop ng mga bansang kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Gamiting gabay ang
halimbawa sa loob ng talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga Bansa sa Silangan at Positibong Epekto Negatibong Epekto
Timog-Silangang Asya
Hal. Modernisasyon sa bansa. Hal. Panghihimasok ng mga kanluranin sa
1. Japan pamamahala ng bansa.
2. Pilipinas
3. Malaysia
4. Singapore

Susi sa Pagwawasto

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
306127-SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamar Norte, San Mateo, Isabela 3318

SAGUTANG PAPEL
ARALING PANLIPUNAN 7
PANGALAN:__________________________________________________ QUARTER/WEEK: QUARTER 4,
WEEK 2
GRADE 7 -________________________________ LRN:______________________________
ISKOR:________
SUBUKIN:
1 ______ 3 ______ 5 ______ 7 ______ 9 ______ 11 ______ 13 ______
15 ______
2 ______ 4 ______ 6 ______ 8 ______ 10 ______ 12 ______ 14 ______
BALIKAN: (Gawain 1: TANONG AT SAGOT!)
1 ____________ 2 ____________ 3 ____________ 4 ____________ 5 ____________
TUKLASIN: (Gawain 2: Chart Analysis)

1.____________________________________________________________________________________________

2.____________________________________________________________________________________________
(Gawain 3: Data Retrieval Chart)
Nasakop na Kanluraning Dahilan ng Paraan ng Patakarang Epekto
Bansa Bansa na Pananakop Pananakop Ipinatupad
Nakasakop
Japan
Pilipinas
Indonesia
Indo-China
Myanmar
PAGYAMANIN: (Gawain 4: Tama o Mali: Sagutin Mo!)
1 ______ 3 ______ 5 ______ 7 ______ 9 ______ 11 ______ 13 ______
15 ______
2 ______ 4 ______ 6 ______ 8 ______ 10 ______ 12 ______ 14 ______
ISAISIP: (Gawain 5: MAG-LEVEL-UP KA!)
1 ______ 3 ______ 5 ______ 7 ______ 9 ______ 11 ______ 13 ______
15 ______
2 ______ 4 ______ 6 ______ 8 ______ 10 ______ 12 ______ 14 ______
ISAGAWA: (Gawain 6: PAGBUO NG COLLAGE)
*Gawin ito sa isang legal size bondpaper. Ibase ito sa RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE.
TAYAHIN:
1 ______ 3 ______ 5 ______ 7 ______ 9 ______ 11 ______ 13 ______
15 ______
2 ______ 4 ______ 6 ______ 8 ______ 10 ______ 12 ______ 14 ______
KARAGDAGANG GAWAIN: (Gawain 7: Positibo at Negatibo!)
Mga Bansa sa Silangan at
Positibong Epekto Negatibong Epekto
Timog-Silangang Asya
Hal. Panghihimasok ng mga kanluranin sa
1. Japan Hal. Modernisasyon sa bansa. pamamahala ng bansa.

2. Pilipinas

3. Malaysia
4. Singapore

You might also like