Ang Santo Rosaryo NG Mahal Na Birheng Maria Hapis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA

BIRHENG MARIA 1

ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA

Pambungad na Panalangin

+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Amen

Namumuno(N): Aba Ginoong Maria napupuno ka


ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.

Bayan(B): Bukod kang pinapala sa babaeng lahat at


pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.

N: Buksan mo, Panginoon, ang aming mga labi.

B: At purihin ka ng aming dila.

N: Pagsakitan mo, O Diyos, ang pag-ampon at saklolo mo sa amin.

B: At iadya mo kami sa mga kaaway.

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

B: Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Ang Sumasampalataya

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng


langit at lupa. 

Sumasampalataya ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating


lahat; nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. 
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa
kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t
huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.  

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, 


sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng
mga kasalanan.  Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao at sa buhay na
walang hanggan.  Amen.
 

Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian
mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
2 BIRHENG MARIA

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa


aming mga sala,  Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama.. Amen.

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay


sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong
Anak na si Hesus. 
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung
kami y mamamatay. Amen.

Luwalhati
 
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo. 
Kapara noong unang-una,
ngayon at magpakailan man, 
magpasawalang hanggan. Siya nawa. 
 
Panalangin ng Fatima

O Hesus ko, patawarin Mo kami sa aming mga sala. Iligtas Mo kami sa apoy ng
impiyerno. Akayin Mo ang mga kaluluwa sa langit. Lalong-lalo na yaong mga
nangangailangan ng iyong banal na awa.

ANG MISTERYO NG HAPIS


(Martes at Biyernes)

Ang Unang Misteryo ng Hapis


Ang Pananalangin ni Hesus sa Halamanan ng Getsemani

Mateo 26: 36-46


Isinama ni Hesus ang kanyang mga alagad sa isang lugar na tinatawag na
Getsemani. Sinabi niya sa kanila, “Dito muna kayo’t mananalangin ako sa dako roon.”
Ngunit isinama niya sina Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. Nagsimulang
mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban, kaya’t sinabi niya sa kanila, “Ako’y
puno ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at samahan ninyo ako sa
pagpupuyat!”
Lumayo siya ng kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari
po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko,
kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.”

Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay
Pedro, "Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
BIRHENG MARIA 3
lamang? Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang
espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina."

Muli siyang lumayo at nanalangin, "Ama ko, kung hindi po maaaring maialis
ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong kalooban." Muli
siyang nagbalik at nakita na naman niyang natutulog sila, sapagkat sila'y antok na
antok.

Iniwan niyang muli ang tatlong alagad at siya'y nanalangin, at iyon din ang
kanyang sinabi. Nagbalik na naman siya sa mga alagad at sinabi sa kanila, "Natutulog
pa ba kayo at nagpapahinga? Dumating na ang oras na ang Anak ng Tao ay
ipagkakanulo sa mga makasalanan. Bumangon kayo at tayo na! Narito na ang
magtataksil sa akin."

Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa taos na pagsisisi. Ang
Pananalanging pinag-ukulan ni Hesus ng panahon.  Pinag-ukulan ng di matingkalang
hirap hanggang sa ang Kanyang mahal na dugo ay ipawis dala ng Kanyang pagkagiliw
sa mga tao, bilang siyang pauna ng Kanyang pagpapakilalang taos sa Kanyang puso
ang ninais na pagtubos sa ating pagkakasala at makahugas ang Kanyang pawis na
dugo sa ating kaluluwa. Idalangin natin sa Mahal na Ina na pagkalooban tayo ng
pusong taos sa pagsisisi sa ating mga kasalanan at nawa ang kalooban ng Diyos ang
maghari sa ating mga puso at kaluluwa.

Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati at ang
Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay aawit ng isang awiting
Marian.

Ang Ikalawang Misteryo ng Hapis


Ang Paghampas kay Hesus na nagagapos sa Haliging bato

Marcos 15: 1-20

Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong pari, mga pinuno ng bayan,
mga tagapagturo ng Kautusan, at iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si
Jesus, at dinala kay Pilato. "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?" tanong sa kanya ni Pilato.
"Ikaw na ang may sabi," tugon naman ni Jesus. Nagharap ng maraming paratang ang
mga punong pari laban kay Jesus kaya't siya'y muling tinanong ni Pilato, "Wala ka bang
isasagot? Narinig mo ang dami ng kanilang paratang laban sa iyo." Ngunit hindi pa rin
sumagot si Jesus, kaya't nagtaka si Pilato.

Tuwing Pista ng Paskwa, si Pilato ay nagpapalaya ng isang bilanggo, sinumang


hilingin sa kanya ng mga taong-bayan. May isang bilanggo noon na ang pangalan ay
Barabbas. Kasama siya sa mga nagrebelde, at nakapatay siya noong panahon ng pag-
aalsa. Nang lumapit ang mga tao kay Pilato upang hilingin sa kanya na gawin niya ang
dati niyang ginagawa, tinanong sila ni Pilato, "Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng
mga Judio?” Sinabi niya ito sapagkat batid ni Pilato na inggit lamang ang nag-udyok sa
mga punong pari upang isakdal si Jesus.

Ngunit sinulsulan ng mga punong pari ang mga tao na si Barabbas ang hilinging
palayain. Kaya't muli silang tinanong ni Pilato, "Ano naman ang gusto ninyong gawin
ko sa taong ito na tinatawag ninyong Hari ng mga Judio?" "Ipako siya sa krus!" sigaw
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
4 BIRHENG MARIA

ng mga tao. "Bakit, ano ba ang kasalanan niya?" tanong ni Pilato. Ngunit lalo pang
sumigaw ang mga tao, "Ipako siya sa krus!" Sa paghahangad ni Pilato na mapagbigyan
ang mga tao, pinalaya niya si Barabbas at si Jesus naman ay kanyang ipinahagupit, at
pagkatapos ay ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.

Dinala ng mga kawal si Jesus sa bakuran ng palasyo ng gobernador, at kanilang


tinipon doon ang buong batalyon. Sinuotan nila si Jesus ng balabal na kulay ube.
Kumuha sila ng sangang matinik, ginawa iyong korona at ipinutong sa kanya.
Pagkatapos, sila'y pakutyang nagpugay at bumati sa kanya, "Mabuhay ang Hari ng
mga Judio!" Siya'y pinaghahampas sa ulo, pinagduduraan at pakutyang niluhud-
luhuran. Matapos kutyain, siya'y hinubaran nila ng balabal na kulay ube, sinuotan ng
sarili niyang damit, at inilabas upang ipako sa krus.

Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa birtud ng kadalisayan.  Ang
paghagupit kay Hesus ay walang imik at walang tutol Niyang pinagtiisan na tila ba
nagpapahayag na ang bawat isang pagkakasalang ating nagawa ay katumbas ng isang
mariing hampas na Kanyang tinanggap nang buong-puso sa Kanyang mahal na
katawan. Tanggapin nawa natin si Hesus ng may dalisay na puso at mababang loob
upang ating masuklian ang Kanyang paghihirap sa haliging bato.

Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati at ang
Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay aawit ng isang awiting
Marian.

Ang Ikatlong Misteryo ng Hapis


Ang Pagputong ng Koronang Tinik kay Hesus

Mateo 27: 27-31

Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo ng gobernador, at


nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Siya'y hinubaran nila at sinuotan ng
isang balabal na matingkad na pula. Kumuha sila ng sangang matinik, ginawa itong
korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pinahawak sa kanyang kanang kamay ang
isang tangkay ng tambo. Siya'y ininsulto nila, niluhud-luhuran at kinutya ng ganito,
"Mabuhay ang Hari ng mga Judio!" Siya'y pinagduduraan pa nila. Kinuha nila ang
tambo at ito'y inihampas sa kanyang ulo. Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at
muling sinuotan ng sarili niyang damit. Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus.

Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa marapat na tibay ng loob. Ang
pagputong ng koronang tinik kay Hesus ay tila ba nagsasaad na ang bawat isang
matulis na tinik ay katumbas ng isa sa ating mga pagkakasalang pinipilit ng ating
pusong ipataw sa Kanyang kaparusahan.  At ang dugo sa Kanyang ulo likha ng matulis
na tinik ay muling nagtilamsikan na nagsasabing muli Niyang hinuhugasan ang ating
mga kaluluwa upang ganap na mapawi ang ating mga sala. Idalangin natin sa Mahal
na Ina, na sa kabila ng ating mga paghihirap, pagsasakripisyo at pakikipagtuos sa
kasalanan, magkaroon nawa tayo ng matibay na loob upang ating masuklian ang bawat
dugong pumapatak sa ulo ni Hesus bunga ng tinik ng kasalanan ng sangkatauhan.

Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati at ang
Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay aawit ng isang awiting
Marian.
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
BIRHENG MARIA 5

Ang Ikaapat na Misteryo ng Hapis


Ang Pagpasan ng Krus ni Hesus

Juan 19: 16-22

Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y maipako sa krus.

Kinuha nga nila si Jesus. Inilabas siyang pasan ang kanyang krus papunta sa
lugar na kung tawagi'y Lugar ng Bungo, Golgotha sa wikang Hebreo. Pagdating doon,
siya'y ipinako sa krus, kasama ng dalawa pa; isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa.
Isinulat ni Pilato ang ganitong mga salita at ipinalagay sa krus: Si Jesus na taga-Nazaret,
ang Hari ng mga Judio. Nasusulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego. Marami
sa mga Judio ang nakabasa nito sapagkat malapit lamang sa lunsod ang dakong
pinagpakuan kay Jesus. Kaya't ipinagpilitan ng mga punong pari kay Pilato, Hindi sana
ninyo isinulat ang Ang Hari ng mga Judio, kundi, Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng
mga Judio. Ngunit sumagot si Pilato, Ang naisulat ko'y naisulat ko na.

Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa birtud ng katiyagaan. Ang
Panginoong Hesukristo ay naglakad sa lansangan ng kapaitan, na ang mabigat na krus
ng pagkakasala ng tao ay Kanyang pasan.  Ang Kanyang paglakad ay mahinay at ang
Kanyang mga paa ay tila anong bigat ng krus na Kanyang tiniis upang ang
sangkatauhan ay Kanyang mailigtas buhat sa isang malaking pagkakasala.  Dinala Niya
at pinasan ang mabigat na pagkakasala ng sandaigdigan upang sa gayon ay matiyak
Niya ang kaligtasan ng tao.  Datapwat ang pagnanasa ng Diyos ay ipinagwalang-bahala
ng tao.  Sapagkat sa halip na ang tao ay magbalik-loob ay bagkus kanilang tinalikdan
ang Diyos na si Hesukristo hanggang sa ito ay kanilang dinulutan nang walang
hanggang kaparusahan. Ipanalangin natin sa mahal na Ina na biyayaan tayo ng
pagiging matiyaga sa kabila ng ating mga hinihintay na sandal sa ating buhay. Katulad
ng ating Panginoon, matuto nawa tayong magtiis at magtiyaga sa lahat ng oras
sapagkat sa katapusan ay may naghihintay sa ating kaginhawaan.

Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati at ang
Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay aawit ng isang awiting
Marian.

Ang Ikalimang Misteryo ng Hapis


Ang Pagkapako at Pagkamatay ni Hesus sa Krus

Juan 19: 23-30

Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang panlabas
na kasuotan at pinaghati-hati sa apat. Kinuha rin nila ang kanyang mahabang panloob
na kasuotan; ito'y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba.
Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, Huwag nating punitin ito; daanin na lamang
natin sa palabunutan para malaman kung kanino ito mapupunta. Sa gayon, natupad
ang isinasaad ng Kasulatan,
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
6 BIRHENG MARIA

“Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at nagpalabunutan sila kung kanino


mapupunta ang aking damit.”

Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.

Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae,
si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang
kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, Ina, ituring
mo siyang sariling anak!

At sinabi niya sa alagad, Ituring mo siyang iyong ina! Mula noon, sa bahay na ng
alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.

Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya't upang matupad ang
kasulatan ay sinabi niya, Nauuhaw ako!

May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito ang
isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at idiniit sa kanyang bibig.
Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya, Naganap na! Iniyuko niya ang
kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Pagninilay
Iniaalay natin ang banal na misteryong ito para sa huling pagtitiyaga at
kaligtasan. Si Hesus ay ipinako sa Krus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Sa
Kanyang pagkakapako sa krus, ating paglaruin sa ating mga paningin ang isang taong
may maamong mukha, ang isang taong tumingin na may pagmamahal.  Ang bibig na
nakabuka nang bahagya; ang mga labi Niya ay tila ba mayroong nais na sabihin na
kung ating pagmamasdan sa ating gunita ay nais Niyang sabihin ang
pagmamakaawa.  Pagmamakaawa hindi upang Siya ay tulungan sa krus kundi
pagmamakaawang magbalik-loob tayo sa Kanya alang-alang sa pagtitiis Niya nang
walang kapalit na hirap.  Sa halip na ang tao ay maging malupit, tayo nawa ay lumapit
sa Kanya upang magbalik-loob, lumapit upang ang Kanyang tagiliran ay buksan at
paagusin ang masaganang dugo at tubig na nagmula sa Kanyang katawan.  At ito ay
muling pagsasaad na muli Niyang hinuhugasan ang ating mga kaluluwa upang ganap
na luminis, upang ganap na maging busilak sa kalinisan ang sangkatauhan. Sa kabila
ng Kanyang paglinis sa ating kaluluwa, tayo ay nagpakabaon sa putik ng
pagkakasala.  Pinagtaguan natin ang tilamsik ng dugo at tubig na makalilinis sa ating
kaluluwa.  Ikinubli natin ang ating sarili sa lalo at labis pang pagkakasala. Idalangin
natin sa Mahal na Ina na tayo nawa ay mahango sa mga kasalanan na lubos nating
pinagsisihan. Bigyan nawa tayo ng kapanatagan ng loob na sa pagbabalik ng kanyang
minamahal na Anak at ating Panginoong Hesukristo, makamit natin ang kaligtasang
walang hanggan.
         
At nawa’y ang pagninilay-nilay na ito sa Kanyang mga misteryo ng hapis ay
makatulong sa ating kaluluwa, at sa ating sarili, upang lubusang alisin ang
nakatatabing na pagkakasala, at ilantad ang ating sarili at kaluluwa nang mabahaginan
tayo ng tilamsik ng tubig at dugo ng ating Panginoong Hesukristo, na siyang
pinagmumulan ng lahat ng kabutihan.  Siya Nawa.

Dasalin ang (1) Ama Namin, (10) Aba Ginoong Maria, (1) Luwalhati at ang
Panalangin ng Fatima. Pagkatapos ng mga panalangin ay aawit ng isang awiting
Marian.
 
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
BIRHENG MARIA 7
PAGHAHAIN SA MISTERYO NG HAPIS

ABA GINOONG MARIA, Birheng wagas napupuno ka po ng hapis , sindak at


dalamhati sa mga kahirapan at kasakitan ng anak mong bugtong, nalulunasan nga at
nanglulumo ang loob mong maawain sa pagdakip sa kaniya at namura kang masakit
ng Syya ay apghahampasin at pinagtausan pa ag loob mo ng makita mong siyang
nagpapasan ng krus, na pagpapakuan sa kanya at maulila kang totoo sa pagkamatay
niya.
Magdalita ka Ina naming maalam at tanggapin mo itong rosaryong inihahain
sa iyo, galang at pagp-ala-ala sa mga misteryo sa hapis mo, at yayamang pintakasi ka
namin ay ipagmakaawa mong idalangin sa panginoong Diyos, pananalanging
maluwat pati ng katapangan ng loob sa pagdaralita ng anumang hirap at
kamurahang dumarating sa amin, sampu ng ikapapawi ng kapalaluhan at
kaparangalan namin, tuloy ihingi mo kami ng malalim na pagsisisi sa mga kasalanan
namin upang siyaing ikaawa bg Panginoong Diyos sa amin at pagkalooban kami ng
magandang kamatayan. Tulunagn mo nama;t ipagnugot ang ikahahandog at
ikapapanatag ng sang kakristiyanuhan sa sandaigdigan at ikakikilala sa Panginoong
Diyos ng mga di binyagan at ikapagbabalik loob ng mga makasalanan at ikapapawi
ng mga Herihiyas at ikapagkakasundo ng mga haring kristiyano.
Sampu ng katahimikan nitong buong kaharian at ikaluluwalhati sa langit ng mga
kaluluwan sa purgatoryo, at iadya mo kami sa mga lindol at sa iba pang masasama.
AMEN.

MAGDASAL NG ISANG ABA GINOONG MARIA…………………….

PAGHAHAIN SA DIYOS AMA

Panginoong Diyos amang kagaling-galinagn at kaalamalaman sa lahat.


Salamat at salamat sa iyo na walang hanggang pasasalamat dahil sa diwang awa mo
sa aming mga alipin mong masama. Ng punong ipinagpapasalamat namin sa iyo ay
ang mahal na anak mong bugtong na ipinagkaloob mo sa amin. Ang lahat ng dalita
niya dito sa lupa galing sa iyo at awa sa amin sampu ng mga kabanalan ng mahal na
Birheng Ina nya ay inihahain naming sa iyo na ipagkakapuri‘t pinagpapasalamatan
namin sa dilang awa mo sa min.
Magdalitan ka Ama naming maawain at papakinabangin mo ang lahat sa amin
at ng kami’y aming dapat magkamit ng mahal na grasya mo dito sa lupa at tsaka ng
kaluwalhatiaan mo sa langit Siya nawa, alang-aang kay Jesukristo na anak mo at
panginoon namin na nakikibuhay at nakikipaghari sa iyo sa Diyos Espiritu santo
magparating man san sa langit na walang hanggang Amen.

Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong
anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa
amin, ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa
amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

LITANYA SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Panginoon, maawa Ka sa amin;


Kristo, maawa Ka sa amin;
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
8 BIRHENG MARIA

Panginoon, maawa Ka sa amin;


Kristo, pakinggan Mo kami;
Kristo,pakapakinggan Mo kami;
Diyos Ama sa langit, maawa Ka sa amin;
Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan, maawa Ka sa amin;
Diyos Espiritu Santo, maawa Ka sa amin;
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, maawa Ka sa amin ;

Jesus karunungang walang hanggan Sagot: Maawa ka sa Amin


Jesus ipinagbili sa halagang Tatlumpung Kuwaltang Pilak
Jesus nagpatira sa lupa sa pananalangin
Jesus na pinalakas ng isang Angel
Jesus sa paghihirap mo ay nagpawis ka ng dugo
Jesus ipinagkanulo ni Judas sa isang halik
Jesus iginapos ng mga kawal
Jesus tinalikdan ng iyong mga alagad
Jesus iniharap kay Anas at kay Caipas
Jesus sinampal ng iang alipin
Jesus pinaratangan ng mga bulaang saksi
Jesus pinarusahan ng kamatayan
Jesus na niluran
Jesus piniringan
Jesus na sinampal sa pisngi
Jesus na makatatlong itinatwa ni Pedro
Jesus na iniharap kay Pilato
Jesus na kinuyam at kinutya ni Herodes
Jesus na hinubaran ng damit na puti
Jesus pinagpalit kay Barabas
Jesus sinugatan ng mga hagupit
Jesus na sinugatan ng aming mga kasalanan
Jesus na tinurung na isang ketongin
Jesus na binalabalan nag pulang damit
Jesus na pinutungan ng koronang tinik
Jesus na pinalo ng siit sa ulo
Jesus na hiningi nang mga Hudyo na ipako sa krus
Jesus na pinarusahan nang kadusta-dustang kamatayan
Jesus na ibinigay sa kalooban ng iyong mga kaaway
Jesus na pinagpasahan na mabigat na krus
Jesus na inakay na parang tupa sa pag papatayan
Jesus na hinubaran ng iyong mga damit
Jesus na ipinako sa krus
Jesus na nangako ng paraiso sa nagsising magnanakaw
Jesus na nagsabing ikaw ay pinabayaan na ng iyong ama
Jesus sa iyong uhaw ay binigyan ka ng apdo at suka upang inumin
Jesus na nagpaubaya ng iyong kaluluwa sa mga kamay ng iyong ama
Jesus na naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus
Jesus na sinaksak ng isang sibat
Jesus na ibinaba sa krus
Jesus na inilibing sa yungib
Jesus na buong luwalhating nagbangon sa gitna ng mga patay
Jesus na umakyat sa langit
Jesus ang aming tagapamagitan sa ama
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
BIRHENG MARIA 9
Jesus nagsugo sa iyong mga alagad sa espirito santo ang paraklito
Jesus nagsugo sa iyong mga alagad
Jesus na nagpuri sa iyong ina nang higit sa mga nabuhay at mga patay

Mahabag ka sa amin oh panginoon (2x)


Sa lahat ng kasamaan Sagot: Panginoon Hesus kami po’y iligtas Mo
Sa poot, pag kamuhi at bawat masamang kalooban
Sa digmaan, tagutom at salot
Sa lahat ng panganib sa isip at katawan
Sa kamatayanng walang hanggan
Sa pamamgitan ng kahimahimalang kapangyarihan
Sa pamamagitan ng kalinis-linisang pag lilihi sa iyo
Sa pamamagitan ng kalinis-linisang paglilihis sa iyo
Sa pamamagitan ng mapagkumbaba mong sirkumsisyon
Sa pamamagitan ng iyong mga gawain at pag- aalaga
Sa pamamagitan ng malupit na paghagupit at pagputong sa iyo
Sa pamamagitan ng iyong uhaw at mga luha at kahubaran
Sa pammagitan ng kamahalan mong pagkamatay sa krus
Sa pamamgitan ng iyong maluwalhating pagkabuhay na muli at pag akyat sa langit
Sa pamamagitan ng pagpanaog mo sa espirito santo ang paraklito
Kaming mga makasalaan ay sumasamong dinggin mo kami na kami ay iyong
ililigtas
Na kami ay iyong patatawarin
Na loobin mong kami ay magtatamo ng tunay na pagsisisi
Na loobin mong buong habag na ibubuhos sa aming puso ang biyaya ng espirito
santo
Na iyong iingatan at palalaganapin ang mga samahang nagbubukod sa iyong ngalan
Na iyong mamarapating pagkalooban kami ng tunay na kapayapaan
Na iyong mamarapating kami’y pagkaloobanng pananatili sa biyaya sa banal na
paglilingkod sa’yo
Na iyong mamarapating kami’y ililigtas sa marurming isipan sa mga tukso at hibo ng
demonyo at walang hanggang kasalanan
Na iyong mamarapating isama kami sa iyong mga banal
Na iyong mamarapating kami ay ginggin
Sagot:Panginoon Hesus kami po’y iligtas mo

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Pakapakinggan


Mo po kami, Panginoon;
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa Ka sa
amin.

N: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.


B: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming
Panginoon.

Manalangin Tayo:
O Diyos, na ang bugtong na Anak ay nagkatawang tao, namatay at muling nabuhay,
upang tamuhin para sa amin ang gantimpalang walang hanggang kaligtasan,
ipagkaloob Mo na sa pamamagitan ng pagninilay-nilay namin ng mga misteryo ng
kabanal-banalang Rosaryo ng Mahal na Birheng Maria na matamo ang kanilang mga
ipinangangako. Alang-alang din kay Kristong Panginoon namin. Amen.
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
10 BIRHENG MARIA

Panalangin para sa Intensyon ng Santo Papa

Dasalin ang…
(1) Ama namin
(1) Aba Ginoong Maria
(1) Luwalhati

Namumuno: Sumaatin nawa ang tulong ng Maykapal


Lahat: Amen.

Namumuno: Sumapayapa nawa ang kaluluwa ng mga yumao sa grasya ng


Panginoong Diyos.
Lahat: Amen.

Namumuno: Manatili nawa sa atin ang biyaya ng Makapangyarihang Diyos +Ama,


Anak at Espiritu Santo.
Lahat: Amen.

Aawitin ang Awit ng Santo Rosaryo.

MGA AWITIN PARA KAY MARIA


 
1st Mystery: Umasa ka sa Diyos
 
Refrain
Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin
At manahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.

Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak,


'Pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap;
Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
Katulad ng araw kung tanghaling tapat.
(Repeat Refrain)

Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka,


Maging matiyagang maghintay sa kanya;
H’wag mong kainggitan ang gumiginhawa
Sa likong paraan, umunlad man sila. 
 
2nd Mystery:Huwag kang mangamba

KORO:

Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa


Sasamahan kita, saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa 'King mga mata
Minamahal kita, minamahal kita

Tinawag kita sa 'yong pangalan


Ikaw ay Akin magpakailanman
ANG MISTERYO NG HAPIS NG MAHAL NA
BIRHENG MARIA 11
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tapagligtas mo at Tagatubos (KORO)

Sa tubig kita'y sasagipin


Sa apoy ililigtas man din
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tapagligtas mo at Tagatubos (KORO)
Koro:

 
3rd Mystery: Pagkakaibigan Ang lingkod Mong hahanap sa 'Yo

Ang sinumang sa aki’y nananahan, Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan


mananahan din ako sa kanya
Lingapin Mo at kahabagan
At kung siya’y mamunga nang masagana,
S’ya sa ama’y nagbigay ng karangalan.
Panginoon, aking tanglaw
Koro1 Tanging Ikaw ang kaligtasan
Mula ngayon, kayo’y aking kaibigan,
 hinango sa dilim at kababaan.
Sa masama ilayo Mo ako
Ang kaibiga’y mag-aalay ng sarili n’yang buhay, Ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo. 
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.  
II 5th Mystery: Tingnan ang Tao sa
Kung paanong mahal ako ng aking ama,
 sa inyo’y aking ipinadarama. Krus
Sa pag-ibig ko kayo sana ay manahan,
At bilin ko sa inyo ay magmahalan. (koro1) Tingnan, masdan ang tao sa krus: S'ya ang
III
ating kaligtasan.
Pinili ka’t hinirang upang mahalin, Halina't S'ya'y sambahin.
Nang mamunga’t bunga mo’y panatilihin.
Humayo ka’t mamunga nang masagana. Hangga't ang butil ay hindi mahulog at
Kagalakang walang-hanggang ipamamana. mamatay,
Koro 2 Ito'y hindi lalago't hindi magbibigay-
Mula ngayon, kayo’y aking kaibigan, buhay.
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibaiga’y mag-aalay ng sarili n’yang buhay, Kapag sa 'kin na'y dumatal ang tamang
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.
panahon,
Luwalhati ang mabayubay sa 'sang kahoy.
4th Mystery: Panginoon, aking tanglaw
Anong laking kahiwagaan, kababaang-
Panginoon, aking tanglaw
loob:
Tanging Ikaw ang kaligtasan Naging hamak na tao ang Diyos sa
Sa panganib ingatan ako pagtubos. 
Ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo  
Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan
Lingapin Mo at kahabagan

Anyaya Mo'y lumapit sa 'Yo


Huwag magkubli, huwag kang magtago
Sa bawat sulok ng mundo

You might also like