Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Panahon ng

Pagbabagong Diwa

Aralin 1
Masasabing ang diwang
malaya sa bawat puso ng
mga Pilipino na naghangad
ng pantay at matuwid na
pagtingin ay nagpasimula ng
payagan ng Espanya ang
Pilipinas na makipagkalakalan
(market) tayo sa labas ng
ating bansa.
Ang mga ideolohiyang pag-aaklas
ng mga Amerikano, Pranses, at
mga pananaw ng kalayaan sa
panulat nina Rousseau, Voltaire, at
Monteesquieu ay lumikha ng
hangarin sa bawat damdamin ng
mga Pilipino na magkaroon ng
pagbabagong-bihis sa
pamamahala ng ating bansa sa
panahon ng Kastila.
Sumabay ang Pilipinas sa pag-
unlad ng sistemang
Pandaigdigan (globalization).
Ang patuloy na produksyon ng
pagsasaka at patuloy na
pagkikipag-ugnayan at
pakikipagkalakalan ang
nagluwal sa mga pangkat ng
mga Pilipino na kilala sa tawag
na "Ilustrado" o Middle Class.
Sumilang ng mga kabataang
Pilipino na namulat ang mga
kaisipan sa di
pagkakapantay-pantay na
pagtingin o pagtrato sa atin
ng mga Kastila (mananakop).
Ang kanilang mga lantarang
paniniil at maling
mapapalakad ng simbahan
at pamahalaan.
Nakadagdag pa ang pag-
aalsa ng mga manggagawang
arsenal sa Kabite at pagbitay
kina Padre Gomes, Burgos, at
Zamora sa pamamagitan ng
garote (dahan-dahang
pagsikip ng nakapulupot na
bakal sa leeg) ang naging
dahilan ng pagsibol at
paglaganap ng dadaming
makabayan.
Sa pagsimula ng pag-
aaklas maraming
Pilipino, marami ang
pinatay at itinapon sa
iba't ibang pook sa
labas ng bansa sa
Hongkong, Barcelona,
Singapore, at iba pa.
Sa ganitong pangyayari,
itinalaga ng mga Pilipino
ang kanilang mga sarili
at gumanap ng tungkulin
sa pamamagitan ng
panulat at ng salita
upang sa ikagagaling at
ikatitiwasay ng Inang
Bayan.
Nagkaroon ng mga pangkat
ng mga Pilipinong nakapag-
aral sa Europa na nanguna
sa paghiling at paghain ng
pagbabago sa
pamahalaang Kastila ng
Pilipinas. Naging daan ito
upang itatag na ngayo'y
kilala sa kasaysayan ng
Pilipinas sa tawag na
"Kilusang Propaganda".

You might also like