Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kinagigiliwan ng mga bata ang paglalaro bilang pampalipas ras.

Pero kasabay ng pag-unlad ng mundo,


nagbabago ang halos lahat ng bagay at malaki ang naging impluwensya nito sa tradisyonal nating mga
laro.

Noon, isang tanawin sa mga kalye at bukirin ang larong Pinoy. Nagkalat ang mga batang nagpapatintero,
naghahabulan at nag-tutumbang preso. Araw-araw na nadidinig ang tawanan tuwing nagluluksong baka
at luksong tinik. May mga grupo ng mga batang lalaking nagtutrumpo at nag-hoholen. Pagsapit ng gabi,
may iba pang mga batang naglalaro sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Lumipas ang panahon, unti-unti na itong nawawala at napapalitan ng teknolohiya. Hindi na makaalis sa
harap ong kompyuter ang mga kabataan. Nauso ang “facebook” at “twitter” at mga “online games”.
Naniyan pa ang “PSP”, “cellphones”, “iPod” at marami pang iba.

Ibang-iba na ang henerasyon ngayon, malayo sa nakagisnan ng maraming Pilipino. Marahil ay hindi na
nga ito binibigyang pansin pero hindi natin dapat kalimutan ang tunay na atin.\’

You might also like