Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cuyo , Dana Gail C.

Pagsulat ng Dagli
CAF 211 (Task no.2)

“MAPA”
“walang direksyon ang buhay namin “ ito ang mga salitang lumabas sa bibig ng aking Ama.
“ipinanganak kaming mahirap at baka mamatay na rin kaming mahirap hindi kami nakapagtapos ng aming pag-aaral “
sunod na sinabi ng aking Ina.
Lumaking mahirap ngunit ‘di papayag na ililibing akong mahirap patuloy akong nagsusumikap para sa aking pamilya lalo
na sa aking Ama’t Ina. Ang pag-aaral naming magkakapatid sa isang kilalang unibersidad ay hindi naging madali para sa
aking inang labandera at amang magsasaka.
“Anak ipagpaumanhin mo ngunit maaari bang gumawa ka na muna ng liham na nagsasabing hindi ka muna makapagbabayd
ng iyong matrikula para sa darating mong eksaminasyon” pakiusap ng aking Ina.
“ Pasensya ka na anak kailangan mong magtiis , maghirap at magutom patawad kung kami ang iyong mga naging
magulang” tila mangiyak – ngiyak na sinabi saakin ng aking Ama.
Masakit marinig ang mga salitang ito na mula pa mismo sa iyong mga magulang masakit na alam mong kinakaya at patuloy
silang lumalaban upang mapagtapos ang apat na anak sa kolehiyo mabigat sa dibdib na bawat eksaminasyon kailangang
gumawa ng liham dahil hindi kayang makapagbayad ng matrikula sa tamang oras pero wala ng mas bibigat na lahat ng hirap
, sakit , pagod at gutom ay tinitiis nila upang kami ay matapos at hindi magaya sa kanila “walang direksyon ang buhay” .
Darating ang panahon masasabi kong “ huwag mag-alala ipikit ang iyong mata tahan na pahinga muna ako na ang bahala ,
labis pa sa labis ang iyong nagawa MA,PA pahinga muna ako na ang bahala”.
.

You might also like