TheCatWhoDoesntMeow - Candy Stories 05 Cliche

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 259

Cliche (Candy Stories #5)

Copyright    [Cliche (Candy Stories #5)]

            This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places,


events, and incidents are either the products of the author's imagination or used
in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or
actual events is purely coincidental.

The original image used for the book cover of this work is not the author's
property. No copyright infringement intended.

03:22 PM | May 20, 2018

        Teaser [Cliche (Candy Stories #5)]

            TCWDM: Use #ClicheWP for tweets ~

***

When I was young, I met a prince who told me I'm beautiful. Sabi niya, paglaki
namin, liligawan niya 'ko. We grew up, but unfortunately, I had a reverse story of
the ugly duckling.

The prince continued to be a prince, while I became the unpretty duck that wouldn't
become swan. Bumuhaghag ang buhok ko. Umitim ako. Natadtad ng taghiyawat. Sasabihin
siguro ng iba, okay lang pumangit paglaki. Beauty is something that should shine
from within. But that's not completely true. Kahit ga'no kaganda ang kalooban,
laging huhusgahan ang itsura. People judge with the eyes first before they use
either the heart or the head.

I learned easily how everyone desires to be interesting but not different.


Different is being that quirky cowlick when you already comb your hair and wearing
jeans instead of crowns when you want to be queen. In reality, everyone wants the
same thing—beauty, recognition, intellect.

I only wanted one thing—I wanted to stop dreaming for the prince.

But he's Maxwell. When he's in my life, he pulls me into his magnetic field no
matter how much I resist. When he's not, I miss him. Nagkaatraso ako sa kanya no'ng
college na kinatatakutan kong singilin niya kapag nagkita kami.

As fate would have it, we are going to see each other.

Again. 

        Chapter 01: You again [Cliche (Candy Stories #5)]


           

***

"Nope, not available. I'm busy."

Ibinaba ni Miss Kylie ang telepono sa cradle nito bago ituon ang matalas na mga
mata sa'kin. Halos nakasimangot siya but her seemingly glary eyes on me is her
natural, non-judgmental stare. Pero dahil hindi na 'ko nasanay, kumabog pa rin ang
dibdib ko.

"Are you done with the article?" aniya.

"Yes po. I emailed it to you kaya lang hindi n'yo pa yata nakikita." Which isn't
surprising. Miss K, aged thirty-one, runs two magazines, two restaurants, and one
PR company. Ako, aged twenty-three, ay humble employee lang niya.

I work as a writer for Savory (a magazine about food and lifestyle) and a reviewer
for Bon Apetit! app. It's a mobile application that lists, reviews, and recommends
restaurants and shops. It also connects to delivery hotlines.

"Hard copy," aniya at inilahad ang kamay sa'kin.

Iniabot ko ang prints ng tatlong articles na assignment ko sa Savory. Pare-parehas


lang na tungkol sa nagdaang Food Expo ang laman niyon pero magkakaiba ang focus. I
covered the three-day long event.

Inilapag niya sa tambak ng papel sa mesa niya ang iniabot ko bago ibalik ang mata
sa laptop niya. "I'll read it later."

I actually needed her to read my articles now. Six in the evening na. Karamihan sa
mga tao sa opisina ay nakauwi na. Ako na hinihintay ang review niya sa article at
iilan na adik sa overtime ang naiiwan. I have a six-thirty appointment sa
dermatologist ko na kapag hindi ako nagmadaling umalis ay mami-miss ko. Na naman.

"Actually, Miss K—"

"By the way, did you receive your schedule for the resto review next week?"

May natanggap akong schedule para sa mga resto na kailangan kong puntahan for food
reviews pero hindi ko pa nabasa talaga. It's weekend. Nasa pagpapahinga na ang isip
ko.

"There's been a change in the schedule," patuloy niya. "I know na sa Lunes dapat
'yong isang review pero bukas lang available 'yong isang resto. Is it okay for you
to work tomorrow?"

Actually, hindi. Part 2 ng session ko sa derma bukas. Sinabihan na 'kong kailangan


kong mag-stay indoors after it to prevent despicable break outs. I've been battling
pimples, acne, and break outs since puberty and I'm almost winning. Nasasabotahe
lang madalas ng mga biglaang work hours, gaya ng pinag-uusapan na naman namin.

"Ano po kasi..."

"I couldn't arrange for another date para sa review," dagdag niya.

Okay lang naman kahit na walang ibang date. May isa pa namang nagha-handle ng
reviews bukod sa'kin—si Pau. May on-call Chef din kami na kasama—si Chef Mino.

"Uhm... si Pau po?"

"Pau is resigned."

Napatanga ako. Resigned? Hindi man lang resigning? Kasama ko lang si Pau kahapon.
Nitong umaga, ang sabi lang sa'kin ay hindi siya papasok dahil masama ang
pakiramdam niya. Bakit at paanong resigned? "Kailan pa po?"

"Kanina lang. She told me over the phone. She's pregnant and been to the doctor.
Pinagbe-bed rest daw siya."

I couldn't fully grasp the news.

"May boyfriend po si Pau?" ani ko.

Miss K looked at me thoughtfully. "I actually didn't know. Hindi mo rin ba alam?"

Umiling ako. Dalawang taon na kaming magkasama sa trabaho ni Pau at tatlong taon na
siyang dumadaldal sa'kin pero wala siyang nabanggit minsan man tungkol sa
boyfriend. Akala ko, ayaw niya sa relationships gaya ng karamihan sa strong,
independent women ng company namin.

"It blew me away, too," sabi ni Miss K. "Chef Mino also resigned."

Kung gano'n... walang ibang puwedeng mag-review? At paano ako? Mag-isa na lang ako?

Miss K might have felt my agitation because she blew a sigh and looked at me with
soft eyes. "I'm still looking for another person to fill in for Pau. Pero dahil
Friday na today, it will be too short a notice para biglang mag-point ng kapalit."
Napatango ako. "Pa'no po ang kapalit ni Chef Mino? Ako lang po ang magre-review
bukas?"

"Oh, that. No. You don't have to worry. May kapalit na si Chef Mino. It was a late
call pero nag-recommend sa'kin si Reeve."

I'm guessing that Reeve is her close acquaintance or friend. Or baka 'yong lagi
niyang tinatanggihan sa date. May tsismis sa office tungkol do'n pero walang maka-
crack kung sino talaga.

"He recommends that chef na nasa ads?" Miss K started snapping her fingers in
trying to remember a name. "His name's at the tip of my tongue."

Dalawa lang ang chef na kilala kong nasa mga kilalang ads. The one is, "Si Chef
Lester?"

Miss K clicked her tongue. "No, no. I saw Lester on print and I don't want him. You
know how it works. The resto featured in our app should be reviewed by chefs. They
love our app and our reviews but they love the banner more dahil may picture ng hot
chef. The other one is great in print and audio-visuals. He's a born poster boy.
That other one with the smile good enough for a toothpaste ad."

Napalunok ako. Bukod kay Chef Lester, iisa na lang ang chef na nasa mga ads. Like
Miss K said, he's a born poster boy. Madalas nakangiti. But he's more than looks.
Alam ko kung ga'no kasarap magluto ang isang 'yon.

I actually know a lot about that other person. But heaven forbid... mas okay kung
si Chef Lester na lang ang makakasama ko. I'm reviewing resto three times a week. I
don't want to be with that person three times a week.

"Oh, I remember now. Nalilito kasi ako sa surname. His name's Maxwell Tejeron."

Nahigit ko ang hininga ko.

"Si Chef Maxwell ang kasama mo sa resto bukas. He'll come at seven in the morning
here at the office. Dito mo na siya imi-meet."

Wala sa loob ko nang tumango ako.

Right. There's only Maxwell.


***

"Ano'ng ginawa kong mali?" tanong ni Maxwell sa'kin.

I was holding my emotions in. Naiipon ang mga iyon sa lalamunan ko, sinisira ang
boses ko. Pinahihirapan ang paghinga ko.

I wanted to tell him everything that worries me but I couldn't. It was petty and
unfair but I couldn't help it.

"Wala. Ayoko lang na makita ka."

"Bakit? Sabihin mo sa'kin. May ginawa ba 'kong mali?"

Iilang hakbang lang ang distansiya sa pagitan namin pero parang mas malayo siya. O
baka ako ang mas malayo. Pero kulang pa 'yon. Kailangan ko pa siyang itulak sa mas
malayo. Sa hindi ko siya makikita para hindi ako manliit.

"Aurora..."

Sumubok siyang humakbang palapit pero umurong ako. I was glaring at him. Huminto
naman siya.

I knew I looked angry. And I was angry but not at him.

Galit ako sa sarili ko.

"Mula ngayon, ayoko nang makita ka. 'Wag mo na 'kong lalapitan. 'Wag mo na 'kong
kakausapin. 'Wag mo na 'kong kaibiganin. Hindi na rin ako magpapakita pa sa'yo."

Kunot na kunot ang noo niya sa mga sinasabi ko.

"Pa'no kung gusto pa rin kitang makita?" tanong niya.

"I will curse at you."

"Pa'no kung aksidente kitang makita?"

"Then curse at me."

Nagbuga siya ng hangin. "Sigurado ka na ba sa gusto mo?"


Lumunok ako. "Oo."

Sandali kaming nakatingin sa isa't isa. Nang pakiramdam ko, lalapit uli siya, nauna
na 'kong tumalikod.

"Aurora..."

Pinigilan kong lumingon.

"Sorry. Ayoko sa gusto mo," sabi niya.

Huminto ako sa paglakad ko. Nakuyom ko ang kamao ko bago malakas na magsalita, "I
don't care! You won't see me again."

"I will. At kapag nakita kita uli—"

"I don't care!" sigaw ko.

Binilisan ko ang paglalakad ko at tinakpan ang tainga ko, pero narinig ko pa rin
siya.

"Aurora! Dahan-dahan lang sa paglakad. Mataas ang heels mo!"

I ran. He shouted one last thing. Pero hindi ko na narinig.

Napamulat ako sa pagkakasubsob sa desk ko. My phone was ringing. Nakaunan pa rin
ako sa braso ko nang abutin ko ang maingay na gadget at ilapat sa tainga ko.

"Hello?"

"Nasa office ka pa?"

Boses ni Calyx 'yon. I checked my phone's screen. 8:30 na.

Oh my God! "Eight-thirty na?!" buwelta ko kay Cal.

"Opo, Prinsesa Aurora. Eight-thirty na. Tumawag sa'kin si Dr. Len. Hindi ka raw
dumating sa appointment mo at hindi ka raw sumasagot sa cellphone mo. Susunduin
sana kita sa clinic niya."

Oh no. Na-miss ko ang appointment ko sa derma! Napakapa ako sa mukha ko. Wala pa
namang baby pimples na biglang lilitaw, 'di ba? Hindi naman 'yon basta na lang
makakalipat sa mukha ko mula sa kung saanmang alikabok.

"Quit touching your face," sabi ni Cal.

"What? I wasn't—"

"I know you'd touch your face by now. Walang taghiyawat na basta lilitaw diyan.
Nakapag-one month deathsary na 'yong huling taghiyawat mo, 'di ba?" Mahinang tumawa
si Cal pagkatapos.

We actually celebrated the death of my last pimple. Bumili ako ng cake. Bumili si
Cal ng card. May commemorative photo pa kaming dalawa sa bahay. Kauna-unahang
picture ko 'yon na malinis na ang mukha ko.

"One month na ba 'yon?"

"Oo. Naalala ko kanina," sabi niya. "You're free from acne for a month now."

Sa actual acne, yes, free na 'ko. Pero may mga bakas pa sa mukha ko ang lahat ng
taghiyawat na nag-overstay. Itinatago ko lang sa concealer. Hanggang ngayon, hindi
pa rin ako nagse-selfie. Si Cal lang ang nakakapilit sa'king magpa-picture kasama
niya.

"Na-miss ko kasi 'yong appointment. Baka biglang may lumitaw na taghiyawat."

"Ang paranoid mo. Quit touching your face and you'll be good. 'Yon naman ang sinabi
ni Dr. Len, 'di ba?"

"Yep." Bumuntonghininga ako. "Nasa'n ka? Malapit ka lang dito sa office?"

"Hindi pero papunta na 'ko diyan. Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Uwi na tayo?"

Naunang sumagot ang pagkulo ng tiyan ko. Nagugutom na 'ko. Inaantok na rin. Hindi
ko namalayan kung ano'ng oras ako nakatulog sa mesa ko.

I checked my emails. May confirmation of receipt na si Miss K sa last revision sa


articles na hinihingi niya. In-off ko ang computer bago luminga sa tahimik nang
opisina.
Napalunok ako. Potential setting na ng ghost story ang office. Patay na ang mga
ilaw maliban sa table ko. Ako na naman ang naiwang mag-isa. Ayoko pa naman sa
dilim.

"Kain na muna tayo bago umuwi. May dala kang pagkain?" tanong ko kay Cal. Pilit
iniaalis ang isip ko sa dilim sa paligid. Baka may mga anino kasing gumalaw. O may
biglang bumulong out of nowhere.

Ghosts won't just jump at me, right? Kahit na gawain nila 'yon? Maaga pa naman para
magmulto sila. Maghintay na lang sila hanggang midnight.

"Meron na," sagot ni Cal. "Pero walang drinks 'to."

I should think about food.

"Ah. Bibili na lang ako sa convenience store sa baba," ani ko.

"Okay."

"Mga ilang minutes ka pa bago makarating?"

"Twenty siguro. Sa convenience store mo na 'ko hintayin."

"Sige. Drive safely."

"Yeah."

Nang mag-disconnect ang call, mabilis akong nag-ayos ng mga gamit ko at patakbong
lumabas ng office. Higit ko ang hininga ko kahit nang nasa elevator na 'ko. Hindi
pa rin kasi safe. May horror movie na tungkol sa isang elevator. 'Yong may
pipindutin kang certain floor numbers tapos sa huling floor na titigilan, other
side na. May isa namang movie na basta na lang tumitigil ang elevator sa non-
existing floors.

Nasa 22nd floor ang office.

Pinanonood ko ang paggalaw ng floor numbers sa display, sinisiguro na hindi biglang


magja-jump 'yon sa mas mataas sa 22, nang magulat ako sa sarili kong message alert.

Hindi naman nagte-text ang mga multo. I was expecting the message to be from Cal.
Baka napabilis ang drive niya at nasa convenience store na siya.

But it was an unregistered number.


Unregistered number:
Hi, Aurora. Kylie gave me
your number. Save mine.
- Maxwell

Unregistered number:
See you tomorrow. :)

Pag-ding ng elevator sa ground floor, nagitla uli ako. Pero hindi na dahil sa dilim
o sa ghosts ang ipinag-iingay ng heartbeat ko.

Like way back, it's Maxwell. #651g / 07122018

        Chapter 02: That unnameable feeling is... [Cliche (Candy Stories #5)]

           

***

First year college, Culinary Arts


June, first week
Saint Tomasino University

"O, Kimmy, nandito ka pa pala? Akala ko, sumabay ka sa Kuya mo?"

Halos makipagpatintero ako kay Manang Thelma palabas ng gate. May kagat akong
sandwich at may hawak na baso ng orange juice. Dinagit ko lang sa kusina pagdaan ko
ro'n.

"Hindi ka bumangon agad no'ng ginigising kita, ano?" sabi pa niya. "Naku, male-late
ka niyan."

Tumango lang ako. Magha-hand signal ako kay Manang kung kaya ko kaso lang occupied
ang mga kamay ko. Nagmamadali rin ako. Ngumuya ako sandali bago uminom ng juice at
ibigay kay Manang ang baso.

"Male-late na nga po ako. Pabalik na lang po sa kusina. Thank you po!"


Bago pa siya makapagsalita uli, nakalabas na 'ko ng gate at tumakbo palabas sa
subdivision.

First day ng school. Ang plano ko kagabi, maaga akong gigising at sasabay kay Kuya
paalis. Inihanda ko na nga agad ang gamit at uniform ko. Pero siyempre, plano lang
'yon. Hirap akong matulog kapag gising ako. Hirap naman akong bumangon kapag tulog
ako. Kaya late akong nakakatulog kahit anong basa ko ng libro at late din
nagigising kahit ilang alarms ang i-set. Ni-remind na 'ko ni Kuya na maging on-time
sa umaga dahil mas maaga sa'kin ang office niya. Pero siyempre, hanggang remind
lang uli 'yon.

Pagdating ko ng labasan, punuan ang mga jeep na papunta sa university. Kahit


tricycle, walang humihinto sa'kin. Pagagalitan din pati ako 'pag nalaman ni Kuya na
nag-tricycle ako dahil na-late ako ng bangon.

Kailangan ko ng taxi. Pero lahat ng taxi na dumadaan, may sakay.

Panay ang kagat ko sa sandwich habang pumapara. Walang humihinto.

Dapat pala, sinabihan ko si Cal na daanan ako sa bahay. Kung dadaanan niya 'ko, may
gigising sa'kin. May magda-drive para sa'min dahil may service driver sila. At may
kasabay akong male-late.

Kababata ko si Calyx. Kaklase ko rin mula kinder hanggang college.

Pagkaway ko sa hindi ko alam kung pang-ilang taxi, huminto 'yon. Mabilis kong
nabuksan ang pinto sa backseat para sumakay. Para lang matigilan dahil hindi lang
pala ako ang pasahero.

May isa pang tao ro'n. Kilala ko naman pero...

"Sa STU pa rin po, Manong."

Nalunok ko nang buo ang sandwich na nginunguya ko pa dapat. Napakapa rin ako sa
tagiliran ng labi ko para i-check kung may breadcrumbs or mayonnaise do'n. Tuna
sandwich pa naman ang kinakain ko.

"Hello, Aurora," bati ni Maxwell. Nakangiti gaya ng lagi. "Good morning."

Dahan-dahan ang pagbaba ng sandwich sa lalamunan ko. Pinipigilan akong bumati


kaagad.

"H-hello..."
"Komportable ka sa pagkakaupo mo?" aniya pa.

"Huh?"

Ngumiti lang siya lalo. Napalinga naman ako sa kinauupuan ako. Nakasuksok pala 'ko
halos sa pinto.

"Ah... uh..." Ano'ng sasabihin ko kung kusa akong napasiksik sa pinto nang makita
ko siya sa loob?

Umisod si Maxwell para bigyan pa 'ko ng espasyo. Umupo naman ako nang maayos.

"Thank you..." halos bulong ko.

Hindi na siya sumagot. Sa harapan na rin siya tumingin. Samantalang ako... ni hindi
na nakakagat uli sa almusal ko. Hawak-hawak ko na lang 'yon—hindi maitapon (ayaw ni
Maxwell nang nagsasayang ng pagkain) pero hindi rin makain (hindi ko kayang
lumunok).

Kaklase ko si Maxwell no'ng kinder. Sa isa sa pinakabata kong alaala, kasama siya.
Hindi ko nga lang alam kung naaalala niya pa 'yon. Nang mag-elementary, lumipat ako
ng school. Pagdating ng high school, naging magkaklase uli kami ng second year at
third year. Nakikita ko rin siya nang madalas sa park malapit sa compound kung saan
siya nakatira. May food stall kami ro'n ni Mommy na ako ang tumatao tuwing
weekends.

I have a crush on him (pero secret), gaya ng kalahati ng buong populasyon ng mga
kaklase naming babae. There's a lot to like about Maxwell. He's smart. He's good in
sports. He's always smiling. He's friendly and approachable. And he looks like a
fairy tale prince.

But unlike most girls, I know more than that. Like, I know that he cooks well since
high school. Na may aunt siyang magaling mag-bake by the name of Auntie Mona. Na
may dalawa siyang kapatid na lalaki na sina Kuya Jacob at Kuya Warren. Na may aso
silang si Koko. Na marunong siyang mag-bike at skateboard. Na magaling siyang mag-
basketball. At na mahilig siya sa music.

Alam ko rin na ilang beses na siyang naalok na mag-model no'ng high school pa lang
pero ayaw niya.

When I applied for Culinary Arts in STU, I saw his name in one of the passers.
Hindi ko siya ka-block pero may mga subjects na makakasama ko siya.

Ang hindi ko lang alam ay kung pa'no ma-ambush sa iisang taxi kasama siya sa first
day ng school. Hindi ko rin alam pakisamahan ang sarili kong pakiramdam kapag nasa
malapit siya.
The thirty-minute taxi ride felt longer than it should. Siguro dahil sa bilis ng
tibok ng puso ko. Siguro dahil alerto ako sa lahat ng bagay—sa aircon ng taxi
(masyadong malamig), sa air-freshener (masyadong mabango), sa traffic (masyadong
maaga), sa sandwich ko (masyadong amoy-tuna), sa buhok ko (masyadong tumitikwas),
sa taghiyawat ko (masyadong pansinin), sa palda ko (masyadong maiksi), at sa oras
(masyadong mabagal). Sigurado, dahil nando'n si Maxwell. He has this insane ability
to intensify everything around me.

At bakit ko siya nakasabay ngayong umaga sa taxi, habang kumakain ako ng tuna
sandwich, kung kailan hindi ko naplantsa nang maayos ang buhok ko? May bagong tubo
pati akong taghiyawat sa tadtad na nga ng taghiyawat na mukha ko.

He looked camera-ready beside me samantalang ako... never mind.

Nang huminto ang taxi sa gate ng STU, si Maxwell ang nagbayad ng fare. Tututol pa
lang ako pero nakababa na siya at naipagbukas ako ng pinto.

Nakatungo ako nang lumabas ng sasakyan.

"Tara?" aniya.

Nakatungo pa rin ako nang tumango. He was walking easily beside me. Ako naman,
hawak pa rin ang tuna sandwich. Hu-hu.

"Okay ka lang, Aurora?" untag niya sa'kin.

"Uhm... okay naman."

Humugong lang siya. Nang mag-angat ako ng mata sa kanya, nakatingin siya sa'kin
kaya bumaling ako sa mga puno sa STU. Malayo pa kami sa College of Culinary Arts.
At...

"Ay. 'Yong pamasahe pala sa taxi..."

Nakangiti siya nang bumaling sa'kin. "Ano 'yong pamasahe?"

"Ano... magkano ang share ko ro'n?" Fail. Ni hindi ko nakita 'yong metro ng taxi sa
sobrang kaba ko.

"Okay na 'yon."

"Eh, dapat share tayo ro'n. Nakisakay rin ako, eh."


"Ah."

Iniiwas ko ang mata ko sa kanya habang nag-iisip siya. Kaya lang, masarap tumitig
sa mukha niya. Bihira lang pati akong makalapit nang ganito kalapit.

"Dalhan mo na lang ako ng tuna sandwich sa susunod," magaang sabi niya. "Mukhang
masarap 'yong sandwich mo."

Napatingin ako sa sandwich na hawak ko pa rin. Ni hindi ko pala siya inalok. Pero
hindi naman kasi kaalok-alok 'yong sandwich na may kagat ko na.

"Hindi ka pa nag-breakfast?" tanong ko. Ang alam ko, mahilig ang family nila sa
pagkain kaya imposibleng hindi pa siya kumakain.

"Nag-breakfast naman. Pero nakakagutom 'yong amoy ng tuna sa taxi."

Oh my fail. Amoy na amoy nga 'yong tuna.

"Sorry. Hindi kita naalok..."

Hindi nawawala ang bakas ng ngiti sa labi niya kahit nakasimangot ako. I wanted to
smile that often and that brightly, too. Pero gift yata 'yon na ipinagkakaloob lang
sa mga katulad niya. Maxwell has a smile that makes things beautiful.

"Okay lang 'yon," sabi niya.

"Eh 'di 'yong pamasahe..."

"Sa susunod na makakasabay kita, pahingi na lang sandwich," sabi niya.

Tumango na lang ako. Para namang sigurado siyang magkakasabay pa uli kami sa
susunod.

"Thank you pala sa pagsabay sa'kin sa taxi mo," sabi ko.

"You're welcome, Aurora."

Nagbaba ako ng tingin sa mga paa ko. Maxwell used to call me Aurora kahit na ang
lahat ng tao sa paligid namin ay Kimmy naman ang tawag sa'kin. And whenever he
would call my name, I felt a little special.

Nakarating kami sa building namin nang wala nang iba pang pinag-uusapan. Pumasok
siya sa lecture room nila pagkatapos ngumiti uli sa'kin. Pumasok naman ako sa
katabing silid kung saan sinalubong ako ni Cal.

Cal saved a seat beside him for me. Noon ko lang naubos ang sandwich ko.

***

First year, Culinary Arts


June, first week
STU

"Uh..."

"Hello, Aurora. Nagkasabay tayo uli."

Umupo ako nang maayos sa backseat at napahawak sa tirintas ng buhok ko. I was not
really expecting Maxwell again. Kahit na late uli akong nagising at nahirapan uling
sumakay ng taxi. Kahit na pareho ang oras ngayon sa oras na nagkasabay kami days
ago. It would be too much to expect, right? Lalo na dahil hindi ko naman alam ang
gagawin kung magkakasabay kami uli. Pero...

"Hello..."

Ngumiti lang uli siya bago magtuon ng tingin sa harapan ng sasakyan.

"Uh... ano... wala akong sandwich ngayon," sabi ko bago makagat ang labi ko. Hu-hu.
Sa dami ng conversation starter sa Earth, bakit tungkol sa sandwich ang nasabi ko?

"I see that," aniyang magaang bumaling sa'kin.

Hindi lang 'yon. Hindi ko rin naplantsa at all ang buhok kong nagrerebelde. I could
not settle the rebellion so I braided my hair, kaysa tumikwas at manalakay ng tao.
Braiding my hair means my face and pimples were all exposed for everyone to see.
Fail.

Tumungo ako.

"Bakit? May problema?" untag niya.

"Huh? Ah, wala. Wala."

Habang naghahanap ako ng wala sa sarili kong palda, bumuhos ang ulan.

"Naku, 'ayan na ang ulan," sabi ng may katandaan nang taxi driver. "Magta-traffic
na naman niyan mamayang hapon."

"Opo nga. Tumataas din ang tubig sa U-belt," sabi ni Maxwell.

Oo nga. At wala akong dalang payong.

"I hate rain..." bulong ko at napahawak sa buhok ko. Kalaban ng buhok ko ang ulan.
Kapag nababasa sila, lalong nagrerebelde.

Napabuntonghininga ako habang panay ang pag-uusap nina Maxwell at ng driver.


Pagdating namin ng STU, senate hearing na sa TV ang usapan nila. Hindi ako makababa
ng taxi. Buti na lang, ipinagbukas ako uli ni Maxwell ng pinto. May payong din
siya.

"Ano... puwedeng makisukob? Wala kasi akong dalang payong," sabi ko.

Isinukob niya sa'kin ang payong bilang sagot.

"Thank you."

Malalaki ang hakbang ko papunta sa college namin para umiwas na lalong mabasa ng
ulan. Ayokong nababasa ang sapatos ko. Malamig sa mga lecture rooms. Parang naka-
freezer ang paa ko kapag basa at nasa air-con. Mabilis pa man din akong ginawin.

At pagagalitan ako ni Cal.

Pagdating namin sa building namin, itinupi ni Maxwell ang payong at inilagay sa


kamay ko.

"Sa'yo na muna 'to. Ibalik mo na lang sa susunod."

"Hala, 'wag." Pero ngumiti lang siya at mabilis na pumasok sa lecture room nila
bago ako makapagdugtong. "Pa'no ka?"

***

First year, Culinary Arts


June, second week
STU

Nasa labasan na 'ko pero hindi ako pumapara ng sasakyan. May ilang tricycle at taxi
na ring huminto sa'kin pero tinanggihan ko. Nakaabang lang ako.
Paghinto sa'kin ng isang taxi, nakita ko agad si Maxwell sa backseat.Noon lang ako
sumakay.

Maaga akong nagising at kung tutuosin, hinintay ako ni Kuya. Nag-offer din si Cal
na daanan ako sa bahay dahil alam niyang dalawang linggo na 'kong nagta-taxi. Hindi
rin umuulan. Pero...

"Hello, Aurora," bati ni Maxwell.

"Hello..."

Umayos ako ng upo sa tabi niya bago ilang ulit na magnakaw ng sulyap. Naplantsa ko
nang maayos ang buhok ko at natatakpan niyon ang pisngi ko. Hindi masyadong
makikita ang taghiyawat sa mukha ko. Isa pa...

"Uhm..." Kinalabit ko si Maxwell at inabutan ng nakabalot na ham sandwich. "Ano...


ham 'yan. Hindi tuna."

Napangiti siya ro'n. Napatungo naman ako. Ang galing ko talaga. Sa dami ng
conversation starter sa Earth, palaman ng sandwich ang bungad ko.

"Ito ba 'yong para sa pamasahe?" aniya.

Tumango ako. "Oo." Ang totoo, naisip ko nang dalhan siya ng sandwich at ibigay sa
kanya sa school. Pero masyadong maraming matang nakatingin sa kanya na ayokong
tumingin din sa'kin. When people would look at Maxwell, I'm pretty sure they'd be
fascinated by him. But when people would look at me... it would be ugly because I'm
ugly.

I don't want to be seen ugly by the same eyes that looks at him in awe.

Kaya sinadya kong tsambahan na magkasabay uli kami sa taxi. I was almost sure I
wouldn't chance on him today. Sinuwerte ako.

"Pa'no 'yong para sa dalawa pang pamasahe?" aniya.

"Ha? Dalawa pa?" Natigilan ako. "Ah. Kasi dalawang beses na tayong nagkakasabay."

Lalo siyang ngumiti.

"Ano... utang muna?" ani ko.

"Sige. Bayaran mo na lang sa susunod."


'Ayun na naman 'yong parang sigurado siya na may susunod.

"Ay, saka..." Kinuha ko sa shoulder bag ko ang payong niya. "Ito na pala 'yong
payong mo. Ibabalik ko sana agad 'yan pero lagi ka kasing may kasama kapag nakikita
kita kaya, uhm, hindi ako makalapit."

"Sa'yo na 'yan," magaang sabi niya. "May payong na 'ko uli. Ibinili ako ni Auntie."

Napatanga ako. Ibig sabihin... hindi na niya kailangan 'yong payong niya?

"Pero may payong din ako, eh," sabi ko.

"Ako rin. Keep it, Aurora."

Ibinalik ko sa bag ko ang payong.

"Kapag nawalan ako ng payong, saka ko na kukunin sa'yo," aniya.

Napatango ako. Puwede rin. Pero bakit hindi niya pa kunin ngayon?

"Ah, saka..." Naghalungkat uli ako sa bag ko. "Ito."

Napatingin siya sa maliit na kaha ng band-aid na iniaabot ko.

"Nakita ko sa lab no'ng nakaraan na napaso ka habang nagluluto. Dala ko na 'yan


no'n at gusto kong ibigay sa'yo, kaya lang..."

"May mga kasama ako," dugtong niya sa sasabihin ko.

"Oo." Napakurap ako. Hindi naman niya iisipin na masyado akong nakatingin sa kanya
no'n, 'di ba? "Ano... Natiyempuhan ko lang na nakita 'yon. Observant lang ako."

"Thank you," sabi niya at binuksan ang kaha. Kumuha siya ng ilan do'n bago ibalik
sa'kin. "Para sa burns mo rin."

May band-aid naman akong extra para sa'kin pero mahirap tanggihan 'yong ibinabalik
niya dahil sa rason kung bakit niya ibinabalik.

"T-thank you."

Natahimik kami sa taxi pagkatapos. Nakatingin na uli siya sa daan. Nagnanakaw naman
ako ng sulyap sa kanya habang kunwari, nakatingin sa bintana.

Pagbaba namin ng STU, kaswal lang kaming lumakad papunta sa building namin.

Sa mga susunod na araw, ang plano ko ay sumabay na kay Cal sa pagpasok para tipid
sa pamasahe at less hassle. Para rin hindi mag-alala sina Mommy at Daddy.

Nasa corridor na kami ng lecture rooms nang lumingon sa'kin si Maxwell.

"Dito na 'ko," sabi niya at ngumiti. "Salamat sa sandwich, Aurora."

Napalunok ako. May iba kasi sa ngiti niya. Mabait pa rin 'yon at maliwanag. Magiliw
pa rin. Maxwell has a smile that makes things beautiful. And sometimes, when he
smiles like this to me, I feel beautiful, too.

"Okay. Study well."

Nang pumasok siya sa lecture room nila, mabilis akong pumasok sa kasunod na silid.

Kinabukasan, 'yong plano ko, hanggang plano na lang din. Magkasabay uli kami ni
Maxwell sa taxi. May dala uli akong sandwich para sa kanya. At fail dahil palaman
uli ang una kong bukambibig. #917g / 07182018

        Chapter 02 part 2: That unnameable feeling is... [Cliche (Candy Stories


#5)]

            ***

Hindi ko pa maimulat nang maayos ang mata ko nang mag-shower ako. I was extra
careful when I fixed my hair and applied my make-up. Nagsukat ako ng ilang dresses
pero sa huli, nag-pants na lang ako. Ayokong magmukhang masyadong naghanda sa
pagkikita namin uli ni Maxwell. I could only do so much to look beautiful. At kahit
naman ano'ng ayos ko, magiging anino lang ako sa tabi niya. 

I was on my nth sigh nang pansinin ako ni Kuya Rius. Nasa loob kami ng sasakyan
niya. Nagpapahatid ako sa opisina.

"Lalim ng buntonghininga mo, ah," sabi niya. "Kabado ka sa date mo o natatae ka?"

Ang talas ng mata ko sa kanya. " 'Pag nagsa-sigh, natatae talaga 'yong reason?"

Mahina siyang tumawa. "Eh 'di sa date 'yan? Kabado ka? Guwapo ba ka-date mo?"

Sumimangot ako. Oo, guwapo 'yong makikita ko. But today's... "Not a date, Kuya.
Kita mo na ngang sa office ako nagpapahatid."

"Malay ko ba kung tatagpuin mo lang sa office 'yong ka-date mo para hindi halata.
Sa susunod, sa bahay ka magpasundo."

Nagbuga ako ng hangin. Panira ng kaba 'to si Kuya. "It's work nga kasi."

"Outside the office?" aniya.

Napalunok ako. "Oo. May irerebyu ako—kaming resto."

Nagmaniobra siya papasok sa parking ng office building namin. Kasabay ng makina ng


sasakyan ang paglala ng kaba ko.

" 'Yan. Mukha ka nang natatae, Aurora."

Inangilan ko si Kuya. Nang mamatay ang makina ng sasakyan, lumabas din ako agad ng
kotse niya bitbit ang shoulder bag ko.

"May derma ka mamaya, 'di ba? Susunduin kita o si Calyx?" pahabol niya.

I was already walking towards the elevator, my heart rate dangerously fast. Hindi
ko pa nga nakikita si Maxwell, hindi na 'ko makahinga.

"Si Calyx!" sabi ko.

"Galingan mo sa date mo, bitbit mo pangalan natin!"

Hindi na 'ko lumingon sa pangungulit ni Kuya.

Nagmadali ako sa pagsakay sa elevator. Sinabayan ko ang pagbibilang ng floor


numbers sa display. Pinilit kong huminga.

How long has it been since I last saw Maxwell? Four years? At pangit ang huli
naming pagkikita. Hindi ako magtataka kung galit siya sa'kin. 

Tahimik ang twenty-second floor nang makarating ako. Hindi naman surprising dahil
Sabado. Nag-check ako ng oras sa cellphone ko habang naglalakad papunta sa opisina.
It's only 6:46 in the morning. I will have enough time to breathe and compose
myself before—

"Good morning, Aurora."


Natigil ako sa paghakbang. Nahigit ko ang hininga ko. Nakatayo si Maxwell sa lounge
ng office namin. Nakangiti, gaya ng lagi.

Naka-puting kamiseta at maong na pantalon lang siya but he dominated the whole
room. The years apart made his jaw more sharp, his eyes more intense, and his smile
more lethal. Parang mas matangkad din siya kaysa sa naaalala ko. Parang mas malapad
din ang balikat niya at mas matikas ang katawan niya kaysa sa naaalala ko.
Sinungaling na memory. At napakasinungaling ng television screen! He's way, way,
way more prince-like and masculine in person than in the ads.

Nakatanga ako sa kanya. Ang mas nakakatanga, aware akong nakatanga ako pero wala
akong magawa. My mouth won't say anything. My eyes won't look away. My feet won't
move. Traydor ako sa sarili ko habang tinatandaan ang buong visual niya.

Ikiniling niya ang ulo niya sa pagsipat sa'kin.

"Are you okay, Aurora?"

Am I... okay? Sa ngiti niya na 'yon at sa titig niya sa'kin at 6:46 in the morning?

Nagawa kong lumunok bago pasimpleng suminghap ng hininga. Kunot ang noo ko nang
magtanong. "Bakit kasi ang aga mo?"

I bit my lip as soon as I said the words. Parang sinisita ko siya dahil lang mas
maaga siya kaysa sa inaasahan ko. Hindi naman niya kasalanan 'yong kaba ko. Isa
pa... sa aming dalawa, siya ang may karapatang magsungit.

"Maaga lang nagising," magaang sagot niya.

Napatungo ako. What do I say now? Na-miss ko na 'yong chance para bumati pabalik ng
good morning.

Nagbuga uli ako ng hangin. Pagbalik ng mata ko sa kanya, alanganin ang ngiti ko.
"Sorry. That sounded... wrong."

"Forgiven."

And what do I say after that? I couldn't think of anything. Nakatingin lang kami sa
isa't isa sa ilang awkward na sandali.

"You look good today," sabi niya.

"Ikaw, lagi." 
Nanlaki ang mata ko. Hu-hu. Bakit 'yon ang nasabi ko? Kahit totoo 'yon, bakit
ganito ako?

Lumapad ang ngiti niya bago siya tumikhim. "Ano'ng gagawin natin ngayon? May
kukunin ka pa sa office n'yo o aalis na tayo?"

Kung puwede lang umuwi muna uli sa bahay namin para balikan ang composure ko, 'yon
ang gagawin ko. Pero wala na. Kaharap ko na si Maxwell at nao-overwhelm na 'ko sa
presensiya niya. I have to survive him today. I have a job to do, do'n ako dapat na
mag-focus.

Pero nasa'n ang focus ko?

"Aurora?"

Hu-hu. Bakit nakatitig lang ako lagi sa kanya?

"Uh... May kukunin lang ako sa office," I managed to say. "Hintayin mo na lang ako
rito."

"Okay."

Nang maupo siya sa lounge, mabilis akong lumakad sa pinto. Kinuha ko sa bag ko ang
I.D. ko at itinapat sa scanner pero hindi nagre-read. Nakikita ko sa peripheral ko
na nakatingin pa rin si Maxwell sa'kin habang paulit-ulit akong nag-i-scan. Lalo
akong tinatalo ng kaba.

Nang i-check ko ang hawak ko, ATM card pala. Hu-hu. Kakulay kasi ng I.D. sa office.

Mariin akong pumikit at ibinalik ang ATM card ko sa bag, bago hagilapin ang I.D.
ko. Nakahinga ako nang maluwag nang mag-beep ang scanner, makapasok ako sa loob ng
office, at sumara ang pinto sa likod ko.

***

Nagtago lang ako nang ilang minuto sa cubicle para huminga at maghanap ng common
sense. Wala akong nahanap. I read and reread the things I have to do for the day to
be calm, pero hindi na 'ko makabawi. May composure was completely shattered by the
man at the lounge. 

Bumalik ako kay Maxwell na malakas pa rin ang kaba sa dibdib. Tumayo naman agad
siya pagkakita sa'kin. Nanghihina ako lalo sa lagi niyang pagngiti.

"Uh... puwede na tayong umalis," sabi ko.


"Okay. After you."

Tahimik kami nang maglakad palabas ng opisina at pumasok sa elevator. Pinilit kong
sa floor display lang tumingin kaysa sa kanya para hindi lalong mawalan ng common
sense at tact. Pagbukas ng elevator sa ground floor, lalabas na sana ako pero
pinigil niya 'ko sa braso.

"Hindi tayo rito," sabi niya sa'kin.

May pumasok na ilang tao bago bumaba pa sa basement parking ang elevator. Sabay-
sabay kaming lumabas do'n.

"May sasakyan ka?" untag ko kay Maxwell habang magkasabay kaming naglalakad.

"Oo."

We walked towards a red car and a blue car. Lumampas siya ro'n. Reluctant akong
nakasunod dahil parang wala nang kotseng kasunod no'ng dalawang nauuna.

Maxwell stopped beside a big, black, badass motorcycle.

"Uh... Diyan tayo sasakay?" ani ko sa kanya. Delikado akong ma-expose sa pollution.
Baka bumalik na naman ang mga acne ko at lalo akong pumangit. May allowance naman
kami for taxi kung gusto niya. Pero bago ko 'yon mai-offer, kinuha na niya ang
isang yellow helmet sa compartment ng motor at lumapit sa'kin.

"Suotin mo 'to," sabi niya.

"Uh..."

Maitatago n'on ang mukha ko sa pollutants pero...

Nang hindi ako kumilos, siya ang naglagay ng helmet sa ulo ko. Siya rin ang nag-fix
ng chinstrap at nagbaba ng shield. Casual niya lang na kinuha ang shoulder bag ko
at inilagay sa compartment. Pagkatapos, isinuot niya ang itim na helmet niya. 

"Tara," aniya nang bumaling sa'kin.

Wala akong room para tumutol sa 'Tara' niya. Ang ganda rin ng ngiti niya sa'kin. 

"Uh... Hindi ko alam na may motor ka," wala sa loob na sabi ko nang lumapit ako.
"May kotse rin ako," aniya. "Kumapit ka sa'kin para madali kang makaangkas."

Kumapit ako sa braso niya at sumakay sa likod. Buti na lang pala, naka-pants ako. 

"Nakaupo ka na nang maayos?" aniya.

"Tingin... ko?" I fidgeted. Pa'no ko hahawak sa kanya nito? "Uhm... Bakit hindi
'yong kotse ang dinala mo?"

"Mas gusto ko 'tong motor ngayong araw."

Mas gusto niya? Mas logical magdala ng kotse dahil alam niyang may kasama siya.
Bakit motor? Gusto ko sanang magtanong pero nagsimula nang mag-ingay ang makina.
Bago niya tuluyang paandarin ang sinasakyan namin, hinawakan niya ang kamay ko at
inilagay sa sikmura niya. 

"Kumapit kang mabuti. Mataas ang torque nito."

Tututol sana ako pero sumibad na ang motorsiklo. Humigpit ang kapit ko kay Maxwell.
At para sure na hindi ako aatakehin ng pollution, isinandal ko ang ulo ko sa likod
niya para maitago kahit na nahihiya ako. ++11:52g / 01102019

        Chapter 03: In my eyes, there's always you [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Naiwan sa office ang lahat ng sensibilities ko at hindi nakatulong na nakadikit ako


kay Maxwell sa buong biyahe. Masyadong malapad ang likod niya na hinihiligan ko.
Masyadong papansin ang pabango niya na hindi ko dapat naaamoy habang nasa kalye
kami at sinasagasa ang hangin, pero naaamoy ko pa rin. Masyadong nakapanghihina ang
init ng katawan niya. Dahil bakit nakakamiseta lang siya mag-motor? 'Yong iba,
nagja-jacket, ah! The fabric on him felt too thin, his heat got through my brain.

When we arrived at the restaurant, I was out of whack. My mind couldn't make up
whether to worry about my face first, or my hair, or my arms around his waist, or
my breathing, or my speech, or my traitor heart. Ilang sandaling nakahinto ang
motor na nakakapit pa rin ako kay Maxwell.

"Aurora?" tawag niya sa'kin. He gently tapped my hands around him. "Nandito na
tayo."
Alam ko naman. Ang laki ng sign ng restaurant nila: Le Bon Apetit! Ang problema,
kahit alam ko naman, hindi talaga 'ko makagalaw agad. Hu-hu.

"Ano... sa-sandali lang."

"Take your time."

Take my time? Na nakayakap ako sa kanya? Lalo lang magpi-freeze ang utak ko!

Hindi siya gumalaw sa motor. Nang lumuwag ang paghinga ko, nagawa kong bumaba sa
pagkakaangkas. Ipinarke niya ang motorsiklo sa tagiliran ng restaurant bago
tuluyang bumaba. I was fidgeting while watching him. Kaswal niyang tinanggal ang
helmet niya at sinuklay ng daliri niya ang buhok niya. Namumula ang tainga niya.
Napahawak siya ro'n.

"Uh... 'yong bag ko," sabi ko.

Kinuha niya sa compartment ang bag bago lumapit sa'kin. I took my bag. He reached
out for my helmet. Napaatras ako.

Hindi puwedeng siya ang magtatanggal ng helmet ko. Baka nakasabog ang buhok ko. O
nalusaw ang foundation ko. O mukha akong bruha.

Makikita na naman niya ako na pangit.

"Uh... ako na'ng magtatanggal," una ko.

"Ah, sige." Namulsa siya.

"Uhm... bukas na ba 'yong restaurant?"

"Hindi pa. Nasa 'kin ang susi at—"

"Pabukas na no'ng resto, please," putol ko sa kanya.

He must be finding it weird that I couldn't—wouldn't—take the helmet off. Sana,


'wag na siyang magtanong. Hindi ako katulad niya na kahit suklayin lang ng sarili
niyang daliri ang buhok, puwede nang mag-shoot ng commercial.

Nakahinga ako nang maluwag nang tumalima siya at buksan niya ang pinto ng resto
para sa'kin.

"Nasa dulo sa kaliwa ng counter 'yong ladies' room," sabi niya at ngumiti. Parang
alam niyang do'n talaga ko pupunta.

"Thank you..."

Mabilis akong lumampas sa kanya at nagtuloy sa counter. Nakailang double-check ako


kung totoong nasa kaliwa ako. Baka kasi magbago ang kaliwa at kanan sa utak ko.
Maxwell has this effect on me that everything in my brain gets mixed up.

When I reached the ladies' room, do'n ko pa lang tinanggal ang helmet. The horror I
imagined disappeared when I checked my face. Hindi nahulas ang make-up ko. Wala
ring tumubo o mukhang tutubo na taghiyawat. At 'yong buhok ko, kaya namang ayusin
ng brush.

Nagtagal ako ro'n kahit na nag-retouch lang naman ako ng make-up at nagsuklay. Bago
ako tuluyang lumabas, sinubukan ko pa munang marinig kung ano ang posibleng
ginagawa ni Maxwell. Nang wala akong mapala, hinanap ko siya.

He was at the counter.

"Ito 'yong helmet," sabi ko at iniabot sa kanya ang hawak ko. "Thank you."

Pagkakuha niya n'on, hinagod niya 'ko ng tingin. I averted my eyes.

"Okay ka naman?" magaang tanong niya. "May problema sa biyahe natin?"

"Ha?" Napatunganga ako sa mukha niya. 'Kala niya ba, sumama ang pakiramdam ko o
ano? "Walang problema sa biyahe. Ano..."

I couldn't say how I imagined that I'd be so ugly if I took the helmet off in front
of him.

"Sigurado?" aniya.

Tumango ako.

At dahil nagtititigan na naman kami, nagbaling ako ng tingin sa counter. I should


think of work. Not these stupid heartbeats. Not this stupid ogling.

"Uh... Nasa'n 'yong mga tao pala?" ani ko sa kanya. Pagbalik ng tingin ko sa kanya,
nakatingin pa rin siya sa'kin.

Nakatingin ba siya mula kanina pa? Bakit?


"Walang ibang tao ngayon dito. It's closed for the day," sabi ni Maxwell at
sumandal sa counter.

Walang ibang tao. Closed. Ibig sabihin... "You mean..."

"Ako ang personal chef mo ngayong araw, Aurora," sabi niya at ngumiti. "Pili ka na
kung saan ka uupo."

Damn that smile. Napalunok ako. Hindi ba siya mauubusan no'n? Bakit hindi 'yon
nauubos?

"Ilang dishes ang kailangan kong tikman?"

"Le Bon Apetit operates 24-hours a day. You have to taste our morning, lunch,
dinner, and after midnight food."

Napaawang ang labi ko bago ko makagat. 24-hours? "Ibig sabihin... ano..."

"Buong araw tayong magkasama rito, Aurora."

Nang lumapad ang ngiti niya, napatanga ako. Na naman.

***

Le Bon Apetit is a casual dining restaurant. Kahanay iyon ng ilang casual dining,
bistro, at cafe sa Food Paradise area ng STU. The chef's counter occupies the
leftmost part of the establishment. May two-seater, four-seater, at six-seater
tables sila. Modern ang interior pero hindi intimidating sa mga estudyante. Black,
pacific blue, at carrot orange ang color schemes. Ayon kay Maxwell, 24-hour ang
operation nila. They offer low to mid-range priced food.

Hindi rin intimidating ang menu na tinitingnan ko.

"For starters," sabi ni Maxwell na lumapit sa table kung nasa'n ako at inilapag ang
isang platter ng, "sandwiches."

Apat na maliliit na club sandwiches ang nasa plato. May kasamang egg salad at fruit
cup.

"Sa breakfast 'to," ani ko.

"Yes."
Umalis siya sandali habang kinukunan ko ng picture ang pagkain. Pagbalik niya,
nagbaba siya ng tatlong plato ng breakfast plates. Isang toasted bread with bacon
and eggs; isang tapa strips, sinangag at itlog; at isang longganisa, sinangag, at
itlog. Huli niyang dinala ang tubig bago maupo sa katapat ko sa mesa.

"Nag-breakfast ka na ba?" tanong niya sa'kin.

Hindi ako nag-breakfast dahil alam kong kakain ako nang marami ngayong araw. Pero
sobra sa expectation ko ang apat na plato.

"Hindi. Ikaw? Nag-breakfast ka?" balik ko sa kanya habang dinadampot ang kutsara at
tinidor.

"Hindi pa rin."

"Hindi ka sumabay kumain sa inyo? 'Di ba, mahilig sa food ang family mo?" tanong
ko.

Ngumiti siya. Napalunok naman ako. I talked as if I knew what I was talking about.

"Kaninang madaling-araw pa 'ko rito sa resto. Nag-prepare ng ingredients para sa


mga iluluto ngayon," sabi niya. "Kaya hati tayo sa breakfast."

Napatango ako. Mas okay 'yon para hindi masayang ang food. Ayaw niya rin pati ng
nasasayang na pagkain. I'm all to seeing his legendary appetite again.

Una kong tinikman ang club sandwiches. I noted the texture and the taste of each
cut on my phone. Pinipilit kong balewalain na pinanonood ako ni Maxwell.

"Is it good?" aniya.

Tumango ako habang ngumunguya. Nag-abot naman siya ng tissue.

"Uh... kung 24-hours 'tong resto, ilan ang chef dito?" tanong ko para may mapag-
usapan at hindi ako masyadong mailang. I was going for the egg salad next.

"Tatlo. Pang-apat ako," sabi niya. "Si Mino ang a.m. chef hanggang lunch, si Reeve
ang p.m. hanggang dinner, si Yigel ang after midnight. Ako ang in-charge sa snacks
at desserts."

Bagay sa kanya kasi magaling siyang mag-bake. 'Yong huling natikman ko na bake niya
na cake, kasingsarap na ng sa Auntie niya.

Nang matikman ko na ang breakfast plates at makapag-note ako, sumabay na siyang


kumain. Nagugulo ang heartbeat ko dahil lang magkasalo kami sa iisang serving, sa
iisang plato. Ingat na ingat akong magkabangga ang kutsara at tinidor namin kahit
na halatado namang pinauuna niya 'kong sumubo. Nakatitig din ako sa mga plato dahil
ramdam kong nakatingin siya sa'kin.

Hu-hu. Bakit?

"Sino sa inyong apat ang may-ari nitong resto?" ani ko. Muntik kong matusok ng
tinidor 'yong tapa strip na tinutusok niya.

" 'Yong tatlo ang may-ari nito. Pero pinakamalaki ang shares ni Reeve. Kinuha lang
nila 'ko rito dahil natalo ko sa baking competition si Yigel."

I haven't heard of any baking competition in the country won by him. "Dito 'yong
competition?"

"Hindi. Sa New York 'yon. Do'n ako nag-masters."

I wiped my mouth with tissue. Nag-New York pala siya after ng Culinary sa STU.

"Ikaw? Nagtrabaho ka agad?" tanong niya sa'kin.

Muntik kong salubungin ang mata niyang nararamdaman ko sa'kin pero napigilan ko.
'Yong acne at pagpapa-derma ang inatupag ko after Culinary school. No one in the
food business would take me because of those things on my face. They told me I
looked horrible and unsanitary. Hindi naman bago 'yon sa'kin dahil ilang ulit na
rin akong nasabihan ng mga professors tungkol do'n no'ng college pa lang.

"Nagpahinga sandali," mahina ang boses na sagot ko. "Tapos work na."

"Ilang taon ka na sa company n'yo?"

"Two years na rin," sagot ko at tumikhim. Ayoko na ako ang topic. " 'Yong sa
competition, natalo mo si Chef Yigel kaya ka niya kinuha?"

Umiling siya sa gitna ng ganadong pagnguya. "Si Reeve ang kumuha sa'kin. Nasa New
York din siya no'n, napanood 'yong competition. Originally, si Auntie talaga ang
gusto nila. Pero busy si Auntie sa business namin. Second choice lang talaga 'ko."

Napatango-tango ako. Malapit na naming maubos ang dalawang breakfast plate.


Nakakalimutan kong mag-note ng commentary. Pero lahat naman kasi, masarap.

"Masaya akong nakita kita uli, Aurora," malumanay na sabi niya.


Nag-angat ako ng tingin kay Maxwell. Gaya ng hinala ko, nakatingin nga siya sa'kin.
There's something unreadable in his eyes, concealed by its gentleness. Hindi ko
alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I was sure we weren't on good terms when
we parted. 'Yong huling semester sa third year bago ako lumipat ng school, iniwasan
ko siya. Hindi ko kinibo. Then, I did something I was sure he wouldn't like.

Why would he be happy to see me again?

Banayad ang naging ngiti niya sa pagkakahinang ng mga mata namin. Hindi ko alam
kung ano'ng sasabihin sa kanya.

"Kukuha lang muna ako ng ibang inumin," sabi niya at tumayo.

Malalim ang paghugot ko ng hangin nang umalis siya sa table namin.

***

"Oo, nasa resto pa 'ko," sabi ko kay Calyx na kausap ko sa phone. "Yes, sa work."

Asiwa kong iniilag ang mga mata ko nang mailapag ni Maxwell ang mga dishes na
kakainin namin para sa lunch. Specialty nila ang mga iyon: lechon kawali, grilled
ribs, crispy pata, sinigang, at pocherong baka.

Alumpihit na 'ko sa upuan nang maupo siya uli sa puwesto niya katapat ko.

"Nasa resto pa rin ako," sabi ni Calyx. "Ano'ng oras daw kayo matatapos diyan?"

Hindi ko nasabi na wala akong kasamang staff o na kasama ko si Maxwell. Hindi ko


alam kung pa'no sasabihin.

"Hindi ko pa alam eh. Marami pa 'kong ire-review," sagot ko.

"Seven 'yong appointment mo sa derma, 'di ba?"

"Oo. Matatapos naman siguro ako rito before 'yon."

"Sige. Tawag ka na lang sa'kin kapag tapos na kayo diyan," sagot ni Cal. "I-text mo
na rin 'yong address. Para kung sakaling malayo, makapaglagay ako ng allowance sa
traffic."

"Okay, Cal." I bit my lip. Oh no. Hindi ko dapat binanggit ang pangalan niya. Ang
alam ni Maxwell, boyfriend ko si Calyx.
Pagsulyap ko kay Maxwell, sa iba naman nakatingin.

"See you, Aw-aw," sabi ni Cal at mahinang tumawa.

Umangil ako. " 'Ayan na naman 'yang Aw-aw na 'yan ah! I'm not a dog!"

"Yeah, yeah. Later."

Nang maputol ang connection, umayos ako ng upo sa table. "Sorry. I had to take that
call."

"Of course," sabi ni Maxwell at nagbaba ng tingin sa mga pagkain. "I hope you still
have space for all the food."

"Of course," sagot ko bago paglapating mabuti ang mga labi ko. Hu-hu. Napi-pick up
ko agad ang language niya. Bakit ganito? "Picture-an ko muna para sa app."

"Take your time."

Nang kunin ko ang phone ko, inilabas din niya ang phone niya. Hindi ko narinig na
nag-ring pero may tinanggap siyang tawag.

"Hello, baby Maxine," masuyong bati niya sa nasa linya. "Bakit ka po tumawag?"

Natigil ako sa pag-capture sana ng picture. Napatanga ako sa lambing ng tono ni


Maxwell.

Sino'ng kausap niya? Girlfriend niya? Maxine ang pangalan?

I mean, hindi ko naman ini-expect na single siya kasi guwapo siya. Kahit no'ng
college, ngumiti lang siya sa babae, sasagutin na siya. Hindi niya kailangang
manligaw. Pero kung makikipaglandian siya sa girlfriend niya, puwede namang hindi
sa harap ko o sa harap ng pagkain.

"Kumain ka na?" patuloy niya.

Nangunot ang noo ko, lalo na nang mapatingin siya sa'kin at walang anumang ngumiti.

Is he a jerk? Bakit siya ngumingiti sa'kin habang may kausap na ibang babae?
Iniinis niya ba 'ko? Kasi nakakainis!

"Kakain pa lang din. Opo. Nasa work ako, baby. Na-miss mo 'ko? Agad?" Fondness and
amusement danced in his eyes, it's irritating me.
Eh 'di siya na ang na-miss ng baby niya. Ang off kaya nila. Maxwell ang pangalan
niya tapos Maxine 'yong girlfriend niya? Almost similar names are not a thing for
couples.

Wala sa loob akong napabelat bago ko maitikom nang mabuti ang bibig ko at mag-
concentrate sa pagkuha ng pictures.

Just take pictures, Aurora. Hayaan mo siya sa baby niya. Eww.

"Uuwi ako sa isang araw. Opo. Bukas mo lang ako hindi makikita, tapos uuwi ako
pagkatapos bukas. Okay na?" masuyo pa ring patuloy niya.

Ayokong iangat ang mata ko kay Maxwell dahil baka mapa-Eww ako nang malakas. But I
could see in my peripheral that he was looking at me again. Parang pinanonood ako.
Parang malaki ang ngiti. Parang nananadya.

"Sige. Kain ka na rin, baby," sabi pa. "Eat your veggies, ha?"

Mahina akong umangil. "Sorry," sabi kong sumulyap kay Maxwell. " 'Yong camera ko
kasi, manloloko—nagloloko, I mean."

Pero gaya ng lagi, ngumiti lang siya. Kumagat-kagat siya sa labi niya habang
nakatingin sa'kin. Kumurap ako para hindi mapatitig na naman.

"Sige. Tatandaan ko 'yan," he said through the phone. "Ano'ng gusto mong
pasalubong?"

Sunod-sunod ang pindot ko sa camera para sa pictures. Nag-ingay ang tunog ng


capture.

"Kiss?" aniya.

In my peripheral, it looked like he was about to burst laughing. Kinikilig ba siya?


Nang nakikita ko?!

"Sige. Kiss na lang."

"Eww." Sumulyap uli ako kay Maxwell. "Sorry, it's not for you. Eww 'yong pictures
na nakuha ko."

Tumango lang siya sa'kin. "Sige, baby. Bye na muna. I have to work."
Nilunok ko sa lalamunan ko ang panibagong 'Eww' na lalabas sana.

Nang ibaba niya ang cellphone niya, sigurado akong nagpipigil talaga siya ng tawa.
O kilig. O landi. Bahala siya sa buhay niya!

"Sorry, Aurora. I had to take that call," sabi niya.

Labas sa ilong ko ang sagot ko. "Of course."

"Nakunan mo na 'yong dishes? Kain na tayo?" aniya.

"Punta lang ako sa ladies' room," sabi ko at tumayo.

"Sige. Hintayin kita."

Tinalikuran ko siya bago magmartsa palayo. Kahit hindi niya 'ko hintayin, okay
lang. Kung gusto niya, umuwi na siya agad sa baby niya. Baka masyado siyang na-
miss, eh. Akala mo naman, four years silang hindi nagkita.

Eww.

++1201h / 01132019

        Chapter 03 part 2: In my eyes, there's always you [Cliche (Candy Stories


#5)]

            ***

"This is the last for today," sabi ni Maxwell nang ilapag ang malaking plato ng
maliliit na cuts ng fruit cake, cheesecake, truffle, ganache, crepes, at cups ng
coffee jelly at chocolate mousse. Nakahiwalay ang isang pie tin na may lamang
parang cookie. May ice cream iyon sa ibabaw.

"Ano 'to?" tanong ko habang tinitingnang mabuti ang pagkain sa pie tin.

"Chocolate panookie," aniya. "That's my specialty. Let's eat it first. Mas masarap
'yan 'pag bagong luto."

I nodded and dug into the panookie. May chocolate filling 'yon sa loob. Abala na
'ko sa pagnguya nang bumalik si Maxwell sa counter at nagdala ng kape sa table
namin.

"How is it?" aniyang inilagay sa kanan ko ang mug ng kape.


Panay ang tango ko sa pagnamnam sa panookie. "Ang sarap nito. 'Pag ire-reinvent mo
'to, puwede kayang fruit panookie? Like strawberry or blueberry?"

Itinukod niya ang mga braso niya sa mesa sa panonood sa'kin. "Sige. Susubukan ko
'yong strawberry o blueberry. Tikman mo kapag nagawa ko."

Uh... I didn't suggest the fruit panookie to taste it for him. Ipatikim niya sa
baby niya.

"Kapag may time," sabi ko.

"There will be time. Magkasama tayo two to three times a week para sa reviews, sabi
ni Reeve."

That's true. Kung walang makukuha agad na kapalit ni Pau, ako lang ang maiiwan sa
reviews para sa Bon Appetit! app. It's an impossible job for one person. Hindi ko
kakayaning mag-isang pumunta sa mga resto, kumain maghapon, at maging functional
hanggang kinabukasan. I have a big appetite but we need someone like Maxwell's.

'Yong mga dishes lang na naubos namin ngayon, kahit pang-isahang serving lang
lahat, masasayang 'yon kung hindi siya kumain. He has an enormous appetite, it's
unfair. He looks the way he looks and yet he could eat for twenty persons.
Samantalang ako, malaki man ang bodega ko sa pagkain, pabida naman ang mga acne ko
sa pagtubo kapag nasosobrahan ako sa malangis at matamis.

Pero ayoko pa ring maging tagatikim niya. May girlfriend siya, do'n siya.

"Let's see na lang," sabi ko.

Tahimik kaming kumain pagkatapos. Tinikman ko ang mga slices ng cakes at nag-note.
Hindi nga lang ako makapili sa kung alin ang paborito ko dahil lahat ay gusto ko.

Napasulyap ako kay Maxwell. Mabilis ang salubong niya ng ngiti sa'kin.

"Ano 'yon? May problema sa cakes?" aniya.

"Uhm... wala. Ang sasarap lang lahat. Ikaw ang gumawa lahat nito?"

"Oo."

Sumimsim ako ng kape kaysa mag-comment. He's so good in everything. Mula noon
hanggang ngayon. Pipili na lang ako ng favorite ko sa mga gawa niya, nahihirapan pa
'ko.
" 'Yong panookie na lang ang ipi-featured dessert ko sa app, since 'yon din ang
specialty mo," sabi ko na lang. " 'Wag mong masyadong galingan mag-bake. Baka
magtampo sa'yo si Auntie."

Mahina siyang tumawa. "Si Auntie nga ang unang tumitikim ng mga gawa ko. Siya ang
quality control. Tagaubos 'yong buong compound."

Napatanga ako sa tunog ng tawa niya. Ngayon ko na lang uli narinig.

Ang suwerte talaga sa compound nila. I bet they could eat all the sweets Maxwell
makes without worrying about break-outs. Nagbuntonghininga ako.

"Busog na 'ko," mahina ang boses na sabi ko. It's a lie. I wanted to finish all his
desserts but I had to watch my starch and sugar intake. Hindi ko naman puwedeng
sabihin sa kanya 'yong tungkol sa acne. "Ikaw na lang umubos ng desserts."

Magana siyang sumubo ng matatamis habang naiinggit ako sa panonood. Mauubos na niya
ang ilan do'n nang sumimsim siya ng kape.

"Iuwi mo na lang 'yong natitira sa ginawa ko kanina," sabi niya. "It will be good
until tomorrow."

Napalunok ako. Lahat ba ng desserts sa platter ang puwede kong iuwi? Ugh, fail.
Hindi 'yon ang dapat na concern ko. "Puwede ba 'yon? I mean... hindi ba para sa
customer 'yon?"

"Para sa'yo na 'yon," sabi niya. "Ubusin ko lang 'to tapos ihahanda ko 'yong iuuwi
mo. Take your time sorting your notes."

Napatango na lang ako pagngiti niya.

***

"Ha? Hindi mo 'ko masusundo?" mahina ang boses ko sa pakikipag-usap kay Cal sa
cellphone kahit na nasa ladies' room naman ako. Kahit wala si Maxwell sa malapit,
nako-conscious ako. I don't want him getting curious about me and Cal.

"Sorry. May kailangan pa kasi akong tapusin. If convenient, puwede kang maghintay
na lang sa office n'yo para do'n kita sunduin. Hindi ko lang alam kung aabot ako sa
oras ng appointment mo."

May pag-aalala sa boses ni Cal. Ayaw na ayaw niya kapag hindi siya nakatutupad sa
usapan namin o kapag alam niyang inconvenient ako. I'm bad with directions pa
naman. Kahit may google map, waze, o tour guide, puwede akong maligaw. Kasama 'yon
sa mahabang listahan ng mga bads ko.
"Don't worry about it. Uh... magpapahatid na lang ako pabalik sa office. Tapos mula
sa office, mag-book na lang ako ng sasakyan papunta sa clinic," sabi ko kay Cal. I
tried to sound cheerful even though my heart was racing with the thought that I
have to ride on the motorcycle and cling to Maxwell again. Siguradong hindi rin
'yon magugustuhan ni Cal 'pag nalaman niya. Cal and Maxwell aren't exactly friendly
with each other, even way back. "Don't think too much about me. Baka pumangit lasa
ng luto mo, sige ka."

"Hindi pumapangit lasa ng luto ko kahit na mag-worry ako," magaang sabi niya.
"Update me on your whereabouts para alam ko kung kailangan kong tumawag kay Kuya
Rius at ipahanap ka."

"Ang O.A. po."

"Gusto mo si Tito na lang maghanap sa'yo?" tukoy niya kay Dad.

"Mas O.A. po," sabi kong nailing.

"Basta text me your whereabouts. Or i-on mo 'yong GPS mo para ma-track kita."

I tsked. " 'Yong mga pusa nga, 'pag nawawala, nahahanap 'yong daan pauwi."

"Yes, 'yong mga pusa. Pero Aw-aw ka. You're lesser than a cat when it comes to
directions, Aurora," natatawang sabi niya. "Do what I tell you. Text me o i-on mo
ang GPS mo."

"Magte-text na, of course," sabi ko.

"Of course?"

"I mean, yes, magte-text po ako. Don't be a nagging grandpa."

Mahina lang siyang tumawa. "Ililibre kita bukas ng cake para pambawi."

But I have too many desserts until tomorrow, courtesy of Maxwell. " 'Wag na cake.
Kahit coffee na—"

"Aurora?" tawag ni Maxwell kasabay ng pagkatok sa pinto ng ladies' room. "Sorry.


Nagche-check lang ako kung okay ka lang diyan."

Oh no. Baka marinig ni—


"Kaninong boses 'yon?" tanong ni Calyx.

"Ha? Uh..." Hindi ako sanay magsinungaling kay Cal pero—

"Parang pamilyar," dagdag niya.

"Chef!" sabi ko kay Maxwell sa pinto. "Okay lang ako. Thanks for checking." Huminga
ako nang malalim bago, "Bye na muna, Cal. Mamaya na lang tayo mag-usap. May
tatapusin pa 'ko rito bago magpunta sa derma."

"Sige. Mag-text ka sa'kin."

"Opo, Lolo."

Dinig ko ang pagtawa ni Calyx bago ibaba ang connection namin. Narinig ko rin ang
yabag ni Maxwell palayo sa pinto.

Kunot ang noo ko nang sumulyap sa salamin sa ladies' room. Why would Maxwell check
on me? Siya naman ang nagsabi kanina sa'kin to take my time.

Nailing ako at pinasadahan ng tingin ang sarili ko. Non-bruha hair: good. Lipstick:
frosted pink. Foundation: mas matibay pa sa self-esteem ko.

I think I still look... okay. Ang kailangan ko na lang ay kaunting lakas ng loob
para sabihin kay Maxwell na kailangan niya 'kong ibalik sa office.

I went out the ladies' room and looked for Maxwell. Nasa counter uli siya.
Nakasandal. Nagpalit siya ng kamiseta niya. Dark blue na 'yon at mas fit nang
kaunti kaysa sa puting suot niya kanina. Hinulma lalo ng fabric ang lapad ng
balikat at dibdib niya. Mas halata na rin ang hugis ng braso niya ro'n. He
looked... uh... Napalunok ako.

"May susundo sa'yo?" tanong niya nang mapatungo ako.

"Ha? Susundo..." My brain couldn't grasp his whole question. Naiwan ang thought
processes ko sa kamiseta niya. Hu-hu.

"Oo. May susundo ba sa'yo? May pupuntahan ka pa after dito, 'di ba? Sabi mo?"
dagdag niya.

Kumurap ako palayo sa pabida na kamiseta. Puberty blessed Maxwell since college.
Hanggang kailan ba siya ibe-bless n'on? Bakit parang favorite siya?

"A-ano... wala eh. Walang susundo sa'kin," mahina ang boses na sagot ko. "Babalik
sana ako sa office."

"Ihatid kita sa office n'yo?" nakangiting tanong niya.

Napagsalikop ko ang mga kamay ko. Yayakapin ko na naman siya sa motor niya? Oh my
God. "Sana?"

"Sa'n ka pa ba pupunta after dito?"

"Ano... sa derma sana. May appointment ako ng seven."

"Do'n na lang kaya kita ihatid? Para siguradong hindi ka ma-late."

Nakatitig lang ako sa gaan ng mukha niya at sa palaging ngiti niya. Hindi talaga
siya nauubusan. Walang expiration.

"Hindi ko alam kung saan 'yong clinic ko, eh." Cal used to drive me there. Kung
hindi si Cal, si Kuya Rius. Kung hindi si Kuya Rius, 'yong mga kaibigan ni Kuya.
Worst case scenario, si Dad.

"Alam mo 'yong address? Madali lang hanapin 'yon," sabi niya.

I remembered. Magaling din si Maxwell sa directions. Kasama sa listahan ng goods


niya.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at nag-type ng address ng clinic sa google map.


Lumapit naman sa tabi ko si Maxwell at nakisilip.

"Uh..." He was too close, I had to look up to see his face. Bumilis ang tibok ng
puso ko. Bakit hanggang balikat niya pa rin ako kahit naka-two-inch shoes ako?
Dati, hanggang balikat niya 'ko kahit naka-flats!

Buti na lang, nasa cellphone ko ang atensyon niya. Tumingin siya sa'kin sandali
bago mapalunok. Tapos, naglagay siya ng kaunting distansiya sa pagitan namin. Do'n
lang ako nakahinga.

"Alam ko na 'yan. Hatid na kita diyan," sabi niyang bumalik sa kaswal na pagngiti.

My heart was far from its casual beats. Hindi ko na itinago ang pagsinghap ko ng
hangin. Bahala na siyang mag-interpret.

"Sige. Balik lang uli ako sa banyo," sabi ko.


Mabuti na lang, hindi siya nagtanong kung bakit. Dahil normal heartbeat ko ang
babalikan ko sa banyo. Baka naiwan do'n.

***

Tulad ng simula ng araw, umangkas uli ako kay Maxwell sa motor. Ayokong yumakap
pero siya ang naglagay uli ng braso ko katawan niya; ng kamay ko sa sikmura niya.
Mas maraming sasakyan sa kalye kaya nakasandal uli ako sa likod niya para magtago
sa usok at polusyon. At parang coffee jelly ang tuhod ko nang makarating kami sa
building kung nasaan ang clinic.

Totoong magaling siya sa directions. Totoo ring blessed siya ng puberty. Naramdaman
ko sa pagyakap ko.

"I'll head inside," nagawa kong sabihin kay Maxwell matapos tumalikod sa
pagtatanggal ng helmet. Iniabot ko sa kanya 'yon. Ibinigay naman niya sa'kin ang
box ng sweets. "Thank you sa paghatid."

Umangat ang kamay niya na parang aabot sa'kin pero kusa ring natigil. " 'Yong buhok
mo, nakatikwas. Baka ayaw mo n'yan."

Mabilis akong napasapo sa kanang bahagi ng ulo ko na tinitingnan niya. I brushed it


quickly with my fingers. Wala namang sumabit.

"Okay na," sabi niya at ngumiti sa'kin. "Hindi na magulo."

"Sure?"

Nagtagal ang mata niya sa'kin. Lumamlam. "Oo. Okay na."

Napalunok ako bago paglapating mabuti ang mga labi ko. "Bale... 'ayun. I'll head
inside."

Nang tumango siya, pumasok ako sa loob ng clinic.

***

Dalawang oras nagtagal ang treatment sa mukha ko kahit na halos wala na 'kong   
acne. I was completely stripped off make-up. Papalabas na 'ko sa opisina ni Dr. Len
nang mag-text ako kay Cal.

Aurora:
Patapos na 'ko rito. Sunduin mo ko?
San ka na?
Nakatungo pa 'ko sa cellphone ko nang maramdaman ko ang pamilyar na tensyon na sa
iisang tao lang manggagaling. 'Yon ang pakiramdam ng mga mata ni Maxwell sa'kin.

But it shouldn't be possible. I told him to go home. Or... nasabi ko nga ba?

Paglinga ko sa lounge ng clinic, nakaupo ro'n si Maxwell. Nakatingin nga siya


sa'kin. Nakangiti. Casual. Parang walang nakikitang pangit.

"Sorry, hinintay na kita. Baka kasi wala uling susundo sa'yo," apologetic na sabi
niya.

Napalunok ako. I wanted to cover my bare face with my hands but I shouldn't.
Maraming germs ang kamay. Kahit ilang ulit akong nag-sanitize, baka ma-infect ang
mukha ko.

Tumalikod ako kay Maxwell.

"Ba't nandito ka pa?" sita ko. No. I wasn't angry even though I sounded like I was.
Agitated lang ako.

Bakit kailangan na naman niya 'kong makita na pangit? Namumula pa ang balat ko sa
treatment. At papansin ang mga tuldok at peklat at marka. I looked like a moon with
all of its craters.

"Sorry..." mababa ang boses na sabi niya.

Huminga ako nang malalim. I was wrong. Hindi naman ako galit sa kanya. "Uhm...
Sandali..."

Humakbang ako patalikod kahit mukha akong tanga. Lagi na lang akong mukhang tanga.
Pero hindi ko magawang lumingon para makita niya o makita siya. Nauuna ang kamay ko
sa likod ko para maramdaman ko kung may mababangga ako. He held it when I got
closer.

"Sorry, Maxwell..." mahina ang boses na sabi ko. "It sounded wrong. I mean... hindi
ako galit sa'yo. Ano..."

"Forgiven," malumanay na sabi niya. "Sorry rin kung nagulat ka."

"Yeah, nagulat lang ako." Binawi ko ang kamay ko sa kanya. "Ano... Hindi mo naman
ako kailangang hintayin. You can go."

"Pa'no ka uuwi?" aniya.


"I can—I can..."

Tumunog sa isang message ang cellphone ko. Mabilis akong napa-check do'n.

Calyx:
Paakyat na ko.

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko bago ko abutin uli sa likod ko ang braso ni
Maxwell.

"Uh... I'm okay," sabi kong tumapik sa kanya. "You can go. Ako na ang bahalang
umuwi."

"Sigurado ka? Puwede naman kitang itawag ng taxi kung bawal sa treatment mo na
madumihan ang mukha mo," aniya.

But now's not the time for negotiation. Maxwell should go.

"Sasabay ako kay Doktora," sabi ko. "Uwi ka na. Ingat ka."

"Uh, okay..."

"Thank you uli," sabi ko at sandaling lumingon. "Ingat."

"Ingat ka rin," alangang sabi niya.

Nakikinig ako sa yabag ni Maxwell palayo. Nang akala ko ay bumukas ang pinto sa
paglabas niya, may tumawag sa'kin.

"Aurora!"

Napapikit ako sa boses ni Calyx. ++1019 g / 01132019

_____
TCWDM: Pasingit lang. This is the panookie inside the pie tin. 

            <img
src="https://img.wattpad.com/5ded58e29c290cefdad6a05442f37f0abdae1066/68747470733a2
f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53
746f7279496d6167652f6e524f507a316332377542614f773d3d2d3638313030313637302e313537393
666613534353462363636353931353139383431333730322e6a7067" style='max-width:90%'>
        Chapter 03 part 3: In my eyes, there's always you [Cliche (Candy Stories
#5)]

                                 

TCWDM: Nag-e-enjoy ba kayong magbasa so far? I hope you're enjoying dahil nae-enjoy


ko rin silang isulat. Labyu ~

***

Natuod ako sa pagkakatalikod ko. Naduduwag akong lumingon kina Calyx at Maxwell at
sa tensyon na unti-unting nagpapasikip sa silid kung nasa'n kami. Lagi na lang
silang ganito kahit noon. Naiipit ako sa tahimik na pakiramdaman at pagtatalo nila
kahit na ayaw ko.

Napagsalikop ko ang mga kamay ko at nakagat ang lower lip ko sa paghihintay sa


ikikilos nila. I should turn around.

"Tejeron," narinig kong tawag ni Calyx sa apelyido ni Maxwell. Mabigat ang boses
niya. Malamig.

"Cervantes," banggit ni Maxwell sa apelyido ni Calyx.

Magtititigan na naman siguro sila kahit awkward sa mga taong makakikita. Pumihit
ako kahit mas gusto ko sanang itago ang mukha ko. I looked like the moon. They
should just focus on my ugly face instead of making everyone conscious about their
awkwardness.

Gaya ng iniisip ko, nakatingin sila sa isa't isa. Nagpapakiramdaman. Nagsusukatan.


Nasasakal ako sa tensyon nila.

Nag-aalala rin ako. Although it's unlikely, baka biglang magtanong si Maxwell kung
boyfriend ko pa rin si Calyx. Hindi ako handang sumagot.

Napansin kong kumuyom nang mahigpit ang kamao ni Maxwell bago na-relax. Nawala ang
dilim na nasa mukha niya at napalitan ng kaswal na ngiti.

"Ikaw ang sundo ni Aurora," sabi ni Maxwell kay Calyx.

Sumulyap sa'kin si Cal bago hawakan ang kamay ko. "Oo, ako. Ikaw ang chef na kasama
niya?"

"Maghapon? Oo, ako."

Napalunok ako. Nakangiti naman na si Maxwell pero mas naiilang ako. Parang nag-
aaway pa rin kasi sila nang tahimik.

"Ikaw rin ang naghatid sa kanya dito sa clinic?" si Cal.

"Oo. Iniangkas ko siya sa motor," sagot ni Maxwell.

"Hindi puwede kay Aurora ang motor mo," madiing sabi ni Cal. I tugged at his hand
to stop him from saying more but he ignored me. "Sensitive ang balat niya sa
polusyon."

"Sa susunod, kotse ang gagamitin ko."

"Hindi mo na siya kailangang ihatid sa susunod."

Pero ngumiti lang si Maxwell at tumingin sa'kin. Lumambot ang ekspresyon niya.
"Uuwi na 'ko, Aurora."

Napatango ako. "Ano... ingat."

Pagsulyap niya uli kay Calyx, ang sabi lang niya, "Ingat kayo."

Kumunot lang ang noo ni Calyx. Nang tumalikod si Maxwell at lumabas ng clinic, do'n
lang ako nakahinga.

Pero siyempre, sandali lang 'yon. Dahil hindi nawala ang seryosong expression ni
Cal kahit nang bumaling siya sa'kin.

"Puwede na tayong umuwi?" aniya.

Tumango ako.

"Halika na."

Hinayaan kong hawak niya ang kamay ko at hila niya 'ko palabas ng clinic.

***

"Bakit mo kasama si Maxwell?" tanong ni Calyx nang nasa kotse na niya kami.

Mahigpit ang kapit niya sa manibela. Nakasimangot siya pero hindi naman galit ang
tono. Hindi naman mukhang pagagalitan ako.
Subukan niya lang. Kabado na 'ko maghapon kay Maxwell. I need a break.

"Siya 'yong chef sa resto na assignment ko sa Bon Apetit! app," sagot kong
nagbaling ng tingin sa labas ng kotse.

Ma-traffic na. Magkakabuntot ang mga sasakyan sa EDSA. Malamang ay sa bahay na


magdi-dinner si Cal bago pauwiin nina Dad at Kuya.

Okay lang kaya si Maxwell sa ganitong traffic? Hindi ba mas delikado ang motor 'pag
mas gabi na? At magja-jacket na ba siya pauwi? Mapolusyon. Baka mangati siya.

Mas malayo ang ibabiyahe niya mula sa clinic pabalik sa compound na tinitirhan
niya. Hindi pa rin siya nagdi-dinner. Kahit marami kaming kinain maghapon,
siguradong magugutom pa rin siya. He eats like a monster.

"Anong oras kayo magkasama?" si Cal.

"Kanina pang—uh—seven."

Lumampas ang sasakyan sa traffic light. Kilala ko na ang mga streets na dinadaanan
namin.

"Ngayon lang kayo magkikita o may susunod pa?" aniya.

Napalunok ako. Puwede ko bang sabihin na agad ngayon na si Maxwell ang kapalit ni
Chef Mino as reviewer for the food app? Parang bad trip pa kasi siya, eh.

Bumaling ako kay Calyx. Seryoso ang mukha niya. "Uh... magagalit ka ba sa'kin kung
may kasunod pa?" maingat na tanong ko.

Sandali siyang sumulyap. Lumambot nang kaunti ang facial expression niya. I know he
worries a lot about me. I worry about myself, too. Dahil sobrang dali lang kay
Maxwell na hilahin ako papunta sa kanya at tanggalin ang balanse ng mundo ko.
Ngingiti lang siya, matataranta na 'ko. Makita ko lang siya o maramdaman,
magkakabaligtad ang mga bagay na alam ko.

Maxwell magnetizes me as if he owns me.

"May kasunod pa nga," tiyak na sabi ni Cal.

I bit my lip. I couldn't lie to him.

Nagbuntonghininga naman siya. "Okay ka lang ba? Ngayong araw... okay ka lang?"
Matagal akong tumingin kay Cal. "I think..."

"Nag-aalala ako."

"Alam ko."

"Baka umiyak ka kasi uli," sabi niya. "Kapag nandiyan si Maxwell, madali kang
umiyak. Ayokong umiiyak ka."

Nagbaling ako ng tingin sa labas ng sasakyan.

"Don't worry, Cal. Hindi naman na 'ko... gaya ng dati."

Mabigat lang siyang nagbuga ng hangin. Naiintindihan ko kung hindi siya maniniwala
sa'kin. Hindi rin naman ako naniniwala sa sarili ko. Ngayong araw pa nga lang, talo
na 'ko sa presensiya ni Maxwell.

***

Nakahiga na 'ko sa kuwarto ko para magpahinga, pero ang isip ko, nasa restaurant pa
ng Le Bon Apetit. The day felt longer than usual. Kahit puro ako pagkataranta at
traydor ang mga salitang basta na lang lumalabas sa bibig ko, hindi niyon napaikli
ang oras.

At kahit na ngayong pagod na 'ko sa maghapon, hindi pa rin ako makatulog.

Nakauwi kaya nang maayos si Maxwell? Kailan ko siya uli makikita? Dapat ba 'kong
mag-leave sa Lunes para mas mahaba ang mental preparation ko sa susunod na
pagkikita namin?

Pero kung walang nagawa ang apat na taon para maging mentally prepared ako, may
magagawa ba ang Lunes?

Nagbuntonghininga ako.

Nang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko 'yon agad sa side table dahil akala ko ay
si Calyx. Hindi naman pala.

Unregistered number:
Nakauwi ka nang maayos?

Napahawak ako sa dibdib ko na O.A. na naman mag-react. It's just a text. Ni hindi
pa registered ang pangalan ni Maxwell pero ganito na ang epekto niya.

I saved his number.

Nakauwi naman. Ikaw?


Hindi ba delik—

I deleted my last sentence before I could complete it.

Aurora Arranza:
Nakauwi naman. Ikaw?

Binabaan ko ang brightness ng cellphone ko para hindi ako masilaw. Panay ang slide
ko sa screen para makita agad ang message niya.

Maxwell Tejeron:
Nakauwi rin nang maayos.

Aurora Arranza:
Good to know.

Tumitig ako sa screen pagkatapos. Wala na siguro siyang ite-text o ire-reply. Good
end na 'yon ng conversation. Hindi na siya dapat na ma-curious sa iba pang bagay.

But he texted again.

Maxwell Tejeron:
I'm sorry kanina. I didn't
intend to scare you or
catch you off-guard by
waiting for you. Nag-alala
lang ako na wala kang
kasama pauwi.

Mahigpit akong napahawak sa cellphone ko. Baka akala niya ay nagalit talaga 'ko sa
paghihintay niya. Hindi naman 'yon ang dahilan ng pagtaas ng boses ko. I was just
agitated that he got to see me without any make-up on. Alam kong pangit ako.

Ayokong nakikita niya 'ko kapag pangit ako.

Aurora Arranza:
Sorry rin. Hindi naman
talaga ako galit kanina.
Nagulat lang talaga ko.
Thank you for today.
Maxwell Tejeron:
Thank you for today, too.
I enjoyed every meal with
you. :)

Nangiti ako. Lagi naman siyang nag-e-enjoy sa pagkain eh. He loves food.

Aurora Arranza:
I enjoyed it, too. Ang
galing mo pa ring magluto.
^_^

Hindi lang 'yon. Ang ganda pa rin ng ngiti niya. Ang guwapo niya pa rin. Ang bait
niya pa rin. At ang lakas niya pa ring kumain.

Maxwell Tejeron:
Ang sarap mo pa ring
ipagluto.

Napatanga ako. Uh... Bakit ganito'ng text niya?

Maxwell Tejeron:
Magana ka kasing kumain. :)

Nakahinga ako bigla. Of course, 'yon ang ibig niyang sabihin.

Aurora Arranza:
Mas malakas kang kumain. :3

Maxwell Tejeron:
Aminado naman ako. Haha.

Ang laki na ng ngiti ko. Nawawala na rin ang antok at pagod ko. Pero hindi ako
handang makipag-usap nang matagal sa kanya. 'Yong saya na dala niya, laging may
kasamang kaba at ligalig. Lagi ring may kasamang kawalan ng tulog. I have to sleep
or else, my pimples will act up.

Aurora Arranza:
Sorry if I'm really awkward
today. Medyo scatterbrain din.
But... I'm happy to see you again,
too. I'm sorry if I gave you the
wrong impression.

Maxwell Tejeron:
Forgiven, Aurora. Don't worry
about it. I'm happy to see you,
too. :)

Malalim akong huminga. I feel good na.

Aurora Arranza:
Anyway, I should be sleeping.
Tulog ka na rin. Goodnight,
Maxwell ~

Maxwell Tejeron:
Goodnight, Aurora. Dream of good
things. :)

I think I will.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa side table bago huminga uli nang malalim. I think
Calyx has nothing to worry about.

Yes, it's true. I cry for the littlest of things because of Maxwell. But he can
make me happy with the littlest of things, too.

He makes me feel. Kaya madalas, nakakatakot siya. Dahil pa'no 'ko pakikisamahan ang
lahat ng pakiramdam na dala niya? Duwag ako.

If I can maintain a safe distance with him, I'll be okay. I just have to keep a
certain distance.

That night, I did dream of good things. ++925g / 01162019

        Chapter 04: Half bad, half good [Cliche (Candy Stories #5)]

           

TCWDM: Thank you for waiting. Enjoy ~

***

First year, Culinary Arts


August, third week
STU

"Matagal ka pa diyan?" tanong ko kay Cal na kausap ko sa cellphone.


"Oo. May kausap pa si Dean, eh. Maya-maya pa 'ko makakababa diyan sa lab. Bakit?"

Napalabi ako sa tambak ng mga trays, sangkalan, kutsilyo, measuring cups, kaldero,
at bowls sa laboratory. Nag-practical exam kami at may sobrang mga gamit na
kailangang ibalik sa Lab 2 at Lab 3. Ako ang naka-task na mag-log ng mga 'yon at
magbalik. Kaso... nahihiya ako. Tadtad kasi ako ng acne. Magkakatabi 'yong iba,
magkakapatong 'yong iba. Bukol-bukol ang mukha ko. Kahit takpan ko ng mahabang
buhok ko, mahahalata.

Baka tawagin na naman akong microbe at bacteria ng ibang block. 'Yon ang nickname
nila sa'kin.

"Uh... wala. Sige. Text mo na lang ako 'pag tapos ka na diyan. Tapos..." Kusa akong
nahinto sa pagsasalita. 'Pag sinabi ko kay Cal na bilisan niya, baka maramdaman
niyang may kailangan ako at hindi na niya kausapin ang Dean. Baka importante ang
sasabihin sa kanya, sayang naman. "Basta, hintayin kita."

"Sige, Aurora. Kung hindi ka komportable diyan sa Lab kapag nagkatao, sa room na
lang natin o sa library ka maghintay. Ite-text kita 'pag tapos na 'ko rito," sabi
niya.

"Okay."

Nang matapos ang pag-uusap namin ni Cal at ibinalik ko sa shoulder bag ko ang
cellphone, napatanga na naman ako sa mga cooking utensils.

Lately, laging ako ang inuutusan na mag-log at mag-endorse ng mga gamit sa Lab.
Mababa kasi ang grades ko 'pag may practical exam. Tingin ko, dahil sa acne ko.
Ilang ulit na 'kong nasabihan ng mga professors to do something about my face.
'Yong iba sa kanila, tuwirang sinabi na hindi magandang tingnan 'yong mga acne ko
para sa isang nagha-handle ng pagkain. 'Yong iba naman, concern sa health ng skin
ko. Outrageous naman kasi talaga. Nagbubukol at nade-deform ang mukha ko. Nabutas
na rin. Tapos, sabay-sabay silang lumalabas.

Sabi ni Mommy, magpa-derma raw ako. Magpapa-schedule na sana kami sa bagong derma
clinic na nakita niya, kaso busy na sa school. Kapag nagte-treatment kasi ako,
maraming bawal na pagkain at substance sa'kin. Kailangan ding mag-rest ng skin ko.
Dahil do'n, tuwing summer lang ako nakakapagpa-treat. Pero all year-round ang acne
ko.

Nag-check ako ng oras sa cellphone. May isang oras pa bago 'yong kasunod na exam sa
Lab 2. Baka makabalik si Cal bago 'yon pero mas malamang na hindi. Puwede siguro
akong magpatulong sa iba naming kaklase.

Umalis ako sa pagkakasandal sa counter bago lumapit sa pinto ng Lab. Sumilip muna
ako sa corridor at nang masigurong walang tao ay saka lumabas.
I walked with my head down. Nasa dulo sa second floor ang room ng block namin.

Nasa paanan pa lang ako ng hagdan para umakyat nang mapaangat ako ng tingin at
makitang pababa naman si Maxwell. Nagmamadali siya.

Napatanga ako.

He shouldn't see me! Not with my face like this!

Ilang linggo na 'kong huminto sa pagsabay sa taxi niya dahil sa paglitaw ng mga
taghiyawat ko. Hindi puwedeng 'yong kasunod na moment ay ganitong mukha akong
mikrobyo.

My brain froze in trying to think about how to hide. Nang mas luminaw ang tunog ng
yabag niya palapit, umabot ako sa locker ng mga apron na nasa tagiliran ng hagdan
at pikit-matang pumasok sa loob.

Kahihinga ko pa lang ako nang malalim dahil akala ko nakapagtago ako sa kanya nang
bumukas ang pinto ng locker, magkagulatan kami, at pumasok siya sa loob.

"Sorry, Aurora..." mahinang bulong niya nang sumara ang pinto.

Nahigit ko ang hininga ko sa lapit namin sa isa't isa. Masikip ang locker pero
kasya kami. Naaamoy ko siya at sumisingaw sa'kin ang init ng katawan niya.
Napiprito ang utak ko.

Hu-hu. Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit pumasok din siya sa loob? At bakit kasya
kaming dalawa?

"Okay ka lang?" bulong niya sa masikip na espasyo.

"O-o," nanghihinang sabi ko, kahit na 'hindi' talaga ang sagot.

Hindi ako okay sa pagkakadikit namin, sa pagtingkayad ko para hindi sumayad ang
mukha ko sa dibdib o balikat niya, sa mahinang pagbulong niya malapit sa tainga ko,
at sa ingay ng tibok ng puso ko.

Feeling ko, maririnig niya ang heartbeat ko.

"Nasa'n na si Maxwell? Akala ko ba, nakita mo lang sa hagdan?" dinig naming boses
ng isang babae sa labas.

"Yeah, I'm sure I saw him. Ang bilis naglakad eh. Baka nasa Lab?" sagot ng isa pa
uling babae.
Napatingala ako kay Maxwell bago mabilis ding magbawi. Nakasalubong na kasi agad
ang ngiti niya. Hindi enough ang dilim sa loob ng locker para maitago ang
nakakadiri sa mukha ko.

"Pinagtataguan no'n si Dean. Kailangan nating makita para mahila siya," sabi ng isa
pang babae.

"Let's look at the lab," aya ng isa.

Pareho kaming higit ang hininga sa pakikinig sa mga babae at sa papalayo nilang
yabag.

"Wala na yata sila..." bulong ko kay Maxwell. Nangangalay na 'kong tumingkayad.

"Oo yata."

Pero hindi pa rin siya kumikilos para lumabas.

"Kailangan na nating—"

Inilapat ni Maxwell ang daliri niya sa labi ko para patahimikin ako. "Sandali
lang."

Napalunok ako bago makarinig uli ng boses sa labas.

"Ayaw ba ng estudyante n'yo na sumali, Sir? Sayang naman. Marami yatang may gusto
sa kanya kahit third year at fourth year."

Boses ng dalawang professors ang naririnig namin.

"Ayaw nga yata. Tinanong ni Ma'am Medina pero ngumiti lang daw, eh."

Sigurado akong si Maxwell ang pinag-uusapan nila. Hindi ko nga lang alam kung aling
contest ang tinutukoy. Next week na ang Foundation week ng school at may festival
kami.

Nang mawala na uli ang mga boses at yabag, nakahinga ako nang kaunti.

"Maraming, uh, naghahanap sa'yo..." bulong ko kay Maxwell.

"Medyo," sagot niya. Nahihimigan kong nakangiti.


Lagi naman siyang nakangiti.

"Pinagtataguan mo sila?" ani ko.

"Oo." Dinig ko ang paglunok niya. "Ikaw? Sino'ng pinagtataguan mo?"

"Uh... ano..." Siya ang pinagtataguan ko. Na nag-back fire. "Wala na yata sila.
Baka ano... kailangan na nating lumabas?"

He hushed again. There were voices again. At ilang minuto pa kaming na-stuck sa
loob ng locker.

***

Nang wala nang tao, saka lang kami nakalabas ni Maxwell sa locker. Hinaplos ko ang
buhok ko at sinigurong nakatakip 'yon sa magkabilang pisngi ko bago nakatungong
maglakad. Binilisan ko ang hakbang ko para hindi siya makasabay pero walang epekto.
He easily caught up. Buti na lang, walang nakakakita sa 'min.

Maraming may gusto kay Maxwell. Baka lalong mainis sa'kin 'yong mga taga-ibang
block.

Pagpasok ko sa Lab 1, nakasunod pa rin siya.

"Uh... may gagawin ako rito, eh," sabi kong hindi makatingin sa kanya.

"Naisip ko nga. Kaya tutulungan kita. Ano ba 'yon?" aniya.

Ramdam kong nakatingin siya sa'kin kaya madalas akong tumalikod at tumagilid.
Nakabantay ako sa kilos niya sa peripheral view ko lang.

He should sense that I was uncomfortable. If he sensed it, he should go. Pero wala
yata siyang balak.

"Uh... kaya ko namang mag-isa," sabi ko. "You should..."

"Mas madali 'pag may makakatulong ka. Nasa'n si Calyx?"

"Ipinatawag lang ni Dean. Pero nandito na rin 'yon maya-maya. "

Nakita kong tumango siya.


Everyone in our school knows that Calyx and I are inseparable. May ilan nang
nagtanong kung may relasyon kami bukod sa pagiging magkaibigan pero iilan lang
'yon. Karamihan ay hindi nagmamalisya dahil hindi naman ako kamali-malisya. Gaya ni
Maxwell, marami ring may gusto kay Calyx. Minsan, may mga nagpapahaging na parang
gusto nila 'kong magtulay pero ayaw ni Cal sa gano'n kaya hindi rin ako pumapayag.

Si Maxwell kaya? Ano kaya'ng iniisip niya?

"Dahil wala pa 'yong kaibigan mo, ako na lang ang tutulong sa'yo. Libre naman ako.
Ano ba'ng gagawin?" aniyang nakangiti.

Napahawak ako sa buhok na nakatabing sa pisngi ko. So he knows that Calyx is just a
friend. Buti naman.

"Uh... are you sure na libre ka? Maraming naghahanap sa'yo, 'di ba?" tanong ko
habang nag-iiwas ng mata at mukha. Baka bukod sa taghiyawat ko, mapansin niyang
bigla akong sumaya.

Lumapad lang ang ngiti niya. "Nagtatago ako, eh."

Oo nga naman. Nagtago kami sa locker. At hindi ko sinagot sa kanya kung sino ang
pinagtataguan ko. Sana, hindi na niya itanong uli.

"Ano... bakit ka nagtatago?" tanong kong sumandal sa counter kung nasaan ang
salansan ng mga tray.

Sumandal din siya sa may sink naman, dalawang counters lang ang layo mula sa'kin.
"Gusto kasi akong isali ni Dean sa Mr. Intrams."

Napatango ako. "Tapos gusto rin ng mga kaklase mo?"

"Oo."

Hindi naman surprising 'yon. Guwapo siya. Matangkad. Matalino. Maganda ang katawan.
Kilala siya sa school ng lahat ng year level. Kung siya ang magre-represent ng
College namin, mananalo siya.

"Ayaw mo?" tanong ko sa kanya.

Naramdaman kong tumingin siya sa'kin kaya tumungo ako. Only his eyes affect me like
that. Hinihila niya ako ng magneto na siya lang ang mayro'n.

Napalunok ako.
"Gusto mo rin ba 'kong sumali sa mga gano'n?" aniya sa'kin.

"Ha?" Napaangat ako sandali ng mukha. "Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Wala lang. Kung sakali lang, tingin mo, sali ba 'ko sa mga gano'n?"

Nakagat-kagat ko ang labi ko. Importante ba ang opinyon ko sa kanya? O nagsu-survey


siya ng palagay? Imposible namang nanghihingi siya ng compliment kasi hindi naman
siya palahingi ng compliment.

"Tingin ako, mananalo ka kung sasali ka. Kasi..." Perfect ka. Napalunok ako sa
salitang muntikang lumabas. "Kasi, deserving kang manalo. Pero tingin ko rin,
sumali ka lang do'n kung gusto mo."

I felt him smiled. "Ayokong sumali ro'n. Magastos kasi."

Napatango ako. Magastos nga 'yon. "Pero kung gusto nina Dean, baka tutulong sila sa
gastos?"

"Puwede. Pero ayokong nakakaabala. Kung sasali ako, dapat sarili kong gastos."

"Sabagay."

"Saka iba ang target kong salihan para sa festival," aniya pa.

"Ano?"

" 'Yong cooking contest. May pa-contest 'yong mga Senior sa baking."

Nakatungo ako pero ramdam ko 'yong saya at gaan na nanggagaling sa kanya habang
nagkukuwento siya. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Maxwell is a wonder. He tells me things as if it's normal to tell me things. He


makes me happy with little moments like this as if it's normal to be happy.

"Ikaw? May sasalihan ka sa festival?" untag niya.

"Wala."

Hindi naman ako qualified sa cooking contest dahil iilang putahe pa lang ang alam
ko. Hindi rin ako confident pa sa skills ko. Lalong hindi ako puwede sa mga beauty
contest.

Matagal ko nang ni-let go 'yong pangarap na sumali sa mga gano'n.

Pero no'ng bata ako, maganda ako. Akala ng mga Ninang at Ninong ko, magiging beauty
queen ako paglaki. Akala ko naman, magiging magandang prinsesa ako. But I grew up
to be the ugly duckling that wouldn't become the swan. High school pa lang,
bumuhaghag na ang buhok ko. Nag-oil din nang nag-oil ang mukha ko bago abusuhin ng
taghiyawat at acne. Bakokang ang secret name sa'kin ng mga kaklase ko. Hindi
nalalayo sa microbe at bacteria na palayaw ko ngayon.

"Pero manonood ka sa festival?" untag niya uli.

"Ha? Uh... oo. Ni-require ni Dean na nandito pa rin tayo sa school kahit walang
sasalihan, eh."

Ngumiti siya. "Good. Ano na palang maitutulong ko rito sa'yo?"

"Ah, oo nga pala." Napatingin uli ako sa tambak ng mga cooking utensils. "Ano...
nahihiya kasi akong i-endorse 'to sa Lab 2 at Lab 3. Hihintayin ko sana si Cal.
Pero puwede mong hindi gawin kung may pinagtataguan ka..."

"Okay lang. Ako na. I-endorse lang ba?" aniya.

"Puwede mong hindi gawin. Hihintayin ko na lang si Cal."

Pero ngumiti lang siya para ipakita sa'kin na walang problema sa request ko. Nahawa
ako kaya napangiti rin ako.

Madalas na gentle ang ngiti ni Maxwell. Fluffy at soft sa pakiramdam.


Nakakabuntonghininga.

"Wala na siguro 'yong mga blockmates ko," sabi niya nang buhatin ang isang salansan
ng tray at kaldero na itinuro ko. "Pero kung makita ko sa corridor, makikitago ako
rito sa'yo sa Lab."

Mabilis ang tango ko. "Sige. Itatago kita."

"Oo. Itago mo 'ko, Aurora," sabi niya at tumalikod na palapit sa pinto.

Nakagat ko ang labi ko habang pinanonood siya. He sounded naughty when he said,
'Itago mo 'ko'. Pero hindi naman siya mahilig manukso. Lalong walang dahilan para
manukso, kaya baka imagination ko lang. Sadyang natutukso lang ako agad pagdating
sa kanya.
Nang maibigay niya ang lahat ng kagamitan na para sa ibang laboratories, nag-stay
siya kasama ko sa Lab 1 kahit parang wala naman nang naghahanap sa kanya.

Hinayaan ko na lang kasi gaya ng sabi niya, paminsan-minsan, gusto ko ring


itinatago siya. ++1031g / 01262019

        Chapter 04 part 2: Half bad, half good [Cliche (Candy Stories #5)]

                                 

***

First year, Culinary Arts


August, last week
STU

Foundation week. I was in a festive mood. May ginamit kasi akong bagong cream.
Questionable 'yong brand at sa palengke lang nabibili pero effective. Nawala ang
pamamaga sa mukha ko at natuyo ang mga acne ko. Worth it magbihis at mag-ayos nang
kaunti, lalo na dahil allowed kaming hindi mag-uniform during the festival.

Maaga pa lang, nasa university na kami ni Calyx. Umikot kami sa kalapit na


colleges. May kanya-kanya kasing pakulo at booths ang bawat isa. Sa College of
Biological Sciences, pinakamatao ang Exhibit of Species. Kasama sa in-exhibit nila
ang pinaka-looker sa college at faculty nila. Sa College of Business naman, may
contract dating. Pumipirma ng kontrata ang mga couple na binibigyan ng notice to
date for a day. Sa College of Law, may Sue Your Crush. Puwedeng padalhan ng
subpoena or complaint 'yong crush mo. Sa College of Liberal Arts, may Statue
Exhibit na puro totoong taong naka-freeze lang sa daan. Sa Film Institute, may
Paparazzi for Hire. Puwede silang i-hire para kumuha ng footage ng mga couples.
Puwede ring crushes pero dapat ay may consent. 'Yong ibang colleges, hindi na muna
namin pinuntahan.

Sa College namin, puro exhibit naman ng pagkain. Dumadayo sa'min 'yong nasa ibang
colleges para lang bumili o mag-food trip.

Nasulyapan ko si Maxwell na kasama 'yong usual group niya. Lagi silang lima.
Dadalawa lang silang lalaki.

"Sino'ng tinitingnan mo?" tanong ni Cal sa'kin nang mapansing nakalingon ako sa
ibang kiosk.

"Wala," sagot ko. Sinadya kong lakihan ang kagat sa corndog ko para hindi niya 'ko
masyadong ma-interview. Tumungo rin ako dahil naramdaman kong parang sumulyap si
Maxwell sa puwesto namin. Pero baka imagination ko lang.

"Dahan-dahan sa pagnguya," sabi ni Cal.


Ngumiti ako kahit puno ang bibig ko.

"After nito, sa contest na 'ko," patuloy niya.

Kasali si Cal sa gourmet cooking contest na pang-ala-una. Kasunod do'n 'yong baking
contest na sasalihan ni Maxwell, pang-two-thirty.

Tumango ako sa kanya bago lunukin ang kinakain ko. "Panonoorin kita."

"Manonood ka lang talaga? Ayaw mong mag-assist?" aniya.

"Bakit? Ayaw mo no'ng assistant mo? Nag-volunteer na sa'yo si Joana." Kaklase namin
si Joana. May crush kay Calyx. Ramdam niya siguro kaya hindi siya komportable.

"Mas okay kung ikaw assistant ko."

Gusto ko rin naman sana siyang tulungan sa contest. Pero baka bumaba kasi ang
chance niya na manalo kapag nakita ako ng mga judge. Baka mandiri sila sa mukha ko
tapos ayawan 'yong iluluto niya. Kawawa siya. Alam ko naman na kahit natuyo na ang
mga acne ko, ang pangit pa ring tingnan ng mukha ko.

"Kaya mo naman 'yon kahit sinong assistant mo," sabi ko.

Sumimangot siya. "I-cheer mo 'ko."

"Lagi naman akong nagchi-cheer sa'yo." Tumikhim ako. "Pero ano... after mo,
panonoorin ko rin 'yong kasunod na contest."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Ha?"

Matagal kaming nagkatinginan.

"Bawal ba?" mahina kong tanong sa kanya.

Lumingon siya sa kiosk kung nasa'n si Maxwell. "Panonoorin mo si Tejeron?"

Kumagat ako sa twister fries sa stick ko kaysa sumagot. Ayokong magsinungaling sa


kanya. Pero minsan kasi, parang ayaw niyang nakatingin ako kay Maxwell.
Nagbuntonghininga naman siya. "Sige. Basta mag-cheer ka sa'kin."

Mabilis akong ngumiti at tumango.

***

Easy kay Calyx ang magluto. Kumpara sa'kin, mas confident siya sa apoy at sa
kutsilyo kahit na musical instrument naman ang hawak niya habang lumalaki kami.
Musically inclined kasi ang family niya. Si Kuya Claud na kapatid niya, pianist at
violinist. Siya naman, magaling sa gitara. Pero high school pa lang, napunta na sa
pagkain ang puso niya. Sabi niya, dahil sa hilig naming mag-food trip. Tingin ko
naman, dahil 'yon sa pihikan ako sa pagkain dati. Kapag hindi ako makakain,
ipinagluluto niya 'ko o 'di kaya, naghahanap kami ng gusto kong pagkain.

Kaya hindi surprising kung easy win ang gourmet cooking sa kanya kahit na sophomore
at junior na ang mga kalaban. Hindi ko rin kinailangang mag-cheer nang sobra dahil
ang daming nagchi-cheer sa kanya. Kinunan ko na lang siya ng maraming pictures na
pang-profile. Bagay sa kanya ang naka-chef uniform.

After ng contest, inihanay pa muna sa mesa sa labas ng laboratory ang mga iniluto
nila. Bukod kasi sa judges, may pa-food taste sa mga nanonood. Magbibigay rin ng
points ang mga titikim ng pagkain.

Obviously, Calyx won. Mataas ang points sa kanya ng mga judges at ng mga tumikim ng
iniluto niya. After ng contest nila, sumenyas lang siya sa'kin nang isinama siya ng
mga professors at ng Dean sa faculty.

Naiwan ako sa tagiliran ng laboratory. Ilang ulit muntik maipit sa pagdagsa ng mga
tao para sa contest nina Maxwell. May ilan na nagpipilit pang sumiksik sa loob
kaysa sumilip lang sa labas. Mabuti na lang, napigilan ng mga professors.

Tahimik ang mga tao nang pumasok ang mga contestants. Sabay-sabay namang nag-click
ang mga camera pagdating ni Maxwell. He's smiling like usual. Nagpipigil akong
magpasimple ring kumuha ng picture. Kahit marami namang gumagawa, nakakahiya pa rin
kasi.

Walo silang magkakalaban. Dalawa sila sa freshmen, tatlo sa sophomore at tatlo sa


junior. Pero dadalawa lang silang lalaki no'ng isang junior. At si Maxwell lang ang
walang assistant na kasama. Cake ang category nila.

We watched in awe in his every movement. Ang fluid kasi. Bukod sa at home siya sa
kitchen setting, seryoso siya. Nakatiim ang mga labi niya at prominente ang mga
linya sa mukha habang nagbe-bake. Mabilis siyang kumilos pero hindi makalat.
Everyone's magnetized.

Natigil lang yata kami sa pagtunganga nang may makahulog ng sifter sa sink. Pero
bago pa ang apology, nasa kanya na uli ang mata ko.
Madaling panoorin si Maxwell. Masarap siyang panoorin. Puwede akong mabuhay nang
pinanonood lang siya. Kahit na hindi pa siya tumingin—

I froze when our eyes met. Sumikip lalo ang masikip na ngang silid. Nagsisi akong
bigla na halos ipit ako sa may wall dahil wala akong ibang magawang pag-iwas. Kung
titingin uli si Maxwell sa gawi ko—however unlikely—wala akong mapagtataguan.

Nagpa-panic na 'ko sa kung pa'no itatago ang sarili ko nang matipid siyang ngumiti.
It calmed me down. Nakahinga ako lalo nang ituon na uli niya ang atensyon niya sa
paghahalo ng mixture sa mixing bowl. Napatungo ako sa bilis ng tibok ng puso ko.

My God. What he did should be considered assault.

Nang ilagay ng mga contestants ang kani-kanilang mixtures sa oven, pinaalis na


kaming mga nanonood sa loob. Hintayin daw namin 'yong mga baked goods na ihanay sa
labas para sa judging. Nagkatinginan pa uli kami ni Maxwell bago ako tuluyang
umalis. Bumalik muna ako sa room namin.

***

Obviously, Maxwell won. Narinig ko nang nanalo siya bago ko pa matikman ang
chocolate lava cake niya. At dahil natatagalan pa si Cal, hinahanap ko sana siya
para masulyapan man lang pero hindi ko naman makita. Nang mamataan kong nakatayo sa
kiosk ng Potato Goods ang lagi niyang mga kasama, nakitayo ako sa tagiliran nila.

"Sasama ba si Max sa'tin?" narinig kong tanong ni Gino.

"Ayaw yata, eh," sagot ni Elen. "Una na tayo. Puwede naman siyang sumunod. Boring
na rito."

"Oo, pasunurin na lang natin," si Wena. "Baka nasa Lab pa 'yon."

Pag-alis nila, naglakad ako papunta sa laboratories. Sarado na ang mga 'yon sa
pagkakaalam ko. Pero totoong nasa loob pa si Maxwell ng Lab 1 kung saan sila nag-
bake. Nasilip ko sa ventilation window na nakatungo siya sa pagkakatayo sa counter.
Nakatukod ang mga kamay. Parang bawal istorbohin.

Nagdalawang-isip akong pumasok pero ewan kung bakit napalingon siya. Nagkatinginan
kami.

Nauna akong ngumiti kahit alanganin. Pumasok ako ng lab kahit alanganin.

"Hello..." bati ko.


Matipid ang ngiti niya. "Hello, Aurora."

"Ano... Congratulations," sabi ko nang tuluyang makalapit. "Nanalo ka, 'di ba?"

Nawala ang kakapirasong sigla niya. "Ah... 'yon."

Sinipat ko ang mukha niya bago mapatingin sa hanay ng platito sa counter. Sigurado
akong cuts iyon ng cakes ng mga nag-compete sa baking.

"May... problema ba?" maingat na tanong ko.

Matagal siyang tumingin sa'kin. Tumungo naman ako nang bahagya para lalong tumakip
ang buhok ko sa magkabilang pisngi ko. Kapag ganito kasi ako kalapit kay Maxwell,
mas vulnerable ako sa mga mata niya. Mas mabilis akong mahiya sa makikita niya.

"Parang hindi kasi ako 'yong dapat na nanalo," sabi niya.

"Ha? Bakit? Masarap 'yong lava cake mo!" kontra ko.

"Natikman mo?"

Mabilis ang tango ko.

"Sigurado?" aniya.

Itinuro ko ang plalito na may kapiraso ng chocolate lava cake. " 'Yan 'yong sa'yo,
'di ba?"

"Oo."

"Masarap 'yan. 'Yan ang una kong tinikman."

Nagbuga siya ng hangin bago damputin ang tinidor at kumuwit mula sa isa pang
chocolate cake na nasa ibang platito. "Ito 'yong gawa ng second runner-up," aniya
at inilapit sa labi ko ang tinidor.

Aatras sana ako pero magiging sobrang weird ko. Casual siyang nagsusubo sa'kin kaya
casual ko lang ding tinanggap.

Lumamlam ang mata niya habang pinanonood akong lasahan ang isinubo niya.
"How is it?" tanong niya.

Tumungo ako para itago ang sigurado akong pamumula ng mga pisngi ko. Nang mag-angat
ako ng tingin sa kanya, sinubukan kong magmukhang kalmado. Concern, even. But my
heartbeat betrayed me big time. Ang lakas ng dug-dug-dug. Ang ingay. Nahihirapan
din akong makahinga.

Nakakainis ako. Bothered si Maxwell sa pagkapanalo niya pero nagagawa ko pang


kiligin. Hu-hu.

"Aurora?"

Itinatanong niya 'yong pagkain. Pero hindi ko maalala ang lasa dahil sa kilig ko.
Hu-hu.

"Sandali," mahina ang boses na sabi ko at kinuha sa kamay niya ang tinidor. Ako ang
kumuwit uli sa chocolate cake at ninamnam ang lasa niyon. Pagkatapos, nag-iwas ako
ng tingin kay Maxwell.

"Mas masarap, 'di ba?" aniya.

Alanganin akong tumango. "Sorry."

"Ako ang sorry dahil ako ang nanalo. She should have won," sabi niya bago
sumimangot. "Sinabi ko kina Dean pero hindi na raw mababago 'yong points at 'yong
result."

"Uhm... baka may iba pa kasi silang binasehan bukod sa lasa at sa presentation?"
ani ko. "You should give yourself some credit din."

"Credit saan?"

Sumandal ako sa counter. We're alone in the laboratory and it's easy for Maxwell to
tip my balance. Baka isang ngiti lang niya na hindi ako prepared, tumumba ako. Hu-
hu.

"Kasi ano... no'ng nagluluto ka kanina, ikaw lang ang walang assistant. Baka may
dagdag points 'yon?" sabi ko habang nakatungo. "Saka, komportable ka sa ginagawa
mo. Halatang sanay ka sa kusina. 'Yong iba, nakakahulog ng gamit. May nagbawas ng
mixture. May nakasayang ng itlog. Ikaw ang pinaka-neat at pinaka-smooth kanina.
Ikaw ang pinakasigurado sa mga ginagawa mo. Ang sarap mong panoorin."

Hindi ako makapagtaas ng mukha sa kanya dahil ramdam kong nakatingin siya. At dahil
sumobra ng isang sentence 'yong sinabi ko. Hu-hu.
"Tingin mo?" aniya.

Na masarap siyang panoorin?

"Tingin ko. Kaya kahit maging mas masarap pa 'yong cake niya, ikaw 'yong flawless
sa kitchen. Kaya kanina, sigurado akong ikaw ang mananalo kahit wala pa 'yong
result."

Naramdaman ko nang ngumiti siya kaya napasulyap ako. True enough, he's already
smiling.

"You watched me well," sabi niya.

"Ano..." Naglikot ang mga mata ko. "Focus kasi akong manood."

"Napansin ko nga."

Napatunganga ako. Napansin niya na ano? Na focus ako sa kanya? O na focus ako sa
panonood na hindi lang sa kanya? Kailangan ko bang magsinungaling? Pero ayokong
magsinungaling...

I was saved when my phone beeped in a message.

Calyx Cervantes:
San ka? Nasa exhibit na ko.

"Ano... Hinahanap na kasi 'ko ni Calyx," sabi ko kay Maxwell. " 'Wag ka nang
masyadong mag-worry sa pagkapanalo mo kasi deserve mo talaga 'yon." Nagsimula akong
humakbang patalikod. "Lalabas na muna ako, ha? Nice talking to—"

"Wait!"

Natigilan ako nang maramdaman ang kamay ni Maxwell sa pupulsuhan ko. His heat crept
into my skin, burning me. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo akong
nahirapang huminga.

"Ba-bakit?" tanong kong nakalingon sa kanya. Hindi ko mabawi ang kamay ko. For some
reason, hindi niya rin binibitiwan.

Mabilis ang pagkurap niya. Pareho kaming naghanap ng nawawalang mga salita sa
pagitan namin. Naghahanap ng mga rason na dapat mayro'n pero wala. Umawang ang labi
niya sa tangkang pagsasalita bago mabilis ding natikom.

Nagbuga siya ng hangin bago humigpit ang hawak sa kamay ko. " 'Wag ka munang
umalis, Aurora. Please."

His voice sounded pleading, I was sure to die from breathlessness. ++1119g /
01292018

        Chapter 05: When I want you to look at me [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Gusto kong magtanong kay Maxwell kung bakit ayaw niya 'kong paalisin. Wala naman na
kaming pag-uusapan dahil lumapit lang ako para mag-congratulate. Parang okay na rin
naman siya sa pagkapanalo niya. Isa pa, hinahanap na 'ko ni Calyx.

Pero lahat ng rason na alam ko, talunan. Maxwell's eyes held me captive. I couldn't
look away. I couldn't refuse him. It doesn't matter even if there are reasons to
go. If he asks me to stay, it feels like I should.

Still, I tried to escape from his magnet. Kapag nagtagal kami sa iisang lugar nang
magkasama, baka kung anu-ano na naman ang masabi ko. "Ano kasi..."

Nawawala sa hangin ang gusto kong sabihin dahil sa paglamlam ng mata niya sa'kin.
Tumututol 'yon sa lahat ng dahilan na puwede kong gamitin para umalis. Napapalunok
ako.

Gusto niya ba 'kong kasama? Kahit ang pangit ko? Kahit may ibang choice of
companion na mas pleasing sa mata at hindi awkward kausap? Kahit mukha akong
bacteria at mukha siyang prince?

Saan ako maghahanap ng hininga kapag may sinabi siyang bigla na masyadong
magpapasaya sa'kin?

"Aurora..." I watched worry and thoughtfulness crossed his face as he tried to find
something to say, habang ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya sa pupulsuhan koo.
Mahigpit pa rin siyang nakahawak sa'kin, pinagbabawalan akong kumawala. "Kasi—"

"Aurora!"

Napalingon ako kay Calyx na biglang pumasok sa lab. Mabibilis ang hakbang niya
palapit habang humahagod ng tingin sa'kin. Natigil ang mata niya sa kamay kong
hawak ni Maxwell. Nangunot ang noo niya kasabay ng pag-igting ng panga. Si Maxwell
naman, sumimangot din. Hindi naman ako binibitiwan.

"Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Calyx. Inabot niya ang libreng kamay ko at
hinila ako palapit. Pero dahil nakahawak pa rin si Maxwell, ang awkward naming
tatlo. Magkakakabit kami. "Ano'ng ginagawa mo, Tejeron?"
Nagsukatan sila ng tingin. Dahil sa tangkad nila, lagpas sa ulo ko ang pag-uusap
nila. Nakakainis. Parang ang liit ko.

"May sasabihin pa 'ko kay Aurora," sabi ni Maxwell.

"Sa ibang araw mo na sabihin," si Cal.

"Ayoko."

Sumimangot ako. Bakit sila nag-uusap na nakahawak pa rin sila pareho sa'kin? Ang
awkward naming tatlo.

Nagbuga ng hangin si Calyx. "May pupuntahan kami."

"Ha? May pupuntahan tayo?" ani ko. Wala akong maalala. Ang usapan lang namin ay
mag-food trip sa mga kiosk na nag-o-offer ng libre.

Pumalatak si Calyx sa'kin. Nakagat ko naman ang labi ko sa paghabol ng logic.

Fail! Siyempre sinabi lang niya ang sinabi niya para mailabas na 'ko sa lab.

"May pupuntahan din kami ni Aurora," sabi naman ni Maxwell.

"Ano?!" ani ko.

Lalo akong napabusangot sa mga imaginary na pupuntahan. Itong dalawa na 'to, ang
hirap intindihin kung bakit ayaw sa isa't isa. Dapat nga, nagkakaintindihan sila
dahil pareho sila sa maraming bagay. They're both popular, good-looking, and sought
after. They're both good cooks. Kung naikukumpara man sila nang madalas, it's not
all bad. They could be good friends. Pero kung sakaling may isyu nga sila sa
comparison, labas na 'ko dapat do'n!

"Ang weird n'yo," sabi ko. "Let go. Nakakangalay kaya."

Lumuwag ang pagkakahawak sa'kin ni Maxwell bago niya i-rub nang marahan ang
pupulsuhan ko. May weird na mainit na kuryente sa gaan ng daliri niya, na napakuyom
ako bigla.

"Sorry, Aurora," nakangiting paumanhin niya nang bitiwan ako nang tuluyan.

Binitiwan din ako ni Calyx.

"Okay." Huminga ako nang malalim at mataman silang tiningnan. "O ngayon, sa'n tayo
dapat pupunta?" tanong ko kay Cal.

Kunot ang noo ni Cal. "Sa... sa Eating Contest."

Napaawang ang labi ko. "Ano? Saan?"

Lumunok si Cal. Sumimangot. We both know that he's saying something absurd. Pero
sinabi pa rin niya, "Sasali ako sa Eating Contest. Kaya kita hinahanap. Samahan mo
'ko."

I couldn't believe it. Hindi siya malakas kumain kahit magaling siyang magluto. Mas
malaki pa ang appetite ko, lalo na 'pag craving week. Kapag nasa buffet o eat-all-
you-can, hindi niya masulit. Desperado talaga siyang iiwas ako kay Maxwell? Eh wala
namang ibang ginagawang masama si Maxwell sa'kin bukod sa pahirapan akong huminga
at mag-isip.

"Ah..." Lagot si Cal kung pangangatawanan niya talaga 'yong sinasabi niya. Bumaling
ako kay Maxwell. "Ano... Pupunta na kami ro'n sa contest."

"Sasama ako," sabi ni Maxwell.

"Ha? Bakit?"

"Sasali rin ako sa Eating Contest. Magpapasama rin dapat ako sa'yo."

Napatanga ako sa lumanay ng ngiti niya. Malakas ba siyang kumain? Kasi parang hindi
naman. He's lean like a model.

Ah, these boys! Ang hirap intindihin!

"Bahala na nga kayo..." bulong ko bago maunang maglakad palabas ng lab.

***

"The rules are simple! Ang lahat ng contestant ay sabay-sabay na magsisimula sa


cue! Last man standing tayo. Kung sino ang matitirang matibay at pinakamaraming
nakain na plate ng spicy noodles, siya ang panalo!" masiglang sabi ng lalaking game
master na nakatao sa booth ng Eating Contest.

Alanganin akong napatingin sa umuusok na spicy noodles na nakahanay sa pahabang


mesa. Platito lang naman 'yon pero base sa mapulang kulay at maliliit na buto ng
sili, guaranteed na maanghang. Magkakasabay na naupo ang anim na lalaking
maglalaban. Magkatabi sa number five at six sina Maxwell at Calyx.
Bago magsimula ay nagtawag pa ng tao ang game master. Pagdagsa ng spectators na
mostly ay babae, hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko. I wanted to support Calyx
and to watch Maxwell. Nakakapag-worry kasi sila.

Masikip na sa harap ng booth paghudyat ng simula. Nang abutin ng mga contestants


ang platito ng maanghang na pagkain at lumakas ang tugtog sa booth, naglabas ng
cellphone ang mga nanonood. Mahigpit naman akong humawak sa cellphone ko habang
nakatingin kay Calyx. Ngumiwi siya sa unang subo pa lang ng noodles. Napangiwi rin
tuloy ako. Mahilig naman si Cal sa spicy pero hindi 'yong sobra. Si Maxwell,
natigilan din sandali. Nilasahan yata 'yong food. Pero nang magkatinginan silang
dalawa, sabay silang sumimangot at nagmadali sa pagkain.

"May mabagsik na tinginan sina Number Five at Number Six, mga kaibigan! Ano'ng ibig
sabihin nito? Mag-aagawan kaya sila ng plato? Ma-survive kaya nila ang special
spicy sauce ng ultra-mega-super spicy noodles natin? Abangan 'yan!" anunsiyo ng
game master sa mikropono.

Nag-cheer ang mga girls for both Calyx and Maxwell. May barkada ring nagchi-cheer
kay Number One na third year student yata. Sa spicy noodles daw nito dapat ilabas
ang galit sa pagkakabasted.

"Mabilis kumain si Number One, ladies and gentlemen," patuloy ng game master.
"Mukhang talagang may pinagdadaanan. Usap tayo mamaya, kaibigan! 'Wag mong
masyadong isipin ang hindi meant to be sa'yo."

I was swallowing hard as the plates got empty. Panlimang plate na nila. At
bumabagal nang sumubo ang iba maliban kay Number One at kay Calyx. Si Maxwell,
kalmado namang kinuha ang cellphone niya at itinayo iyon sa katapat niya.

Ibi-video niya ba ang sarili niya?

"Hindi nagpapatalo si Number Three kahit naiiyak na! Nabasted ka rin ba, Pards?
Ipinagpalit? Pinaasa? Sinaktan? Ghinosting? Sige lang, ilabas mo ang tapang mo sa
spicy noodles. I got your back!"

Nasa seventh plate na sila nang maubo si Calyx.

"Oops! Bad sign, bad sign! May umuubo na. Lumaban ka, Kaibigan! May prize na supply
ng spicy noodles all year!" Ang taginting ng tawa ng game master.

I doubt na gusto ng mga contestants 'yong supply ng spicy noodles buong taon.

Sa eighth plate, nagtaas na ng kamay ang Number Three at Number Four. Panay ang
iling nila habang pulang-pula ang labi. Walang umaabot sa baso ng tubig na tuksong
nakalagay ro'n dahil alam naming mas nakapagpapalala 'yon ng anghang. Sa ninth
plate, tumayo na mula sa mesa si Number Two. Sa tenth plate, mabagal nang ngumuya
ang lahat. Si Calyx, hindi na makausad sa pang-siyam na plato.
Sa eleventh plate, sinisipon na sila. Nag-refill na ng tissue sa mesa. Si Maxwell,
namumula na ang labi at leeg habang ngumunguya. Nang mapatingin siya sa'kin,
alanganin akong ngumiti. I don't know how to cheer them properly.

Sabay na tumayo si Calyx at si Number One nang matapos sa tenth plate nila.
Nakasimangot si Cal. Si Maxwell, kumakain pa rin kahit nauubo.

"Suko na sina Number Six at Number One. Pero matibay si Number Five, mga kaibigan.
Pang-labindalawang plato na niya. Ang record to break kaninang umaga ay fifteen
plates. Lalampasan ba ni Number Five ang record?"

Mas maingay ang cheer ng crowd sa thirteenth plate ni Maxwell. He's taking his time
to chew. Namumula na ang ilong niya sa kapupunas ng tissue pero mukhang kaya pa
niyang kumain.

Nagtaas siya sandali ng kamay.

"Ano 'yon, Pards? Suko ka na?" tanong ng game master.

"Wala bang ibang kasama 'to? Baka may chicken," sabi niya at maluwag na ngumiti.

"Naghahanap ng manok, mga kaibigan! Bigyan ng manok 'to!" natatawang sabi ng game
master.

Nag-abot ng grilled chicken na naka-stick ang nasa katabing booth. Napahawak sa


batok si Maxwell nang tanggapin 'yon. Ang pilyo ng ngiti niya. Nakagat ko ang labi
ko bago mapatungo sa pagtatago ng ngiti.

Hindi pa ba siya busog o naduduwal? My gosh. Hindi ko alam na malakas siya kumain.

"At nasa fourteenth plate na si Number Five. May freebie pang manok 'yan!"

The crowd shouted "fifteen" when Maxwell finished plate fifteen. I was watching in
awe.

"Na-break na po ang record! Palakpakan ang katapangan ni Number Five!" sabi ng game
master.

Pumalakpak kami. Pero hindi pa rin tapos kumain si Maxwell. He asked for five more
plates. When he continued eating, wala nang nakakaalala sa'min na contest 'yon.
Nanonood na lang kami sa maganang pagkain niya ng noodles at manok. Dahil lahat ay
kumukuha ng picture sa kanya, pasimple akong kumuha rin ng picture. Mga ilan lang.
Saka ko itinago ang cellphone ko.
We shouted "seventeen" when he finished the seventeenth plate. Tapos, eighteen.
Tapos, nineteen. Sumulyap siya sandali sa camera sa harap niya at magaang ngumiti.
When we shouted twenty on his twentieth plate, tumayo na siya.

"Twenty plates muna," he said while licking the sauce off the corners of his lips.
" 'Pag may naka-break, babalik ako."

"Mabangis! Twenty plates ang naubos ni Number Five at limang beses lang umubo!
Congratulations sa one year supply ng spicy noodles!"

Naghiyawan at palakpakan ang mga nanonood kasama ako. Ang laki ng ngiti ko sa
kanya. I couldn't believe him. Kaswal lang niyang pinapapak ang grilled chicken sa
stick na hawak niya.

Binigyan siya ng kulay pulang plato na may logo ng contest at may number ng kung
ilan ang naubos niya. Pagkatapos, in-announce na tapos na ang contest sa araw na
iyon.

Ang sarap pa ng panonood at pakikitawa ko nang maramdaman ko sa tabi ko si Calyx.


Nakangiwi siya at nakahawak sa tiyan niya.

"Ang sakit ng tiyan ko, Au," sabi niya. "Balik muna tayo sa room natin."

Lumingon ako sandali kay Maxwell na nakatingin sa'min. Ngumiti ako at kumaway. I
mouthed "Congratulations" bago bumaling kay Calyx. Sumabay na kami sa pag-alis ng
iba pang manonood.

" 'Ayan kasi, sumali ka pa do'n eh hindi ka naman malakas kumain," ani ko sa kanya.

Pumalatak lang siya.

"Eh 'di masakit tiyan mo ngayon..." patuloy ko.

"Oo, ang sama sa tiyan no'ng noodles. Tambay lang tayo sandali sa room. Tapos,
punta tayo sa College of Music. First day ng concert nila."

"Okay." Nangingiwi ako sa pagngiwi rin niya. "Masakit talaga? Gusto mo ng gamot sa
sakit ng tiyan?"

"Sige. Ang anghang talaga, eh. Ilang plato lang nakain ko, nasusunog na tiyan ko."

Napalingon ako sa booth kung sa'n nakatayo pa rin si Maxwell. Kausap niya ang game
master at nakahawak din siya sa tiyan niya. Kung sa ten plates, masama na ang
pakiramdam ni Calyx, pa'no pa siya? Naka-twenty siya. Tapos, wala na 'yong mga
kasama niya.
Sana may makasama man lang siya.

"Tara sa room," aya ko kay Cal.

***

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko habang nakatayo malapit sa pinto ng C.R. ng


mga lalaki. Pangalawang balik na ni Calyx para magsuka.

"Okay lang..." mahinang sagot niya.

Mahigpit ang hawak ko sa plastic ng gatas at matamis na kabibili ko lang. Pangontra


ang sweets at dairy sa init at anghang sa sikmura niya.

"Gusto mong pumunta tayong clinic?" tanong ko pa.

"Hindi na."

Pero makakatulong kung makakakuha ako ng acid reducer o kahit anong med na
pangontra sa acid.

"Sure?" ani ko pa.

He coughed before answering. "Sure."

Nang lumabas si Cal sa banyo, mabilis kong iniabot ang plastic sa kanya. "Tara uli
sa room. I got milk for you."

"Thanks."

Nadaanan namin ang lecture room nina Maxwell pero walang tao ro'n. Sinadya ko pa
namang sumilip talaga dahil akala ko ay nando'n siya. Siguradong sasakit din kasi
ang tiyan niya. Baka magsuka rin siya o ano.

Naupo si Cal sa puwesto namin sa classroom habang nakatingin lang ako.

"Nakasimangot ka, Au-Au," aniyang natatawa sa'kin.

"Ang sakit mo kasi tingnan. Masakit pa rin tiyan mo?" ani ko.
"Oo. Pero tolerable naman." Binuksan niya ang bote ng gatas at tumungga ro'n. "Kung
iidlip siguro ako sandali, mawawala 'yong pangit na pakiramdam."

"Oo nga. Try to nap."

Nakalahati niya ang bote ng gatas bago siya sumubsob sa desk.

"Kukuha akong gamot sa clinic," sabi ko sa kanya.

"Sige..."

Hinaplos ko ang bandang balikat niya bago tuluyang tumayo at lumakad sa pasilyo.

I was tiptoeing when I reached the clinic at the ground floor. Parang wala kasing
tao. Kumatok ako nang ilang beses pero walang sumagot. Pumasok pa rin ako.

Ang clinic ay isang malaking kuwarto na may tatlong higaan. Nasa bungad ang mesa ng
doctor at nurse. Kumpara sa inaasahan ko, napakurap ako nang makitang nakaunat sa
nauunang higaan si Maxwell. Nakahalukipkip siya habang kunot ang noo. Parang may
iniisip.

"Uh... Hi," sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin, natigilan sandali, bago malumanay na ngumiti.


"Nandito ka, Aurora."

"Uh, oo. Ano... nasa'n 'yong nurse?" tanong ko.

"Umalis sandali," sagot niya habang matamang nakatingin. "Kukuha ka ng antacid?"

Tumango ako.

"May naiwan pa siguro sa ibabaw ng desk," sabi niya.

Nakita ko ang tinutukoy niya. Kumuha ako ng dalawang naroon pa. "Ano... puwede bang
pasabi na lang na kumuha ako? Kailangan kasi ni Calyx."

"Sige."

Papihit na 'ko sa pinto pero 'di ko magawang tuluyang lumabas. "Uh... nakapag-take
ka na ng antacid?"
"Oo."

"Masakit pa ang tiyan mo? Si Cal, nagsuka eh."

"Masakit. Pero kaya ko naman."

"Ah." Pumihit uli ako sa pinto bago lumingon uli. "Ano... Dito ka lang muna?"

"Oo."

"Uhm... alis muna ako. Pero... uhm, dito ka lang, ha?" ani ko.

Magaan siyang ngumiti. "Sige, Aurora."

Sumibad ako dala ang antacid. Dahil natutulog pa rin si Calyx pagbalik ko sa room,
bumaba ako uli at bumili ng gatas, yogurt, at matamis. Malalim ang paghinga ko sa
pagbalik sa clinic.

Sumilip muna ako sa loob para masigurong nando'n pa si Maxwell. Hindi na siya
nakahalukipkip pero kagat-kagat niya ang labi niya. Parang may iniisip pa rin.

"Uhm... Hello uli. Nakabalik na 'ko."

Nag-angat lang uli siya ng tingin sa'kin. Hindi ko siya mabasa.

"Wala pa 'yong nurse," ani ko. Na obvious naman. Hu-hu. Hindi ko lang alam kung
pa'no ibibigay smoothly sa kanya 'yong gusto kong ibigay.

"Wala pa nga."

"Ano kasi..." I offered him the things I bought. "Gatas, yogurt, at matamis. Para
sa'yo."

Sinakop ng kamay niya ang kamay kong may hawak ng plastic. Nabitin ang hininga ko
sa lalamunan ko.

"Thank yo," sabi niya.

Nakahinga ako nang tuluyan niyang kunin ang ibinibigay ko.

"Saka ano... uhm... may sasabihin ka ba dapat kanina?" ani ko. "No'ng nasa lab
tayo?"
He looked at me thoughtfully and thoroughly, I almost regretted asking. Pero
marahan lang siyang ngumiti sa'kin kasabay ng marahan ding pagbubuga ng hangin. "Sa
ibang araw ko na sasabihin."

Ang seryoso niya sa pagsagot. I wonder what he wanted to tell me.

"Sige. Balikan ko na muna si Calyx."

Tumango siya. "Salamat sa food."

"Pagaling ka," sabi ko. "At congrats sa supply ng spicy noodles."

Mahina siyang tumawa. For a second, I hoped I could keep a record of his laughter
so I could see and hear it again. Ah. Kailangan kong matutong tandaan ang bawat
maliliit na bagay sa kanya para may babalikan ako sa memory ko kapag gusto kong
ngumiti.

" 'Ayun. Alis na 'ko talaga."

"Okay, Aurora. See you tomorrow."

"See you!"

++0604g / 01312019

        Chapter 05 part 2: When I want you to look at me [Cliche (Candy Stories


#5)]

                               

***

First year, Culinary Arts


August, last week
STU Foundation week, 3rd day

Wala si Maxwell nang second day ng festival. Calyx and I spent it visiting colleges
on the north side of STU. Nakasabay pa namin 'yong grupong lagi niyang kasama.
Ilang ulit tuloy akong umasa na bigla siyang susulpot.

Pagdating namin ni Cal sa school on the third day, bawas na ang excitement ko.
Karamihan naman kasi sa mga pakulo sa colleges ay para sa couples o 'di naman kaya
ay sa mga may crush na gustong mag-confess. May ilang gimmicks para sa mga bagong
break-up at sa mga bagong basted. Mayro'n din sa mga single. Kaso, wala ako sa
alinmang category. May crush ako pero walang balak umamin. I was waiting for the
feeling to quietly expire after I had my time with it. Hindi rin komportableng
manood sa mga bagong break-up o bagong basted. It felt wrong to intrude and prod on
their pain and feelings. Bitter pa 'yong iba. At 'yong iba, halatang confused.
Hindi rin naman ako qualified sumali sa pakulo for singles. Ugly girls like me
could only watch other girls get attention.

Expected ko nang snooze day ang third day. Unless makita ko si Maxwell.

"Sa'n mo gustong pumunta ngayon?" untag ni Cal sa'kin.

Nasa room kami, munching on twister fries.

"Nakita na natin most sa mga colleges, eh." Nagkibit-balikat ako. "Ikaw? May gusto
kang puntahan?"

Ilang sandali siyang nag-isip. Pinanood ko ang pagkunot ng noo niya at pagkibot ng
labi. Calyx is the brooding kind of handsome. He looks serious and snobbish most of
the time, lalo na 'pag nag-iisip. Parang bawal biruin. But he's actually gentle and
protective of me.

"Ang tagal namang mag-isip..." pasakalye ko.

Mahina siyang tumawa. "Halata kasing tinatamad ka. If you want—"

Ilang katok ang nagpatigil sa pagsasalita ni Cal. Sabay kaming lumingon sa tatlong
estudyanteng nakabihis-militar sa pinto ng lecture room. Tumungo agad ako at
itinakip ang buhok ko sa mga pisngi ko.

"What is it?" tanong ni Cal nang tumayo.

Pumasok ang tatlo sa silid. "Kayo po ba si Calyx Abram Cervantes? First year,
Culinary Arts student?"

Nagsalubong ang kilay ni Calyx. Nag-angat naman ako ng tingin sa mga marshals.

"Oo, ako. Sa ano 'to?" aniya.

"Sumama po kayo sa'min. Kailangan n'yong sagutin ang mga complaints sa inyo," sabi
ng isa sa kanila.

I gaped when I remembered where I had seen them! Sa College of Law! May nagdemanda
kay Calyx! O.M.G!
I tugged at Calyx's sleeves. "Sa Sue Your Crush 'yan! Sa Sue Your Crush!"

Gusot pa rin ang mukha niya sa kawalan ng gets.

"Sa Sue Your Crush sa College of Law!" malapad ang ngiting sabi ko. "May nagdemanda
sa'yo!

"What?" aniya nang makaunawa. Bumaling siya sa mga marshals. "Ano 'yong mga
complaints? Baka puwedeng dito ko na sagutin."

"Kailangan n'yong sumama sa'min, Sir," malagom ang boses na sabi ng isa pa. In-
character talaga siya, eh. Hinuhuli talaga si Cal! Oh my God!

May hawak na ilang papel ang isa sa kanila kaya ako ang nagtanong. "Pero ano po
'yong mga complaints? Baka puwedeng malaman?"

Tumikhim ang marshal na may hawak ng papel. "Basahin ko sa inyo ang ilan, Sir."
Humor danced in his eyes when he read from the complaints. "Huminga ka lang,
kinikilig na 'ko. Panagutan mo 'ko."

Hinampas ko sa braso si Calyx. "O.M.G!"

"You're intruding at my dreams at night. Nale-late tuloy ako 'pag papasok sa


school," patuloy pa.

Dumami ang hampas ko kay Calyx. He looked so annoyed by what he was hearing.
Nakakatuwa naman kaya.

"Takbo ka nang takbo sa isip ko. Runner ka ba?"

I giggled. "O.M.G! You're really being sued!"

He grunted. "Kung sasama ako sa inyo, puwede bang kasama rin si Aurora?"

Kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti. Hindi ako maka-move on sa cheese ng


complaint. I wanted to hear more!

"Marami kayong complaints na sasagutin, Sir," sabi no'ng isang marshal.

"Okay lang?" baling sa'kin ni Calyx.

"Okay lang naman," sagot ko. "I kind of want to hear other complaints."
"Tara?"

Tumango ako.

Kasabay na kaming naglalakad palabas ng tatlong marshal nang may sumalubong na apat
pang marshals na iba ang uniform. Nagkatinginan sila bago mapatingin sa'kin.
Kinabahan naman ako.

No way. Imposibleng sa Sue Your Crush din sila tapos may nag-complain din sa'kin.

"Sandali lang, Ma'am. Kayo po ba si Kimara Aurora Arranza? First year, Culinary
Arts student?" tanong ng nag-iisang babae sa kanila.

Napatingin ako saglit kay Cal. Imposibleng Sue Your Crush din 'to! It's outrageous!

"Yes po..." maliit ang boses na sabi ko. Gusto kong sumiksik at magtago sa
tagiliran ni Calyx, lalo na nang maglabas ng papel ang babae.

"Iniimbitahan po kayo sa Dating Authority para pumirma ng kasunduan sa pakikipag-


date."

Napakurap ako. If they're the Dating Authority... sa College of Business sila.


They're asking me to what? "Po?"

"May kontrata pong naghihintay sa inyo at kay Ginoong Maxwell Tejeron."

"Ano?" singit ni Calyx. Humawak siya sa braso ko. "Nandito ba si Maxwell ngayon?"

"Hinahanap na rin po namin para hulihin," sabi ng isang lalaki mula sa Dating
Authority.

Suminghap ako ng hangin. Hindi ko pa nakikita si Maxwell mula kanina. Wala naman
siguro uli siya ngayong araw. I shouldn't be too tensed. Kung sinumang naglalaro
sa'min para ipatawag kami sa Dating Authority, siguradong madi-disappoint.

"Sir, kailangan na nating umalis. Tambak ang complaints sa inyo," sabi ng isa sa
mga marshals sa Sue Your Crush.

"Sandali lang..." si Cal.

"Okay lang ako," sabi ko kanya. "Sumama ka na muna sa kanila. Sasama na rin muna
ako sa Dating Authority. Malamang naman, wala si Maxwell ngayon. Pupuntahan na lang
kita sa College of Law."

Cal didn't look convinced.

"This is better than a snooze day," nakangiting sabi ko sa kanya. "Sige na."

"Mag-text ka sa'kin 'pag papunta ka na," aniya.

"Yep."

Kumaway ako nang isama siya ng marshals ng Sue Your Date. Pagkatapos, humarap naman
ako sa marshals ng Dating Authority.

"Uhm... pa'no 'pag wala si Maxwell today? We could cancel the contract and then,
pakakawalan n'yo na 'ko, 'di ba?" alanganing tanong ko sa kanila. Napapakuyom ako
sa skirt ko dahil ang sidhi ng tingin nila sa'kin. They must be wondering why I was
picked for a dating contract.

"Sandali lang, Ma'am," sabi ng babae at kinuha ang cellphone nito sa bulsa.
Dumutdot ito roon bago nakangiting bumalik sa'kin. "Don't worry, Ma'am. Nasa office
na raw po ng Dating Authority si Maxwell Tejeron. Kayo na lang ang hinihintay."

I caught my breath. Bakit hindi siya absent?

Oh. My. God.

++723u / 02022019

_________

TCWDM: Maikli muna cause I babysat the whole day yesterday. And then, may family
lakad today. Gumising lang ako nang madaling-araw to double check what I wrote last
night and post this. Have a nice day ~

        Chapter 06: The pretense of pretense [Cliche (Candy Stories #5)]

                                 

***

First year, Culinary Arts


August, last week
STU Foundation week, 3rd day
"Hello, Aurora."

Napatanga ako sa maamong salubong ni Maxwell. He's really here. Komportable siyang
nakaupo sa opisina ng Dating Authority—naghihintay. Umasa pa naman akong wala siya
talaga at kailangan ko lang mag-apologize o mag-excuse sa mga marshals for the
trouble.

"Finally ay nandito na si Miss Arranza," sabi ng babaeng nakasalamin. Tumayo siya


at nakipagkamay sa'kin. In-character sa pagiging lawyer. "Please be seated."

Naupo ako na nakay Maxwell ang atensyon. I don't want him to get the wrong idea
about this mistake. The sooner we set this straight, the better. "I'm sorry. I
don't know who set this up pero hindi ako. Promise, hindi talaga ako."

"Alam ko." May unawa sa ngiti niya sa'kin. "It's not in your character."

Kasunod akong bumaling sa head ng Dating Authority. "I didn't ask for this."

"Anonymous ang dating request sa amin," paliwanag ng head. "It doesn't matter kung
sino ang nag-set-up. Kapag may enough request para sa isang couple, doon kami
nagsa-summon."

What does that even mean? Hindi lang iisa ang dating request para kay Maxwell at sa
akin? Maraming nanti-trip sa'min?

"But I didn't do this..." wala sa loob na bulong ko.

Ngumiti sa'kin ang babaeng head. "It's okay, Aurora. You can reject the request and
not sign the dating contract if you really don't want it."

"Po? Ano uli 'yon?" ani ko.

"Ipinatawag kayo rito dahil sa dating requests na natanggap namin. We're going to
offer you a dating contract. Pero hindi naman sapilitan 'yon. You cannot date
against your will. You can opt not to sign anything and just leave," dagdag nito.

"Walang penalty in case na hindi kami pumirma?" tanong ko.

"Wala. Ang may bayad ay 'yong dating requests."

Nakahinga ako nang maluwag. Then, kung ayaw rin ni Maxwell na pumirma, we're free
for the day!
Bumaling ako kay Maxwell. " 'Ayun naman pala! 'Wag na tayong mag-sign?"

Nangunot sandali ang noo niya bago niya hulihin ang mga mata ko. "Why not?"

His eyes slowed my wit.

Huh? Why not?

Ako naman ang napakunot-noo. Gusto niya bang pirmahan 'yong dating contract? With
me? Bakit?

"Ano'ng... why not?" ani ko.

Ngumiti siya sa head ng Dating Authority before leaning towards me. Mahina ang
boses niya nang magsalita. "Do me a favor. Date me today."

But I don't think it's a good sight for people to see. It's not good for my heart,
too. Pa'no kung lumala 'yong crush ko sa kanya dahil nag-date kami kahit kunwarian
lang? Worst, pa'no kung umasa ako kahit walang dapat asahan?

I'm content with liking him quietly.

"Kapag hindi kasi ako pumirma rito, maiipit ako sa Sue Your Crush," dagdag niya.

Nahawa ako sa halos ay pagbulong niya. "May mga nagdemanda rin sa'yo? Nademanda si
Calyx, eh."

"Naipit na 'ko ro'n no'ng isang araw. Pinakawalan lang ako agad dahil sa baking
contest. I don't want to spend the entire day signing complaints and counter-suing
again."

I bit my lip. Kung maraming complaints kay Cal, siguradong mas maraming complaints
kay Maxwell. He's liked pati sa ibang colleges.

"Spend the day with me, Aurora," aniya.

"It will help you? If we..." date? Ayaw lumabas ng salita sa lalamunan ko, "If we
sign the contract here?"

"Yes."

Tumikhim ang head ng Dating Authority. "Have we reached a decision?"


Malakas ang tibok ng puso ko sa kaba at sa pag-aatubili nang umayos kami ni Maxwell
sa pagkakaupo. I know it will reflect bad on me to be seen dating Maxwell, even if
it's just for fun. Eyes will be on us and people will assume that I was the one who
set this up. Pero kung gustong pumirma ni Maxwell sa kontrata, mapapasama pa rin
ako kung ako pa ang aayaw.

Either way, this will cause annoying gossips. Iri-risk ko ba?

Bahala na nga.

"Will you explain to us the contract before we sign?" tanong ko sa Dating head.

"Sure." Inabutan nito kami ng tig-isang kopya ng kontrata bago magpaliwanag.

***

"Uh... Saan tayo unang pupunta?" tanong ko kay Maxwell nang lumabas kami sa opisina
ng Dating Authority.

We signed the contract that will last throughout the day. Simple lang ang clauses
at conditions. As a couple for the day, may complimentary na couple shirt kami.
Pinapili kami between King and Queen, Mr. and Mrs., o His and Hers. His at Hers ang
kinuha namin. Pink ang shirt ko. White ang kay Maxwell. We were given a checklist
of tasks to accomplish as a couple—there were fifteen. Para siguradong hindi kami
tatakas, naka-handcuff ang right hand niya at left hand ko. Puwede lang daw naming
balikan sa office ng Dating Authority ang susi ng posas kapag nakapag-check kami ng
at least ay anim na tasks.

"Ang pinakamalapit dito ay 'yong Confession Wall. Do'n muna tayo para hindi pa
natin kailangang sumakay sa university service," sabi niya.

According to our list, we have to write what we like about each other on the
Confession Wall. Kinakabahan ako. Baka kasi hindi kasya sa papel 'yong isusulat ko
tungkol sa kanya. Samantalang siya, mahihirapan pang mag-isip.

Mabagal ang paglakad namin ni Maxwell pababa sa building ng College of Business.


Nakatungo ako para itago ang mukha ko sa mga napapatingin sa amin. Siya naman,
nararamdaman kong madalas na luminga sa'kin.

"Uhm... ano 'yon?" mahina ang boses na tanong ko. Why do you keep on looking? Hu-
hu.

"Okay lang ba 'yang kamay mo?" aniya.

"Huh? Bakit?"
Napatingin ako sa kamay kong nakaposas sa kanya.

"Baka masugatan ka kung lagi mong hinihila 'yang kamay mo sa posas."

Napakurap ako. Nahihila ko lang naman ang kamay ko para hindi aksidenteng madikit
sa kanya.

"Sorry if this makes you feel uncomfortable," sabi niya. "Hindi ko alam na maiksi
ang posas nila."

"H-hindi. Ano lang..." Lumikot ang mga mata ko. "Baka kasi naiilang ka."

"Bakit ako maiilang?"

Kasi ang pangit ng kasama mo. But I had a feeling he wouldn't want to hear
something like that from me. "Kasi kahit kunwari lang tayong nagde-date, this
screams date. May pa-couple shirt sila tapos nakaposas tayo. People will look."
Tapos lugi ka.

Napatango siya. "Ah, ayaw mong makita nila 'kong kasama ka. Kasi mas sanay kang
kasama si Calyx."

Naikumpas ko ang libre kong kamay para i-dismiss ang sinasabi niya. "Hindi! Hindi
'yon!"

"Hindi?"

"Ayaw kong makita nila 'kong kasama ka... dahil..." Napatungo ako. Paano ako pipili
ng salita para sabihin ang dapat kong sabihin? Words aren't enough to describe what
I fear, what I feel. Papahina ang boses ko. "Nakakahiya lang. Tingnan mo kasi
ako..."

"Nakatingin naman ako. Ano'ng problema sa'yo?"

Nag-angat ako ng tingin kay Maxwell. Bulag ba siya? Hindi niya ba nakikita ang
patong-patong at namamagang acne ko? Na nagbubukol at nade-deform ang mukha ko sa
infection kaya lagi kong itinatago sa buhok ko at sa pagtungo? Na mukha akong buwan
na puro craters? Even if he doesn't see it exactly like that, he should have heard
about my nicknames: microbe, bacteria.

"Ang pangit ko kasi... Ang awkward natin." 'Pag itinabi ako sa'yo, lalong
nakikitang pangit ako.
Natahimik siya sandali. "Pero hindi ka pangit para sa'kin, Aurora."

That's because he's kind. Kind people always choose to see what's beautiful in
other people. I see my face in the mirror all the time. I don't like what I always
see. Habang 'yong iba, normal ang skin at itsura, kinakain ako ng acne. Dine-deform
at binubutasan ang mukha ko.

"Hindi ka pangit, Aurora," ulit niya.

"Thank you..." matabang na sabi ko para matapos na lang ang usapan.

Kumunot ang noo niya. Nanahimik naman ako sa patuloy naming paglakad. Nararamdaman
ko ang pagkagat ng bakal na posas balat ko. Baka umuwi akong may sugat o may pasa.
Masakit 'yon pero mas masakit 'yong panliliit na lalo kong nararamdaman dahil sa
pag-amin kong pangit ako.

Why? I used to be beautiful. Why am I ugly now?

"Masusugatan ka kung lagi mong hihigitin ang kamay mo sa'kin," malumanay na sabi
niya.

"Ano... okay lang naman."

"Hahawakan ko na lang ang kamay mo."

"Ha?" Tiningala ko siya sa tabi ko.

"Para hindi mo mahigit."

Seryoso siyang nakatingin sa'kin habang blangko ang isip ko.

"Ayokong masugatan ka, Aurora."

Napalunok ako. Dahil ayaw niya 'kong masugatan... dapat niya 'kong i-holding hands?
Hu-hu. Tama ba ang logic no'n? Hu-hu.

"Babagalan ko ring maglakad," dagdag niya bago magaang ngumiti sa'kin. "Let me make
sure your hand will be safe. Girlfriend naman kita for the day."

Contract dating lang naman 'to. Pero... bakit parang seryoso siya sa sinasabi niya?
Hu-hu.

"I'm not sure..." bulong ko.


"May panyo ka? Para 'yon na lang ang hawakan natin pareho. That way, hindi mo
laging mahihila ang kamay mo sa posas."

Umiling ako. "Wala eh. Ikaw?"

Apologetic siyang ngumiti. "Wala."

Ibig sabihin... hahawakan na lang niya ang kamay ko? Hu-hu.

"Nagsayaw naman tayo ng ballroom no'ng high school. Sa P.E. I held your hand back
then," sabi niya.

Pero hindi naman kami nagsasayaw ngayon. Hu-hu.

Nagbuga siya ng hangin. Then, I gaped when his big, warm hand held mine.

Napahinto na kami sa tagiliran ng building. Alam kong napapalingon ang ibang


estudyante sa gawi namin. I don't want to be seen with him, especially if we're
holding hands. But his eyes on me were too convincing and his grip was too
reassuring.

"Ayokong masugatan ka," seryosong sabi ni Maxwell. "Mahaba pa ang araw natin."

Napatungo ako sa kamay naming magkahawak.

"Hold mine, too."

"Bakit?" natatangang bulong ko. Nasusugatan din ba siya sa posas? Kailangan ko rin
bang i-make sure na safe ang kamay niya? Hu-hu.

"Kasi boyfriend mo 'ko ngayon," tukso niya at malapad na ngumiti.

Hu-hu. Mas malala 'yong reason niya.

Pinisil niya ang kamay ko bago ako igiya sa paglakad. "Tara. Mahaba pa ang listahan
natin."

Pero six tasks lang naman ang kailangan naming ma-accomplish. Ba't parang lalahatin
niya? Hu-hu.

Wala akong nagawa kundi mahigpit na lang ding kumapit sa kamay niya.
***

As the day progressed, I was getting used to our hands clasping each other. Mas
madaling maglakad at gumalaw ng gano'n. Naisip ko, strategy siguro ng Dating
Authority 'yong maiksi ang handcuff chain para mapilitang maghawak ang mga magde-
date.

Whenever I would feel awkward with the way people stare, Maxwell would engage me in
a conversation. Hindi ako sigurado kung sinasadya niya... pero pakiramdam ko,
sinasadya niya nga. When he said he doesn't want me to get hurt, parang kasama ro'n
'yong feelings ko. I felt warm and protected.

He's also in a playful mood. Nahawa rin tuloy ako.

Isa-isa, pinuntahan namin ang mga nasa listahan. ++958g / 02132019

        Chapter 06 part 2: The pretense of pretense [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

First year, Culinary Arts


STU Foundation week, 3rd day

Task #1: At Confession Wall. Write something you like about each other.

'He's gentle.'

'He has a smile that makes my day better.'

'I just like her.'

"Tapos na 'ko, Aurora," untag ni Maxwell bago ko maramdaman ang paghawak niya uli
sa kamay ko.

Mula sa mga notes na binabasa ko ay bumaling ako sa kanya. Nakaupo kami sa long
table na laan sa mga magsusulat para sa Confession Wall.

"Tapos ka na?" Agad?


Wala pang five minutes mula nang bigyan kami ng ballpen at sticky note (na heart-
shaped at palm-sized at ridiculously neon pink). How come he's already done? Ako
nga, nag-iisip pa lang.

"Oo. Ikaw?" aniya. "Wala ka pang naisulat?"

Wala pa 'kong masulat dahil mahirap i-summarize 'yong mga gusto ko sa kanya. I like
him for a lot of things I know about. But when I think about it, I already like him
even before knowing everything that I know about. Kaya kung magiging honest ako...
puwede ko bang ilagay na gusto ko siya sa mga dahilang alam ko at sa mga dahilang
hindi ko pa alam? Hindi ba magulo 'yon?

"Pahintay sandali," sabi ko at tumungo sa note ko. Sa peripheral ko, nakita kong
inabot ni Maxwell sa attendant 'yong note niya. Pagtayo no'ng attendant, nahiya na
'kong sundan ng tingin kung saan ikakabit 'yong note.

I'm bad at being nosy. I could have peeked earlier while he was writing, but a part
of me was scared to be disappointed. After all, there's nothing to compliment about
me. He must have written something short like I'm kind or I'm nice.

"May isinulat ka na?" untag ni Maxwell at sinubukang sumilip sa sticky note ko.

"Hey!" Iniharang ko ang katawan ko sa kanya. "Ang daya mo! No peeking."

"Pasilip lang," nanunuksong sabi niya habang malaki ang ngiti. "Hindi naman na 'ko
mangongopya."

Why was he in a playful mood like this? Hu-hu.

"I didn't peek kanina, ah..." reklamo ko

"Bakit hindi? Hindi naman kita pipigilan kung sumilip ka. Gusto mong malaman kung
ano'ng isinulat ko?"

Oo! But it felt uncomfortable to ask kahit na ino-offer pa niya 'yong information.

At bakit... parang flirty siya? Totoo bang parang flirty siya o imagination ko lang
dahil kinikilig ako? Hu-hu.

"Uh... Ayoko naman, eh..." sabi ko.

"Ayaw mong malaman? Kahit puwede mong malaman?" tukso niya.

He must have written something about being nice. It's okay but... I shook my head.
Sunod-sunod.

"Ayoko talaga! Ayoko talaga! Ayoko talaga! Don't tell me!"

Mahina siyang tumawa. "Sabagay. Maikli lang naman 'yong isinulat ko."

It's about being nice. I'm sure. He didn't have to tell me.

"Pero hindi generic. Pinag-isipan ko 'yon," dagdag niya.

What?! Anong hindi generic ang isinulat niya?!

Tumungo ako sa note ko. It's too late to say I want to hear it! Hu-hu.

"Sige na. Oo na. You didn't write something generic like I'm nice or I'm kind or
whatever—"

"Oo. Hindi gano'n kababaw lang, Aurora."

I meant to glare because it's frustrating to be curious and shy about it. Pero
pagsulyap ko sa kanya, nakatingin na siya sa'kin. It felt inappropriate to be mad
or even a little irritated. "Pinapa-curious mo lang ako, eh. Behave, Maxwell
Tejeron!" sabi ko sa kanya. "Magsusulat din ako ng hindi generic para sa'yo."

Kumulit ang ngiti niya. Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Okay, girlfriend," sabi niya.

Hu-hu. Ito? Ano na 'to? Flirt na ba 'to? 'Cause I'm weak. Hu-hu.

Tumungo uli ako sa note ko.

"May isinusulat ka na?" kulit niya.

Mahina akong umangil. Parang tumatawa naman siya.

I quickly wrote on my note: I like him for reasons beyond me.

Task #2: At Flower Shower Booth. Get the girlfriend some flowers.
"Ano'ng bibilhin ko para sa'yo?" tanong ni Maxwell sa'kin.

Against sa expectation ko, hindi lang mga tunay na bulaklak ang nasa flower booth.
May flower pastillas, candy flowers, cotton candy bouquet, at iba pa. May flower
accessories din like necklaces at bracelets. May flower crowns. If it's about what
I like for myself, it's hard to choose. If it's about something I would carry all
day...

"Isang long stem rose na lang," sabi ko. Kung isang bulaklak lang, mas madaling
bitbitin sa maghapon. Mas mura rin.

Nangunot ang noo niya. "Bakit isa lang? May mga bouquet sila."

Napatingin ako sa malalaking bouquet. Those were beautiful... but heavy.

"May accessories din," dagdag niya. "Gusto mo, 'yon na lang?"

Why would he buy me accessories? Para lumalim 'yong crush ko sa kanya? Nanganganib
na nga 'yong feelings ko dahil sa date na 'to.

"Fresh flowers lang po ang allowed para sa Dating Authority," singit ng attendant
sa Flower Booth.

Nablangko sandali ang mukha ni Maxwell. Bibihirang mangyari 'yon kaya napatingin
ako nang matagal.

"Bakit—" Nagbuga siya ng hangin bago bumalik sa pagngiti. "I see." Pagbaling niya
sa'kin, parehas na uli sa dati ang expression niya. "Puwede bang ako na lang ang
pumili ng bulaklak para sa'yo?"

Ha? "Pero ayoko ng bouquet," una ko. "Mahirap dalhin."

Tumango siya bago bumalik sa attendant. "One box of red roses. 'Yong may ribbon na
hawakan."

"Right away, Sir."

"Ako na'ng magbibitbit," baling niya sa'kin.

Tumango na lang ako. "Okay. Thank you."


Task #3: At Time Capsule. Record something you want to say to each other in the
future.

"Simple lang po ang rule. Pagpasok n'yo sa booth, may naka-ready nang camera to
record. Makikita n'yo sa screen ang countdown before recording. 'Pag nag-blink ang
red dot sa screen, you can record anything you want to say to each other or
something you want to say to your future self. By 'future', preferably, three or
more so years from now.

"Pagkatapos ng recording, on your way out ay bibigyan kayo ng stub kung saan
nakalagay ang file number ng record n'yo. You can choose to send it to yourself via
email, to archive it in our records, or both.

"Everything you will record is confidential. Hindi namin titingnan, uusisain,


panonoorin, ie-edit, etchetera. Should you opt to archive it in our records, wala
itong magiging expiration. Tradition ng College of Mathematics ang Time Capsule
kaya you can always go back here if you want to access it."

Ngumiti ang babaeng attendant sa amin ni Maxwell. "Clear na ba, lovely couple?"

"How are we going to record if we're handcuffed to each other?" tanong ni Maxwell.

"Oh, that! We have a spare key for you!" anito at naglabas nga ng susi.
"Makakapahinga 'yong kamay n'yo sa posas."

We were freed in no time. Kay Maxwell ibinigay ang posas. Nang tanungin kami uli
kung handa na kaming mag-record, alanganin ang 'Yes' namin. We were led—separately—
to different recording booths.

The actual booth was small. Kasinglaki lang ng mga automated photo booth. Parang
soundproof but I'm not sure.

Kunot ang noo ko nang tumitig sa countdown sa malaking screen. My mind was blank.

What do I tell Maxwell or myself in the future? What do I even want to say?

The red dot blinked.

"Hi... Uh..." Nagbuga ako ng hangin. "Hi."

I bit my lip. What do I say?

"So, uh, today... Maxwell and I—I mean, you and me... we were caught up in a dating
contract. So..."
So... I stared at the screen—at the blinking dot, at the changing numbers, at my
acne-infested face.

"I really don't know what to say. Sorry." Napatungo ako. "I don't know what's in
the future, I guess. It's hard to tell. But maybe, three or more so years from
now... when I look back, I think this day will be something that will get me to
smile.

"Because... this is a good day. At least, for me.

"And, uh, sorry if you're uncomfortable the whole time in being seen with me. Sorry
rin kung ang awkward ko. Or kung scatterbrain ako. I'm sure I would do a lot that
I'd be embarrassed of, today.

"Pero kahit marami akong ina-anticipate na ipagso-sorry sa'yo... it's less


stressful to be embarrassed and to do wrong because it's with you. I don't know if
that makes sense."

A 30-second countdown appeared at the corner of the screen with the words: Your
record is too long. Make another record in 30 seconds.

"Oh my gee, maka-cut 'yong record. Ano'ng sinasabi ko?" Hu-hu. Matagal ba 'kong
tumitig sa screen kanina? Ga'no katagal? This is gonna be so awkward if it got cut
midway. Hu-hu.

"Uhm... sorry 'pag na-cut 'to. I don't want to record something para magdugtong.
But uh, just so you know, I'm happy today.

"And I'm grateful because... you're my... boyfriend—ano, temporary boyfriend!


Contract boyfriend, I mean!"

Huminga ako nang malalim. There's still some time left.

I looked at the screen and tried to smile. It was awkward that I bit my lip.

"Thank you for today, Maxwell."

Muntik akong mapasigaw nang may boses na magsalita sa loob ng booth.

"You finished recording. Congratulations. Please proceed to the stub area."

I glared at the screen before exiting the booth.


Nakaupo na sa may table ng stub si Maxwell. Mabilis na naman siyang natapos. Hindi
siguro siya awkward sa camera gaya ko.

Natuon ang mata ko sa posas namin na hawak niya. May nakaikid na ribbon (yata) ang
isang cuff n'on.

"Ang bilis mong natapos..." sabi ko sa kanya.

"Oo. Get your stub."

Nag-fill-up ako ng stub. I checked for both sending the video via email and
archiving it for Time Capsule. Pagkatapos, nagpapirma kami sa attendant para sa
task list namin sa Dating Authority.

Nang iposas kami uli ni Maxwell, sure na 'kong ribbon nga ang nakaikid sa cuff na
para sa'kin. Nabawasan 'yong kagat ng edges ng posas sa balat ko. Galing siguro sa
Flower Booth 'yong ribbon dahil may hawakan pa rin naman 'yong box ng mga bulaklak
ko.

"Thank you," sabi ko Maxwell. "Mas komportable na 'yong posas."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Mas komportable pa rito?"

Flirting ba 'to? Hu-hu.

"Parehong komportable..." mahinang sagot ko.

"Sorry. Ribbon lang ang nakita kong available para ibalot sa posas," dagdag niya.

Naghahanap ba siya ng ibabalot sa posas mula kanina? Para maging komportable ako?
Kung gano'n naman pala, maraming bilihan ng panyo, bakit hindi na lang kami bumili
ng panyo para sa original na plano? 'Yong hahawak kami sa panyo kaysa maghawak ng
kamay?

" 'Yong sa'yo, bakit hindi mo binalutan?" tanong ko nang naglalakad na kami palayo
sa College of Mathematics.

Makulit ang ngiti niya sa'kin. "Mas komportableng hawakan ang kamay mo."

Hu-hu.

Task #4: At Puffy Stuffy Booth. Get the girlfriend something fluffy.
Task #5: At Player's Den. Play any arcade together.
Task #6: At Will You Be My Date? Go on a First Date.

I got a monster stuffed toy from Puffy Stuffy. Ako ang pumili dahil kinabahan ako
sa titig ni Maxwell sa four-feet teddy bear na naka-display. The monster I got
named Blobby (based on its tag) is tiny-pillow-sized (except that it's round) and
disco blue.

For task number 5, we played shooting games (Zombie Zone and Spot The Terrorist) at
the Player's Den. Left hand lang ang gamit niya sa pagbaril pero ang galing pa rin
niya. Sabi niya, madalas daw siya sa arcade kasama ang Kuya niya. Tinuruan niya rin
akong mag-shoot nang maayos sa basketball.

I thought we're gonna head back to College of Business for the next task. Nasa
building 2, sa Hotel and Restaurant Management 'yong Will You Be My Date?. But
instead of riding the university shuttle, we stopped by the freedom park beside the
College of Music. Naupo kami ro'n.

"Pahinga tayo sandali. Kung hindi ka pa gutom," sabi ni Maxwell sa'kin.

Tumango lang ako.

Bilang sa daliri ang tao sa park. Dahil siguro sa mini-concert na bahagya naming
naririnig namin mula sa Auditorium.

Magaan ang pag-ihip ng hangin at ang pagsayaw ng mga puno. Lumalagos sa kapal ng
mga dahon ang liwanag ng umaga. It's a good day.

"Nakangiti ka," untag ni Maxwell sa'kin.

"Ha?" I looked and he's already looking at me. Napakurap ako. Pinapanood niya ba
'ko?

"Para kasing hindi ka komportable mula no'ng nagsimula tayo sa contract dating,"
malumanay na sabi niya. "I was thinking na baka ayaw mo nang tapusin."

Napatanga ako sa kanya.

"Siguradong mas komportable ka kung si Calyx ang kasama mo."

"Hala... hindi," mahinang sabi ko. "I mean... kung si Calyx ang kasama kong nag-
ikot sa mga booth, bumili ng mga binili mo, sure, it would be less awkward for me.
Kasi sanay na 'ko sa kanya. Pero kung siya 'yong contract boyfriend ko... ano,
awkward din."
Napalunok ako nang mapansing nasa akin lang ang atensyon ni Maxwell. He was staring
and listening intently. Bakit gano'n? Puwede naman niyang pansinin 'yong mga puno
at damo at alikabok.

Hu-hu.

"Awkward lang kasi... wala akong idea ng boyfriend. I mean, may idea ako, pero..."
Ugh, it's frustrating to explain. "Ang gulo ko."

Maamo ang ngiti niya. "Simplehan natin?"

"Ang alin?"

" 'Yong mga tanong," sabi niya. Tumikhim siya. "Hindi ka komportable sa date?"

"No. Hindi sa date. Just... with all the eyes looking."

Nawala sandali ang ngiti niya. "Tatapusin ba natin 'yong nasa task list? Okay lang
kung ayaw mo na. Pagkatapos nating kumain ng lunch sa HRM building, puwede na
nating tapusin 'yong contract."

"Tapusin natin 'yong nasa task list."

He looked at me thoughtfully. "Okay lang... kahit hindi."

But he wanted to finish it. Alam ko. "Tapusin natin. Kahit naman nao-awkward ako...
ano, I'm all set to spend the day with you."

His lips twitched a little before giving in to a smile. "I see."

Nahawa ako sa ngiti niya. "And it's a nice day, too. 'Di ba?"

Tumingala siya sa mga puno. Napatingin naman ako sa adam's apple niya.

"Oo nga. It's a nice day."

I looked up, too. Hindi lang 'yong araw ang maganda kundi 'yong panahon din. 'Yong
pakiramdam ko rin. Kahit may awkwardness, mas lamang 'yong masayang pakiramdam.

For a day, I get to be alone with Maxwell.

"Tingnan mo, may tutubi," sabi ko sa kanya nang makakita ng lumilipad malapit sa
puno at halaman. "It's so rare to see a dragonfly."

"Yes."

Humigpit ang hawak ni Maxwell sa kamay ko. Parang mas uminit din ang palad niya. I
continued looking at the dragonfly; continued acting oblivious.

For a day, I'm with him. Kahit kunwari lang na nagde-date kami, totoo ang lahat ng
pakiramdam ko. 

++116h / 03062019

        Chapter 07: First of everything [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Task #8: At Wreck It. Write something you dislike about each other.

Seryoso si Maxwell sa pagsusulat sa maliit na plato na ibinigay sa'min. We're at a


long table again, holding white plates and black markers. Ang Wreck It booth ay
para sa mga may sama ng loob sa buhay na gustong i-let go. Any complaints, issues,
or bad words could be written on anything breakable—a mug, a plate, a person-like
figurine. Pagkatapos maisulat ang sama ng loob, puwede nang magbasag. One can opt
to throw the thing on the floor or opt to use more forceful means like smashing the
thing using a hammer. May theme song din sa booth: rock version ng Let It Go ng
movie na Frozen.

I was wondering if it's okay to be curious and nosy now. Sabi naman kasi ni Maxwell
no'ng nagsulat kami for the Confession Wall, he would let it slide if I peek. Pero
wala akong lakas ng loob. Saka, ano rin ba ang isusulat kong complaint para sa
kanya?

May reklamo ba 'ko sa kanya ngayong araw? O sa kahit na anong araw in particular?

"Ano 'yon? Bawal mangopya," tukso ni Maxwell nang sumulyap siya sa'kin at mahuli
akong nakatingin.

"I wasn't even looking at your plate," sangga ko.

Malapad ang ngiti niya. "Kahit naman tumingin ka."

Iniharap niya ang white plate niya sa'kin. Binasa ko ang nakasulat: Forgetful.

"Bakit forgetful?" My heartbeat doubled. "May nagawa akong mali sa'yo? Tapos
nakalimutan kong mag-sorry? 'Yong payong ba? O may kulang akong sandwich?"
Mahina lang siyang tumawa. "'Ayun nga. Forgetful."

"Ano nga? Ano'ng nakalimutan ko? May atraso ako?"

"Wala," magaang sabi niya. "Wala lang akong maisulat. Hindi ka ba makalilimutin?
Hindi ba common sa babae 'yon? Si Auntie, makalilimutin, eh."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba baka sa old age 'yon? Medyo old na si Auntie, 'di
ba?"

He sort of psh-ed. Napakurap ako dahil ngayon ko lang narinig 'yong gano'n niya.

"Lagot ka kay Auntie 'pag nalaman na tinawag mo siyang old."

"Hala. Sorry na kay Auntie," bawi ko. "Pero 'di ba, ang madalas na complaint sa
girls ay 'yong hindi makalimot? Ang dami kayang memes na puro gano'n."

Napakamot siya sa pisngi niya. "May meme nga na gano'n. Pero naisulat ko na 'to,
eh. Wala naman akong reklamo sa'yo."

Itinago ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti. "Wala nga rin akong reklamo
sa'yo. What do I write?"

Nagkibit-balikat siya. "Puwede kong silipin 'yong isusulat mo?"

"No."

"Kahit ipinakita ko 'yong isinulat ko?"

Bumelat ako sa kanya. "I didn't ask for it. You showed me willingly. Your loss,
then."

"Unfair," aniya, pero magaan ang ngiti niya. Gumala ang mata niya sa buong mukha ko
na hindi ko na alam kung saan ako titingin. "But forgiven."

Napalunok ako. "I'll write. Don't peek."

"Okay."

I wrote: He's bad for my heart.


Task #7: Share a drink or something sweet.
Task #9 & 10: Introduce each other to a friend.

"Ano'ng gagawin natin? Should we head back to our college?" tanong ni Maxwell
sa'kin.

Kumurot ako sa cotton candy na hawak niya bago sulyapan ang nakaparadang university
shuttle sa waiting shed. Puno na 'yon at paalis na. Kung maghihintay kami ng
panibago, thirty minutes pa. At mapapalayo kami sa susunod na venue para sa task
11.

Isinubo ko ang cotton candy. "Puwede naman yata na hindi personal ang introduction?
Baka maghanap pa tayo sa mga kaklase natin kung babalik tayo sa C.A."

And I kind of don't want to be seen by any of our classmates. Baka may magalit na
date ko siya.

Tumango siya. "Tatawag na lang ako? Okay lang?"

I nodded.

Kaswal niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya at nag-dial gamit ang kaliwang
kamay niya. Nakatingin siya sa'kin habang naghihintay ng sasagot sa linya.

"Wala. May task lang dito sa school," simula niya. "Oo. May ipapakilala lang ako.
Basta."

Nakaabang ako. Bakit parang hindi niya kaklase ang kausap niya?

"Ipapakilala ko lang 'yong girlfriend ko, si Aurora," patuloy niya.

Huminga ako nang malalim.

"Kausapin mo lang sandali. Pakilala ka rin," aniya at iniabot sa'kin ang cellphone.

"Sino 'to?" mahinang tanong ko kay Maxwell.

Pero ngiti lang ang isinagot sa'kin.


"H-hello... po?" ani ko.

"Hello, Aurora. Si Warren 'to."

Nanlaki ang mata ko kay Maxwell. It's his brother! Bakit kuya niya ang tinawagan
niya? Puwede namang sina Gino lang? Hu-hu. Ano'ng sasabihin ko?

"Kumusta?" magaan ang boses na tanong ni Kuya Warren. "Maayos ba kayo ni Max?"

"Ah, sa ano lang 'to, Kuya... sa Foundation Week dito sa school. May Dating Booth
kasi, tapos na-summon kami ni Maxwell. Tapos, kasama sa task 'yong ipakilala ako as
girlfriend. Pero kunwari lang po 'to. For this day lang."

"Ah, gano'n pala. Isumbong mo sa'kin 'pag may ginawang kalokohan si Max. Kami ni
Auntie at Jacob ang bahala."

"Wala pa naman po," sabi ko.

Mahinang tumawa si Kuya Warren. "Wala talaga dapat."

"Ah... 'yon. Wala po." Hu-hu-hu. Do I sound like I was expecting Maxwell to do
something? Hu-hu. Hindi naman, eh.

"Nice meeting you, girlfriend ni Maxwell," sabi pa.

"Thank you, Kuya." Nakasimangot ako nang ibalik kay Maxwell ang phone. Sinasangga
niya lang ng ngiti niya ang talas ng mata ko.

"Wala," sabi niya sa kuya niya. "Baka nga ikaw. Sumbong din kita kay Ivan." Mahina
siyang tumawa bago ibaba ang linya at bumaling sa'kin. "I'm done with the task."

"Bakit si Kuya mo ang tinawagan mo?" reklamo ko. I was prepared to nag.

"Maiilang ka kasi kung mga kaklase natin ang tatawagan ko."

Well, that's true. It would be uncomfortable. Nawala tuloy 'yong inis ko. "Oo nga.
Maiilang nga ako."

"I did well?" tanong niyang nakakiling ang ulo. Parang humihingi ng approval.

"Yep. You did well."


"Saka kilala ka naman na ni Warren. Hindi na magtataka 'yon."

"Oo nga." Nagbuga ako ng hangin.

Hindi naman nawawala ang ngiti niya, gaya ng lagi. "Ikaw naman?"

Kinuha ko ang cellphone ko sa inner pocket ng skirt ko. Wala akong puwedeng tawagan
na kaklase o kaibigan maliban kay Calyx. Pero busy si Cal sa College of Law. At
kapag nalaman niyang ka-date ko si Maxwell, baka magalit siya. Isa pa, hindi pa 'ko
nagte-text man lang sa kanya mula nang maghiwalay kami kanina. He would surely
scold me. Ang naiiwan na lang na puwede kong tawagan ay si...

"Si Mommy na lang tawagan ko," sabi ko kay Maxwell.

"Okay."

I dialed the number. Mabilis na sinagot ni Mommy ang tawag ko.

"Ano 'yon, Princess?" malambing na tanong ni Mommy. "Something at school?"

"Yes po. Something at school. Uh... kasi ano..." I proceeded to explain about the
Dating Authority and the tasks.

"Si Calyx ang date mo?"

"Hindi po, Mommy. Si Maxwell po."

"Ah, si Maxwell. Sige, Princess, pakausap ako."

Ibinigay ko kay Maxwell ang phone. I watched his one-sided conversation with her.

"Okay naman po, Tita. Naipit po kasi si Calyx sa ibang booth. Marami yatang nag-
complain sa kanya. Hindi po. Okay po ako." Nangunot ang noo niya bago nangiti.
"Kumain po kami. Maraming pagkain dito sa school. Ah, mamaya po? Puwede pong ako na
lang ang maghatid, kung hindi puwede si Calyx. Sige po."

Pagbalik sa'kin ng phone, "Let's dine out together later, Princess. Puntahan mo ako
rito sa tindahan mamaya. Sumabay ka na kay Maxwell pauwi."

"Ah. Sige po. Sabihin ko na lang kay Calyx."

"Okay. Enjoy your date today," tukso ni Mommy.


"Hala. It's not that kind of date, Mommy."

"But this is still your first date. Enjoy it, Princess."

Nang mag-disconnect ang linya, hindi ako makatingin kay Maxwell. Today is indeed my
first date.

Task #11: At Seal of Approval. Make a promise.

"Kahit ano'ng promise, okay lang?" tanong ko sa attendant ng booth.

Cute ang Seal of Approval booth. People go there to make amends with someone, make
a promise, or grant a request. Puwedeng couple, friends, or group of friends. Kapag
approved sa mga parties involved ang condition or promise, nagbibigay sila ng seal
na stuffed toy.

"Anything po is okay," sagot ng attendant.

Matagal kaming nagkatinginan ni Maxwell.

"Wala ako'ng idea sa promise," sabi ko sa kanya.

"How about we make a deal?"

"Ano'ng deal?"

"Let's be each other's date for Acquaintance."

Si Calyx ang automatic date ko 'pag may parties. Isang beses ko lang hindi naka-
partner si Calyx—no'ng ballroom dancing sa P.E. namin. Nominated siyang watcher sa
Chess Competition no'n kaya exempted siya.

"Marami ka namang puwedeng i-date," sabi ko.

"Hindi ka ba kasama sa puwede kong i-date?"

"Eh si Calyx kasi..."


"Marami naman siyang puwedeng i-date."

Napalunok ako. Eh, gano'n din naman siya. Kaya, "Bakit ako?"

"Bakit hindi?"

Why not? Bakit hindi? Tuwing siya ang magtatanong, nawawalan ako ng sagot.

"Okay, sige," suko ko.

"Okay?" ulit niya.

Tumango ako. "Okay. Let's be each other's date sa Acquaintance."

"With that happy news, let me scribble your promise," nakangiting sabi ng
attendant. She took two seals—one with a red tag and one with a blue tag. Isinulat
niya sa sticker ang keyword na 'date' at idinikit sa mga tags. "To seal your
promise with each other, here's the Seal Of Approval po."

I felt weirdly giddy when I accepted the seal.

Task #12: At Ask Anything. Propose to the girlfriend.

I was getting horrified while reading the packages at the Ask Anything booth, under
the question Will You Marry Me?. Ang mga options ay:
Package 1: Serenade your girlfriend with a love song and pop the question.
Package 2: A mob-dance proposal.
Package 3: Ask with flowers and lights and everything nice.

I cringed. Na napansin ni Maxwell dahil sa'kin na naman nakatuon ang mata niya.

"Ano kasi... ayoko no'ng mga options," mahina ang boses na paliwanag ko.

"Dahil laging may tao at witness?" aniya.

Tumango ako. It's not because I think I'm too ugly and undeserving of a public
proposal. It's that, "Siguro 'yong ibang girls, gusto 'yong ganito. 'Yong may
gimmick 'yong confession or 'yong panliligaw or 'yong proposal. I'm not really into
that. Mas gusto ko 'yong quiet, sincere, at unexpected."
"Kahit para lang dito sa task?" tanong niya.

Nagkatinginan kami nang matagal.

"Can we skip this?" maliit ang boses na tanong ko. "Or make it something na walang
tao?"

"Wala silang option na walang tao."

"Oo nga, eh." Napahinga ako nang malalim.

"Sige. Punta na lang tayo sa Paparazzi para sa picture," sabi ni Maxwell sa'kin at
nagsimulang maglakad.

Actually... "Can we skip it, too?"

"No," mabilis na sagot niya.

"Bakit?" Ayoko pa naman ng picture. Kahit na tuyo ang mga taghiyawat ko ngayon at
walang bukol-bukol sa mukha ko, asiwa pa rin ako. It's like recording something
embarrassing for my future self. Ayokong maalala na mukha akong microbe at bacteria
sa college. "Please?"

"Isang picture lang." Huminto siya sa paghakbang at hinuli ang mata ko. "Please?"

Hala. Bakit mas powerful ang 'please' niya? Hu-hu.

"Ang daya..." mahinang sabi ko.

Sumakay kami sa university shuttle papunta sa Film Institute kung nasa'n ang
Paparazzi For Hire. Pagdating namin do'n, naupo pa muna kami sa mga benches sa
freedom park. Kakaunti ang nasa park pero maraming palakad-lakad at gumagala.

"Hindi ka pa pagod?" untag ni Maxwell sa'kin.

"Hindi naman," sabi ko. Tiningnan ko ang task list namin. "Malapit naman na tayong
matapos. It will be dusk in no time."

"Oo nga." Nagbuntonghininga siya.

Tumingala ako sa mga punong naroon. May mga freedom parks sa pinakamalalaking
colleges sa STU—Biological Sciences, Film Institute, Law, Business and Management,
and Social Sciences. Isa ang nasa Film Institute sa may pinakamatatandang puno. May
payapang pakiramdam sa pag-upo lang sa ilalim ng malalaking puno ro'n.

"Aurora," tawag ni Maxwell sa'kin.

Nakangiti akong bumaling sa kanya. "Pagod ka na?"

Umiling siya bago seryosong magtanong, "Will you marry me?"

I froze. Nang maamo siyang ngumiti, lalong nalaglag sa kawalan ang isip ko.

Suminghap ako ng hangin nang maalala ang task list. "Ano ba? Bakit ang seryoso ng
pagkakatanong mo?"

Hu-hu. It's just the damn task. Hu-hu. Bakit ko sineseryoso?

Naglabas siya ng singsing mula sa bulsa niya. "Will you marry me?"

Kailan pa siya nakabili ng singsing sa Proposal Booth? Bakit hindi ko napansin?

Hindi talaga siya mabuti sa puso ko. Hu-hu.

"Will you answer anytime soon?" tukso niya.

"Kasi eh... bakit may singsing ka na? Bakit ka nambibigla? Seryoso akong nagmo-
moment sa mga puno eh. I was thinking about the park and the trees and how serene
it feels to just sit here," reklamo ko. "Bakit may singsing ka na? Bakit hindi ko
nakita no'ng bumili ka? Ang seryoso mo magtanong..."

Mahina siyang tumawa. "Is that a yes or a no?"

"Ang kulit mo pa..." Hu-hu.

But he looked like he was really waiting for my answer.

"Siyempre, yes..."

Isinuot niya sa'kin ang singsing na hawak niya. Adjustable 'yon.

"Walang nickel 'yan," sabi niya. "Hindi ka masusugatan."

How did he even know about my allergies? Hu-hu. "Thank you..."


I looked at the ring on my finger. Parang totoo ang kinang ng bato no'n. Nasa 100
to 250 pesos lang naman 'yong rings sa Proposal Booth. Sa'n sila bumili ng gano'n
kamura na walang nickel? Korean accessories?

"Tara," sabi ni Maxwell na tumayo. "Magpa-picture na tayo para mapakasalan na


kita."

"Ano ba!" saway ko sa kanya. "Be careful sa words."

Hu-hu.

"Magpapakasal naman talaga tayo pagkatapos, 'di ba? Task number fourteen?"

Hu-hu. He's going to kill me soon with all these feelings.

"Oo na. Just... don't chant it."

"Hindi naman."

"Inuulit-ulit mo, eh."

Mahina lang siyang tumawa.

We headed to the Paparazzi.

Task #13: At Paparazzi For Hire. Take a photo.


Task #14: At Marriage Booth. Get married.

"Do you, Maxwell Tejeron, take this woman, Kimara Aurora Arranza, to be your
lawfully wedded wife; to have and to hold, in sickness and in health, in good times
and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you
both shall live?"

Pasimple kong inilalayo sa mukha ko ang veil na nakatabing. It was itchy.


Maalikabok na siguro. O baka may make-up residue ng ibang gumamit. O baka sa
detergent. Whatever it was, medyo makati.

"I do," sagot ni Maxwell.


"Do you, Kimara Aurora Arranza, take this man, Maxwell Tejeron, to be your lawfully
wedded husband; to have and to hold, in sickness and in health, in good times and
woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both
shall live?"

Umiwas akong tumingin kay Maxwell, lalo na dahil nararamdaman kong nasa akin na
naman ang mga mata niya.

"I do po."

"Bawal tumutol sa kasalang ito kaya magpalitan na kayo ng singsing," sabi ng


attendant na nakabihis-pari.

May pa-singsing sila na mukha rin talagang wedding bands. Silver 'yon. Sabi ni
Maxwell bago ako magsuot ng veil, wala rin daw nickel 'yon.

Sinuotan namin ng singsing ang isa't isa.

"By the power of the universe, I now pronounce you husband and wife. Please, kiss
the bride."

Kabado ako nang sumulyap sa pari. Wala naman sigurong totoong kiss the bride dito.

"Kiss the bride," ulit nito. "Go on."

Tumingala ako kay Maxwell. Nakangiti naman siya nang humakbang nang isa para lalo
pang mapalapit sa'kin. Nawalan ako ng hangin sa pagliit ng distansiya sa pagitan
namin. He was assaulting me with the power of his eyes, his smile, his magnet.

Maingat niyang itinaas ang veil ko. Hindi ako makakurap habang magkahinang ang mata
namin.

"Kiss," utos ng pari.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

I couldn't look around to check who were cheering.

Makulit ang ngiti ni Maxwell habang tuod akong hindi makawala sa mata niya.
Inilapit niya ang pisngi niya sa'kin.

"Kiss daw, Aurora," sabi niya.


I stared at his cheek. It's clear. It's shining. It's porcelain. O baka nahihilo na
'ko sa kaba dahil sa kaka-cheer ng pari at ng mga nasa paligid. Hu-hu.

"Kiss..." mahinang ulit ko.

"Yes. I'll wait whenever you're ready," aniya.

Nakarinig ako ng mga reklamo.

"K.J. naman. Bakit sa cheek lang?"


"Puwede naman lips."
"Ang tagal ng kiss!"

"Don't listen to them," malumanay na sabi ni Maxwell.

"Okay." I stared at his cheek again. Mariin akong pumikit bago ilapat ang labi ko
sa balat niya.

Lumunok siya nang tumuwid siya ng tayo. Namula rin ang tainga niya. Nang tumingin
uli siya sa'kin, tipid ang ngiti niya.

"That's your kiss. This is mine," aniya at maingat na humawak sa balikat ko.
Napapikit ako nang maramdaman kong humalik siya sa tuktok ng ulo ko.

Nanginig ang tuhod ko kaya napakapit ako sa mesa malapit sa naka-set-up na altar.

"Tapos na po ba?" nanghihinang tanong ko sa pari.

Bumaling ang pari sa mga naroong attendant at iniabot sa'min ang isang papel.

"This is your marriage contract po," sabi nito. "Humayo kayo at magpakarami."

Maxwell thanked them while I was battling a heart attack.

Task #15: Give each other a memorabilia.

"Ano? Nasa'n ka ngayon?" tanong ko kay Calyx na kausap ko sa phone.


Nakaupo kami ni Maxwell sa university shuttle, naghihintay ng oras ng pag-alis.
Pabalik na kami sa College of Business para ipatanggal ang posas.

"Nasa Annex," tukoy ni Cal sa isa pang campus ng STU kung nasa'n ang soccer field.
It's a twenty-minute ride from the main campus. "Wala na 'kong pambayad sa tatlong
huling nag-complain sa Sue Your Crush. I was told to meet whoever sent those
complaints dito sa annex. Ang tagal namang dumating. Ikaw? Bakit hindi ka nakasunod
sa College of Law?"

"Ah... Ano... date ko kasi si Maxwell ngayon."

Dinig ko ang buntonghininga ni Calyx. "Sabi na nga ba. Tapos ngayon ka lang
nagsabi..."

Ngumuso ako. "Sorry na... Baka kasi magalit ka."

"Magagalit talaga 'ko. Nag-alala ako, eh. Hindi ka man lang nag-text."

"Sorry na nga..."

"Tapos na kayo sa date?" aniya.

"Almost. Tapos, kay Maxwell na 'ko sana sasabay pauwi. Kasi pupunta rin ako sa
tindahan malapit sa kanila. Utos ni Mommy."

Ang bigat uli ng buntonghininga ni Calyx. "Sige. Pakausap kay Tejeron."

Ibinigay ko kay Maxwell ang phone.

"Oo, si Tita ang nagsabi." Matagal siyang hindi nagsalita kasabay ng pagseryoso ng
mukha niya. Baka nagna-nag si Calyx sa kanya o 'di kaya ay inaaway siya. "Oo,
Cervantes."

Maamo na uli ang mukha ni Maxwell nang ibalik sa'kin ang gadget.

"Inaway ka ni Cal?" mahinang tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya.

"Hello, Calyx?" ani ko.

"Matatagalan pa 'ko rito kaya sa kanya ka na talaga sasabay sa pag-uwi."


"Okay."

Matagal natahimik si Cal sa linya. "Masaya ka ngayong araw?"

"Ha?" I bit my lip. "Ano... uhm..."

"Masaya ka nga," una niya.

"Is it... wrong?"

"Basta masaya ka," sabi niya. "Mag-ingat kayo pauwi. At mag-text ka na 'pag kasama
mo na si Tita."

"Yes. Ingat ka rin."

"See you tomorrow."

"See you."

Nang maputol ang linya, tahimik na uli ako sa tabi ni Maxwell. Umandar naman ang
shuttle.

Malamya at madilaw ang kulay ng hapon. Parang nasa loob kami ng isang lumang
pelikula habang nilalampasan namin ang iba't ibang kolehiyo. Tinatandaan ko ang
huling mga imahen ng isang magandang araw. Kapag nagkita uli kami ni Maxwell sa
future, babanggitin ko sa kanya ang araw na 'to. I'll prove to him that I'm not
forgetful.

Nakaalalay siya sa'kin nang bumaba kami ng shuttle.

"Should we look for something for that last task?" usisa ko sa kanya. Ang task
fifteen ay ang magbigay ng memorabilia sa isa't isa. Maraming merchandise booths sa
College of Business. Wala pa 'kong maisip na bilhin at ibigay para sa kanya pero
baka may makita ako. "Maxwell?"

"May iba kasi sana akong gustong ibigay para sa'yo," sabi niya.

"Uhm... You mean... hindi tayo bibili rito?"

"Today's my first date," seryosong patuloy niya. "First couple shirt. First
proposal. First engagement. First wedding."
I pressed my lips together. Hindi ba niya sasabihing 'first kiss' din? May iba
siyang first kiss? Sino? Kanino?

"Ikaw ang first girlfriend ko."

I caught my breath.

"Kahit contract dating lang, para sa'kin, ito ang una," dagdag niya. "Ikaw ang
una."

I reminded myself to breathe.

"May gusto sana akong ibigay para sa first girlfriend ko. Kaso... hindi ko dala
ngayon."

I pretended to be casual when I nodded. "Uhm... first ko rin ang lahat ng nangyari
ngayong araw. Kahit 'yong picture."

Maamo ang ngiti niya sa'kin. "Puwede ba na 'yong ibibigay ko sa'yo, sa ibang araw
na lang? Sa mas magandang pagkakataon?"

"Then... ano'ng gagawin natin sa task fifteen?"

Nag-isip siya sandali bago mapatungo sa paperbag ng mga seals. "Magpalit tayo ng
seals?"

"Ah. Yes, let's do that."

"Okay, Aurora." Hinawakan niya uli ang kamay ko. Mas mahigpit kaysa sa naging
paghawak niya buong araw. "Tara."

"Sige."

Neither said what should have been said when we entered the building: that we were
there to officially end the date.

++1046g / 03082019

        Chapter 07 part 2: First of everything [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Nakaidlip ako sa taxi na sinakyan namin ni Maxwell. Pauwi siya sa compound kung
saan siya nakatira. Papunta naman ako sa tindahan namin na nasa park malapit sa
kanila. Maliit ang espasyo sa pagitan namin sa backseat.

Normally, I would be more guarded and alert because of the small space. But the
events of the day loosened me up a little. I was tired, too. Kahit na ano'ng
paalala ko sa sarili ko para manatiling gising, nadaya ako ng pagtulog. I dreamt
that Maxwell was still holding my hand. Dreamt that he guided me to lean on his
shoulder. I heard him whisper my name and said something I couldn't remember.

I was afraid to open my eyes when I stirred from sleep. Baka kasi nakasandal o
nakahawak nga ako sa kanya. Nakiramdam muna ako.

Hawak nga namin ang kamay ng isa't isa. Maxwell's breathing deeply, too. I opened
my eyes slowly and found him sleeping, too.

Hindi ko mabawi ang kamay ko sa kanya, kahit na baka dapat nang bawiin. Baka akala
niya ay nakaposas pa rin kami hanggang ngayon. Isa pa, malapit na kami sa compound
nila.

Should I wake him up?

Napatitig ako sa mukha niya. Bahagya lang iyong natatanglawan ng ilaw sa loob ng
sasakyan.

Why is he… this mesmerizing? Natutulog lang naman siya. Maamo ang mukha niya sa
pagkakapikit.

Lumampas kami sa compound nila na nakatitig pa rin ako. The vehicle made a turn and
ran by the curve leading to the park.

Nang tumigil ang taxi sa tapat ng tindahan namin, do'n lang ako nag-alumpihit. A
part of me wanted to wake him up; a part of me wanted to take my hand from his
hold; but a great part just wanted to remain sitting there with him. I wanted to
remain in his hold, in his enchantment.

"Ma'am, bababa na po ba kayo?" tanong ng matandang driver. Nakatingin siya sa'kin


sa salamin.

"Uh…" Payapa pa rin ang pagkakapikit ni Maxwell. Parang hindi titinag. Sa labas,
nakikita ko si Mommy na nakatingin na sa taxi namin habang nagmamando sa pagsasara
ng kaha ng kiosk. Tumingin uli ako sa driver. "Eh Manong…"

"Aurora…"

Mabilis na bumalik ang mata ko kay Maxwell. Alanganin ang ngiti ko sa kanya.
"Uh… Nasa may tindahan na tayo. Ano, sorry, 'di kita nagising pagdaan sa compound
n'yo," sabi ko.

"Nakatulog ako," malumanay na sabi niya; hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Oo eh. Ako rin nga."

Dinukot niya ang wallet sa bag niya at iisang kamay na nagbayad. Nagwo-worry na
'kong pagpawisan ang kamay ko sa kaaabang kung kailan siya bibitaw.

"Salamat po, Manong," sabi niya.

Hila niya 'ko pagbaba. Late ang panlalaki ng mata ko at ang kahit ang kaba ko nang
malingunan kami ni Mommy na magkahawak pa rin ng kamay.

"Nandito na kayo," salubong ni Mommy sa'min.

Hindi ako makahinga nang maayos hanggang sa kusang bitawan ni Maxwell ang kamay ko.
Bumati siya kay Mommy.

"Sinamahan ko na po si Aurora hanggang dito para makumusta rin kayo. Bihira kayo
rito sa tindahan n'yo," sabi niya.

Kumabit ako sa braso ni Mommy. Kinakalma pa rin ang sarili ko. Pasimpleng hinahabol
ang paghinga ko. Lumakad kami papunta sa isinasarang kiosk.

"Oo nga, ano? Bihira tayong magkita. Kapag natataon na nandito ako at umo-order ako
ng cake kay Mona ay si Warren o Jacob ang nagdadala," sabi ni Mommy.

"Opo," si Maxwell. "Hindi ko kayo matiyempuhan."

"Magaling kasi itong si Tim," tukoy ni Mommy kay Kuya Tim na store manager namin.
He's a kayumangging chinito. Siya ang namamahala sa tatlong magkakatabing snack
kiosk namin sa park. "Bihira na akong mag-check dito dahil naire-report naman niya
nang maayos lahat sa'kin. Pero magpapakasal ito, eh."

Ngumiti si Kuya Tim.

"Magpapakasal ka na, Kuya?" ani ko.

"Oo. Pakakasalan ko na gf ko bago matauhan," sabi niya at mahinang tumawa. Tumango


siya sa'kin at kay Maxwell. "Binalita ni Tita kanina, first date n'yo raw ngayon,
ah."
Napaawang ang labi ko sa protest. "Hala! It's just a school thing! It's not a date-
date!"

Mahinang tumawa sina Mommy at Kuya Tim. Nakagat ko naman ang labi ko. I may have
sounded too defensive.

"Kapag ikinasal na ito si Tim ay dadalas na siguro ako rito. Dumaan ka 'pag dala mo
si Koko," patuloy ni Mommy kay Maxwell. Pumasok siya sa kiosk. "Pa'no? Tatapusin
lang namin ni Tim itong pagsasara ng tindahan. 'Wag ka nang tumulong, Maxwell. At
magmeryenda ka muna bago ka umuwi."

Sinenyasan ako ni Mommy na lumapit sa kanya. Para yata sa meryenda.

"Upo ka na lang sa bench?" ani ko kay Maxwell.

"Sige."

Naupo siya sa konkretong bench katapat ng kiosk namin. Kumuha naman ako ng meryenda
—siopao at kwek-kwek at fishballs sa paper bowl. Bottled water ang inumin.
Pinagkahon ako ni Mommy ng donut para pasalubong daw ni Maxwell sa compound.
Pagkatapos, itinulak ako ni Mommy palabas. Samahan ko raw magmeryenda si Maxwell.
Nasa kaha sila ni Kuya Tim.

"Sana gutom ka na uli," sabi ko kay Maxwell nang maupo ako sa tabi niya. "Okay na
ba 'tong snacks o dagdagan ko pa 'yong siopao?"

Mahina siyang tumawa. Parang alam niyang tinatantiya ko 'yong laki ng appetite
niya.

"Okay na 'to. Magdi-dinner din ako sa bahay."

Tumango ako. "Let's eat."

We started on the fishballs. Sweet-spicy 'yong sauce namin.

"Dadalas ka rin ba rito 'pag ikinasal si Sir Tim?" untag sa'kin ni Maxwell.

"Ha? Uhm… Siguro?" ani ko. "Bakit?"

"Para makita ka ni Koko."

I nodded. Koko likes me kasi. I used to pet him when Maxwell brings him to the
park.

"Mas malaki pa siguro ngayon si Koko," sabi ko.

"Malaki. Sobrang likot. Ang hilig makitakbo sa mga nagba-bike."

"Oh... He really likes to run."

"Dadalhin ko siya rito sa park 'pag tumao ka sa tindahan n'yo. Para makita ka
niya."

Kinagat ko ang labi ko para hindi makita ang traydor na ngiting mahirap pigilan.
"Sige. I want to see him, too."

Umiinom na 'ko ng tubig nang mag-ring ang cellphone ko. Tinanggap ko ang tawag ni
Calyx.

"Hello, Cal. Sa'n ka na?"

"Pauwi pa lang. Hindi naman sumipot 'yong hinihintay ko sa annex," inis na sabi
niya. "Ikaw? Nasa'n ka na?"

"Kararating pa lang dito sa park. Nagsasara pa ng tindahan sina Mommy at Kuya Tim,"
sabi ko.

"Okay. Now I know you're safe."

Mahina akong natawa. Parang bodyguard minsan si Calyx. Hindi naman niya inisip na
maliligaw ako papunta sa park, 'no? Kasabay ko naman si Maxwell. At kabisado ko ang
way mula sa school papunta sa park.

"Umuwi ka na para makapagpahinga. Guwapo mo kasi, eh. Dami tuloy nag-complain


sa'yo," tukso ko.

Calyx sounded pissed off. "Pinagtripan kamo ako."

"Bukas ka na magreklamo sa'kin 'pag nasa school na uli tayo."

"Sige. Uwi na muna 'ko."

"Ingat, Calyx."
Pagbaba ko ng cellphone ko, nakatitig pala sa'kin si Maxwell.

"Uhm…" Pinanood niya ba 'ko? Sa buong conversation ko kay Cal? "Pauwi pa lang daw
si Cal galing sa Sue Your Crush." As if kailangan niyang malaman ang whereabouts ni
Cal. Hu-hu. Wala na kasi akong maisip sabihin.

"Ah. Ginabi na siya."

"Marami sigurong complaints. Magrereklamo 'yon sa'kin bukas."

Hindi siya kumibo. I watched him eat a piece of kwek-kwek. Kumalat sandali 'yong
sauce sa lips niya bago niya i-lick.

Napatungo ako sa lap ko. What's wrong with me? Bakit pati sauce sa lips niya,
pinag-iinteresan kong panoorin? Hu-hu.

"Hindi na 'ko makakapunta sa school festival," sabi ni Maxwell.

"Ha? Bakit?"

"Baka mabiktima uli sa Sue Your Crush, eh. Ang hassle. Mahal pa naman 'yong
counter-sue."

I understand that. Siguradong maraming nagpa-file sa complaint sa kanya daily.

I wonder what that feels. Not that I wanted to be hassled by complaints. I just
wonder kung ano ang pakiramdam ng magustuhan o maging crush ng kahit na sino. At
makatanggap ng cheesy lines.

"Ano'ng pinaka-cheesy line na natanggap mo?" usisa ko sa kanya.

"Cheesy?" Nag-isip siya sandali. "Siguro 'yong 'Ngumiti ka lang, hindi na 'ko
makahinga'?"

I bit my lip to suppress a smile. Hindi naman cheesy 'yon. Fact 'yon. Hindi rin ako
nakakahinga 'pag ngumingiti siya. Lalo na 'pag unexpected.

"Cheesy na 'yon?"

Mahina siyang tumawa. "'Di ko alam. Hindi ba cheesy 'yon?"

Umiling ako.
"'Pag tumitingin ka sa'kin, naiisip kong maging housewife?" aniya.

I giggled. "May gano'ng complaint?"

Napakalawit siya sa panga niya. "Oo."

"Parang fun naman pala, ah."

"It's fun if you don't have to pay for it," aniya. "Kaso kailangang i-meet 'yong
mga nag-complain. Kung hindi imi-meet, ika-counter-sue. May bayad 'yong counter-
sue."

"Wala ka pang kinita sa mga nag-complain?"

Umiling siya.

"Why?"

Bumaling siya sa'kin. Tumitig. "Ayoko lang."

"Uhm, sabagay. Awkward." I bit my lip. "Eh 'di hindi ka nga pupunta sa school
bukas?"

"Hindi siguro." Nagbuntonghininga siya. "Gusto ko pa namang bantayan 'yong record


ko sa Eating Contest."

Nangiti ako. "Really?"

"Record-holder ako ro'n," nakangiting sabi niya.

"Gusto mo, ako na lang magbantay?" nakangiting sabi ko.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"I mean—uh, kung gusto mo lang," ani ko.

"Sige. Tapos i-text mo 'ko 'pag may naka-break. Pupunta ako sa school para i-break
uli," sabi niya.

Pero… wala naman akong number niya.


"Save my number," malaki ang ngiting sabi niya.

"Uh… i-record mo na lang." Ibinigay ko sa kanya ang cellphone ko. He punched his
digits and saved it.

"Text me."

Tumango ako at tumitig sa number niya sa cellphone ko.

***
"What is it, darling?" untag ni Mommy sa pagitan ng pagkain namin. We were in a
newly-opened steakhouse. Kaibigan ni Mommy ang may-ari.

"Wala po. May tinitingnan lang," sagot ko.

"On your phone? May text ang Daddy mo?"

Umiling ako. I couldn't tell her that I was still staring at Maxwell's numbers. Is
it too much if I text him later tonight 'pag nakauwi na kami ni Mommy? O strictly
ay dapat ko lang siyang i-text 'pag may naka-break ng record niya?

"Your date today… did you enjoy it?" untag ni Mommy.

Nag-pout ako sa kanya. "It's not a real date po!"

"But you enjoyed it?"

Ngumiti ako. "Yes po. It's fun. Although nakakahiya no'ng una, 'cause you know,
Mommy, Maxwell's popular at school."

"It doesn't matter if he's popular. What matters is if he's good to you."

"He is good to me po."

"He's a fine, young man. Sabihan mo ako kapag boyfriend mo na talaga siya," tukso
ni Mommy.

"That won't happen, My!"

"Why not? He likes you."


Napatunganga ako kay Mommy. "No! You're mistaking it po. He's just nice."

"I'll bet that he likes you."

Sunod-sunod akong umiling. "That's not the case. It's odd for him to like me. Ang
daming babae sa school. Ang daming magaganda."

"Why? My princess is beautiful."

Ngumiti ako kay Mommy. She finds me beautiful because she adores me. Pero ang
daming magaganda, matatangkad, at makikinis na babae sa STU. They're good-mannered
and smart, too. It's weird for him to even look my way.

I should be contented that he's kind to me; that he's friendly; that he sometimes
looks after me. To wish for something more is audacious.

"You're beautiful, Aurora. One day, those things on your face will go away and
people will see. But before that happens, I want you to be the first to realize
that. Look at yourself kindly."

Ngumiti lang ako kay Mommy.

"Tell me first when he confessed."

"Mommy! Stop it!" saway ko.

Mahina siyang tumawa. "Just saying."

I shouldn't hope. And no one should feed me hope; not even Mommy. ++1137u /
04112019

        Chapter 07 part 3: First of everything [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Tukso ang number ni Maxwell sa cellphone ko. I often stared at it. I often
daydreamt of calling him or texting him. Gusto kong ibalita sa kanya 'yong mga
nangyayari sa school festival, pero hindi naman ako ang tamang tao para gumawa
niyon. He has his own set of friends to tell him of everything that he missed.
Ayokong magsisi siyang naibigay niya sa'kin 'yong number niya.

Si Cal, bukod sa pagrereklamo sa Sue Your Crush, weirded out din sa madalas kong
pagtitig sa cellphone ko. I couldn't dare to tell him of Maxwell's number. Baka
masira lalo ang mood niya.
Faithful akong magbantay sa record ni Maxwell sa Eating Contest. May ilang
muntikang maka-break pero hindi kinakaya pagdating sa 20th plate. Maanghang siguro
talaga 'yong noodles.

When the last day of the festival came, I was dispirited. There's nothing new to
see. Absent na 'yong mga madadalas ma-Sue Your Crush. Kahit si Calyx, a-absent na
sana kung hindi lang nagwo-worry na wala akong kasama. Fireworks na lang sa
official closing ang inaabangan ng lahat.

Tumambay ako sa harap ng Eating Contest, praying silently na may maka-break ng


record ni Maxwell. The 2:00 p.m. contest answered my prayer. A new record of
twenty-five plates took over.

"Calyx, mag-C.R. lang muna ako," paalam ko kay Cal.

Tamad na siyang ngumunguya ng corndog na pinapapak namin sa mahabang table. We're


both bored.

"Take your time," flat na sabi niya.

I hurried to the restroom to use my phone. Nag-text agad ako kay Maxwell.

Aurora Arranza:
Maxwell, si Aurora to.
May naka-break na ng
record mo sa Eating Contest.
25 plates. Pupunta ka ba?

I already sent the message before reading it again and noticing how I sounded eager
with the 'pupunta ka ba?'. Stupid! I should have ended the text with the number of
plates!

I waited for a few minutes. Pagpalo sa limang minuto, naa-anxious na 'ko na wala
siyang reply.

Napakagat-kagat ako sa kuko ko.

Should I text him again? Para magmukha akong mas eager? Hu-hu.

Pa'no kung naka-silent o vibrate ang phone niya at late niyang mabasa 'yong text
tapos hindi na siya makapunta sa school? Pa'no kung importante talaga sa kanya na
maging record-holder sa Eating Contest? I should be more supportive of his goals,
as a… friend.

Hu-hu. Nagdadahilan lang yata ako.


Pumikit ako nang mariin at pinindot ang call button.

"Hello, Aurora," sagot niya sa kabilang linya.

I bit my lip. He picked up on the first ring!

When I was about to speak, may pumasok sa restroom. Naitikom ko bigla ang bibig ko.

"Aurora? Si Aurora 'to, 'di ba?" aniya pa.

Anxious akong naghintay ng mababakanteng cubicle.

"Calyx? Are you calling on her phone?" dagdag niya.

Nangunot ang noo ko. Bakit niya iisipin na si Calyx ang tumatawag?

Pumasok ako agad sa nabakanteng cubicle at bumulong, "Hello. Sorry, hindi ako
nakasagot agad. Si Aurora 'to."

"It's nice to hear your voice, Aurora," magaan nang sabi niya.

"Ano kasi… tumawag lang ako kasi baka lang hindi mo mabasa agad 'yong text ko. May
naka-break na kasi ng record mo sa Eating Contest." I gulped. Pupunta ka ba? "Uh,
'ayun."

"Thank you for telling me," sabi niya. "Ilang plates?"

"Twenty-five." Pupunta ka ba?

"Ano'ng oras uli 'yong fireworks mamaya?"

"Seven."

"Ah. Kasama mo si Calyx ngayon?"

Tumatalon 'yong topic namin. "Yes."

"Manonood kayo ng fireworks mamaya?"


"Yes."

Sandali siyang hindi nagsalita. Nakikiramdam naman ako.

"Thank you sa pagtawag," sabi niya.

Oh no! Puputulin na ba niya 'yong connection? Nang hindi ko pa alam kung pupunta
siya sa school?

"Uhm… You're welcome. But ano…" Pupunta ka ba?

"Ano?"

Hu-hu. 'Di ko matanong. "Wala. B-bye."

"See you later, Aurora."

I felt him smile before disconnecting the line.

See you later? Pupunta siya?!

Napangiti ako.

***
"Ikot tayo bago 'yong fireworks mamaya,"yaya ni Calyx. "May musical daw sa Teatro
Balagtas. Silipin natin."

Nag-check ako ng oras sa cellphone ko. Mag-four p.m. na. Gusto ko sanang masulyapan
si Maxwell bago gumala kasama ni Cal.

"Uhm… mainit kasi. Tinatamad pa 'ko. Maya-maya na lang, please," sabi ko.

"Do'n na lang tayo sa room kung naiinitan ka," aniya.

"Uhm… presko naman din dito. 'Pag naglakad lang at nag-shuttle… mainit."

Calyx eyed me suspiciously. Sumulyap siya sa puwesto ng Eating Contest na katapat


ng snack booth kung saan kami nakaupo.

"May hinihintay ka ba?" tanong niya.


"Ako? Wa—"

Natigilan ako nang mamataan ko si Maxwell na palapit sa Eating Booth. Sinundan ni


Calyx ang tinitingnan ko bago sumimangot. Sumulyap sandali sa gawi namin si Maxwell
at kumaway. Sa'kin.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Pinigilan kong kumaway pabalik.

"May hinihintay ka nga," bulong ni Calyx.

Maamo akong tumingin kay Cal para hindi niya 'ko pagalitan. Hindi naman na siya
nagsalita pero hindi na rin natanggal ang simangot niya. Nagbubuntonghininga rin
siya.

It's not clear to me yet whether he knows that I like Maxwell and he's against it
or he simply dislikes him. Ayoko ring magtanong dahil bukod sa pagsima-simangot
niya, he's not doing anything out of bounds naman. He's just usually protective of
me.

"Nagbabalik ang isa sa mga record holder natin—si Boy Manok—sa huling Eating
Contest na pinamagatang Matira ang Pinakamatibay ang Wetpaks," dinig naming sabi ng
game master.

May tawanan sa crowd na unti-unti na namang kumakapal sa harap ng booth.

"Magtagumpay kaya siyang bawiin ang record niya? Umubra kaya ang mga hahamon? May
wet tissue kayang matira sa C.R. pagkatapos nito?  Maya-maya lamang, mga kaibigan!"

Mabilis silang nakahanap ng apat pang contenders. Pero ayon sa cheering ng mga
nanonood na puro "Maxwell" at "Boy Manok" ang china-chant, malinaw kung sino ang
inaasahan na mananalo.

I already bought remedy drinks for Maxwell. Kaso, baka hindi ko pala maibigay dahil
ang dami na namang pumapalibot sa kanya para manood. Some girls were whispering
about buying tissues, remedy drinks, and antacids for him, too.

See, Mommy? He's really popular.

He'll always be surrounded by girls who would want his attention. He'll always have
options. Why would he even think of me as a choice?

I'm not even worthy as a choice.

"Matao na. Hindi na natin makita 'yong booth," sabi ni Cal. "Lapit tayo?"
Pakapal pa nang pakapal ang mga tao. Buti na lang, nasulyapan ko na si Maxwell.
Kumaway na rin siya sa'kin.

"Wait," ani ko.

Nag-type ako ng text habang iniiiwas kay Calyx ang screen ng phone ko.

Aurora Arranza:
Dumating ka nga.
Go, get the record!
:)

Pag-send ko, nakita ko pang nag-check si Maxwell ng cellphone niya. Tumingin yata
siya sa kinauupuan namin ni Cal pero naharangan na ng mga nanonood.

"Matao na. We better watch the Musical para makapili agad tayo ng spot sa field
kapag magpa-fireworks na," sabi ko kay Cal.

"Hindi ka manonood ng contest sa Eating Booth?"

Kunot na kunot ang noo niya, eh. As if it's surprising. Ayokong maipit ng mga
spectators.

"Nope. Mananalo naman si Maxwell, I'm sure," sabi ko. "We better secure our spot
and our snacks for the fireworks display later."

"Sige," sabi lang ni Cal at tumayo na.

***
The musical was so-so. The play after that was so-so. Even the weather started to
feel so-so.

Mabagal din ang patak ng oras. At the back of my mind, I was wondering whether
Maxwell won. Kung ilang plates ang record niya. Kung may ininom na siyang antacid.
Lumipas na ang lamig ng drink na binili ko para sa kanya.

Nakakuha kami ni Cal ng magandang puwesto para sa fireworks display. It's not too
near (kasi anxious ako sa mga bagay na puwedeng makadisgrasya) but not too far. We
were already sitting at our picnic mat, nakahalo sa kapal ng mga grupo-grupo,
pares-pares, at kumpol-kumpol na manonood.

Malamlam ang mga dilaw na ilaw sa field, itinataboy ang lumatag na dilim. We were
waiting in anticipation for the fireworks to start.
Still, at the back of my mind, there's Maxwell. Nag-stay kaya siya para manood ng
fireworks? Saan kaya siya nakapuwesto?

"Makikiupo," a familiar voice said.

Kasabay ng pagtingala ko ang maagap kong pag-isod kay Calyx para bigyan ng puwesto
ang makikiupo.

On second thought… bakit ko siya binibigyan ng puwesto sa mat sa mismong tabi ko?
Baka sa damuhan lang siya uupo. Baka isipin niya...

Maxwell sat by my side. I gulped. Calyx grunted.

"Magsisimula na yata," sabi niya uli bago bumaling at ngumiti sa'kin.

"Uhm, yeah."

"Hindi ko makita sina Gino. Awkward namang makiupo sa hindi ko kakilala," paliwanag
niya.

"Sa laki ng field, hindi naman awkward umupo mag-isa," sabi ni Calyx.

"Mas okay makiupo," si Maxwell.

Matipid akong napangiti. Para na naman silang mag-aaway. O nag-aaway na.

"Let him sit with us, Cal. Malaki naman 'yong mat," susog ko.

Sumimangot si Cal.

"Okay ka na?" untag ko kay Maxwell. "I mean, 'yong tiyan mo?"

"I won," malaki ang ngiting sabi niya.

Expected ko naman 'yon. "Ilang plates?"

"Twenty-eight lang. Masakit na sa tiyan at dila, kaya tumigil na 'kong kumain,"


aniya.

The first firework exploded in colors above us. Gumawa iyon ng malikot at makulay
na pattern sa mukha niya, sa ngiti niya. At dahil mas nagdilim sa field at
nabawasan ang mga matang posibleng nakatingin sa amin, mas lumakas ang loob kong
tumitig sa kanya.

"That's a lot," mas malakas ang boses na sabi ko. "May manok ka uli?"

Mahina siyang tumawa. "Oo. Binigyan ako, eh."

"Okay lang tiyan mo?"

"Tingin ko naman," aniya.

Tumingala ako sandali sa nagsasalubong na mga kulay. Sinulyapan ko rin sandali si


Cal na nakatingala na rin.

"Uhm…" Humigpit ang hawak ko sa inumin na binili ko para kay Maxwell. "Inumin, oh.
It might relieve your stomachache. Kaso, hindi na malamig."

"Thanks."

Tumingala kami sandali sa fireworks. Nabingi kami sandali sa sunod-sunod na


maiingay na tunog—ang paputok, ang mga camera, ang mga hiyaw ng nanonood, ang
heartbeat ko. In my peripheral, I was watching the beautiful lights on Maxwell's
face. He's a living piece of art with the shadows, the lights, and the colors.

Nang magnanakaw ako ng sulyap sa kanya, tumingin din siya sa'kin. I was caught off-
guard. When he smiled, I had this greedy feeling that he smiled just for me.

I wanted him smiling at me; for me; because of me.

Una akong nagbawi ng tingin.

The lights continued to explode in patterns and colors at the sky. My heart danced
wildly inside my chest just because of a smile.

I restrained so hard to keep my feelings to a crush. I failed.

He's my first fall. He's my first love. ++1144g /02142019

        Chapter 8: Easier together [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

"I'm glad you're here today. Are you good to work? May mga resto kang pupuntahan
ngayon," sabi ni Miss Kylie sa 'kin. Her glary eyes felt more intimidating than
usual. O baka guilty lang ako for skipping Monday's work. Although I know it might
be futile, I took an extra full day to mentally prepare for Maxwell.

"I'm good to work, Miss K. Uhm... I'm just thinking about..." Maxwell and our set-
up. "Wala pa po bang makukuhang kapalit ni Pau? I looked into the list of restos
asking for our reviews and recommendations and most of them offer full dining
experience. It's difficult to review with only two people."

Totoo naman ang sinasabi ko. Sa Le Bon Apetit lang, kahit na maliit naman ang
servings ng dishes for us to sample, nahirapan akong kumain. Thankfully, mas malaki
kaysa kay Maxwell ang regular appetite niya. Pero mas totoo na gusto ko lang
iwasang makasama nang madalas si Maxwell. Mahina ang puso ko sa kanya.

Miss Kylie pressed her lips together before speaking. "If that's the only problem,
Maxwell already recommended someone who'd be a good replacement for Pau. I said
okay."

"Uhm... Sino raw po?"

"Why don't you ask him? He's here and he's already looking this way."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kaya pala nakaramdam ako ng kilabot sa batok at
nanghina ang mga tuhod ko. Inaatake na naman pala 'ko ng presensiya niya.

"Uh..."

"Good morning, Aurora. Are you ready for today?"

Hindi ko magawang lumingon sa ngiti ni Maxwell at sa siguradong pagkakatuon ng mga


mata niya sa 'kin. Pa'no ako maggo-good morning? Puwede ba 'kong mag-good morning?
Marunong ba 'kong mag-good morning? Hu-hu.

"Good morning, Miss K," bati niya kay Miss Kylie.

Nakahinga ako nang maluwag. At the same time... do I need to greet him pa rin? Ng
good morning?

"Aurora has some concerns with your task together. I already told her about the
girl you recommended," sabi ni Miss Kylie.

Girl? He recommended a girl?

"She knows her, too, Miss K. From school," sagot niya.


From school? Whose girl from school?

"Oh. That's good, then. I guess it won't be hard for your group to work together. I
like that." Matipid ang ngiti ni Miss K bago mapasulyap sa mamahaling relo sa
pupulsuhan niya. "Off to your task today. Good luck."

Napatingin ako kay Maxwell na nakay Miss K pa rin ang atensyon. Naghihintay na
lingunin niya para makasingit ng greeting. He was wearing a black watch today.
Black din ang shirt niya na may handpainted artwork. Maong ang pants. He's just
there, standing, being himself, pero ang heartbeat ko, nagpa-fangirl.

Sumulyap siya sa 'kin para magaang ngumiti. Napalunok ako. Na-traffic pa rin ang
good morning sa lalamunan ko. Hu-hu.

"By the way, Miss K, Reeve was asking if you're okay with Le Bon Apetit sponsoring
a company lunch today."

Nakuyom ko ang kamao ko. I should listen carefully para makasingit nang maayos.

Tumalas ang mata ni Miss K. "Why?"

"It's the resto's anniversary."

Tumaas ang isang kilay ni Miss K bago mag-smirk. She looked like a cunning villain.
"Was he aware that I have 25 people working for Bon Apetit! app and 47 for Savory
magazine?"

"Yes."

"Oh. Very well. I'll make Lynne do an announcement," tukoy ni Miss K sa secretary
niya.

"I'll tell Reeve to call you."

"No need. I'll call him myself."

"Alright."

Sumulyap na sa 'kin si Maxwell at ngumiti. But instead of greeting him or smiling


back, my reflex was to look at my shoes. Hu-hu. Panis na 'yong greeting ko. This is
hopeless. I'm hopeless.

"Shall we go, Aurora?"


Nag-angat ako ng mga mata sa kanya para makitang nakatuon pa rin ang tingin niya sa
'kin. "S-sure."

Nagmostra siya para umuna akong lumabas ng opisina.

***

Tiim ang mga labi ko nang magkasabay kaming sumakay sa elevator. Itinuon ko ang
atensyon ko sa digital display hanggang sa makarating kami sa parking sa basement.
Hinanap ko ang motor niya pero wala sa tanaw ko. Maxwell continued walking,
paminsan-minsan ay sumusulyap sa 'kin. Nakasunod ako hanggang sa huminto siya sa
isang makinang na kotse. Dark blue iyon. Hindi naman mukhang bago pero mukhang
mabango, gaya niya.

Ipinagbukas niya 'ko ng pinto sa passenger's seat. "Pasok ka na, Aurora."

Tumango ako at naupo. Mabango nga sa kotse niya.

"Ito na lang ang dinala ko para safe sa 'yo," sabi niya nang nasa driver's seat na
siya.

Napahaplos ako sa buhok ko. It's ironed to perfection today, pero prepared naman
din ako na itali kung sakaling motor uli ang dala niya. Nagbaon ako ng hair tie.

"Thank you. Okay lang naman 'yong motor mo..." mahinang sabi ko.

"Hindi safe sa 'yo, eh."

Hindi rin naman siya safe sa 'kin, but I won't mind as long as I'm mentally
prepared. Masyadong marupok ang puso ko sa kanya. Kaunting ngiti o greeting o titig
niya, nagkakagulo ang thoughts ko hanggang sa hindi na 'ko makapagsalita.

Tumikhim siya sa pananahimik ko na naman. Napatingin ako sa kanya.

"Ano... okay ka na ba? Wala ka nang sakit?" aniya.

I was held captive by his eyes, it was hard to process his question.

"Wala naman akong sakit," sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Pero sabi ni Miss K, wala ka kahapon kasi you're not feeling
well."
Napalunok ako. Silly. Nagdahilan nga pala akong masama ang pakiramdam kaya hindi
ako nakapasok kahapon. Bakit nakalimutan ko agad? "I-I mean, uh, wala na akong
sakit." Idiniin ko ang na.

His eyes were still on me. "Sigurado ka?"

Sunod-sunod ang tango ko. He should drive. We should go. Para hindi na niya 'ko
titigan.

"Akala ko, may masakit sa lips—I mean, bibig mo," sabi niya.

Bumaba ang mata niya sa labi ko. Itinago ko naman para lang—

"Ouch..." Nakagat ko nang pino ang loob ng labi ko.

Mabilis na nag-lean palapit si Maxwell. He was already holding my chin, looking at


my lips with concern, while I was frozen.

"May masakit nga? You should—"

Nagtagpo ang mga mata namin nang magtaas siya ng tingin. He was too close to me, my
mind stopped working. Lumunok siya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Pagbalik ng
mata niya sa labi ko at nang parang kikilos siya—

"No! Stop!" Dalawang kamay kong itinulak ang mukha niya.

I was dumbfounded. This was dumb. Hindi ko maigalaw ang palad kong nakalapat at
nakatakip sa mukha ni Maxwell. Ano'ng ginagawa ko? Bakit ko siya itinulak sa mukha?
It was offensive. Sigurado naman akong hindi niya ako hahalikan. Bakit ganito ako
mag-react?

Walang kumikilos sa 'min. Alam ko na kapag lalo kong pinatagal ang kamay ko sa
kanya, lalong para akong tanga sa ikinikilos ko. Pero pa'no ko tatanggalin ang
kamay ko kung nakalimutan ko? Hu-hu-hu. Hihilahin ko ba o putulin ko na lang? Hu-
hu-hu.

I was panicking in my head, all the alarms blaring and warning me to stop acting so
dumb in front of him, when he chuckled.

He. Chuckled. Pagkatapos, hinawakan niya ang pupulsuhan ko.

"Puwede ko nang tanggalin 'yong kamay mo, Aurora?" he asked.


Hu-hu. "Siyempre, puwede..." I said in a whiny voice.

Mahina uli siyang tumawa at marahang iginalaw ang mga kamay ko para sumapo sa
pisngi niya. I held my breath.

Bakit hindi niya tuluyang tinanggal? Nanghihina na 'ko lalo. Hu-hu.

"Okay ka lang ba?" malumanay na tanong niya.

Okay ba 'ko kung nakahawak pa rin ako sa mukha niya? Okay ba kung ang weird ng
heartbeat ko? Kung kanina, nahihiya ako, ngayon... kinikilig ako. Hu-hu-hu-hu. Okay
lang ba 'yon kung ang awkward ng sitwasyon, pero nagagawa ko pa ring kiligin?
Traydor na kilig. Sumisingit.

"O-okay... yata." Nagawa kong suminghap. Tapos, nangunot ang noo ko dahil parang
namumula ang mukha niya. Hala. Nasaktan ko ba siya? Nasaktan ko yata. "Nasaktan
kita?" Sinapo ko na talaga ang mukha niya at chineck nang mabuti ang balat niya.
"Sorry. Nasaktan nga kita?" Hinaplos ko ang pisngi niya to soothe it. "I'm sorry.
Ang clumsy ko. Sorry. I'm sorry... oh-em-gee, I'm sorry."

"Aurora..."

Napatingin ako sa kanya kaya nagtagpo ang mata namin. Natigilan ako. What the heck?
Ano na naman ang ginagawa ko? Hu-hu.

"Uh.... Kasi... uh..."

Marahan siyang ngumiti. "Hindi ako nasaktan. Hindi mo kailangang mag-sorry."

Tumango ako. Nang paulit-ulit.

"You can stop nodding."

Tumango pa rin ako nang ilang ulit. Damn it.

Hinawakan niya ang chin ko at mahinang pinisil. Napahawak ako ro'n after.

"Hindi ako nasaktan," sabi niya. "Ano... mainit lang dito sa kotse, kaya ako, ano,
namumula."

Pero hindi naman mainit.

Tumikhim siya. "Ako ang nagwo-worry kanina dahil akala ko, may masakit sa bibig mo.
Lagi ka kasing nakatiim."

Umiling ako. Nang dalawang ulit lang. Binilang ko. "Walang masakit sa 'kin. I just
don't know what to say to you... kaya ano, 'ayun."

"Pero umaray ka kanina."

"Ah, kasi... I was trying to hide my lips, kaso nakagat ko 'yong loob ng bibig ko."
Napatungo ako sa lap ko. "I was clumsy."

"You were trying to hide your lips... from me?" untag niya.

"Ha?" ani ko at nag-angat ng mata sa kanya. Why... was he asking about that...
particularly?

Ngumiti siya. "Wala. Don't mind it."

But I mind. Pero wala rin naman akong isasagot kaya mabuti nang, "Ano... Alis na
tayo?"

"Oo. Seatbelt mo."

Nag-seatbelt ako. Hindi pa rin gano'n kakalmado ang puso ko pero tolerable na.
Hindi na 'ko nabibingi sa ingay at bilis. Huminga siya nang malalim at nagbuga ng
hangin. Gumaya ako.

"We better go," sabi niya at nag-drive. #1135t / 04102020++

        Chapter 8 part 2: Easier Together [Cliche (Candy Stories #5)]

            TCWDM: Sorry, I'm still slow sa pag-update. I can only write between
3am to 6am and 9pm to 12 midnight, everyday. Kapag na-miss ko, hindi na ko
nakakapagsulat ng ibang oras. I'm already doing my best. Thank you for being
patient in waiting. xx

***

We arrived at The Valentine restaurant after being stuck at traffic and awkward
silence for over two hours. We tried to talk—I mean, Maxwell tried to start
conversation—but I didn't make sense. Like tinanong niya 'ko how's my weekend,
tapos ang sagot ko, "not a fan of his songs." Hu-hu. Akala ko kasi, si The Weeknd
ang tinatanong niya    'cause the radio's on and do'n ko sinusubukang mag-focus.
No'ng tumawa siya, do'n ko lang na-realize na he meant my weekend, not the artist.

If I'd cry blood for every wrong reaction, I'd bleed myself crying out of
embarassment. Na-paranoid na 'kong mag-anticipate ng itatanong o sasabihin niya sa
buong biyahe. Napansin siguro niya or baka mukha na naman akong mouse caught in a
corner, kaya sabi niya, "take it easy." Tapos, hindi na siya basta nagsalita. It
was super embarassing. I'd bring all my bloopers to my grave.

Tikhim ni Maxwell ang kumuha sa atensyon ko. Saka ko lang na-realize that I was
looking down. Na naman.

"Who's the owner?" aniyang nakatingin sa restaurant.

Napatingin din ako roon.

The Valentine creates expectations. Sa exterior pa lang, obvious nang it's a


romantic restaurant. There's a giant heart beside the door saying "Welcome." May
curtain-like vines sa mismong pinto. May cute doodles, quotes, at characters (a
couple) ang glass wall telling a boy-meets-girl story. At sa tagiliran, sa patio
seats, ay may hanging flowers. They're open for every diner but offers a special
experience for couples on a date.

"Esta and Arida Xue," sagot ko. "Friends daw ni Miss Kylie so Miss Lynne noted that
we be extra attentive. Maglo-launch pa lang ito next week. Lahat ng related sa food
service, PR, and marketing, under ni Miss Kylie."

Tumango-tango si Maxwell. Napatunganga naman ako sa kanya. Nang tumingin siya sa


'kin at magtagpo ang mata namin, nag-freeze na naman ako. Ngumiti siya kaya
nakahinga ako nang maluwag.

"Uh... tatawagan ko na muna 'yong—"

"Are you from the app and the magazine?" tanong ng lalaking lumabas mula sa resto.

He was undeniable energy walking towards us. Ang bilis niyang nagagap ang kamay ko.
Ang bilis ding dumikit sa 'kin ni Maxwell at kinuha ang kamay nito. Kay Maxwell na
siya nakatingin habang nag-i-introduce ng sarili.

"I'm Zion. I'm the manager of The Valentine. Esta will be arriving soon. Come
inside."

Nakapihit na siya papasok bago ko pa ma-form ang introduction ko sana. Sumunod na


lang kami sa kanya.

Once inside, Zion gave us the grand tour of the place. The interior was romantic
and cozy but not intimidating. Walang maipipintas. The gold-metal-wood theme was
placed brilliantly. Soft lights make the gold glitter and the metal radiant. Most
tables were for two, except three 4-seaters. Pang-family and groups daw 'yon. The
music's a mood, too. They also have a grand piano na puwedeng tugtugin ng mga guest
during weekdays at may scheduled pianist naman during weekends.
I already marked a lot of yes in my checklist for the review. Nang dumating si
Esta, ipinakilala niya ang staff na naroon para sa amin. Chef Jay was in his maybe
early thirties, lean and good-looking. Our server was Esmeralda.

Naupo si Esta sa table na laan sa amin ni Maxwell para sa maikling interview. Si


Maxwell naman ay nagpunta sa kitchen para kilalanin ang chef at usisain ang
pagkain.

When the interview's done, eksaktong bumalik din si Maxwell sa table namin. He
looked different.

"Uhm... May problema ba?" maingat na tanong ko pag-upo niya.

Nagtagal ang mata niya sa 'kin habang kagat-kagat ang labi niya. When I thought
magsasalita na siya, napasulyap siya sa gawi ng kitchen. Lumingon din ako ro'n.
Esmeralda came out with a big tray.

"Later," sabi niya. "Here comes the food."

Ibinaba ng chef ang tatlong plates ng appetizers sa mesa. Bacon-wrapped shrimp,


mango bruschetta, and cheese poppers. May pickled ginger din as palate cleanser.
Sabay kaming dumampot ng pagkain ni Maxwell. Sabay na sumubo at magkasabay ring
natigilan. Nagkatinginan kami. I managed to swallow the cheese poppers bago kunin
ang cell phone ko kung saan nakabukas ang notepad.

I don't know what to write except ???.

Nagkatinginan uli kami ni Maxwell. Dumampot ako ng bacon-wrapped shrimp. Siya naman
ay bruschetta. Maliit akong kumagat sa hawak ko. Now I couldn't swallow. Pag-angat
ng mata ko kay Maxwell, nakatingin na siya sa 'kin.

"Are you okay?" aniya.

Luminga ako to make sure na walang tao sa paligid. I saw Zion and Esta at the
patio. Nag-uusap. Bumalik ang tingin ko kay Maxwell. Our task was to sample the
three-course romantic meal The Valentine offers for couples.

"Kakilala rin ba nina Zion at Esta si Chef?" mahina ang boses na tanong ko.

"Yes."

I bit my lip. "Like... matagal nang kakilala? Friend nila or something?"


Tumango siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa hawak ko pang shrimp.

"You looked different kaninang pagbalik mo because of the food?"

"Oo."

Natahimik kami sa mesa. Napatingin sa gawi namin si Esta kaya puwersado akong
ngumiti.

"These are all underwhelming..." ani ko.

"The ingredients are right but..." Ibinitin niya sa ere ang feedback niya.

Idinuduldol ko na sa plato ko ang shrimp dahil hindi ko maisubo. Si Maxwell naman,


inuubos ang isinerve na appetizers.

"Kakainin mo pa ba 'yan?" untag niya sa 'kin.

May pagkain pa sa inihain sa amin so why was he asking? But, "Uh... hindi na..."

"Akin na lang. Sayang," aniya.

Hindi ako makagalaw dahil hindi ko alam kung pa'no ko ibibigay sa kanya. May kagat
ko na 'yon, eh. He must have sensed my indecision because he reached for me. Akala
ko, kukunin niya lang ang shrimp sa akin, pero hinawakan niya ang kamay ko para
isubo sa sarili niya ang hawak ko. I was wide-eyed when my fingertips touched his
lips lightly. Parang hindi naman niya napansin dahil casual niya lang na binitawan
ang kamay ko at nagbalik ng attention sa iba pang pagkain. Hindi ko maigalaw ang
hintuturo kong dumikit sa labi niya kaya itinago ko na lang muna sa ilalim ng mesa.

When he finished everything on our table, he looked at me. "May dalawang set pa ng
pagkain. Can you eat?"

"If it's underwhelming..." Nakagat ko ang labi ko kaysa ituloy ang sasabihin ko.

"Tikman mo na lang. I'll eat everything. Kaysa masayang."

His enthusiasm to eat was amazing pero, "Kahit malaki appetite mo, kawawa 'yong
stomach mo."

"Alagaan mo 'ko," sabi niya.

I froze.
"Hindi ba puwede, Aurora?"

Maliit ang boses ko sa pagsagot. "H-huh? A-ano'ng..."

Ngumiti siya. "Hindi ko ba puwedeng kainin lahat ng ise-serve?"

Nakahinga ako nang kaunti. I thought he was asking kung hindi ba puwedeng alagaan
ko siya. Hu-hu-hu. Buti, hindi ako agad sumagot. Hu-hu-hu-hu.

"Puwede naman..." ani ko.

"Puwede ring paalaga 'pag sumama pakiramdam ko?"

My heart stopped again. Nanghihina na naman ako. All these stopping and going might
kill me. Kailangan ko ba siyang i-inform to be extra careful? Hu-hu.

"May kotse naman. Kahit sumama pakiramdam ko, kailangan ko lang itulog," dagdag
niya. "Samahan mo lang ako."

Malakas akong nagbuga ng hangin. "T-that's... what you mean? O-okay."

Nang ngumiti siya uli, nakipagtitigan na lang muna ako sa cell phone ko kahit wala
uling sense.

***

The verdict was clear when we sampled all the food: it was underwhelming. It's nice
to look at and take pictures of, but the taste was so-so. Hindi ko puwedeng i-
recommend sa Bon Appetit! app o i-feature sa Savory.

"Ano'ng gagawin natin?" mahinang tanong ko kay Maxwell habang inuubos niya ang cake
na huling isinerve para sa dessert.

"Ano ba'ng iniisip mo?" balik-tanong niya.

"Kasi... it's not wise to recommend it..."

Napatango siya.

"But I won't feel good kapag I failed them just like that. Friends din sila ni Miss
Kylie."
Tumuwid siya ng upo at sumandal, before crossing his arms across his chest. Sa akin
nakatuon ang mga mata niya. "It's a good thing that they're not operational yet. We
can tell them what to improve. Ano sa tingin mo?"

Sa tingin ko, kinakabahan ako. I don't want to overstep my boundaries. I was just
asked to review.

"We can make suggestions. Businessmen sila, Aurora. Tingin ko, maa-appreciate nila
'yong feedback, lalo na dahil may oras pa para mag-adjust."

Sinusubukan kong daanin sa lunok ang kaba ko pero masyado yatang marami. This was
my first time dealing with something like this. May cases din before na
underwhelming ang food but because there were other issues pa, it's easy to tell
owners they didn't pass our standards.

"Tawagan ko muna si Miss Kylie... to explain?" ani ko.

"Sige."

Mabigat ang pitik ng kaba sa dibdib ko nang mag-dial sa office. Saglit kong
nakausap si Miss Lynne bago ako i-connect kay Miss Kylie.

"What's the problem?" she asked.

I could easily imagine Miss Kylie's glary eyes. She hates wasting time so I should
be direct to the point. "The Valentine didn't pass our standards, Miss Kylie. Okay
po ang resto but the food... is not commendable."

Sandaling natahimik sa linya.

"It's your discretion, Aurora. I gave you the job because you're capable. You
couldn't swallow food that don't taste great. If they failed, they failed."

Nakutkot ko ang tablecloth sa paghahagilap ng lakas ng loob. "Uhm..." Napatingin


ako kay Maxwell na mistulang nakabantay sa 'kin. "Miss Kylie, nakakahinayang kasi
kung i-fail sila. The resto's good. I'm thinking... baka puwede naming sabihin sa
kanila kung ano'ng need i-improve?"

"I'll help the chef with improving the food," singit ni Maxwell. "Ask if it's
okay."

"If the owners approved, tutulungan daw ni Maxwell na i-improve 'yong menu. Is it
okay kung babalik siya—"
"Tayo," singit uli ni Maxwell.

"—kung babalik kami rito before their launch? To help?"

"If Esta and Ari agree, it's fine with me. Arrange the schedules of your restaurant
visits and coordinate it with Lynne. Report to me only when needed. Is that all?"

Nagbuga ako ng hangin. "That's all, Miss K."

"You're great at what you do, Aurora. Be confident."

She ended the call. Sinalubong ko ang tingin ni Maxwell pagkatapos.

"Maisisingit mo pa ba sa schedule mo kung sakaling kailangan nating pumunta rito?


Three days ka lang required sa work," nag-aalangang sabi ko. "You have to bake for
Le Bon Appetit pa." And I don't know what else occupies his time. Baka hanapin siya
ng girlfriend niya? At kakayanin ko bang makasama siya nang mas madalas kahit na sa
linggo lang na 'to? Pa'no kung tuluyang mag-give up ang common sense at puso ko?

"Don't worry about my schedule," sagot niya.

"Sure?"

Malapad ang naging ngiti ni Maxwell. Dumoble agad ang tibok ng puso ko.

"Puwede bang humingi ng reward kung sakali?" magaang tanong niya.

Hu-hu. Bakit niya kailangan ng reward? Bakit gusto ko siya agad bigyan? Bakit ang
ganda ng ngiti niya sa 'kin? Hu-hu.

"Uh... a-anong reward?" I put a lot of effort to not sound whiny.

"Pag-iisipan ko muna. Pero puwede?" aniya.

Hu-hu. He's really bad for my heart. Kailangan ko yata talaga siyang i-inform...

" 'Wag mahirap..." ani ko.

"Hindi."

I bit my lip and nodded. "S-sige... Basta kaya ko."


Ngumiti lang uli siya. Kumurap ako para kayanin pa ng puso at hininga ko.
Considered na bang cardio exercise 'to kung laging frantic ang puso ko pagdating sa
kanya?

"Sumilip na sina Esta rito," aniya. "How do we tell them about the plan?"

He already finished everything on our table again. Ubos ang cake, mousse, at fruit
salad. Cup na lang ng kape namin ang may laman pa. He was still sipping his.

"Ano... ako na lang sana ang kakausap sa kanila? If you're with me..." Mabubulol at
mahihiya ako. "I might not be able to tell them about everything that's on my
mind."

Worry crossed his face. Nangunot ang noo niya sa pagkakatingin sa 'kin. "Are you
sure?"

"It's enough that you're with me," halos bulong ko. "Okay lang kahit ako lang ang
kumausap sa kanila."

"Okay. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo 'ko."

"Sige." Huminga ako nang malalim at sumulyap sa kitchen kung saan naroon sina Esta
at Zion. I stood with conviction. "I'll talk to them," sabi ko pa kay Maxwell.

His eyes were warm and soft on me when he nodded. He's just sitting there but he's
a silent encouragement on what I'm about to do.

"Hihintayin kita."

I nodded. Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa kitchen. #1140g / 04122020

        Chapter 8 part 3 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Nagbuga ako ng hangin paglabas namin ni Maxwell sa The Valentine. Hindi ako
makalingon dahil baka nakatingin pa sina Esta at Zion sa amin. Worst, si Chef Jay.

Pinagbuksan ako ni Maxwell ng pinto ng kotse. Bago sumakay, nagawa kong kumaway
nang maliit at awkward na ngumiti sa mga nasa resto—kahit na wala akong particular
na tinitingnan. Maxwell casually went inside the car, too. Sabay kaming nag-
seatbelt. Sumulyap siya sa 'kin nang magbuntonghininga uli ako.
"That went well," aniya.

Tumango ako. Yes, it went well. Nakapagpaliwanag ako kina Esta at Zion nang hindi
nauutal. They gave their approval about improving the menu. Sila, kasama si
Maxwell, ang unang kumausap kay Chef Jay bago ako iharap. It was super embarassing
but I had to do what I had to do. Chef Jay and Maxwell already talked about what to
work on. We were expected to come back tomorrow morning.

"Kinakabahan ka pa rin?" untag niya.

We were already on the road pero malakas pa rin ang tibok ng puso ko. At kahit
naman nasaan kami, basta kasama ko siya, may kaba at ligalig na hindi titigil. He
makes my heart work triple-time.

"Medyo. Uhm... Sa tingin mo ba..." Sinulyapan ko siya. His focus was on the road
while his big hand was gripping the steering wheels. I meant to continue what I was
saying pero sinundan ng mata ko ang kamao niya pataas sa braso niya. Whoa.
Biceps...

"Hm? What is it, Aurora?"

Nagtagpo sandali ang mga mata namin. Did he see me... curious about his arms? Did I
look too interested? Oh my gee! "Hindi ako nakatingin," una ko.

Kinagat-kagat niya ang labi niya bago tumikhim. "Ah. Nakatingin ka sa 'kin."

"Hindi. Sabi ko nga, h-hindi eh."

"May interesting kang nakita? Ano?"

"W-wala!"

Ngumiti siya habang sa kalye nakatingin. "Ako, meron."

"Ano'ng meron?"

"May interesting na nakita."

Napalunok ako. So he did see me? "A-ano?"

Lumapad ang ngiti niya. "Sasabihin ko sa 'yo 'pag sinabi mo sa 'kin kung ano'ng
tinitingnan mo."
Ibinalik ko ang mata ko sa harap ng sasakyan. "W-wala naman talaga eh." These eyes
have no self-control!

He chuckled while I felt my cheeks burning.

"Ano na 'yong itatanong mo? May itatanong ka, 'di ba?" aniya.

"Yes. Ano..." I cleared my throat. Ano nga ba 'yong itatanong ko? Hindi tungkol sa
biceps niya, eh.

"You were saying kung ano'ng tingin ko sa..."

"Ah. 'Ayun. Tingin mo ba... ano... na-offend kaya si Chef Jay?"

"Sa 'yo?" sabi pa niya. "Hindi."

How could he be so... "Sure?"

"Oo. Kaya 'wag mong masyadong isipin. He looked relieved kanina. He must have been
figuring out what's wrong with his cooking, but couldn't figure it out."

"Eh baka..." Huminto kami sa traffic light. "Baka naartehan siya? Sa 'kin?"

"Hindi lang naman ikaw ang nag-comment. Ako rin. Pareho tayong hindi na-impress.
Kung casual resto lang, puwede na siguro 'yong pagkain kanina. But they're aiming
for fine dining. Kailangan nilang pumasa sa panlasa mo."

Nagbuga ako ng hangin.

"And it's better than to just fail them," dagdag niya pa.

"Oo. Ayoko silang i-fail. Sayang, eh. Maganda 'yong restaurant." I sighed. "Okay.
I'll let it go. I have to think about what to say tomorrow when we get back."

The lights changed. Papansin ang katahimikan sa pagitan namin habang paparami ang
sasakyan sa kalsada.

Pagsulyap ko kay Maxwell, saktong sulyap din niya. Nahigit ko na naman ang hininga
ko. Hu-hu. Will I ever get used to this? Lagi akong nawawalan ng balanse at sense
sa tuwing nasa akin ang mga mata niya.

"May sasabihin ka?" aniya.


Ang dami ko na namang iling. Do I look like I have something to say? Hindi niya pa
nahahalata na lagi akong nagbe-brain freeze sa kanya? Hu-hu. Buti naman...

"Okay. Ako, meron."

Suminghap ako ng nawawalang hangin. "A-ano?"

"Nagugutom ako. Drive thru tayo."

Napakurap ako sa pagproseso ng sinabi niya. He's hungry? Again? After eating
everything served at The Valentine? Wala pa sa isang oras kami sa kalsada. Natunaw
na niya lahat 'yon?

"Nagugutom ka rin ba?" Magaan ang ngiti niya sa 'kin. "Halos wala kang nakain
do'n."

I wasn't all that hungry but... ah, that smile. It makes me soft. Walang ibang
sagot sa kanya kundi pagbigyan siya.

"Ano... medyo lang. S-sige, drive thru tayo..."

Lumapad ang ngiti niya. "Tell me if you're craving for something. I'll buy it for
sure."

Itinuon ko ang mata ko sa labas ng bintana ko. It was so unfair. He could make me
melt and scatter-brained by just being near. Kapag may sinasabi siya na gaya nito,
kahit gaano ka-casual, arresting sa sistema ko. It's like being shot with pure
sugar. I was getting excited, giddy, happy, then weak.

Still, how could I say no to these little joys? I live for little things like these
with him. "O-okay. Sasabihin ko."

Lumiko siya sa pinakamalapit na fast food na nadaanan namin.

***

"We can eat now," sabi ni Maxwell nang ihinto ang sasakyan sa harap ng Manila Bay.

Nagtanggal siya ng seatbelt at bumaba, bago ako pagbuksan ng pinto. Walang kibo
akong sumunod. It was dark now and the resto and food bar behind us were all lit
and bustling with people. Makulay rin ang malaking ferris wheel sa Mall of Asia. I
watched as Maxwell lined up all the food we have atop his car's hood.
Nang sabihin niya kanina na mag-drive thru kami for food, I thought it was just for
fast food for only one set of meal. Pero pagkatapos sa fast food, nag-drive pa siya
sa tatlo pang kainan. We got dimsum and siopao, buffalo wings, and yema cake. He
asked me what I'd like for each resto and I couldn't say anything.

"Bibili ako ng drinks. Ano'ng gusto mo?" aniya.

Nilingon ko ang mga kainan sa likod namin. He'd really eat a lot again.

"Lemon juice?" ani ko.

"Okay. Dito ka lang muna. You can start eating. I'll be fast."

He strode big strides after smiling at me. Pinanood ko ang maliksi niyang pagkilos.
He automatically caught attention, even though it's a little dark and there were a
lot of people to see. Sumisigaw lang talaga 'yong good looks niya.

Nagbuntonghininga ako at tumanaw sa tubig. The air was a little sticky but not
yucky naman. Napakapa ako sa mukha ko. Hindi naman siguro ako magbe-break out
because of pollution? I need extra skin care later, before going to sleep.

Pagbalik ni Maxwell, may bitbit siyang apat na matatangkad na takeout cups ng


inumin. Puro lemon juice.

"Let's eat," masiglang sabi niya.

Ngumiti ako at tumango.

Nakatanaw kami sa tubig at sa ilaw ng mga building sa 'di kalayuan, nang magsimula
kaming kumain. Parehas kaming paupong nakasandal sa hood. He started on the bucket
of chicken. I pressed my lips when I remembered he was called Boy Manok up to third
year because of Foundation week. Lagi siyang sumasali sa eating contest at laging
may libreng inihaw na manok. He would always win.

Buffalo wings naman ang kinain ko. May suot akong plastic gloves.

We munched silently with the wind silently blowing between us, the chatter behind
us, and my heartbeat taking in everything about him. Nakatalikod kami sa ilaw kaya
puno ng anino at dilim ang mukha ni Maxwell. He made the dark looked beautiful. I
was watching his face and his jaw moving. 'Pag parang susulyap siya sa 'kin,
nagbabalik ako ng tingin sa tubig.

"Alam mo pangarap ko 'to," sabi niya after a while.

"Ang alin?"
"Mag-food trip kasama ang first love ko."

Bumara ang chicken sa lalamunan ko but I couldn't cough. I guess I'll just die.

Inabot niya sa 'kin ang isang cup ng lemon juice. Tumalikod naman ako at tinakpan
ng tissue ang bibig ko bago umubo. Nang umubo. Nang umubo.

"Aurora? Okay ka lang?"

Tumango ako at itinaas ang kamay kong may hawak ng buffalo wings bago ibaba uli. Am
I an idiot? Hu-hu.

Tumikhim siya bago ko maramdaman ang palad niya sa likod ko. Mahina ang unang tapik
niya bago maging firm. Lalo akong inubo.

When I was done coughing, kusa niya ring binawa ang kamay niya sa 'kin. Uminom ako
ng lemon juice.

"Okay ka na?" he asked.

No. He'll be the death of me. Hu-hu. Pero tumango ako. "O-okay na."

Natahimik kami nang ilang sandali. Bumalik siya sa pagkain niya. Bumalik ako sa
pagnanakaw ng sulyap sa kanya.

Ano'ng sinasabi niya na pangarap niya 'to kasama ang first love niya? Nasira ko ba
ang pangarap niya dahil ako ang kasama niya? Should I say sorry? But I couldn't
apologize because I wanted this moment, too.

"Uhm... Mag-food trip ka na lang uli kasama 'yong first love mo," mahinang sabi ko.

"Ano 'yon?" baling ni Maxwell sa 'kin.

"You said it's your dream. Kaya, uhm... 'pag puwede na... mag-food trip ka na lang
uli. Kasama 'yong gusto mong kasama."

Nagtagal ang mga mata niya sa 'kin bago lumamlam. "Ah..."

I was waiting for him to say something more, but he just kept on looking at me.
Nag-iisip ako ng paraan kung paano babawiin ang mga mata ko sa kanya nang sabay
kaming mapakurap. Fireworks flared up and lit the sky. Kasunod niyon ang late na
ingay.
We should be looking at the fireworks taking colors in our peripheral. We should be
gasping and chattering about it, like the people around us. But I couldn't take my
eyes off him and him off me.

Kaya nagsayaw ang kulay at liwanag sa mga mukha namin. His eyes on me were too
soft, my chest was hurting for feeling something familiar. This has happened
before.

"May fireworks din sa pangarap ko," sabi niya.

Lumunok ako. I had fallen for him before. Why am I... feeling like this again?

Maamo siyang ngumiti bago hawakan ang chin ko at mahinang pisilin. Pagkatapos, siya
ang unang nagbawi ng mata niya sa 'kin. Napasinghap ako ng hangin. Naglapat naman
nang mabuti ang mga labi niya.

Tumanaw ako sa pagsabog ng paputok sa langit.

I'm in love with him again. #145ma / 04192020

        Chapter 9: Worst kind of near [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

It was one of those days that I had woke up with big eyes. Walang kurap-kurap o
groggy pondering between dreams and reality. Basta nagbukas ang mata ko dahil alam
kong umaga na.

Did I sleep at all? I wasn't sure. Kagabi, inihatid ako ni Maxwell sa bahay
pagkatapos naming kumain at maglakad-lakad. He talked casually about work, food,
and the big ferris wheel. I got a feeling na parang gusto niyang sumakay ro'n but I
kept quiet. Na-stuck ang isip ko sa sinabi niyang pangarap niya.

If I looked at last night from an spectator's perspective, he would sound like he


was confessing when he said what he said. But I know that's wishful thinking. He
wouldn't like me romantically. Bakit eh marami naman siyang ibang choice? It would
be me versus everyone else, and everyone else was way better. This was not college,
and even back then, he had a lot of options. He was well-liked. He was being
confessed to. He only had to smile to get who he wanted.

But I still froze with what he said. Alam ko, I still hoped. I still have that
stupid wishful thinking. All because it's him. He has power over me. Power na sana,
hindi na lang umuulit.

I don't want to love him again because that means breaking my heart again. It's
enough that I had loved him before. Bakit uulit na naman ako? Bakit siya na naman
uli? Bakit hindi na lang iba?

I sighed. I was overthinking. Samantalang siya, baka nga ni hindi ako iniisip
ngayon, kundi kausap ang baby niya.

'Di ba? He has a girlfriend. That Maxine.

I sighed again bago bumangon at nagsimulang maghanda para sa trabaho. Maaga kami
ini-expect ni Maxwell sa The Valentine.

***

Pinipigilan ko ang sarili kong mag-bite ng nails habang naa-anxious sa paghihintay.


Mag-thirty minutes na 'ko sa office pero wala pang paramdam si Maxwell. Hindi naman
siya 'yong tipo na nale-late. Nag-message na rin ako sa kanya pero walang reply.
Nakapagwo-worry dahil baka may nangyaring masama sa kanya or what. Although kagabi,
nakapag-text naman siya ng goodnight.

Should I call him? I should call him... I thought.

I was fidgeting for a while on my swivel chair bago ako nagkalakas ng loob na mag-
dial. His phone on the other end kept on ringing. Lumalala ang kaba ko habang
walang sumasagot. When the ringing stopped, I dialed again. Sa panlimang try ko,
parang malalaglag na ang puso ko sa dilim. Pangit na ang mga naiisip ko. Like, baka
naaksidente siya on the way to here and I don't even know it.

Nang may sumagot sa phone, hindi ako prepared.

"Maxwell!" Kahit ako, nagulat sa sarili kong boses. "I mean... hello? Maxwell?"

"This is Yigel, Aurora," sabi ng nasa kabilang linya.

"Uhm... Chef Yigel of Le Bon Apetit?"

"Yeah. We haven't met... but well, nice to hear about you."

"Uh... Nice to hear you, too. Ano... Nasa'n si Maxwell? May nangyari bang masama sa
kanya?"

Matagal na walang sagot sa kabilang linya. Like as if, Chef Yigel was thinking
whether to tell me what he knew.

"Okay, here's the thing. He's still sleeping," sabi ni Chef.


Sleeping? Pero late na kami para sa The Valentine. "Uh..."

"May sakit siya," dagdag pa. "He kept on saying that he needed to be at a certain
restaurant, bago nakatulog uli. I told him to take the day off, pero baka 'pag
nagising siya maya-maya, umalis pa rin. Hihintayin mo raw siya, eh. Wala ka raw
kasama."

"Why... Why would he think of me if he's sick?"

"I don't know, Aurora. You should ask him."

Napalunok ako. Kaya ko bang magtanong sa kanya tungkol do'n? Nang hindi nagbe-brain
freeze?

"Then... uh, what should I... do?" tanong ko. I had things in mind that I wanted to
do, but... "Uhm... Can you make sure na hindi siya papasok o aalis ngayon?"

"I want to, pero may lakad ako, sorry. Why don't you come over, if you're worried
about him?"

I bit my nails. "Come over? Saan?"

"He's staying sa shared house namin. I'll send you the address... if you like?"

I didn't know na hindi sa compound nila umuuwi si Maxwell. O na nakatira siya sa


shared house kasama si Chef Yigel.

"Uhm..."

"Walang ibang maiiwan dito sa bahay kundi siya. If you want to make sure he won't
come to work, you have to come over."

Napatango ako kahit hindi naman makikita. I should at least do that. Para hindi
lumala ang sakit ni Maxwell. "Okay. Paki-send sa 'kin ang address."

"I'll use my phone. Thank you, Aurora."

"No, no. Thank you, Chef."

Nang mag-disconnect ang line, kunot-noo akong nakatitig sa cell phone na hawak ko.
Pumasok ang isang message do'n mula sa unknown number. Naroon ang address ng bahay
kung nasaan si Maxwell, signed ng name ni Chef Yigel.
Aurora Arranza:
Thank you, Chef.

Unknown number:
Save my number.

                                                                                   
                                    Aurora Arranza:
                                                                                   
                                      Okay. :)

I wasted no time and stood up. Nag-book ako ng Grab car para ihatid ako.

Aurora Arranza:
Sorry, Chef. I'm just wondering
kung may pagkain sa inyo? Para kay Maxwell?

Chef Yigel:
There's soup. But if you want to
cook for him, may ingredients
sa ref. You're free to use the
kitchen.

I gulped. Yigel's too cool for someone intruding. Sanay ba silang may pumupuntang
babae sa bahay nila? Para kay Maxwell?

                                                                                   
                                    Aurora Arranza:
                                                                                   
                                      Okay.

Kulang pa ang self-confidence ko nang bumaba ako ng kotse, at tumingala sa bahay sa


address na ibinigay sa 'kin. It's a two-storey contemporary granite house with
tall, narrow windows. Automatic ang gate. Code-locked kung bubuksan mula sa labas.

Huminga ako nang malalim nang pindutin ang passcode na itinext sa akin ni Chef
Yigel. I crossed the lawn with light steps. I was aiming to be as silent as a mouse
para hindi maistorbo si Maxwell kung sakaling natutulog pa siya. I entered another
code to the main house and froze when I get to the living room.

"Bakit ka..."—Nagtama ang mga mata namin ni Maxwell. Nabitin ang huling salita sa
ere bago niya pabulong na maidugtong—"bumalik...?"

Malaki ang mga mata ko sa kanya. Galing siya sa kusina. Mukhang bagong gising base
sa magulong buhok. Wala siyang ibang suot kundi abs at malambot na pajama pants.
Internally, I was telling myself not to look down. To keep my eyes locked with his
eyes. Kasi nakahihiya kung iwa-once over ko siya. Pero traydor ang mga mata ko.
Humagod ang mga iyon sa bahagya niyang nakabukang bibig pababa sa leeg niya, pababa
sa malapad na dibdib, at pababa pa sa sikmura niya.

Pagbalik ng mata ko sa mukha niya, nakabuka na rin ang bibig ko. Parang tangang
nakatingin lang kami sa isa't isa. Walang gumagalaw. Walang humahakbang. Wala rin
yatang magsasalita.

"Think. Say something..." bulong ko.

I bit my lip when I heard myself. Sa sarili ko lang dapat sinabi 'yon. Hindi dapat
malakas 'yon. Mukha na naman akong tanga. Hu-hu. Bakit?

"Uh..." Tumikhim si Maxwell. Ginulo ang dati na niyang magulong buhok.

Napalunok ako dahil lang pinapasadahan niya ng kamay niya ang bed hair niya. Hu-hu.
He's a sight to see. Sino pa'ng ibang nakakikita sa kanya nang ganito? Wala na, 'di
ba?

Hu-hu.

"Good morning... Aurora," sabi niya at matipid na ngumiti.

Tumango ako. Nang ilang ulit.

"You're here," aniya. "Bakit ka nandito? Uh, ibig kong sabihin... okay lang na na-
nandito ka, pero... bakit?" Tumikhim uli siya pagkatapos at nag-iwas ng mata sa
'kin.

Bumaba ang mata ko sa sikmura niya, bago bumalik sa braso niya, bago sa mukha niya
uli. Whoa. Whoa. Whoa.

Whoa...

"Ha?" ani ko.

Mahina siyang tumawa. "Sorry. Ang awkward."

Tumango ako. It was me. Ako ang awkward. O baka... nao-awkward din ba siya?

Kaswal siyang lumakad palapit. "Bakit ka nagpunta rito?"


"Masakit ka—no! May—May sakit ka. Sabi ni ano... Chef? Yigel?"

Kumunot ang noo niya bago, "May sakit... ako..."

I nodded again. Bakit parang hindi niya alam?

"Sabi ni Yigel?" aniya.

"Oo."

Gumala ang mata ko sa mukha niya. Bukod sa bed head niya, bahagyang namumula ang
mukha niya. Parang flushed din ang balat niya. Pinigil ko ang mata kong bumalik sa
sikmura niya... pero failed. Traydor ang mga mata ko. My eyes roaming made it
harder to consider how sick he was.

"I came to tell you... uh, not to go to work today," nagawa kong sabihin nang hindi
gumagala ang paningin. "Uhm... ako na ang bahalang tumawag sa The Valentine kahit
late na."

"Late?" aniya.

"Yes. We're late."

Sumulyap siya sa isang bahagi ng living room bago kunin ang phone niya sa bulsa ng
pajama pants niya. Nangunot ang noo niya habang nakatingin doon. "Late... nga."
Pagbalik ng mata niya sa 'kin, wala na ang kunot ng noo niya. "I'm okay. Papasok
ako. Nagsabi tayo kina Zion na pupunta tayo sa resto."

"No. Magpahinga ka lang, para gumaling ka," I insisted. "Kahit pumunta ka, wala ka
ring malalasahan dahil may sakit ka."

"But I don't want to miss—the resto."

"They'll understand. Ako na ang bahalang makipag-usap." Nang parang tututol uli
siya, mabilis akong nagdagdag. "Uh... Ipagluluto lang kita at pakakainin, tapos
pupunta ako sa resto nila. We'll figure out what to do. Kung need na mag-
reschedule, then mag-reschedule. Tapos babalik ako rito."

Tumikom ang mga labi niya roon. "Ipagluluto mo 'ko."

"Oo." Was I imposing too much? Ayaw niya ba? "Sana?"

Ngumiti siya. "I like that."


"Basta ano..." Naglumikot ang mga mata ko. Hindi ko masalubong ang kulit at
amusement na kuminang sa mga mata niya. "Basta magpahinga ka na lang muna ngayon.
'Wag matigas ang ulo."

"Okay, Aurora. Ano pa ang ibang kailangan kong gagawin?"

He placed his arms behind his hips while waiting. Nadi-distract ako sa pagkaka-flex
ng braso niya.

"Ano... mag-long sleeves ka."

Makulit ang naging ngiti niya. "Long sleeves?"

"I mean..." Hu-hu. "I mean, mag-shirt ka. Baka lamigin ka."

"Ah. Okay. I'll do that, too."

Sandali kaming nagkatinginan pa rin bago niya ikiling ang ulo sa gawi ng kitchen.
"Dito ang kitchen," sabi niya. "Akyat lang ako sandali sa kuwarto para magbihis."

Natuon ang mga mata ko sa hagdanan. It looked steep. Hindi ba siya delikado ro'n?
Hindi ba siya nahihilo o mahihilo kung aakyat siya?

"Uh... Do you need help?" mahina ang boses na offer ko.

Matagal siyang tumingin sa 'kin. "In my room, Aurora?"

Lumunok ako pero tumango. Nagdilim naman ang mga mata niya.

"No." Lumunok siya. "No need."

"O-okay..."

Tumikhim siya bago malalim na huminga at malakas na magbuga ng hangin. "Akyat lang
ako sandali."

"Sige. Luto lang ako..."

Alanganin kaming nagkatinginan uli bago tumalikod sa isa't isa—umakyat siya ng


hagdan, dumeretso naman ako sa kusina.
I already heard his footsteps on the stairs when I get to catch my breathe. Pumikit
ako nang mariin.

Magluluto ka lang, self. Magluto ka. Make sure he's okay. Make sure he drinks meds.
Make sure na may shirt siya at all times.

Lumunok ako. I already know that Maxwell's a prince. But seeing him half-naked...
sparked inappropriate thoughts about him. #446h / 04222020

        Chapter 9 part 2 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Alam kong pabalik na si Maxwell sa kitchen dahil bukod sa yabag niyang naririnig
ko, nanghihina rin ang tuhod ko. When I felt him enter the same room, I tried my
best to just glance over my shoulder casually—'yong sasandali lang. Pero dahil
hindi naman sumunod sa 'kin ang mga mata at instinct ko mula nang tumapak ako sa
bahay nila, nahagod ko ang kabuuan niya. Nagsuklay siya, pero may bed hair pa ring
nakatikwas. Naka-gray shirt na siya. Pinalitan din ng jogging pants ang pajama
pants niya.

Nakahinga ako nang maluwag, bago maipit uli dahil nagtama ang mata namin at ngumiti
siya sa 'kin.

"You're really cooking..." mahina ang boses na sabi niya.

"Uhm... yes."

Ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. Na-mince ko na ang sibuyas at bawang.


Nahiwa na rin ang iba pang ingredients. Ang chicken, nakasalang na sa stove. Itong
patola na lang ang hindi pa tapos. I'll cook chicken sotanghon for him.

Nakita ko sa peripheral ko na naupo siya sa table sa kanan ko.

"Do you need anything?" untag ko sa kanya.

"Wala. Uupo lang dito."

Lumunok ako. "O-okay."

I concentrated on cooking even though I feel his eyes on me. I finished prepping
the everything. I waited on the broth. At nando'n pa rin si Maxwell sa mesa.
Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa 'kin—nonchalant about my uneasiness. Hu-
hu. Bakit niya pinanonood 'yong pagluluto ko? Wala namang interesting sa chicken
sotanghon.
"Uhm..."

"Hmm?" aniyang nag-aabang sa sasabihin ko.

Sumandal ako sa kitchen counter at tuwid na tumingin sa kanya. It will take some
time before I finish cooking. He should go somewhere else.

"Hindi ka ba nahihilo?" I asked carefully.

Lalong na-relax ang pangangalumbaba niya. May makulit na ngiti siya na nagpapahirap
sa 'king huminga. "Hindi."

"Nagugutom ka na? Kaya mo hinihintay ang food?"

"Medyo lang."

I bit my lip. Magkatinginan pa rin kami. Umeeksena sa pagitan namin ang maliit na
ingay ng pagkulo ng broth.

"Uhm... Gusto mo bang manood muna ng TV habang naghihintay sa soup?"

"No."

"Mahiga muna sa kuwarto mo?"

"Pagod na 'kong humiga."

"Magpahinga sa living room?" subok ko pa rin.

"No."

Bakit lahat tinatanggihan niya? Ang laki ng bahay nila. Malapad ang flat-screen TV.
Malalaki ang couch. Maaliwalas sa lawn at living room. Ayaw niya ba roon kaysa
rito? Hu-hu.

"Uhm... Hindi ka ba aalis dito?"

"Hindi."

"Panonoorin mo lang ba 'ko hanggang mamaya?"


"Oo."

I froze. Again. Na super fail kasi dapat pala, kung magtatanong ako sa kanya,
hihinga na muna ako. Para kapag sumagot siya nang nakapagpapalimot sa 'king
huminga, I won't die.

Am I just gonna die every time I'd ask him something? Hu-hu.

"Bawal ba'ng panoorin ka, Aurora?" malamlam ang matang tanong niya.

Bawal ba? Siyempre... "H-hi-hindi..."

Ngumiti siya sa 'kin. "Then let me watch you cook for me."

Nakatalikod ako agad at halos yakapin ang soup ladle, bago bumigay ang panlalaki ng
mga mata ko.

Ano 'yong sabi niya? May narinig ba 'ko? Hindi ba imagination ko lang 'yon?

Hu-hu-hu-hu.

"Nothing's interesting here..." bulong ko. "Wala naman kasi, eh..."

"Meron," siguradong sagot niya.

Hindi ako lumingon. Did he have ninja ears? Naririnig niya 'yong bulong ko? Over
soup? I'm talking to the soup!

"Gusto mo sabihin ko sa 'yo kung ano'ng interesting?" nanunuksong tanong niya.

Humigpit ang hawak ko sa ladle. Hindi talaga 'ko lilingon, 'kala niya? Hindi ko
naman gustong malaman kung ano'ng interesting. Hu-hu-hu.

"Aurora?"

I might have looked like a sulking kid ready to cry when I faced him because he bit
his lips. He tried to look concern but he couldn't fool me. Kinagat niya lang ang
labi niya dahil nagpipigil siya ng tawa!

"Why are you teasing me?" I whined. "Nagluluto na 'ko para sa 'yo, o. It's hard to
cook with all your attention on me. Baka magkamali ako, then I'd look stupid."
Itinago ko ang mga labi ko pagkatapos. Now, I'd really look stupid. Bakit ko
irereklamo sa kanya ang mga 'yon? Bakit sinabi ko lahat 'yon? Bakit walang filter
kung kailan kailangan? I could have stuttered—I should have! Hu-hu.

"I—I mean..." I don't know what to say to him anymore. Nang tingnan ko uli siya,
kontento lang siyang nakatingin sa 'kin.

"Sorry kung tinutukso kita."

Hu-hu. Natutukso talaga 'ko. Kahit nga kaninang hindi siya nanunukso, natutukso
ako. Kaninong kasalanan 'yon? Hu-hu.

"I'm just happy you're here," aniya. "Masaya ako na nag-alala ka sa 'kin at na
nandito ka kasama ko."

Napahugot ako nang malalim na hininga. He might be really sick and wanted someone
to take care of him. Kung ako ang magkakasakit, gusto ko rin ng mag-aalaga sa 'kin.
For years now, sina Kuya Rius at Calyx lang 'yon. I always missed Mom but...

Ang alam ko, wala rin ang Mama niya mula pa no'ng bata siya. Si Auntie Mona niya
ang nagpalaki sa kanya. Bukod do'n, malapit sila sa isa't isa sa compound na
kinalakihan niya. It must be hard on him to be away from them.

"I'll try... na hindi ma-distract," mahina ang boses na sabi ko. "Basta... don't
tease me so much. Mabilis akong ano,"—kiligin at mataranta—"magulat." Itinuro ko sa
kanya ang ladle. "Behave. Pakakainin pa kita."

"Okay."

Then he laughed softly. Napuno agad niyon ang puso ko kahit na ayoko dapat. He
shouldn't make me happy for doing things for him because that would feed my hope.
But today might be a day that I'd bask in wishful thinking. Hahayaan ko ang sarili
kong umasa sa kanya ngayon, kahit alam kong iiyakan ko lang din bukas.

***

Sabay kaming nag-almusal ni Maxwell sa kitchen nila habang pinag-uusapan ang The
Valentine. Bukod sa chicken sotanghon, may isang basket kami ng bread at left-over
pizza from the night before. Magana naman siyang kumain kaya natuwa ako. I thought
he'd have no appetite because he's sick. Wala yata talagang makaaapekto sa tiyan
niya na kahit ano.

When I washed the dishes, nanood pa rin siya. Hindi ko na lang sinaway. Natutukso
akong ilapat ang kamay ko sa noo o leeg niya para personal na mag-check ng
temperature niya, pero wala akong lakas ng loob. When he said he would take his
meds once I was gone, I just said okay. Tumawag muna ako kina Zion at Esta bago
mag-book uli ng Grab car to take me to their restaurant. Nagbilin si Maxwell na
mag-video call daw ako sa kanya kapag nando'n na'ko.

I was still a little uneasy when I arrived at the resto. Sinalubong ako nina Zion
at Esta. Para less anxious sila, nag-video call agad ako kay Maxwell. Nangumusta
sila bago ako tumuloy sa kitchen.

Dahil ako lang mag-isa, we settled on improving the appetizers lang muna. 'Yong
main dishes daw, kapag kasama ko na uli si Maxwell. I was his eyes while Chef Jay
was cooking. Bukod sa comments niya sa ginagawa ni Chef, may comments din siya sa
tuwing mapapalapit ako sa apoy o sa mantika o sa danger zones. Hindi naman niya
talaga nakikita kung nasa'n ako dahil wala ako sa camera. He's like a fortune
teller. Grabe.

And every single time, nanunukso ang tingin nina Zion at Chef Jay.

"All your ingredients are top-class. 'Yong proportion lang ang mali," sabi ni
Maxwell.

Tumatango-tango si Chef Jay habang iniluluto ang bacon-wrapped shrimp at fried


tortellini. Tapos na ang bruschetta, cheese poppers, at corn fritters.

"Aurora, I think you're too close to the fire again. Sa left ka na lang ni Chef
Jay," sabi pa niya.

Ngumuso ako. Hindi naman ako mapapaso, eh. I'm also familiar with a restaurant
kitchen. Hmp.

"Aurora?" tawag niya.

Sandali kong iniharap sa 'kin ang camera. "Yes? Uhm... May kailangan ka?"

Matagal siyang nakatingin lang sa screen. Kumurap ako para hindi mailang sa parang
titigan namin.

"Wala," sabi niya at ngumiti. "Sample Chef Jay's cooking if he's done."

"Okay. Patapos na siya," ani ko. "May sasabihin ka pa ba? Para ibaba ko na muna
'tong video call."

"Wala na. Baka sa isang araw na lang, pagbalik natin."

Tumango ako. "Okay. Then, I'll cut this call."


"Sige. Ingat diyan. 'Tapos, balik ka na... uh, dito."

I didn't know what to say. I did promise na babalik ako sa bahay nila. And that's
regardless kung may tao na siyang makakasama ro'n o wala. Still... may masaya at
maligalig na pakiramdam dahil sa sinabi niya.

It's like he's looking forward for me to go back.

Ugh. No. I shouldn't hope this much. This will hurt so bad kapag mali (na malamang
mali). Pero lumunok lang ako at nagpilit na ngumiti.

"Uh... sige. Magpahinga kang mabuti. I'll be back soon."

Maamo ang ngiti niya kasabay ng pagtango.

Awkward kong pinutol ang call. Napalinga ako kina Chef at Zion na nakatingin na
naman. And what is this? They're not saying anything but their eyes... nanunukso!

Umiling ako. "Wala kaming relasyon," sabi ko sa kanila.

Mahinang tumawa ang dalawang lalaki.

"It's okay to be shy about it. We don't judge," sabi ni Zion. "I'm sure, hindi
naman against si Kylie sa office romance."

Oh-em-gee! Eh wala naman talaga... "No. You're getting it wrong. It's—"

"Naku. Alam mo, Zo, ganyan din dati misis ko no'ng nagsisimula pa lang kami.
Mahiyain din 'yon, eh," dagdag ni Chef Jay. He was plating the appetizers casually,
nagsisingit ng sulyap sa 'kin.

I pouted. Pa'no ko sila kukumbinsihin na wala namang romantic sa amin ni Maxwell?


Parang naniniwala na silang meron, eh.

Si Maxwell kasi...

"When you came yesterday," sabi ni Zion na sa akin nakatingin, "Esta and I thought
you're a good match. There's a certain gentleness in a man's eyes whenever he looks
at the woman he loves. There's always a certain awe. If you'd only see how Chef
Maxwell looks at you when you're not looking... I doubt you'd doubt it."

Napalunok ako kasabay ng mahigpit na hawak ko sa cell phone ko. Ano'ng... sinasabi
niya?
"This restaurant wants to specialize in creating experiences for couples. We have
seen what love looks like when it's worn by people. It's something undeniable and
sincere. Kayong dalawa ni Chef, you wear it very well," dagdag pa.

Nanlamig ako. That means... I also look at Maxwell a certain way? A way that's
tell-tale of the feelings I was trying to hide?

Lumapit ako kay Zion habang nakatungo. "Zo... Please don't tell Maxwell."

"Huh? Ang alin?" aniya.

Alanganin akong nag-angat ng tingin sa kanya. "He... he doesn't know... about...


that," sabi ko. "And I don't want him to know. Don't tell him."

Nangunot ang noo ni Zion. "Ibig mong sabihin... wala talaga kayong relasyon?"

Umiling ako.

"But he's also—"

"He's not," siguradong sagot ko. "He's not. Please... don't tell me otherwise."

Nagkatinginan sila ni Chef Jay. I saw worry crossed their faces before I looked
down.

"Sorry. We overstepped our boundaries," maingat na sabi ni Zion. "Tinutukso namin


kahapon si Chef Maxwell, wala namang ibang sinabi."

Bumibigat lang lalo ang dibdib ko sa mga naririnig ko. Hindi pa rin ako makatingin
sa kanila.

"We should taste the food," yaya ni Zion. "Halika sa table sa labas."

Sumunod ako sa kanila palabas ng kitchen.

***

I was still thinking about what Zion told me when the driver announced our arrival.
Nasa harap na uli ako ng bahay na tinutuluyan ni Maxwell. Matamlay akong bumaba at
tumingala roon.
Papadilim na kaya bukas na ang ilaw sa gate at sa lawn. May ilaw na rin sa loob ng
bahay. Nag-aagaw ang namamaalam na liwanag ng araw sa ikinakalat na anino ng gabi.
But the house looked bright and invincible. Tulad nang nasa loob niyon.

I wonder what Maxwell's doing.

"There's a certain gentleness in a man's eyes whenever he looks at the woman he


loves. There's always a certain awe. If you'd only see how Chef Maxwell looks at
you when you're not looking... I doubt you'd doubt it."

Ang sarap marinig. But there's always a certain kindness whenever Maxwell looks at
me. Marami nang nagkamali doon noon. I was hated in college because of the way he
looked at me. Because of the way he treated me. People were jealous and vicious
that even when I lost my Mom...

Kinagat ko ang labi ko. No. I shouldn't be thinking about that, at all. Tapos na
'yon. Lumipas na. Right now, may sakit si Maxwell. I promised him I would be back
for him so I came back.

Isa pa, may girlfriend na siya ngayon. I'm safe. No one should doubt me or my
intentions.

Huminga ako nang malalim bago pindutin uli ang passcode sa gate at sa main door. I
was preparing my heart to be attacked by Maxwell's visuals when I heard voices from
the kitchen.

Maxwell's laughing and a girl's voice was giggling with him.

"Baby Maxine, don't move too much. Baka hindi na kita mayakap."

Nanlaki ang mga mata ko.

Nandito si Maxine? Did he invite his girlfriend over? Kahit na alam niyang babalik
ako?

Did he?

I was ready to turn around and leave but...

"Aurora. Nandito ka na," tawag ni Maxwell. "You're on time."

I froze. #1108g / 04232020

        Chapter 9 part 3: [Cliche (Candy Stories #5)]


            ***

Pumikit ako nang mariin. I know I need to turn around and face whatever it is I
need to face. Bakit kasi ang bagal ng paa ko tumakas? Hu-hu.

"Who's Rlorla, Maxwell? She's gil."

Uh... The voice was so tiny, I was sure it's from... I turned around and found
Maxwell carrying a little girl in his arms. Mga three o four years old lang siguro.
Naka-Minnie mouse polka dress. Malalaki ang natural na kulot ng buhok. Nakasimangot
at singkit ang mga mata sa pagkakatingin sa 'kin.

"Sino'ng dumating, Maxwell?" sunod ng isa pang tinig.

Sumilip mula sa kusina ang dalawa pang may-edad na ring mga babae. Namukhaan ko
pareho. Si Ate Tere ang isa, may-ari ng tindahan na malapit sa compound at park.
Nakakukuwentuhan ni Mommy noon. She looked rounder and older in her white shirt,
but still bubbly. Nakapusod ang buhok niya sa kung paano ko naaalala. Mommy used to
tell her to go to the salon with her. Sagot namin. But Ate Tere always declined.
Ang isa pang naroon ay si Ninang Norma. Ninang ni Maxwell na ninang ng buong
compound. Mas payat siyang tingnan sa moss-colored dress niya. Hanggang balikat na
lang ang dating mahabang buhok. May hawak silang donut.

I must have looked startled because both women approached me.

"Si Kimmy ni Feliz na ba ito?" sabi ni Ate Tere na lumapit at hinawakan ako sa
magkabilang balikat. Hinagod ako ng tingin. "Ang    ganda-ganda mo ngayon, Kimmy."

Yes, I was Kimmy to them. Kay Maxwell lang ako Aurora.

"Oo nga. Naku, bagay na bagay kayo—"

"Kanina ka pa, Aurora?" singit ni Maxwell na dumikit kay Ninang Norma. Lalong
lumiit ang mata sa 'kin ng batang karga niya.

"Uh... Not really. I heard na may kausap ka kanina, kaya akala ko, I'm not needed
here," sagot ko. "Kaya uuwi na lang sana ako kanina..."

"Naku, ano bang not needed? Kanina ka pa hinihintay ni Maxwell," sabi ni Ninang
Norma.

I might have looked frozen dahil nangunot ang mga noo nila. Inirapan naman ako ng
batang babae.
"Ah... Nagsabi po kasi akong babalik ako. Kaya 'ayun," ani ko. "He must have
waited..."

Nagkatinginan kami ni Maxwell. Ngumiti siya sa 'kin bago ikulong ng batang babae
ang mukha niya sa maliliit na kamay nito. Ibinabaling siya para tumingin lang dito.
"Who's gil, Maxwell?"

Mahinang tumawa si Maxwell dito. "She's Aurora, baby Maxine." Bumaling siya sa 'kin
pagkatapos. "She's Maxine, Aurora. Menopausal baby ni Ate Tere. Ipinaglihi sa
'kin."

I was dumbfounded. Wala na yata akong ibang kayang gawin kundi ang tumunganga lang
sa nakikita ko. So all these time... Maxine is this cute little baby? Na parang
possessive kay Maxwell? She couldn't even pronounced the little R right, and I was
jealous of her?

Nanlaki ang mga mata ko sa sarili kong thoughts. I was... actually... jealous? Of
her? Because I thought she's the girlfriend?

"Aurora?" tawag ni Maxwell sa 'kin. "Are you okay?"

"Uhm..."

"Ako, Maxwell, not okay," maliit ang boses na sabi ni Maxine. "You keep always look
at her. Why?"

"Is that bad, baby?" malambing na sabi ni Maxwell dito.

"Is bad. Because she's gil," sagot nito.

Maxwell chuckled. Mahina ring natawa ang dalawa pang babae. Si Ate Tere, sinubukang
kunin si Maxine mula kay Maxwell.

"Baby, halika na. Kailangan ni Kuya Maxwell magpahinga."

"Not Kuya!" matigas na sabi ng bata habang yumayakap sa nanay nito. "He's asawa!"

Nangiti ako. Possessive nga. Mas marami pang guts sa 'kin si baby girl to call him
asawa.

Ay.

Nakatingin uli sa 'kin si Maxwell kaya alanganin akong ngumiti. "Are you okay na?
Kanina pa ba sila rito? Uh... Nakapahinga ka ba?"
"They kept me company habang wala ka. Buti na lang, hindi mo 'ko pinapunta sa
resto, kaya nakadalaw sila. Ninang brought donuts," aniya. "Meryenda ka na."

Donut's too sweet... but he was showing that smile again. I sighed. At pa'no ako
makatatanggi kung dala 'yon ni Ninang Norma? It's impolite to decline, lalo na
dahil ngayon na lang uli kami nagkita.

"Oo, Kimmy, magmeryenda ka. Halika." Hinawakan ni Ninang Norma ang isang kamay ko
at hinila ako kasabay nila papunta sa kusina. Iginiya niya 'ko paupo sa mesa roon
at hinainan ng donut. "Nagkakape ka?"

Nang tumango ako ay naghanda siya ng kape sa coffee maker. It's hard not to smile
because she's smiling sweetly at me, too. Nawiwili ring nakatingin sa akin si Ate
Tere habang nakabusangot si baby Maxine. Katapat ko sila. Nasa akin din ang mata ni
Maxwell na katabi nila.

All these attention made it hard to move or even breathe. Pina-process pa ng utak
ko na si baby Maxine ay baby talaga.

"Maxwell always look at Aurola," reklamo ni Maxine. "Pa'no po ako?"

Bumaling si Maxwell sa bata at inilapit ang mukha niya rito. "Cute ang baby Maxine
ko, parehas ni Ate Aurora." Maingat niya itong pinisil sa pisngi. "Cute-cute niyan,
o. Hindi na po 'yan angry."

"Angly pa," aniya at nag-iwas ng tingin.

I bit my lip sa ka-cute-an niya. Lahat yata kami, nakatingin sa kanila.

"Kiss na lang kita?" ani Maxwell.

Inilapit ni Maxine ang pisngi niya. "Just one."

"Two na."

"One lang. Mamaya 'yong one uli."

Hinalikan ito ni Maxwell sa pisngi bago pisilin ang ilong. "Kain muna kami ni Ate
Aurora ng donut, ha? Titingin muna ako sa kanya, ha? Mamaya, sa 'yo uli."

"Okay," magiliw nang sabi ng baby.


We exchange smiles nang magkahulihan kami ng tingin ni Maxwell. He's cute with her.
I think, he'd be a great dad. Kahit siguro dalawa ang kargahin niya tapos may
nakayakap pa sa dalawang paa niya, he'd still look cool. 'Tapos, madali lang sa
kanyang i-pacify sila kasi he could easily charm them.

Napalunok ako. Scenarios and images of him with kids were attacking me. All were
too cute, I might give in. Baka magmukha akong stupid sa pagde-daydream.

"Kumain ka na, Kimmy. Pasensiyahan mo na itong si Maxine at madikit talaga ito kay
Maxwell," singit ni Ate Tere sa umaatakeng images ni Maxwell with kids.
"Pakakasalan niya raw paglaki niya, eh."

Tumango ako bago tumingin sa bata. "Pakakasalan mo siya, baby?"

"Oo."

"Maxine..." si Ate Tere.

Sumimangot ito. "Opo, Ate."

"Very good, anak."

"Kay Maxwell n'yo po siya, ano, ipinaglihi?" usisa ko at kumagat na sa donut.


Ibinaba naman ni Ninang Norma ang coffee ko sa mesa bago maupo sa tabi ko.

"Oo. Hindi ko nga alam na naglilihi ako noon, eh. Ang tanda-tanda ko na, nakabuo
pa," sabi ni Ate Tere.

" 'Ku, wala sa edad 'yan, Tere. Basta at puwede pang magbuntis, magbubuntis," salo
ni Ninang Norma.

"Opo nga," ani ko.

"Kanina pa kami rito, eh. Hinintay ka talaga namin para makita. Nang mawala ang
puwesto ninyo sa park, hindi namin alam kung paano dadalaw o makikibalita man lang,
eh," si Ninang Norma pa rin. "Mabuti at naibalita ni Maxwell na magkasama raw kayo
sa trabaho ngayon."

"Uhm... Sorry po. Ang dami po kasing nangyari," apologetic na sabi ko.

Ngumiti sila. Bakas ang pang-unawa sa mukha habang nakatingin sa 'kin. I was
suddenly feeling so guilty for not checking on them. Kahit kumusta, hindi ko
ginawa, para lang maiwasan si Maxwell. Mommy wouldn't be proud of this.
"Naiintindihan naman namin, anak," malumanay na sabi ni Ate Tere.

"Babawi na lang po ako ng kuwento ngayon," una ko. "Sa'n po ba 'ko magsisimula?"

Nangalumbaba uli si Maxwell sa mesa habang nakatingin sa 'kin. I have a feeling


that he'd give me all his attention again, gaya kanina. Only this time, hindi na
'ko makarereklamo dahil may iba pang tao na kasama namin. It would be absurd for me
to whine kahit na O.A. pa rin pumitik ang puso ko.

Na-relax naman sa pagkakaupo sina Ate Tere at Ninang Norma, a sign that we'd be
catching up on a lot of things.

"Umpisahan natin sa trabaho mo. Kumusta ba?" ani Ate Tere. "Balita namin,
nagpupunta ka raw sa mga kainan para sa isang magazine."

I told them about my job cheerfully.

***

Nakatutulog na sa pagod si Maxine nang magdesisyong umuwi nina Ninang Norma at Ate
Tere. I booked a car for them. Naiwan uli kami ni Maxwell, kahit na ang expectation
ko ay makauuwi na sinuman sa mga housemates niya.

We watched a little in the living room while I was waiting for a chance to go home.
Nasa long couch siya, samantalang nakahiwalay ako sa single couch. He looked okay
na rin naman, kaya wala nang reason para mas magtagal pa. Pero hindi dumarating ang
lakas ng loob na hinihintay ko para makapagsabi.

"So... uh... that's Maxine," ani ko.

Nakasulyap na siya sa 'kin nang maisip kong wrong topic ang ino-open ko. It's
something on my mind that I shouldn't let him know. Hu-hu. Baka I sounded like I
was too concerned about it.

"Yes. Bakit, Aurora?"

Nasa akin na uli ang mga mata ni Maxwell. At siguro pagod ako sa maghapon o
relieved na wala siyang girlfriend dahil nahihirapan akong magsinungaling.

"I thought before that she's your girlfriend."

Kumurap siya sa sinabi ko. Kumunot sandali ang noo bago umiling. "No. All this
time, akala mo ay may girlfriend ako?"
Tumango lang ako. Sumeryoso naman siya.

"Wala, Aurora."

"Sorry..."

"Forgiven."

Pumagitan sa 'min ang mahinang ingay sa telebisyon. I wasn't prepared when he


turned towards me and focused on me again.

"Naalala mo 'yong huling sinabi ko sa 'yo sa may lagoon ng STU?" aniya.

Lumunok ako. We did talk there. I dreamt about it a few times. May sinabi siya noon
pero hindi ko narinig dahil tinakpan ko ang tainga ko.

"I'm—I—I don't remember... Sorry."

Mahaba siyang nagbuntonghininga. "Tumatakbo ka no'n. May isinigaw ako."

"Parang meron nga. But... uh..." I was covering my ears and I don't want to hear it
right now, "Can we not talk about it now?"

Nagtagal sa akin ang mga mata niya. There's still gentleness in his eyes, but
sadness was slowly taking over.

"Wala akong girlfriend, Aurora. Hindi ako nagka-girlfriend no'ng college at hindi
pa rin pagkatapos n'on."

"Maxwell... I don't think you should—"

"Hindi ako nagka-girlfriend dahil ang sabi ko sa 'yo nang huli tayong mag-usap,'pag
nakita uli kita, liligawan kita." Lumunok siya. "That's what I shouted back then."

I couldn't move from my seat. His eyes and his words restrained me to just sit
there and keep on looking at him.

"Kahit hindi ka naniniwala noon, I told you that I—"

Mabilis kong natakpan ng dalawang palad ko ang bibig niya. His eyes on me
intensified, bago lumamlam sa kalungkutan. Napalunok ako sa sakit na ramdam kong
nararamdaman niya.
I felt his jaw clenched while my hands were still covering his lips. Hinawakan niya
ang pupulsuhan ko at maingat na inalis. Walang nagsasalita, kahit na nangungusap
ang magkahinang na mga mata namin.

"I..." I was looking for words. For sense. For a warning. For something that would
save me from this madness. "Don't say it again, Maxwell."

"Hindi ka pa rin naniniwala? Hanggang ngayon?" may tampo ang tinig na tanong niya.

Mabilis akong tumayo at hinablot ang bag ko sa upuan. "I'm sorry. You look okay so
I should.. I should go."

"Aurora—"

"Don't follow me..." mahina ang boses na sabi ko.

I should go while I still can. Habang may kaunti pa akong lakas. If I stayed and
heard him say things that might make me happy, I'd just go home sad. Dahil gano'n
ang kapalit ng bawat pag-asa ko kay Maxwell.

Mabilis akong naglakad palabas ng bahay. #137ma / 04252020

        Chapter 10: I won't give you heartbreaks [Cliche (Candy Stories #5)]

            TCWDM: Medyo hilo ko kasi antok na, but I tried my best to edit this
before posting. Baka may natira pa ring errors so ~ kayo na bahala. Also, please be
gentle with Aurora. Correct her if you want but don't call her names. Kagatin ko
kayo. :<

***

Second year, Culinary Arts


August, last week
STU

"Mommy, sure kang I don't need to go with you? What happened po ba?" tanong ko kay
Mommy habang mahigpit ang hawak sa phone ko.

Nakatingin sa 'kin si Cal, naghihintay rin ng balita. Dad said that Mom wasn't
feeling well. Pupunta raw sa ospital pero ayaw pasama. He's still at work and she
urged him not to leave early. Si Kuya Rius, nasa work din. Nasa university naman
ako kasi required. But I could leave anytime because it's foundation week naman.

"No need, Princess. Just enjoy there. You're watching something interesting, 'di
ba?" may tukso ang boses na sabi niya.
Sumulyap ako kay Maxwell na nasa Eating Contest. He was on his 15th plate of spicy
noodles, maybe trying to break his own record from last year. Wala namang nag-a-
attempt na talunin siya talaga. Those who were joining were just to count how many
plates they could eat. Nagbibigay na ng runner-up prizes ang Game Master para
interesting pa rin ang contest.

Everyone was cheering on him. Panay ang 'Boy Manok' nila dahil may hawak uli siyang
grilled chicken.

"Mas importante ka kaysa sa foundation week, Mommy," naka-pout na sabi ko. "I'll go
with you na talaga. Ilang araw ka nang may something, eh. Baka it's bad. Nasa'n ka
na po ba? Hahabol ako sa 'yo."

"It's just headache, anak. Worst, migraine. And I'm already in the car for the
check-up. You and your dad are worrying over nothing."

But it's not over nothing. Hindi sakitin si Mommy, pero 'pag nagkakasakit siya,
bagsak talaga siya. She'd be weak for days. Mamumutla nang matagal.

"Babalitaan kita mamaya 'pag pauwi na ako, okay?" dagdag niya pa. "Enjoy ka diyan."

"But Mommy..." I was still intent to whine even though I know that I could never
change her mind once she settled on a decision. Hindi si Mommy 'yong klase na
mabilis mabago ang isip. And matigas din ang ulo niya minsan.

"Enjoy kayo ni Calyx diyan, anak. Give me good news later, okay? Ibababa ko na. I
love you."

"I love you po. Ingat po. Promise to tell me the result agad."

"I promise."

The other line clicked and the call ended. Nakasimangot ako nang tumingin kay
Calyx.

"She doesn't want me to go with her," ani ko. "Dito na lang daw talaga tayo."

Nagkibit-balikat si Cal. "Hindi mo naman mapipilit si Tita."

"I know." Nagbuntonghininga ako at nagbalik ng tingin kay Maxwell. I was almost
startled dahil nakatingin din pala siya sa 'kin. Ang bilis ko tuloy napaso at
napatingin sa ibang bagay.
"He's going to win it. Ewan diyan sa taong 'yan. May tambakan ng pagkain sa tiyan,"
komento ni Calyx.

I know Maxwell's going to win. I didn't doubt it. Gusto ko lang talaga siyang
panooring kumain ng spicy noodles, gaya last year. This is one of the moments na
walang magja-judge sa 'kin kahit tumingin ako sa kanya, dahil maraming nakatingin
sa kanya. I was using the crowd as a forest so I wouldn't stand out. Para walang
mag-iisip na mapagsamantala ako.

Nagbuntonghininga uli ako nang maalala si Mommy. Last time, mabigat ang katawan
niya, pero okay lang daw siya. And then, ilang araw nang sumasakit ang ulo niya.
'Tapos, ngayon siya magpapatingin kung kailan walang puwedeng sumama sa kanya.
Kahit si Manang Thelma, wala. Nasa bakasyon sa probinsya nila.

"May iba ka pa bang gustong panoorin?" untag ni Cal.

Napatingala ako sa kanya. Papakapal pa rin ang crowd dahil kay Maxwell kahit na
papatapos na halos ang contest. Everyone was busy counting his plates. Ang hirap
tuloy marinig ni Cal.

"Ano 'yon?"

Inakbayan niya 'ko at idinikit sa kanya para hindi maipit ng mga sumisiksik sa
harap ng booth ng Eating Contest.

"Sabi ko, may iba ka pa bang gustong panoorin bukod kay Tejeron?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. I looked around nervously. "Cal! Baka may
makarinig sa 'yo!"

"Maingay sila."

"Kahit na," madiin na sabi ko.

"Dito lang ba muna tayo?" aniya. Matigas ang braso niyang pomoprotekta sa 'kin. I
felt small and weak.

"Dito lang muna sana."

Sumimangot siya pero tumango naman. "Sige na nga. Lakas ng trip mo."

Ngumiti lang ako sa kanya. Pagsulyap ko uli kay Maxwell, mabilis pa rin ang kain
niya pero nakasimangot na. Naaanghangan na siguro sa noodles. He's on his 22nd
plate, eh.
Poor him. Wala akong maiaabot sa kanya for his tummy after here dahil baka may
makakita sa 'kin. Kapapalit pa lang ng schoolyear at kawawala pa lang ng atensyon
sa akin dahil sa kanya. Ayokong mapagdiskitahan na naman ng mga tao.

Nang tumayo siya after his final plate, malakas ang palakpakan at hiyawan sa isang
part ng crowd. Tinutukso ng mga kaklase kong babae ang naroong kasama nila—si
Celine. Bagong transfer siya at ka-block namin. Sasandali pa lang siya sa school
but everyone ships her for Maxwell because she's like a goddess. Kung may babaeng
babagay kay Maxwell na parang prince, siya 'yon. They look good together that they
even pose for the school's tarpaulin advertisement for Culinary Arts. Nakapaskil
'yon sa gate ng school—a daily reminder of envy.

Celine's specially pretty today, too. Naka-white dress siya na kahit na dumaan na
ang tanghali, invincible sa dumi. Nakalugay ang malambot at mahabang buhok niya.
May kaunting makeup lang sa mukha pero incomparable na sa kahit na sinong makatabi.
Nakangiti lang siya habang nakatayo pero parang nagliliwanag ang puwesto niya.

"Stop teasing me already, girls..." dinig kong sabi niya sa mga kasama. They're my
classmates but they always surround her. Parang fangirls na nakasunod sa bawat
hininga at kilos niya.

They were also the friends that I couldn't win over, even after a whole schoolyear
with them. They easily gravitated towards her.

But who would blame them? Kahit ako, gusto kong mapalapit kay Celine dahil maganda
siya. But I wouldn't dare because of that same reason. Kapag tumabi ang isang gaya
ko sa gaya niya, makikita ng lahat kung gaano ako ka-displeasing sa mata.

Alam na ng lahat na pangit ako. Pero kung didikit pa 'ko sa isang sobrang gandang
gaya niya, lalong makikita kung gaano.

My heart wouldn't survive the comparison.

***

By afternoon, boring na sa school. Cal was food tripping, while I was bothered kasi
nawawala 'yong mga tao sa College namin. Nakakalat naman kami during foundation
week, pero hindi nawawalan ng crowd sa area namin dahil sa food. This was the first
time.

Magtatanong pa lang ako kay Cal kung nasa'n sa tingin niya nagpunta ang mga tao   
nang mangunot ang noo niya sa cell phone niya. He was watching something but there
was no sound so I don't have a clue what.

"What's that?" untag ko. "What's interesting?"


Matagal siyang tumingin sa 'kin. "Naka-facebook live isang kaklase natin," sabi
niya. "Si Lilia."

"Really? What is it? May sinalihan na contest?"

Ibinigay sa 'kin ni Calyx ang cell phone niya. Itinaas ko naman ang volume niyon.
The video was being taken at the College of Social Sciences. May Find Your Date
game do'n. May apat na tao sa stage kasama ang babaeng MC. Tatlo ang lalaki at iisa
ang babae. They were all sitting, except there was a wall between the three guys
and the girl.

Si Celine ang babaeng searcher. Sa tatlong lalaking searchee, kasama si Maxwell.


Nakasimangot.

"Oh. It's a dating game."

"Hmm."

Tumingin ako kay Cal. "Can I watch it in your phone?"

"Sa phone lang? Puwede tayong pumunta sa SocSci building."

Nilunok ko ang kaba at takot na umahon sa lalamunan ko. Puwede nga pero nando'n ang
mga kaklase namin. If I go there, kahit na kasama ko si Calyx, all they would see
was I was there. Baka kung ano'ng isipin nila. Malinaw pa sa memory ko ang
masasamang tingin at bulong no'ng nakipag-contract date ako kay Maxwell. Everyone's
calling me a leech and an opportunist. I don't know if Cal knew about it, but if I
wasn't careful, he might. Magagalit siya. Baka may makaaway pa.

It's a consequence of being ugly. Ayokong maapektuhan siya ng tinitiis ko.

"Ano?" untag niya pa sa 'kin.

"Uhm... dito na lang. Siguro."

Matagal siyang tumingin sa 'kin. Binabantayan ang kilos ko at binabasa ang


expression ko. "Sigurado?"

I nodded.

"Okay."

Itinuon ko ang mata ko sa live video.


"I love going on romantic dates. If you're going to date me for the first time,
saan n'yo 'ko dadalhin at ano ang gagawin o mga gagawin natin?" tanong ni Celine.

"Thank you for that question," ani ng MC. "Who wants to answer first among our
Searchees? Please take the microphone."

May kani-kaniyang hawak na mic ang mga lalaking nakaupo.

Unang sumagot si Searchee number 2. "Siguro... I'll take you to watch sunset by the
sea. Maglalakad tayo nang magkahawak-hawak sa tabi ng dagat. I'll give you my
jacket when you get cold. We will also have a romantic dinner at night."

"Thank you for that? How about you, Searchee number 1?"

"I'll take you on a roadtrip. I heard, uh, you love food, so we'll make stops to
sample food before buying what we want for a food trip. Titigil tayo sa kung saan
overlooking para tumanaw sa city lights o kung hindi naman, 'yong maganda ang view.
I'll just talk to you and really listen to you. I think that will be romantic."

Pumalakpak ang crowd habang nagbo-boo ang mga kaklase kong hagip sa video.

"How about you, Searchee number 3?" untag ng MC.

Si Maxwell ang tinatanong. Humiyaw ang mga kaklase ko.

Seryoso ang mukha ni Maxwell nang kunin ang microphone. Dinig doon ang
buntonghininga niya. "I don't want to date you so I don't have any idea on how to
date you."

Natahimik sandali ang lahat bago magkaroon ng bulungan bago maghiyawan.

"Hard to get!" "Just date the girl!" "Ang boring mo sumagot." "If you don't like
her, get lost!" "KJ!" "Pakipot 'yan! 'Sus." "Guwapo pero boring!"

Napahinga ako nang malalim. Is he saying he doesn't like Celine romantically? Kahit
na ang ganda-ganda nito? Kahit na bagay sila? Kahit na may tarpaulin at poster na
sila together? Kahit na buong college hanggang faculty ay sini-ship sila?

Why? Gaano kataas ang taste niya? Ano pa'ng hinahanap niya na wala si Celine?

"Okay, let's leave it at that. Searcher, what's your last question for your
searchees?" ani ng MC.
Nakangiti si Celine na parang hindi alintana ang sinabi ni Maxwell. "You already
answered three questions from me. I'm grateful. To make up my mind, please tell me
one last thing today for me to pick you. Anything."

Mahina ang bulungan ng mga nanonood habang nag-iisip ang mga lalaki. Maxwell still
looked bored. Lagi siyang tumitingin sa black watch sa kamay niya. Nagche-check din
ng cell phone niya.

I wonder what he's going to say.

"Ready, Searchees? Give it your best shot. If you win a date with our beautiful
Searcher, dederetso kayo sa Contract Dating sa College of Business."

Sila pala uli kakuntsaba for this. Nagbuga ako ng hangin. I wish I could go back to
that day I dated Maxwell; that day I took a risk. Kung makababalik ako sa araw na
'yon, hindi ako padadala kay Maxwell. I'd been hated on more because of that day.

Sometimes I think it's okay, because I couldn't change people's mind about me. But
most of the time, I think the date's not worth it.

"Searchee number 2?" untag ng MC.

Tumikhim si number 2 bago magsalita. "I like you. I want a date with you. Kahit
isang beses lang. Please pick me."

Malakas ang tili at hiyawan sa sinabi niya. Sumunod si number 1.

"If you give me a chance to date you for today, I'll be the luckiest."

Lalong lumakas ang tilian sa paligid. Nanginginig na rin ang camera ni Lil dahil
siguro sa kilig. But they were chanting Maxwell and Celine's name. MaxLine ang ship
name.

Nagbuntonghininga ako.

"And you, number 3?"

Mas mahaba ang buntonghininga ni Maxwell sa microphone. "I want to go home early
today. Don't pick me, Celine."

Nag-ingay sa boo at curses ang mga nando'n. Nagagalit ang mga lalaki dahil they
could have used the chance better than Maxwell daw. Ang mga babae naman,
disappointed.
"Well, it's up to our Searcher to choose. Did you pick someone na o do you need
time to think?" sabi ng MC kay Celine. Sinilip niya ito mula sa nakaharang na wall.

"No need. I know who I want to date," sabi ni Celine.

"Okay. Before we reveal your choice, here are flowers from Flower Shower." Iniakyat
sa stage ang isang malaking bouquet ng assorted na bulaklak. Kasunod niyon ay isang
malaking stuffed toy at isang malaking box ng chocolates. "We also have this Shelly
the teddy from Puffy Stuffy and chocolate snacks from Sweet Love, Dentist. Ang
lahat ng ito ay ibibigay ng ating Searchee sa ating Searcher, bilang simula ng
kanilang date."

Nagpalakpakan ang mga nanonood. My breath's getting caught on my throat. May


nagcha-chant pa rin ng ship name sa crowd.

"Our Searcher is a transferee and a sophomore in Culinary Arts. Kilala siya ng


lahat dahil mula sa gate pa lang, malaki na ang poster at tarpaulin kung saan naka-
advertise ang College of Culinary Arts. She loves music, books, and movies. At kung
may chance, magiging panda siya eating bamboo all day with her panda hands. Let's
give a round of applause to Celine Anjenette de Blas!"

Sumipol ang mga lalaki sa crowd habang in awe ang mga babae. Nagpatuloy naman ang
MC.

"The most important part of this game is here. Miss de Blas, who do you want to be
your contract date among our Searchees?"

Maganda ang ngiti ni Celine sa lahat. Sumulyap siya kay Lil na may hawak ng camera
kaya may ideya na 'ko kung sino ang pipiliin niya.

"This might be a shock because his answers were weird but I think I could talk to
him without getting uncomfortable or trying hard to please? So for my date, I pick
Searchee number 3."

Halo-halo ang reaction ng mga nakasaksi habang nanginig naman ang camera kasabay ng
malakas na tilian. Lalong isinigaw ang ship name. But Maxwell looked displeased so
ibinalik ko na kay Cal ang cell phone.

"Too interesting?" ani Cal sa 'kin.

Walang gana akong ngumiti. Hininaan niya ang volume ng phone bago i-screen off
iyon, bago ibulsa.

I sighed. I know Celine would choose Maxwell. Why wouldn't she? Parang magagalit
'yong mga kaklase namin kapag hindi si Maxwell eh. Distasteful 'yong mga inabutan
kong sagot ni Maxwell pero ang lakas pa rin ng sigaw ng mga tao sa ship name. And
if I'd be honest about it... parang crush ni Celine si Maxwell since day one.
"Uwi tayo nang maaga ngayon, Cal," aya ko.

"Bakit?"

"Siyempre, si Mommy..." sabi ko.

But I was lying. Gusto kong umuwi nang maaga dahil ayokong masulyapan man lang na
nag-iikot sina Maxwell at Celine sa buong school, trying to complete tasks to
fulfill their contract date.

"Sige. Ubusin ko lang 'tong burritos."

Pilit akong ngumiti kay Calyx. #0207ma / 04262020

        Chapter 10 part 2 [Cliche (Candy Stories #5)]

            TCWDM: I was tired and really sleepy but couldn't sleep so I wrote
really, really fast. However, di ko pa to na-edit so sorry sa mga typo and errors.
Will check on this in the morning. Labyu ~

***

"Mommy?" tawag ko agad nang makapasok sa loob ng bahay. Nobody's in the living
room, kaya dumeretso ako sa kusina. She wasn't there, too. "Mom?" Nagtuloy ako sa
kuwarto nila ni Daddy at mahinang kumatok. "I'm home po."

I heard the door locked kaya nangunot ang noo ko. Parang nasa loob si Mommy pero
bakit nag-lock? Hindi niya ba narinig ang katok o ang sinabi ko? My voice was too
soft sometimes.

Before I could return to the living room, bumukas ang pinto ng kuwarto at lumabas
siya. Kahihilamos lang ni Mommy. Suot din niya ang salamin niya sa mata, na
bibihira na niyang suotin.

"Why do you wear glasses po? Are you trying to read something?" Pinakatitigan ko
siya. I was worried that she wouldn't look okay. And true enough, napalunok ako
dahil parang namumula ang mga mata niya. "Uhm... Did you cry po?" mahinang tanong
ko.

Ngumiti siya na siguradong para alisin ang pag-aalala ko. But she really looked
like she cried. "Silly. Bakit ako iiyak? I was reading something mula kanina.
Sumakit lang ang mata ko, kaya siguro namumula..." Hinawakan niya 'ko sa braso at
iginiya papunta sa kusina. "Are you hungry? Bakit maaga kang umuwi?"
Stuffy ang boses ni Mommy. Namumula rin nang kaunti ang ilong niya. And if she was
indeed reading something earlier... why would she wash her face? She always told me
not to do it right after watching TV, using my laptop or phone, or reading, because
it might affect my eyesight. But she's changing the topic that I couldn't probe.

"Ano... Okay naman po ang result ng check up n'yo?" I managed to ask softly.

Iniupo niya 'ko sa mesa sa kusina habang dumeretso naman siya sa ref. I couldn't
tell her that I was still full. Baka kasi sabihin niyang magpahinga na lang ako.
Nagwo-worry ako sa kanya.

Kumuha siya ng buko salad sa ref at naglagay ng serving sa clear bowl. Tig-isa
kami.

"Do you want a sandwich, too? I can make them for you, Princess," sabi niya na
sasandaling lumingon sa 'kin.

I might have been looking too intently, because she smiled and pinched my cheek.
"Mommy!"

"You looked like a scared little cat," aniya.

I pouted. "I don't want a sandwich po." I remember Maxwell sa tuwing may sandwich.
Gusto ko nang mag-ban ng sandwich sa buong buhay ko. But I can't. Like Maxwell, I
like sandwiches. Hindi lang ako maggi-give in kapag kaya ko. Pero most of the time,
I would give in. I'm sure. "Upo ka na po."

Naupo si Mommy sa tapat ko matapos akong bigyan ng kubyertos.

"How's your check up?" mahinang tanong ko.

"It's okay, siyempre. Usual headaches lang daw. I have to observe a few days more
para malaman kung ito ay migraine. May iniresetang gamot sa akin ang doctor, kapag
hindi ko kaya ang kirot," she said casually.

I was getting suspicious with all her sweet smile. Parang may mali. I have a bad
feeling in my gut and I don't like it. "Hindi mo po ba kaya minsan ang headache mo?
Baka you need more rest?"

"I'm okay. Don't worry about me too much."

Natahimik ako.

"Bakit maaga kang umuwi? Problem at school?"


Ako naman ang alanganing ngumiti. May problem ako sa school mula pa first year.
Nababawasan lang noon dahil kay Calyx. Lumala lately dahil kay Maxwell. So, if
that's the question, then the answer would be: lately, I have constant problems at
school. But I couldn't tell her that. Lagi na ngang may masakit kay Mommy,
dadagdagan ko pa ang worries niya.

"Nothing po. I just got bored. Tapos, nag-worry ako sa 'yo. Ikaw kasi, Mommy..."
ani ko.

"What?" Nakangiti uli siya sa 'kin.

"You should have let me go with you kanina."

"It's okay. Nag-enjoy ka naman siguro sa school kahit pa'no?"

I got to watch Maxwell without anyone getting angry, pero sumama ang loob ko before
going home. Okay na rin siguro. "Enjoy naman po."

"Tell me if you're having problems, ha?"

But I couldn't. Mommy always tell me that I should love myself more. That I should
look at myself more kindly. That I should realize how beautiful I am as a person.
And I was really trying. I was trying so hard to go to the derma so that these
things on my face would go away. Or at least, for these to heal. I was trying so
hard to be invisible to the girls at school so my face won't offend them. I was
trying so hard to be of use to them so they won't take my presence as something
bad. Pero kahit ano'ng try ko, nababalewala. It's hard to love myself because
everyone seems to hate me.

"Wala naman po..." sabi ko.   

Matagal tumingin sa akin si Mommy. "Those things on your face won't stay forever,
Princess. Modern na ang technology at ang medicine. Basta 'wag ka na uling gagamit
no'ng suspicious na cream from bangketa. It hurt your skin lalo."

Tumango ako. The cream I used caused more infection on my skin. Nag-penetrate ang
puss ng acne ko sa mas malalim na layer ng skin ko because of it. Sure, it gave
temporary relief and treatment. Mas masakit at matagal pala ang kapalit.

"I won't po."

"How's Maxwell pala?" she asked. May himig ng panunukso na naman siya sa boses.

How do I tell her that Maxwell's being shipped to someone so beautiful?


"He's good po," sagot ko.

" 'Yon lang? Hindi kayo magde-date this year?"

Pero may iba na siyang ka-date, all because of that dating game. Yayayain niya rin
kayang magpakasal si Celine? Bibigyan niya rin kaya ng singsing and all that?

Napasimangot ako.

"Why the sad face? Hindi kayo magde-date this year?" si Mommy uli.

"No..." Nagmostra ako sa pagtanggi. "No po, Mommy. Uhm... He's too busy in
different contest po. And I don't think na may magpa-prank po uli sa amin para
makapag-date."

"How many times should I tell you that your date last year might not have been a
prank?"

I pouted and scooped salad. Isinubo ko at hinayaang kumalat ang tamis, lagkit, at
lamig sa bibig ko.

"Aurora..."

"There's this girl in school, Mommy, bagay na bagay sila ni Maxwell." May kumirot
sa dibdib ko nang sabihin iyon. "I think all the girls who like Maxwell conceded
because they really looked good together. Sini-ship nila si girl sa kanya."

Sumubo uli ako ng salad para kasamang malunok ang sama ng loob na umaahon sa dibdib
ko. Why was I so affected? Por que ba first love ko siya? Por que ba bagay sila ni
Celine at kailangan ko iyong sabihin? Dapat, hindi ko na lang pala sinabi nang
malakas. Giving it a voice was like giving it a soul.

"So what? Kahit i-ship nila sa kanya, if he doesn't like her, nothing will happen."

I licked my lips. "What's not to like about Celine? She's perfect for him. Kapag
hindi niya nagustuhan si Celine, wala nang babagay pa sa kanya. She's flawless."

"Maxwell might be looking at something else than just the physical, Aurora. Is he
that shallow to only look at the face?"

Napatungo ako sa bowl ng salad ko. Maxwell's not shallow. If he was, he wouldn't
even talk to me... I guess.
"Hindi po yata..." mahinang sabi ko.

"I'm sure na hindi. Iba ang pagpapalaki ni Mona sa mga pamangkin niya," tukoy ni
Mommy sa Tita ni Maxwell. Nakapag-uusap sila kapag umo-order si Mommy ng cake.

Pilit akong ngumiti. Maxwell might not be shallow, but he sure isn't blind. Mabait
at matalino si Celine. He'll like her.

"What are you going to do po tomorrow?" untag ko naman.

"W-wala naman, Princess. Why?"

"Gusto ko po sanang dito lang. O sasamahan ko kayo sa tindahan?"

"Attend the event at school, anak. Once a year lang 'yan, 'di ba? You might have
fun. There's Calyx and Maxwell."

Humaba ang nguso ko. Pareho naman ako patatabain ng mga 'yon, eh. Si Calyx, puro
yaya sa pagkain at pag-sample ng food. Si Maxwell, nakagaganang panoorin kumain
kaya mapapakain din ako. "Sa'n ka po ba bukas?" ani ko.

"Sa tindahan lang. Pero magagalit ako sa 'yo kapag nagbantay ka kasama ko kaysa
magpunta sa school. Minsan ka lang maging bata, Princess. Enjoy it."

Ngumiti na lang ako at tumango para hindi na siya mag-alala pa.

***

Second year, Culinary Arts


August, 2nd day of Foundation week

Calyx got sued for Sue Your Crush and I couldn't go with him. Kaya here I was,
nakaupo at out of place sa mga booth sa ibaba ng building namin. I was done with
potato fries and done with all the looks everyone was giving me. Ayokong wala si
Cal sa tabi ko dahil ganito. But I told him to just go and not worry about me.
Dapat siguro, umuwi na lang ako.

I was munching on my last fries when someone sat across me. Nanlaki ang mata ko
nang makita si Celine.

"Hi," she said.

"Uhm..." Luminga ako sa paligid. Nag-check ako sa likod ko. I pointed to myself
while stupidly munching pa rin. Hu-hu. "Ako?"
She smiled and nodded. "Yes, you, Aurora."

"Uhm..." Why was she calling me Aurora? I was Kimmy to everyone else. "Why?"

"I need your help."

"Why?" ulit ko.

Inilapag niya sa table ko ang ilang stubs of what looked like booth passes.

"Can you use these instead of me?"

"Uhm..." I'd feel dumb by asking again but, "Why...?"

"It wouldn't be good if someone saw me throwing it," sabi niya at awkward na
ngumiti. Luminga siya sa paligid. "Maraming nagbibigay ng stub and they expect me
to use it. Sabi ko, I'll try pero 'pag hindi kaya, ibibigay ko na lang sa iba.
Nabigyan ko na sina Lil at kahit 'yong tagaibang blocks pero may natira pa rin."

Whoa. She's really popular. At mukha siguro akong bored at walang gagawin all day
kaya sa akin na siya lumapit. I wasn't moving from my seat for an hour na yata.

I stared at the passes. Dadalawang klase lang pala 'yon. Passes for the private
karaoke sa College of Music at passes sa sleeping booth sa SocSci. Hindi ko rin
naman magagamit 'yong sa College of Music.

"Eh... do you really want to give me these?" mahinang ani ko.

"Yes. Why?"

"Uhm... Hindi kasi ako nagkakaraoke. Puwedeng 'yong pass na lang sa sleeping booth?
I can help you kung 'yong sa sleeping booth lang."

"Oh, okay. Thank you, thank you..."

Ngumiti ako sa kanya. Nagbalik siya ng ngiti bago tumayo, bitbit ang para sa
private karaoke.

I wonder kung paano pinayagan ng College of Social Sciences na magkaroon sila ng


sleeping booth. Ang official name niyon ay Tara, Tulog! Ang sabi sa pass, puwedeng
mag-stay at matulog for two hours. Puwede ring gumamit ng dalawang stub na
magkasunod, basta at walang tao.
But I doubt na walang tao. Marami sa amin ang gustong matulog dahil bored. Required
kaming pumunta sa school kahit wala kaming gagawin o walang tatauhang booth.
Puwedeng hindi pumunta pero needed ng valid reason. Sa college namin, nagche-check
pa ng attendance.

Nagbuntonghininga ako bago bored na tumayo. Naghintay ako ng shuttle service para
dumayo sa SocSci. I better sleep dahil mukhang matatagalan na naman si Calyx sa Sue
Your Crush.

***

I stared at the twinkling colors of the Tara, Tulog! booth. Yellow ang letters.
Bluish ang background. May mga stars na design. It looked like a booth made for
Twinkle, Twinkle Little Star.

It's actually the building's storage room, pero mukhang inayos. Ilan kaya ang bed
sa loob? And nagpapalit kaya sila ng sheets? Baka mangati ako.

"Papasok po ba?" ani ng babaeng officer sa bungad.

"Uhm... Y-yes..." Anxious kong inabot ang isang pass sa kanya.

"Maluwag po ngayon sa loob. Magdo-double pass po ba?"

Inabot ko ang isa pang pass. Inilaglag iyon ni officer sa chest box na nasa mesa
niya bago ako bigyan ng isang papel.

"Ito po ang conditions." Tumuro siya sa papel. "You'll be given a pillow and
blanket po. It's newly washed. Isu-surrender mo 'yon paglabas mo. Once inside,
pipili ka lang ng higaan na pupuwestuhan mo. Bawal magpalit ng puwesto kapag
nakapili ka na. If needed talaga for some reason, you can tell me. May curtains na
nagdi-divide sa mga beds.

"Gadgets are allowed inside pero dapat ay naka-silent. Respeto po sa mga natutulog.

"No overstaying. Two passes means four hours of stay. Puwedeng mag-cut ng oras pero
hindi puwedeng mag-extend. Paaalisin ka rin kung hindi ka naman talaga matutulog.

"Understood po ba?"

Tumango ako.

"Pakisulat po rito ang name mo, then pirma." Itinuro niya ang blank sa dulo ng
papel.

Matapos kong gawin ang sinasabi niya, sinamahan niya akong pumasok sa loob at
binigyan nga ako ng unan at kumot.    May maliit na basket din para sa phone ko.
Ang shoulder bag ko, puwede raw sa ilalim ng kama. Natatabingan ng kurtina ang mga
higaang okupado.

Ang pinakadulong puwesto na malapit sa bintana ang pinili ko. I wasn't really
sleepy but I could pretend. At least dito sa booth, tahimik. Wala ring mga matang
titingin o mag-uusisa sa akin.

I was lying on my bed looking at my phone when the bed beside mine sort of quaked.
Parang napakabigat ng galaw ng naroon. Nakiramdam ako.

Nang wala naman akong marinig na tunog o anumang pagkilos, napabuntonghininga ako.
Para lang magitla dahil sa biglang...

"Aurora?" mahinang tawag ng katabing higaan.

It... it sounded like Maxwell's voice!

"Aurora? Ikaw 'yan, 'di ba?"

Uhm... How did he know? Nag-sigh lang naman ako?

"Maxwell?" balik tawag ko.

Natahimik kami sandali. Mali ba 'ko? Pero hindi ko maipagkakamali ang boses ni
Maxwell.

"Puwede mo bang hawiin nang kaunti ang kurtina mo?" he softly asked.

Napalunok ako. Why would he ask that?

"Uhm..."

"Nakahawi 'yong sa 'kin..." dagdag niya pa. "It's okay if you're uncomfortable."

Huminga ako nang malalim. "Sandali..."

Nanginginig ang mga kamay ko nang hawiin nang bahagya ang kurtina kong nakatabing
sa kinahihigaan ko. I made an opening, just enough for my eyes to be seen.
Nakahiga si Maxwell sa kabilang kama, nakabaling ang mukha sa gawi ko. Sinalubong
niya 'ko ng ngiti.

"Hi. It's nice to see you," sabi niya.

My heart skipped a beat. #1209ma / 04282020

        Chapter 10 part 3 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Maliit akong kumaway kay Maxwell. Na failed dahil hindi naman niya nakita sa siwang
na ginawa ko. He still smiled nonetheless.

"Uhm... Nandito ka pala..." sabi ko.

Peace of mind at tulog ang gusto ko kaya ako nagpunta sa sleeping booth. But
Maxwell means ligalig and kilig. Parehong bagay 'yon na hindi ko mapakisamahan.
Gaya ngayon, sobrang tuliro ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung ano'ng
sasabihin sa kanya. I was surprised, happy, and bothered, all at the same time.
Gusto ko siyang nakikita nang ganito kalapit... pero natatakot din ako.

"Nagtatago lang," sagot niya sa 'kin.

Pumagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Na-awkward ako sa palitan namin ng


sulyap at sa pagkapaso every time.

"Bakit ka nagtatago?" I whispered. Baka marinig ng officer sa labas ang pag-uusap


namin, lagot kami. Baka palabasin kami pareho.

"May naghahanap sa 'kin para sa Dating Authority at sa Sue Your Crush. Eh, gusto ko
lang namang mag-food trip," mahina rin ang boses na sagot niya.

Halos walang tunog ang pagtawa ko. Nakatingin siya kaya hindi ako nakatingin sa
kanya. "Wait... uhm... So, may nakakaalam ba na nandito ka? Nakita ka ng mga
marshals? O hindi?"

"Nakita na 'ko. Tinakbuhan ko lang."

I couldn't imagine him running away from them. Hindi lang iisa ang nagma-marshal
minsan. "Hindi ka hinabol?" Kasi kung hinabol siya ng parehong Dating Authority at
Sue Your Crush, then he was outnumbered. Mahihirapan siyang umiwas at magtago sa
kanila.
"Hinabol ako hanggang dito. May immunity 'tong booth sa mga dating booth."

Nanlaki ang mata ko. "Really?" I tried my best to keep my voice low, kahit gulat
ako. "How?"

"May mga nagreklamo raw last year how they were stuck sa DA at SYC booth. Kaya this
year, may bagong rules. Kapag nakipag-contract dating na sa Dating Authority any
day during foundation week, hindi na puwedeng umulit."

Oh. Then that means he couldn't date anymore since he dated Celine yesterday. Bakit
pa rin siya nagtatago sa kanila?

"Sa Sue Your Crush, kapag nakatanggap ng more than 20 complaints, pipili na lang
ang complainee ng imi-meet o ng ika-counter sue. Hindi na kailangang sagutin
lahat," dagdag niya pa. " 'Tapos may mga booth din na humingi ng immunity from
other booths. Isa 'tong Tara, Tulog! sa may immunity. Kapag nandito ang complainee,
hindi puwedeng puwersahing sumama sa booths nila."

"That's why you're hiding here," ani ko.

"Yes."

Napatango-tango ako. "Wait... Kung may immunity 'tong booth sa Sue Your Crush, then
I should tell Calyx! Puwede siyang magtago rin dito," napalakas na sabi ko. "Let me
call him."

Kukunin ko pa lang ang cell phone ko sa basket sa tagiliran ko nang...

" 'Wag na."

Napatingin ako kay Maxwell. Did he say...

" 'Wag mo na siyang sabihan, Aurora," mas tiyak na sabi niya. "Kaya na niyang
sarili niya ro'n."

"But..."

"Saka wala nang bakante rito sa booth," aniya pa.

Parang meron naman kanina. I saw, eh. There were vacant beds pa. But I couldn't
correct him, because... whoa... his smile.

"Saka kung nasa Sue Your Crush na siya, hindi na siya basta makakaalis do'n,"
dagdag pa niya.
"But... shouldn't I, at least, tell him?"

" 'Wag na," ulit niya at ngumiti.

"O-okay."

Sasabihan ko na lang siguro si Calyx kapag unang nag-text sa 'kin.

Natahimik uli kami. Itinuon ko ang mga mata ko sa kisame ng silid kaysa kay
Maxwell. Kaso lang...

"Aurora..."

Bumaling ako sa kanya.

"Gusto mo ng donut?"

"Ha?"

Bumangon siya at nag-indian sit sa higaan. Inabot niya ang bag niyang nasa ilalim
at naglabas ng isang maliit na box ng donut doon. Inangat na niya ang takip niyon
bago ialok sa akin.

"Puwede ba ang food dito?" ani ko.

Nagkibit-balikat siya. "Wala namang nakalagay sa conditions."

Wala nga, but...

"May buko juice nga rin akong dala, eh."

Kumuha si Maxwell ng maliit na bottle ng juice. Naglabas din siya ng chocolates,


potato chips, maliit na box ng hopia, at nakabalot na mochi. Naupo na rin ako sa
hihigan ko dahil mukhang balak niyang mag-food trip at alukin ako. It would be
awkward kung kakain siya tapos ako, nakahiga pa rin. Itinakip ko na lang sa lap ko
ang kumot na ibinigay sa akin, since naka-skirt ako.

"That's not buko juice lang..." I said in awe. Ang laki yata ng bag niya. Puro
pagkain lang ba ang laman niyon?

Mahina lang siyang tumawa. "Eh, kasi nga, gusto ko lang mag-food trip. Kain tayo."
Kumuha ako sa bag ko ng wet wipes at inabot sa kanya. "For your hands.
Antibacterial 'yan. Before we eat."

Tinanggap niya iyon at ipinanglinis sa kamay niya. He has long, slender fingers.
May paso ang ilang daliri at maging bubong ng palad niya. May bagong band-aid din.

Gusto kong magtanong about it pero nakahihiya.

When we're done cleaning our hands, kumuha ako ng isang glazed donut sa box.
Bavarian naman ang kay Maxwell. We both munched silently. Naiilang lang ako 'pag
nagkakatinginan kami tapos nakabukol ang food sa bibig ko. But he'd just smile.
Like always.

Nasa hopia at chips na kami nang magsalita uli siya.

"Last year... we didn't get to fulfill our promise."

Naubo ako sa piraso ng chips na bumara sa lalamunan ko. Basta kay Maxwell, mali-
mali ang paghinga ko minsan. He shouldn't ask me questions when I'm eating! I might
die!

"Sorry... Are you... okay?" aniya.

Tinakpan ko ng tissue ang bibig ko para hindi masyadong maingay. And para hindi
nakahihiya in case something, uh, fly out.

Inirapan ko siya. Ngumiti pa. Ano kaya 'yon?

"Sorry uli..." he said.

"O—" I coughed. "O-kay. Uhm... and what, uh, promise?

"That we'd be each other's date for the acquaintance party."

"Ah... 'yon."

"Nagkasakit ka, eh."

That's what I told Maxwell. Pero hindi talaga ako nagkasakit that night. I just
didn't go. Malicious na ang mga kaklase ko sa 'kin because of my date with him.
Kumalat kasi sa school. Some even took pictures secretly. Pinagbintangan akong ako
raw ang nag-set up. Nagsabi naman akong hindi, but they wouldn't believe me. 'Ayun.
Ayoko na lang na ma-fuel lalo 'yong inis nila.

"Sorry uli do'n..." halos bulong ko.

"Okay lang. Iniisip ko lang... how about this year?"

"Ha?" Sinalubong ko ang mga mata niya. Napapaso uli ako pero hindi ako makapikit o
makaiwas. He's a magnet pulling me in.

"Be my date this year, Aurora."

He asked sincerely. Nakaka-melt. Ang sarap pumayag. Pero parang magkakasakit uli
ako this year.

"Uhm... I won't attend this year, eh," sabi ko na lang.

Nangunot ang noo niya. Huminto siya sa pagsusubo ng chips bago magtanong. "Bakit?"

"Ayoko lang. Sorry."

Parang pinag-aaralan niya 'ko habang nakatingin siya sa 'kin. Hinahanap siguro sa
mukha ko ang sagot. And it should be easy to catch, because the answer was really
in my face—tadtad ako ng acne at halos bukol-bukol ang mukha ko. I was hideous. I
couldn't date someone as perfect as him, because Beauty and the Beast was only a
fairytale. At acceptable lang 'yon dahil maganda si Beauty at kahit na beast si
Beast, naging prince siya sa dulo. But I'm an ugly duckling that wouldn't become
swan. I'm a beast that wouldn't become a princess.

We'll never be suited for each other.

"Why don't you ask Celine to be your date?" ani ko. Nagawang lumabas ng tanong sa
bibig ko bago ko pa mapigilan.

"Bakit ko siya yayayain?" balik niya.

Nag-date naman na sila kahapon. Hindi niya ba nagustuhan? I'm sure the people who
saw them were happy. They're good to look at—separately and together.

"Bagay kayo..." mahinang sabi ko. Sa kumot ko ako nakatungo.

"Ano, Aurora?"

Nag-angat ako ng tingin kay Maxwell. Pinilit kong ngumiti bago ulitin ang mga
salitang sumusugat sa lalamunan ko. "Bagay kayo... ni Celine."

"Hindi."

I blinked.

"Hindi kami bagay, Aurora."

"No. You just don't see it because you're you. But you and Celine suit each other.
Ang lakas ng chemistry n'yo." Pasimangot siya nang pasimangot habang nagsasalita
ako. "Tingnan mo, ang daming kinikilig sa poster at tarpaulin n'yo sa may gate."

Nagbuga siya ng hangin. Nangalumbaba siya habang nakatingin sa 'kin. "Kinikilig ka


rin?"

What? Bakit ako?

"Why... are you even asking me?" maliit ang boses na tanong ko.

"Kinikilig ka rin, Aurora?" ulit niya.

Sa kanya, yes. Kay Celine, siyempre hindi. Sa kanilang dalawa... hmp.

"Oo o hindi?"

Lumunok ako. Inabutan niya 'ko ng bote ng buko juice. Binuksan na rin niya para sa
'kin. I took my time drinking from the bottle pero hindi ako nilulubayan ng tingin
niya.

Hu-hu. Why is he still looking? Baka maubos ko 'tong buong bottle just to buy time.
Hu-hu-hu.

Nang maibaba ko ang bote...

"Oo o hindi?" ulit niya.

"Puwedeng... pahingi ng mochi?"

Nag-abot siya ng isang nakaplastik. Binuksan na rin niya.

"Kailangan mong sumagot, Aurora..." he said, his voice almost pleading. He sighed.
Nagkatinginan kami.

Bakit kasi ako ang tinatanong, eh. Wala naman akong kinalaman kung bagay sila o
kung nakakikilig sila. Hu-hu. Why does it feel like he's punishing me? Wala naman
akong sinabing masama?

"Eh... I don't know?" ani ko.

"Tingin mo... malakas ang chemistry namin? Ni..." Lumala ang simangot niya. "Ni
Celine?"

"Are you going to get angry if... yes?"

Tumiim ang mga labi niya. "Angry at you? No."

Lumunok ako.

"Tingin mo talaga... bagay kami?"

Kung tingin ko ba ay oo, liligawan na niya. Eh, 'di ligawan na niya! "Yes."

Pareho na kaming nakasimangot sa isa't isa.

"Bakit hindi no?"

"Eh, yes eh."

Maxwell sighed. "Pa'no tayo?"

I froze. Ano'ng... tinatanong niya?

"Pa'no kung tayo? Bagay ba tayo, Aurora?"

He looked serious. He was seriously asking me, too. Hindi natitinag ang
pagkakatingin niya sa 'kin—humihingi ng sagot, ng confirmation. But... he's asking
a ridiculous question!

Think, self. Think. May utak ka naman. Mag-isip ka. Gumana ka rin kahit nandiyan si
Maxwell. Hu-hu-hu-hu.

"Oo o hindi, Aurora?"


Oo. Hindi. Hindi. Oo. Ano'ng tanong? Hu-hu-hu.

Ibinusal ko ang mochi sa bibig ko, hinatak ang kumot sa lap ko, at itinakip sa ulo
ko. Pero...

Hu-hu. May kurtina nga pala. Bakit hindi ko na lang isinara? Hu-hu-hu.

I heard Maxwell move. Hinawakan niya ang kumot at sinubukang hilahin.


Nakipaghilahan ako. Mukha na nga akong tanga, titingnan niya pa. Hu-hu.

"Sorry sa tanong ko." Malumanay na uli ang boses niya. "Nagulat ba kita? Okay na,
kahit 'di mo sagutin..."

I stopped resisting, kaya natanggal niya ang kumot sa ulo ko. Ngumunguya pa rin ako
ng mochi. Hu-hu.

"Sorry..." maamong sabi niya sa 'kin.

Tumango ako. Tumigil ako sa pagnguya kahit na nakabara sa bibig ko ang pagkain.
Dumukwang siya nang kaunti at lumapat ang palad niya sa ulo ko. He fixed my hair.

"Sorry... Ano lang..."

Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Pasimple akong ngumunguya.

Maamo rin ang mga mata niya sa akin. "Wala. Basta... Sorry."

Walang nagsalita sa 'min mula sa pag-aayos niya ng buhok ko hanggang sa maupo na


siya sa katapat na higaan. We looked at each other intently. Pakiramdam ko,
binabasa namin ang isa't isa sa kawalan ng salita. Pakiramdam ko, may sinusubukan
kaming maintindihan sa isa't isa pero hindi namin alam kung ano. Pakiramdam ko, may
gusto siyang sabihin pa na hindi rin niya sasabihin kalaunan, dahil awkward ako.

"Hindi ko yayayain si Celine sa party," sabi niya kapagkuwan. "Ipinangako ko sa 'yo


na ikaw ang date ko para do'n. Hangga't hindi napu-fulfill 'yon, hindi ako
maghahanap ng ibang partner."

I bit my lower lip. I know he was just staying true to a promise but it already
made me so happy. He already made me happy.

Pagsisisihan ko na naman ba ang maliit na ligaya na 'to, pagkalipas nang ilang araw
lang? Nanlalamig ako sa takot at worry.
"Kapag nagbago ang isip mo," patuloy ni Maxwell, "sabihin mo sa 'kin, ha? Ako ang
date mo."

Tumango ako. "Okay..."

Ngumiti na siya uli. Inayos ko naman ang kumot na nasa katawan ko pa.

"Ubusin na natin 'to," aniya sa mga natira pang pagkain do'n.

"Ubusin n'yo talaga 'yan, mga love birds, para matulog na kayo. Single ako, eh.
Parang 'usto ko manakit sa naririnig ko sa inyo..." sabi ng isang boses.

Nanlaki ang mata ko kay Maxwell. He just chuckled.

"Si Game Master lang 'yan," aniya.

Pumalatak si Game Master. "Tulog bago landi. Respeto sa single, ha?"

I pouted. Mas hininaan ko ang boses ko. "I didn't know we still could be heard..."

"Okay lang 'yan. 'Yaan mo siya."

Mahina kaming tumawa. #1227ma / 04292020

        Chapter 11: Dancing lights [Cliche (Candy Stories #5)]

            TCWDM: Unedited itey so baka magulo but will get back to this later
~***

Second year, Culinary Arts


December
STU

"Are you enjoying the trip, Mommy?" I asked while staring at a passing dog sa harap
ng food kiosk namin. Kausap ko si Mommy sa cell phone. Nasa Iceland sila ni Dad
para mamasyal. "Send pictures naman po kayo. I want to see where you went."

"Naku, Princess, alam mo namang we're not good with gadgets. But we'll show you
when we get back," sagot niya.

"Okay po. Baka you're tired na po, just tell me." Para kasing ayaw pang magkuwento
ni Mommy. Baka pagod siya sa trip tapos ang kulit-kulit ko.
"Hindi naman masyado," her voice cracked. "Hindi nga ako sanay na malayo sa inyo.
Nami-miss ko na tuloy kayo ng Kuya mo."

"Eh Mommy, you don't have to miss Kuya. Lagi naman din siyang wala with his
friends. But Kuya Miklos, Kuya Nate, and Kuya Cloud stayed sa bahay nitong
nakaraan. Two nights sila. Uminom lang and boy's night daw. Nag-stay rin sa bahay
si Calyx, after school. He cooked for me while I helped Manang Thelma around the
house."

"I see. Tumawag nga rin ang Kuya mo sa 'kin at naibalita 'yan. It's good that Calyx
cooked for you."

"Opo. Hindi ko naman gusto magluto si Kuya." Bumelat ako kahit hindi makikita ni
Mommy.

"What about your Acquaintance Party tonight? Nasa tindahan ka pa ba? You should be
at the salon by now so they could fix your hair and your make-up. 'Yong dress mo,
naipahanda ko naman na kay Manang."

I know. Nasa mannequin sa kuwarto ko ang ball gown ko, pero hindi ko naman 'yon
magagamit. I decided since foundation week pa na hindi ako pupunta sa Acquaintance
night namin. There were days when I would dream to go, pero laging nanunumbalik ang
desisyon ko. Lalo na no'ng maging usap-usapan sa class namin kung sino'ng magiging
date nino. Sina Lil and friends, pinu-push si Celine to ask Maxwell. Kahapon, ang
alam ko, silang dalawa na ang date.

Calyx asked me if I wanted to be his date, but I also said no. Nahirapan akong
iwasan si Maxwell after foundation week dahil lagi kaming nagkakatagpo kung saan-
saan—corridor, library, clinic, gate ng school, canteen, etc. Whenever he'd see me,
he'd approach and talk to me. Kahit may mga kaklase ako o siya sa paligid,
lalapitan niya 'ko. Hindi ako komportable pero laging lumilipad ang utak ko 'pag
ngumingiti siya, kaya bago ko pa siya mapagbawalan, tapos na kaming mag-usap.

It's a joy and a threat to be close to him. Lagi akong kinakabahan bago, habang, at
pagkatapos. Iba-iba ang dahilan ng kaba sa bawat pagkakataon.

Pero hindi alam ni Mommy na hindi ako pupunta sa party, dahil hindi ko sinabi.
Ayokong mag-worry siya. She would surely ask and I wouldn't be able to lie. Kapag
nagsinungaling ako, mapapanatag siya pero makokonsensiya ako. Kapag naman hindi ako
nagsinungaling, masasaktan siya. I'm precious to her. She wanted me to see myself
and love myself. Kapag nalaman niyang may mga taong ayaw sa 'kin, exactly kung
bakit ayaw ko sa sarili ko, magwo-worry siya. Ayoko.

"Aalis na rin po maya-maya," sabi ko.

"No. You should go now, Aurora. Para hindi ka kapusin sa oras. Sino ang date mo? Si
Maxwell o si Calyx?"
Insecurity ko, actually. But I couldn't tell her that. "Mommy... wala po akong
date. Baka do'n na lang kami magkita ni Calyx sa party."

Ramdam ko ang pagbuntonghininga ni Mommy. "Okay, Princess. We should cut this call
na. You really should go."

Matamlay akong nangiti. Tutunganga na naman ako sa wala rito sa store. "Okay,
Mommy. Be safe kayo ni Dad. Take lots of pictures. I love you."

"I love you, anak. Enjoy your party."

"Yes po."

Naputol ang call pagkatapos niyon. Ibinaba ko ang cell phone ko sa counter at
dalawang kamay na nangalumbaba.

Oh. I should call Calyx. Dinampot ko ang phone ko at nag-dial.

"Ano 'yon, Aurora? Nagbago na isip mo? Pupunta ka na sa party?" aniya agad.

"Not that. Sasabihan lang kita na kausap ko si Mommy kanina at ang alam niya ay
pupunta ako sa party."

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin ni Cal.

"Bukod sa nagsinungaling ka... ano'ng ibig sabihin? Magsisinungaling din ako kay
Tita?"

"Uhm... baka lang tumawag siya sa 'yo. Just in case, sabihin mong ang alam mo ay
pupunta ako. Tapos... 'pag tumawag naman during party, sabihin mong wala pa 'ko.
Ako na ang bahalang mag-isip ng reason na sasabihin kung bakit hindi ako
makakarating. I'll text you, too, kapag may naisip na 'ko," sabi ko.

Dinig ko nang bahagya ang buntonghininga ni Cal. "Puwede ka naman kasing pumunta.
Wala akong date. Tayo na lang."

Bakit wala siyang date eh marami ang gustong maka-date siya? Mas inuna niya pang
mag-committee sa event kaysa maghanap ng date.

"Hindi ako pupunta, Cal."

Natahimik kami. I already decided not to go. Wala nang dapat pag-usapan do'n. Bukod
sa ayokong kabahan lang buong gabi kina Lil and friends, ayoko ring makita kung
ga'no kaganda si Celine o kung ga'no ka-dashing si Maxwell. Ayoko ring makitang
makipagsayaw si Maxwell sa iba. Ayoko ring makita silang i-nominate for King and
Queen of the Night, 'tapos magsasayaw sila sa harap ko. Baka maiyak ako 'tapos
hindi ko naman puwedeng sabihin kung bakit.

"Alam mo bang hindi rin pupunta si Maxwell?" aniya.

Nangunot ang noo ko. "What? Bakit daw? Sa'n mo nalaman?"

" 'Yong mga lagi niyang kasama, part ng committee para sa event mamaya. May sakit
daw si Tejeron. Hindi raw pupunta sa party."

"May sakit siya? Pinuntahan nila?"

"Gusto nilang dalawin pero hindi nila alam ang bahay. Ayoko namang sabihin na alam
ko kung sa'n nakatira. 'Di ko naman bahay."

Hala. They're friends with him but they didn't know?

"Ako lang ang nandito. Okay lang kung pupunta ka."

"Uhm... Wala kang date? Bakit?"

"Ayoko. Hindi rin naman ako sasayaw."

Huminga ako nang malalim.

"You didn't go last year dahil kay Tejeron. Ngayong year din ba? Hanggang fourth
year na ba 'yan?"

Lumabi ako. This Cal. Nagna-nag. "You're nagging!"

"Kasi hindi mo nae-enjoy 'yong puwede mong ma-enjoy dahil lang kay Tejeron."

It's not just because of him. Hindi ko rin naman talaga mae-enjoy ang parties kung
saan puwede akong mag-ayos at magbihis dahil wala namang magbabago sa itsura ko.
Hindi kakayaning takpan ng make-up ang acne ko. Balls and gatherings are for
beautiful girls. 'Yong mga naturally na maganda, palaayos man on a daily basis o
hindi. Sa gano'ng pagtitipon sila nagta-transform. Guys who ignore them realize
they're beautiful and get to see them in a different light. Ako, kahit ano'ng
attempt para mag-transform, magpe-fail. Because my problem is my face. Wala akong
gandang itinatago na puwedeng ilabas. Ang mayro'n ako ay kapangitan na hindi
maitago.
"You know that's not true. Enjoy ka na lang diyan, Cal. Find someone to dance with.
Take pictures and show me."

"Ayoko nga."

I clicked my tongue. "Tse. Bahala ka na nga."

Mahina siyang tumawa. "Sana next year, maisayaw na kita."

"Sige. 'Pag hindi na 'ko pangit."

"Hindi ka pangit." He sighed. Dinig sa phone.

"Mahal mo 'ko, eh. Best friend mo 'ko, eh."

"Not... Nothing." He sighed again. "Sige na. May mga gagawin pa 'ko rito.
Magpasundo ka kay Kuya Rius pauwi. Magpatulong ka rin diyan sa tindahan."

"Yes. Enjoy, Cal!"

"Be safe."

Naputol na ang koneksyon namin. Nagbuntonghininga naman ako. Si Cal, napakapili sa


babae. May crush na kaya siya? Bakit hindi niya sinasabi?

I was looking blankly outside again when a guy approached the store. Nanlaki ang
mata ko kay Kuya Warren. Older brother siya ni Maxwell. Mukhang suplado pero mabait
naman. Hindi lang palangiti gaya ni Kuya Jacob.

"Ikaw pala nakatao rito," sabi niya sa 'kin.

"Opo, Kuya. Ano'ng bibilhin mo?"

Tumingin siya sa display ng food. May waffles kami, sandwiches, at kakanin. May
street food na madali lang iluto kung gusto niya. Pinatay ko lang 'yong kalan kasi
wala namang tao sa park mula pa kanina. Dahil siguro mainit. May siomai at siopao
din kami.

"Siopao at waffles. Tig-bente piraso," sabi niya.

Whoa. Ang dami. "Meryenda n'yo po, Kuya?" tanong ko habang kumukuha ng plastik. Una
akong kumuha ng waffles.
"Oo," sagot niya. "Puro kasi matamis naiwang pagkain."

Napatango ako. Lumipat ako sa siopao at nagbilang. I also want to ask about Maxwell
pero nahihiya ako. Nag-concentrate na lang ako sa ginagawa ko. Nang nakabalot na
ang lahat ng kailangan niya, naipatong ko lang sa counter ang plastic habang
nakatingin sa kanya.

I really should ask about Maxwell. "Uhm..."

"Akala ko, may party kayo mamaya sa school?" aniya.

"Ah... Hindi po ako pupunta." Nilunok ko ang kaba ko. "Saka... ano... uhm, nalaman
ko, Kuya na ano... may sakit si Maxwell? Okay lang ba siya? May lagnat ba siya? Or
iba pa?"

Napatingin sa 'kin si Kuya Warren. Gumalaw nang kaunti ang sulok ng labi niya, kaya
akala ko ay ngingiti siya. Pero hindi naman.

"May sakit nga siguro. 'Kala ko, maarte lang at gusto magmukmok."

Mahina akong tumawa. Gano'n din siya.

"De, may sakit nga. Nag-worry nga si Auntie at si Jacob, pero hindi naman malala.
Naglalaro nga lang sa computer no'ng umalis ako. Siya nagpapabili nitong siopao."

Napatango ako. "Pasabi po, kinukumusta ko." Nakagat ko ang labi ko. Silly. Hindi ko
siya dapat kumustahin, kahit pasabi lang. Hu-hu. Kaso, gano'n kasi lagi ang
sinasabi eh.

"Ikaw na mangumusta. Ilalakad no'n si Koko mamaya rito."

Nanlaki ang mga mata ko. "Uhm... Mga anong oras po? Hindi ba siya mabibinat?" At
iiwas ba 'ko?

"Maya-maya lang siguro, pagbaba ng araw. Sasabihin ko, puntahan ka rito."

Sunod-sunod ang iling ko. "Hindi po, Kuya. 'Wag gano'n, Kuya..."

Pero ngumiti lang si Kuya Warren. "Hintayin mo na lang siya rito."

Hindi na 'ko nakapagsalita. Hindi na rin nakagalaw.


" 'Yong mga binili ko, Aurora?" aniya.

"Ay..." Napatungo ako sa plastik at ibinigay sa kanya. " 'Ayan po. Ingat po."

Ngumiti siya. Nag-abot ng 1000-bill. "Bayad ko muna."

Nag-init ang mukha ko sa siguradong pamumula. Hu-hu. "Ay... Uh, thank you po.
Ano..." Magkano ba binili niya? Ano ba binili? Hu-hu.

"920 lahat, Aurora," sabi ni Kuya Warren.

Hu-hu. "Oo nga po." Hu-hu. Nagbilang ako ng sukli sa kaha. 80 dapat, 'di ba? Nag-
abot ako ng apat na 20-bill. "Thank you po."

"Hintayin mo na lang si Maxwell," sabi ni Kuya Warren at tumalikod na.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tuloy-tuloy na siyang umalis.

Kailangan ko yatang maagang magsara? Pero kung pupunta siya rito kahit may sakit
siya, 'tapos wala ako... pangit naman yata. Kaso...

Ugh. I need to close the shop early.

Nagbilang ako ng laman ng kaha at nag-ayos na agad ng mga naiwang paninda. Panay
ang sulyap ko sa daan habang malakas ang kaba sa dibdib ko. Kailangan kong makaalis
bago dumating si Maxwell.

Hirap akong nagbababa ng shutters nang may tumawag sa 'kin.

"Aurora..."

Lumingon ako kay Maxwell. #526h / 05012020

        Chapter 11 part 2 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

"Hi..." mahinang sabi ni Maxwell at umubo.

Binitiwan ko ang shutters na halos lambitinan ko na at maliit na kumaway sa kanya.


Non-stop kaway. Mas malamlam ang mata niyang bahagyang namumula. Magulo rin nang
kaunti ang buhok niya, na parang kababangon niya pa lang sa higaan at hindi
nakapagsuklay nang maayos. Pagbaba ng mata ko sa tagiliran niya... "Uhm... Nasaan
si Koko?"

Nagkatinginan kaming dalawa. Nahinto ang kaway ko. He looked like he was trying to
make sense of my question.

"Uh, sabi kasi ni Kuya Warren... ilalakad mo raw si Koko ngayon 'pag nagpunta ka
rito sa park," paliwanag ko.

"Ah, si Koko." Binasa niya ang labi niya. "Wala. Si Warren na lang daw magdadala
mamaya."

Then, "Eh, bakit ka nandito?"

Maamo ang ngiti niya sa 'kin. "Bawal ba, Aurora?"

Umiling naman ako. Hindi naman bawal pero, "'Kala ko lang, pupunta ka lang kapag
ipinasyal mo si Koko."

"Sabi ni Warren, mag-isa ka lang dito sa tindahan, eh." Inangat niya ang plastik na
bitbit niya. "Nagpadala si Auntie ng cheesecake. 'Tapos, samahan daw kitang
magmeryenda."

Napalunok ako. Sasamahan niya 'kong... magmeryenda? Sabi ni Auntie? Bakit? Gusto
kong tanungin kaso baka ang isagot uli sa 'kin ay "Bawal ba?" Hu-hu.

"Nagsasara ka na ng tindahan?" untag niya sa pananahimik ko. "Maaga pa, ah."

"Uh..." Nilingon ko ang shutters na pilit ko sanang ibinababa kanina. Yes,


nagsasara na 'ko para umiwas sa kanya. Pero inabutan niya 'ko kaya... ano na'ng
ginagawa ko? "Hindi ako nagsasara."

Mataman siyang nakatingin sa mukha ko. "Hinihila mo kasi 'yong shutters."

Nakita niya pala. Umiling ako, kahit dapat hindi.

"Hindi mo hinihila?" aniya.

"Uhm... May ipis kasi. May inaalis akong ipis. Bawal sa store."

"May inaalis kang ipis... sa shutters."

It looked like he was following my lie, but my lie... was lame. Hu-hu. Pa'no 'pag
may nakita kaming totoong ipis? Eh, takot ako sa ipis? Hu-hu.
" 'Yong ipis na 'yon?" tanong ni Maxwell at tumuro sa paanan ko.

Napatungo agad ako. Totoo nga. May mataba, malaki, at itim na itim na ipis na
naglalakad. Gumagalaw-galaw ang wings niyon na parang lilipad. Hindi ako makagalaw.
Umakyat ang ipis sa paa ko. Hu-hu. Naka-sandals lang ako.

"Aurora? Okay ka lang?" alanganing tanong ni Maxwell.

Tumango ako. Hindi ako makahinga at hindi makagalaw habang tumatawid pa rin ang
ipis. Nararamdaman ko ang talas ng galamay niyon sa paa ko. Yucky.

"Sigurado ka?"

Umakyat ang ipis sa kabilang paa ko. Kay Maxwell na lang ako tumingin para
mabawasan ang diri at takot ko.

"Wala na 'yong ipis, Aurora. Puwede ka nang... ano, huminga," sabi niya.

Suminghap ako ng hangin. Hu-hu. Hinabol ko ng matalas na tingin ang eksenadorang


ipis. I hate you, ipis!

Tumikhim si Maxwell. Hindi na ako makatingin. He's not dumb so he'd know I lied.
Kung hindi naman, he'd know that I was scared of the thing.

"Samahan kitang magbantay rito... kung okay lang," sabi niya. "Tagapatay mo na rin
ng ipis 'pag meron uli, gaya no'n."

Hindi okay sa 'kin. Pero pa'no ko siyang itataboy kung ganitong may sakit siya?
How, when he looked almost pleading? Titiis ko na lang uli 'yong kaba ko.

"Sige. Uhm... pasok tayo sa loob ng tindahan," sabi ko at nagpatiuna.

Ngumiti siya.

***

"Upo ka na lang dito," sabi ko nang maghila ng isang high stool sa tapat ng
counter.

Nang maupo si Maxwell do'n, pasimple kong binuksan ang kaha. He was not saying
anything, kahit na obvious na nakaligpit na ang mga paninda.
"Ano..." Napatingin siya sa 'kin. I shouldn't say anything para ibuko pa lalo ang
sarili ko. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag kung hindi siya magtatanong.
"Wala. Upo ka lang diyan. May sakit ka."

"Hindi naman ako malala," sabi niya. "Uminom na 'ko ng para sa lagnat kanina."

Tumango ako. Pumunta ako sa storage at inilabas uli ang mga pagkaing nailigpit ko
na. Ibinalik ko sa display ang kakanin, sandwiches, at siopao. Iuuwi ko na lang
sana 'yon at ibibigay kay Manang Thelma at kay Cal, eh. Cal likes siopao. Napatanga
ako sa juice dispenser na may laman pa. Tinanggal ko lang ang yelo niyon kanina.
Ita-taxi ko na lang sana 'tapos, ewan. Iinumin ko siguro hanggang maubos. Hu-hu.
Madaling-madali kasi ako kanina.

"Kailangan mo ng tulong?" untag ni Maxwell na nakalingon pala sa 'kin.

Nabuhat ko kanina ang juice dispenser sa sobrang pagmamadali. Adrenaline siguro.


Ewan ko kung mabubuhat ko ngayon.

Lumapit na si Maxwell at tumingin sa tinitingnan ko.

"Binuhat mo kanina 'yan?" tukoy niya sa dispenser.

Itinago ko ang labi ko at tumango.

" 'Wag mo nang uulitin. Baka magkamali ka ng buhat, ma-injure ka."

"Sorry..."

Bumaling siya sa 'kin at ngumiti. "Hindi ka naman dapat mag-sorry."

Binuhat niya ang dispenser at ibinalik sa kung saan iyon laging nakapuwesto sa
ibabaw ng display.

"Thank you," sabi ko at kumuha ng ice cubes sa ref. Ibinuhos ko iyon sa dispenser.

Nang wala nang gagawin, natuon ang tingin ko sa isa pang high stool na    naroon.
Bakit parang mas dumikit 'yon sa kinauupuan ni Maxwell? Hindi naman sobrang lapit
ng mga iyon kanina, ah.

"Upo na, Aurora."

"Uh... oo."
Apprehensive pa rin ako nang umupo. Iginalaw ko nang kaunti ang stool para hindi
kami masyadong magkatabi. Pero bumaling sa 'kin si Maxwell kaya hindi pa rin ako
masyadong nakalayo.

"Baka lang uncomfortable ka 'pag masyado akong malapit..." sabi ko.

"Hindi. Ang layo mo nga, eh."

I stared at the narrow distance between our seats. Nasa'n ang malayo ro'n? Wala
pang half-arm 'yong layo.

"Lapit ka kaunti," aniya.

Uhm...

Ngumiti siya. "May sakit ako, Aurora."

Ano'ng kinalaman no'n? Hu-hu-hu. Ba't parang bina-blackmail niya 'ko? Hu-hu.

Nang hindi ako gumalaw, siya ang humawak sa tagiliran ng kinauupuan ko at maingat
na hinila iyon palapit. Nawala 'yong kakaunti na ngang distansiya na inilagay ko.

Lumunok ako.

"Kahit ganyan lang kalapit. Okay na 'yan..." sabi niya.

What is ganyan? Hu-hu. This was too close.

Pumagitan ang katahimikan sa amin. Nakatanaw siya sa labas ng store. Ako naman,
nakikiramdam lang sa kanya.

"Meryenda na tayo? Hindi pa 'ko kumakain," untag niya maya-maya.

"Ah, sige. Wait. Ako na'ng mag-aayos ng food," offer ko at umalis sa upuan.

Binitbit ko sa likod ang cheesecake na dala niya. Naglagay ako ng serving niyon sa
maliliit na platito. Kumuha rin ako ng clear glass para sa juice na iinumin namin.
Si Maxwell, nakita kong nagsimula nang kumain ng siopao na binili kanina ni Kuya
Warren.

"Naglalagay ka ba ng sauce sa siopao?" tanong niya habang nangongolekta ako ng


lakas ng loob sa kisame para lumapit uli sa kanya.
"Uhm... oo."

Hindi na siya kumibo. Huminga naman ako nang malalim at bumalik sa kanya bitbit ang
pagkain at baso.

Inilapag ko sa counter ang cheesecake namin. Nakita kong nahati na niya ang isang
siopao na nasa puwesto ko at mayroon nang sauce.

"Ipinaglagay na kita," aniya.

"Thank you. Ano'ng juice mo?" Orange at cucumber lemonade lang ang mayroon kami.

" 'Yong cucumber na lang."

Dumukwang ako para magsalin ng juice sa baso namin. Cucumber din ang kinuha ko para
sa 'kin.

"Kain na tayo," aniya.

We started eating in silence. Tatlong siopao ang kinain niya. Isa lang ang akin.
Tahimik pa rin kami hanggang cheesecake. He would sometimes look at me and smile. I
would sometimes smile back, pero babawiin ko kasi baka may cheesecake sa ngipin ko.
Paminsan-minsan, parang may iniisip siya, pero hindi ko alam. Ako, siya lang ang
iniisip.

Kapag wala si Maxwell, iniisip ko na siya. Kapag nasa malapit siya gaya nito, mas
lalo niyang nado-dominate ang lahat ng bagay.

We watched the sun burn, then weaken. Kakapiraso ang pag-uusap namin—tungkol kay
Koko, kay Auntie Mona, sa recipe ng kung ano. Nang mas mababa na ang araw, mas
malamig na ang panahon, at may malamlam na sa park, dumami na rin ang tao. May mga
pami-pamilya na nag-picnic sa damuhan. May mga couples na nag-PDA sa benches. May
mga batang may kasamang yaya. Maxwell helped me kapag may bumibili. Siya ang nasa
kaha dahil feeling ko, lagi akong magkakamali sa pagkukuwenta at pagsusukli. May
isang bumili ng worth 60 pesos 'tapos 100 ang pera, pero ang sukli ko ay 140 pesos.
Hu-hu.

Nang mas dumilim pa, nabawasan na uli ang tao. Paubos na ang siopao at sandwiches.
Gayundin ang juice. Puwede na 'kong magsara anytime, but Maxwell looked like he had
no intention of going home.

"Papagabi na, o..." pasakalye ko at sumulyap sa kanya. Nakaupo na uli kami sa high
stool.
"Oo nga."

"May sakit ka pa."

"Mas okay na pakiramdam ko ngayon."

Hu-hu. Hindi niya yata gets 'yong hints ko. Kailangan niyang ma-gets kasi hindi ko
siya kayang pauwiin talaga. "Magsa-start na maya-maya 'yong party."

Hindi siya kumibo.

"Dahil may sakit ka, walang ka-partner si Celine," dagdag ko.

Tumingin siya sa 'kin. "Hindi ko naman siya partner."

"Ha? Eh... akala ko..."

"Nagtanong sina... Lilia ba 'yon? 'Yong kaklase n'yo?"

Tumango ako.

"Nagtanong sila kung gusto kong yayain si Celine. Sabi ko, ayoko."

Napalunok ako. Then, mali ang ibinalita nila sa amin? We all thought Celine and
Maxwell were each other's date.

"Sabi ko naman sa 'yo, hindi ako makikipag-date sa iba," sabi ni Maxwell. "Kung
pupunta ako sa party, dahil 'yon sa 'yo."

Napatungo ako. He's making me happy. It's unfair.

Nagbuntonghininga siya. "Okay na rin na nagkasakit ako ngayon. Hindi ko kailangang


pumunta sa party."

"No. Hindi okay na may sakit ka!" tutol ko.

Nangalumbaba siya at bumaling sa 'kin. "Okay lang. Kasama naman kita."

I was frozen by his eyes. Ba't ganyan 'yan siya? Hu-hu. Bibigyan niya 'ko ng kilig,
'tapos io-overthink ko. Hindi tama.
"Pero mas okay sana kung nasa party tayo," dagdag pa niya. "Naaawa ka ba sa 'kin,
Aurora?"

Umiling ako. 'Tapos tumango. 'Tapos, tumunganga.

Mahina siyang tumawa. "May tao kasi sa bahay na ayokong makita. Kung nasa party
ako, hindi ako mahihirapang umiwas. Kung nando'n ka rin kasama ko at nagsasayaw
tayo, mas okay."

Humupa nang kaunti ang pagwawala ng puso ko. "Uhm... Sino'ng tao sa bahay n'yo?
Bukod kina Auntie 'yan?"

"Nando'n Mama ko," sabi niya at nangalumbaba.

Ang alam ko, iniwan siya—sila—ng Mama niya no'ng bata pa sila.

"Hindi man lang nahiyang magpunta na naman do'n."

May tigas sa tinig niya na noon ko lang narinig. Maxwell is always gentle and kind.
Wala pang nakakita sa kanyang magalit talaga. Annoyed, yes. But angry, no.

Hindi ko tuloy alam ang sasabihin.

"Ayaw naman kasing itaboy nina Jacob," dagdag niya pa.

Nakakuyom ang kamao niya sa pagkakapatong niyon sa counter. He was not looking at
me—thank God—but if he would, I think I would see anger. Pero sa halip na kabahan
gaya ng lagi niyang epekto, I was sad for him. Naaalala ko no'ng bata pa kami,
no'ng magkaklase kami sa kindergarten, he would always cry and look for his mom.
His longing changed into something else.

Nahihiya ako pero ipinatong ko ang kamay ko sa kamao niya at tinapik-tapik siya.

"Galit ka ba?" mahinang tanong ko.

Narinig ko ang paggigitgitan ng mga ngipin niya. Sumulyap ako at nakitang nakatiim
ang panga niya. Gumagalaw iyon sa paggiit.

"Wala namang matutuwa sa kanya," aniya.

"Ano'ng sabi ni Kuya Warren sa 'yo?"

"Wala. Kausapin ko raw 'pag dumadalaw."


"Eh, si Kuya Jacob?"

"Maging civil daw ako."

I bit my lip. "Si Auntie?"

Nagbuntonghininga siya. "Patawarin ko na raw."

Nagbuntonghininga rin ako. I could see he was far from following any of their
advices. He's angry. Maybe because he's still hurt.

"Uhm... Wala ako sa posisyon para mag-advice. Kaya ano... tama lang na dito ka na
lang..." mahinang sabi ko. Buti na lang pala, inabutan niya 'ko bago ako tuluyang
umalis. I didn't know that he needed to escape from something again. "'Pag nando'n
ka sa inyo, baka magalit ka lang. May sakit ka na nga, magagalit ka pa."

Nagbuga siya ng hangin. "Ayoko lang siyang makita. Hinahanap ko siya dati, hindi
siya nagpakita. Ngayong hindi ko na siya hinahanap, babalik siya."

Kinagat ko ang labi ko.

Pagbaling niya sa 'kin, sinalubong ko ang mga mata niya. I was sad for him. Matagal
siyang tumingin hanggang sa naging mas maamo ang mukha niya.

"Sorry," sabi niya. "Hindi ko kasi masabi sa bahay na naiinis ako."

"Okay lang."

I showed him my smile. Nang babawiin ko na ang kamay ko sa kanya, hinawakan niya.
Nanigas ako. Nanlaki rin yata ang mga mata ko.

I was still looking at him, magnetized and melted, when he asked me, "Puwede bang
magbago ang isip mo para sa party ngayong taon?"

Ha? Hindi ko alam ang itinatanong niya.

"Magsasara ka na ng tindahan, 'di ba?"

Tumango ako.

"Pagkatapos nating magsara, puwede ba kitang isayaw?" tanong niya.


Lumunok ako. Malaki, na muntik akong masamid sa sarili kong laway. Pa'no niya 'kong
isasayaw? Nasa tindahan kami...

"Bakit... Uhm..." I couldn't think.

Lumamlam ang mga mata niya sa 'kin. "Dance with me. Kahit isa lang. Pareho naman
tayong wala sa party."

How could I say no when he's gently asking me? Kasalanan ang tumanggi.

"S-sige..." #915u /05022020

        Chapter 11 part 3 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Ang dami kong concerns tungkol sa pagsayaw. Gaya ng saan kami sasayaw? Paano ang
music? Paano kung may makakita sa amin? Wala naman akong lakas ng loob na magtanong
kay Maxwell, hanggang sa nakapagsara na kami. Malinis ang tindahan nang iwan namin.

The night air was a little cold. Buti na lang, may bitbit naman akong mahabang
cardigan. Sakop niyon hindi lang ang mga braso ko kundi maging ang tuhod ko. It
stopped at almost the hem of my skirt. Ang buhok ko, hindi na nakikisama.
Bumubuhaghag na, kaya nag-pony tail na 'ko. I don't know what to say, what to ask,
or how to initiate a conversation, kaya nakasunod lang ako kay Maxwell.

"Hindi ka pa ba masyadong pagod? Sa unahan lang nitong park ang pupuntahan natin,"
sabi niya sa 'kin nang sumulyap siya.

He's being really considerate in pacing his steps. Matangkad siya at malalaki
humakbang, but he was slowing down so I could keep up. Mabagal na rin ako kumilos
dahil medyo pagod na 'ko. All these feelings attacking me whenever I am with him
are taking toll on me.

"Uhm... Hindi pa naman ako pagod talaga." At siya nga, may sakit but instead of
going home, he wanted to dance with me. Baka nagpapalipas lang talaga siya ng oras
para umiwas sa mom niya. At the same time, he'd be free of our promise. He'd kill
two birds in one stone.

Huminga ako nang malalim para ma-refresh. I should just focus on the dim lights of
the park. Dilaw ang streetlight at dahil magpa-Pasko, may Christmas lights ang mga
puno roon. They adorably blinked into different colors. May mga parol at pasabit
din.

"Hindi na ba sakop ng park ang pupuntahan natin?" untag ko. Pagtingin ko sa kanya,
nakatingin na siya sa 'kin. Napalunok tuloy ako. Was he looking... when I was
looking elsewhere? Habang nakatuon ako sa Christmas lights at mga puno? Habang
humihinga nang malalim? Alanganin akong ngumiti. Gabi naman na. I shouldn't be too
ugly in the dark. The unwanted things on my face wouldn't be so offensive.

Magaan na ngumiti si Maxwell.

"Part pa rin nitong park," aniya. "Sa dulo nga lang."

Tumango ako. "Eh... uhm, ikaw pala? Okay ka pa ba? Hindi ka pa ba pagod? Do you
need to take another, uh, tablet? Or medicine?"

"Hindi na. Gagaling na 'ko nito."

"Okay..."

We took in the night air, and the lights, and our matching pace. Nangingiti ako
'pag sabay kaming humahakbang. Ilang ulit kong sinubukang baguhin ang hakbang ko at
pace ko, pero nagkakasabay pa rin kami. I was looking at our shadows on the road,
too.

Kapag anino lang kami, bagay kami. His shadow was tall and lean. My shadow was
good, too. Sana, anino na lang ako. I wouldn't be degraded into something else,
because nothing could be more insignificant and featureless than a shadow. Maybe by
then, I could stay by his side without anyone looking at me with disapproval.

Nilunok ko ang namumuong sama ng loob sa lalamunan ko.

I wouldn't admit it before... but I was starting to hate it to be seen with


Maxwell. Katulad ni Celine, tuwing magkasama kami, parang ipinagsusumigawan kong
pangit ako at ipinagsusumigawan naman ng iba na hindi kami bagay. I couldn't stand
the way people look at us. Those who approved looked at me as if I was lucky and
pitiful. Those who disapproved looked at me as if I was a snake. They seem to be
saying:

"Tingnan mo, ang pangit no'ng babae. Ang bait naman no'ng lalaki para pumatol
diyan."

"Look, this is what true love looks like."

"Look."

That's why this night was a little comfortable. This night was like a granted
prayer. Because it was dark and I wouldn't be seen fully. Because we were like
featureless shadows that can't be judged.
Tumagos kami ni Maxwell sa bahagi ng park na hindi masyadong naaabot ng mga tao.
Malalaki pa rin ang puno ro'n at may mga hedges.

"Halika, Aurora," sabi niyang nauuna. Kaswal niyang kinuha ang kamay ko at maingat
akong hinila. "Don't get lost."

Hindi naman ako mawawala dahil hindi naman gano'n kataas ang mga hedges. And
although this was a place unfamiliar to me, nasa park pa rin naman kami. Still, his
voice sounded like he was really concerned. At masarap din sa pakiramdam na hawak
ang kamay niya kaya hindi ko na lang binawi.

Paglampas namin sa hedges, we were welcomed by a single lit gazebo in front of a


bright house. Two-story ang bahay kahit na maliit at simple ang yari. It looked
old, but well-kept. Pinagliliwanag iyon ng malilikot na Christmas lights, kapares
ng nasa gazebo. Sa terrace sa itaas, may matandang couple na nagsasayaw sa mahinang
music na dinig din namin. Beatles' song.

Hinila ako ni Maxwell hanggang sa gazebo. Nakabantay ako sa dalawang matanda dahil
baka makita kami. But they were hugging each other tight, slow dancing. Nakapikit
pa yata. Nangiti ako.

Tumingala ako kay Maxwell. "Dito tayo sasayaw?"

"Makikisayaw," malaki ang ngiti na sabi niya.

"Hindi ba tayo trespassing? Baka makita tayo."

"They know me. Don't worry," sabi niya. "Baka hindi mo na naaalala pero madalas
akong mawala no'ng bata ako. No'ng magkaklase tayo."

Tumango ako.

"Minsan, nakita ako nina Lolo at Lola. Nag-stay ako rito hanggang sa mahanap ako
nina Jacob at Auntie," dagdag niya pa. "I still visit here from time to time. They
won't find it odd if they saw me."

"Oh..."

Tumingala si Maxwell sandali sa pagtatapos ng kantang tumutugtog. "Sayawin natin


'yong susunod. Please?"

We're already here. He didn't have to say please anymore.

"What's the next song?" ani ko. "Alam mo?" Inihanda ko ang kamay ko para humawak sa
kanya pero pareho kaming nagkakalituhan kung saan ihahawak ang alin.

Mahina kaming natawa sa isa't isa.

"Alam ko yata. Hindi ako gano'n kasigurado, but we better figure out how to hold
each other bago 'yong kanta," sabi niya. "Wala pa 'kong, uh, naisayaw maliban kay
Auntie at Koko, kaya... be patient with me."

Hinuli niya ang dalawang kamay ko at inilagay sa dibdib niya. Napalunok ako. Hindi
naman yata 'yon dapat do'n. Pero baka masyado kasi siyang matangkad. Mas
komportable na nasa dibdib niya ang mga palad ko kaysa sa balikat niya. Paglapat ng
kamay niya sa baywang ko, napalunok uli ako. 'Eto na naman 'yong kaba. Hu-hu.
Kailan pa ba ako masasanay?

"Ano... wala pa rin akong naisayaw na iba maliban kay Dad kaya... be patient with
me, too."

"I'll always be patient with you, Aurora."

Lunok na lang uli kasabay ng pagpapalit ng kanta.

"That's the song..." sabi niya.

"What is it called?" tanong ko at tumingala sa kanya.

He caught my eyes and forbade it to look away. "Here, There, and Everywhere."

Tipid akong ngumiti. We slowly moved to the music. I couldn't look anywhere else,
as the words filled me with so much hope, I felt like crying. Taliwas sa sinasabi
ng kanta ang wish kong maging shadow. It speaks of being sought after, of being
looked at, of being loved. I spoke of being insignificant and featureless—because
it hurts too much to be seen.

I want her everywhere


                          And if she's beside me I know I need never care
                          But to love her is to need her everywhere
                          Knowing that love is to share
                          Each one believing that love never dies
                          Watching her eyes and hoping I'm always there...

Napalunok ako sa lyrics. It was nice. Too nice. But it made me wonder.

How would it feel... to be seen and still be loved? How would it feel... to be
lacking and still be adored? How would it feel... to wake up and not hate myself in
the mirror?
Gumalaw ang mga ilaw. Sumayaw kasabay namin. Lumamlam, tulad ng mga mata ni Maxwell
sa akin. Lumikot, tulad ng mga mata ko.

"Sorry..." I said softly nang tumungo ako. Tumulo ang luha ko sa braso kong
nakalapat sa dibdib niya. "Napuwing ako..."

Huminto kami sa gitna ng gazebo, pero hindi niya pa rin ako binitiwan. My shoulders
shook and my eyes wouldn't stop the tears.

"Masakit... 'yong puwing..." sabi ko pa.

"I'm sorry..." mahinang sabi niya, na parang ako lang ang makaririnig niyon.
"Nasasaktan ka..."

I bit my lip to stop it from trembling. Maxwell sighed and pulled me closer.
Niyakap niya 'ko. Marahang hinaplos ang likod ko.

How would it feel... to finally feel enough to stay by his side? I don't know.

I might look so dumb for crying because of a song. For crying while dancing. For
crying.

So I cried in silence even though my mind was loud. Nang matapos ako, masakit na
ang ilong, ulo, at mata ko. Hindi na rin ako makatingin kay Maxwell.

"Sorry..." makapal ang boses na sabi ko.

"Nothing to be sorry about, Aurora."

Huminga ako nang malalim. Barado ang ilong ko. Ngayon, problema ko naman ang sipon
ko.

"Sandali lang. Puntahan ko lang sila Lola. Para makahingi na rin ng tissue," aniya.

"Hala... Baka nakakahiya."

Ngumiti lang siya bago umalis. Pagbalik niya, may bitbit na siyang wet tissue at
panyo. Iniabot niya sa 'kin. Ang dalawang matanda, hindi na bumalik sa terrace
kahit tumutugtog pa rin ang mga kanta ng Beatles.

Tumalikod ako kay Maxwell nang suminga sa panyo at ipanlinis sa mukha ko ang wet
tissue na dala niya. Humina na ang kanta pero malikot pa rin ang mga ilaw. I know
he was looking at me and I couldn't turn around to face him again.
Nakailang hinga ako nang malalim bago sapilitang pumihit.

"Okay ka na?" aniya.

Nakatungo ako nang tumango.

"Sigurado?"

"Sigurado... naman."

Huminga siya nang malalim. "I have another promise I want to fulfill tonight, too,"
sabi niya.

Napilitan akong magtaas ng tingin sa kanya. Hinugot niya sa bulsa niya ang isang
dog tag. Itim iyon. Iniabot niya sa 'kin.

"One day, I'll tell you why this is important. Right now, I want you to have it.
Para 'yan sa first date ko."

I took it. Pinilit kong aninawin sa magalaw na ilaw kung may nakasulat. True
enough, there were inscriptions: pangalan ni Maxwell, birthday, at contact number.

It did look important.

"Are... are you sure? Sure that you're giving this to me?" tanong ko at huminga
nang malalim.

"I'm sure, Aurora."

Ngumiti ako sa kanya. "Okay. I'll take good care of it. Thank you."

"Thank you for the dance," sabi niya at yumukod.

Mahina akong tumawa. He looked like a prince bowing. Kaso, hindi naman ako
prinsesa. "Sorry, umiyak ako bigla."

"Umiyak ka?" aniya at sumipat sa mukha ko. "Napuwing ka lang, 'di ba?"

"Yeah." I couldn't stop smiling now—of relief, of joy, of being here with him. He
still looked at me and still danced with me, despite me not being a mere shadow.
"Napuwing lang."
"Let's go back?"

Tumango ako. #613g / 05022020

________
TCWDM: Here's the song na isinayaw nila, mga ka-compound.

<amp-youtube data-videoid="CHLQs6u9wXw" layout="responsive" width="480"


height="270"></amp-youtube>

        Chapter 12 : The hands that keep you steady [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Lumalim pa nang kaunti ang gabi. The night got a little bit colder, too. I was
still sniffling. Pinipigilan ko lang ang sound para hindi ma-bother si Maxwell.
Kapag kasi napapalakas, napapatingin siya sa 'kin at nagtatanong kung okay lang
ako.

I wouldn't say I'm fine pero kasi, nakaiyak na 'ko. Alam ko namang wala akong
magagawa sa mukha ko, kahit iniyakan ko na nang paulit-ulit. Kaya nga sobrang
faithful na namin ni Mommy sa derma. Sa summer, mas makapagpo-focus ako sa
treatment dahil walang school. Less stress from acads and less pollutants to worry
about since I don't really go out naman.

Tanaw na namin ang store nang mangunot ang noo ko sa kotseng nakaparada sa harap
niyon. Parang kotse ni Kuya Rius. Maya-maya, lumabas nga mula roon si Kuya at si
Calyx. Kuya used his phone. Saka nag-ring ang phone ko.

"Hello, Kuya?"

"Nasa'n ka? Nasa tindahan kami ni Cal," sabi niya.

"May pinuntahan lang sandali, pero pabalik na. Tanaw ko nga kayo."

Nang lumingon sila sa gawi namin ni Maxwell, kumaway ako. Kahit naman siguro hindi
enough ang liwanag sa park, they'd recognize me.

Kumaway pabalik si Kuya. Si Cal, nakatingin lang. Hindi ko nasabi man lang sa kanya
na Maxwell was with me. Ang huling usapan namin ay 'yong niyayaya niya 'ko to be
his date for the party.

"Hurry. May pupuntahan tayo," sabi pa ni Kuya bago ibaba ang linya.
Nagkatinginan kami ni Maxwell nang ilagay ko uli ang phone ko sa shoulder bag ko.

"May sundo ka pala..." sabi niya. "Buti naman para hindi ka hirap sa pag-uwi. Hindi
ako magwo-worry."

Tipid lang ang ngiti ko. I'm not sure kung kita niya. "Hindi ko nga rin alam na
susunduin ako ni Kuya. May pupuntahan daw kami. But it's so late in the night na."

"Bilisan natin. Baka mainip kuya mo."

We quickened our pace. Napansin kong naka-long sleeves pa rin si Kuya Rius na suot
niya kaninang umaga nang umalis siya for office. Si Calyx naman, naka-suit. Galing
ba siya sa party at nagpunta rito sa store? But why? Nag-worry kaya siya sa 'kin?

"Sa'n tayo pupunta, Kuya?" tanong ko agad nang makalapit kami.

Bumati lang si Maxwell kay Kuya Rius at tumango naman kay Calyx.

"Sa daan ko na lang ipapaliwanag," sagot ni Kuya Rius. "Sakay na kayo. Sumabay ka
na rin, Maxwell. Madadaanan naman ang sa inyo."

We all went inside the car. Nasa passenger seat ako habang magkatabi sa likod sina
Maxwell at Calyx. Nakikiramdam ako kay Kuya na seryoso ang mukha habang nagda-
drive. It was worrying. Most of the time, nang-aasar siya, eh. But he didn't say
anything now kahit nakita niyang magkasama kami ni Maxwell. Hindi tuloy ako
makapag-usisa agad.

Pagtapat namin sa tindahan nina Aling Tere papunta sa compound, bumaba na si


Maxwell. I just smiled at him and said thanks. Si Kuya, nagpasalamat din sa pagsama
niya sa 'kin sa tindahan. Maxwell looked worried for me or for us, but he just
smiled and wished us good night.

Tahimik uli kami sa kotse. The silence was suffocating, it's making me anxious.
Huminga ako nang malalim.

"Kuya... where are we going?" untag ko.

Humigpit ang hawak ni Kuya sa manibela. Nag-check sandali kay Calyx sa mirror bago
sumagot. "Kay Mommy."

Nangunot ang noo ko. "What?" But that's impossible because, "Pa'no tayo pupunta sa
kanya? Sa kanila ni Dad? Nakauwi na ba sila from Iceland? Are we planning a
suprise?"
But it doesn't feel like we're going for a good surprise.

Nagbuntonghininga siya. "They're not in Iceland, Aurora. Hindi sila umalis ng


bansa."

"But..."

"Nagpapagamot si Mommy. Kanina lang namin nahanap nina Nate kung saang ospital.
Ipinagtanong daw ni JT."

Nagme-Med si Kuya JT (pinsan ni Kuya Nate) at ang mga friends nito, kaya may
kakilala sa mga ospital. Pero ano'ng sinasabi ni Kuya? Ano'ng nagpapagamot si
Mommy? They were on vacation. Tumatawag pa nga sila everyday. Even kanina, tumawag
si Mommy para mangumusta.

I was frozen processing things, kaya siguro nagsalita uli si Kuya. "Kinutuban na
'ko kung bakit bigla nilang gustong umalis, eh. Dati, pahirapan pilitin si Mommy sa
mga overseas trips. Papayag lang kapag kasama tayo. Si Dad din, hindi basta liliban
sa trabaho lalo na 'pag Ber months. Pero umalis sila nang sila lang. Hindi nag-
postpone para kung gusto nating sumama pagdating ng holiday, puwede. Nakita ko rin
'yong reseta ni Mommy. Ipinatingin ko kay JT, ang sabi, kausapin ko na lang si
Mommy."

Lalo nang umurong ang mga salita ko. I'm afraid that if I said one thing, then the
fear crippling in would be more powerful. Baka magkatotoo ang mga pangit na iniisip
ko. Baka lalong magkahugis ang mga kinatatakutan ko.

"May lymphoma si Mommy, Aurora," malumanay na sabi ni Kuya. "Hindi pa ako sigurado
kung ano'ng stage, pero mukhang... malala na."

Lymphoma. Cancer.

Panay lang ang lunok ko. I couldn't will myself to speak.

"Okay ka lang ba?" untag niya pa.

I couldn't even nod nor shake my head. Panlalamig lang sa buong katawan ang
nararamdaman ko. Gumagapang na lamig. Nananakal na lamig.

"Aurora..." tawag ni Calyx mula sa likuran. "Kasama mo kami." I still couldn't move
hanggang sa tumapik ang kamay ni Cal sa balikat ko. "Kailangan mong maging mas
malakas kaysa kay Tita."

Nanginig ang mga labi ko. How am I going to be stronger than Mommy? She has always
been my fortress and my strength. Pa'no ako magiging malakas man lang... kung wala
akong pagkukuhaan?
I didn't speak a word sa buong biyahe.

***

Alalay ako ni Calyx sa braso nang lumabas kami ng kotse. Tiningala ko ang ospital
kung nasaan si Mommy. It's one of the best in the country, but that couldn't bring
me peace. Somewhere inside, she was there fighting with Daddy.

"Kakausapin lang muna natin ang doktor ni Mommy," sabi ni Kuya na nauuna sa amin.
"Nagpa-appointment ako. Si Dad, nasabihan ko na rin na nandito na tayo."

"Si Mommy? Makikita rin ba natin?" mahina ang boses na tanong ko.

"She won't be able to talk to us tonight."

That's probable. Baka nasa gamutan pa siya o baka nagpapahinga na. Pinakamalamang,
wala pa siyang alam sa alam na namin.

We went inside the hospital and looked for Mommy's oncologist, Dra. Patricia
Medelen. We were ushered by a nurse to her office. She's in her forties. Matangkad
at slim. She had dark bags under her eyes.

Pinaupo niya kami sa harap ng table niya. She took a file from her cabinet and
looked for something, bago maupo uli sa swivel chair niya.

"Kung hindi lang importante sa patient ang support system from the family, I'd
refuse this secret talk. Feliz wants to keep her cancer a secret." She sighed. "But
it's cancer. You can't keep it forever, especially sa family members. It's
difficult to fight it alone."

Nakatingin ako kay Doktora at naririnig ko siya, pero pakiramdam ko ay wala ako sa
lugar na ito. Like I was dreaming. Like I was just making this nightmarish scenario
in my head. I'm not here and this isn't happening. Nasa Iceland sina Mommy at
Daddy. Nagbabakasyon. Tomorrow, tatawag sila uli para mangumusta. Pagbalik nila,
sasamahan ako ni Mommy sa derma. We'd eat sa restaurant na paborito niya. By
summer, we'd plan for family outings and trips.

Cancer could happen to anybody but not to Mommy. She's too precious para pahirapan
ng sakit na 'yon. She's too full of life.

"Lymphoma is a cancer in the lymphatic system." Naglabas ng chart ng human anatomy


si Doktora. "This is that–it includes the spleen, thymus, tonsils, adenoids, lymph
nodes and channels. When Feliz came for check-up, nakita agad na may pamamaga sa
leeg niya. Bukod pa 'yon sa fatigue, night sweats, at headaches na nararanasan
niya.
"I couldn't say that she's lucky for the symptoms because she said she seldom got
sick—which also means, kung walang naging sintomas, baka mas late pa natin nalaman.
But by the time her diagnosis were complete, we found na nasa stage three na ang
lymphoma niya.

"Stage three means that there are tumors above and below her diaphragm. Affected na
ang spleen niya. There's a large mass pressing on her superior vena cava, the main
artery that drops blood to her heart. That's why she has swelling on the face and
neck.

"Right now, she's admitted for R-EPOCH chemo and we're hoping she responds well to
that. I told her it's not a good idea to keep things from her children... but she's
a mother. She wants to take care of you, and not the other way around."

Matagal na tumingin sa amin si Doktora pagkatapos. It's like she knew we wouldn't
be able to process everthing immediately. The silence lingers for a long time, na
halos nakahihiya nang magsalita pa.

"Any questions?" untag niya.

"Is she doing okay?" tanong ni Kuya Rius.

"Your mother is very strong. She has a lot to live for. We have high hopes you'll
get through this."

I don't know whether to believe that. Believing would only turn into bitterness if
the opposite happens. Aasa ba 'ko? Maniniwala ba 'ko?

Bago pa 'ko makapagsalita, nauna nang tumulo ang luha ko.

Ni hindi ko pa naipapakita kay Mommy na confident ako sa sarili ko. Is she going to
die while I'm at my ugliest? Itong mukha ko ngayon ba ang maaalala niya lagi? It
was so pathetic. My mother could be dying but I still could find problem with my
face.

Lumapat ang mainit na kamay ni Calyx sa likod ko at humagod. Inaalo ako. Pinahid ko
ang luha ko at tumingin kay Doktora. Hinuli ko ang mga mata niya.

"Hindi ba kayo nagsisinungaling?" tanong ko. "Gagaling ba si Mommy?"

"Aurora..." si Kuya.

But I was intently looking at the doctor. I was hoping to read honesty on her face
when she gave me her answer.
"No one could be sure about your mother's health, hija. But we have high hopes
because she's strong-willed. We could only hope she makes it," sagot niya.

So... she's not sure. The chill wrapped its arms around me, making me shake. I bit
my lip hard, hoping to compose myself. Lalo na 'kong inaatake ng mga pangit na
scenario.

"Salamat po, Doktora," sabi ni Kuya Rius at tumayo. Nakipagkamay siya. "Mauna na po
kami."

"Ask me about anything anytime."

"Sige po."

Nakatungo ako nang lumabas kaming tatlo sa opisina.

"Nasa canteen daw nitong ospital si Dad, Aurora."

Sumunod lang ako sa kung saan sila papunta.

***

"I'm sorry we couldn't tell you. Ayaw ng Mommy n'yo," mahina ang boses na sabi ni
Dad.

Malamlam sa pagod ang mga mata niya, habang nakaupo katapat namin sa isa sa mga
mesa sa canteen ng ospital. He was drinking coffee. Ikinuha rin kami ng kape ni
Cal, pero wala sa amin ni Kuya ang makahigop man lang.

"Sinubukan ko siyang kumbinsihin na magsabi muna sa inyo kaysa magsinungaling


tungkol sa trip pero..." Idinaan ni Dad sa iling ang iba pang gustong sabihin.
"Kilala n'yo naman ang mommy n'yo. Mahirap baliin ang gusto kapag nakapagdesisyon
na. Hinihintay kong makapag-isip-isip pa siya bago magsabi sa inyo."

Walang nagsalita sa amin ni Kuya. Our loss for words were filled in by the chatters
of neighboring tables. Nasa ospital sila pero magana kumain. Nagchichismisan. They
could do that, siguro dahil hindi cancer ang kalaban nila.

"Kailan namin puwedeng makita si Mommy, Dad?" tanong ni Kuya.

"May chemo siya bukas kaya hindi puwede bukas. Sa isang araw na kayo bumalik..."
malumanay na sabi ni Dad.
"Do you need anything else here? Puwede naming dalhin ni Aurora."

Sa akin tumingin si Dad. Ngumiti. Pinaglapat ko naman nang mabuti ang mga labi ko.

"Are you okay, Princess? Are you scared?"

Kinagat ko ang labi ko at kinuyom ang kamao ko. I was ashamed for being scared like
this. Parang ang selfish ko. Kumpara sa maaaring pinagdadaanan ni Mommy ngayon,
parang ang liit-liit ng mga concerns ko. But I couldn't set aside the bad things.
The scary scenarios. The threat of losing her. Nakahihiya na natatakot akong mawala
si Mommy dahil siya ang lakas ko. Ang kakampi ko.

"Pinakanagwo-worry si Mommy sa 'yo..." dagdag pa ni Dad. "Ayaw niyang maiwan ka


kaya nagpagamot na agad siya. Sabi niya, babalik kami sa bahay bago mag-Pasko. By
then, baka raw mas maayos na ang pakiramdam niya. Babalik na lang daw sa ospital
kapag magpapa-chemo na uli."

It was unrealistic. No one could get rid of cancer that fast. 'Yong acne at skin
complication ko nga lang, nag-a-anniversary sa derma. Lalo na siguro ang kalagayan
niya.

But she worries about me. I know, she'd always worry about me because I was making
her. I'm such a baby. Nakakahiya ako.

Lumunok ako at pilit ngumiti kay Dad. "Pupunta talaga kami rito sa isang araw, Dad.
Lagot kayo ni Mommy."

Ngumiti lang siya. Idinaan ko sa pagkurap ang luhang gustong lumabas sa mga mata
ko. Mamaya na 'ko iiyak. Mamaya na uli. This isn't about me right now. I should
give them less to worry about.

"Ano'ng gusto n'yong kainin sa isang araw? Magluluto ako para sa inyo," sabi ko.

"Tatanungin ko bukas ang Mommy mo, anak. 'Tapos, ite-text kita."

Tumango ako.

Nang magtanong pa uli si Kuya kay Dad at magsimula silang mag-usap tungkol sa
procedures at treatment na ginagawa kay Mommy, nasa pagtitimpi na lang ako ng
emosyon ko.

I shouldn't cry. I shouldn't be a baby right now.

Hinawakan ni Cal ang kamay ko at pinisil. May pag-unawa sa mga mata niya nang
tumingin ako.

"Tulungan kitang magluto sa isang araw," sabi niya.

Tumango lang ako. #1052u / 05062020

        Chapter 12 part 2 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

"Are you okay?" tanong ni Calyx habang nasa kusina kami.

Bahagya ko siyang nilingon. Napatunganga pala ako sa harap ng kawali. I was cooking
linguine carbonara with Cal's help. Request ni Mommy. It's a Sunday at pupunta kami
sa ospital.

"Okay naman..."

I couldn't manage to sound cheerful. I'm sure na halata rin sa mukha ko ang tamlay.
I was worried and afraid since the night we went at the hospital. Kahit sinabi ni
Dad na malaki ang chance ni Mommy to survive lymphoma, kahit sinabi ni Kuya na
worrying won't help us, and even though I also know it really won't... but how
could I not? Worrying is a parasite. For every hope, there is worry.

Nakapag-research na 'ko about lymphoma—causes, symptoms, treatments. Nagbasa about


survivor's experiences. Still, nothing could erase the bad thoughts.

"Hindi ka mukhang okay," sabi pa ni Cal at lumapit. Sumipat siya sa mukha ko.
"Ganyan ba ipapakita mong mukha kay Tita mamaya? Iiyak 'yon sa 'yo."

Sumimangot ako. Alam ko naman. Kung ang pangit ko na nga, mukha pa 'kong kawawa,
lalong eyesore. "Siyempre mamaya... hindi na."

"Sigurado 'yan?"

Tumango ako. Nang magkatinginan kami, nagtagal ang mga mata niya sa 'kin bago
magbuntonghininga.

"Alam kong makulit ka mag-isip at wala talagang makakapigil sa 'yo mag-worry. But
it will help if you smile. Kahit mamaya lang. Kahit pagkatapos mong pagalitan si
Mommy mo."

I pouted. Pagagalitan ko talaga si Mommy, 'kala nila. She's sick and she didn't
even want us to know? How are we going to take care of her 'pag gano'n? Hindi naman
siya makapagtatago forever sa ospital. She always takes care of us—mula sa maliliit
na concerns hanggang sa pinakamalalaki. She always encourages us to do what we want
to do; to find what we really like to pursue in life. Si Kuya na nag-Archi dati,
sinuportahan niyang mag-shift ng major to Films kahit tutol si Dad. Ako na hindi
alam kung ano ang gusto ko before, in-encourage niya to try any food-related
course, tapos mag-shift na lang daw kapag nakita ko na 'yong gusto ko. Never niyang
ipinaramdam sa amin ni Kuya na bawal kaming magkamali in choosing a path in life.
She always guides us and loves us.

Dahil ba masyado siyang mabait, kaya ano... kaya binigyan siya ng sickness na gaya
ng lymphoma? Kasi people say that if you're too good, you're put to a test. Gano'n
ba 'yon?

"Au-au," tawag ni Calyx.

Nagtaas ako ng mga mata sa kanya. He was blurry with the tears welling up.

"Paiyak ka na naman..." malumanay na sabi niya.

A tear escaped. Mabilis niya iyong pinahid ng hinlalaki niya. He smiled a gentle
smile at me.

"Iyakin."

"Heh."

Mahina siyang tumawa. Nagbuntonghininga naman ako at hinalo nang bahagya ang white
sauce sa kawali.

"'Musta na? Matatapos na ba kayo rito?" untag ni Kuya Rius nang pumasok sa kusina.
Nakabihis na siya, gaya namin ni Cal. Pinaiikot sa hintuturo niya ang susi ng
kotse.

"Matatapos na, Kuya," sagot ko. "Mga five minutes siguro."

"Ilagay ko na sa food container 'yong linguine," sabi ni Cal at kumilos papunta sa


cabinet kung nasaan ang mga puwedeng lalagyan.

" 'Yong microwaveable ang kunin mo," ani ko.

"Okay."

Habang naghahanda si Cal, lumapit naman si Kuya sa 'kin. Sinipat ang mukha ko. "
'Yong iyak mo, okay na rin ba? Mapipigilan mo na? Baka do'n ka umiyak kay Mommy."
Inirapan ko siya kasabay ng pagnguso.

"Nguso mo, ang haba. Baka matusok si Cal," sabi pa.

Umiling ako at pumihit patalikod sa kanya. 'Yong sauce ng carbonara na lang ang
pagtutuonan ko ng pansin.

"Mauna na 'ko sa kotse. Bilisan n'yo rito."

Tumango kami ni Cal. A few minutes more at ibinaon na rin namin ang sauce. Nailang
hinga ako nang malalim bago kami tuluyang umalis.

***

I said I wouldn't cry but I did as soon as I saw Mommy. Kasi kung mukhang puyat si
Dad, lalo na siya. Malalalim ang mga mata niyang lalong pinatatamlay ng nangingitim
na eyebags. She's pale and even her smile looked painful. Walang nakakabit sa
katawan niya, pero mukha siyang mahina.

Niyakap ko siya agad at sumubsob ako sa tagiliran niya. She's soft and weak in my
arms. Amoy-gamot din. I sobbed with the plague of worries. Hindi ako makabitiw sa
kanya, lalo na nang tapik-tapikin niya 'ko sa braso.

"Naku si Kimara Aurora. 'Yan pala ang hindi iiyak, ah," tukso ni Kuya.

He sounded light and cheerful that I wanted to reprimand him. Pero gano'n talaga si
Kuya. Masyadong magaling magtago ng emosyon. Kahit noong gabing galing na kami rito
at nakausap si Dad, bilin lang siya nang bilin sa 'kin pauwi. What to do, what not
to do. What to think about, what not to think about. Ano'ng mga puwedeng basahin at
gawin. Ano'ng mga puwedeng gawin para kay Mommy. Seryoso ang mukha niya pero hindi
kababakasan ng sobrang pag-aalala o lungkot. Inaasar pa 'ko minsan. No'ng pumunta
naman ako sa kuwarto niya para makipag-usap sana, nakita ko siyang seryosong
nakaupo sa kama niya. Malungkot.

"Si Aurora po ang nagluto ng dala namin," sabi ni Calyx.

Naamoy ko ang carbonara na iniluto ko. Narinig ko rin ang paghahanda nila.

"Okay ka lang, anak?" mahinang tanong sa 'kin ni Mommy.

Kumalas ako nang yakap sa kanya at suminghot. I stared at her longer than I
previously did whenever I had a chance. Bakit pumayat na agad siya, eh ilang araw
pa lang siyang wala sa bahay? Ganito ba siya kahit noon at    hindi lang namin
napapansin? Masyado ba kaming occupied sa mga buhay namin na hindi namin namalayan
na nagsa-suffer siya? We're bad.
"Ang gulo na ng buhok mo, Mommy..." sabi ko sa kanya. "Suklayan kita?"

Tumango siya sa 'kin. Tuluyan akong humiwalay sa kanya at kinuha sa bag ko ang
bitbit kong suklay. Pumuwesto ako sa likod niya. Sina Dad naman, Kuya, at Cal,
nagsimula nang kumain.

"Ipaghanda na kita, darling?" tanong ni Dad kay Mommy.

"Mamaya na. Sabay na kami ni Aurora," sagot ni Mommy.

Tinanggal ko ang tali sa buhok niya at hinaplos-haplos ang buhok niya. Medyo sticky
'yon. Hindi pa yata siya nakakaligo because of her schedule for chemo and other
treatments. Marahan kong sinuklay ang buhok niya gamit ang pink comb ko. It was one
of her eighteen gifts to me on my debut. 'Yong debut na ayaw kong i-celebrate nang
marangya, kasi ang pangit ko.

Habang sinusuklay ko ang buhok niya, napansin kong nalalagas ang ilan niyon. I read
na side effect iyon ng chemo. I bit my lip. Mas dinahan-dahan ko ang pagsusuklay sa
buhok niya pero nalalagas pa rin. Palihim kong inipon ang mga buhok at inilagay sa
bag ko. Si Cal na napatingin sa 'kin, hindi nagsalita. Nagkaintindihan kami sa
tinginan lang to not say anything.

Itinali ko ang buhok ni Mommy pagkatapos. Originally, I wanted to braid it, but it
might put more strain on her hair and scalp. Baka lalong maubos. Mommy has shiny,
black hair.

Lumunok ako. Habang pinoproblema ko ang pagbuhaghag at pagpangit ng buhok ko,


nalalagas ang magandang buhok ni Mommy. It's not fair.

Nothing's fair.

"Okay na, Mommy." Naupo ako sa tabi niya at sinipat ang mukha niya. She's so pale
that it hurts to look at her, but I look nonetheless. Dahil baka bilang na 'yong
chance na puwede ko siyang tingnan. "Kain na po tayo?" lambing ko sa kanya. "Ako na
maghahanda ng food mo."

"Sige, Princess," sagot niya at hinaplos ako sa pisngi.

Naghanda ako ng dalawang plates. Isa para sa kanya at para sa akin. Pagkatapos,
tahimik kaming kumain.

No one asked about her treatment, dahil alam na namin. Kinausap kami ng doktor bago
pumunta sa room niya. No one asked if she's feeling okay, because it's evident she
isn't. The doctor said her body hurts but she smiled as if it wasn't. That the
cancer made it hard for her to breathe—that it's almost like drowning—but she
talked as if there was nothing wrong. Kumain siya, pinuri ang iniluto ko, at
nakipagkuwentuhan, na parang hindi siya nahihirapan o nasasaktan. I was crying
inside but I did my best not to cry again—because she's trying so hard to be
strong. Para hindi kami mag-alala. Para kung uuwi kami, hindi kami masyadong mag-
iisip.

Ayoko sanang umuwi para magbantay sa kanya, pero itinaboy niya kami.

"May office ang Kuya mo bukas. May klase ka naman. Okay naman kami ng Dad n'yo
rito," sabi niya.

Kuya and I couldn't go against her because she's so decided that we go home. Hindi
na kami nakipagtalo para hindi siya mapagod.

***

Inihatid muna ni Kuya si Cal sa bahay ng mga Cervantes bago kami tuluyang umuwi sa
bahay. Panay ang buntonghininga ni Kuya na hindi ko na lang pinansin. Hinugasan ko
sa kusina ang pinaglagyan ng pagkaing dinala namin. Siya naman ay dumeretso na sa
kuwarto niya. Nang nasa kuwarto na rin ako, kumatok lang siya at sumilip sandali sa
'kin.

"May pupuntahan ako. Okay ka lang bang mag-isa rito?" tanong niya.

Tumango lang ako. Naka-indian sit ako sa kama.

"Lock your room."

"Okay, Kuya."

Nang makaalis siya, mas naramdaman ko ang katahimikan ng bahay. Gabi na. Usually,
kapag mag-isa ako nang ganitong oras, kung ano-ano ang nai-imagine kong nakatatakot
—mga multong nagpaparamdam, serial killers, magnanakaw na pumapasok sa mga bahay,
at iba pa. But tonight, my mind was off those kinds of horrors. Ang horror na nasa
isip ko ay ang posibleng mga sakit na iniinda ni Mommy.

I reviewed and reviewed the scenes at the hospital. I was trying to find a lapse in
her facade. Wala. Perpekto. Walang sandali na hindi siya ngumiti. Walang sandali na
sumilip ang paghihirap niya. Kahit buntonghininga, walang tumakas. She just sat
there, contentedly eating, talking, and laughing with us.

Kasabay ng paglunok ko ang pag-angat ng luha sa mga mata ko. Hindi ko maialis sa
isip ko ang maputlang mukha ni Mommy, ang biglaang pangangayayat ng katawan niya,
at ang alarming na tunog sa tuwing humihinga siya nang malalim. At ang magandang
buhok niya...

Kinuha ko ang bag ko sa tagiliran ng kama at dinukot sa bulsa niyon ang mga nalagas
na buhok. Isang kamal ko halos 'yon.

Before I could stop myself, I was crying again. Tahimik lang no'ng una, bago maging
maingay. Hindi ko na mapigilan. I have to let it out or else, baka sumabog ako at
sumigaw.

Basa na sa luha ang mukha ko at barado ang ilong nang mag-ring ang phone ko. I
thought it was Calyx, but the screen said it was Maxwell. Ayoko sanang sagutin...
but I also want to hear his voice.

Kinagat ko ang labi ko at huminga nang malalim. I couldn't say hello.

"Hello, Aurora?"

Inilayo ko sandali sa akin ang phone at suminghot. "Uhm... H-hello..."

Natahimik ang linya. Narinig niya kaya ang pagsinghot ko?

"Uh... Galing ako kahapon at kanina sa tindahan n'yo. Sarado kasi. Naisip ko, baka
nagkasakit ka rin—na nahawa kita. May sakit ka ba?"

Malumanay ang pagkakatanong ni Maxwell na lalong sumasama ang loob ko sa nangyayari


kay Mommy. Gusto kong magsumbong sa kanya. Gusto kong humingi ng lakas ng loob.
Gusto kong itanong 'yong mga hindi ko maitanong sa iba. Sabihin lahat ng iniisip
ko. Maxwell doesn't judge. He always listens. I want to rely on him but I don't
know if I'm allowed.

"W-wala akong sakit..." sagot ko. Si Mommy ang mayro'n...

"I see."

Namagitan ang katahimikan sa amin na akala ko, hindi na siya magsasalita at ibababa
na lang ang linya. Pero...

"Okay ka lang ba, Aurora?" aniya.

Umiling ako. "Hindi..." I couldn't be okay. Hindi, dahil hindi okay si Mommy.
Hindi, dahil nahihirapan siya. Hindi, dahil hindi man lang siya makapag-rely sa
akin kahit na kailangan niya 'ko. It's so unfair. I am unfair.

Dinig ko ang malalim na paghinga ni Maxwell.

"Gusto mo bang ibaba ko na 'tong linya?" tanong niya.


Umiling ako, kahit hindi naman niya makikita. Kahit na hindi naman puwedeng sagot
ang iling.

"Ako... ayokong ibaba," maamong sabi niya. "Umiiyak ka ba uli?"

Hindi ko na naipit ang tunog ng pag-iyak ko. I cried like a child who couldn't tell
people what's wrong. Umiyak ako at kahit na wala siyang sinasabi sa kabilang linya,
alam kong nando'n pa rin siya. Nakikinig. Sinasamahan ako. Hindi magtatanong unless
magsabi ako.

Nang kumalma ako makalipas ang ilang minuto, narinig ko na uli ang malalim na
paghinga niya.

"I'm... sorry..." bulong ko sa linya.

"Don't be. I'm the one sorry dahil wala akong ibang magawa para sa 'yo kundi
makinig."

"No... It... helps."

"Mas marami akong kayang gawin kung wala tayo sa phone."

Tumango ako. Sigurado 'yon. Siguro kung ngingitian niya 'ko habang umiiyak,
matitigil ako bigla kasi magpi-freeze pa rin ako. It was silly of me to think about
it. Natawa ako nang bahagya.

"Ikaw ba?" Sumigok ako. "Ano... magaling ka na ba?"

"Oo."

"Good."

Natahimik uli kami. Huminto na ang luha ko pero namimigat na ang mga mata ko.
Humiga ako nang patagilid at bumaluktot.

"Ano..." Masama ang loob ko sa sasabihin ko. "I-I can't hold a conversation..."

Mahinang tumawa si Maxwell. "But do you still want me on the phone?"

"Oo." Napalunok ako. "Uh... ano lang, kung ano... wala kang gagawin?"

"May ginagawa ako. Isama na lang kita?" aniya.


"What? Ano'ng ginagawa mo?"

"Reading a book."

"Recipe book?" tanong ko.

Tumawa uli siya. Nangiti na 'ko. Maxwell has magic on me. I didn't know how strong
his spell on me was, until today—when I felt lighter just because he was on the
other side of the line while I cried my heart out. This kind of hold should be
forbidden, right?

"Recipe book kanina. Fiction book na ngayon," aniya.

"Ano?"

"American Gods ni Neil Gaiman," he said. "Can I read to you?"

"Okay."

Narinig ko ang ilang kaluskos ng pini-flip na pages bago ang malumanay na boses ni
Maxwell. He read a line, then another, and another. His voice was so soothing that
my eyes felt heavier.

Hindi ko alam kung saang parte ng libro ako nakatulog. #502h / 05082020

        Chapter 13: The hands to wipe your tears [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

Naging part ng routine at schedule namin sa pamilya ang ospital. May chemo si Mommy
once a month at mayroon ding daily medicine. Kung hindi lang dahil sa complications
ng cancer sa spleen, kidney, at lungs niya, puwede na sana siyang sa bahay na lang
alagaan. It would be easier and cheaper. But her complications require na naka-
admit siya at nababantayan ng mga doktor.

Kuya and I visited her daily. Si Kuya, after work. Ako, after school. May schedule
kami ng pagpalit kay Dad sa pagtulog sa ospital para samahan si Mommy. Kinailangang
bumalik ni Dad sa work dahil tapos na ang leave niya. Mabuti na lang, available si
Manang Thelma para mag-stay sa ospital. In the meantime, I take care of the house.
Kuya checks on our store.

It was a painful process but we learned to accept the disease. Bilang pa rin sa
daliri ang pagdaing ni Mommy. She remained strong and cheerful. Ako, just trying to
be like her.
Nalaman na rin ng mga kakilala namin ang tungkol sa sakit niya. Dumalaw na ang
ilang kamag-anak at kaibigan. May mga padala rin silang bulaklak, pagkain, at pera
paminsan-minsan. Sina Kuya Nate at iba pang kaibigan ni Kuya Rius, nag-fundraising
naman para makatulong. Ayaw kasi naming sa shared o public ward si Mommy. Kami ang
hindi komportable para sa kanya. She argued but she couldn't win against us three.

It's hard to keep being positive but there is hope. Okay na 'yon kahit papaano.

Nag-break sa school to give way to the holiday na halos hindi ko namamalayan. My


thoughts were always about what to do for Mommy—sa state niya, sa meds niya, sa mga
sinasabi ng doktor. Nagpupunta lang ako sa derma kapag nagre-remind siya. Ayaw
niyang pabayaan ko ang treatment ko because of her hospitalization. Kung ako lang,
mas gusto kong dumikit na lang lagi sa kanya.

Tanggap na rin namin na sa ospital kami magpa-Pasko. Kuya, Cal, and I were making
arrangements on how to celebrate there. All in all, it looked like things were
under control. Alam ko ang mga aasahan ko at hindi ko dapat na asahan. Ang
nananatiling unexpected ay ang progress ng gamutan ni Mommy at ang pagka-stubborn
ng sakit niya.

Si Maxwell din pala.

It was December 23 and I thought the whole day's going to be the same. He texted me
that they were visiting the hospital. Gusto raw makita nina Auntie Mona at Ninang
Norma si Mommy. Apparently, matagal na silang nagsabi kina Mom at Dad. Ako ang
pinakahuling nakaalam.

So I was fidgeting while waiting for them to arrive. My hair's unruly pa naman. I
wouldn't go easily to the salon because it would take a big chunk of my time.
Ayokong mawala nang matagal sa tabi ni Mommy. Nagpalit ako ng soft denim dress na
hanggang tuhod at nagsuot ng low-heeled sandals instead of just my flip-flops. Nag-
side braid na lang din ako nang buhok na medyo mahaba na. Hanggang siko ko na.

"You're pretty as always, Aurora. Don't be too anxious," sabi ni Mommy nang
mapansin na hindi ko mabitawan ang hand mirror ko.

But she always says that and I always see something wrong. She loves me too much
she couldn't see my flaws. 'Yong acne problems ko, hindi ako nilulubayan. They were
like angry ants digging antholes in my face. Ang comfort lang ng araw na 'to,
walang nakabukol na acne kaya hindi mukhang deformed ang mukha ko.

Still, I smiled at her para hindi na siya mag-alala. Ayokong bitiwan ang hand
mirror pero ibinaba ko sa kama niya. Isinuksok ko sa isa sa mga unan para hindi ko
na maabot uli. I shouldn't whine about my looks, habang siya ay naglalagas ang
buhok at humuhumpak ang pisngi. Hindi na rin nawala ang panlalalim ng mata ni Mommy
at ang madilim na eyebags niya.
"Okay po. I should buy something outside, sa convenience store, para may
meryendahin sila." It's two in the afternoon. "We don't have enough supplies here."

"Sige, anak."

I took my wallet and was about to go out when there were knocks on the door.
Pagkatapos ay bumukas iyon at bumungad sina Maxwell, Auntie Mona, at Ninang Norma.
May mga bitbit silang plastic bags na visible ang lamang Tupperwares. Si Maxwell,
may bitbit na malaking box ng either cupcakes o cake.

They casually greeted Mommy. Ako, nag-freeze sa kinatatayuan ko. Ngumiti kasi sa
'kin si Maxwell.

"Hi, Aurora."

Hu-hu. He looked so good. Lagi naman, but I couldn't help but to always acknowledge
it whenever I see him. Naka-white sweatshirt siya today na may hoodie. Naka-blue
wash jeans na ka-shade ng suot ko. And his smile. . .

"Aurora, 'yong mga dala nila," sabi ni Mommy sa 'kin.

"Po?" Ilang sandali kaming magkatinginan ni Mommy bago mag-register sa isip ko ang
sinasabi niya. "Ah, opo." Nahihiya akong ngumiti kina Auntie Mona at Ninang Norma,
bago abutin ang mga plastik na dala nila.

"Meryenda 'yan galing sa bahay," sabi ni Ninang Norma na kay Mommy nakatingin.
"Spaghetti, lumpiang sariwa, shanghai, at suman."

Inilagay ko sa patungan sa tagiliran ng kuwarto ang mga pagkain. Si Maxwell,


itinabi roon ang kahon na dala niya.

"Cupcakes 'to. Bake namin ni Auntie," sabi niya sa 'kin.

I couldn't look at him because of my bare face. Kitang-kita lahat ng acne marks at
infection sa mukha ko. I looked hideous. Ngumiti lang ako sandali at nag-iwas na ng
tingin.

"Thank you. . ."

I looked at Mommy na kakuwentuhan na nina Auntie Mona at Ninang Norma. Nakaupo ang
mga bisita sa mahabang upuan sa tagiliran ng higaan ni Mommy. Do'n ako natutulog
minsan kaya may unan pa at kumot sa unahan niyon. They don't mind naman, so I guess
I should just leave it there. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa proseso ng gamutan.

Pagtingin ko kay Maxwell, he was looking at me pala. Naitago ko bigla ang mga labi
ko. "Uhm. . . thank you sa pagdalaw n'yo."

"Hindi kami nakadalaw agad dahil baka hindi rin kayo komportable pa. Tumiyempo muna
si Auntie na makausap Mommy mo bago kami magsabing pumunta."

I don't know what to say para alam niya kung gaano ako ka-grateful sa presence nila
—sa presence niya.

Alam naman sa school ang tungkol sa sitwasyon namin. Hindi maiiwasan, lalo na dahil
after class ay lagi akong nagmamadali umalis. Nag-excuse din ako sa mga extra-
curricular activities na naka-schedule ng weekends. Alam ko ring nalaman ni Maxwell
ang tungkol kay Mommy bago pa malaman sa school. But he didn't really ask me about
it. Kapag tumatawag siya minsan sa 'kin at nagtatanong siya kung may problema, I
wouldn't say anything but he wouldn't probe. Binabasahan niya lang ako ng libro.
Mangangalahati na kami sa American Gods.

Nalaman lang talaga nina Auntie Mona, Ate Tere, at Ninang Norma ang tungkol kay
Mommy nang minsang maabutan nila si Kuya sa store. Si Kuya ang nagsabi. 'Tapos
ibinalita ni Kuya sa amin.

"I'm sorry. . . 'di ko masabi nang deretso sa 'yo 'yong tungkol kay Mommy," mahina
ang boses na sabi ko. Mas malakas pa ang kuwentuhan ng mga bisita at ang tawa ni
Mommy kaysa sa pagsasalita ko. "But I'm happy you're here with me."

Nagtagpo ang mata namin ni Maxwell.

"I'm happy I'm here with you, too," sabi niya.

Umatras ang ngiti ko kasabay ng lahat ng energy na mayroon ako. Bakit ko sinabi ang
sinabi ko? Bakit 'yon lang ang sinabi ko? It's like I'm confessing. Totoo naman ang
sinabi ko but. . . Hu-hu.

"I—I mean. . . ano. . . I'm happy you're here. . ."

"With you," dugtong niya na may magaang ngiti.

"Yes, but I mean. . . happy with you and Auntie and Ninang."

He looked into my eyes as if he was reading me. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko.

"Okay. But I still mean that I'm happy I'm here with you, Aurora."

I. . . was just frozen.


"Princess?" tawag ni Mommy.

Nawala ang hold ni Maxwell sa 'kin pagkurap ko. Lumingon ako kay Mommy. "Po?"

"Paki-serve ang dala ng mga bisita, anak," sabi niya.

Nakatingin silang lahat sa amin kaya inabutan ako ng hiya. Baka mamaya, they were
thinking that we were having conversations of our own. Although totoo naman pala
'yon. Hu-hu.

"Tulungan na kita," sabi ni Maxwell sa 'kin.

Sunod-sunod ang tango ko sa kanya. Narinig kong mahinang nagkatawanan sina Mommy at
ang mga bisita kaya nahinto ang tango ko.

Hu-hu. What am I doing?

***

Nadagdagan ang tao sa room ni Mommy nang dumating pa sina Kuya Rius, Kuya Cloud, at
Cal. We were about to eat cake sana. Si Maxwell at Auntie Mona ang naglalagay sa
platito.

May dalang flowers si Cal, while bilao ng pansit naman ang bitbit ni Kuya. Ang
weird no'ng nagkatinginan sina Maxwell at Calyx, kasi may simangot bago sila
tumango sa isa't isa. I was just watching them while sitting beside Mommy. Baka
kasi may iuutos bigla o may kakailanganin.

Nagbatian sandali ang mga bisita. Si Kuya Rius ang nagpakilala sa mga taga-compound
kay Kuya Cloud.

"Dami mong guests ngayon, 'My. Dami rin nating pagkain. Mukhang Punerarya Boys
makikinabang nitong bitbit kong pansit Malabon," sabi ni Kuya. Inilapag niya ang
bilao sa patungan sa silid. Inayos ni Maxwell ang mga nakapatong do'n para kumasya
ang bilao.

Punerarya boys ang tawag sa barkadahan nina Kuya. Sa pagkakaalam ko, dahil 'yon
puro may nagugustuhang iba 'yong mga babaeng gusto nila. Si Kuya, medyo alam ko
kung sino ang gusto. Pero 'pag tinatanong ko siya, super deny.

"Sabi sa 'yo, bro, dapat biskwit at kape ang binili mo. Para kahit sa Punerarya ang
bagsak, pang-matagalan," salo ni Kuya Cloud.

Umiling sila sa jokes na sila lang ang may alam. Nagkangitian naman kami ni Calyx.
Nakuwento niya kasi na madalas tambayan ang bahay nila at bahay nina Kuya Nate sa
tuwing may punerarya stories sila.

"Tita, flowers po," sabi ni Cal nang iniaabot ang bulaklak kay Mommy.

Nataon na nag-aabot din si Maxwell ng platito ng cake. "Cake po, Tita."

Nangiti ako dahil parang naggigitgitan sila sa atensyon. Mag-aabot lang naman. It's
not like it would mean anything more.

"Salamat sa bulaklak, Calyx," sabi ni Mommy nang abutin ang flowers. Nang abutin
naman niya ang cake, "Salamat sa cake, Maxwell."

Mahina akong natawa at dumikit kay Mommy. I whispered, "Para silang nanliligaw sa
'yo, My."

Bumulong pabalik si Mommy. "Hindi ako ang gusto nilang ligawan, anak."

I blushed even though I wouldn't acknowledge the joke and even though I wouldn't
probe further. Nang abutan din ako ni Maxwell ng cake, nag-thank you lang ako at
ngumiti. Everyone's already eating and making small conversations.

Sina Cal at Maxwell, nagkasabay maupo sa mahabang upuan sa tabi namin.


Nagkatinginan sila.

"Baka nasisikipan ka, puwede kang lumipat," sabi ni Cal.

Nanlaki ang mata ko kay Cal. Casual naman ang tono niya pero attitude.

"Ikaw na lang ang lumipat," nakangiting sagot ni Maxwell. "Malaki 'yong upuan sa
labas."

Hala.

Napa-check ako sa mga kasama namin sa room. Parang oblivious naman sila sa dalawa.
Sina Ninang Norma at Auntie, pinag-uusapan ang cake. Si Mommy, sumusubo. Si Kuya na
nanonood, bumulong kay Kuya Cloud. 'Tapos maya-maya, tumalikod sila at nag-usap
nang sila lang ang nakaririnig.

Tumayo ako at kinuha ang unan at kumot ko sa uluhan ng mahabang upuan. Inilipat ko
'yon sa drawer ng patungan sa bandang likuran nila.

"Better na? Kasya na kayong dalawa?" tanong ko sa kanila.


Ngumiti lang si Maxwell. Si Cal, nakasimangot pa rin.

" 'Pag naging weird kayong dalawa, sa labas na lang kayo ng room," I said. "So,
behave." Niliitan ko pa sila ng mata.

"Okay, Aurora," sagot ni Maxwell.

Tumango lang si Cal.

"Let's enjoy the cake, mga anak," singit ni Mommy at ngumiti sa amin.

I didn't know if she saw our little scene or if she heard me say what I just said.
Umupo na lang ako sa tabi niya at dumikit sa kanya.

"You need something else, My? I'll do it for you," malambing na tanong ko.
Nakatingin siya kina Calyx at Maxwell kaya napasulyap din tuloy ako. They were both
looking at me.

Bakit na naman kaya?

Tinapik ni Mommy ang kamay kong nakakapit sa braso niya at mahinang tumawa. "I'm
okay, Princess. Iba ang may kailangan sa 'yo."

When I looked at Cal and Maxwell again, they weren't looking my way na. Kumakain na
sila ng cake nila. I should just ignore them.

Weird talaga nitong dalawa 'pag nasa iisang space. #441h /5142020++

        Chapter 13 Part 2 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

It was five nang magpaalam sina Maxwell. Sina Calyx at Kuya Cloud naman, six.
Hinintay lang namin ni Kuya Rius sina Dad at Manang Thelma sa ospital, bago kami
umalis. Ihahatid ako ni Kuya sa grocery store na malapit sa subdivision namin, bago
siya tutuloy sa overnight thing niya sa office nila.

"Okay ka lang ba mag-isa sa bahay? Madaling-araw na 'ko uuwi," sabi ni Kuya sa


'kin.

I was holding my phone, checking my social media accounts. Sa twitter, everyone's


concern about gifts for Christmas. Si Celine, ang daming natanggap na gifts from
unknown senders. Sina Lil nanunukso na baka may bigay raw si Maxwell do'n. Walang
twitter account si Maxwell kaya siguro hindi nakasagot. Isa pa, wala naman sa
nature ni Maxwell ang magbigay ng regalo anonymously. Or. . . mali ba 'ko?
Sumulyap ako sandali kay Kuya habang nagbubukas naman ng facebook account ko. Mula
kanina ay concern na silang lahat na mag-isa lang ako sa bahay. There's no problem
naman with being alone. I could just open all the lights in the house and play
movies or some music, if ever I got scared of multo. Saka, may Christmas ghost ba?

"I'll be okay, Kuya. Basta mag-text or tumawag ka lang 'pag hindi ka uuwi."

Seryoso ang mukha niya habang nasa manibela. I wanted to ask about that thing in
their office, kasi pakiramdam ko, hindi naman talaga ro'n ang punta niya. I'm sure
kasi na if it's something he could skip, he'd skip it. Kahit pa related sa work.
But if it's about Ate Chelley, he'd be there.

"Ano 'yon?" tanong niya nang mapasulyap sa 'kin. "May itatanong ka?"

Umiling ako. "Nothing."

"Pagkabili mo ng kailangan sa grocery store, umuwi ka agad, ah."

"Of course." It's not like I have other places to go pa.

"Mag-text ka sa 'kin 'pag natakot ka sa bahay."

"Why?" I asked. "Uuwi ka?" But I doubt it.

"Hindi. Sasabihan ko si Calyx na samahan ka."

Sumimangot ako. Hindi ko na nga sinabi kanina kay Calyx na mag-iisa lang ako sa
bahay para hindi siya maistorbo. Siguradong mag-o-offer siya na samahan ako, kahit
na mabo-bore lang siya. I'm already asking a big favor from him in helping me plan
our Christmas celebration at the hospital. I don't want to take too much time pa
niya.

"I'll be okay. 'Pag need ko talaga ng kasama, ako na lang tatawag kay Cal."

"Sige."

I was browsing my facebook account when I saw post after post of birthday greetings
for Maxwell. I couldn't believe it. Nawala sa isip kong birthday niya today! I was
too focused about our first Christmas sa ospital na nakalimutan kong araw niya ang
December 23! And he went at the hospital kanina, pero ni hindi ko siya nabati.

Nakagat-kagat ko ang kuko ko.


"Ano problema mo? Ba't kinakain mo kuko mo? 'Di ka mabubusog diyan," natatawang
sabi ni Kuya.

"Nothing." But I was screaming in my head. I'm the problem! Nakalimutan kong
birthday ni Maxwell! I should have gotten him anything of value or of use.

"Sigurado ka? Baka maubos mo kuko mo. Hindi ko puwedeng ipakain sa 'yo ang kuko ko.
Kakaunti lang din 'to."

Masama akong tumingin kay Kuya. Is he trying to crack a joke? Tatawa-tawa lang
siya.

"'Kala mo ba funny 'yon?" ani ko.

"Funny 'yon," sure na sagot niya.

"It's not po."

But he just chuckled. Nakarating na kami sa grocery store. "Baba ka na, Prinsesa,"
aniya. "Tawagan mo 'ko 'pag may problema."

I was still biting my nails when I unbuckled my seatbelt.

"At tigilan mo 'yang kuko mo. Baka makita ni Mommy bukas, iba iisipin n'on."

Inilayo ko ang kamay ko sa bibig ko. I pinched the button of my dress na lang.
Sumilip ako kay Kuya habang hawak ko pa ang bukas na pinto ng kotse.

"Ingat ka sa pag-drive, Kuya."

"Sige. Umuwi ka agad."

"Yes."

Pagsara ko ng pinto ng kotse, iniikot din agad ni Kuya ang sasakyan at tuluyang
umalis.

***

Hindi ako maka-move on sa nalaman kong birthday ni Maxwell. I don't know kung paano
siya babatiin. Most of our schoolmates greeted him in social media but I couldn't
do that. Baka puwede ko siyang i-text na lang o tawagan, kahit na nakahihiya. I had
the chance to greet him today but I forgot.

Walang galing sa kanya sa wall niya. Since nagpunta sila kanina sa ospital, hindi
ba sila naghanda sa compound nila? Sa pagkakaalam ko kasi, gano'n ang tradition sa
kanila. But last year and this year, walang photos man lang ng celebration o thank
you post ng mga na-invite niyang friends from school. It's like he's not inviting
anyone. But that would be weird because he's always surrounded by people. He's
friendly and approachable so he has many friends.

Nakapila na 'ko sa isa sa mga counter para magbayad nang tumunog ang cell phone ko.
I thought it would be Mommy but Maxwell's name was displayed.

Why is he calling me now? Nag-iipon pa lang ako ng lakas ng loob para bumati sa
kanya. How should I greet him?

Malakas ang tibok ng puso ko nang tanggapin ang tawag. Sana marinig ko siya kaysa
sa heartbeat ko o sa Christmas carols na tumutugtog sa grocery.

"Hello?"

"Hello, Aurora." He cleared his throat. "Ano lang. . . ikaw ba ang nasa grocery?
Nasa labas ako."

Napatingin ako lampas sa glass wall ng store. Nando'n nga sa labas si Maxwell.
Nakatayo siya at nakatingin sa 'kin. Wala sa loob akong kumaway nang maliit. Even
with the distance between us, I felt the warmth of his smile. Kumaway siya pabalik.

"Oo, ako 'tong nakapila sa counter. Why are you here?" ani ko.

Which is a dumb question because what would one do at a grocery store? Hu-hu.
Siyempre, baka may bibilhin din siya. Hu-hu.

"May ipinapabili lang si Auntie para bukas," sagot niya.

Sabi na nga, eh. Hu-hu. "Oh. . ."

Nagkatinginan kami habang walang makapagsalita sa phone.

"Pauwi ka na rin ba pagkatapos mo diyan o babalik ka sa ospital?"

"Pauwi na 'ko," sagot ko. Puro de-lata at processed foods ang nasa cart ko. Stock
sa bahay. Ang ilan ay personal hygiene items.

"May kasama ka?"


"Uhm. . . wala."

"Ah. Sabay na tayo pauwi," sabi niya. "Okay lang?"

Tumango ako. "Yes. Come inside."

We ended the call. Pinanood ko siyang pumasok sa grocery store at maglakad palapit.
Kumuha rin siya ng cart niya.

"Hintayin mo 'ko?" aniya sa 'kin.

Tumango ako. Marami pang nauuna sa 'kin kaya hindi niya need mag-worry. "Take your
time."

Ngumiti lang siya at tumalikod na. Nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya nang
maalala ko uli na birthday niya nga pala. Hu-hu. Nakaka-amnesia kasi siya ngumiti.

Hindi ako mapakali sa pagkakatayo sa pila dahil alam kong wala pa rin akong regalo
kay Maxwell. I should buy him something—anything. I looked around. May discounted
items na nasa counters, sa ilalim ng naka-display na malaking puting Christmas
tree, at maging sa mga shelves sa malapit. Puro Christmas-themed at pang-holiday
gifts ang mga iyon. Hindi gano'n ka-suitable as birthday gift, pero maganda ang
packaging. Kahit papa'no, hindi ako mahihiyang ibigay.

I should buy a gift. . . pero sayang ang puwesto ko sa pila. Tumingin ako sa
babaeng nauuna sa 'kin. Dalawang cart ang pinamili niya. Maybe I could ask her to
reserve my spot after her. Kaso, nakahihiya. Sa likod ko naman ay isang malaking
babaeng nakikipag-usap sa anak niyang teenager. I could ask her, too. . . but I
don't really want to impose.

Hu-hu. Why am I this awkward?

Luminga ako uli para i-check kung pabalik na si Maxwell sa counter area, pero wala
pang bakas niya. I really should muster the courage to talk to strangers.

Maliit ang kalabit ko sa babaeng nasa likod ko at nakikipag-usap sa anak niyang


babae rin.

"Uhm. . . Ma'am. . . baka puwede pong humingi ng favor." My voice was croaky dahil
sa hiya. But I really have to do this. Hu-hu. Lumunok ako. "Puwede ko po bang iwan
'tong cart ko rito? May nakalimutan po kasi akong bilhin."

"Sure, sure," sagot niya.


Nakahinga ako nang maluwag. Ngumiti ako agad. "Thank you po."

Mabilis kong inilapag ang cart sa kinatatayuan ko at tinakbo ang Christmas shelves.
May mga gift bundles na naroon—shower gels, perfume, grooming kit, nail kit, mugs,
at iba pa. Hindi naman bagay kay Maxwell.

I searched shelves after shelves until I came to a stand of gadget accessories.


Mayroong headsets doon. I grabbed two dark blue bago pumunta sa customer service
for testing. Lalaki ang nakatao. As soon as ilabas niya ang headset sa packaging,
napaurong ako. May heart na naka-emboss sa mismong earpiece niyon.

"Kuya. . . ano. . ."

The customer service assistant was looking at me. "Hindi n'yo po kukunin?"

Umiling ako. "No. Kukuha na lang ako ng iba."

"Sige po."

Ibinalik sa akin ng lalaki ang headsets. Mabilis akong bumalik sa stand at naghanap
ng iba ang design. I found a foldable one in black color. Parang wala namang
embossed design sa earpiece niyon. Kumuha ako ng dalawa.

Pagbalik ko sa customer service, nakabantay ako sa earpiece nang ilabas iyon sa


pinaglalagyan. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala ngang embossed design. The guy
at CS area plugged it into a player and let me listen. Okay naman ang tunog kaya
kinuha ko na. Siya rin ang nagbalik niyon sa packaging.

Ibinalik ko sa stand ang headset na hindi namin na-test at satisfied na bumalik sa


pila sa counter. Iniusog na ng pinakiusapan kong Mommy ang cart ko, dahil gumalaw
ang pila. Two customers na lang at ako na ang magbabayad nang bumalik si Maxwell sa
counter area. Pumila siya sa pinipilahan ko. Kumaway lang ako nang maliit sa kanya.
Ngumiti naman siya.

I waited for him sa stand ng nagtitinda ng siomai. Malaki ang plastic bag na bitbit
niya nang matapos. Mukhang mabigat din.

"Tara na?" aniya nang makalapit.

I couldn't help but to smile widely because I know I already have something to give
him.

"Tara," I said.
"Ako na nito," aniyang dinampot ang plastic bag ng canned goods na nasa paanan ko.

"No. Hindi naman. . . mabigat. . ." But there's no use of me declining kasi bitbit
na niya. Nginitian lang pati ako. Ang hawak ko na lang ay ang plastic bag ng
personal things ko at ng headset niya.

Nagsimula siyang maglakad kaya sumabay ako. I don't know what to say so I just
stayed quiet. Paglabas namin sa grocery store, may nakita akong kamukha ng bike
niya sa labas. Naka-lock iyon sa parking rack.

"Naka-bike ka ba?" tanong ko.

"Hindi."

Nilingon ko uli ang itim na bike. Parang sa kanya talaga, eh. But he said no so,
"Okay."

Pumara siya ng taxi. Bumuka ang bibig ko para pigilan siya, kasi puwede naman ako
kahit sa tricycle lang, but I was late. Huminto na ang taxi sa tapat namin.
Ipinagbukas niya 'ko ng pinto.

"Sa'n po tayo?" tanong ng driver nang makasakay kami sa backseat.

"Sa'n daw tayo, Aurora?" ani Maxwell.

Sinabi ko ang address ng bahay. Wala pang fifteen minutes, bumaba na rin kami. Si
Maxwell ang nagbayad. Nagdagdag siya ng tip sa driver dahil malapit lang kami.

Binuksan ko ang gate ng bahay at anxious na tumingin sa kanya. I shouldn't just


send him home. Ibibigay ko pa ang gift ko.

"Ano. . . pasok ka muna. Wala akong kasama," sabi ko.

Kumunot sandali ang noo niya pero sobrang sandali lang. "Okay."

We went inside. Ipinalagay ko sa kanya sa kusina ang plastic ng pinamili ko.


Pagkatapos. .    . tumanga ako.

He's there with me. Sa kusina namin.

"Uhm. . . upo ka muna. Gusto mo bang. . . magmeryenda?" Kaso, baka kumain na siya
kasi gabi na. "Nag-dinner ka na ba? May gusto ka ba?"
"Ikaw?" aniya. "Nag-dinner ka na? I can cook for you."

Napalunok ako. Bakit siya ang nag-aalok na magluto for me? He's the one celebrating
his birthday and he's the guest in our house.

"Uhm. . . Medyo busog pa 'ko from all the food kanina. Ikaw ba?"

"Medyo busog pa rin. A drink would be good."

Umupo siya sa kalapit na mesa. Binuksan ko naman ang ref namin. May food trays ng
pagkain sa loob. May mocha cake. May tumbler ng juice at tubig. May softdrinks.
Inilabas ko ang orange juice at tubig at inilagay sa mesa. Kumuha rin ako ng
platito para sa cake at kinakabahang nag-slice ng serving. I know that he's
watching me because I could feel his eyes on me.

Square shape ang para kay Maxwell dahil marami siyang kumain. Hindi ako sumusulyap
sa kanya nang tusukan ko ng tatlong chocolate sticks ang cake. Wala kasing kandila.
Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya.

His eyes were really on me.

"Uhm. . . Happy birthday," sabi ko at alanganing ngumiti. "I'm sorry. Naalala ko


lang no'ng nakaalis na 'ko sa ospital."

Maamo ang ngiti niya. "Forgiven. Siguradong marami kang iniisip."

"Well. . ." That's true. "Uhm. . . anyway. . ." Ibinaba ko ang cake sa tapat niya.
"Let's eat cake to celebrate."

Tumango siya. #0342h / 05152020++

        Chapter 13 part 3 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

"Opo, Auntie. Pauwi na rin," sabi ni Maxwell. Kausap niya si Auntie Mona sa phone.
"Nabili ko na po. Sige po."

Nagkatinginan kami nang ibaba niya ang phone.

"Hinahanap ka na sa inyo?" tanong ko.

"Oo. Kailangan ko nang umuwi."


Napatango ako. Nagtaka siguro sina Auntie na hindi siya agad nakabalik sa kanila.
Ubos na namin ang cake at tinulungan na rin ako ni Maxwell na iayos ang mga canned
goods na pinamili ko. I shouldn't keep him.

Isa na lang ang kailangan ko pang tiyempuhan: 'yong gift.

"Uhm. . ." I should do this. Inabot ko ang plastic bag na nasa mesa rin at
hinawakan ang headset na nasa loob niyon. Hindi ko mailabas agad. "Uhm. . . This is
not expensive at hindi rin properly gift-wrapped. . . 'tapos mabilisan ko lang din
'tong binili, but I thought it's better than nothing for your birthday so. . ."
Pikit-mata kong hinugot ang headset sa plastic at in-offer 'yon kay Maxwell. "This
is for you. I hope it's okay."

Nagmulat ako nang kunin niya sa kamay ko ang regalo. Nakatagpo ko ang mga mata
niya.

"Thank you, Aurora," aniya. He smiled gently at me.

"I would've gotten you something else. . . if only I remembered it days before."

"This is good," sabi lang niya na nakatingin na sa regalo. "Puwede kong buksan na?"

Tumango ako. There's nothing else to see because the headset's on display. Pinanood
ko siyang maingat na buksan ang packaging niyon at kunin ang headset sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may naka-emboss na design sa headband
niyon: I ♥ U.

It didn't take long bago natuon doon ang mga mata ni Maxwell. Lumapad at naging
makulit ang ngiti niya.

"Pa'no basahin 'to? I heart you o I love you?" tanong niyang nanunukso.

Umiling ako. I didn't know about that. I didn't see it. If I'd seen that, I
wouldn't buy that. Pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Hu-hu-hu-hu. Iling
lang ako nang iling.

"Is it up to me to interpret it?" aniya.

Umiiling pa rin ako. Hu-hu. "H-hindi ko naman 'yan alam. . ." I whined. "That's not
a confession. . . Hindi pa 'ko magko-confess sa 'yo."

He chuckled and I don't know what I said anymore. Nag-deny ako, 'di ba? Ano'ng
sinabi ko? Hu-hu. Bakit may dalang amnesia 'yong ngiti niya? Hu-hu.
"Thank you for the gift," nangungulit pa rin ang tinig na sabi niya. "May sagot ako
rito."

"I don't want to know. . ." I still whined.

"Gusto kitang sagutin."

" 'Wag mo 'kong sagutin. . ." pilit ko.

He was laughing softly and it was good and it was sunshine pushing the dark away.
It was soft, it was fluffy, it was making my heart flutter. He's so warm and so
perfect, I was smiling, too. Like I'm an idiot. Like I'm his idiot.

"My answer should be in symbols, too," sabi niya.

I pouted, but that's just because there's no way to stop him from saying what he
wanted to say. Itinaas niya ang kamay niya sa tapat namin at ikinuyom.

"That's your answer? A rock?" ani ko.

Umiling siya habang malaki ang ngiti. Mula sa pagkakakuyom ay itinaas niya ang
hintuturo niya. I automatically counted in my head: one. 'Tapos, itinaas niya ang
isa pa niyang daliri: two.

Two? Too? Hu-hu.

"'Yan ang sagot mo? Two? I mean, dalawa?" I asked in a whiny voice.

He chuckled.

"Scissor ang sagot mo?" Hu-hu-hu.

"Peace, Aurora," he said playfully.

"Peace?" Hu-hu.

"Puwede ring—"

"No!" putol ko sa kanya. "Peace! Peace is good."

He chuckled before gently patting my head. "Thank you sa gift. I'm happy."
How should I tell him I'm happy, too? He makes me happy, it's making me anxious.
Because happy things make sad things, too.

"Umuwi ka na. . ." sabi ko sa kanya. "Ihahatid na kita sa labas."

"Okay."

Tumayo kami at lumabas sa kusina.

That night, I watched him hailed a tricycle to go home. We greeted each other for
Christmas and New Year through phone calls. Nasa ospital kaming pamilya no'n.

The past year turned over to a new one and my fears were realized. Happy things
make way for the sad ones. #407h / 05152020++

        Chapter 14: The price of a little happiness [Cliche (Candy Stories #5)]

            TCWDM: Late man ang pangako kong update, but here it is. Maraming
salamat sa gayahin-ang-emoticon challenge ng APM. Labyu.

***

Second year, Culinary Arts


February
STU

I was fidgeting at the meeting. It was taking forever. Mommy always reminds me
about moments—about showing up where I am needed and staying focused—but I couldn't
stop counting down. Isa pa, sina Lil and friends ang laging nawawala sa agenda. We
shuffled groupmates and having Celine but not having Cal on the same group was a
disaster for me. Anim kami at puro babae. Nadi-distract sila sa ibang topic at
ibang tao at ibang love life, kahit na ang dapat naming pagtuunan ay ang roles at
menu namin sa semi-finals. Everyone's too invested on Celine and Maxwell being an
item although Celine kept saying there's nothing to be excited about. It's getting
on me because I seriously wanted to go home. Kailangan ako ni Mommy.

Nasa'n na kaya si Cal? I typed a message for him.

Aurora:
                          Tapos na kayo sa meeting n'yo?

Cal:
                          Kanina pa. Naghihintay ako sa Lab 2.

Aurora:
                          Hindi pa kami tapos . . . I want to go home.

I was staring hard at the screen of my phone, while I was hearing my group gossip
about something. Lagi na lang ganito lately, even though I always tell them
(however awkward it is for me) that I am needed at home because of Mommy.

Cal:
                          Puntahan kita dyan?

Aurora:
                          Please . . .

Cal:
                          Okay. I'm coming up.

I bit my lip. Pag-angat ng mukha ko sa kanila, nakatingin na pala sila sa akin.

"Sa semi-finals, you'll be in charge to buy all the ingredients," sabi ni Lil sa
'kin. She looked annoyed. Nakita siguro akong nagte-text. "Lagi kang may excuse na
umuwi nang maaga, so we took that into consideration na."

I bit my tongue to guard myself from saying anything ugly. Going home early to be
with Mommy was never just an excuse.

"Naisip namin, mas okay kung ikaw na lang ang bahala sa ingredients, para kahit
gusto mong umuwi nang maaga, we wouldn't be inconvenienced," dagdag niya pa.

I croaked, "Okay . . ."

"Tutulungan ka ni Marian," malumanay na sabi ni Celine na nakalingon sa akin at


ngumiti. "Ililista na rin natin agad ang ingredients para walang makalimutan."

"Yes . . ."

Saktong nananahimik kami nang bumungad si Cal sa classroom. Casual siyang kumaway.
"Tapos na kayo? Uuwi na sana kami ni Aurora," sabi niya.

I saw Lil rolled her eyes. "Yep, we're done. We've given her something to do."

"Good." Tumango sa 'kin si Cal. "Tara na."

Awkward akong tumayo at hinila ang shoulder bag ko. I was seated at the far middle.
Dapat pala, sa aisle seat lang ako. Nakatungo ako nang makiraan sa mga blockmates
kong babae. Bumilis lang ang kilos ko nang mas malapit na 'ko kay Cal. Inalalayan
niya agad ako sa braso palabas ng classroom.

I might be imagining it but I thought I heard Lilia said, "Tinawag pa si Calyx para
lang umuwi. Annoying."

Pumikit na lang ako nang mariin at nagmadali sa paglalakad.

***

"You're home, Princess . . ." sabi ni Mommy pagbungad namin ni Cal sa pinto.
"Hello, Cal."

She's propped on the couch watching a movie. May nachos siya. Luminga ako sa
kabahayan pero parang wala pa naman sina Kuya o si Dad.

"Si Manang lang ang kasama ko. Kumukuha siya ng juice sa kitchen," sabi agad ni
Mommy.

I kissed her cheek and hugged her tight. 'Tapos hindi na 'ko umalis sa tabi niya.
Si Cal, nag-kiss din sa cheek niya.

Mommy paused the movie using the remote and turned towards me. Hinaplos-haplos niya
ang braso ko. "Hindi ka ba muna magpapalit ng damit?"

Umiling ako. "No. I'm gonna cuddle with you na."

She laughed softly and it made my heart lighter. Kahit nasa bahay na kasi siya, at
kahit sinabi niya at ni Daddy at ng doktor na she's getting better, sa tuwing wala
ako sa tabi niya ay may mabigat sa loob ko. It's a deadweight dragging my day down,
making everything around me bleak. I carry it everywhere.

"You're going to watch a movie with us, Calyx?" ani Mommy kay Cal habang hinahaplos
pa rin ako.

"You're not doing anything this afternoon, 'di ba?' Watch movie with us muna . . ."
I told him.

"Okay. Papadagdag na 'ko ng juice kay Manang Thelma. Gawa akong sandwich para sa
'yo?" aniya at tumingin din kay Mommy. "Makikialam po uli sa kitchen n'yo, Tita."

"Make one for me too, Cal," sabi ni Mommy.

"Sandwiches coming up," magaang sabi ni Cal at tumayo sa couch.


Paglabas ni Cal sa living room, tahimik lang kami ni Mommy. I was feeling her
warmth and her heartbeat. Nararamdaman ko ang pulso kahit na hindi ako nakadikit sa
dibdib niya. I closed my eyes and concentrated on it.

"Princess . . ." tawag ni Mommy.

"Po?" I don't want to open my eyes. Her heartbeat and her voice were soothing.

"Calyx is good for you."

"Po?" Napamulat ako.

Ngumiti siya pero nanatiling sa flat-screen television nakatingin. "Maxwell is also


good for you."

Napalunok ako. Why . . . is she talking about Calyx and Maxwell as if they have the
same position in my life? I mean, they're both my friends but Calyx is my childhood
friend and Maxwell is . . . not just that.

"I'm just saying . . ."—tumingin na sa akin si Mommy—"you have handsome guys around
you and they are both good for you."

Pero, "Uhm . . . I understand that about Calyx, Mommy but . . . why Maxwell too?
He's not going to be around me forever. Kahit nga ngayon, hindi naman kami magka-
block. We're just friends but one day, once college is over, we'll go our separate
ways. Baka nga hindi ko na siya makita uli." Nakagat-kagat ko ang labi ko at lalong
hininaan ang boses ko. What I'm going to say next would make me too embarass with
myself if I said it louder than I should. "And you're saying it wrong, Mommy. It's
not they are good for me but that they are good to me."

Mahinang tumawa si Mommy at hinaplos ang buhok ko. "You'll see what I mean one
day."

Lumabi ako. I was hugging her again when Cal and Manang Thelma came from the
kitchen. Nagbaba si Manang ng tray ng juice at nachos sa centertable. Si Calyx
naman ang may bitbit ng malaking plate ng mini-sandwiches na gawa niya. Nag-alok
agad siya sa amin ni Mommy.

Nagtama ang mga mata namin ni Calyx nang kumuha ako ng isa. He smiled at me and for
no apparent reason . . . I felt shy? Kumiling agad ako kay Mommy na nakita yata
kami at natawa sa 'kin. It's so odd.

After that, Mommy picked another movie so we could all watch it together without
missing anything. At minsan, 'pag sumusulyap ako kay Calyx o nahuhuli ko siyang
nakatingin sa akin, I'd feel something different. Hindi ko na lang pinansin.
***

It was raining on the day of our semi-finals. Maaga akong umalis ng bahay para lang
maghintay sa meeting place namin ni Marian malapit sa market. Nang twenty minutes
na ay wala pa rin siya, I decided to do everything alone. Ayokong ma-late sa
pagbili ng ingredients at lalong ma-annoy sa 'kin sina Lilia.

Nakukuba na 'ko sa pagbitbit sa dalawang malaking sack bags ng ingredients nang


kumabog nang malakas ang puso ko. Hirap na akong huminga bago ko pa lingunin si
Maxwell.

"Hello, Aurora. Tulungan na kita," sabi niya at ngumiti. He's just wearing a white
shirt and the school's pants.

At dahil nakangiti siya, walang hirap niyang nakuha sa mga kamay ko ang dalawang
sack bags.

Naiwan sa nakabukas kong mga labi ang pagpigil. I meant to say no. To really say no
but it's morning and he's heavenly.

"Ano 'yon, Aurora?" aniya sa 'kin.

I couldn't look him in the eye. He's so bright and so dazzling. Hindi kakayanin ng
eyesight ko. Ibinaba ko ang tingin sa dalawang sack bags pang bitbit niya rin.

"Ako ang natokang mamili ng ingredients namin para sa semi-fi," paliwanag niya.

Lalo akong nanggilid sa bangketa nang dumikit sa akin si Maxwell, taking more of my
space. Saka ko lang na-realize na maraming mga de-padyak ang kasunod namin. We were
already on the busy streets. Malapit na rin sa mga tricycle na puwedeng sakyan
pabalik sa STU. Delikado ang ma-run over.

"Ah . . ." Hu-hu. Iisang syllable lang ang kaya kong sabihin, 'tapos hindi pa word.
Hu-hu. But he's making me nervous by being this near. I wasn't prepared at all to
see him. What are the chances that he'd    be their group's purchaser too?

"Kumpleto na ba 'tong nabili mo? O may dadaanan pa tayong iba?" aniya sa akin.

"Uhm . . ." I took the list inside my pocket and stared at the words. Wala namang
rumerehistro talaga sa isip ko, but I crossed everything out. Wala na akong need
bilhin. "Nabili ko na lahat."

"Then balik na tayo sa school? Buti na lang nakita kita. Mabigat 'tong bitbit mo."
Tumango ako.

Napalilibutan kami ng ingay ng palengke hanggang sa makarating sa sakayan ng


tricycle. Pinasakay niya ako sa loob, kasama ang mga ingredients. Siya naman ay sa
likod ng driver. Inihatid kami sa harap na ng Culinary Arts building. I was
apprehensive to go out because we might be seen and it might be bad for me again.

Nauna siyang bumaba at kinukuha na sana ang mga bags nang pumigil ako. I held his
hands firmly in place.

"Ano . . . uhm . . . ako na lang mag-isa ang magdadala nito sa mga ka-group ko,"
sabi ko.

"Mabigat 'to. Puwede naman kitang tulungan," aniya at ngumiti.

Pumikit ako nang mariin para hindi ma-amnesia sa ngiti niya. I have to protect
myself from being seen with him again. "Ako na lang, please. Ka-group ko pa naman
si Celine."

Kumunot ang noo niya. "Ano naman?"

"Ha?"

"Ano naman kung ka-group mo siya?"

"Ano . . ." Napatitig ako sa mga mata niya para lang mapatitig na lang. I was
trying to come up with a reason that wouldn't sound like I was scared of my
groupmates or actually jealous about him and Celine. Pero pa'no pa 'kong mag-iisip
kung may magneto ang mga mata niyang kayang patigilin ang train of thoughts ko?

Nagulat ako nang sumikad si Manong driver sa tricycle niya para i-start iyon.
Pagtingin ko kay Maxwell, nakatingin siya sa kamay niyang lalo kong nahawakan nang
mahigpit. Napapaso kong inalis ang kamay ko sa kanya.

"Uhm . . . Sorry." Bumaba ako nang hindi nag-iisip. Muntik pa kaming magkauntugan,
kung hindi lang siya nakaiwas agad. Hu-hu. Hinila ko mula sa tricycle ang mabibigat
na sack bags at nagmadali sana.

But I was a turtle walking. Mabigat ang bitbit ko at bilang na bilang ang hakbang
ko. Panay ang lingon ko kay Maxwell para lang siguruhing hindi siya susunod o
lalapit bigla. He was considerate enough to just watch. Hinintay akong makaliko sa
laboratories bago ko makitang bitbitin niya ang sack bags niya.

I was startled dahil nasa bungad na ng cooking lab sina Lilia. Tumanaw sila kay
Maxwell bago nakasimangot na tumingin sa akin.
"You're late!" sabi ni Lil at naunang tumalikod.

Tumulong si Celine sa pagbibitbit ng mga pinamili ko sa loob ng laboratory. The


group was cross-checking it from another list bago namin i-prep. Everyone's in-
charge to cook a dish. Appetizer lang ang sa akin.

I was looking at my phone, checking kung may message si Mommy. She usually sends me
messages kapag ganitong nakaalis na ako sa bahay bago pa siya magising.

"You forgot to buy three ingredients: Tofu, sesame seeds, and paprika," inis na
sabi ni Lilia at namaywang. "Bumalik ka sa market at bumili."

Kunot ang noo ko. Sigurado akong nabili ko naman lahat. Na-cross ko ang mga
ingredients na need bilhin bago ko pa makita si Maxwell. I won't just forget
things.

Napatingin ako uli sa phone ko. Wala namang message.

"Stop looking at your phone, damn it!" ani Lilia. She was fuming, I was
dumbfounded.

"I'm . . . I'm sorry."

"You should be. We don't have all day, Kimmy. Balikan mo sa market 'yong kailangan
natin."

"Hey," sabi ni Celine, "keep it nice, Lil."

"I'm being nice!" Lil said in gritted teeth. "You don't know how hard it is to be
in the same group as her! Ilang ulit ko na siyang kagrupo at lagi siyang
nagmamadali. It's affecting everyone. Ang baba ng score ko sa cooking project dahil
siya ang na-assign sa plating pero minadali niya!"

I looked at the floor. Ramdam kong nakatingin na rin ang iba pang tao sa amin.
Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil totoong ginawa ko 'yon.

"And she's always letting other people fix things for her. May Calyx na nga siyang
lagi sa tabi niya, aabalahin niya pa si Maxwell!"

Pumikit ako nang mariin. Is this about Maxwell again? Dahil gaya ni Cal ay ilang
ulit nang sumalo si Maxwell sa duties ko ng paglilinis at pagliligpit sa cooking
lab? Dahil lang do'n?

"Bibilhin ko na 'yong kulang," nanginginig ang boses na sabi ko.


"Bumili ka na rin ng iba pa," Lil said. She quickly listed down items on another
sheet of paper at iniabot sa akin. She looked at me straight in the eye. "And quit
staring at your phone."

I bit my lip. "S-sorry . . ."

I set my phone on silent mode. Nagbuga naman siya ng hangin.

I quickly went back to the market. Nagmadali ako sa paghahanap ng dagdag na


ingredients. Isang punong sack bag na uli ang bitbit ko nang makita kong may missed
calls ako at text messages. Hindi ko pa man nababasa pero hindi na ako makahinga sa
kaba.

Manang Thelma:
                          Bakit di ka sumasagot ng phone? Ang Mommy mo
                          isinugod namin sa ospital. Nasa ICU.

Tumakas ang lakas sa katawan ko. Sigurado akong namumutla ako nang sumakay ng taxi
at mag-type ng message.

Aurora:
                          Anong nangyari, Manang?

Manang Thelma:
                          Hindi nagising agad ang Mommy mo.
                          Pinuntahan ko sa kuwarto para gisingin
                          pero hindi dumidilat.

Manang Thelma:
                          Kinakabahan ako, Kimmy. Punta ka agad.

Nanlalamig ang buong katawan ko nang huminto ang tricycle sa college namin. Tumakbo
ako papunta sa cooking lab. Ipinatong ko lang ang sack bag sa counter at mabilis na
tumalikod. Gusto kong makita si Mommy. Gusto kong nasa tabi niya ako. I don't want
to think about anything bad yet, but I was already feeling bad.

Natigil ako sa paglabas nang may humawak sa pupulsuhan ko.

"Sa'n ka pupunta? You have a dish to prepare," matigas na sita ni Lil.

Pumihit ako sa kanya. I need to give her a reason. Anything. But there's nothing
except, "Nasa . . . ICU ang Mommy ko. She's . . . she's not waking up . . ." As
soon as I heard my own voice and what I said, my tears fell. Hindi ko mapigil. "I—I
. . ."
Kinain kami ng katahimikan habang nakatingin sa isa't isa.

Pumagitan si Celine at tinanggal ang kamay ni Lilia sa pagkakahawak sa 'kin.

"Go," sabi ni Celine. "Kami na'ng bahala rito."

But my feet was stuck on the ground. I couldn't find the strength to move anymore.

"Go . . ."

I was trying to find words . . . trying to speak to explain how I was stuck . .   
trying to ask for help. Pero sinasakal ako ng kaba at ng takot. Pinamamanhid maging
ang dila ko.

Matipid na ngumiti si Celine. "Go . . ." sabi niya at mahina akong itinulak sa
braso.

Halos mabuwal ako sa maliit na puwersa niya. Nanghihina ang mga tuhod ko nang
pumihit at maglakad . . . bago tumakbo. The world's already a blur with the tears
in my eyes.

I wanted to hope that I wouldn't lose mom yet . . . but hope had always been cruel
to me.

#322h / 09292020

        Chapter 14 part 2 [Cliche (Candy Stories #5)]

            TCWDM: This is unedited, so sorry na agad sa errors. ALSO, huwag


basahin nang hindi emotionally prepared. Keep safe, everyone!

***

Everyone said that I worry too much. That I was an overthinker. That the bad was
almost always just in my head and unlikely to happen. On my way to the hospital, I
kept reassuring myself of that flaw.

I was just overthinking. I was just worrying too much. The bad was just in my head.
Hope wouldn't be too cruel to me. Even if Hope would be cruel to me, it wouldn't be
to Mommy. Because she's a good person. Because she didn't deserve the sickness, the
pain of her disease, the uncertainty of her days with us… She didn't deserve to be
robbed off the chance to say goodbye.

Nasa labas ng ICU si Manang Thelma nang dumating ako. I was fear-stricken and my
face was drenched with tears. I couldn't will myself to speak. Mahigpit na
hinawakan ni Manang ang dalawang kamay ko bago naluluhang tumingin sa akin.

"Bakit ganyan ang itsura mong bata ka? Mag-aalala ang Mommy mo niyan sa 'yo," sabi
niya at hinaplos ang buhok ko.

I was hopeless with panting and sobbing. Pinaglalaruan ako ng sarili kong paghinga.

"Nasa loob ang daddy at kuya mo…" sabi ni Manang.

She helped me reach the door. She even opened them for me.

Nanghihina ang buong katawan ko nang matuon ang luhaan kong mga mata kay Mommy.
Ilang aparato ang nakakabit sa kanya. She's even intubated.

I kept remembering her smile. Was she suffering so much these last few days and we
didn't notice? Did she hide it in her smile? In her soft voice?

"You should smile more, Princess. Show your face more. Hindi tayo nag-salon at
nagpaayos ng buhok mo para lang maitago mo lagi ang mukha mo…"

"You're beautiful, Aurora. People around you knows. One day, you'll see it too."

"I'm happy that you grow up to be kind and caring, anak."

"I want to see you smile more often."

"I love you, Princess."

She always smiles. She always, always smiles… Kahit nahihirapan siya o nasasaktan
siya o may-sakit siya… lagi siyang nakangiti sa akin.

She would tell me good things and smile. She would say nice words to me and smile.
She'd scold me then advise me and smile. She'd say she loves me and smile.

She always, always smile… na madaling makapagpalimot na may dinadamdam siya.

"Mommy…" mahinang tawag ko. Hindi ako makahakbang mula sa pinto.

Lumingon sa 'kin si Daddy at nanlumo siya nang magtagpo ang mga mata namin.

"Baby…" sabi niya at lumapit sa 'kin.


Yumakap ako sa braso ni Dad para hindi mabuwal. Para kayanin kong humakbang.
Nakaalalay naman siya.

We couldn't speak. Silence and sadness was too heavy in that room… no one could say
a word.

Kuya was gritting his teeth habang panay ang bagsak ng luha sa mga mata niya. Si
Daddy lang ang nagpipigil. Ako, halos mabulag na sa mga luha ko. Halos madapa nang
lumapit kay Mommy. I held her hand na may IV.

She's warm. She's still warm.

"Mommy… w-wake up…" I managed to say. I kissed her hand--paulit-ulit. "Mommy…


please… wake up. Please… please… I'm scared, Mommy…"

Sumubsob ako sa kamay niya at doon tinalo ng pag-iyak.

***
"We did everything… Akala namin, papunta sa paggaling ang mommy n'yo. Akala lang
pala. Aggressive ang lymphoma at kumalat hanggang sa utak niya. Now... she's…"
Lumunok si Dad bago tumikhim. Kumintab sa luha ang mga mata niya habang tiim ang
mga labi. Namuti ang kamao niyang nakapatong sa tuhod niya.

We were at the long chair outside the ICU para makapag-usap-usap. The nurses are
attending to Mommy. Si Manang Thelma, bumili naman ng pagkain naming apat.

Sumisinghot ako habang pagod ang mga mata. Nagpapahinga ang mga luha ko para siguro
makaiyak uli ako mamaya. The weight in my chest won't go away. Kahit ano'ng luha,
nananatiling mabigat.

Hinawakan ko ang kamay ni Dad kahit na wala akong alam sabihin sa kanya. Kung
susubukan kong i-imagine ang nararamdaman niya ngayon habang nakikita si Mommy sa
ganitong kalagayan, baka hindi na makapagpahinga ang mga mata ko.

Si Kuya, nananahimik din.

"Pa'no pala ang exam mo? Nagpaalam ka ba nang maayos sa school?" tanong ni Dad sa
akin.

Hindi ako nakapagpaalam. I just ran when Celine gave me a nudge dahil natatakot
akong 'pag huminto ako, mananatili na lang ako sa kung saan ako huminto at hindi na
makararating sa ospital.

"Si Cal ang nagpaalam para sa kanya, Dad," sabi ni Kuya Rius. Magaspang ang boses
niya. He cleared his throat before adding, "Tumawag daw kay Manang nang mapansing
wala sa exam si Aurora."

Tumungo ako. "Sorry po…" I croaked.

Magaan ang haplos ni Dad sa ulo ko para aluin ako. "I wouldn't expect you to be
calm, anak," aniya. "Ako man nang tawagan ni Thelma ay basta umalis sa opisina.
Tatawag ako maya-maya."

Tumikhim si Kuya. "Ako rin. Umalis lang ako bigla nang hindi alam ng mga boss ko."

Tipid ang ngiti namin pero hindi namin magawang tumawa.

"Pagagalitan tayong pare-pareho ng mommy n'yo."

Natahimik kami sandali. Sa tingin ko, pare-pareho kami ng iniisip pero hindi namin
malagyan ng boses: Paano bukas? Kailan gigising si Mommy? Paano 'pag hindi siya
nagising? Paano kami hihinga, magpapahinga, matutulog, at gigising nang ganito ang
kalagayan niya? Paano kung mawala siya?

No one dared to ask about the things we were afraid of. Kasi baka kapag sinimulan
naming itanong, malungkot at masakit ang maging sagot. Baka bigyan kami ng sagot ng
tadhana na pagluluksaan namin.

"Hindi po ako papasok bukas…" sabi ko.

"Ako rin…" sunod ni Kuya.

Nagbuntonghininga si Dad. "I'll file a leave of absence too. Tatawagan ko ang


school mo, Princess."

"Yes, Dad."

Lalong bumigat ang katahimikan nang mawalan kami ng salita.

***
Tumawag si Dad sa college namin. I was allowed to miss school for the whole week.
Nang mga sumunod na araw, pinilit naming mag-function para kay Mommy. We take turns
sa pag-uwi sa bahay para maligo at kumuha ng supplies. Kami ni Manang ang madalas
na nagluluto ng meals. Si Cal, dumadalaw after school para i-update ako sa mga
nami-miss ko. Bukod sa kanya, dumalaw na rin ang iba pa naming kamag-anak at ibang
kaibigan ni Mommy.

Si Maxwell, ilang ulit na sinubukang tumawag pero hindi ko sinasagot. Nang dumalaw
naman sila nina Auntie at Ninang Norma, sinadya kong pumunta sa bahay para hindi
kami magkita.

I don't know why… but I don't want to see him.

Itinuon ko ang lahat ng attention at energy ko kay Mommy. We talked to her


casually. Sabi kasi ng doktor, nakatutulong daw 'yon para alam ni Mommy na nasa
tabi niya kami. Kapag wala na akong masabi sa kanya, I read her favorite book to
her. Lagi kong hinahawakan ang kamay niya para i-assure siya na nasa tabi niya ako.
That I was scared but I will stay. That I was tired but I will stay. That I was
trying to be strong for her. That I was hoping and praying for her.

I was holding her hand that night while sleeping beside her when one of the
hospital equipments made a funny sound. Nagising akong pinanghihina ng kaba at
takot. Halos hindi ako makahakbang at hindi rin makahinga nang gamitin ang Nurses
Call. I couldn't recognize my voice when I told them something's wrong.

The doctor and nurses ran into the ICU. Mahigpit ko pa ring hawak ang kamay ni
Mommy at pakiramdam ko, nakapisil na rin siya sa 'kin. Malaki ang mga mata ko sa
pagkakatingin sa kanya. Para kasing… tinatawag niya 'ko. Parang may gusto siyang
sabihin sa 'kin.

Ang babaeng nurse na dumating ang nagtanggal ng kamay ko kay Mommy. "Sa labas po
muna kayo."

Isa pa uli ang umalalay naman sa akin para lumabas. I was protesting in my head…
but just in my head. My thoughts were all pointing to the bad and denying what's
happening before my eyes.

I was watching outside when they checked on her. I was watching when they injected
something and waited for a response that never came.

"Mommy…" tawag ko sa kanya sa labas ng salamin. I'm scared. "Mommy…" Don't leave
me...

Dumating sina Kuya at Daddy at hinarang ng mga personnel sa tangkang pagpasok sa


ICU. They were asking me questions I couldn't answer.

Ano'ng nangyari? I read the Bible to her before I fell asleep. I woke up to that
funny beeping sound. And now… it's like a nightmare.

"Mommy…"

I was watching a typical scene from a movie. They were trying to revive her. But
reviving means that she somehow…

"Mommy!" sigaw ko. I tapped on the glass with my palms open. Each tap was my
desperation eating on my hopes. This couldn't be happening. This shouldn't happen.
"Mommy! Please, Mommy… wake up, Mommy!"

I don't know if my words would reach her… but I hoped again. I hoped it would. I
hoped for a few more days with her. Just a few more days. Kahit hindi pa rin siya
gising. Kahit wala siyang sabihin. Kahit na hawakan ko lang nang mas matagal ang
kamay niya. Kahit na matulog lang ako uli sa tabi niya. Kahit na maramdaman ko lang
siya.

I wanted just one more day. Is that too much to ask? Was I bad? Was I audacious?
Did we not deserve it? Kahit hindi na ako… Did she not deserve it?

"Princess… calm down…" nanginginig ang boses ni Dad nang pumigil sa akin. He hugged
me, stopping my hands from hitting the panel. "Calm down, anak…"

Did we not deserve another day with her?

"It's unfair! It's unfair, Dad!" sigaw ko.  "Mommy! Wake up, please! Don't leave
me!"

Pagtingin ko uli kay Mommy, kusang huminto ang mga kamay ko sa paghampas. I watched
a tear escaped slowly from her eyes.

I knew then, she's saying goodbye. Just like that, she's gone.

They stopped reviving her and one of the nurses looked at her watch.

"Mommy ko… Mommy…" basag ang boses ko sa pagtawag sa kanya. She wouldn't hear me
anymore. I know... but I couldn't stop calling for  her. "Mommy..."

Nanghihina akong napaupo sa sahig bago ko maramdamang umikot ang paligid.

I was embraced by darkness.

#0628u/10172020

        Chapter 15: To stay invisible [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***
How do you bury someone you love and still keep your heart with you? Walang
nakaaalam ng sagot. Hindi si Dad, Kuya, o Manang Thelma. Hindi ako. Hindi ang
katahimikan na hindi namin alam punan. 

That day, we were forced to accept that Mommy was gone. I know she’d be free from
the disease. I know she’d be saved from all the pain. Pero kahit paulit-ulit kong
sabihin ang mga ‘yon sa sarili ko, hindi nababawasan ang sakit. How do we stop
hurting?

We also learned that Mommy made arrangements for her funeral. She wrote the things
she prepared and entrusted the notebook to Manang Thelma. We read it. Gusto niyang
paglamayan siya sa isang funeral homes sa loob din ng subdivision. Ayaw niya ng
matagal na burol. May papers para sa kabaong at spot na paglilibingan sa kanya. May
contact number para sa pari, simbahan, at huling misa. Dad was patient reading
everything, na akala ko, ang mga iyon ang mangyayari. But when her remains was
ready, iisa lang ang nasabi niya kay Mommy: “Uuwi na tayo, love.”

So we came home. It was surreal to see Mommy there but inside a coffin. Ilang ulit
ko siyang tinitigan sa pagkakapikit niya. She was beautiful without the suffering
but she was also sad. How I was able to see it was beyond me—but I was sure.

Nagpunta ang ilang kamag-anak namin para tumulong sa lamay. Unang gabi pa lang,
dagsa na ang mga bisita. They expressed their condolences and told stories about
Mommy. I know they mean well in consoling us but I also know that they wouldn’t
understand the extent of this pain unless they loved and were loved at the exact
same degree. The only pain we know and we could try to fathom is our own. It’s
useless and cruel to realize this, I ran out of tears. In my head, I kept on
begging and asking for Mommy to come back. Outside, I’m but an empty shell on auto-
pilot. 

Sina Maxwell at ang iba pang taga-compound, nakiramay noong second night. They
brought food. Bukod sa pagtanggap ko sa condolences nila, wala na akong iba pang
nasabi. I stayed seated beside Mommy, looking at her while wondering about a lot of
things. I wonder if she could see us. If she could, if she’s worried. I wonder if
she’d been happy in her short life and if I had anything to do with that happiness.
If she knew that we loved her so much. If I had disappointed her. I wonder if there
were things she would have wanted the chance to say or do.  

The more I looked at her, the more it was sinking in that Mommy was gone and the
more that I hated what happened.

It might have been better if only I stayed invisible.

***

On the third day of the wake, I went to school to take a practical exam. Two weeks
na ang naibigay na palugit at kahit na gusto ng mga professors na i-excuse pa rin
ako, si Dad na ang nagdesisyon. We were sure Mommy wouldn’t like me to keep on
missing school even though I hardly have the energy to wake up and get up in the
morning.

I was so not in the mood that I didn’t bother fixing my hair or covering my face
with it. Pinagtinginan ako ng mga tao sa gate pa lang. Pagdating sa building namin,
sinalubong ako ni Cal. Tinulungan niya akong mamili ng ingredients sa market at
mag-prepare para sa full course na iluluto ko. 
“Allowed ka bang tulungan ako?” I asked him flatly. 

We were already preparing for the dessert. 

He turned the mixer off and looked at me with knitted brows. “Oo. Nagsabi ako kay
Prof. Bakit?”

Itinikom ko ang labi ko kaysa sumagot. Hindi ko ikinuwento kay Cal ang nangyari
nang araw na isugod sa ospital si Mommy. He didn’t know that our classmates don’t
like it when he or Maxwell help me. If he knew, he’d get angry on my stead. Okay
naman ‘yon pero useless. My classmates are already malicious. Kung iko-confront
niya pa sila, lalo lang akong kaiinisan. 

“I’ll watch sa practical mo. Kapag kailangan mo ng tulong—”

“I can do it alone, Cal,” dismissive na putol ko sa kanya.

He looked startled with my tone. 

“I mean…” I shouldn’t lash out at him. Nasa tabi ko na siya mula pagkabata. “I
mean… I’m okay. Don’t worry too much.”

Nagbuntonghininga na lang siya kaysa magsalita. Nagpatuloy kami sa kani-kaniyang


ginagawa namin. 

When we were done preparing, wala na ako sa mood kahit magsalita. It’s just too
tiring. Need pa naman i-demo ang pagluluto hanggang plating. Tamad akong nagpalit
at nagsuot ng cooking uniform. Pagbalik ko sa laboratory, nando’n na ang mga
professors namin. 

Hinagod ako ng tingin ni Cal at nangunot ang noo niya. 

“What?” tamad na tanong ko.

He sighed. “Magulo ‘yong hairnet mo.”

Pinabayaan ko siyang umabot sa ulo ko. He adjusted the entire hairnet. Namulot ng
hibla ng buhok na hindi maayos nakasalo sa bandang tainga at batok ko at isinuksok
ang mga iyon paloob. He patted my head after. 

Maamo ang mga mata ni Cal sa akin. “You’re going to be okay. I’ll always be here
for you,” aniya.
Nilunok ko ang emosyon na umakyat sa lalamunan ko at nagbanta sa mga mata ko. How
could he say that so casually and so out of timing… and still trigger my tears? 

Ngumiti siya. “Pasok na sa loob. Sarapan mo ‘yong luto mo. Makikikain ako
pagkatapos.”

I bit my lip and nodded. 

*** 

“Ako na rito, Au-au, kung gusto mo nang magbihis,” sabi ni Cal pagbalik galing sa
pagtatapon ng basura. Nagtali agad siya ng apron sa baywang niya. 

Naghuhugas na lang ako ng mga ginamit sa pagluluto—bowls, plates, tray, measuring


cups, mga kaldero at kawali. Pinagpapawisan ako at makati ang mga tumakas na hibla
ng buhok ko na sumasayad sa mukha ko. I did want to change but I wanted to finish
cleaning up first, so I could go straight home. 

“Ako na nito kasi—”

“Gusto mo nang umuwi, ‘di ba?” aniya at maliit na ngumiti. “Iri-rinse na lang naman
‘tong mga ‘to at ibabalik sa cabinet. Magpalit at mag-ayos ka na para makauwi na
tayo.”

“Makikipuyat ka uli?” kunot-noong sabi ko sa kanya. 

Lagi siyang nagmamagdamag sa bahay para tumulong. Umiidlip lang siya sa kuwarto ni
Kuya Rius kapag antok na siya, ‘tapos papasok pa rin naman siya kinabukasan. The
lack of sleep should be taking its toll on him now. Bakit pupunta pa uli siya sa
amin?

“You should sleep,” ani ko. “Papasok ka bukas.”

Umiling lang siya. “Nakakatulog naman ako sa inyo kahit pa’no.”

“But—”

Seryoso ang mukha niya nang tumitig sa ‘kin. “Dali na, Au-au. Magpalit ka na para
makauwi na tayo. Alam kong gusto mo nang bumalik sa inyo. Ako na rito.”

Lumabi ako bago sumimangot pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya. 
“Let’s buy coffee before going home. ‘Yong matapang. ‘Yong magigising ka,” sabi ko.

Tumango siya at nagmostra na uling lumabas ako sa laboratory. 

Nakasimangot pa rin akong tumalikod bago kunin ang bag ko sa stainless counter.
It’s good na rin siguro na siya ang magri-rinse ng mga hinuhugasan ko. I have to
put ointment on my burns without him knowing. May ilang paso ako mula sa pagluluto.
Wala sa loob ko ang ginagawa ko kanina kaya ni hindi ako naka-react nang masaktan.
Hindi rin napansin ni Cal. Nangunot lang ang noo niya habang nanonood pero wala
namang sinabi. Hindi rin nag-imbestiga kahit nang kami na lang sa lab.

Dumeretso ako sa restroom at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay naupo ako sa loob ng


cubicle at naglagay ng ointment sa paso ko sa braso at sa palad. I was getting
comfortable with the silence when I heard footsteps coming in and familiar voices
talking.

“Did you see her kanina?” Si Lilia iyon. “She looks like shit. Ano ‘yon, nagpapaawa
siya? Nagpapahalata masyado na namatayan siya? She should have worn black and
cooked while crying, if she’s so desperate for pity! Annoying talaga. Masyadong
paawa!”

Nanlamig ako sa narinig ko. The cold ran through my veins that it made me shiver. 

“Lil… uhm…” Hindi ko mabosesan ang nagsasalita.

“What? ‘Wag mong sabihing ipagtatanggol mo ‘yon? Tandaan mo, ang baba rin ng grades
mo dahil sa kaartehan niya. And you’re not like her na may pera para magbayad ng
tuition. You need good grades to keep your scholarship!”

Si Marian ang kausap niya. 

“Ang dami nang consideration at attention na ibinibigay sa kanya, hindi pa siya


makontento,” patuloy ni Lilia. 

Napakuyom ako. I was squeezing the ointment tube so tight, the contents were
spilling. Nahihirapan na rin akong huminga.

“She’s taking advantage na! Allowed siyang late mag-exam. Binigyan siya ng schedule
ng professors na mag-practical mag-isa. The least she could do is to look
appreciative of everyone’s sympathy! Hindi ‘yong paawa siya masyado. Binigyan na
siya ng consideration, sisima-simangot pa siya,” she said in anger. “She didn’t
even prepare properly for the exam. Alam naman niyang mukha siyang microbe, hindi
man lang siya nag-ayos. The food she prepared looked unappetizing and kadiri
because her face is like that! And—”

“Hey!” malakas na sita ni… Celine? “Stop badmouthing Aurora. She lost her mother.
Can’t you show a little sympathy?”
“Celine? Why… why would you even take her side?”

“I’m not taking her side. I’m just saying—”

“You’re talking nonsense!” putol ni Lil. “Just because we’re nice to you—”

“You’re mean. Just because you are nice to me doesn’t mean I’ll tolerate what
you’re saying to someone who’s mourning!”

“Eh ‘di ikaw na ang mabait! Bakit? Nakokonsensiya ka ro’n sa nakalimutan mong
ingredients na binalikan ni Aurora sa market?”

“Baka ikaw ang nakokonsensiya, you just can’t admit it even to yourself. I told you
that day I can buy it. Marian told you she’d buy it on her way. But you just have
to be angry at Aurora because you don’t like her.”

“Shut up!”

“You shut up!”

“You—!”

Ibinalya ko ang pinto ng cubicle at tumingin sa grupong naroon. Apat silang gulat
na lumingon sa akin. Lilia and Celine were still red in anger. Marian and Alyn were
nervous.

And I was mad. I was so mad I wanted to hurt Lilia. I was so mad my knuckles were
white while trying to control myself from slapping some sense to her.

“That day…” I started, “I kept thinking that that day… if only you didn’t make me
go back and buy the ingredients, if only you don’t hate me so much… baka nakapunta
agad ako sa mommy ko. Baka nando’n ako sa tabi niya no’ng puwede pa siyang
gumising.” But no. I realized as I spoke that it wasn’t Lilia’s fault she hates me.
I even hate myself. I know all my efforts and my shortcomings… and I still hate
myself. So how am I going to ask someone like her who doesn’t know all of my pains
and insecurities to stop hating me so much?

I was wrong. It’s not anyone’s fault that I’m already someone who can be hated
easily. I should have bowed my head and stayed invisible. I should have stayed out
of their way. I should have known my place and kept my place. 

Lumuwag ang pagkakakuyom ko habang nakatingin ako kay Lilia. “I know you don’t like
me… I’m not likeable so it’s not surprising. But why are you so mean to me? Why do
you make things particularly difficult for me? Do you hate me that much?”
Nanatili lang siyang nakatingin sa ‘kin, lalo na nang pumatak ang mga luha ko. 

“I know it’s not your fault you don’t like me. But all the things you did to spite
me and hurt me… all the things you said… kahit na sa tingin mo, trivial at hindi
noticeable… I remember them all. All of those hurt me. I hope one day you realize
that you hurt me—whether I deserve to be hurt or not, you hurt me.”

Tumingin ako kay Celine na may worry sa mukha habang nakatingin sa ‘kin bago ako
tumalikod. Walang imik kong kinuha ang bag ko sa cubicle. 

I didn’t bother to wipe my tears when I went out. Naglakad ako nang nakatungo
hanggang sa muntikan akong makabangga ng pamilyar na bulto. 

I know it’s Maxwell even before I heard his voice and even before I raised my head.
How I always know was beyond me.

“Aurora? Ano’ng nangyari?”

Matagal akong tumingin sa kanya. Even with the worry on his face, he still looks
like a prince. He still could blind me.

I was blinded by him and the little joys I get with little moments with him that I
had forgotten my place.

“Let’s talk,” I told him. #

        Chapter 15 part 2 [Cliche (Candy Stories #5)]

            ***

I was shaky the whole time I was walking ahead of Maxwell and I was hearing his
footsteps from behind me. Bawat hakbang, nanghihina ako. When I finally stopped and
he stopped too, it was hard to breathe. It's ironic. Mahirap ang lahat ng madali
pagdating kay Maxwell—maglakad, huminga . . . ngumiti.

Bahagya akong tumingala sa langit na pinakukulimlim ng malalaking ulap. Sumulyap


ako sa man-made pond na nasa tagiliran namin. I brought Maxwell here because
there's almost always no people here. Less ang chance na may makakita sa amin o may
makarinig sa akin. Iwas-issue.

Kinagat ko ang nanginginig kong labi at pinilit ang sarili kong humarap. Lumunok
ako nang ilang ulit bago magtaas ng mga mata sa kanya. He's smiling gently at me
that tears threatened to fill my eyes and wash away everything that I wanted to
say. Kaso . . . pagod na akong umiyak. Kailangan ko nang tumigil.
"Aurora?" Maingat ang pagsasalita niya. Malumanay ang tono. "Are you . . . okay?"

I was okay before. No'ng hindi niya pa ako binibigyan ng atensyon. Kinagat ko uli
ang labi ko. "I'm not okay. I will never be okay."

Because I'm like this and because I might remain looking like this . . . I will
never be okay. At hangga't ganito siya ngayon kung paano ko nakikita—dazzling,
blinding . . . perfect—hindi magiging okay na nakikita akong malapit sa kanya. He
chases away the darkness that coddles my imperfections. In our case, it's for the
worse. He makes me seen and being seen means being hated.

But how do I say what I want to say without hurting?

"I . . . I want to ask you . . . to stay away from me." The words were strange
coming from my lips but I had said it.

Kumunot ang noo niya. Kumibot ang labi sa pagsubok na magsalita pero inunahan ko.

"You're too good to me as a friend and I don't like it. Even if you like me as a
friend—"

"Not just as a friend, Aurora. Hindi ko gustong maging hanggang kaibigan lang."

His words sounded sincere and true, I was dumbfounded. Nakatitig ako sa seryosong
mukha niya, naghihintay na sabihin niyang nagbibiro siya.

"What . . .? What are you talking about?" Hindi ko alam kung bakit pero   
nagagalit ako.

"I like you . . . not just as a friend."

We looked at each other so hard, it felt like a sin to blink. Nakuyom ko ang kamao
ko.

Is he saying that he likes me as a girl? Bakit? Bulag ba siya? I don't have


anything he'd be happy about nor proud of. I'm not worthy of him.

"I'm not Celine," matigas na sabi ko.

"Who cares about Celine?"

"Siya ang bagay sa 'yo!" sigaw ko.


"Ikaw ang gusto ko."

"No!"

We were both dumbfounded after. I shouted so loud, my throat hurt.

"No . . ." ulit ko. "You can't like me. I don't want you to like me!"

"Why?"

His eyes demanded to be looked at. "Because . . ." There's too many because, I
don't know how to tell him what I want in a way he would understand. I know, no
matter how I try to explain it, he wouldn't grasp something unfamiliar to him. He's
never ugly. He's never unwanted. He's never shunned off. It's easy for him to
befriend people and enchant and magnetize them. Kailangan lang niyang huminga,
mamahalin na siya. He belongs to the kind that doesn't have to try so hard to be
seen favorably.

He wouldn't understand how scary it is for someone like me to be with him or to


even dream of be liked by him. Nakatatakot dahil laging magtatanong ang mga tao
kung bakit ako.

Dahil hindi dapat ako. That's the easiest answer.

"Because it shouldn't be me," sabi ko. "It couldn't be true so wake up."

Umihip ang hangin sa pagitan namin.

"Aurora—"

"Please don't make me uncomfortable. Stay away from me."

"'Yon lang ba ang mga 'yon para sa 'yo? What we shared are just things that made
you uncomfortable?" kunot-noong tanong niya.

Ayoko, pero naaalala ko lahat. Malinaw lahat dahil importante lahat. Pagdating kay
Maxwell, nananatili ang mga dapat ay kinakalimutan ko nang mabilis—'yong taxi ride
na lagi akong kabado, 'yong pasikretong pag-uusap sa clinic at sa sleeping booth,
'yong date na pinagsisisihan ko pero gusto kong ulitin, 'yong pagbibigay ko ng
birthday gift sa kanya . . . 'yong sayaw. Kumurap ako para pigilan ang pagbabanta
ng luha ko.

Ang mga bagay na gusto kong kalimutan sa aming dalawa ay 'yong pinakamasasayang
araw para sa 'kin. It's because he could make me so happy that he could also make
me this sad at the littlest of things.

"Yes . . . I don't like any of it. It's uncomfortable." Umiwas ako sa mga mata niya
at inilagay sa    harapan ko ang maliit na backpack ko. Kinuha ko mula sa loob ang
kuwintas na ibinigay niya. "I'm giving this back."

Sadness shadowed on his face. "Ano'ng ginawa kong mali?"

Wala siyang ginawang mali. Wala rin akong ginawa. Pero kahit walang mali, pagdating
sa aming dalawa, wala ring tama. "Wala. Ayoko lang na makita ka kaya gusto kong
lumayo ka."

"Aurora . . ." Sumubok siyang humakbang palapit pero umurong ako.

"Take your necklace," giit ko.

"Ibinigay ko na 'yan sa 'yo. Sa 'yo na 'yan."

"Take it or I'll toss it in the pond."

"Do what you want with it."

Higit ko ang hininga ko nang pilit kong itinapon ang kuwintas niya sa lawa. Maliit
ang tunog na nilikha niyon nang lamunin ng tubig. Nanatili ang mga mata ko sa
kanya, expecting him to look at the pond but his eyes were fixed on me.

I wanted to say sorry but it was late. Kailangan ko siyang ilayo nang mas malayo pa
sa akin. "There," sabi ko.

"Forgiven."

I glared at him.

Maamo naman siyang ngumiti. "You're forgiven."

I knew I looked angry. I was angry but not at him. Galit ako sa sarili ko. "Don't
make me repeat myself. Mula ngayon, ayoko nang makita ka. 'Wag mo na 'kong
lalapitan. 'Wag mo na 'kong kakausapin. 'Wag mo na 'kong kaibiganin. Hindi na rin
ako magpapakita pa sa 'yo."

Kumunot ang noo niya sa 'kin. "Pa'no kung gusto pa rin kitang makita?"

"I will curse at you."


"Pa'no kung aksidente kitang makita?"

"Then curse at me."

Pinag-aralan niya nang matagal ang mukha ko bago malalim na huminga. "Sigurado ka
na ba sa gusto mo?"

"Oo."

Nakatingin kami sa isa't isa. Nang parang lalapit uli siya, nauna na akong
tumalikod.

"Aurora . . . Sorry. Ayoko sa gusto mo," sabi niya.

Huminto ako sa paglakad. Nakuyom ko ang kamao ko bago malakas na magsalita, "I
don't care! You won't see me again."

"I will. At kapag nakita kita uli—"

"I don't care!" sigaw ko.

Binilisan ko ang hakbang ko, pilit hinahabol na mapalaki ang distansiya sa pagitan
namin. Tinakpan ko rin ang tainga ko pero narinig ko pa rin siya.

"Aurora! Dahan-dahan lang sa paglakad. Mataas ang heels mo!"

I ran. I knew he's not moving from where I left him but I still felt like being
chased.

"Aurora!"

Idiniin ko ang mga palad ko sa tainga ko.

"Kapag nakita kita, liligawan kita!"

"No . . ." But I said it under my breath.

Nang akala ko ay sapat na ang layo namin sa isa't isa, huminto ako. Bahagya akong
lumingon para lang makita siyang nakatayo at nakatingin pa rin sa 'kin. I don't
have to see it closely but I know that he was still smiling gently.
"Aurora Kimarra Arranza! I like you!"

Hiswords were brought loud and clear by the cold wind. I wanted to believe
thesincerity I hear in his voice but it couldn't be true. It's just not right.
Tumalikodako at hinayaang bumagsak ang mga luha ko. #

       

You might also like