Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BATANGAS STATE UNIVERSITY

Epekto ng Pagpupuyat sa Akademikong Performans ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalawa


at Ikatlong Taon sa Kolehiyo ng Civil Technology ng CIT, BatStateU, Alangilan, Taong
Panuruan 2020-2021

Ipinasa ni:

Hernandez, Vincent Jaed C.

CVET 2202
BATANGAS STATE UNIVERSITY

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula

Sa panahon ngayon nagiging natural na sa mga tao, lalo na ng mga kabataan, ang
pagpupuyat. Sa kabila ng patuloy na paglago at pag-unlad ng teknolohiya, nasasanay ang mga
kabataan na palagiang gamitin at gawing libangan ang mga ito, at ang mga senaryong may
kaugnayan dito ang ilan sa masasabi nating dahilan ng pagkapuyat.

Ang pagpupuyat ay nagaganap kapag hindi nasunod ng isang tao ang nirerekomendang
haba ng tulog ng isang tao. Ito ay nangyayari sa patuloy ng paggawa ng mga gawain ng lampas
sa tamang oras na nakalaan para dito o kaya naman ay kakulangan sa pagtulog. Ito ay kadalasang
nakikita sa mga nagtatrabaho gayundin sa mga mag-aaral lalo sa kolehiyo. Ayon sa Nurture SG
Committee (2017), nahihirapan ang karamihan sa mga kabataan na makakuha ng walo hanggang
sampung oras ng tulog. Naaabuso ang kalusugan ng mga kabataan dahil sa sobrang paggamit ng
mga gadyet para sa mga online games at mga social media accounts. Namamanipula nito ang
oras na dapat sana ay para sa pagtulog ng mga kabataan. Gayundin, para sa mga mag-aaral, ang
pagpupuyat ay kalimitang isinasagawa upang magtapos ng gawain o di kaya’y mag-aral para sa
mga darating na pagsusulit.

Natural na sa mga mag-aaral sa kolehiyo ang mapuyat dahil sa dami ng mga kailangang
gawin tulad ng mga takdang aralin, pagsusulit at mga proyekto. Ngunit hindi maaaring walang
epekto ang kakulangan sa tulog sa perpormans ng mga mag-aaral sa eskwelahan. Ang
pagkaantok at hindi regular na iskedyul ng pagtulog ay may mga hindi inaasahang kahihinatnan,
isa na rito ang negatibong epekto sa pagkatuto, sa kaisipan at akademikong pagganap. Ang ilang
mga mag-aaral ay maaaring magpuyat ng higit sa dalawampung oras bago ang mga pagsusulit sa
pag-asang mapabuti ang makuhang grado. Nagmumungkahi ang panitikan na ang magdamagang
pag-aaral ay maling paraan para mas mapabuti ay grado at kaalaman. Lumabas sa pag-aaral na
BATANGAS STATE UNIVERSITY

ang isang mag-aaral na kulang sa pagtulog ng tatlumpong oras ay hindi nagpapakita ng


magandang pagganap maging pagkatapos magkaroon ng sumunod na dalawang araw na pagbawi
ng tulog samantalang ang isang tao na walang senyales ng pagkapuyat ay may magandang
pagganap sa sumunod na apat na araw.

Sa kabilang banda naman, ayon sa mga isinagawang pag-aaral ng mga eksperto, ang
pagpupuyat ay hindi lamang puro problema ang dala, mayroon ding itong bitbit na mga
benepisyo na makatutulong sa isang mag-aaral. May mga taong nararamdaman na mas madami
silang nagagawa at mas aktibo ang kanilang mga utak sa gabi o sa madaling araw. Napag-alaman
ng mga siyentipiko na ang kakulangan ng tulog ay may iba’t ibang epekto sa bawat tao. At ayon
nga kay Patrick (2005), ang kakulangan sa tulog ay maayroon ding mga positibong epekto
kagaya na lamang ng pagkakaroon ng ‘tireless stamina, pagiging mas malikhain, pagtaas ng
kamalayan at pagbuti ng kalagayan o ng nararamdaman. Sinuportahan din ito ni Noval (2020) na
nagmungkahing dahil sa pagpupuyat ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay nagagawa nilang
malagpasan ang mga pagsubok na kanilang mga pinagdadaanan na may kaugnayan sa kanilang
pag-aaral.

Gayunpaman, maraming benepisyo ang makukuha ng mga tao, lalo na ng mga mag-aaral,
sa pagtulog sa tamang oras at pagkakaroon ng sapat na tulog. Ayon kay Hayaishi (2011), ang
pagtulog ay isa sa pinakamahalaga ngunit hindi pa gaanong naiintindihan na bayolohikal na
mekanismo ng utak. Dagdag pa ni Howard Baum (2014), mas napagtitibay ng pagtulog ang ating
kakayahang matuto sa loob ng isang araw. Upang mas maging maayos at mabilis ang paggana ng
utak, kailangang magkaroon ng sapat na tulog ang isang tao. Kalimitang mapapansin sa mga
taong puyat ang kawalan ng pokus sa kanilang ginagawa, pagiging wala sa sarili at pagiging
antukin na nakaaapekto sa kanilang prodaktibiti.

Ang mga pinagsabay-sabay na mga gawain tulad ng takdang-aralin, aktibidades,


proyekto, recitation, mga babasahing leksyon o modyul at mga bidyo na panonoorin ang
sumusubok sa kakayahan ng mga mag-aaral na balansehin ang oras at maging epektibo sa
BATANGAS STATE UNIVERSITY

akademikong larangan. Subalit ang ganitong mga akademikong performans ay hindi


nagagampanan nang matagumpay ng lahat ng mga mag-aaral bunga ng kanilang mga personal na
buhay at mga gawain sa labas ng unibersidad.

Dahil dito, minarapat ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral kaugnay sa


epekto ng pagpupuyat sa akademikong performans ng mga nasa Ikalawa at Ikatlong Taon sa
Kolehiyo ng Civil Technology ng CIT, BatStateU, Alangilan, Taong Panuruan 2020-2021. Dito
mabibigyang kongklusyon kung ano-ano nga ba ang masasama at mabubuting naidudulot ng
pagpupuyat para sa isang mag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa epekto ng


pagpupuyat sa akademikong performans ng mga nasa Ikalawa at Ikatlong Taon sa Kolehiyo ng
Civil Technology ng CIT, BatStateU, Alangilan, Taong Panuruan 2020-2021 at naglalayong
matugunan ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano-ano ang mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-aaral na nagreresulta sa


pagpupuyat ng mga estudyante?
2. Ano ang pang-akademikong suliranin na kinakaharap ng mga estudyante dulot ng
pagpupuyat?
3. Ano ang pang-akademikong benepisyo na nakukuha ng mga estudyante sa pagpupuyat?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw o nakatuon sa epekto ng pagpupuyat sa


akademikong performans ng mga nasa Ikalawa at Ikatlong Taon sa Kolehiyo ng Civil
Technology ng CIT, BatStateU, Alangilan, Taong Panuruan 2020-2021. Kasama sa pag-aaral na
BATANGAS STATE UNIVERSITY

ito ang pag-alam sa mga sitwasyon ng mga estudyante na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral
na nagreresulta sa kanilang pagpupuyat. Ang pananaliksik ding ito ay naglalayong malaman ang
mga suliranin na kinakaharap at nakakasalamuha ng mga respondente sa kanilang pagpupuyat
gayundin ang mga benepisyong nakukuha nila mula rito.

Sa kabilang banda, dahil ng kakulangan sa oras, nalilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga
estudyante ng Pambansang Pamantasan ng Batangas partikular na sa mga nasa ikalawang taon at
ikatlong taon sa kolehiyo na kumukuha ng kursong Civil Technology bilang mga respondente.
Hindi rin saklaw ng pag-aaral na ito ang epekto ng pagpupuyat sa kalusugan at sa iba pang mga
aspeto. Kaugnay pa nito, hindi rin sakop ng pag-aaral na ito ang mga solusyon sa mga suliranin
na kinakaharap ng mga respondente, gayundin ang mas malalim na pagtalakay kung bakit dapat
o hindi dapat magpuyat ang mga mag-aaral.
BATANGAS STATE UNIVERSITY

You might also like