1stPT 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Region VI- Western Visayas


Department of Education
Division of Roxas City
DON YNOCENCIO A.DEL ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Dayao, Roxas City

Pangalan at Lagda ng Magulang


Unang Markahan Pagsusulit sa Filipino 9

Pangalan:____________________________Baitang at Pangkat:______________Iskor_________Petsa:________

I. PANITIKAN: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


Para sa bilang 1-3
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip.
Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang
amo sa asawa (kiming iniabot naman agad sa kanya, tulad ng nararapat).

“ Ang Ama”- isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

1. Ipinapahiwatig sa teksto na ang ama ay _____.


a. pabaya b. masama c. nagsisisi d. makasarili
2. Mahihinuhang ang ama ay magiging ______.
a. matatag b. mabuti c. matapang d. masayahin
3. Ang damdaming higit na nangibabaw sa ama ay ______.
a. pagdadalamhati b. pagmamahal c. kabutihan d. pagmamalasakit
4. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad
nito. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap?
a. pagiging mapagbigay c. pagiging magastos
b. pagiging maluho d. pagiging maalalahanin.
5. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama. Ang
sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng pagpapakahulugang ______.
a. denotasyon b. konotasyon c. tayutay d. talinghaga
6. Ang balita tungkol sa niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang
loob pero mabait na tao, na noon di’y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa
at mga anak. Ano ang pahayag na may salungguhit ay nangangahulugang _______.
a. malupit b. masama c. mahigpit d. marahas

Para sa bilang 7-8

“Una, ang panganay na si Jules, ay may liberal na pag-iisip, sumunod ay si Gani, maagang nag-asawa’t
nagkaanak ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn. Bunga nito, siya’y nanirahan na sa abroad
kapiling ng kanyang bagong pamilya. Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason na bagama’t may kahinaan
sa pag-iisip ay siyang pinakamalambing sa lahat. Pagkatapos ay si Bingo ang bunsong anak na namulat
sa mundong walang katahimikan at walang katiyakan.”

- Pinagyamang Pluma 9

7. Ang salitang may salungguhit ay tinatawag na ____________.


a. pang-abay b. pangatnig c. pang-ukol d. pang-angkop
8. Ano ang naging gamit nila sa teksto?
a. Pinagsunod-sunod ang mga pangyayari
b. Pagbibigay kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng salita
c. Pagtukoy sa pangunahing tauhan ng kuwento
d. Pagkilala sa kaganapan ng kilos o pangyayari
9. ________ nang natutong magsarili, siya’y naging responsableng bata. Anong salita ang maaaring ipuno
upang makompleto ang pahayag?
a. subalit b. palighasa c. simula d. pagkatapos

I. Nagdiwang ng kaarawan si Rebo kahit hindi pa araw ng kanyang kaarawan.


II. Naki-bertday naman siya, pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan
III. Dinala siya ng kanyang Ama sa isang karnabal upang pasayahin
IV. Tuluyang nakalbo si Rebo
V. Nakahimlay na si Rebo sa kabaong
VI. Tuluyang pumanaw na si Rebo
10. Ano ang tamang pagasunod-sunod ng mga pangyayari?

a. I,II,III,IV,V,VI b. II,III,I,V,IV,VI c. I,II,IV,III,VI,V d. II,I,III,V,IV,VI


11. Anong bilang nagwakas ang kwento?

a. I b. II c. V d. VI
12. Anong bilang ang naglalarawan sa ikaapat na Sabado?
a. I b. II c. III d. IV

13.Mula sa akda “Nang minsan ay naligaw si Adrian”- Panitikang Asayano. “Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian
na pasan pasan ang ama sa masukal na gubat. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa
kaniyang kalooban ang kanyang gagawin.” Anong uri ng tunggalian ang masasalamin sa akda?
a. tunggalian tao vs tao c. tunggalian tao vs pagkakataon
b. tunggalian tao vs kapaligiran d. tunggalian tao vs sarili

14. Ang tunggalian sa kuwento ay sa pagitan ni/ng ______.


a. Adrian at ama c. Adrian at hirap ng sitwasyon
b. Adrian at masukal na gubat d. Adrian at kanyang damdamin

15. Ang tunggalian vs sarili ay tumutukoy sa ____________.


a. Labanan ng mga tauhan sa kuwento c. Tauhan at sitwasyong kinasadlakan
b. Tauhan laban sa lipunang ginagalawan d.Tauhan at sariling kagustuhan

16. Dahan-dahan niyang binuhat ang amang matagal ng nakaratay sa karamdaman at halos hindi na
makapaglakad nang maayos. Ang ama ay nangangahulugang _________.
a.matandang- matanda na b.pilay c. maysakit d. walang malay
17. “Alam ko na nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa
pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.” Anong klaseng ama mayroon si Adrian.
a. mapagmahal b. matiisin c. maunawain d. maalaga

18. “Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata, walang imik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at
natagpuan ang sariling bumalik sa lugar kung saan sila nanggaling.” Ano ang nangyari kay Adrian?
a. nagalit b. nalungkot c. napahiya d. natauhan

Para sa bilang 19-21. Piliin ang angkop na salita sa patlang. Piliin ang titik ng sagot mula sa mga sumusunod:
a. sa tingin ng b. pinaniniwalaan ko c. ayon sa d. sa palagay ng

19. _________ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng komunidad
sa posibleng epekto ng Climate Change sa sangkatauhan.

20. _________ maraming Pilipino, ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa sunod-sunod niyang laban ay
nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kanyang karera sa pagboboksing.

21_________ Department of Social Welfare and Development, mapangib din sa mga bata ang paglalaro ng
mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
22“Hindi mabibilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan, paghakbang na pinuhunanan ng pawis,
dugo at luha.” Anong pananaw ang ipinahahayag sa bahaging ito ng tula?
a. Ang kasaysayan ay dumaan sa iba’t ibang yugto.
b. Iba’t ibang hirap ang pinagdaan ng kasaysayan.
c. Pinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan ayon sa kasaysayan.
d. Masasalamin ang bawat hirap na pinagdaanan sa bawat yugto ng kasaysayan.

23. “Anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian ang kultura’y pinagyabong
nang may halong sigla at tuwa.’ Ang pahayag ay nagpapahiwatig ng
a.pagkakaroon ng kultura ng anumang lahi. c.kahalagahan ng kultura sa bawat tao.
b.kayamanan ng isang lahi ang kultura. d.pagpapaunlad sa kulturang nakagisnan.

24. “Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan.” Ang
pahayag ay nagpapahiwatig ng
a. pangaral. b. paalala. c. habilin. d. pakiusap

25. Sa pangungusap na, “Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga.” Aling salita ang
may dalawa o higit pang kahulugan sa loob ng pangungusap?
a. araw b. muli c. dako d. silangan

26. Mula sa akdang “ Kay Estella Zeehandelaar- salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo “ Nang tumuntong ako ng
labindalawang taong gulang, ako ay ikinulong sa bahay. Kinakailangang ikahon ako upang tuluyang mawalan ng
ugnayan sa labas. Ang kasingahulugan ng salitang ikahon ay ________.
a. ikulong b. tumuntong c. ugnayan d. tuluyan
27. “Magsasama-sama, magkakapit-bisig, matutulung-tulungan habang patuloy na humahakbang upang
galugarin pa ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi.” Ilang salita ang magkakasingkahulugan sa loob ng
pahayag?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

28. “Ang ngiti ni ina ay patak ng ulan kung tag-araw, ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw”.
Anong damdamin ang masasalamin sa pahayag?
a. pagdurusa b. pagtitiis c. karalitaan d. kalungkutan

29. “Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay, di mo na kailangan humakbang pa sapagkat
simula’t simula pa’y piñatay ka na.” Anong damdamin ang nagingibabaw sa pahayag?
a. awa b. lungkot c. lungkot d. hinanakit

30. “Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili. Buhay na di mo matatanggihan dahil nasa mga palad
mo.” Ang taong pinag-uukulan ng pahayag ay nangangahulugang
a. may mahirap na buhay. c. walang pakinabang.
b. nawawalan ng pag-asa. d. may malaking responsibilidad.

31. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatiwatig ng kawalan ng kalayaan?


a. Apat na mahalagang taon ang itinagal ko sa pagitan ng makapal na pader
b. Nakatali ako sa lumang tradisyon na hindi maaaring suwayin
c. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan
d. Lahat ng nabanggit

32. “Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang
ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit
nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin.” Anong ideya o kaisipan ang nais
palutangin ng pahayag mula sa akdang “ Kay Estella Zeehandelaar-( salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo) ?
a. Pagnanais na lumaya sa isang tradisyunal na tradisyon.
b. Pagiging mahigpit ng mga batas sa Europe.
c. Pagnanais ng trabaho ng mga kababaihan sa Europe.
d. Pagkakaroon ng kalayaan ng mga kababaihan.

33. “Subalit dumating ang kaibigan ko’t taga-pagligtas- ang Diwa ng panahon; umaalingawngaw sa lahat ng
dako ang mga yabag niya. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at
bahagya lamang.” Ano ang ideyang ipinahihiwatig ng “diwa ng panahon”?
a. pagbabago b. pag-asa c. kalayaan d. kasaysayan

Panuto: Para sa bilang 34-36. Piliin ang kasingkahulugan ng mga salita sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagpili
ng titik ng tamang sagot.
34. Ikinulong, itinali, ikinahon,__________
a. Inalipin b. Inalipusta c. inaruga d. ipiniit
35. Hinangad, ninais, ginusto, _________
a. inakala b. inisip c. inasam d. inisip
36. Pangarap, mithiin, adhikain, _________
a. hangarin b. layunin c. panaginip d. pakay

37. Sa mga pangungusap na, “Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t
nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe. Pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan. Ano ang
angkop na gamiting pang-ugnay upang maging isa ang pangungusap?
a. kaya b. ngunit c. subalit d. palibhasa

38. Paano nga ba hindi magkakaganoon? Ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas. Anong pang-ugnay ang
dapat gamitin para maging isa ang pahayag?
a. gayong b. dahil c. palibhasa’y d. ngunit
39. Alam ko maaaring dumating iyon, ________ baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon.
Ano ang angkop na pang-ugnay na maaaring ipuno sa patlang?
a. ngunit b. marahil c. at d. datapwat

Boy: Sasama ka bang magsisimba sa amin Tiyo Simon?


Tiyo Simon: oo Boy, sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong
tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi ang
pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

- “Tiyo Simon”- NPS Toribio

40. Ipinahihiwatig ng teksto na ang nagsasalita ay

a. may hinanakit sa Diyos. b. may galit sa Diyos.


c. may pag-aalinlangan sa paglapit sa Diyos. d. may matapat na pananalig sa Diyos.

41. Ano ang pangunahing kaisipan ang nais ipahiwatig ng may-akda sa dulang Tiyo Simon?
a. Pagmamahal sa magulang c. Pananalig sa Dios
b. Paggalang sa mga kamag-anak d. Pagsasamba lagi

42. Ayon sa mga salitang may salungguhit paano mo maipapakita bilang isang Asyano ang matibay at mataos
na pananalig sa Diyos?
a. Pagsamba palagi c. Paggalang sa mga kamag-anak
b. Pagsunod sa magulang d. Pagtanggi sa magulang
43. Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng Amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ano ang
kayarian ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. Maylapi b. Payak c. Tambalan d. Salitang-ugat

44. Ang iyong Ama ay namatay nang hindi manlang nakapagpapa-Hesus. At ang iyong Amain ay isang Ateista.
Nag-iba ang kahulugan ng salitang Ama sa pangungusap sa pamamagitaan ng?

a. Paglalapi b. Pag-uulit c. Salitang- ugat d. Pagtatambal

45. Ang salitang Patay ay nangangahulugang isang nilalang na walang buhay. Ano ang kahulugan nito kapag
nilagyan ng gitlaping in ang salita?

a. Kilos ng pagkitil ng buhay b.Paglalagay ng buhay c.Pagtatapos ng buhay d. Pagsasabuhay


46- 48. Piliin sa mga sumusunod ang angkop na salita para sa mga bilang 46-48.

a. Sa totoo b. Talaga c. tunay d. napatunayan

46 ________ ngang mabisa ang gamot na ito sa sakit sa kasu-kasuan.________47.lang nagamit ko na ito
at _________48. masasabi kong ito ay maaasahan.

Tiyo Simon: Kinuha ko ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili… sapagkat nang
yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay
na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang buto.. ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan.

Mula noon, Akoy nag-isip Boy, Hindi ko malimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan,
hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig ng
isang batang hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng tao
ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung
may panimbulanan siya sa sandal ng lalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian.. upang may makapitan siya
kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.
-“Tiyo Simon”- NPS Toribio

49. Suriin ang bahagi ng isang dula. Ano pangyayari ang nagpapakita ng pagkamakatotohanan?
a. Ngiti ng bata sa kabila ng pagkadurog ng buto
b. Hindi paghihiwalay ng manika sa kanyang katawan
c. Ang pananalig sa Dios ay mahalaga
d. Nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay
50. Anong pangyayari ang maiuugnay natin sa totoong buhay?
a. Pagbabago sa pamamagitan ng pagpulot ng manika
b. Pananalig sa Dios sa kabila ng kahirapan
c. Nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay
d. Ngiti ng bata sa kabila ng pagkadurog ng buto

“Ang pangongopya upang makapasa ay hindi mabuti. Ugaliing maging matapat sa sarili upang
kinabukasan ay bumuti “^_^. Pagpalain kayo ng Panginoon! – Sir Kent

Nabatid ni Inihanda ni:

CHERYL T. TAMPOS KENT B. DARADAR


Master Teacher I Guro sa Filipino 9

Inaprobahan ni:

MARIA THERESA D. APOSIN


Principal II

You might also like