Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga

nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa
kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at ibinahagi ang kanyang
iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na
tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang
bansa.Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa
pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang
mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o
bansa. Ang wika ay kumakatawan din sapangunahing pagpaparating sa iba ng
panlipunangpagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga
damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.Ang wikang Filipino, na siyang pambansang
wika sa Pilipinas Ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang
matalo ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang
tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang magbuklod-buklod ang
mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring nagdulot ito ng mga kaguluhan at hindi
pagkakaunawaan.Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika
ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang
kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ngmga
kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin naginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting
paraan na maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon.Ito ang ilaw na magiging tanglaw ng
mga Pilipino upang mapabuti pa ang mga gawain. Ito rin ang magsisilbing lakas

upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.Sa paglipas ng panahon,
mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa
kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito.Gayundin
naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang ihugos sa kanilang pamahalaan ang
kanilang mga hinaing.Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang sariling wika ang kasidhian
ng kanyang damdamin, ang lalimng kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang ginagalawang
kapaligiran, ang lawak ng kanyang kultura at sining, ang kabihasnan niya sa anumang larangan at ang
katotohanan ng kanyang pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang
ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

You might also like