Professional Documents
Culture Documents
PBL Kulang NG 3 Tanong
PBL Kulang NG 3 Tanong
Ipinasa Kay:
Mga Mananaliksik:
Camacho, Janelle
Cruz, Jamaica
Garcia, Celver
Marañan, Regina
May 2018
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Introduksyon
Walang araw ang lumipas na hindi nakakakita ang isang karaniwang Pilipino ng mga
asong gumagala sa mga lansangan. May sakit, payat, sugat-sugat, galisin at kung minsan ay
naglalaway pa na nagpapahiwatig na ang asong ito ay mayroong dalang nakamamatay na sakit
na kilala sa na rabies. Sa Pilipinas talamak ang isyung ito lalo na sa mga lugar na malapit sa
informal settlers, isa na rito ang lungsod ng Quezon City.
Ang ganitong klaseng mga aso ay tinatawag sa Pilipinas na Aspin. Ang salitang aspin na
ang kahulugan ay Asong Pinoy, na karaniwang nakikita sa mga lansangan. Ito ay iminungkahi
at ipinanukala ng Philippine Animal Welfare Society. Marami ang mga maaaring dahilan kung
bakit sila pakalat kalat lamang sa kalye at isa na ito ang kanilang pagpaparami at dahil sa
walang permanenteng amo o tahanan, sa kalye lamang sila naglalaboy araw-araw.
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga maaring maging epekto ng mga Aspin, hindi
lamang sa kahulusagan ng mga tao pati na rin sa kapaligiran. Ipakikita din ng pananaliksik na
ito ang mga posibleng solusyon at kung paano matutulungan ang mga asong nangangailangan
ng kalinga, ang mga taong naaapektuhan at ang ating kapaligiran na patuloy na nasisira dahil
sa iba’t ibang klaseng mga polusyon na dulot ng Aspin.
2. Layunin ng Pag–aaral
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong ipakita ang iba’t ibang epekto ng
dumaraming bilang ng pakalat-kalat na aspin sa lansangan sa lahat ng sulok ng Pilipinas,
partikular sa Lungsod ng Quezon. Kasabay nito ang paghahanap at pagpapakita ng mga
posibleng solusyon sa lumalalang isyu. Isang isyu at pampublikong problema na nakakaapekto
sa lipunan, kalusugan ng tao, kapaligiran at sa mismong mga aspin.
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang bigyan ng pansin ang mga taong
naapektuhan ng sakit na dulot ng Aspin, ang isyung panlipunan at ang kalagayan ng bawat aso.
Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang para sa mga Aspin kundi naglalayong mailagay ang mga
mamamayan sa ayos at masiguro ang kanilang kaligtasan.
Magsisilbi ring babala at aral sa mga may-ari ng aso at lumalabag sa mga karapatan
nito na baguhin ang kanilang gawi at maging responsableng amo at maisaisip nila ang
kahalagahan ng aso sapagkat sila ay may buhay at damdamin rin.
Isa pang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ipagbigay alam sa publiko at sa mga
mambabasa ang maaari nilang gawin at maitulong upang mabawasan ang dumadaming bilang
ng mga Aspin at nais din gisingin ng mga mananaliksik ang kamalayan ng mga tao upang
maging maalam sila sa kanilang paligid.
Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing instrumento upang matulungan ang mga taong
apektado nito at magkaroon ng sapat na kaalaman na maaari nilang isagawa upang hindi na
muli silang maaapektuhan.
4. Saklaw at Limitasyon
Sinasakop ng pag–aaral na ito ang mga epekto at solusyon ukol sa isyu ng mga Aspin sa
lipunan. Saklaw din sa pag–aaral na ito ang mga kalagayan ng mga aspin sa lansangan at
kanilang mga karanasan sa Quezon City. Saklaw ng pag-aaral rin nito ang mga sakit, polusyon
na maaaring maidulot ng Aspin sa mga tao at ang mga karanasan nila.
Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa isang lugar lamang, ang Lungsod ng Quezon. Kilala
ang Quezon City bilang isang lungsod na maraming nakatalang isyu patungkol sa Stray dogs,
kaya ang mga matataas na opisyal ng lungsod na ito ay naging mahigpit sa kanilang panukala
ukol sa mga Aspin ng kanilang lugar. Ang hangganan ng pag – aaral na ito ay kapag nakamit
na ng mga manununulat ang mga solusyon at hakbangin na dapat gawin at nabigyang
kasagutan ang kanilang mga katanungan.
1. KAUGNAY NA PAG-AARAL
DAYUHAN
Isa pang pananaliksik mula sa dayuhan kung saan ito ay isang organisasyon na
naglalayong bigyang pansin, importansya at serbisyo ang buong mundo pagdating sa kalusugan
ng mga tao, sila ang World Health Organization.
Ayon sa World Health Organization o WHO, mayroong higit kumulang 200 milyon na
asong kalye sa buong mundo at sa bawat taon 55,000 na tao ang namamatay ng kagat ng
aso na may dalang rabies. Sa bansang Los angeles mahigit 200, 000 resident ang nakakagat ng
mga pinabayaang aso sa loob ng isang taon.
“The World Health Organization (WHO) estimates that there are more than
200 million stray dogs worldwide and that every year, 55,000 people die from rabies.
Detroit ranked sixth last year for dog attacks in the U.S “
Ayon sa isang artikulo na ginawa ng isang grupo na tinawag na “The Blue Dog”, ayon
sa artikulo ang mga asong kalye ay kinokonsidera bilang di na nakatutulong sa lipunan. Ang
mga aso ay dapat kinukulong o malayang nakagagalaw sa ka ilang kinalalagyan. Importante na
makamit o mamanipula ang populasyon ng mga aso kaya sila ay tawaging asong kalye.
Ayon kay Isabelle Sternheim na gumawa ng pananaliksik ulit sa mga aso at ito ay
pinamagatang “How Holland Became Free of Stray Dogs” taong 2012 ng Marso. Inilahad niya
kung paano Ang tamang palikitungo ng mga tao sa alagang aso. Inilahad din ang mga epekto
ng mga galang aso o asong kalye sa bansa. Nagrekomenda din siya kung ano ang dapat na
gawin ng mga bansang may kaperehas na problema.
LOKAL
Ayon sa website ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) may dalawang batas na
naglalayong pangalagaan ang mga hayop, ang tamang pangangalaga para sa may ari ng hayop
at kung sakali mang makakagat ang alagang hayop.
Ang unang batas ay ang RA 8485 The Animal Welfare Act na nagsasabi na labag sa
batas na pabayaan ang pagaalalaga, pag alis ng tirahan at hindi pag trato ng tama sa mga
alagang hayop kabilang na dito ang aso. Ang pangalawang batas ay ang RA 9482 Anti Rabies
Act and Responsibilities of a Pet Owner na nagsasabing ang alagang aso ay dapat kompleto sa
bakuna, ang mga may ari o nagaalaga ng aso ay dapat nagpapasa ng mga papeles ukol sa
rehistro ng alagang aso.
Ang mga may alaga ng aso ay dapat mapanatili ang pagkontrol sa alagang aso. Hindi
dapat nila pinababayaan ang alagang aso na pagalagala sa kalye. Dapat maging responsableng
may ari ng aso. Sa loob ng 24 oras, dapat ipagbigay alam ang insidente ng pagkagat ng aso sa
isang tao. Ang may ari ng nakakagat na aso ang dapat magbayad sa maga medikal na gastos
ng biktima.
Ayon sa Philippine Animal Welfare Society na pinamagatang “Why are there a lot of
stray cats and dogs”, ang mga kadalasang asong kalye sa Pilipinas ay galing sa mga pamilyang
hindi na kayang alagaan ang mga alagang hayop kaya kanila itong tinatapon o kapag Ang
alagang hayop ay may sakit at ayaw na nila itong ipagamot kanila na itong pinababayaan. Ang
mga asong kalye o asong gala ay sanhi ng mga di kailangang hayop na tinatapon o pinabayaan
na lamang sa kalye. Ayon sa PAWS isa sa mga pwedeng paraan para mababasa Ang
populasyon ng aso ay spay and nueter or kapon. Ito ay ligtas na pag-oopera na ginagawa ng
mga veterinaryo sa gantong paraan hindi na makakapagparami ang mga hayop.
Ayon kay Neal H. Cruz na siyang nagsagawa ng artikulona pinamagatang “Solution is to
control stray animals population” tatlong taon ang nakaraan, ang mga hayop ay
prinoprotektahan Laban sa mga ignoranteng opisyal at mga taong ayaw sa hayop sa lungsod
ng Quezon City. Gumawa si City Hall Vice Mayor Joy Belmont’s ng isang Implementing Rules
and Regulation (IRR) of the Veterinary Code that Repealed Ordinance No.2386 na naglalayong
limitahan ang mga may ari o nais magalaga ng hayop na hanggang apat lamang ang pwedeng
maging alagang hayop. Sa IRR na ginawa ang mga may ari ng alagang hayop ay dapat
magbayad ng P500 sa bawat alagang hayop na ipaparehistro. Ang Alagang hayop na
naparehistro ay May libre antirabies na bakuna, libreng pagkakapon at libreng tali at tags. Ayon
sa City Hall Official dapat munang magisip bago gumawa ng action at dapat humingi ng tulong
at pati sa animal welfare groups.
2. KAUGNAY NA LITERATURA
DAYUHAN
Mayroong isang liibro na tumatalakay sa mga aso at asong kalye. Ito ay isinulat ni
Carien Rabstake at ni rebisa ni Isabelle Sternhem. Ang libro ay pinamagatang “Dogs and
Stray Dogs” na sinulat para sa world stray animal day sa pakikiisa ng stary animal
foundation platforms, animal medical foundation at dog research. Ang libro ay naglalayon o
tumatalakay tungkol sa mga aso. Paano namumuhay ang mga aso, ano ang mga kailangan
ng mga aso at paano sila nagiisip. Ang libro ay tumatalakay din sa mga asong kalye na
ating nakikita sa mgakalsa da. Ang libro ay nagsaaad din ng mga sulosyon kung paano
matutulungan Ang mga asong kalye. Nakasaad din sa libro na lahat tayo ay pwedeng
makatulong para makatulong sa mga asong kalye.
Ayon sa artikulong pinamagatang “Welcome to the Land of a thousand stray dogs”
mula sa National Geographic taong 2017, Nobyembre 2 ni Kay Dan Giannapoulos, isang British
na mangunguha ng larawan na siyang naglaan ng oras sa mga aso at nakasalamuha ng mga
taong nag-alaga rito. Ang pasilidad na tinitirhan ng mga stray dogs ay tinawag Na "Land of the
Strays".
Sa lugar ng Territorio de Zaguates, ang mga walang matirhang aso sa Costa Rica ay
kanilang kinukuha at kada hayop Na napupunta rito ay binibigyan ng pangalan. Sa kasalukuyan
ay mayroon 970 Na aso ang naninirahan dito.
Ang tagapagtaguyod nito Na sina Lyka Battle at Ang asawa nito na si Alvaro
Saumet ay nagsimulang mag-alaga ng stray dogs sa lansangan ng San Jose 13 taon Ang
makalipas. Nang magsimula ng dumami Ang bilang ng stray dogs ay nagdesisyon silang ilipat
ito sa bukid Na pagmamay-ari ng lolo ni Battles.
Ayon Kay Xinhua na sumulat ng artikulo na pinmagatang “ Zimbabwe town to shoot
stray dogs following rabies outbreak” t aong 2013,Marso 7 na ipinag-uutos ng mga awtoridad ng
beterinaryo sa Herare na ikulong ang mga alagang hayop upang maiwasan ang dulot niyong
rabies sa loob at labas ng nasabing lugar at maiwasan ang pagpatay at pananakit sa mga aso.
Naglalabas ng ordinansa ang Mashonaland Central Provincial Veterinary Officer Wilmot
Chikurunhe na kung saan isinasaad Na Ang pagtatali sa mga aso ay magiging epektibo sa
March 19-23 at susundan ng bakuna sa mga aso.
Ang beterinaryo ay magsasagawa ng 6 PM hanggang 6 a.m. na operasyon upang mabawasan o
maubos ang mga aso sa lansangan.
LOKAL
Sa ulat ni Mark Zambrano sa GMA News "24 Oras" nitong Sabado, sinabi na nitong
nagdaang Abril nang matagpuan sa kalye ni Raevin Amante Bonifacio si Brei, na tadtad ng galis,
amoy malansa at hirap maglakad dahil namamaga ang paa. Dahil sa awa, kinupkop ni Raevin
ang aso, inuwi sa bahay, inalagaan at pinakain. Saad ni Raevin, bagaman napansin niya na may
lahing Husky ang kinupkop niyang si Brie dahil sa kulay ng mata nito, hindi niya inakala na
napakaganda nito nang lubusang lumabas na ang makapal nitong balahibo.
Ayon sa Philippine Animal Welfare Society, bagaman tama ang mga herbal remedies na
ginamit ni Raevin kay Brie, mas makabubuti umano na ikonsulta pa rin sa beterinaryo ang mga
sasagiping aso para makasiguro lalo na kung malubha ang kalagayan.
Lumagda ang Quezon City Veterinary Office at ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa
isang kasunduan para sa paglulunsad ng libreng bakuna para sa 300,000 populasyon ng aso sa
lungsod. Unang makikinabang sa citywide vaccination program ang Barangay Payatas, Holy
Spirit, Bagong Silangan, Batasan Hills at Commonwealth na sakop ng pangalawang distrito ng
lungsod. Sakop din ng programa ang mga inaalagaang pusa. Bukod sa vaccination drive,
magsasagawa rin ng mass registration para sa mga aso at pusa sa 142 barangay ng lungsod.
“Quezon City is one of few local government units purchasing its own supply of rabies
vaccines,” pahayag ni city veterinarian Dr. Ana Maria Cabel.
Ayon kay Cabel, ang mga asong kalye pa rin ang pangunahing nagdadala ng rabies at
ang Quezon City ay isa sa limang lungsod na kinakitaan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng
kagat ng aso nitong mga nakaraang taon. (Chito Chavez).
Republic Act No. 8485, “An act to promote animal welfare in the Philippines,
otherwise known as the Animal Welfare Act of 1998” Taon ng Pagsasabatas: 1998,
pirmado ni Pangulong Fidel V. Ramos
Ang RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na
komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa
lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committee on Animal Welfare na siyang
mamumuno sa pagpapatupad ng batas. Sinasabi ng batas na dapat mabigyan ang lahat ng
hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang
lumalabag dito.
Sa Seksyon 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture sa mga hayop.
Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa mga
hayop na kinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pang poultry, kuneho,
kalabaw, kabayo, usa at buwaya. Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop na hindi
nabanggit liban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng
hayop, at animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit
dito.