Panalangin NG Bayan March 12

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Manalangin tayo sa Diyos Ama na pukawin ng kanyang pag-ibig ang lahat at ang kanyang

pag-ibig ay matatak sa ating pakikitungo sa bawat tao.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


o kaya
Panginoong Diyos, palaguin mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y hindi kailanman tumigil sa pagpapahayag ng pag-ibig sa Diyos at sa


kapwa bilang puso ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang komunidad nawa ng Calauan ay mapuspos ng biyaya sa paggunita ng Misa Pasasalamat


bilang Pari ni Fr. Rodil Lladones,SDB , manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang huwag kaligtaan kailanman ang magpadama ng habag sa mga kapuspalad, sa
mga walang nagmamahal at mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang pakitunguhan ang bawat tao nang may kabutihang-loob at paggalang,
manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit at matatanda nawa’y magkaroon tayo ng higit na habag sa pamamagitan ng


banayad na pagpukaw ng Espiritu Santo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating yumaong mga mahal sa buhay, nawa’y ihatid ni Kristo sa kanyang walang
hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

You might also like