Araling Panlipunan: Ikaapat Na Markahan - Modyul 3: Mga Tungkulin NG Mamamayang Pilipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

4

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Mga Tungkulin ng Mamamayang
Pilipino

i
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Jane Laren Amahit Etalyn B. Acibes Josephine T. Sardan
Manunulat: Editor:
Nieves S. Asonio
Tagasuri:

Tagaguhit:
Tagalapat:James B. Caramonte
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO VRosela R. Abiera Joelyza M. Arcilla EdDMaricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdDElmar L. Cabrera Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros


Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

ii
Alamin
sential Learning Competency (MELC) Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin AP4K

Mga Layunin

K - Natatalakay ang mga tungkulin ng


mamamayang Pilipino.

S- Nasusunod ang mga tungkuling iniatang


ng pamahalaan.

A- Napahahalagahan ang mga tungkulin ng


mamamayang Pilipino.

Subukin
Panuto: Iguhit ang masayang

mukha kung ang pahayag ay


tungkulin bilang isang mamamayang
Pilipino at malungkot na mukha
naman kung hindi.

1. Pagtatanggol sa bansa laban


sa naninira dito.
2. Pagsunod sa Saligang Batas
ng Pilipinas.
1
3. akatulong
P sa
ak nakararami
iki .
la
h
ok
sa
m
g
a
pr
o
gr
a
m
a
n
g
n
a
gl
al
a

yo
n
g
m

2
4. Pagtataguyod sa mga proyekto ng pamahalaan.
5. Pagsasawalang – bahala sa mga batas na ipinatutu –
pad ng pamahalaan.
6. Hahayaan lang ang mga basura na magkalat sa aming
bahay o daan.
7. Dapat gumawa ng mga bagay na makasisira sa
kapayapaan at kaligayahan ng ating kapuwa.
8. Maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa
pamamagitan ng pagmamalaki at pagtatangkilik sa
kultura ng bansa; pagtangkilik sa mga produktong yari
dito; at pag-alam sa kasaysayan ng bansa.

Balikan

Panuto : Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa


patlang ang Tama kung ang isinasaad nito ay wasto at
Mali kung hindi wasto. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Ang karapatan ay dapat na tinatamasa ng lahat ng mamamayan.


2. Ang mayayaman ay higit na mas maraming
karapatan kaysa mahihirap.
3. Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin.

4. Ang mahihirap na bata ay hindi dapat pang mabuhay.

5. Ang mga pulis ay may kapangyarihan na maaaring

maghalughog o pumasok sa bahay ng kahit na sino.


Tuklasin

Panuto: Tingnan ang mga larawan.


Ano kaya ang ginagawa nila at bakit nila ginagawa ito?

https://images.app.goo.gl/YXmAFf8PM3SXHpG5A https://images.app.goo.gl/vEjxMqyds7pdTqGs6

https://images.app.goo.gl/eZWDwc1PZZYQkakQ7 https://images.app.goo.gl/REiRMa8TTRNzedBG9

https://images.app.goo.gl/boU3JqE59LSJq7yx9 https://images.app.goo.gl/P3kdnWcfanf15HXS7

Ang mga larawan ay nagpapakita ng tungkulin ng tao.

Anu ano ang mga tungkulin ng isang mamamayan sa kaniyang


sarili, sa kapwa at sa pamayanan?
Suriin

Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino


May mga tungkulin ang bawat mamamayan na dapat gampanan
kapalit ng karapatang itinadhana ng batas para sa kaniya. Tungkulin
niyang tuparin ang mga itinakdang batas upang ipakita ang kaniyang
pagiging tunay at tapat na mamamayan ng bansa. Ilan sa mga
tungkuling dapat gampanan ay ang pagmamahal sa bayan,
pagtatanggol sa bansa, paggalang sa watawat, pagsunod sa batas at
paggalang sa maykapangyarihan, pakikipagtulungan sa pamahalaan, at
paggalang sa karapatan ng iba.

Pagmamahal sa Bayan
Gaya ng nakasaad sa “Panatang Makabayan,” nararapat lamang
na mahalin ng bawat mamamayang Pilipino ang kaniyang bansa.
Tungkulin ng bawat isa na maging tapat sa bayan at pangalagaan ang
kapakanan nito. Maipapamalas ang pagmamahal sa bayan sa
pamamagitan ng pagmamalaki at pagtatangkilik sa kultura ng bansa;
pagtangkilik sa mga produktong yari dito; at pag-alam sa kasaysayan ng
bansa.

Pagtatanggol sa Bansa
Tungkulin ng bawat mamamayang
Pilipino na ipagtanggol ang bansa. Ipinakita
ito ng ating mga bayani sa kanilang
https://images.app.goo.gl/dDiDmx5JSw5QLLZ98
panahon. Ibinuwis nila ang kanilang buhay upang matamo ang
kalayaang tinatamasa natin ngayon. Sa panahon ng kapayapaan,
maaari pa ring ipagtanggol ang bansa sa pamamagitan ng paglaban sa
mga tao o pangkat na nais manggulo sa maayos at maunlad nating
pamumuhay. Dapat din tayong maging handa sa anumang oras na
kailanganin ng bayan ang ating serbisyo gaya ng pagpapatala sa
hukbong sandatahan sa panahon ng digmaan. Tungkulin din nating
ipagtanggol ang bansa sa pamamagitan ng pagbabalita o paglalathala
tungkol sa kagandahan at kagalingan ng ating bansa laban sa mga
naninira rito.

Paggalang sa Watawat
Ang watawat ay simbolo ng bansa na nagsisilbing bantayog ng
makasaysayang pakikipaglaban ng mga Pilipino
upang makamit ang kalayaan. Nararapat lamang
na igalang natin ito. Bilang paggalang sa
watawat, tumayo nang tuwid at tumingin sa
watawat habang inaawit ang “Lupang Hinirang.”
Dapat ding tama ang pagkakatiklop nito.
Mahalaga ring malaman ang kasaysayan ng
watawat at kahulugan ng
disenyo nito. Gayundin ang pagsunod sa mga
https://images.app.goo.gl/hh4aMa32x1eF3gJdA

alituntunin sa tamang paggamit nito.

Pagsunod sa Batas at Paggalang sa Maykapangyarihan


Ang batas ay ginawa upang maging maayos, matiwasay,
mapayapa, at maunlad ang pamumuhay ng mga tao sa bansa. Bilang
mamamayan, tungkulin nating sundin ito sa lahat ng oras. Dapat ding
igalang ang mga taong nagpapatupad ng batas gaya ng mga
namumuno sa pamahalaan at kapulisan. Tungkulin din nating ipaalam
sa mga
maykapangyarihan kung may lumalabag sa batas lalo na kung ito ay
nagbabanta sa seguridad at kapayapaan ng pamayanan o ng buong
bansa.

Pakikipagtulungan sa Pamahalaan
Tungkulin ng mamamayan na makipagtulungan sa mga programa
at proyekto ng pamahalaan upang
makamit ang pag-unlad. Magagawa
natin ito sa pamamagitan ng pakikilahok
sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan
gaya ng pangangalaga sa mga likas na
yaman, kampanya laban sa
ipinagbabawal na
gamot, pagtataguyod ng kalinisan, https://images.app.goo.gl/hh4aMa32x1eF3gJdA

kampanya sa kalusugan, pagbabayad ng tamang buwis, at paglahok sa


halalan.

Paggalang sa Karapatan ng Iba


Walang sinuman ang may nais nating mamuhay nang mapayapa,
hindi tayo dapat gumawa ng mga bagay na makasisira sa kapayapaan
at kaligayahan ng ating kapuwa.
Halimbawa, hindi ka makatulog kapag
may maingay. Huwag ka ring mag-
iingay kapag may natutulog. Kung
ayaw mo manakawan, huwag kang
magnanakaw. Ito rin ay tumutugon sa
kasabihang: “Huwag mong gawin sa
iba ang ayaw mong gawin sa iyo.”
https://images.app.goo.gl/xgCEQD9caU6odJM76
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Kumpletuhin ang “Panatang Makabayan” sa ibaba at
sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang , aking lupang sinilangan,


Tahanan ng aking lahi, ako at Maging
, masipag at
Dahil ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang ng aking ,
ko ang ng paaralan,
ko ang mga ng isang
Mamamayang , ,
, at nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking , ,
pagsisikap Sa bansang .

1. Anu-ano ang mga tungkulin ng mga mamamayan sa kanyang bansa


ayon sa panata?

2. Masasabi mo bang ito ay iyong binibigkas na nagmumula sa


kaibuturan ng iyong puso, o ito ay iyong ginawa lamang dahil sa ito ay
bahagi ng alituntunin ng paaralan?
Gawain B

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Hanapin sa loob ng kahon ang


tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong
kuwaderno.

A. Pagmamahal sa BayanD. Pagsunod sa batas Paggalang

B. Pagtatanggol sa Bansa sa karapatan ng iba

C. Paggalang sa Watawat E. Pakikipagtulungan sa Pamahalaan

1. Masayang nakilahok si Marie sa paglilinis sa harap ng kanilang bahay


dahil sa panawagan ng programa ng barangay na “Tapat Ko, Linis Ko.”

2. Pilit na kinukumbinsi ng kaniyang mga kaibigan si Jojo na mangupit


sa tindahan ng kaniyang tiyuhin. Hindi siya pumayag kahit nagalit ang
mga ito sa kaniya.

3. Tuwing Lunes, nagkakaroon ng pagtataas ng watawat sa paaralan


nina Annali. Habang umaawit, iniiwasan niyang sagutin ang kaniyang
mga kamag-aral na nais makipagkuwentuhan sa kaniya bagkus ay
buong pagmamalaki siyang tumatayo nang matuwid at umaawit nang
malakas.

4. Sa tuwing bibili ng sapatos si Luna, lagi niyang pinipili ang mga gawa
sa Marikina kaysa sa mga yari sa Korea dahil ayon sa kanya, bukod sa
magaganda at matitibay ang mga ito ay nakatutulong pa siya sa mga
kapwa kababayan.

5. Sumama si Lina sa kanyang mga magulang sa Hongkong.


Nakihalubilo siya sa mga batang naroon at narinig niyang sinasabi ng
isa rito na nakakatakot pumunta sa Pilipinas. Nilapitan niya ang bata at
sinabi niyang hindi totoo ito at may pagmamalaki niyang ipinahayag na
magandang mamasyal sa Pilipinas.
Isaisip

A. Punan ang sumusunod na talahanayan. Gawin sa iyong


kuwaderno.

ANU-ANO ANG MGA


TUNGKULIN NG MGA
MAMAMAYANG PILIPINO GAANO ITO KAHALAGA?
NA
IYONG NATUTUHAN?

B. Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag.

Mahalagang masunod angmgatungkulinnainiatangng


pamahalaan sa
mamamayang Pilipino dahil

.
Isagawa

A. Panuto: Iyong balikan ang nabuong “Panatang Makabayan”.


Bumuo ng isang mini poster sa isang bond paper kaugnay sa mga
tungkulin ng mga mamamayang Pilipino.

Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa iyong paggawa.

Laang Nakuhang
Pamantayan
Puntos Puntos

1. Nailalarawan sa poster ang mga tungkulin ng 5


mamamayang Pilipino.

2. Malikhaing paggawa. 3

3. Kalinisan sa paggawa ng poster. 2

Kabuuang Puntos 10

5- Napakahusay 2- Di gaanong Mahusay


4- Mahusay 1- Sadyang Di Mahusay
3- Katamtaman
Tayahin

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng (√ ) kung sang-ayon


ka sa sitwasyon at ekis (×) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Hindi nagbabayad ng tamang halaga ng buwis si G. Gil dahil


para sa kaniya ay marami namang gumagawa nito.

2. Pinag-aralang mabuti ni Joy ang mga katangian ng mga


kandidato bago siya bumoto.

3. Nakikinig ng mabuti si Leonor sa kaniyang guro sa Araling


Panlipunan dahil nais niyang malaman ang kasaysayan ng Pilipinas.

4. Ayaw makiisa ni Tonyo sa proyekto ng kanilang barangay dahil


naging kalaban ng kaniyang kapatid ang kapitan sa nakaraang
eleksyon.

5. Pinapalitan ng mga magkaklaseng sina Moymoy at Juni ang


titik ng Lupang Hinirang kapag inaawit ito tuwing Lunes ng umaga.

6. Si John ay laging nahuhuli sa pagpasok sa kaniyang klase dahil


madalas hating-gabi na siyang natutulog sa kalalaro ng games.

7. Ang isang Barangay Kapitan ay aktibong namimigay ng tulong


pinansyal sa mga nasalanta ng bagyo.

8. Ang mga pinuno sa aming lugar ay laging nagpapaalala sa


pagsunod sa mga health protocols para maiwasan ang pagkahawa sa
sakit na covid-19.
Karagdagang
Gawain

Panuto:Sagutin ang mga tanong: Isulat lamang ang titik ng


tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Nakita mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo


ay may pagsusulit. Ano ang iyong gagawin?
A. Magsasawalang-kibo na lang ako.
B. Makikikopya rin ako para mataas ang makuha kong marka.
C. Sasabihan ko siya na hindi tamang magkaroon ng kodigo.
D. Magagalit ako sa kaniya kapag hindi niya ako pinakopya.

2. Nagdudulot ng mabahong amoy at usok ang pagawaan ng plastik sa


inyong barangay. Kung isa ka sa mga opisyal ng barangay, ano ang
maaari mong gawin?
A. Pagalitan ang may-ari ng pagawaan.
B. Ipaalam ito sa tanggapan ng punong lungsod.
C. Pulungin ang mga kabarangay at magrali sa tapat ng pagawaan
D. Huwag na lang pansinin dahil hindi naman umaabot ang
amoy sa bahay ninyo.

3. Si Juan ay dating pulis ngunit siya ay nagretiro na. Isang araw,


nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang barangay. Ano ang dapat gawin
ni Juan?
A. Pagpapaluin ang mga nanggugulo.
B. Habulin ang lahat ng mga nanggulo sa lugar.
C. Huwag na itong pakialaman dahil hindi na siya pulis.
D. Awatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis.

4. May proyekto sa inyong barangay ukol sa pagre-recycle ng mga


basura. Marami kayong iba’t ibang basura sa inyong bahay. Ano ang
inyong gagawin?
A. Hahayaan ko ang mga basura sa bahay.
B. Dadalhin ko ang mga basura sa barangay upang e- recycle.
C. Ipagbibili ko ang mga basura sa junk shop para may pera ako.
D. Hihintayin ko ang trak ng basura para kunin
ang sama-samang basura.
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Tayahin


1. 1. Tama 1. x
2. 2. Mali 2. √
3. 3. Tama 3. √
4. 4. Mali 4. x

5. 5. Mali 5. x

6. 6. x

7. 7. √
8. 8. √

Pagyamanin Karagdagang Gagawin


Gawain A Panatang Makabayan 1. C
Gawain B 2. B
1.E 3. D
2. D 4. B
3.C
4.A
5.B
Sanggunian

Aklat
Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit IV Aralin 3- Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino pp. 346-353
May –akda: Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued,
Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R.
Quintos 2. Bagong Lakbay ng LAHING PILIPINO 4
Kabanata IV Aralin 17- Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino pp.412-
418
May –akda: Ailene Baisa- Julian, Nestor S. Lontoc
Teachers Guide

1. Most Essential Learning Competencies (MELC)


2. Araling Panlipunan 4 TG pp.153-157

Internet/Mga Larawan
https://images.app.goo.gl/YXmAFf8PM3SXHpG5A
https://images.app.goo.gl/vEjxMqyds7pdTqGs6
https://images.app.goo.gl/eZWDwc1PZZYQkakQ7
https://images.app.goo.gl/REiRMa8TTRNzedBG9
https://images.app.goo.gl/boU3JqE59LSJq7yx9
https://images.app.goo.gl/P3kdnWcfanf15HXS7
https://images.app.goo.gl/hh4aMa32x1eF3gJdA
https://images.app.goo.gl/dDiDmx5JSw5QLLZ98
https://images.app.goo.gl/hh4aMa32x1eF3gJdA
https://images.app.goo.gl/T1nhwbxVXqGkeByt9
https://images.app.goo.gl/xgCEQD9caU6odJM76
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Duma
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: Website: lrmds.depednodis.net

You might also like