Request Letter To Hon. Emelinda Necesito Agapay Eskwela

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Province of Bulacan
City of San Jose Del Monte

OFFICE OF THE SANGGUNIANG KABATAAN


BARANGAY KAYPIAN

Ika-31 ng Mayo, 2021

Igg. EMELINDA NECESITO


Pangulo
Kaypian HOA Federation
Barangay Kaypian, San Jose Del Monte
Bulacan

Igg. Necesito:

Pagbati!

Mula po sa Sangguniang Kabataan, nagpapasalamat po kami sa inyong ibinigay na suporta sa aming


nagdaang aktibidad kung saan ay (600) na kabataan ang ating napasaya at nabigyan ng “Online Learning
Essentials”.

Kaugnay ng tagumpay na ito ay nais ko rin po na muling ilapit sa inyong organisasyon ang aming aktibidad
na may pamagat na “AGAPAY ESKWELA 2021” na taunan pong ginagawa ng Sangguniang Kabataan at kung
saan ang amin pong tanggapan ay mamamahagi ng School Supplies upang kahit sa maliit na paraan ay madagdagan
po naming ang mga kagamitang pampaaralan ng mga batang nag-aaral sa ika-isa hanggang ika-anim na baitang
(Grade 1 to 6), pampubliko man o pribadong paaralan dito sa ating barangay na hindi po kasama sa mga
nakatanggap ng Online Learning Essentials.

Ayon po sa napagkasunduan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Kaypian ay (15) na slots sa bawat


HOA/PHASES/SITIO ng ating Barangay upang sa bawat lugar ay mayroong kabataan na mabahagian.

Kaugnay po nito, ay napagkasunduan din po ng buong Sangguniang Kabataan na maglaan ng (15) slots sa
bawat HOA/PHASES/SITIO para naman po sa mga Essential Workers edad 18-55 gaya ng mga CONSTRUCTION
WORKES, DRIVERS ng Jeepney, Bus, E-jeep, Truck, maliban po sa mga Tricycle Drivers sapagkat mayroon pong
bukod na iskedyul ng pamamahagi para sa Tricycle Drivers ng ating Barangay. Ang mga nasabing Essential
Workers ay makakatanggap po ng COVID Safety Kit na naglalama ng (1) box Facemask, (1) Faceshield, (250ml)
Alcohol at (1) Hand Sanitizer.

Ang iskedyul po ng aming pamamahagi ay amin pong ipapadala sa inyo (thru messenger) kapag ang bawat
HOA po ay nakapagsumite na ng (15) recipients ng Agapay Eskwela at (15) recipients ng CoViD Safety Kit, sa
aming tanggapan. Maaari din pong i-email sa sk.brgykaypian@gmail.com ang consolidated list of recipients upang
mas mabilis po naming mai-input sa aming database ang talaan ng mga tatanggap ng School Supplies.

Kalakip po ng aking liham ang recipient sheet na maaari po ninyong gamiting talaan ng mga tatanggap.

Lubos po kami na umaasa na muli po ninyo kaming mapagbibigyan sa aming kahilingan para sa mabilis na
paghahatid ng serbisyo para sa kabataang Kaypiaños.

Maraming Salamat po!

Lubos na gumagalang,

JENIELYN S. RACCA
SK Chairwoman

“No youth should be left behind.”


Republic of the Philippines
Province of Bulacan
City of San Jose Del Monte

OFFICE OF THE SANGGUNIANG KABATAAN


BARANGAY KAYPIAN

OFFICIAL LIST OF RECIPIENTS (AGAPAY ESKWELA 2021)


“Distribution of School Supplies”

_____________________________________
(NAME OF HOA)

No. Name of Recipient Representative (if recipient is 16 years Signature


old below)
1

10

11

12

13

14

15

Endorsed by: Approved by:

_______________________ JENIELYN S. RACCA


(Signature over printed name) SK Chairwoman
HOA President

“No youth should be left behind.”


Province of Bulacan
City of San Jose Del Monte

OFFICE OF THE SANGGUNIANG KABATAAN


BARANGAY KAYPIAN

OFFICIAL LIST OF RECIPIENTS (COVID SAFETY KIT)


“Distribution of Covid Safety Kit for Essential Workers”

_____________________________________
(NAME OF HOA)

No. Name of Recipient Occupation Signature

10

11

12

13

14

15

Endorsed by: Approved by:

_______________________ JENIELYN S. RACCA


(Signature over printed name) SK Chairwoman
HOA President

“No youth should be left behind.”

You might also like