Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANTIPOLO ELEMENTARY SCHOOL VIRTUAL GRADUATION CEREMONY 2021

Isang mapagpalang araw sa ating lahat! Buong karangalang inihahandog ng Antipolo Elementary School ang ika-
4 na Moving Up Virtual Ceremony, taong panuruan 2020-2021 na may Temang: Kalidad ng Edukasyon Lalong
Patatagin sa Gitna ng Pandemya.
At upang pasimulan ang ating programa, ang lahat po ay inaanyayahan na sumabay sa pag-awit ng Lupang
Hinirang. Ito po ay susundan ng panalangin at kaagad na susundan ng pag-awit ng CALABARZON March.
At ngayon naman ay ating pakinggan ang pambungad na pananalita ng ating iginagalang, ang mabait at masipag
na Ulong Guro, Sir Glendyl I. Catipan.
(Voice Recorded – Sir Glen)
Nakikiisa rin sa pagbati sa inyo ang ating napakasipag na PTA President walang iba kundi si Gng. Rene Rose
Endencio.
(Voice Recorded – PTA President)
Pagbati mula sa ating kagalang-galang at maaasahang punong barangay, Hon. Rudy Endencio.
(Voice Recorded – Kap. Rudy)
Sa puntong ito ay ating maririnig ang mensahe ng pagbati mula po sa ating iginagalang na Public School District
Supervisor Sir Antonio M. Ilagan.
(Voice Recorded – Sir Antonio)
Taos-pusong pagbati mula sa ating Regional Director Sir Francis Cezar B. Bringas.
(Voice Recorded – Sir Francis)
Nais ding magpaabot ng mensahe ng pagbati ang Schools Division Superintendent Dr. Merthel M. Evardome.
(Voice Recorded – Dr. Merthel M. Evardome)
Mensahe rin ng pagbati ang ating maririnig mula sa DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones.
(Voice Recorded – Leonor Magtolis Briones)
Ngayon naman po ay ating pakinggan ang mensahe ng panauhing tagapagsalita para sa mga batang
magsisipagtapos sa ika-amin na baitang. Nawa ang kanyang mensahe ay magsilbing inspirasyon para sa mga batang
magsisipagtapos na patuloy na nangangarap sa buhay. Ito po ay ibibigay sa atin ni Ma. Khristina Cassandra E.
Magboo.
(Voice Recorded – Ma. Khristina Cassandra E. Magboo)

Ang pinakamahalagang bahagi ng ating programa ay ang pagkilala sa mga batang nakakumpleto ng
kinakailangang kurikulum ng Kindergarten. Kaya naman ating tunghayan ang presentasyon ng para sa kindergarten
ngayong taong panuruan dalawang libo dalawampu, dalawang libo dalawampu’t isa.

(Video Presentation- Completers)


Atin naman pong damhin ang isang awit na alay ng mga batang nagsipagtapos.
(Video Presention – Graduation song)

Para po sa pangwakas na pananalita atin pong pakinggan ang mensahe ng ating butihing ulong guro walang iba
kundi si– Sir Glendyl I. Catipan.
(Video Recorded - G. Glendyl I. Catipan.– Ulong Guro)

Dito po nagtatapos ang ika-4 na Moving Up Ceremony para sa taong panuruan Dalawang Libo Dalawampo –
Dalawang Libo’t Dalawampu’t Isa ng Antipolo Elementary School. Muli po maraming salamat sa lahat ng mga
magulang, mga bata at lahat po ng nakapanood ng ating programa. At ito ang inyong gurong tagapagpakilala Bb. Gyn
Marie H. Mendoza na nag-iiwan SULONG EDUKALIDAD! SULONG ANTIPOLO! MABUHAY COMPLETERS!

You might also like